Saturday, January 14, 2012

NO ONE© Chapter 15

Andito na naman po ang inyong lingkod. Magbibigay ulit ako ng patalastas. Una gusto ko lang magpasalamat kina ramy from qatar, Ross Magno, master_lee#27 at Rue. Sama ko na rin ang mga silent reader. Salamat sa pagbabasa.

Alam ko nangangamba na kayo sa mga kaganapan sa buhay ni Oliver. Marami pang matitinding eksena ang inyong mababasa sa mga susunod na kabanata. Madali kasi nating sabihing magmove on kung tayo ang nagbabasa. Pero doon sa tao na mismo na nakakaranas mahirap ipaunawa sa kanya. Lalo na kay Oliver na walang gumagabay na magulang sa kanya. Idagdag pa ang mga kaganapan sa buhay niya. Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Sinusubukan tayo maging matatag sa bawat pagsubok na dadaanan natin. Mahirap sa umpisa pero sa bandang huli natin mauunawaan ang bagay bagay.

Abangan niyo rin kung kanino mapupunta si Oliver. O kung may makakasama ba talaga siya? Isa lang ang sasabihin ko sa inyo. Last 5 chapter na po ito. Yun lang. Enjoy.
______________________________________________


“Kuya Oliver tara na ang bagal niyo naman po!” Ang masayang bungad nito sa akin. Iyon din ang nagpabalik sa aking ulirat.

“Ano po ba ang tinitingnan niyo?” Ang usisa ni Tinyo.

“Ah wala sige na. Tara na.” Ang sabi ko kay Tinyo at inakbayan siya papunta sa aming tutuluyang kuwarto. Kumuha din kami ng kuwarto. Kasi magoovernight kami dito. At isang cottage.

Habang kami ay papunta sa aming kuwarto at panay pa rin ang sulyap ko sa taong nakita ko na narito din. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Kapitan iyon.

Mukhang mapapadali ang pagkikita namin ulit. Hahayaan ko muna siya magsaya dahil pagkatapos noon ay pighati. Hindi na siya makakapagsaya sa aking gagawin. Humanda siya. Hindi na niya gugustuhin ang mabuhay pa pagkatapos ng aking gagawin.

Dumiretso na kami sa kuwarto. Naunang nagbihis si Justin. At ng lumabas ay napanganga ako sa aking nakita. Hindi ako makakurap. Hanggang sa kalabitin ako ni Tinyo na nagpabalik sa aking ulirat.

“Kuya Oliver gusto ko po maging ganyan ang katawan ko paglaki ko po.” Ang turo niya kay Justin.

“Magiging ganyan ka rin paglaki mo. Basta mag ehersisyo ka lang at masusustansiyang pagkain lagi ang kakainin mo.” Ang sabi ko.

“Tama si Kuya Oliver mo. Paglaki mo ay tutulungan kita na maging ganito ang iyong katawan para maraming mga babae ang mahumaling sa iyo.” Ang mayabang na sabi nito kay Tinyo. At ng nagpose na parang body builder. Aminado naman na mas maganda ang katawan Justin kumpara sa akin. Pero may hubog naman din ang aking katawan. Hindi nga lang masyadong banat gaya ng kay Justin.

Natawa naman kami ni Tinyo sa inasta ni Justin. Nakita kong tumingin ito sa akin at kasunod ay kumindat ito sa akin. Tumingin ako kaagad kay Tinyo.

“Tara na!“ Ang nasabi ko na lang.

“Pero Kuya hindi pa tayo nagbibihis.” Ang sabi ni Tinyo.

Oo nga pala. Hay pahiya ako. Nakita kong natawa si Justin at ng makita niya ay ay tumigil ito. Nagbihis na si Tinyo at sumunod naman ako.

Lumabas na kami ng kuwarto at pumunta sa dagat para lumangoy. Pinasan ni Justin si Tinyo. Tuwang tuwa ang bata dahil sa wakas ay nakapaligo na siya sa dagat. Hindi kasi namin ito magawa dahil sa abala ako sa trabaho at siya naman sa pag aaral niya. Malapit na rin siya pumasok sa paaralan.

Hinahanda ko na ang pagpasok niya sa susunod na school year. Pinaayos ko iyon sa aking sekretarya. At ang balak ko sanang ipasok siya sa UP or Ateneo or DLSU. Kaso ang layo naman sa amin. Pero titingnan ko kung may mas magandang pasukan siya na malapit sa area. Gusto ko kasing mahasa ang potensiyal ni Tinyo.

