Saturday, November 5, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 32 (Tamang hinala)

Andito na naman po ang inyong lingkod. Salamat po sa walang sawang pagbabasa ng aking akda. Nakakataba po ng puso ang inyong pagkokomento. Pasalamatan ko lang sila Ross Magno,Rue at Andrian. Salamat po sa mga tumatangkilik ng aking kwento. Eto na po ang susunod. Enjoy!
*****************************************************************************************************
"Hello DM!"Ang bati ni Natasha sa kabilang linya.Napatakip ng bibig si EJ. Nanlaki ang mata ng marinig ang boses ni Natasha,ang nobya niya.

Binaba niya ang tawag.Hindi siya pwedeng magkamali na si Natasha ang narinig niya.Napatayo siya ng dis oras at nawala ang amats na nararamdaman niya sa mga pangyayari. Ikot siya ng ikot sa kuwarto niya. Hindi siya mapakali.Imposibleng si Natasha iyong binabanggit niya. Hindi maaari dahil ang nakita niya nung isang araw ay si AJ.Sobra ngang masaya sila. Alam niya si AJ iyong Natasha sinasabi niya.

Pero nakita niya ring pumasok si Natasha at kasama si JM nung araw na nakita niya si DM at AJ na magkasama.Hindi nga ba si Natasha ang tinutukoy ni DM na nililigawan niya. Naguguluhan na siya. Biglang tumunog ulit ang cellphone ni DM.Tumatawag si Natasha. Naguguluhan na siya kaya ang ginawa niya ay pinatay niya ang cellphone ni DM. Ayaw niyang pakinggan ang boses ni Natasha. At baka magkasama lang sila ni AJ kaya si Natasha ang sumgot.Iyon ang mga nasa isip ngayon ni EJ.

"Tama,baka kasama ngayon ni AJ si Natasha kaya si Natasha ang sumagot.Tama...tama iyon ang isasaksak ko sa kukute ko"Ang sabi ni EJ.Sabay pukpok sa ulo niya.Na akala mo ay nasisiraan ng ulo.

Naguguluhan siya ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung kokomprontahin niya si DM o hindi.Natatakot siya na malaman ang totoo.

"Hindi pwede,dapat malaman ko ang totoo.Pero natatakot ako paano kung tama ang hinala ko."Ang sabi ni EJ.Napasandal siya sa pintuan ng kuwarto niya at dahan dahang naupo.Ng makaupo ay hinawakan ang ulo na parang nababaliw. 

"Shit..si DM nililigawan ang GF ko...shit..hindi ito maaari..hindi"Ang sabi ni EJ.Naiiyak na siya ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung paano haharapin si DM kung sakaling si Natasha nga ang tinutukoy nitong nililigawan. 

Tumayo siya at lumabas ng kuwarto niya. Sa kuwarto ng Kuya Athan niya siya matutulog ngayon. Pumasok na nga siya at kasabay ng paglock ng pinto ng kuwarto ng Kuya niya. Umupo siya sa kama nito at niyakap ang tuhod.

"Kuya tulungan mo ako..hindi ko alam ang gagawin ko.Kung nandito ka lang sana.."Ang naiiyak na sabi ni EJ.

Ang sakit ng nararamdaman niya. Ito na yata ang pinakamasakit na pangyayaring magaganap sa buong buhay niya. Hindi niya alam kung paano niya ito makakayanan. Pero bahala na.Itutulog na lang niya ito. Baka bukas mawala na ang agam agam niya.Pero kailangan niya pa rin malaman ang totoo galing kay DM.Tatanungin niya ito. Para mawala ang agam agam niya.

Iyon na nga ang nangyari. Nakatulog si EJ. Unang nagising si DM.Hinanap niya si EJ pero wala na ito. Naweirduhan man dahil hindi naman ito ginagawa ni EJ dati kung natutulog siya sa bahay nito.Ngayon lang ito nangyari kaya nanibago siya. 

Hinanap niya si EJ pero hindi niya ito makita sa bahay.Tinanong niya si Manang Flor kung nakita niya si EJ pero kahit na ito ay hindi pa niya nakikitang bumaba. Kaya tiningnan niya ang kuwarto ng Kuya Athan ni EJ.Hindi nga siya nagkamali dahil naririnig nito ang malakas na hilik ni EJ.So doon nga siya natulog sa kabilang kuwarto.Hindi na niya ito ginising pa.Nag iwan na lang siya ng isang sulat sa kama nito bago nilisan ang bahay nila EJ.

