Sa sobrang inis ng ginawa ni DM sa kanya ay padabog itong bumaba ng sasakyan at lumipat sa driver's seat. Nilakbay niya mag isa pauwi ng bahay.Nakarating naman siya ng bandang 3 ng madaling araw.Ng makarating ng bahay ay dumiretso siya ng kuwarto niya at kinuha ang cellphone niya para itext si DM. Ng itetext niya na ito ay biglang nagvibrate ang cellphone niya. May mensahe galing kay DM Binasa niya ito.
DM:I'm Home.Sori medyo napagod lng. Psnsya k n. Ba2wi n lng aq s u.Psnsya n lit. Gud nyt :).
Hindi na siya nagreply dito. Inintindi na lang niya ito.Baka nga napagod lang ito sa biyahe nila. Pero kahit na ganun pa man ay nagpapasalamat pa rin siya.At natutuwa sa ginawa niya. Na lalong nagpausbong ng damdamin ni EJ kay DM.
Buong araw ay nasa bahay lang si EJ. Tinetext niya si DM pero hindi nito sinasagot ang mga text sa kanya. Kahit online pa ito sa facebook ay hindi siya pinapansin nito. Naweirduhan naman siya sa ginagawa ni DM sa kanya. Pero kahit ganoon ay nagpupumilit pa rin si EJ. Hindi na niya papayagan pang magkaroon sila ng alitan.
Dumating ang lunes. Oras ng trabaho nila. Hindi na niya kasama si DM. Lalo niya tuloy ito namiss. Kaya bago siya pumasok ay tinext niya ito. Pero hindi pa rin ito sumasagot.Nakaramdam na siya na konting inis dito.Pero titiisin na lang niya. Baka hindi lang maganda ang pakiramdam nito.
Maaga siyang pumasok sa trabaho dahil sa pananabik na makita ang mga bagong kasama. At lagi siyang maagang pumasok. 1 oras bago pa magsimula ang trabaho niya ay andun na siya. Umupo siya sa bakante upuan para maghintay ng mga kasama. Kinuha niya ang ipod niya at nakining ng musika.
Makalipas ang 30 minuto ay unti unting dumadating ang mga kasamahan niya. Ng bumukas ulit ay laking gulat niya na kilala niya ang pumasok. Hindi niya inaakala na makakatrabaho niya si JM. Ang bilis ng pangyayari ng biglang tumabi ito sa kanya.
"Kamusta?"Ang bati ni JM kay EJ.Nakangiti ito.
"Ok lang. Uhmm alis muna ako. Mag yoyosi lang ako sa labas."Ang malamig na sabi ni EJ.Sabay tayo at lumabas ng operating room. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya kayang patawarin sila. Pero alam niyang sobra siyang nasasaktan sa tuwing makikita isa man sa kanila.
Makalipas ang 30 minuto ay unti unting dumadating ang mga kasamahan niya. Ng bumukas ulit ay laking gulat niya na kilala niya ang pumasok. Hindi niya inaakala na makakatrabaho niya si JM. Ang bilis ng pangyayari ng biglang tumabi ito sa kanya.
"Kamusta?"Ang bati ni JM kay EJ.Nakangiti ito.
"Ok lang. Uhmm alis muna ako. Mag yoyosi lang ako sa labas."Ang malamig na sabi ni EJ.Sabay tayo at lumabas ng operating room. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya kayang patawarin sila. Pero alam niyang sobra siyang nasasaktan sa tuwing makikita isa man sa kanila.
Lumabas na nga siya ng hospital para mag yosi. Tinagalan niya talaga para hindi na sila mag usap pa ni JM. Dumating siya 5 minuto na lang ang natitira. Pagpasok niya ay babatiin na siya ulit ni JM ng biglang inaayos niya ang gamit niya. Napakunot noo na lang siya.
Ng matapos si EJ ay dumiretso ito sa isa sa mga senior nurse.Wala namang nagawa si JM kundi ang panoorin na lang si EJ. Mukhang wala rin namang balak siya kausapin. At yun nga ang nagyari. Buong araw silang hindi nagkibuan.Nakauwi na sila lahat lahat ay wala pa rin silang kibo sa isa't isa.
