Tuesday, September 27, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 15.5 (Simula Namin)

Hello sa inyong mga tagasubaybay ng aking blog.Nagbabalik po ulit ang inyong lingkod at muling magbibigay ng isang patalastas.

Pasensya na po kung masyadong natagalan ako sa pagpost dala ng marami ako ginawa this past few weeks.Lubos po akong humihingi ng pasensya sa inyo.

Pasalamat na rin muna ako kay Dada siya ang bukod tanging nagbibigay ng komento.Sensya na sa inyong masugid na tagasubaybay ng aking akda. Ako ay humihingi ng dispensa sapagkat ako'y natagalan. Bumawi na ako at tinapos ko na itong chapter 15.

Sa mga silent readers ko po.Alam ko iba sa inyo ay nawalan na ng gana.Humihingi ako ulit ng pasensya.Sana po maintindihan niyo rin po ako.Babalik na ulit tayo sa normal na pagpopost ng aking blog.

Maraming maraming salamat sa inyong walang sawang pagsubaybay sa aking blog.Heto na po ang kasunod. Enjoy!
*****************************************************************************************************
Ang dami na nilang dinaanang pagsubok na nagpatibay sa kanilang pagkakaibigan. Nariyan ang tampuhan,bangayan at higit sa lahat ang tunay na sukatan ng pagkakaibigan nila ay ang pagkahulog ng kanilang damdamin sa isa't isa. 

Ano nga bang ang mahalaga? Ang pagkakaibigan o pag-iibigan?. Hirap sagutin ng tanong. Pero alam mong parehong mahalaga sa buhay mo. Hay buhay!Kung tutuusin madali lang naman ang mabuhay pero bakit ba natin pinahihirapan ang sarili natin.

Ninanamnam ni EJ ang mga bagay bagay na dumaan at nagpatibay ng pagkakaibigan nilang apat.Masarap damhin ang lahat. Pero alam niyang huli na ang lahat.

"Ang hirap..buong akala ko okay na lahat.Buong buhay ko ngayon lang ako naging masaya sa piling nila. Pero bakit? bakit sobrang sakit? Sobrang hirap na bigla na lang silang mawawala ng basta basta.Huli na ba ang lahat?"Tanong niya sa sarili niya habang pinagmamasdan ang litrato nilang apat. Sabay tungga ng iniinom ng alak. At pagbalik ng nakaraan.

*Flashback*

Sobrang excited si EJ ng araw na iyon. Ito na ang pinakahinihintay niya na pagkakataon. Matagal na niyang itong pinaghandaan at hindi siya pwedeng mabigo.  

Inaayos na niya ang lahat lahat ng mga kailangan niya. Mga ilang araw na rin siyang ginagabi sa pag uwi dahil sinisiguro niya na lahat ng mga kailangan ay handa na.

Hindi niya aakalain na magkakaroon sila ng side trip after ng kanilang Community Immersion (Part ng curriculum kung saan ang mga nursing students ay nagiimersion sa ibang lugar para sa kanilang community study) sa Batangas. Nakapagsabi na sila sa kanilang mga Clinical Instructor at napayagan naman sila.Yun nga lang hindi dapat malaman ito sa eskwelahan since hindi ito part na kanilang curriculum.

Dumating ang Biyernes araw na napag-usapan ang side trip. Sa beach sila magoovernight. Pero sina EJ, JM at Natasha ay kailangan ding umuwi  pero sasaglit din sila.Since may gagawin din sila. Ito rin ang araw na susorpresahin ni EJ si Natasha.

Excited at kinakabahan si EJ sa magaganap sa araw na iyon.Dumating silang lahat sa isang beach sa Batangas. Aliw na aliw silang lahat. May mga nagsisimulang magswimming sa dagat at ang iba naman ay naghahanda na ng makakain dahil pagabi na rin sila ng dumating galing sa kabilang bayan na kanilang pinuntahan na parte ng kanilang Community Immersion.