Nagising bandang alas 11 na ng tanghali si EJ.Dali dali siyang pumunta ng banyo para magbihis. Kasi baka malate siya sa trabaho niya. Hindi na niya naabutan pa sa bahay nila si DM. Maaga itong umalis. Nabasa naman nito ang sulat na nilagay sa kama. Hindi na rin niya naitanong dito ang agam agam niya. Kaya minabuti na lang niya munang ipagpaliban ito. Saka na lang niya ito kokomprontahin. 

Sumakay na siya ng kotse ng matapos bandang alas 12 ng tanghali. Binagtas na niya ang kahabaan ng Edsa patungong St. Lukes. Maaga pa rin siya nakarating sa hospital. May isang oras pang natitira.Kaya ang ginawa niya muna ay magbasa ng mga update for operation. 

Nagsimula na ang trabaho ni EJ ng pagpatak ng alas 2 ng hapon. Marami pa rin silang pasyente. Puro major lahat kaya tumatagal ng ilang oras bago natatapos ang isang operasyon. Bandang alas 6 ng gabi ng maghapunan na siya. Pumunta siya sa canteen para mas madali siyang makabalik sa operating room. 

Habang kumakain ay nakita niya pumasok si JM.Umorder ng pagkain at naghahanap ng mauupuan.Tumabi ito kay EJ. Na wala namang kasama sa table. Hindi pa rin siya iniimik ni EJ. Nakita niyang malalim ang iniisip nito. Biglang siyang nagtanong dito.

"Mukhang malalim ang iniisip mo.Mind to share it."Ang nakangiting sabi ni JM kay EJ.

Tumingin lang si EJ kay JM.Hindi niya alam kung tama bang tanungin niya ito tungkol kay DM at Natasha.Pero hindi siya mapakali.Alam niyang hindi siya matatahimik kung hindi niya malalaman ang katotohanan.

"Kilala mo si DM?"Ang biglang natanong ni EJ kay JM.Seryosong ito.

"Oo..bakit mo naman natanong?"Ang sagot ni JM.Natuwa naman siya dahil kinausap na siya sa wakas ni EJ.

"Kilala rin ba niya si AJ at Natasha?"Ang tanong ulit ni EJ.Seryoso pa rin ito.

"Oo..bakit mo natanong? May problema ba?"Ang sagot ni JM.

"Matagal niyo na ba siyang kakilala?"Ang tanong ni EJ.Napakunot naman ng noo si JM sa dami ng tanong ni EJ.

"Oo..bakit?Naghihinala ka ba na may iba si Natasha?"Ang biglang natanong ni JM.

"Wala..sige alis na ako.Salamat."Ang walang kasigla siglang sabi ni EJ.Sabay tayo nito para bumalik na sa operation room.Napakamot na lang ng ulo sa pagtataka si JM sa inasta ni EJ.Akala niya ok na sila iyon pala ay ganoon pa rin ito.Pero kahit ganoon ang kinalabasan ay ok na iyon dahil kinausap na siya ni EJ.Madali lang naman makuha ang loob ni EJ dahil oras na magpalagayan ulit sila ng loob ay magiging mabilis na ang pagpapatawad ni EJ sa kanila.

Habang pabalik si EJ ay naisipan muna nitong magbanyo.Para maghilamos. Habang naghihilamos ay tumingin siya sa salamin at kinausap ang sarili.

"Shit..mukha tama ang hinala ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kay DM oras na malaman ko ang totoo na nililigawan niya ang GF ko."Ang sambit niya sa sarili.

"Marami namang pwedeng ligawan bakit si Natasha pa?Tang ina naman oh!"Ang nasambit niya ulit.

"Pero alam kong wala na akong karapatan kay Natasha dahil nakipagbreak na ako sa kanya.Pero bakit ganoon masyado akong nasasaktan?Hindi ko alam kung kanino."Sabi pa niya ulit sa sarili.

"Buwisit buwisit.Hindi pwede ito..hindi!!"Ang sabi niya sa sarili. Tinapos na niya ang paghihilamos at bumalik na sa operating room. Hindi siya makapag isip na tama ng mga oras na iyon.Kaya sinabi niya na magpapa sub muna sa ibang kasama.Nag alibi siya na masama ang pakiramdam at pumayag naman ang senior nurse na kasama niya.

Hindi na talaga siya nakapag assist sa senior nurse sa natitirang oras ng trabaho niya. Kaya nag aalala si JM sa kondisyon ni EJ. Hindi man niya alam kung anong nararamdaman ngayon ni EJ pero alam niya sa sarili niya na may malalim na problema ang kaibigan.Gusto man niyang itanong dito kung anong problema niya para matulungan pero hindi niya magawa dahil hindi pa sila nagkaka ayos.

