Thursday, October 13, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 22 (Pag minalas ka nga naman!)

Andito na naman po ang inyong lingkod at nagbibigay pugay sa inyong lahat.

Ako ay magpapasalamat kay Dada na walang sawa sa pagkomento sa aking kwento. Heto na ang kasagutan sa tanong mo.Spoiler ka masyado hahaha..Pero hindi na mangyayari yan sa mga susunod na tagpo.Pagbibigyan lang kita ngayon.hahaha.

Salamat din pala sa mga silent readers ko.Heto na po ang kasunod.Enoy!
*****************************************************************************************************
Nabaling ang atensyon niya sa kumuha ng braso niya.Nanlaki ang mata niya at hindi siya makapagsalita ng makita niya ang taong kumuha ng braso niya.

"D..D..M?"Nauutal na sabi ni EJ.

"Oo..ako nga!!Bakit nandito ka?"Medyo pagalit na sabi ni DM.Nakatitig ng masama kay EJ.

"Ah eh.."Hindi matuloy tuloy na sabi ni EJ. Nahihiya siya kasi dapat sosorpresahin niya dapat si DM kaso siya ang nasorpresa at nasira pa yung araw niya ng makita ang dating mga kaibigan. 

Oo,dating kaibigan yan na ang bansag niya sa mga ito.Hindi na niya malaman kung kaya pa niyang patawarin sila matapos siyang iwan nitong mag-isa at walang karamay sa pinagdaanan niya sa buhay nitong nakalipas na buwan.Nasayang lang ang pinagsamahan nila. Nanghihinayang man siya pero sila ang unang nang iwan hindi siya. Yun ang kanyang naisip ng mga sandaling natulala siya.

"Hello...may kausap pa ba ako?"Sabi ni DM habang kumakaway sa mukha ni EJ.Natulala kasi siya at dun lang natauhan sa ginawa ni DM sa kanya.

"Ano nga ulit yung sinabi mo?"Ang nasabi na lang niya. Sabay ngiti ng pilit.

"Wala..tara sa labas yosi"Nakasimangot na sabi ni DM sabay lakad palayo kay EJ.Nakaramdam naman ng hiya si EJ sa nangyari.Kaya dali dali siyang sumunod at umakbay dito. Minsan kinakalabit niya si EJ sa balikat nito at pag tumingin si DM sabay "PEACE Sign" ng kamay niya at pilit na ngumingiti.Pero dedma naman si DM. Halatang naiinis sa ginawa ni EJ.Napabuntong hininga na lang si EJ dahil sa pandededma sa kanya ni DM.

Nasa labas na sila ng hospital at bumili ng yosi at nagsindi ng stick. Wala ni isa man sa kanila ang gustong magsalita. Si EJ gustuhin man niya ay parang nahihiya gayundin si DM.Pareho silang nagpaparamdaman. Maya maya tumingin na si DM kay EJ. Ng tumingin si EJ bigla iwas naman si DM.Nagtaka naman siya sa ginawa ni DM.

Maya maya siya naman ang sumulyap kay DM at ng makita niyang tumingin si DM sa kanya ay siya namang baling ng tingin sa iba. Napakunot noo naman ngayon si DM. Maya maya si DM na naman ulit ang tumingin at sa pangalawang pagkakataon ibinaling din niya ulit ang tingin niya sa iba. Napakunot na lang ulit si EJ. Nasundan pa ulit yun ng 2 beses na pagtingin tingin nila sa isa't isa at sasabayan naman nila ng baling sa iba kung nakatingin ito sa isa't isa. Hay para na silang tanga.

Hindi na nakatiis si EJ. Medyo lumapit na siya kay DM. Lumapit pa ito ng malapit kay DM. Halos magkadikit na ang kanilang balikat. Kaya tumingin na si EJ kay DM. Tamang tama namang bigla ring tumingin si DM. Saktong sakto naglapat ang labi nila ng hindi nila inaasahan. Ang mga nakakita sa kanila ay bigla napahawak sa bibig.Ang iba naman ay nagbulungan.at ang iba ay parang kinilig. Pero silang dalawa ay parang estatwa na hindi makagalaw. Bigla silang nanlaki sa nangyari. Bumitaw lang sila ng may marinig silang sumigaw ng "AYIIEEE".Dun lang silang bumalik sa ulirat nila.