Ng matapos ang oras ng trabaho nila JM at EJ ay siya namang pagdating nina AJ,Natasha at DM. Hindi naman gaano karami ang mga trabaho pag panggabi ka. Magsisimula na sila ng pinalapit si DM sa head nurse na nakaassign sa Pediatric Ward.
"Your DM right?"Ang sabi ng Head Nurse.Nahihiya pa si DM lumapit at tumango lang ng tinanong ang pangalan.
"Well since ikaw ang pinakabago dito ay papaassist kita kay Natasha. Magaling siya kahit baguhan."aAng sabi ng Head Nurse. Tuloy tuloy lang sa pag oorient ito kay DM.
Samantala sa kinaroroonan naman nila AJ at Natasha. Ang dalawa ang nag uusap tungkol kay DM.
"Alam mo bes?"Ang sabi ni AJ.
"Hindi pa..ano yun?"Ang tugon ni Natasha.
"Hindi ko maintindihan ang lakas talaga ng dating ni DM sa akin."Ang nahihiyang sabi ni AJ. Namula siya ng banggitin ang pangalan ni DM habang nakatingin siya kay DM.
"Ano ba yang pinagsasabi mo? Ang landi mo talaga. "Ang medyo naiirita na sabi ni Natasha.
"Eh sa gwapo naman talaga si DM.Eh.Aminin mo yan. May Hitsura siya."Ang makulit na sabi ni AJ.
"Oo na..ng matahimik ka na. Ang landi mo talaga."Ang nasabi ni Natasha.
"Hay..may girlfriend na kaya yan?"Ang biglang tanong ni AJ.
"Malay ko..hindi ko alam.Hindi kami close."Ang banat naman ni Natasha.
"Swerte niya pero hindi ako papayag.Pagkakataon ko na ito bes. Palay na ang lumapit tatanggi pa ba ako."Ang malanding sabi ni AJ.
"Hay AJ.Binabalaan kita.Ilang beses ka bang naghabol sa mga lalaki. And in the end ikaw ang talo. Matagal na tayong magkakaibigan.Bakit hindi si JM na lang kasi ang habulin mo.Tutal ok din naman siya beside pareho kayong naghahanap ng true love niyo. "Ang nasabi ni Natasha.
"Naku bes pagbigyan mo na ako last na ito. I'm sure ito na yung sign na hinahantay ko.Saka tingnan mo pinagtagpo talaga kami."Ang kinikilig na sabi ni AJ.
"And beside wala ako gusto dun sa epal na JM na iyon. Tigilan niyo na ako sa kakabuyo dun sa taong yun. And ikaw ano bang balak mo/niyo pala ni EJ mo. Malapit na ang 5th year annive niyo?"Ang dugtong ni AJ.
"Hindi ko rin alam AJ. Alam mo naman na parang cool off kami. Pero alam ko magiging ok din kami ni EJ. Miss ko na siya talaga. Pag binalikan niya ako hinding hindi ko na siya iiwan pa."Ang madamdaming sabi ni Natasha.
"Naku bes tama na nga yan.Baka kung saan pa tayo mapunta eh."Ang sabi ni AJ.
"Ikaw kasi eh."Ang banat ni Natasha. Sasabat sana ulit si AJ ng bigla siyang tinawag ng Head Nurse.Lumapit naman ito kaagad.
"I want you to assist DM since this is the first time he will be in this ward. Asahan ko yan ok?"Ang sabi ng Head Nurse.
"Yes mam."Ang nasabi ni Natasha wala naman siya magawa kahit ayaw niya. Hindi talaga komportable siyang kasama si DM.Hindi niya maintindihan kung bakit basta parang may kung ano siyang nararamdaman dito.Inis siya dito sa tuwing nakikita niya si DM.
"Yes mam."Ang nasabi ni Natasha wala naman siya magawa kahit ayaw niya. Hindi talaga komportable siyang kasama si DM.Hindi niya maintindihan kung bakit basta parang may kung ano siyang nararamdaman dito.Inis siya dito sa tuwing nakikita niya si DM.
Napangisi naman si DM kasi ito talaga ang gusto niyang mangyari ang mapalapit kay Natasha.At pag nakuha na niya ang loob nito ay liligawan na niya ito. Tumingin ito saglit kay Natasha at nakita naman siya ni Natasha.Ngumiti siya pero hindi siya nginitian ni Natasha.
