Monday, January 2, 2012

NO ONE© Chapter 11

Andito na naman po ang inyong lingkod. Ito ang unang beses ng aking paglalathala para sa taong 2012. Masaya ako na haharapin ang taong ito. Sana makasama ko pa kayo ng matagal sa taong ito. At sana rin hindi kayo magsawa sa pagbabasa sa aking akda. Marami pa akong mga kwentong ibabahagi sa inyo at sana masiyahan po kayo sa aking ihahandog sa taong 2012.

Balik na tayo sa aking istorya. Alam kong maraming nag-aabang sa paghihiganti ni Oliver. Malalaman niyo yan sa mga susunod na mga kabanata. Paghihiganti ba ang mangyayari o tadhana? Abangan niyo yan. Para sa kabanata na ito ay magsisimula na ang buhay mayaman nila Oliver at Tinyo. Enjoy at Happy New Year!
______________________________________________


“Kuya alam ko ito yung tinaya natin. Kasi ako ang pumili ng mga numero eh. Kaya nga nung nabasa ko ito tuwang tuwa ako. Malaki po ba iyong premyo Kuya? Makakabili na ba ako ng laruan na robot ulit?” Ang bibo niyang sabi sa akin. Niyakap ko siya at pinaghahalikan sa pisngi. Nadala ako sa sobrang saya dahil hindi ko inaasahan na mababago ang buhay namin sa pagtaya lang ng Lotto.

“Kuya bakit?” Ang walang kamuwang muwang niyang sabi sa akin. Natawa naman ako.

“Naku Tinyo sa laki ng premyo hindi na tayo magugutom, maraming laruan ang mabibili mo at saka pwede na tayong kumain sa mga paborito mong restaurant. Araw araw!” Ang masaya kong sabi.

“Talaga Kuya wow naman!” Ang masaya niyang sabi sa akin.

“Oo..kahit na anong gusto mo mabibili na natin.” Ang masaya ko pa ring sabi.

Hindi pa rin ako makapaniwala kaya tiningnan ko ito ulit ng ilang beses. Ng makumpirma ko na talagang kaparehong kapareho ay hindi ko maiwasang maiyak. Dahil heto na ang buhay na mag aahon sa amin sa kahirapan ni Tinyo. Tumingin ako sa taas at nagpasalamat sa binigay na biyaya.

“Kuya bakit ka umiiyak hindi ba dapat masaya ka kasi yayaman na tayo?” Ang sabi niya sa akin.

“Masaya ako bunso. Naiiyak ako kasi makakaahon na tayo sa kahirapan. Hindi na natin dadanasin ang hirap. At pinapangako ko sa iyo na iingatan ko ito at papalaguin.” Ang sabi ko dito habang pinupunasan ang aking mga luha.

“Kuya excited na ako. Mayaman na tayo..mayaman na tayo.” Ang masaya niyang sabi na sinabayan niya ng paglundag lundag.

Ito na nga siguro ang hinihintay ko noon pa. Magsisimula na ang pagbabago sa buhay ko. Sa buhay namin ni Tinyo.

Wala na kaming inaksayang panahon pumunta kami kinabukasan sa pinakaopisina ng PCSO para kunin ang premyo namin. Hindi ko muna pinapasok si Tinyo sa eskwelahan niya baka may makatunog sa amin. Mahirap na.

Nakuha namin ang cheque na naglalaman ng P455 Milyon sobra sobra ito. Kaya pinaencash namin ito sa bangkong sinabi sa amin ng Chairman ng PCSO. Nilagak ko sa bangko ang kalahati at ang kalahati ay nilagay ko sa atm na may passbook para madali namin siya mawidraw.

Bumili kami ng maraming maraming damit at laruan para kay Tinyo at kumain sa restaurant. Bago kami tumuloy sa isang hotel kasi plano ko munang kumuha ng isang condominium habang nagdedesisyon ako kung saan kami magpapatayo ng bahay namin ni Tinyo.

“Kuya ang saya saya ko. Mayaman na talaga tayo. Ang dami kong laruan oh.” Ang masaya niyang sabi sa akin ng nasa hotel kami. Doon muna kami matutulog.