Matalino ito at kayang makipagsabayan sa mga nasabing paaralan. Wala akong pakialam sa gastos dahil kaya ko naman at may nakalaan na pera sa kanyang pag-aaral hanggang kolehiyo niya. Naglaan ako ng 3 milyon sa kanya at gusto kong lumago ito. Inenvest ko rin ito para kada isang taon huhugot lang kami ng pera para bayaran ng buong ang isang taon ng pag-aaral niya.

Hindi naman ako kuripot dahil gusto ko lang na makakapagtapos siya at magiging maganda ang buhay niya oras na matapos siya. Alam kong hindi ko siya kaano ano pero parang kapatid at anak na ang turing ko sa kanya. Kaya lahat lahat gagawin ko para sa kanya.

Habang nasa ganoon akong pag iisip ay may tumalsik na tubig dagat sa aking mukha. At pinahid ko ito sa pamamagitan ng kamay ko. Ng tingnan ko sila ay nakatingin sila pareho at tumatawa. Gumanti ako at doon na nagsimula ang harutan naming tatlo. Silang dalawa laban sa akin. Siyempre mas malakas sila dahil dalawa sila kumpara naman sa akin.

“Wala ka pala Kuya Oliver ang hina niyo po.” Ang banat sa akin ni Tinyo.

“Siyempre dalawa kaya kayo at isa lang ako. Siyempre hindi ko kayo kaya.” Ang sabi ko.

“Sige na nga po lilipat na ako sa inyo Kuya Oliver. Kuya Justin lipat mo ako kay Kuya Oliver.” Ang sabi niya at inutasan pa si Justin. Aba parang matanda lang kung mag utos.

“Ayan dalawa na tayo Kuya Oliver.” Ang masayang sabi niya matapos na pumasan sa aking balikat.

At nag umpisa na kaming magbasaan ulit. Harutan ng walang humpay ang saya saya namin parang wala kaming problema. Ng mapagod kami ay nagsabi na ako sa kanila na pumunta na ng pampang para maghanda ng kakainin natin sa ating pananghalian.

“Tara na sa pampang para makapaghanda na ng ating makakain sa pananghalian.” Ang aya ko sa kanila.

Sumunod naman sila. Bumili nga pala kami ng sariwang isda gaya ng bangus at tilapia. Bumili rin kami ng karne gaya ng liempo at manok. Lahat iyon puro ihaw. Siyempre may mangga at bagoong kaming dala para sa panghimagas namin.

“Wow Kuya Oliver ang dami dami naman ng binili niyo.” Ang puna ni Tinyo.

“Oo naman Tinyo ganito kasi ang ginagawa sa beach ang mag ihaw.” Ang sabi ko habang nag iihaw ng aming kakainin sa tanghalian.

“Ganoon ba. Nakakagutom po.” Ang sabi niya.

“Malapit na ito. Kumain ka ng marami ha?” Ang sabi ko sa kanya.

“Opo” Ang sabi niya.

Natapos ng magluto ng kanin at mag ihaw kami ni Justin. Hinanda na namin ang lahat para makakain. Napansin kong wala pala kaming dala baso kaya pumunta pa ako sa kuwarto para kunin. Gusto sana ni Justin kaso umayaw ako saka kukunin ko rin kasi ang cellphone at laptop para malaman kung may mensahe sa akin ang opisina.

Nagmamadali akong bumalik sa aking kuwarto at dali dali kong kinuha ang dapat kong kunin. Naihi ako kaya umihi muna ako. At ng palabas na ako ay nakita ko si Kapitan at may hawak na batang babae ng lumabas sa kuwarto nila.

Natulala ako. Pero nakita ko siyang nakatingin sa akin at pangiti ngiti pa sa akin. Hindi ko alam kung nananadya pero isa lang ang nararamdaman ko Galit. Hindi ko alam parang nanginginig ang tuhod ko habang dumadaan siya. Ng magtapo ang aming landas ay tumingin ito at kumindat. Lalo akong hindi makagalaw.

Gusto ko ng sugurin siya pero may dalang bata ito. Parang alam na niyang ako si Oliver. Ng nakailang hakbang palayo sa akin si Kapitan ay haharap na sana ako ng biglang may humawak sa aking balikat.

“Wag na Oliver.” Ang seryosong sabi ni Justin.

“Bitawan mo ako.” Ang galit kong sabi. Sabay hawi ng kamay sa aking balikat.

“Ayoko lang mapahamak ka sana maiintindihan mo ako.” Ang sabi niya.

“Wag ka ng magpakita ng concern sa akin. Kaya ko ang sarili ko.” Ang inis kong sabi at umalis na para puntahan si Tinyo.

Na makarating na ako sa cottage namin ay nagsimula na kaming kumain ni Tinyo. Saka naman dumating si Justin. Seryoso ito. Pinagkibit balikat ko lang iyon. Naiinis kasi ako ng ginagawang pakikialam nito sa akin. Ayoko pa naman nakikialam ang ibang tao sa aking gagawin.