Natapos ang trabaho nila na wala ng ginawa si EJ kundi ang maghinala at mag isip na may namamagitan na sa pagitan nila DM at Natasha. Naguguluhan na siya. Kaya dumiresto na siyang umuwi para makapagpahinga. Nakatulog kaagad si EJ dahil sa pagod at pag iisip ng kung ano ano.

Habang si DM naman ay nagsisimula ulit suyuin si Natasha. Pagkadating na pagkadating ni DM sa nurse station binati niya si Natasha.

"Hi Natasha!"Ang masiglang sabi ni DM.

"Hi din!"Ang bati ni Natasha.Ngumiti ito pero pilit.Nahihiya kasi hindi siya nakasipot sa usapan nila ni DM pero nagtataka naman ito na parang ok lang kay DM.

"Pasensya na pala kung hindi ako nakapunta ha.Kasi may emergency eh."Ang palusot niya. Pero alam na rin naman ni DM ang totoo kaya nagpanggap na rin siya.

"Ok lang yun ano ba naman kasi ako sa iyo.KAIBIGAN lang naman ako.Di ba KAIBIGAN lang?"Ang may sarkastikong sabi ni DM na pinagdidiin pa niya ang salitang "KAIBIGAN".Nahiya naman si DM.

"Look sensya na..babawi na lang ako sa iyo.Promise?"Ang nasabi na lang ni Natasha para mawala ang tampo ni DM.

"Talaga?"Ang nakangiting sabi ni DM.Tumango na lang si Natasha.

"Ok sige ayos.Sasama ka ulit sa akin mamaya aalis tayong LANG DALAWA!Ok?"Ang nakangiting sabi ni DM at pinagdiinan ang salitang "LANG DALAWA" Tumango na lang si Natasha.

Nakita naman ni Natasha si AJ na paparating, Ng makalapit na siya ay binati niya si AJ. At nakipagbeso dito.

"Hi AJ!"Ang bati ni Natasha sabay beso sa bestfriend.

"Hi din."Ang walang kagana ganang sabi ni AJ.Napansin naman ito ni Natasha.

"AJ ok ka lang ba?"Ang may pag aalalang sabi ni Natasha.

"Ok lang ako.Sige mauna na ako."Ang sagot ni AJ.At hindi man lang pinansin si DM.Nagtaka naman si Natasha kasi kung dumarating ito ay si DM kaagad ang unang binabati niya. Ngayon ay parang hangin lang niyang dinaan si DM.

Hindi na lang umimik si DM ng mapansin niya si AJ. Tama lang na ginawa niya iyon para tumigil na si AJ sa kakakulit sa kanya.Hindi niya kasi gusto si AJ. Palihim na ngumiti si DM dahil ngayon ay masosolo na niya si Natasha.Nasa ganoong sitwasyon si DM ng nagsalita si Natasha paharap kay DM.

"Anong problema nun?"Ang tanong ni Natasha na nagtataka sa inasta ni AJ.

"Ewan ko..siguro meron siya ngayon kaya ganyan.Alam mo na."Ang nasabi ni DM.Tumawa naman si Natasha na ikinatuwa ng huli.

"Siguro nga..sige tara na..marami pa tayong pasyente eh."Ang aya ni Natasha kay DM para simulan ang trabaho nila.

Sinimulan na nila ang trabaho nila. Panay ang kwentuhan nila DM at Natasha.Hindi na nila pinag usapan ang date na namagitan kina DM at AJ dahil nililihis ni DM ang usapan. Nagtaka naman si Natasha pero pinagkibit balikat niya lang ito. Habang si AJ naman ay mag isang ginagawa ang trabaho niya.Umiiwas kay DM.

Hindi nga pinansin ng buong gabi ng trabaho nila sila DM at Natasha.Nagtaka naman si Natasha pero iniisip na lang niya na bad mood lang ang bestfriend niya at lilipas din iyan. Natapos ang kanilang trabaho at niyaya na niyang sumabay si Natasha. Nakita naman ni Natasha na lumabas si AJ at tinanong kung sasabay.

"AJ tara na..ihahatid kasi ako ni DM?"Ang aya ni Natasha sa kaibigan.

"Ah sige Natasha una na kayo. May pupuntahan pa kasi ako.Ayokong makaabala sa inyo."Ang tanggi ni AJ. Tiningnan lang niya si DM at umalis na sa harapan nilang dalawa. Nagtaka naman si Natasha at ng bumaling ng siya ng tingin kay DM ay nagtaas lang ito ng balikat.Pinapahiwatig na hindi niya rin alam kung anong nangyari kay AJ.