“Oo basta pag may gusto ka bibilhin natin iyon. Pero bukas bibili tayo ng bahay may nakita kasi akong maganda at building iyon. Condominium daw ito at saka tayo papagawa ng malamansyon na bahay.” Ang masaya kong sabi.

“Yehey marami na tayong bahay. Bili rin tayo ng sasakyan Kuya ha!” Ang masaya rin niyang sabi.

“Oo bibili tayo ng sasakyan. Saka gusto ko rin magbakasyon tayo sa ibang lugar. Gusto mo ba iyon?” Ang sabi at tanong ko.

“Oo gusto kong pumunta ng dagat at may nakita akong parang katulad ng peryahan pero mas maganda doon.” Ang sabi niya.

“Oo pupuntahan natin iyon lahat lahat.” Ang masaya kong sabi sa kanya.

Kuwentuhan kami ng kuwentuhan ni Tinyo sa kung ano pang balak naming bilhin. Natuwa ako kasi ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera. At hindi ko alam kung paano ko siya gagastusin ng tama.

Kinabukasan ay tumingin tingin kami ng condominium. Nakakakita kami sa Pasay malapit sa Mall of Asia. Maganda ito at walang patumpik tumpik ay kinuha namin iyon. Cash iyon at sinabi sa amin na sa susunod na linggo ay pwede na namin lipatan iyon.

Since nandoon na kami ay bumili na kami ng gamit sa bahay. Sinabi ko kung pwedeng ideliver iyon sa condominium na binigay kong address sa kanila. Pumayag naman sila. Dahil sabik na sabik kami ay bumili kami ng mga magagandang appliances. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa unti unting pagbabago ng buhay ko, buhay namin ni Tinyo.

Hindi ko na pinapasok si Tinyo dahil sa seguridad namin. Baka may nakaalam na kami ang nanalo kaya minabuti ko munang patigilin si Tinyo pansamantala. Gusto ko lang makatiyak na ligtas kaming dalawa sa kahit na anong kapahamakan. Okay lang naman kay Tinyo at naunawaan naman ng bata. Pag okay na ililipat ko na lang siya sa isang pribadong eskwelahan para mas matutukan siya lalo. May potensiyal kasi si Tinyo na mas lalong gumaling.

Makalipas ang ilang araw ay nakalipat na kami sa binili naming condominium. Tatlong kuwarto iyon at pinaayos na rin namin ang gamit sa condominium. Tuwang tuwa si Tinyo na makapasok na kami sa aming bagong tahanan. Nilagay ko rin pala ang lahat ng alaala nina Nanay Lucy at Kuya Emil sa bago naming tahanan.

“Wow Kuya ang ganda ng bahay natin!” Ang manghang sabi ni Tinyo.

“Oo bunso dito na tayo titira simula ngayon. Hindi ka na hihiga sa matigas na kama kundi sa malambot na. Tara tingnan natin ang iyong kuwarto.” Ang aya ko dito.

Napakaganda ng kuwarto niya. Pinakulayan namin iyon ng paborito niyang kulay na asul. May sarili rin itong TV sa kuwarto at personal computer. Gagamitin niya iyon para sa pag aaral niya rin. At pinuno namin iyon ng maraming laruan at maraming damit na rin.

“Wow ganda naman Kuya ng kuwarto ko. Akin po ba talaga ito?” Ang mangha niyang sabi.

“Oo sayong sayo ito. Kaya masanay ka na. Hindi na tayo magkakatabi ngayon.” Ang sabi niya. Tumingin siya sa akin ng masama.

“Bakit ayaw mo ba sa kuwarto mo?” Ang pagtataka ko.

“Gusto ko pa rin kasama ka Kuya.” Ang galit niyang sabi sa akin.

“Ah iyon lang ba. Okay naman kung gusto mo pa rin akong katabi. Pero malaki ka na kasi dapat matuto ka na ring matulog mag isa.” Ang sabi ko.

“Ah basta dapat magkatabi tayo.” Ang tampo niyang sabi.

“Oo na sige na po. Magkatabi na tayong matulog.” Ang sabi ko na lang.