Si EJ ay nagpaalam na mauuna na sa kanilang lahat at hindi niya sinabay si Natasha.Kinuntsaba niya si JM na silang dalawa ang magkasabay sa pupuntahan nilang lugar. May kunyaring emergency na nangyari ang paalam ni EJ kay Natasha. Nagpumilit mang sumama si Natasha hindi rin niya nakumbinsi si EJ.Umuwi mag isa si EJ.

"Tara swimming tayo"Aya ni JM kay Natasha.

"Ikaw na lang muna.Nag aalala lang ako kay EJ."Sabi ni Natasha.Nakapalumbaba siya sa mesa sa isang cottage na nirentahan ng buong klase nila.

"Wag ka masyadong mag-alala..Si EJ pa alam ko makakaya niya yun"Kunyaring concern na sabi ni JM.

"Sige na punta na tayo sa dagat"Pagpupumilit ni JM kay Natasha.

Wala rin namang nagawa si Natasha kasi hinila rin siya ng mga kaklase niya. Nasa gitna siya ng malalim na beach habang ang iba ay nagsasaya kasama si JM ng may mabunggo si Natasha.Nagpapaunahan kasi silang lumangoy.

"Sorry"Sabi ni Natasha sa nabangga. Sabay hawi ng buhok niya at mata.Dala ng maalat na tubig.

"Kaw na naman"Gulat na sabi ni AJ kay Natasha. Bigla uminit ang ulo ni AJ.

"Ano bang problema mo?Lapit ka ng lapit sa akin. Hindi na nga kita pinapansin eh."Sigaw ni AJ.Tinulak niya si Natasha. At bigla lumangoy sa papuntang pampang.

Hindi niya naririnig na humihingi ng saklolo si Natasha.Nagkaroon ng pulikat si Natasha sa pagtulak ni AJ.Nakita naman ito ni AJ na kumakaway akala niya pinapalapit lang siya ni Natasha.Inismiran niya lang ito at dali daling pumunta ng cottage nila.

Dumidilim na rin sa mga oras na iyon. Isa isang umahon ang lahat ng mga nasa dagat maliban kay Natasha.Napansin naman ito ni JM. Tinanong niya ang mga kaklase niya kung nakita nila si Natasha. Wala tumugon sa kanila lahat.

Kinakabahan na si JM ng mga oras na iyon. Hinanap niya si Natasha hangga't masalubong niya si AJ.

"AJ,nakita mo ba si Natasha?"Tanong ni JM.Halatang nag-aalala ng mga oras na iyon.

"Bakit mo sa akin tinatanong? Tanungan ba ako ng nawawalang tao?"Pagsusungit ni AJ.

"Ang sungit mo naman.Nagtatanong lang ako.Kasi siya na lang ang wala sa cottage.Nag aalala lang ako sa kanya"Medyo asar na sabi ni JM kay AJ.

"As if naman..hanggang ngayon hindi ka pa rin maka move on.Kasi mahal mo pa rin siya kaya ka nagkakaganyan. Di ba tinalo ka ng bestfriend mo? Siguro ginagawa mo lang ito para paghigantihan si EJ."Wala preno sabi ni AJ kay JM.Uminit ang ulo ni JM sa pagkakarinig niya ng mga sinabi ni AJ.

"Putang ina..wala kang karapatan para pagsalitaan ako ng ganyan.Dahil kahit kailan hindi mo alam ang buong pangyayari.Naging bulag lang ako sa pagmamahal ko kay Natasha.Ngayon naiintidihan ko na ang lahat lahat.Kaya wala na akong paki sa sasabihin mo.Kasi ikaw,ikaw ang hindi pa rin maka move on.Dahil hanggang ngayon galit na galit ka pa rin sa kanila.In the first place wala ka naman dapat ikagalit dahil wala naman namamagitan sa inyo ni EJ."Sumbat na balik ni JM kay AJ. Binangga niya si AJ at tuluyan ng umalis para hanapin si Natasha.