Nagsimula naman silang magtrabaho. Tinanong siya ni AJ kung ano ang pinag usapan nila ng Head Nurse at kinwento na nga niya. Naiinggit siya kay Natasha sana siya na lang para mapalapit. Kaya nagrequest ito na siya na lang ang mag aasist kay DM. Pinagbigyan naman siya ni Natasha.
Ng magtatanong na si DM kay Natasha ay bigla itong napunta si CR at sinabihan siya na kay AJ na lang muna magpa-aassist. Ang totoo niyan ay nag alibi siya para si AJ ang mag assist kay DM. Wala ng nagawa pa si DM ng si AJ na ang nag aassist sa kanya.Hindi na siya tinantanan nito. Ok na rin yun at least mas mapapadali ang trabaho niya. Kasi sinabihan naman niya si AJ na kung hindi niya magagawa ay si AJ ang gagawa.Natuwa naman pareho si DM at AJ sa ganong set up.Yun nga lang mas may advanatage ito kay DM.
Ng minsan mawala sa paningin ni DM si AJ ay naglakas loob na ito tanungin ang bagay bagay kay Natasha.Lumapit ito kay Natasha na ikinabigla naman ng huli.
"Uhmm Natasha?"Ang sabi ni DM.Nakatalikos kasi si Natasha.
"O yes..wala ba si AJ?"Ang nasabi ni Natasha.
"Uhmm ikaw talaga ang sadya ko."Ang seryosong sabi ni DM.
"Bakit?"ang nagtatakang sabi ni Natasha.
"Iniiwasan mo ba ako? Kasi napapansin ko pag lumalapit ako kulang nalang hilahin ka ng hangin sa sobrang bilis mong umalis."Ang seryosong sabi ni DM.Habang nakatingin ito ng diretso kay Natasha.Hindi naman inaakala ni Natasha na mapapansin pala ni DM ang pag iwas niya dito.Wala na siyang nagawa kundi ang magsinungaling na lang.
"Pasensya na..busy lang talaga ako sa mga pasyente. Alam mo naman mga VIP ang pinapahandle sa akin. Kaya nga hindi na kita naassist at si AJ na lang ang pina sub ko."Ang alibi ni Natasha.
"Ok lang naman yun eh kung busy ka pero sana wag mo na lang ako iwasan. Sana sinabi mo na ayaw mo pala akong kasama."Ang malungkot na sabi ni DM. Tumalikod na ito kay Natasha. Nabigla naman ang huli at parang natauhan naman siya sa ginawa niya.Mali nga naman ang iwasan siya dahil wala naman itong nagawa sa kanya. Pero ewan niya para kasi may kung anong nagsasabi na iwasan siya.
Nalungkot naman si DM kasi alam niya iniiwasan siya ni Natasha nasakatan siya kasi nagsisinungaling ito ng magtanong siya.Alam naman niyang hindi siya busy dahil nakikita niya itong nakikipagkwentuhan sa iba pa nilang kasamahan. Hindi naman ito nakaiwas sa mga mata ni AJ.Nakita niya ang biglang pagiging malungkot ni DM ng pumunta ito kay Natasha kaya pinuntahan niya si Natasha para alamin ang totoo.
"Bes napano yung tao?"Ang biglang sabi ni AJ ng lumapit ito at kinalabit si Natasha.Nagulat naman ang huli.
"Ah eh kasi.."Ang hindi naputol na sabi ni Natasha.Nahihiya kasi siyang ipagtapat na kasalanan niya kung bakit malungkot si DM.Napahinto ito at nag aalangan kung sasabihin ang totoo.Hinihintay naman ni AJ ang sagot.
"Ano na!"Ang hindi makatiis na sabi ni AJ.Naiinip na sa sasabihin ni Natasha kasi parang napipi na ang kaibigan.
"Kasalanan ko kasi."Ang nasabi na rin sa wakas ni Natasha.
"Bakit ano bang ginawa mo?"Ang tanong ni AJ.
"Ah kasi nagtanong siya kung iniiwasan ko.Sabi ko sa kanya na hindi ko siya iniiwasan kundi busy lang.Hindi niya ata kinagat yung sagot ko.Kaya ayun nakapagbitaw siya ng hindi maganda.Aminado naman akong iniiwasan ko siya.Ewan ko pero para may kung ano kung bakit ko siya iniiwasan. "Ang mahabang sabi ni Natasha.