Bigla silang tumalikod sa isa't isa. Nahiya sa nangyari. Parehong namula ang dalawa. Naiinis sila sa nangyari. Natahimik sila saglit. Parang ayaw na nilang humarap sa isa't isa. Habang sila ay pinagtitinginan naman ng mga usisero't usisera. Tumingin sila sa paligid nila.At nakita nilang nakatingin sa kanila. Halos lahat ng tao na nasa paligid nila ay nakatingin. Hindi tuloy nila alam ang gagawin. Gusto na nilang umalis sa lugar na iyon.Kung ice cream lang sila.Tunaw na sila ng mga oras na iyon sa titig ng mga tao sa kanila. Kaya naglakas na magsalita sana si EJ ng biglang sumabat si DM.

"Tara na hon..late na tayo"Ang sinabi ni DM. Nanlaki ang mata ni EJ.Sabay na hinablot ni DM ang kamay ni EJ.At tuluyang umalis sa lugar para pumasok sa loob ng hospital.

Wala pa rin silang imik sa isa't isa pero magkahawak kamay pa rin sila.Na nakakaagaw na rin ng atensiyon sa mga taong nakakasalubong nila sa loob ng hospital. Wala namang paki si DM. Pero si EJ ay nahihiya pero sa isang banda ay parang may kung ano siya nararamdan na hindi niya maintidihan. Ewan pero para siyang kinikilig na kinikiliti.Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Siguro dala ng nangyari kanina. Napabuntong hininga siya sa naisip. Bigla siyang huminto.Napatingin si DM sa kanya.

"Ba..bakit?"Tanong ni DM.

"Masakit na ang kamay ko.Masyadong mahigpit ang hawak mo. Sige mauna ka muna sa loob.MagC CR lang ako."Ang nasabi ni EJ. Sabay talikod dito at dumiretso sa banyo.

Ng makapasok sa loob ng banyo ay naghilamos siya para mawala ang pamumula ng mukha niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Mali ito pero sa isang banda ay parang nagugustuhan na niya. Si DM lagi ang karamay niya nung mangyaring hindi maganda sa pamilya niya. Simula noon lagi silang lumabas ni DM. Masayang kasama si DM. Hindi niya niya mawari kung bakit. Ibayong saya ang dulot nito sa kanya na hindi niya nagagawa nung sila ni Natasha.

Humarap siya sa salamin. Kita niya ang basang mukha niya. Umaagos ang tubig papunta sa lababo. Hindi niya inaasahan ang pagbukas ng isang cubicle sa banyo kung saan siya. Kahit hindi malinaw ang paningin niya dala ng paghihilamos niya ng tubig ay aninag niya kung sino ito.At hindi siya pwedeng magkamali. Akala niya makakatakas na siya dito.

"E..E..J"Ang sabi ng lumabas sa cubicle.Nanlaki ang mata nito.

Pinunasan ni EJ ang mukha gamit ang kamay para mawala ang tubig sa mata niya. Ngayon naaninag niya ang mukha ng tumawag sa kanya. Pero imbes na sumagot ay binalewala niya ito.At kinuha ang panyo para punasan ang basang mukha nito. Nakaharap pa rin siya sa salamin. Pero ang taong tumawag sa kanya ay parang estatwa na nakatayo sa labas ng cubicle na pinasukan niya.Ng matapos na mapunasan ni EJ ang mukha ay umalis na ito.Pero bago pa siya makalabas ng pinto ay hinablot nito ang kamay ni EJ. Ng siyang namang kinatigil nito at biglang tingin nito sa kanya ng masama.

"WHAT?!!!'Pasigaw na sabi ni EJ.

"EJ..pwede ba tayong mag usap kahit saglit lang?"Ang pagsusumamo ng taong kausap niya.

Hindi sumagot si EJ. Bagkus napabuntong hininga siya. Tinanggal ang pagkakahablot nito sa kamay niya ng taong kausap niya.Tumalikod siya. At ng akmang aalis na ito ay nagsalita  ang lalaking kausap niya.