"Natasha!!!!Natasha!!!Asan ka na?"Sigaw ni JM.

Habang naglalakad sa dalampasigan.Nakakarinig si JM ng saklolo.Hinahanap niya kung saan galing ang sigaw. Kinabahan siya baka si Natasha yun.Dali dali niya hinanap ang pinanggalingan ng sigaw. Nakita niya ang isang kamay na humihingi ng saklolo.Unti unti na itong bumababa.Kinutuban na siya.Dali dali siyang lumangoy sa pinaggalingan ng kamay.

"Shit..si Natasha ata yun"Sigaw ni JM.Sabay langoy sa dagat.

Lumalakas na rin ang alon ng dagat.Hindi niya makita si Natasha.Kinakabahan na siya.Ang tagal na niyang hinahanap ang kamay na nakita niyang humihingi ng saklolo.Hindi siya pwedeng magkamali na si Natasha yun dahil wala ng tao sa bahagi ng dagat na iyon.Umahon muna siya saglit.

"Natasha?!!!!!!Asan ka na?!!!!"Sigaw ulit ni JM sabay langoy ulit.

Hindi niya talaga makita si Natasha.Nanginginig na siya ng mga oras na iyon.Sobrang lamig na at hindi pa rin niya makita si Natasha.Nawawalan na siya ng pag-asang makita pa si Natasha.Kaya napagpasyahan niyang humingi ng saklolo sa mga kaklase niya. 

Habang papunta ng pampang. May nabangga siyang bagay na hindi niya maaninag.Madalim na rin sa bahagi na iyon ng dagat. Kinabahan siya.Kaya nilubog niya ang katawan niya at nakapa niyang katawan ng tao ang nabangga niya.Dali dali niya itong dinala sa pampang.

Nakita naman siya ng mga kaklase nila na hinahanap na rin silang dalawa para kumain. Nagulat silang lahat sa nakitang walang malay si Natasha. Tinulungan nila si JM para mailagay sa pampang si Natasha. At sinubukan ang CPR. Buti na lang napag aralan nila ito.

Wala pa ring malay si Natasha.Unti unti na rin nilang nakikitang nangingitim ang mga bahagi ng katawan ni Natasha. Hindi na nagpatumpik tumpik pa si JM.Buti na lang may dala siyang sasakyan kaya't dali dali nilang sinakay si Natasha at pinaharurot sa pinakamalapit na hospital para mabigyan ng lunas. Hindi rin nila tinitigil ang CPR.Nagbabakasakaling magkamalay si Natasha. Nakita naman ito ni AJ.Kinilabutan siya at biglang napaluha at nanghina ang tuhod sa nasaksihan.

Dumating na sila sa pinakamalapit na hospital sa lugar.Agad naman silang inasikaso ng mga nurse at doctor ng mga oras na iyon. Samantalang dumating naman ang iba pang kaklase nila kasama na ang kanilang mga guro.

"Anong nangyari kay Natasha?"Tanong ni Mr. Almarez.Isa sa Clinical Instructor nila.

"Sir nalunod po si Natasha.Buti na lang nasagip ni JM".Malungkot na sabi ng kaklase nila.

"Sinasabi ko na nga ba eh.Hindi ko na kayo papayagan sa susunod.Dahil sa nangyari malalagot kami."Nag-aalalang sabi ni Mr.Almarez.

"Sir,wala naman pong may gusto mangyari ito.Aksidente lamang ito.Kaya kami po ang dedepensa sa inyo kung ipapatanggal kayo sa school"Depensa ng isa pang kaklase nila.

"Anyway wag niyo na lang munang isipin yun.Basta ang mahalaga ay si Natasha.Ano na ang kalagayan niya?"Tanong ulit ni Mr. Almarez.

"Under observation po.Kasi nawalan po siya ng oxygen sa katawan.Nangingitim na nga po nung dinala namin siya dito. Baka matagal na po siya nakababad at walang oxygen sa katawan ng masagip ni JM."Sabi ng kaklase nila

"Sus maryosep.Sana naman walang mangyari.Kargo de konsensya ko kayong lahat.Naming mga guro niyo."Pag aalalang sabi ni Mr. Alamarez.