"Naku friend baka naman kasi nakikipag kaibigan lang yung tao.Ikaw naman kasi parang may something ka.Basta akin lang siya.May EJ ka na."Ang banat naman ni AJ.
"Alam ko naman yun.And beside si EJ lang ang laman ng puso at utak ko.Hanggang mamatay ako siya lang at wala ng iba,"Ang nasabi ni Natasha.
"Naku basta entertain mo na lang siya.Pag medyo matagal na eh ako ang sasalo.Ok na?"Ang sabi ni AJ.
"Ok deal."Ang ngiting sabi ni Natasha.
Ganoon na nga ang nangyari.Sa una siya ang unang lumapit para mapalagay ang loob ni DM.Hindi na siya umiiwas dito pero meron pa rin kasi nagsasabi sa kanyang utak na iwasan siya.Kaya pag medyo natatagalan si DM ay sinasalo naman siya ni AJ.
Natutuwa naman si DM kasi kinausap na siya ni Natasha.Hindi nga lang ganoon kadalas kasi umeeksena si AJ.Pero kahit ganoon ay naging maganda naman ang kinalabasan.At natutuwa siya dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makausap ng matagal si Natasha.
Ng matapos na sila sa trabaho nila.Sabay sabay na silang lumabas sa hospital. Nauunang umalis si DM. Sumunod si AJ. At nahuli si Natasha. Pero bago pa man siya makasakay ng dyip pauwi ay may bumusina sa kanya. Ng buksan ang bintana ng kotse ay nagulat siya kung sino ang nandoon.
Nagulat si Natasha ng bumukas ang
bintana ng kotse ng makita si DM pala ang sakay. Pinapapasok siya sa
loob ngunit hindi niya alam ang gagawin.Hindi niya alam kung
magagalit,maiinis o matutuwa sa ginagawa nito. Hindi nga niya alam kung
bakit ayaw niya dito.Nabigla naman siya ng biglang bumaba si DM at
binuksan ang pintuan ng passenger's seat. Wala na siyang nagawa kundi
ang sumakay.Nakakahiya na rin kasi masyado ng naabala ang mga nasa likod
na mga sasakyan.Napa "YES" naman si DM ng sumakay ito sa sasakyan niya.
"Akala ko ba umuwi ka na?"Ang tanong ni Natasha.
"Oo kaso may nakalimutan ako eh."Ang palusot ni DM.
"Ano naman yun?"Ang tanong ulit ni Natasha.
"Ikaw!"Nakangiting
sabi ni DM sabay tingin niya dito.Nagulat naman siya dun.Pinamulahan
siya ng mukha at humarap sa bintana para hindi makita ni DM.Pero hindi
ito nakaiwas sa mga mata ni DM.
"Namumula
ka. You know what Natasha i don't know.Pero everytime na nakikita
kita.Sobrang iba ang feeling ko. Hindi ko maexplain kung masaya ba.Pero
isa lang ang ibig sabihin nun. May gusto ako sa iyo."Ang diretsahang
sabi ni DM kay Natasha.
"Ha..eh
nasabi mo lang yan dahil lagi tayong magkasama.Wag na lang ako. Marami
pa dyan na bagay sa iyo."Ang sabi ni Natasha.Alam niya na iba ang
pakiramdam niya dito kay DM. May nagsasabing layuan siya pero itong
taong kasama niya ang lapit ng lapit.
"Bakit may boyfriend ka ba ngayon?"Ang tanong ng DM.
Hindi
naman makapagsalita si Natasha. Hindi niya niya alam kung ano nga ba
sila ngayon ni EJ. Wala naman silang pormal na usapan na hiwalay na
sila. Nasasaktan siya sa tuwing inaalala ang mga masasakit na salita ni
EJ sa kanya. Alam niyang malaking ang kasalanan niya kay EJ.Pero hindi
siya bibitaw dahil mahal na mahal niya si EJ. Napansin na lang niya na
tumulo ang luha niya. Hindi naman ito nakaligtas sa mata ni DM.
"Bakit ka umiiyak may nasabi ba akong masama?"Ang nag aalalang sabi ni DM ng mapansin niyang umiyak si Natasha.