Habang nakasakay sila DM at Natasha sa sasakyan ni DM ay hindi maiwasan ni Natasha ang hindi mag isip kung bakit ganoon ang inaasta ni AJ sa araw na iyon.Nagtaka siya kasi dapat masaya ito dahil nakadate niya si DM. Pero parang baliktad yata ang nangyari. Tinanong niya si DM.

"Kamusta ang lakad niyo ni AJ kahapon?"Ang biglang naitanong ni Natasha.Napatingin si DM dahil akala niya ay hindi na siya uusisain pa tungkol sa lakad na naganap sa pagitan nila ni AJ.

"Ah..o..ok naman..Masaya naman."Ang alibi ni DM.Nauutal pa ito dahil kinakabahan siya na sumagot.

"Ah ok..bakit kaya ganun si AJ.Ngayon ko lang siya napansin na ganoon.Ang lalim ng iniisip."Ang sabi ni Natasha.Napatingin naman siya dahil doon.

"Di ba nga..baka meron siya ngayon.Kaya hayaan mo na lang muna iyon.Lilipas din iyon."Ang sabi ni DM.Medyo naiirita na siya kasi panay ang tanong ni Natasha tungkol sa lakad nila ni AJ.

Hindi na umimik pa si Natasha hanggang sa ihatid siya sa gate ng subdivision na kung saan lagi siyang binababa ni DM.Nagtataka pa rin siya sa nangyayari pakiramdam niya ay may hindi magandang nangyari kina DM at AJ. Ikinababahala niya ito.Kaya mamaya tatawagan niya ito.

Nagising si EJ bandang alas 10 ng umaga.Naghahanda na siya para sa pagpasok sa trabaho ng mapansin niyang parang mabigat ang bag niya,Kagabi pa niya ito napansin akala niya lang ay marami siya dinala ng extrang damit.Binuksan niya ito at nagtaka na may regalong nakalagay.Kinuha niya ito at binasa ang sulat na kalakip ng regalo.

Pasensya na ha kung hindi ako nakadalo sa pagdiriwang ng birthday ng Papa mo.Alam kong nagtatampo ka pa rin sa akin.Kaya hindi ko na lang tinuloy ang pagpunta sa bahay niyo.Ayaw ko rin masira ang araw mo kaya hindi ko na lang tinuloy. Tinuring ko na ring ama ang Papa mo. Dahil alam mo namang wala na rin akong ama.Naging mabait naman si Tito sa akin kahit papaano at hindi na rin siya iba sa akin. Kaya sana tanggapin mo itong munting regalo ko para sa Papa mo.

JM:)

Natuwa naman si EJ dahil hindi pala nakalimutan ni JM ang kaarawan ng Papa niya. Si JM lang naman kasi ang pinayagan ng Papa niya sa bahay nila na dumalaw.Wala siyang kaibigan ng hindi nakakapasok sa bahay nila maliban kay JM.Kaya tuwang tuwa siya na pinayagan siya ng Papa niya na pwedeng pumasok si JM.At siya lang ang bukod tanging pinayagan kahit na sina AJ at Natasha ay hindi nakatuntong ng buhay pa ang ama.

Binuksan niya ang regalo.Nakita niya ang isang gawa sa porselanang pinggan na nakalagay ang litrato nilang tatlo kasama dito ang Papa niya. Nasa kaliwa si JM na nahihiya pa noon kaya seryoso siya sa picture.Ang Papa niya ay nakaakbay kay JM at si EJ ay nakangiti. Naalala niya na ito ang unang araw na pumasok sa bahay si JM dahil sobrang close na sila ni JM ng mga araw na iyon at iyon din ang araw ng pinakilala niya ito sa buong pamilya niya na akala mo ay magpapakasal na ang dalawa. 

Naluha si EJ ng maalala niya ito.Si JM ang pinakaclose niya sa lahat ng mga naging kaibigan niya.Kahit noong high school siya wala siyang talagang maituturing na bestfriend.Nagkalamat lamang ang samahan nilang dalawa ni JM dahil sa pangyayari sa pamlya niya.Hanggang ngayon hindi niya pa rin lubos makalimutan ang sakit na iniwan siya ng mga taong inakala niyang karamay siya sa hirap at ginhawa.

Pero nanaig sa kanya na magpatawad na.Kailangan niyang umpisahan ito kay JM at susunod na sina AJ at Natasha.Gusto na niya makipag ayos sa mga ito kaya hindi na siya nagpatumpik tumpik pa. Lumakad na siya papunta ng hospital. Masaya ang aura niya ng mga araw na iyon.Kasi sisimulan na niyang makipag ayos sa mga kaibigan at nobya.

