
“Hoy..”Sigaw na sabi ni EJ para mabaling sa kanya yung atensyon ng mga nambubugbog kay DM.
”Tarandato kayo” Dugtong niya sabay kuha ng pamalo.Lumapit siya dun sa apat.
”Tarandato kayo” Dugtong niya sabay kuha ng pamalo.Lumapit siya dun sa apat.
“Tara takbo na tayo...dali..”Sabi ng isa sa mga nambugbog.”Tara nagantihan na natin sya” Dugtong pa ng isa.
Kumaripas na ng takbo yung apat palayo sa lugar nila. Habang si EJ ay papalapit na kay DM.
“Ok ka lang ba?”Tanong na may halong kaba na sabi ni EJ kay DM.
“Ok lang ako..wala ito galos lang ito.” Pagtanggi ni DM kahit masakit.
“Ano ka ba..tingnan mo yang sarili mo..puro pasa yan..dalhin na kita sa hospital para matingnan ka”Nag-aalalang sabi ni EJ.
“Sus ok lang ako..ihanap mo na lang ako ng taxi. Para umuwi.”Sabi ni DM. Inalalayan siya ni EJ para tumayo.
Saktong namang tapos na yung gulo ng dumating na yung mga guwardiya ng mall para malaman yung nangyari. Puro pasa sa katawan at may blackeye at napapangiwi sa sakit dahil sa pagkakasapak ng panga.Kaso lang ayaw ng makipagusap ni DM bagkus nagpumilit na umuwi na lang siya. At yun nga ang nangyari pumara ng taxi si EJ para makauwi na si DM.Pagkasakay ng taxi ni DM.
“Sigurado kang kaya mo na at ayaw mong magpagamot?” Nag-aalalang pa ring sabi ni EJ.
“Ok lang ako pare..maraming salamat sa tulong mo” Nahihiyang sabi ni DM.”Kung hindi dahil sa iyo siguro mas malala pa yung inabot ko dito” Dugtong nya medyo napapangiwi na sya sa sakit.
“Samahan na lang kita sa bahay niyo para magamot natin yang mga sugat mo.”Sabi ni EJ.
“Naku pare ok lang nakakahiya sayo. Maaabala ka pa.”Tangging sabi ni DM”Tinulungan mo na nga ako sa kanila.Gagamutin mo pa ako.” Dugtong nya.
“Ok lang yan.nurse din naman ako tulad mo.Saka hindi naman ako magtatagal dahil may lakad din ako”Pagmamatigas na sabi ni EJ.
“Naku ok lang talaga..kaya ko naman sarili ko.Beside may tao naman sa bahay.”Tanggi niya at sabay awat pa ng kamay ni EJ. Nagpupumilit kasing pumasok.
“Sige na..wala naman akong hinihinging kapalit.”Sabi ni EJ.”Manong tara na”Dugtong nya.
Hindi na nakatanggi si DM kay EJ sa kadahilang sumakay na ito sa taxi para sumabay sa kanya. Hinatid sila sa isang condominuim sa taft avenue na malapit sa DLSU.Pagkadating nila sa unit. Agad na nilunasan ang mga pasa na natamo ni DM.Pinunasan muna ni EJ na bimpo si DM para malinisan yung mga sugat.Nilagyan ng betadine yung mga sugat na natamo.Saka nilagyan ng bandage yung pila sa kamay at paa.At pinainom ng pain killer para hindi kumirot ang mga sugat.
“Kamusta na pakiramdam mo? “ Tanong ni EJ kay DM.
“Eto kumikirot pa rin yung sugat ko at masakit pa rin yung katawan ko dahil sa mga pasa.” Sabi ni DM.
“Kasi naman sinabihan na kitang magpahospital para na rin matingnan kung may bali ka?”Nag-aalalang sabi ni EJ.
“Sus ok na yun..ok na ako dito sa first aid na ginawa mo.”Mayabang na sabi ni DM.”Matibay ata ito.”Dugtong nya. Sabay turo sa muscle.