Nakakatuwa talaga ang batang ito. Sobrang bibo. Hindi ko alam kung saan nagmana sa kabibuan ang batang ito. Iniwan ko muna siya sa kuwarto niya para makapagpahinga ako sa sarili kong kuwarto.

Ito ang pinakamalaking lugar sa loob ng condo ko. Dalawang unit ito para mas malawak siyang tingnan. Puti ang pintura ng aking silid.Gusto ko kasi maaliwalas. Maganda ang view kasi makikita ang Manila Bay sa aking kuwarto. Kinuha ko ang larawan ni Nanay Lucy na nasa side table ng aking kama.

“Nay Lucy tingnan mo oh. Bago na ang bahay namin.“ Ang pagmamalaki kong sabi habang naktingin ako sa litrato ni Nanay Lucy.

“Pasensya na Nay Lucy pero hindi na namin babalikan ang bahay niyo mahirap na po baka may masamang mangyari sa amin. Sana po maintindihan niyo po ako.”

“Sana nandito kayo Nay Lucy para at least maramdaman niyo ang ginhawa na aming tinatamasa ngayon. Sana kasama ka namin ngayon. Nakakapanghinayang lang po kasi Nanay Lucy na hindi niyo nadatnan.

“Hayaan niyo po Nay Lucy bibisitahin namin kayo sa libingan niyo para pasalamatan ka sa lahat lahat ng naitulong niyo sa amin lalo na sa akin.”

Natapos na ako kay Nay Lucy at binalik ko sa kinalalagyan nito sa aking side table. Kinuha ko naman ang litrato ni Kuya Emil.

“Kuya tingnan mo oh. Bago na ang bahay namin. “

“Sana kung nandito ka ito na ang magiging bahay natin. Dito tayo ngayon bubuo ng pamilya natin. Pero huli na ang lahat dahil hindi mo na naabutan pa.”

“Miss na miss na kita. Miss ko na ang mukha mo, ang halik at yakap mo. Nangungulila ako sa iyo. Dahil parang kulang ang buhay ko simula nung iwan mo ako.”

“Sariwa pa ang mga alaala mo sa akin kahit matagal ka ng wala. Kung maibabalik ko lang hinding hindi ko na papayagan pang may mangyari sa iyo iyon. Naghihinayang lang ako.”

At naiyak ako habang sinasabi ko ang mga katagang iyon. Hindi ko talaga lubos maisip na hanggang ngayon ay masakit pa rin ang pagkawala ni Kuya Emil.

Nakatulog ako pagkatapos kong kausapin sina Nanay Lucy at Kuya Emil. Namalayan ko nalang na parang may tumabi sa akin at nakayakap. Naalimpungatan ako at nakita kong yakap yakap ako ni Tinyo.

Niyakap ko rin siya at hinahaplos haplos ang buhok. Natutuwa ako sa pinagbago ng hitsura niya. Sa pagiging gusgusin hanggang sa makita mo ang angking kagwapuhan nito. Lumabas ang pagiging maputi nito. Naging magandang lalaki siya. At oras na maging binata ito ay maraming mahuhulog sa kanyang angking kagwapuhan bukod pa sa matalino itong bata. Ginising ko siya matapos kong magluto ng kakainin namin para sa hapunan.

“Wow sarap ng luto mo Kuya!” Ang masayang sabi niya.

“Ikaw talaga puro ka bola!” Ang sabi ko.

“Hindi kaya totoo po iyon.” Ang sabi niya.

Simpleng fried chicken lang iyon. Tinatry kong magluto para mas makatipid na rin kaysa sa lagi kaming kumakain sa labas. Oo kahit na malaki ang napanalunan ko hindi ibig sabihin ay kailangan gumastos kasi mabilis lang iyon maubos kaya pag hindi mo tinipid baka balik paghihirap ka. Ayoko na ulit maranasan iyon.

Kinabukasan ay nagbabasa ako ng pwedeng pagtayuan ng bahay na gusto kong ipatayo. Tumitingin din ako ng mga design ng bahay. Marunong na rin naman akong mag internet kaya may alam na rin ako kahit papaano gumamit ng computer.