"May naalala lang ako.Wala ito.Pasensya na."Ang sabi ni Natasha.Sabay pahid ng luha at tumingin sa bintana.
Hindi
na lang nagtanong pa si DM kay Natasha.Ang importante ay kasama niya
ito. Kaya lulubusin na niya ang lahat lahat.Gusto niyang makilala pa ng
lubos si Natasha. Niyaya niya ito saglit na kumain.Una ay umayaw si
Natasha dahil gusto na niyang matulog pero napilit niya rin ito.Wala
ring nagawa si Natasha.Makulit lang talaga si DM. Pinagbigyan na lang
niya.Hahayaan na lang niya ito.
Kumain
sila sa isang mamahaling resto na nakita lang ni DM sa daan habang
binabagtas nila ang daan pauwi kina Natasha. Nagkwnetuhan sila at ng
matapos ay hinatid na niya si Natasha sa bahay nila. Hindi sinabi ni
Natasha ang eksaktong lugar nila.Para hindi malaman ni DM.Ayaw niyang
may makaalam na may naghahatid sa kanya na ibang tao bukod pa kay EJ.
Nagpababa
lang si Natasha sa isang gate ng subdivision. Sa totoo lang hindi doon
nakatira si Natasha.Sasakay pa siya ng dyip dahil malayo pa iyon sa
bahay nila. Hindi pa rin siya palagay kay DM.Lalo na ngayon na may gusto
sa kanya ang tao.Ayaw na niyang paasahin pa ito.Kaya sa susunod na mag
usap sila kailangan na niya sabihin na may boyfriend na siya para
lubayan na siya.
Nakauwi
naman sila DM at Natasha ng matiwasay gayundin si AJ. Habang si JM at
EJ ay papasok pala. Nagsalubong ang dalawa sa pasilyo papuntang
operating room. Umiwas si EJ na tingnan ang kaibigan. Wala namang nagawa
si JM kundi ang sundan lang ito ng tingin hanggang sa makapasok na sa
loob ng operating room.
Ganoon
pa rin wala silang imik sa isa't isa. Ayaw talaga siyang kausapin ni
EJ.Kahit na si JM ang gumagawa ng paraan. Hindi pa rin lubusang
napapatawad ni EJ ang kaibigan.
Lunch
break na nila (Hapunan) hindi niya nakita si EJ.Nauna na naman ata
umalis.Yayayain sana niyang sumabay kasi naghanda ang Mama ni JM ng
pagkain nilang dalawa ng malaman ng Mama ni JM na magkatrabaho sila ay
natuwa ito kaya naisipang pagbaunan ng pagkain.
Habang
kumakain sa canteen si EJ hindi niya napansin ang pagdating ni JM.
Nakatalikod kasi ito sa mga taong pumapasok sa canteen. Kaya ng mapansin
niyang may dumaan sa gilid niya ay napatingin siya.Napakunoot noo siya
ng si JM ay paupo na bakanteng upuan na pinagkakainan niya.Magkaharap
sila.
"Bigay
ni Mama sa iyo. Kasi nalaman niya na magkasama tayo.Kaya nagpabaon
siya."Sabi ni JM.Sabay abot ng pagkain kay EJ.Hindi ito pinansin ni EJ.
Parang wala siyang nakikita sa harapan niya.
"I'm sorry sa lahat lahat.Sana mapatawad mo ako."Ang madamdaming sabi ni JM.Hindi pa rin nagsasalita si EJ.
"Alam
kong galit ka.Pero hindi ako titigil hangga't hindi mo ako napapatawad.
Hindi ako magsasawa.Ibabalik ko ang dati EJ. Sana hayaan mo akong gawin
ito."Ang medyo naluluha na sabi ni JM.Pero pinipigilan niya.Wala pa
ring kibo si EJ.Sumusubo ng pagkain ito.Wala pakialam sa kaharap.
"Sana
balang araw mag kaayos tayo.Yun lang ang hiling ko ngayon sa nalalapit
kong kaarawan."Ang nasabi ni JM. Biglang tumayo si EJ.Tapos na pala
itong kumain. At dire direstong umalis. Hindi na nakakibo pa si JM sa
inasta ng kaibigan. Napabuntong hininga na lang siya.
