Andito na naman po ang inyong lingkod. Gusto ko lang pong magpasalamat sa inyong walang sawang pagsuporta sa aking blog. Especially kay Marc.
Salamat po ulit at heto na po ang sunod na kabanata. Enjoy!
*****************************************************************************************************
Hindi niya alam kung matutuwa siya o hindi dahil nakita na niya ang taong hinihintay niya. Imbes na magbigay ng reaksiyon sa kanyang muli pagpapakita. Binaling na lang niya ang tingin sa puntod ng Papa niya.
"A..anong ginagawa mo dito?"Nauutal na sabi ni EJ.
"Nakikipaglamay ako. Masama bang makiramay sa isang kaibigan."Sabi ng kanyang bisita.
Tiningnan niya ulit ang bisita. Nakita niyang nakangiti ito sa kanya. Napakunot ang noo niya sa ginawa ng bisita niya.
"Umalis ka na hindi ko kailangan ng isang katulad mo na makasarili."Bakas ang galit sa mukha ni EJ ng sabihin niya ito sa kausap niya.Nawala ang ngiti ng kausap niya.
"Alam kong nagtatampo ka.Hindi kasi ako nagparamdam sa iyo.Sana hayaan mo naman akong magpaliwang."Bakas ang pagmamakaawa ng kausap ni EJ.
"Para san pa?Pare-pareho lang kayong lahat. Makasarili.Gusto niyo kayo lang ang iintindihin.Paano naman ako?"Bakas pa rin ang galit niya. Tumayo na si EJ at akmang aalis ng pigilan siya ng kausap niya.Hinawakan nito ang kamay niya.
"Please wag mo namang gawin ito sa akin.EJ.Ikaw na lang din ang masasandalan ko."Pagmamakaawa ng kausap niya.
"Bitiwan mo ako.Uuwi na ako.Hinahanap na ako sa amin."Palusot ni EJ.Akmang aalisin niya ang kamay niya sa pagkakahawak ng bisita ng niyakap siya nito.Sobrang higpit na ayaw na siyang bitawan.Nakaramdam siya ng ibayong saya.Saya na hindi niya maintidihan.
"D...D...M..Hi..hi..hindi ako makahinga?"Nauutal at nahihirapang pagsasalita ni EJ.Dahil nasobrahan sa higpit ng yakap si DM sa kanya.
"Ay..sorry.."Pagpapaumanhin ni DM.Sabay bitaw sa pagkakayakap kay EJ.Napakamot ng ulo si DM.Habang si EJ ay napangiti.Nakita naman ito ni DM.
"So pwede na ba akong magpaliwanag kung bakit hindi ako nakapagparamdam?"Tanong ni DM kay EJ. Hindi sumagot si EJ.Tinitigan niya ng mabuti si EJ.Waring sinusukat kung pumapayag na ito.Napabuntong hininga siya dahil ang tagal ng titigilan nila.Yumuko na lang si DM.
"Oo"Maikling sabi ni EJ.Tumingin ulit si DM sa kanya.Nakangiti si EJ.Ngumiti rin siya.
"Pinakaba mo naman ako.Akala ko kasi galit ka pa rin sa akin."Sabi na lang ni DM.Nakahinga siya ng maluwag dahil pumayag na si EJ na magpaliwanag siya.
"Galit pa rin ako sa iyo.Dahil akala ko ikaw yung karamay ko. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap ang mag-isa."Seryosong sabi ni EJ.Hinawakan ni DM ang balikat ni EJ.
"Alam kong nahirapan ka sa sitwasyon mo.Pero sana intindihin mo rin ako.Mayroon din akong problema. Si Lola inatake siya sa puso.At kelangan kong umuwi ng probinsya namin. Hindi pa kasi dumarating ang tita ko galing sa ibang probinsya.Kaya walang magbabantay kay Lola. Tinatawagan kita kaso nagdown ang signal dun sa area namin.Hindi ako mapakali baka kasi magalit ka.7 araw din akong hindi makatulog dahil inaalala ko kalagayan mo at kalagayan ni lola. Tapos ng okay na ang lahat.Umuwi ako ng bahay.Dun ko lang nalaman sa facebook mo na ngayong araw ang libing. Dumiretso ako sa bahay niyo kaso wala ng tao.Buti na lang nasabihan ako ng security guard kung saang sementeryo nilibing ang Papa mo. Buti na lang din andito ka pa at naabutan pa kitang nakaupo ng bigla bumuhos ang ulan.Kaya dali dali kitang pinuntahan para payungan."Mahabang paliwag ni DM.Bakas din dito na nangigilid na ang luha niya.Naawa naman si EJ kay DM.