"Wala mangyayaring masama sa kanya!!"Biglang sigaw ni AJ.

"Kung hindi dahil sa akin buhay pa siya.Ako ang may kasalanan"Sabi ni AJ.Umiyak na siya ng tuluyan at bigla napaupo sa sahig.Isang kaklase nila ang nagpapakalma kay AJ.

"A...a..no..ibig mong sabihin?"Nauutal na sabi ni JM ng marinig ang sabi ni AJ.

"Akala ko kasi nagbibiro siya kanina.Nakita kong kinakawayan niya ako.May galit ako sa kanya.Kaya hindi ko alam na nalulunod na pala siya.Hindi ko sinasadya.."Sabi ni AJ.Tuloy tuloy pa ring umiiyak.

"Tinanong kita kung nakita mo si Natasha.Pero sumagot ka ng pabalang sa akin. Yun pala kasalanan mo kaya nalunod si Natasha.Kapag may nangyari sa kanyang masama.Hindi ko alam kung ano magagawa ko sa iyo."Banta ni JM.Sabay alis at tumungo ulit ng emergency room.

Hindi makapaniwala ang lahat sa mga narinig na sagutan nila AJ at JM.May ibang naawa sa kalagayan ni AJ pero mas lamang ang may galit sa kanya ng mga oras na iyon. Inalalayan siya ng isa sa mga guro niya. Palayo sa mga kaklase para mapatahan.

Samantala sa emergency room.Nakapagbigay na ng lunas ang mga doctor at nurse kay Natasha.Buti na lang naagapan nila. Stable na ang mga vital signs ni Natasha.Yun nga lang hindi pa ito nagigising.Nakahinga naman ng maluwag ang lahat sa sinabi ng doctor sa kanila. Tinawagan naman ni JM si EJ para maibalita ang nangyari kay Natasha.

"Hello JM!"Bungad na bati ni EJ.

"EJ,si Natasha may nangyaring masama sa kanya."Malungkot na sabi ni JM.

"Ano?"Bigla sigaw ni EJ."Anong nangyari?".Dugtong niya.

"Asa San Juan Ditrict Hospital kami sa Batangas.Nalunod si Natasha."Sabi ni JM.

Hindi na sumagot si EJ.Binaba na niya ang cellphone niya at dali daling umalis ng mall kung saan dapat magkikita sila nina JM at Natasha para sa sorpresa niya.Kaso sila yata ang nasorpresa sa hindi inaasahang pangyayari. Walang sinayang na oras si EJ kaagad niyang pinahaharurot ang sasakyan pabalik ng San Juan,Batangas.

Hindi niya makakaya kung may mangyayaring masama kay Natasha. Nakarating naman siya sa hospital na pinagdalhan kay Natasha. Nakita niya ang kanyang mga kaklase at mga guro. Sinalubong siya ni Mr. Almarez.

"EJ,nasa kwarto na si Natasha.Ok na yung lagay niya don't worry"Sabi ni Mr. Almarez.Naawa siya sa lagay ni EJ.Halatang namumugto ang mata marahil umiyak habang nagmamaneho pabalik sa Batangas.

Nakita ni EJ na lumabas sa kuwarto si JM.Kaya dali dali siya pumasok. Hindi na niyang nagawang magpaalam sa guro dala ng pag aalala niya sa lagay ni Natasha.Nakita niya si Natasha mahimbing na natutulog na may oxygen tube sa ilong ng nagbibigay sa kanya ng hangin dala nga ng nawalan siya ng hangin na sumusuporta para mabuhay ang isang tao.Hinawakan niya ang kamay ni Natasha.