Pero habang wala pa akong desisyon ay napag isipan kong mag aral ng pagluluto at pagnenegosyo. Mayroon mga eskwelahan ang nagbibigay na ganoon. Siyempre sa mga sikat ako pumasok. Nag aaral din ako ng lengguwaheng English para hindi ako maging mangmang kahit na may alam ako siyempre iba pa rin iyong bihasa ka.

Si Tinyo naman ay kinuhanan ko ng private tutor para hindi siya mabagot para maipagpatuloy niya na rin ang pag aaral niya. Sayang naman kasi dahil alam kong may potensiyal ang bata. Matalino kasi ito. Para next year ay ieenrol ko siya sa isang pribadong eskwelahan.

Habang dumadaan ang mga araw ay nagkakaroon na ng liwanag ang mga gusto kong gawin pa. Nagfranchise ako ng isang kilalang foodchain. Naginvest ako sa isang malaking kumpanya at dahil doon nagkaroon ako ng magandang posisyon sa kumpanyang iyon.

Pinag aralan ko lahat lahat ng dapat kong matutunan sa kumpanyang iyon. Nagkaroon ako ng sekretarya. At kinailangan ko maghanap ng driver at bodyguard na rin para maprotektahan ako. Nagpanukala ako sa isang diyaryo.

Bago ako magsimula sa kumpanyang iyon ay magbabakasyon muna kami ng isang linggo sa Hongkong ni Tinyo. Matagal ng pangarap ng bata ang pumunta sa Disneyland ng minsan niyang makita ito habang kami ay nanonood. Nakuha na kasi namin ang aming pasaporte.

“May suprise ako sa iyo?” Ang sabi ko kay Tinyo.

“Ano po iyon Kuya?” Ang sabi niya. Halatang interesado ito.

“Di ba gusto mong pumunta ng Disneyland?” Ang tanong ko dito.

“Opo!” Ang sabi niya.

“Okay humanda ka na dahil bukas aalis na tayo papunta ng HONGKONG!” Ang masaya kong sabi.

“Talaga po. Yehey! Makakapunta na ako ng Disneyland” Ang masayang masayang niyang sabi.

Para talaga siyang anak ko. Hindi lang ako Kuya sa kanya. Responsibilidad kong ibigay sa kanya ang pangangailangan ng isang anak. Gusto kong ibigay ito kay Tinyo na alam kong pinagkaitan ng bagay bagay tulad ko. Ayokong danasin niya ang bagay na dinanas ko noon noong kasing edad ko lang siya. Kaya sa abot na makakaya ko gusto ko puro magagandang bagay ang maibigay ko sa kanya.

Mabilis niyang inubos ang kanyang kinakain para maghanda sa aming biyahe bukas. Excited na rin ako kasi ngayon lang ako makakasakay ng eroplano sa tanang buhay ko. At siyempre ngayon lang din ako makakaalis ng ibang bansa. Kaya lalong akong naexcite. Wala sa isip ko na makakaalis ako ng bansa akala ko hanggang panaginip lang ito pero nagbago iyon dahil ang totoo kasi bukas na ang alis namin.

Kinabukasan ay maaga kaming nagtungo ng paliparan para sa aming biyahe. Excited kaming pareho dahil unang beses namin itong bibiyaheng magkasama. Walang pagsidlan ng tuwa si Tinyo ng nasa paliparan na kami. Hindi nga ito natulog dahil sa sobrang excited at talaga namang kinulit ako ng kinulit tungkol sa kung anong meron doon sa pupuntahan namin. Siyempre ako naman ay wala akong maisagot kaya dinaan ko sa pagiinternet at pinakita ko sa kanya kung anong meron para magkaroon din kami ng ideya.

Ng makarating kami sa Hongkong ay hindi na makapaghintay si Tinyo na pumunta na raw kami ng Disneyland.

“Kuya dalian mo naman po. Baka mamaya malate tayo doon sa Disney.” Ang sabi niya sa akin.

“Ano ka ba nakakahiya naman. Bukas pa tayo pupunta doon.” Ang sabi ko.

“Bakit naman po?” Ang sabi niya.

“Kailangan muna nating pumunta sa tutuluyan natin kasi sabi sa akin kailangan isang araw natin lilibutin ang Disney.” Ang sabi ko.

“Ganon po ba iyon?” Ang medyo malungkot na sabi niya.

