Showing posts with label Short Story. Show all posts
Showing posts with label Short Story. Show all posts

Saturday, December 24, 2011

ANG CHRISTMAS GIFT KO KAY BESTFRIEND

Pasko na mamaya. Ang araw ng kapanganakan ni "Papa Jesus". Magpasalamat sa kanya sapagkat kung hindi dahil sa kanya ay wala tayo rito ngayon. Kung may oras po na makapagsimba kayo ay mas mainam at kung talagang hindi makakapunta ng misa ay mag-alay ng isang panalangin bilang pasasalamat na rin sa biyaya at sa kapatawaran ng mga kasalanan natin. 

Dahil nga araw ng Pasko alam ko kaliwa't kanan ang mga handa siyempre hinay hinay lang. Share niyo rin ang iba niyong pagkain sa mga kapuspalad na mga kababayan natin. O magbigay sa kanila ng kaunting tulong lalong lalo na ngayon may hindi magandang nangyari sa bansa dala ng BAGYONG SENDONG. Pwede rin tayo mag-alay ng dasal para sa mga nasalanta. Para rin mas maging makabuluhan ang pagdiriwang ng Pasko. Masarap kasi ang nakakatulong sa kapwa.

Dahil nga espesyal ang araw na ito ay isang espesyal na paghahandog tungkol sa Pasko ang aking ibabahagi sa inyo. Hindi ito kasing tindi ng istoryang ginagawa ko ngayon. Gusto ko kasi na isang magaan na araw para sa lahat. Sana po ay magustuhan niyo ang munting handog ko sa inyo. Maligayang Pasko sa inyong lahat. Enjoy!
______________________________________________


ShareThis