Hindi rin siya makapaniwala na pareho pala sila ng pinagdadaanan.Naging makasarili din siya.At hindi niya muna hinayaang magpaliwanag ang kaibigan bago magalit dito.
"Pasensya ka na.Hindi ko alam na may problema ka rin palang pinagdadaanan.Naging makasarili rin ako.Hindi kita pinagpaliwanag man lang. Pasensya na."Ang sabi ni EJ.
"Okay lang yun.At least okay na tayo ngayon.Condolence nga pala."Sabi ni DM.
"Thanks"Sagot ni EJ.
"Hindi ka pa ba uuwi?Lalong lumalakas ang ulan.Gusto mo bang magkasakit?"Pag-aalala ni DM sa kalagayan ni EJ.Basang basa na ito dahil sa nagpabasa siya sa ulan.
"Uuwi na.Nakapagpaalam na rin naman ako kay Papa."Tugon ni EJ.
"Hatid na kita.wala naman akong nakitang sasakyan dito.So malamang nagpaiwan ka rito."Sabi ni DM.
"Nakakahiya naman.Baka mabasa yung sasakyan mo."Nahihiyang sabi ni EJ.
"Tumigil ka dyan.Tara na..Aarte ka pa eh."Sabi ni DM.Sabay akbay at ngiti nito kay EJ.
Wala ng nagawa pa si EJ kundi ang sumabay kay DM. Hinatid na siya sa bahay nila.Ng maihatid na siya nito.Sinabihan niya si DM kung gusto niya dun na lang siya sa bahay matulog para may kasama siya. Tumanggi si DM dahil tatawag ang mama niya na nasa ibang bansa para balitaan niya tungkol sa kalagayan ng lola niya. Hindi na rin niya pinilit si DM. Pero nangako ito na bukas ay babalik siya sa bahay nila para bisitahin siya. Tumango na lang ito at hinintay na umalis si DM palayo sa bahay nila.
Dumaan ang ilang araw ay naging okay naman kahit papaano ang pamilya nila EJ.Kaso lang hindi na tulad ng dati ang pagsasama ng magkapatid.Pati ang mga kaibigan at kasintahan niya ay hindi man lang gumawa ng paraan para mag-usap sila. Lalong bumigat ang sama ng loob niya para sa mga ito.Buti na lang andyan lagi si DM.Siya ang pumupuna ng pagkukulang ng mga ito.
Isang araw,hindi niya inaasahan ang bisita darating sa bahay nila. Hindi niya kasi nakita ito sa buong lamay ng Papa niya. Kahit na ang karibal nito ay wala rin sa lamay ng Papa niya. Pero ang pinagtataka niya ay kung bakit andito siya.At ano kaya ang kailangan niya.
"Hi Ate Jessica?"Bati ni EJ.Sabay beso sa kanya.
"Hi din EJ,Kamusta ka na? Kayo dito?"Ganting bati rin ni Jessica. Bumeso rin ito sa kanya.Sabay silang umupo sa sofa.
"O..o..k lang."Nauutal na sabi niya kay Jessica.
"Good.Pasensya na ha.hindi na ako magpapaligoy ligoy pa"Seryosong sabi ni Jessica. Napalunok na lang si EJ.
"I want to win back your Kuya Athan"Seryosong sabi parin ni Jessica.
"Ate Jessica,what do you mean?"Ang kinatakahan ni EJ sa sinabi ni Jessica.
"Look..after the incident happened to your family..mahirap mag assume.Bumalik na ang tunay na nagmamay-ari ng puso ni Athan."Nangingilid na ang luha ni Jessica.
"Alam mo matagal ko ng gusto si Athan bata pa lang kami. Ako lang ang sumeseryoso sa kanya. Siya alam ko kahit kailan hindi niya ako magugustuhan. Ang hirap ako lagi ang panakip butas niya pag may mga gagawin siya kabulastugan.Hindi makahindi ang Papa mo sa akin. Kasi gustong gusto niya ako para sa Kuya mo. Alam mo isang araw. Tinawagan ako ng Papa mo. Kinausap niya ako kung kamusta na raw kami? Ano na raw ang development namin? Are we more than friends or what? Hindi ako makasagot dahil hanggang ngayon naman bestfriend pa rin ang turing sa akin ni Athan."Nagsimula ng tumulo ang luha ni Jessica.Habang si EJ ay matamang nakikinig lang.Hindi alam kung paano magrereact.