Oras ng hapunan ay kumain si EJ sa canteen. Ng makita niyang walang uupuan si JM ay kinamayan niya ito para tabihan siya. Nahihiyang lumapit si JM pero natutuwa dahil mukhang unti unti na niyang nakikitang pinapatawad na siya.

"Dito ka na umupo para may kasama ako."Ang nakangiting sabi ni EJ kay JM.Natuwa naman si JM.Para siyang iiyak ng mga sandaling iyon dahil sa wakas ay mukhang pinatawad na siya ng kaibigan niya. Hindi niya bibiguin si EJ dahil aaraw arawin niya itong sasamahan sa kainan.Para kahit sa ganitong paraan ay makabawi man lang siya.

Masayang natapos ang araw ng trabaho nila EJ at JM.Sumunod naman ang kina AJ,DM at Natasha. Pero kapansin pansin na ang hindi pagsasama ni AJ kina DM at Natasha kahit saan man sila mapunta.Na pinagtaka naman ni Natasha at ikinatuwa ni DM.

Lumipas ang ilaw araw ay mukhang nagiging okay na sila EJ at JM.Samantalang lumalala ang gap sa pagitan nila DM,Natasha at AJ. Umiiwas na kasi si AJ sa dalawa. Ito naman ang ginagawang pagkakataong para masolo ni DM si Natasha na nauuwi sa date nilang dalawa.

Isang araw,walang trabaho silang lahat ay napag pasyahan nila ng maglakwatsa. Si EJ mag isa lamang dahil may bibilhin siya para sana kay Natasha dahil gusto na niyang makipag ayos dito. Gusto na rin naman niyang makipagbalikan dito.Dahil lumilipas ang araw na hindi niya na nakakasama si DM sa lakad dahil laging busy.Busy sa panliligaw. Hindi na rin niya magawng magtanong pa kay DM tungkol sa hinala niya na nililigawan nga niya na si Natasha ay ang kasintahan niya. Nawala na kasi iyon sa isip niya dahil mas nanaig ang magpatawad sa kanya.Habang si JM ay niyaya naman na lumabas si AJ. Ganundin ang dalawa si DM at Natasha.

Sa SM Mall of Asia ang kani kanilang destinasyon. Hindi inaasahan ni EJ ang kanyang makikita.

9 comments:

Ross Magno said...

Nakita na ba ni EJ si DM na kumakain sa restaurant kasama si Natasha?

EJ at JM na lang ...hehe

Unknown said...

Hindi pa pero abangan mo ang paghaharap nilang tatlo. Malapit na!

Zildjian said...

Uu nga jayfinpa... may nabasa akong part na nakita nya si DM at Natasha na kumakain sa canteen di ba? Kaya ako nawala nang konte.. :D pero anyway baka ako lang yon.. :D

Unknown said...

Si DM at AJ iyon..hindi pa nakikita ni EJ na magkasama sila DM at Natasha. Nung time na inaakala niyang sina DM at AJ ay naghaharutan at papasok sila JM at Natasha.Yun yung inaakala niyong nakita na ni EJ.Mabilis siyang umalis ng makitang papasok si JM at Natasha sa nasabing restaurant at hindi sa canteen. Chapter 26 siya tingnan niyo at balikan.

Lawfer said...

maaayos na samahan nla para magulo ulit o.o

Unknown said...

Sunod sunod na ang pasabog ko.hehehehe..Abangan niyo. Tnx Rue!

Anonymous said...

maganda poh..
maraming salamat...
nakatuwang basahin..
nakakakilig...
sarap talaga ng may minamahal at nagmamahal..
kailan poh ulit ang next update..

Anonymous said...

First time to post a comment. Yay! Just read all the chapters (as in marathon-like). Like it kasi puno bawat chapters. Well detailed ang mga twists and irony sa buhay. Although may mga typo (which is normal, so dont worry po), di naman impacting or distracting. Can't wait for the next chapter.
-icy-

Unknown said...

Sensya na guys sa hindi kaagad makapagpost ng comment.

Salamat Icy and anonymous. Hehehe..nakakataba po ng puso. Ang mga comment. niyo.Sensya na po typo kasi hindi ko siya naedit.Try ko po icheck ulit. Medyo nahirapan akong makapag internet dahil busy ako. Nakalagay kasi sa draft ang gawa kaya post lang siya ng post sa aking blog.hehe

ShareThis