“O wag ka ng malungkot. May tour guide tayo ililibot tayo sa magagandang lugar dito.” Ang pangungumbinsi ko sa kanya.”

“Sige po.” Ang sabi niya.

At iyon nga ang nangyari pinuntahan namin ang hotel namin kung saan kami manunuluyan pansamantala. Mga isang linggo kami dito para masulit namin. Sasakay kasi kami ng Cruise ship at pupunta rin kami ng Macau.

Kaya wala kaming sinayang ng oras ni Tinyo. Ekslusibo ang aming tour guide. At may sarili kaming sasakyan sa Hongkong para dalhin kami sa mga magagandang lugar sa Hongkong. Magaling kasi ang sekretarya ko na si Josephine. Kumuha ako kasi kailangan ko iyon para may kaagapay ako sa lahat ng bagay. Mabait naman si Josephine. Hindi pa ako nakakapasok sa aking opisina kasi tanging attorney ko ang nagiging abala sa negosyong pinasukan ko. Mga isang buwan bago ako sumabak sa trabaho ang hiningi ko sa aking attorney.

At iyon na nga sobra kaming natuwa sa bakasyon namin sa Hongkong. Talagang wala kaming sinayang na oras. Wala rin namang kapaguran si Tinyo. Picture dito picture doon. Video dito video doon. Kain dito kain toon. Punta dito punta doon. Yan ang mga ginawa namin.

Araw ng sakay ng Cruise ship excited kami dahil unang beses namin makakasakay sa isang barko. Ng makarating kami ay sobrang tuwa pa rin ni Tinyo.

“Kuya ang laki laki po pala nitong barko.” Ang manghang manghang sabi niya sa akin.

“Oo nga eh. Kala ko sa TV ko lang ito makikita pero ngayon nandito na tayo.” Ang mangha ko ring sabi.

“Tara na Kuya dali libutin na natin ito.” Ang masaya pag anyaya sa akin sabay hila ng aking kamay.

Nilibot namin ang buong barko siyempre hindi namin pinalampas ang picturan at siyempre may video pa. Pinuntahan namin talaga lahat ng bawat sulok ng barko. Nakabalik din kami ulit sa pampang at sinundo pabalik ng aming tinutuluyan.

At natapos ang isang linggong bakasyon sa Hongkong tuwang tuwa si Tinyo dahil nakapunta na siya sa gustong gusto niyang theme park. Hindi naman kami nabigo na malubos ang pagbabakasyon dahil talagang sulit. Nakauwi na kami sa Pilipinas.

“Kuya sa susunod po sa ibang lugar ulit.” Ang sabi niya sa akin.

“Oo ba. Sige sabihin mo lang kung saan pupunta tayo.” Ang sabi ko.

“Kuya gusto ko sa America.” Ang sabi niya.

“Ganoon ang layo naman.” Ang sabi ko.

“Ah basta doon ang gusto ko.” Ang giit niya.

“Makakatanggi ba ako sa bunso ko.” Ang lambing ko sa kanya sabay yakap.

“Talaga doon tayo sa susunod?” Ang hindi niya makapaniwala. Tumango ako.

“Muwah..muwah.” Ang paghalik niya sa pisngi ko na kinatuwa ko naman. Malambing talaga itong bunso ko.

“Dahil diyan sige aayusin natin para masabi ko sa iyo kung kailan tayo makakapunta doon.” Ang sabi ko.

“Yehey!!Yehey!!” Ang tuwang tuwa na sabi niya sa akin.

Masaya ang naging bakasyon namin. May gagawin nga pala ako. Papaayos ko pala ang sarili ko. Gusto kong ayusin ang mukha ko. Kasi nga puro tigyawat ito at isang kilay lang kaya bukas ay pupunta ako ng doktor para ipacheck ang pwedeng ipabago sa mukha ko. Gusto ko kasi maging presentable ako pag humarap ako sa tao. Na yung tipong titingalain ako.

Sawa na ako sa panghuhusga nila sa aking hitsura. Sa oras na mapaayos ko ang aking mukha ay magbabago na ang pagtingin nila sa akin. Iwawaksi ko na ang mga mapapait na alaala. Gagantihan ko lahat ng mga nang alipusta sa aking pagkatao.