"Sorry EJ...pasensya ka na kung hindi kami nakikipag usap sa iyo nung panahong kailangan mo ng makakaramay. Nasaktan kami sa nangyari. Lalo na ako. Alam ko naging makasarili ako kasi naging mapride ako na hindi ka tulungan pero ngayon nagsisisi na ako. Sana mapatawad mo ako."Nauutal na sabi ng taong kausap niya.

"Sorry..yun lang.sorry..sorry lang sa ginawa niyo?Nagpapatawa ka."Ang sabi ni EJ na sinabayan ng konting sarkastikong pagtawa.

"JM,Alam niyo nung araw na iyon.Feeling ko ako na lang ang mag isa.Halos lahat kayo iniwan niyo ako. Hindi niyo alam kung anong pinagdaanan ko nun. Gusto ko ng mamatay ng oras na iyon.Pero buti na lang may taong tumulong sa akin. Masaya na ako kasi ok na ako. Hindi ko na kayo kailangan.Sige alis na ako.Late na ako."Dugtong niya at gumagaralgal na ang boses ni EJ. Nagsisimula ng tumulo ang luha niya. Pinunasan niya gamit ang braso niya ang luhang pumatak sa mukha siya sabay alis sa kinaroroonan para bumalik sa conference room.Naiwang nakatulala si JM.

Nagsisimula na ang diskusyon ng dumating si EJ. Lumapit siya sa tabi ni DM. Walang imik ito ng makaupo.Napatingin naman si DM sa kanya.Nakita nito na parang umiiyak ito. Tinanong niya ito.

"Ok ka lang ba?"Ang nag aalalang sabi ni DM kay EJ.

"Ok lang ako.Wag mo akong alalahanin"Ang sabi ni EJ.

"Ba't ang tagal mo pala?"si DM ulit.

"Hinanap ko pa yung CR eh.nalito ako"Ang palusot na lang ni EJ.

"Sus lokohin mo lelang mo.Asa tapat lang natin ang CR ng maghiwalay tayo"Ang hindi naniniwalang sabi ni DM.

"Tapos sumakit pa ang tiyan ko.Kaya nagbawas ako"Palusot ulit ni EJ.

"Defensive ka masyado.Hihihi."Natatawang sabi ni DM.

"Eh kasi ang dami mo tanong.Makinig ka na nga."Medyo naiinis na sabi ni EJ.

"Sungit!"Pabulong na sabi ni DM.

"Ano yun?May sinasabi ka ba?"Akala niya hindi siya narinig ni EJ.Pinanlisikan siya ng mata nito.

"Wala...makinig na nga tayo."Ang nasabi na lang ni DM.

Naging tahimik naman silang dalawa at nakikinig sa orientation sa kanila. Hindi na rin nila pinag usapan ang nangyari kanina dun sa nakakahiyang tagpo sa pagitan nila.Ayaw na rin nilang palakihin iyon.Ng matapos ang orientation ay binigay na sa kanila ang magiging schedule nila. Pareho silang napunta sa operating room nila DM.At pareho pa sila ng araw ng schedule ng pasok at off. Kaya naman tuwang tuwa sila.

Unang araw ng simula ng training nila. Alas 12 ng tanghali palang ay gumayak na si EJ kahit alas 2 pa ang pasok nila. Si DM naman ay laging nauuna palibahasa may sasakyan samantalang si EJ ay commute pa at medyo malayo rin ang Paranaque sa  Quezon City.Ganoon lagi sila kasi sila pag nagkikita sila.Lagi nauuna si DM. At saka hindi na rin niya inabala si DM na sunduin siya dahil mapapalayo lang ito at gastos pa sa gasolina.

Hindi niya inaasahan ang kanyang makikita habang papasok ng hospital.

2 comments:

dada said...

Peace tyo jayfinpa hehe....napa "ow" aq s kissing scene ahahaha minsan ang mga aksidente eh my kasamang benefits lol ahahaha.... Hnd n aq manghuhula ng susunod n mangyayari....hehe nc chap nga pala may development ng nangyayari hehe

Unknown said...

Joke lang yun dada..hehehe..okay lang maging spoiler dahil kahit ako mahuhulaan ko naman kung sino yun.hehehe..

ShareThis