"Natasha,andito na ako.Wag mo akong iiwan.Hindi ko makakaya.Mayroon sana ako sorpresa sa iyo pero ako ang sinorpresa mo.Please mabuhay ka para sa akin.Hindi ko talaga alam kung may mangyari sa iyo."Nakakaawang sabi ni EJ.Unti unti ng tumutulo ang luha niya. Si JM nasa likod lang ni EJ.Hinahagod ang likod ni EJ para kumalma.

"Walang mangyayari sa kanya EJ.Lumalaban siya.Hindi niya tayo iiwan. Kaya wag kang mawalan ng pag-asa .Magigising din siya."Pampalubag loob na sabi ni JM.

"Tol,kung hindi ko sana siya sinama hindi sana mangyayari ito.Kung sinama ko na lang siyang umuwi hindi nangyari ito.Kasalanan ko ito."Umiiyak na sabi ni EJ.

"Wala kang kasalanan.Aksidente ang lahat.Walang may kagustuhan nito.Wag mong sisihin ang sarili mo."Nasabi na lang ni JM.Hindi na rin niya kayang sabihin na si AJ ang may kasalanan para hindi na lumala ang sitwasyon.Mahirap na baka kung anong magawa ni EJ kay AJ.

Hinayaan na lang niya muna si EJ sa tabi ni Natasha. Naupo naman si JM sa sofa na naroon sa kuwarto ni Natasha.Habang ang ibang kaklase nila ay bumalik na ng cottage para makapagpahinga gayundin ang mga guro nila.

Nakatulog sila EJ at JM.Unang nagising si JM at ginising niya si EJ.Mag uumaga na rin at talagang nasarapan sila sa pagtulog.Dahil mag aala 6 na.Bumili na ng makakain si JM sa labas at sinabihan na lang niya si EJ na wag ng umalis at siya na lang ang bibili na makakain nila.Bigla naihi si EJ.Pagpasok niya sa loob ng CR nagulat siya ng may pumasok. Nasabi niya na lang ang bilis naman ni JM at nakabalik na kaagad.Pero nagulat siya dahil hindi si JM Narinig niyang nagsalita ang pumasok.

"Sorry na bestfriend.Akala ko nagbibiro ka lang sa akin na pinapalapit mo ako sa iyo.Alam ko na alam mo na galit ako sa iyo dahil sa inakala kong inagaw mo si EJ sa akin. Napakasarili ko.Ngayon ko lang narealize na napakaselfish ko. Hindi na sana humantong sa ganito kung hindi ako naging makasarili.Patawarin mo sana ako.Ayokong mawala ang kaisa isa kong bestfriend sa buhay."Umiiyak na sabi ni AJ.Sabay hawak sa kamay ni Natasha.

Nanlaki ang mata ni EJ sa narinig.Agad siyang lumabas at nakita niya sa may pinto ng CR na nakatayo rin si JM.Lalapit sana si EJ kay AJ para komprontahin pero pinigilan siya ni JM.Nabigla sila ng biglang gumising si Natasha. Nanlaki ang mata nilang lahat. Tinawag ni JM ang nurse sa may nurse station para ipagbigay alam ang paggising ni Natasha.

"Natasha,gising ka na.Thank God!!"Napasigaw si AJ.Sabay yakap kay Natasha.

"A..A..J"Nauutal na sabi ni Natasha.

"Ako nga..akala ko mawawala ka na ng tuluyan.Salamat talaga kay Lord.And Sensya na bestfriend.Sa lahat lahat ng nagawa ko sa iyo."Naiiyak na sabi ni AJ.

"Sshhh..tahan na..ok lang ako.Wala na yun.Ang importante masaya ako kasi okey na tayo"Ang sabi ni Natasha. Naiyak na lang si AJ sa narinig sa bestfriend.

"Ehem..ehem"Biglang pag ubo ni EJ.Napatingin naman sina AJ at Natasha. Nakita ang pagkabigla ni AJ.Pero si Natasha ay ibayong saya ang nararamdaman.

"EJ!!!"Medyo napalakas na sabi ni Natasha. Uupo sana siya ng pigilan siya ni EJ.