“Humanda na sila sa aking pagbabago. Makikita na nila ang isang bagong Oliver Concepcion.”

“Hinding hindi na ako papatalo sa kanila. Ngayon may pera ako. Gagantihan ko silang lahat. Sawa na ako na lagi ako ang inaapi.”

“Pagbabayarin ko ang gumawa kay Kuya Emil. Pagbabayarin ko rin ang umapak sa aking pagkatao lahat sila magbabayad. Makikita nilang lahat.”

Oo magsisimula na akong gumanti. Alam kong magiging madali na lang sa akin ito kasi may pera na ako. Mas madali kong magagawa ang lahat ng nanaisin. Hindi ko pa nakakalimutan silang lahat. Halos parang kahapon lang ang mga nangyari. Hinding hindi ko papatawarin sila hangga’t hindi sila humihingi na tawad sa akin. Iyan ay kung magpapatawad ko pa sila.

Bago ang nakatakdang pagpasok ko sa aking trabaho ay nagpasabi ako na kailangan ko ng driver na bodyguard. Para all in one. Pinapaskil ko iyon 1 day bago akong pumasok. Habang may inaayos pa ako.

Nakakuha naman ng interes kay Justin ang panukalang iyon at tinawagan niya ito. At sa susunod na lunes ay kailangang pumunta siya dahil kakausapin daw kasi personal ng boss niya ang lahat ng aplikante at mamimili raw siya sa araw na iyon. Siniguro rin kasi sa kanya na malaking sahod ito at bigatin daw talaga ang boss niya magpasahod kaya hindi problema ang sahod basta masipag, maaasahan at mapagkakatiwalaan ay okay na okay daw sa boss nito ang sabi sa kanya ng sekretarya nito.

“Kuya desidido ka na ba dyan?” Ang nagdududang tanong ni Barbara sa Kuya.

“Oo sayang naman saka tama iyon kasi tapos na ang semester.” Ang sabi niya.

“Kuya ang daming pwedeng trabaho bakit pagmamaneho at pagbobodyguard pa ang napili mo.” Ang usisa ni Barbara.

“Hindi kasi ito nakakapagod. Saka okay na ito malaki daw ang bayad eh. Sabi ng sekretarya.” Ang sabi nito.

“Yan ba talagang ang dahilan?” Ang hindi makapaniwalang sabi ni Barbara.

“Ikaw talaga bakit may iba pa bang dahilan?” Ang sabi niya.

“Oo.” Ang mabilis na sabi ni Barbara.

“Anong dahilan pa?” Ang tanong niya.

“Eh di si Oliver. Para mahanap mo siya. Kasi kung nasa opisina ka hindi mo siya makikita. Tama ba ako?” Ang sabi ni Barbara.

Ngumiti lang ito tanda na nakuha ito ng kapatid niya ang dahilan. Oo ito ang dahilan niya kaya gusto niyang pasukin ang ganoong trabaho kasi sabihin pang mababang uri ng trabaho iyon wala siya pakialam ang importante ay makita niya ako. Iyon lang ang magiging daan para mas mapadali ang pagkikita namin.

Nararamdaman niya na malapit na kaming magkita. Sinasabi kasi ng puso niya na malapit lang ako. Hindi nagkakamali ang puso sa pagdikta nito. At hindi ito nagbabago. Hindi katulad ng utak pwedeng magkamali pwedeng magbago. Saka hindi niya rin malaman ang dahilan kung bakit naging interesado siya dito sa kumpanyang nangangailangan ng personal driver at bodyguard.

Samanatala sa aking kinaroroon pagkatapos kong magbakasyon ay tumungo ako sa doktor para ipacheck kung may pwedeng baguhin sa hitsura ko. Para mas lalo akong maging komportable. Ineksamin ako ng isang espesyalista sa balat.

“Matatanggal natin ang tigyawat mo sa pamamagitan ng isang teknolohiyang galing ibang bansa tapos aayusin lang natin ng konti iyang kilay mo para maging dalawa. Saka yung ngipin mo pwede kang pumunta sa dentista natin para tingan yang ngipin mo at maayos nila.” Ang sabi ni Doktora Mendez.