Natawa sila pareho. Nagawa pa kasing magpatawa ni DM kahit na bugbog sarado ito. Makalipas ang 30 minuto.Napansin niyang wala pala siyang kasama sa condo kasi naghahanap siya ng ibang tao. Napansin siya ni DM na palinga linga.
"Sori na...wala kasi akong kasama ngayon. Umalis si Manang Elsie para puntahan yung may sakit niyang apo sa Probinsya nila."Nahihiyang sabi ni DM."Nagsinungaling ako".Dugtong niya. Napayuko siya.
"Naku wala yun.Buti na lang nagpumilit akong sumama kundi mas lalong akong nakonsyensyang pinabayaan kita."Sabi ni EJ. Nagkaroon ng katahimikan pagkatapos niyang sabihin yung huling bahagi ng sinabi niya. Nagkatinginan sila ng matagal.At yung nararamdaman niyang kuryente ay naulit ulit. Walang nagsasalita sa kanila. Nasabi na lang niya sa sarili niya na Ano ba ito? Sana matapos na ito Lord.Dininig naman ng itaas yung dalangin niya.
* Dirty bit!
Dirty bit!
I came up in here to rock
Light a fire, make it hot
I don't wanna take no pictures
I just wanna take some shots!
So come on, let's go!
Let's lose control!
Let's do it all night!
Until we can do it no more!*
Dirty bit!
I came up in here to rock
Light a fire, make it hot
I don't wanna take no pictures
I just wanna take some shots!
So come on, let's go!
Let's lose control!
Let's do it all night!
Until we can do it no more!*
(Calling Kuya Athan)...
Kinuha ni EJ ang cellphone niyang tumutunog para kumawala sa awkward na moment.Huminga siya muna para kumalma bago sinagot yung tumatawag.Tinatanong na kasi siya ng Kuya niya kung asan na raw siya. Sinabihan niya ang Kuya niya na may inasikaso lang siya kaya natagalan. Pero aalis na siya maya maya. Tutal maaga pa naman at ang usapan nila for dinner ay 6pm pa. Mga 5:00pm pa lang sa orasan niya. Kaya ayun napapayag din nya ang kuya niya na susunod na sa kanila. Ng naibaba niya yung phone niya nakita pa rin niya nakatingin si DM sa kanya at nakangiti na ito. Waring natutuwa sa nakikita niya.Pinagkibit balikat na lang niya yung napansin niya.Bago siya nagsalita.
“Sorry ha..tumawag kasi ung kapatid ko?”Nahihiyang pagpapaumanhin ni EJ.
“Ok lang..wala problema..mukhang hinahanap ka na?”Tanong ni DM.
“Yup..me dinner kasi kami sa Sofitel para icelebrate yung promotion ng kapatid ko.”Sabi ni EJ.
“Ah ganun ba..sabi ko na kasi sayo na kaya ko naman sarili ko. Naabala pa kita.”Seryosong sabi ni DM.
“Naku ok lang yun..ang importante nakatulong ako.”sabi ni EJ. “Sige kelangan ko ng umalis.”Dugtong nya.Nagpaalam na sya at ng papalabas na sya ng condo ni DM.
“Da best ka pare” Sabi ni DM na nakangiti. Tumingin lang saglit si EJ at sumenyas ng ok sign.
Sa isip ni EJ:Para sa iyo lahat gagawin ko.Napailing siya sa kanyang naisip. Pero napangiti siya. Bago siya lumabas ng pinto. Hindi napansin ni EJ na napasin yun ni DM may salamin kasi sa gilid ng condo niya na hindi mapapansin ng sino man.
Sa isip ni DM:Nakakatuwa siya.
P.S Pasensya binago ko po yung title nakakita kasi ako ng mas akmang babagay sa chapter. Nilagyan ko na rin ng MP3.Sensya na po.
Sa isip ni EJ:Para sa iyo lahat gagawin ko.Napailing siya sa kanyang naisip. Pero napangiti siya. Bago siya lumabas ng pinto. Hindi napansin ni EJ na napasin yun ni DM may salamin kasi sa gilid ng condo niya na hindi mapapansin ng sino man.
Sa isip ni DM:Nakakatuwa siya.
*****************************************************************************************************
No comments:
Post a Comment