"Hindi ka pa malakas. Magpahinga ka muna.Darating na ang doctor para tingnan ka!"May pag-alalang sabi ni EJ.Dumating na rin si JM kasama ang nurse at doctor. Tiningnan si Natasha ng doctor para icheck ang kondisyon.

Matapos macheck ang kondisyon ni Natasha.Sinabihan sila na mga 2 days pa siya mananatili para imonitor siya.Kung wala namang makitang komplikasyon ay pwede ng umuwi si Natasha.

Pagkaalis ng doctor at nurse ay umalis si JM para bumili ng makakain.Dapat kanina pa siya.Naiwan niya lang ang wallet niya kaya siya bumalik kaagad at buti naabutan niya si EJ na kalalabas lang ng CR at malamang narinig niya rin ang lahat ng sinabi ni AJ.

Kumain na sila ng biniling pagkain ni JM.Bumalik na ang lahat sa umpisa. Naging magkaibigan silang apat.Habang nagkakasayahan sila.Bigla naalala ni EJ ang dapat na gagawin niya.Since hindi natuloy dun sa place mas minabuti na lang niyang gawin ito sa kwarto ni Natasha.Ito na ang pagkakataon niya alam niya hindi maganda timing ito pero atat na siya.Bahala na kung anuman ang mangyayari pagkatapos.

Ng makatulog na si Natasha ulit para makapagpahinga. Siya naman pag alis at pagkuha ng gamit niya sa sasakyan.Kinuntsaba niya sina AJ at JM para sorpresahin si Natasha paggising nito. Handa na ang lahat ng simulan ni EJ ang sorpresa para kay Natasha.



Unti unting namumulat ang mata ni Natasha. Tumingin siya sa kumakanta. Nagulat siya na si EJ ang kumakanta. Hindi siya makapaniwala. Lalo siyang nagulat na may mga balloons at palamuti sa loob ng kuwarto niya.At nanlaki ang mata niya ng igala niya ang mata at may napansing banner. 


"Will you be mine?"

EJ


Hindi siya makapaniwala at unti unti ng tumutulo ang luha niya.Lumapit sa kanya si EJ.Pinunasan ang luhang dumadaloy sa kanya mukha. Hindi siya makapagsalita dala ng labis na tuwa.

"Natasha,I know this is not the right time but I really can't wait to say this to you. I ask you again will you be mine?"Nakangiting sabi ni EJ kay Natasha.

Hindi niya alam ang sasabihin ng mga oras na iyon.Waring napipi siya.Matagal na niyang gusto si EJ.Simula pa lang ng magkabanggaan sila sa school hanggang ngayon hindi iyon nawawala. Naghehesitate lang siya dahil hindi pa ayos ang lahat ng mga oras na iyon.Pero ngayon tapos na ang lahat ng problema.Hindi na niya pwedeng pakawalan si EJ.Heto lang naman ang hinihintay niya.Magkaayos sila ng bestfriend niya. Para wala ng gulo. Tumingin muna siya kay AJ.Waring tinitimbang kung okay lang ba sa kanya.Tanging tango lang at nakita naman niya sa mata ni AJ na natutuwa siya. Bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"EJ....YES!"Ang sabi ni Natasha.

"Wohooo...oh...yeah...Kami na..kami na!!!"Tuwang tuwang sabi ni EJ.Napalundag siya sa tuwa.Kasabay nun ang paghalik ni EJ kay Natasha sa labi.

Naging sila ng araw na iyon (December 15, 2007). Walang pagsidlan ng kaligayahan si EJ ng mga oras na iyon. Simula din ng araw na iyon nagbalik ang lahat lahat.Naging magkakaibigan ulit silang apat.Kahit na anong unos ang dinaan nila.Naging matatag ang samahan nila.

Akala niya wala ng katapusan iyon.Na hanggang sa mamatay sila ay magkaibigan silang apat. Hindi niya alam na siya ang magiging dahilan ng pagkawatak watak nila ulit na magkakaibigan.

No comments:

ShareThis