“Ganoon po ba sige po kayo na po ang bahala ang importante ay maging presentable ako pag humarap na ako sa ibang tao.” Ang sabi ko.

“Okay sige para masimulan na natin.” Ang sabi ni Doktora Mendez.

At sinimulan na nila ang pagbabago sa mukha ko. Finacial nila ang mukha ko at may laser treatment din silang ginamit. Pinaputi din nila ng konti ang mukha ko tamang tama lang sa aking kutis. Naging maganda ang kinalabasan dahil talagang gumandang lalaki ako.

Sumunod naman akong pumunta sa dentista. At base sa sinabi sa akin ay kailangan lagyan ng brace ang ngipin ko para maayos. Kaya nilinis muna ang ngipin ko bago nilagyang ng brace. Magtatagal iyon ng 2 taon or depende sa magiging ayos ng ngipin ko. Kaya sinabihan ako ng doktor na laging magpatingin sa kanya para makita ang kondisyon ng brace ko at ng ngipin.

Pagkatapos noon ay bumisita ako sa salon para magpaayos ng buhok at bumili ng mga damit na babagay sa aking bagong hitsura. Tiyak kong magbabago ang tingin sa akin ng tao matapos ang ginawa sa akin. Hindi nga ako nagkamali kasi si Tinyo ay nagulat sa akin akala niya ibang tao ako iyon pala Kuya niya.

Bago ang nalalapit na pagpasok ko sa aking trabaho ay naging abala ako sa pagpapayos ng aking hitsura. Siyempre tatlong linggo ang gugugulin ko para sa isang matinding pagbabago. Tama lang iyon para maihanda ko ang sarili sa matitinding hamon ng buhay.

Wala namang problema sa trabaho ko kasi may posisyon ako. Hindi pa naman nila ako nakikita kundi background lang ang alam nila tungkol sa akin. Hiniling ko kasi iyan sa aking attorney. Para masabi kong nagbago ang buhay ko. Bukod tanging si Attorney lang ang nakakaalam ng aking pagkatao. Kaya pasalamat ako sa kanya kasi mapagkakatiwalaan siya.

Dumating ang araw ng unang sabak ko sa trabaho ko. Excited at medyo kinakabahan ako pero kailangan kong maging matatag at palaban. Kaya nilakasan ko ang loob ko.

“Hello ikaw ba si Josephine?” Ang tanong ko.

“Opo, sino po sila?” Ang sabi ng nasa secretary desk.

“Ako si Oliver.” Ang sabi ko.

“Ay kayo po pala ang boss ko. Sorry po wala kasi akong picture niyo kaya hindi ko po kayo nakilala” Ang paghingi niya ng depensa.

Pinapasok na niya ako sa aking opisina. Sinabi niya sa akin ang mga gagawin ko. Pinatawag niya na rin ang mga aplikante pero wala akong mapili. Hanggang sa may humabol daw na isang aplikante.

“Sir mayroon pa pong humabol. Papasukin ko na po siya.“ Ang sabi ng aking sekretarya. Binigay sa akin ang pangalan ng aplikante sa isang matigas na board.

“Andrei Justin Dela Torre” Ang pangalan ng aplikante.
______________________________________________ 

5 comments:

Ross Magno said...

ayan magkikita na sila uli...

Anonymous said...

wahhhhh excited ako sa magaganap na pagkikita nila..... naku ano kaya ang maging reaksyun ni oliver.....author sana araw araw may update....ha ha ha.... tama oliver ipaghigante mo ang sarili mo sa kanilang lahat na nag alipusta sa u..... balikan mo sina kapitan at mang goerge... kasama si camille... gutay gutayin mo sila...

ramy from qatar

Unknown said...

Ibibigay ko muna ang pagkakataon kina Oliver at Justin..maraming mangyayaring twist sa kwento ko. Abangan niyo. Ewan ko lang kung mahulaan niyo pa ang susunod na mangyayari. Hehehe..

Lawfer said...

ahay gs2 q tong chapter na to :)

Unknown said...

Salamat Rue buti naman nagbalik ka na.hehehe..naiintindihan kita kung bakit ayaw mo ng mga nakaraang chapter.

ShareThis