"Kinagulat ko na pinaimbestigahan niya si Athan sa araw araw nitong ginagawa.Kasi tinatanong niya ang Kuya mo kung kailan niya pormal na ipakikilala ako bilang nobya niya. Alam mo nagulat ako kasi alam niyang hindi ako gusto ng anak niya.At nabigla ako ng malaman niya alam niya rin ang buhay ni Eric. Kasi nakita niya ang lahat ng picture nila na laging magkasama. Galit na galit ang Papa mo nun. Sabi niya gagawin niya ang lahat para paghiwalayin niya sina Eric at Athan."Mahabang paliwanag ni Jessica. Gulat na gulat naman si EJ sa mga pinahayag ni Jessica.
"Alam mo nung una natuwa ako sa mangyayari kasi may pagkakataon na ako na makukuha ko na siya.Kaso nakaramdam ako ng awa para kay Athan. Kasi sabi niya hinding hindi niya raw kayang mawala si Eric sa buhay niya.Dahil dito lang siya naging masaya sa piling niya.Gusto kong magalit sa kanya pero mas nanaig sa akin ang maging kaibigan/kasandal niya ng mga oras na iyon dahil alam ko kahit papaano magiging magaan ang pakiramdam niya"Bumuhos ang luha niya ulit habang nagsasalita.Naawa naman si EJ sa kalagayan ni Jessica.Hindi niya lubos maisip na alam na pala ng Papa niya ang pagkatao ng Kuya niya pero siya pinipilit niyang maging okay sa Papa niya pero hindi niya magawa. Naiinggit siya pero naawa sa kanyang Kuya kahit paano kasi hindi naman naging madamot ang Kuya niya.
"EJ,alam mo bang alam ng Papa mo yung ginawa mo.Mga ilang buwan pinamanmanan ng Papa mo si Athan. Hindi niya inaasahan na ikaw pa ang gagawa para paghiwalayin sina Eric at Athan.Natuwa ang Papa mo ng malaman niyang hiwalay na sina Eric at Athan.Tinawagan niya ako para samahan ko si Athan sa ibang bansa para magkagaanan kami ng loob.Mahal ko si Athan kaya nagpaubaya ako.Ginawa ko ang lahat para mahalin niya ako.Hindi naman ako nabigo dahil kahit papaano nagawa naman niya iyon.Hindi nga lang kasing tindi ng pagmamahal niya kay Eric."Lumuluha pa ring sabi ni Jessica.
"Pero ang hindi ko inaasahan ang pagbabalik ni Eric at ang pagkamatay ng Papa mo. Siguro kung hinayaan ko na lang sila.Hindi sana naging ganito ang sitwasyon.Naging makasarili ako.Pero iniisip ko lang din naman ang kaligayahan ko.Kaya lang alam mo bang nasaktan ako kasi simula ng bumalik si Eric wala na siyang time sa akin. Hindi niya sa akin binalita na namatay na ang Papa mo.Nasa ibang bansa ako nun. Meron akong seminar at workshop na inatendan.Sobrang sama ng loob ko nun.Mas lalong sumama ang loob ko na lihim silang nagkikita ni Eric.Nalaman ko iyon sa mga katrabaho pa niya."Tuloy tuloy pa ring pahayag ni Jessica.Naawa na siya dito.
"Kaya gagawin ko ang lahat..hindi ko na pakakawalan pa si Athan.Wala akong paki sa nakaraan niya.Gusto kong bawiin si Athan.Kaya ako nandito para tulungan mo ako EJ,please?"Pagmamakaawa ni Jessica kay EJ.
"A...ate..Je..ssica"Nauutal na sabi ni EJ.Hindi niya malaman kung paano sasagot.Nahihirapan siya at hindi pa siya lubos nakakahinga sa sunod sunod na rebelasyon ni Jessica.
"Please EJ..please..nagmamakaawa ako sa iyo"Hawak hawak nito ang kamay ni EJ.Nagpapabatid na sana pagbigyan siya ni EJ.