Pagbalik
nila matapos ang hapunan nila ay wala pa ring imik ang dalawa.Hindi
talaga sila nag uusap. Napapansin na rin ito ng mga kasama niya.Pag
tinatanong nila ang dalawa tanging ngiti lang ang sagot nila.
Natapos
ang oras ng trabaho nila. Inunahan ni JM si EJ para mapilit niya itong
kausapin. Hinatak niya ito sa isa sa loob ng room ng hospital.Nagulat
naman si EJ sa ginawa ng kaibigan.
"Look pwede bang kausapin mo ako kahit saglit lang."Ang sabi ni JM.
"Para
san pa? Hindi pa ba malinaw sa inyong lahat na wala na.Tapos na ang
lahat.Wag niyo na akong guluhin pa.Masaya na ako sa buhay ko."Ang
pagalit na sabi ni EJ.
"EJ
alam kong sobra ka naming nasaktan.Sana naman patawarin mo na
kami.Gagawin ko ang lahat maibalik ko lang ang maganda pinagsamahan
natin.Ayaw kong masayang iyon. Bestfriend mo ako habang buhay at hindi
magbabago iyon"Ang sabi ni JM sabay niyakap si EJ.Umiiyak na siya ng mg
oras na iyon. Hindi na niya kaya pa ang namamagitang alitan nila ni
EJ.Gusto na niyang tapusin ang lahat kung anumang samaan ng loob ang
mayroon sila.Kumalas si EJ sa yakap nito.Sabay lakad sa may pinto. Bago
pa makalabas si EJ ay nagsalita si JM.
"Sana
hindi pa huli ang lahat bago mo kami patawarin.Sana kahit hindi na ako
mapatawad mo kahit si Natasha na lang.Malapit na ang 5th Anniversary
niyo."Ang sabi ni JM.Hindi na tinapos pa ni EJ ang sasabihin ni
JM.Lumabas na siya ng tuluyan at tumungo ng paradahan ng sasakyan.
Makahulugan
ang sinabi ni JM kay EJ.Ng nasa sasakyan na ito ay hindi na rin
napigilan ang sarili.Napaiyak na siya ng tuluyan.Hindi niya kayang
balewalain ang mga kaibigan.Si JM sobrang sarkripisyo na ang binigay
niya sa kanya.Kaya naawa siya na nasasaktan niya ito.Pero hindi pa siya
handa na kausapin sila.Sariwa pa at masakit ang ginawa nila.Hindi niya
alam kung kailan niya ito mapapatawad pero hindi pa ngayon.
Nasa ganoong sitwasyon siya ng hindi niya inaasahan ang kanyang makikita.
8 comments:
sobrang emosyon ang chapter na to..ang galing
lakas ng radar ni natasha sa isang karibal XD
c ej angarte ah, sarap itapon sa bangin
otor anu 2matakbo sa icp m hbng ngsu2lat? mixed emotions kc ang chapter na to
Hindi ko makuha ang drama ni EJ? Hindi ko rin makuha ang drama ni DM? confused sila pareho di ba? Pero may hula na ako eh... Mukhang magpapalitan ng love interest :D yon ang nararamdaman ko sa takbo ng storya thats why DM and EJ is separated.. Could it be that EJ will fall sa bestfriend nyang si JM? xD magulo yon for sure :D
Or the other way around si JM ang mafafall kay EJ... HAHAHA
Hahaha..sige hula lang kayo ng hula. Basta sa susunod abangan niyo mga matitinding eksena. Kahit ako nahirapan kung paano ko gagawin ito. Sana magustuhan niyo iyon. Excited na akong malaman ang mga reaksiyon niyo.
ano ba yan ang hirap naman hulaan..sumasakit na ulo ko...
ang dami kasing posibleng mangyari at mga posibilidad na maging magkapareha sa bandang huli.
Mga possibilities:
EJ at DM
EJ at Natasha
DM at Natasha
JM at AJ
AJ at DM
EJ at James
JM at Natasha
O isama mo na kahit imposible AJ at Natasha..hehe
hintayin ko n nga lang ung nxt chapter.. :)
teka baka maging DM at JM yan sa huli ha mr. Author..hehe
@Ross Magno:Magkakaroon na yan ng klaro sa mga susunod na mga episode. Abangan..
Post a Comment