"Ate Jessica..alam ko kung gaano mo kamahal si Kuya.Mahal ko rin si Kuya kaya alam mo bang nung nag usap kayo ni Papa narinig ko ang sinabi niyang gagawa siya ng paraan para paghiwalayin sila.Ako na ang gumawa nun.Ayokong magalit si Kuya kay Papa. Aaminin ko nung una hindi ko gusto si Eric pero nagawa ko lang ito sa kanya dahil ito ang makakabuti sa pamilya namin.Dahil ayokong masira ang relasyon ng buong pamilya dahil lang sa kahibangan ni Kuya.Pero ngayon nagsisisi na ako.Sa pakikialam ko sa buhay niya.Patawarin mo ako Ate Jessica.Hindi ko kaya yung pinagagawa mo sa akin.Kung saan masaya si Kuya dun ako.Pasensya na"Umiiyak na rin si EJ.Sabay tayo at iniwan si Jessica na tulala sa narinig mula kay EJ.
Dali daling umakyat ng kuwarto si EJ.Sumalampak sa higaan at nagsimula ulit tumulo ang luha niya.Hindi niya kaya diktahan ang puso ng Kuya Athan niya.Nagawa na niya ito noon pero hindi naging matagumpay.Kaya ayaw na niya ulit guluhin ang buhay ng Kuya niya.
Masakit man na hindi siya pinagbigyan sa hiling niya. Umalis siya sa bahay nila EJ.Umaasa pa rin si Jessica na makukuha niya pa rin ang loob ni Athan.Gagawin pa rin niya ang lahat para makuha ito.Hindi siya papayag na maagaw ulit ni Eric si Athan sa pangatlong pagkakataon.Ng makapasok sa sasakyan niya ay nagpatugtog siya ng musika. Nagkataon ang musika na pinatugtog ang lalong nagpasidhi sa kanyang damdamin para kay Athan.
Una kasi nung college sila. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sila Athan at Eric at siya ang naging katuwang nito nung nagcool off sila.Naging sila ngunit hindi nagtagal ay nakipagbalikan si Eric kay Athan. Pangalawa ng magkatrabaho na sila. Yun din ang dapat ay pagpapakasal nila na napigilan ni EJ dahil gumawa siya ng paraan para paghiwalayin sila.Ngayon bumalik na naman si Eric matapos ang dalawang taong pagtatago.Hinding hindi na niya ito papayagan.Ayaw na niyang muling masaktan dahil sa pagmamahal niya kay Athan.
Ang hindi nila alam pareho ay may nakarinig sa kanilang pag-uusap.Nandun lang sa malapit ang mga nakarinig ng usapan nila.
Dali daling umakyat ng kuwarto si EJ.Sumalampak sa higaan at nagsimula ulit tumulo ang luha niya.Hindi niya kaya diktahan ang puso ng Kuya Athan niya.Nagawa na niya ito noon pero hindi naging matagumpay.Kaya ayaw na niya ulit guluhin ang buhay ng Kuya niya.
Masakit man na hindi siya pinagbigyan sa hiling niya. Umalis siya sa bahay nila EJ.Umaasa pa rin si Jessica na makukuha niya pa rin ang loob ni Athan.Gagawin pa rin niya ang lahat para makuha ito.Hindi siya papayag na maagaw ulit ni Eric si Athan sa pangatlong pagkakataon.Ng makapasok sa sasakyan niya ay nagpatugtog siya ng musika. Nagkataon ang musika na pinatugtog ang lalong nagpasidhi sa kanyang damdamin para kay Athan.
Una kasi nung college sila. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sila Athan at Eric at siya ang naging katuwang nito nung nagcool off sila.Naging sila ngunit hindi nagtagal ay nakipagbalikan si Eric kay Athan. Pangalawa ng magkatrabaho na sila. Yun din ang dapat ay pagpapakasal nila na napigilan ni EJ dahil gumawa siya ng paraan para paghiwalayin sila.Ngayon bumalik na naman si Eric matapos ang dalawang taong pagtatago.Hinding hindi na niya ito papayagan.Ayaw na niyang muling masaktan dahil sa pagmamahal niya kay Athan.
Ang hindi nila alam pareho ay may nakarinig sa kanilang pag-uusap.Nandun lang sa malapit ang mga nakarinig ng usapan nila.
No comments:
Post a Comment