Para kasing sinasabi na wala akong kakayahan. Ayoko ng may nakikialam sa akin. Buhay ko ito at ako ang nakakaalam kung ano ang dapat. Wala ibang pwedeng magdikta kahit sino pa man.

Hinimayan ko ng isda si Tinyo para hindi siya matinik. Kitang kita kong sarap na sarap siya. Nilagyan kasi ng sibuyas, kamatis at kung ano anong rekados ang isda para malasa. Kaya lalo itong naging masarap. Siyempre pinasarap iyon ng sawsawang toyo at kalamansi.

“Wow Kuya ang sarap sarap ng mga pagkain natin.” Ang sabi niya na puno pa ang bibig ng pagkain.

Biglang siyang napaubo kaya dali dali akong kumuha ng inuming juice at pinainom sa kanya.

“Ano okay ka na?” Ang nag aalala kong sabi sa kanya habang hinahagod ko ang kanyang likod.

“Opo salamat.” Ang nakangiti niyang sabi.

“Hay ikaw talaga wag kang magsasalita pag may laman ang bibig mo.” Ang paalala ko sa kanya.

“Pasensya na po Kuya.” Ang paghingi niya ng paumanhin.

“Okay lang sige kain na ulit.” Ang alok ko sa kanya.

Sarap na sarap talaga si Tinyo sa kakakain na mga niluto namin. Natutuwa ako kasi halos lahat bago sa kanyang paningin kaya lagi siya sabik na sabik sa lahat ng nakikita niya. Hindi ko naman siya masisisi. Pinagkaitan din kasi siya tulad ko. Kaya kung anong meron ako dapat ay ibabahagi ko sa kanya.

Ng matapos kami ay bumalik si Tinyo at Justin sa dagat para lumangoy. Wala silang kapaguran. Ako naman ay kausap ko si Josephine habang naglalaptop kasi may binigay siya sa akin na mga report na kailangan kong basahin. Siya na lang daw gagawa ng sagot basta bigyan ko lang daw siyang ideya.

Habang kausap ko siya ay napansin kong may lalaking nasa likod ko. Kala ko si Justin pero pagtingin ko ay nagulat akong si Kapitan. Nanlaki ang mata ko at parang nanghina ako. Hindi ko alam kung bakit parang lagi akong takot sa kanya.

“Mukhang asensado ka na nga Oliver” Ang nakangiting sabi niya sa akin.

“Anong ginagawa mo dito?” Ang seryoso kong sabi.

“Mas lalo kang naging kaakit akit sa akin.” Ang sabi niya sa akin. Nilagay niya kamay niya sa aking balikat. At hinimas himas niya ito. Nanghina ako sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam kung bakit.

“Tang ina Oliver mas nakakalibog ka ngayon.” Ang mapang akit niyang sabi sa aking tenga.

“Umalis ka na. Kung ayaw mong samain ka.” Ang banta ko.

“Hindi ako natatakot sa iyo. Kaya kong gawin ulit ang ginawa ko sa iyo dati” Ang banta niya sa akin. Nanginig ako sa sinabi niya. Pero binalewala ko iyon.

“Hin..di mo pa ako kilala..I..ba na ako sa nakilala mong Oliver dati” Ang medyo nautal na sabi ko.,

“Talaga lang bakit parang ganoon pa rin ang nararamdaman ko at nakikita sa iyo?” Ang sabi niya sa aking tenga. Hindi rin ako makaharap sa kanya dala ng takot na nararamdaman ko.

“Tingnan mo hindi ka nga makatingin sa akin ng diretso. At nararamdaman kong natatakot ka pa.”Ang sabi niya. Himas himas niya pa rin ang aking balikat.

Tama siya. Bakit nga ba kinakabahan ako? Dapat nga mas matatag na ako matapos ang nangyari sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangayayari sa akin. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko nung sugurin ko sina Mang George at Aling Martha. Nasa ganoon kaming pag uusap ng dumating si Justin at Tinyo.

“Kuya Oliver nandito na kami.” Ang masayang sabi ni Tinyo.

“Anong ginagawa mo dito?” Ang masamang sabi ni Justin kay Kapitan.

“Wala kinakausap ko lang ang dating kaibigan ko.” Ang sabi nito.

“Kaibigan? Kelan pa?”Ang sarkastikong sabi ni Justin.

“Ngayon lang. Hindi ba Oliver?” Ang sabi niya sa akin. Nanginginig pa rin ako.

“Umalis ka na!” Ang sigaw na sabi ni Justin kay Kapitan.

“Babalik ako Oliver. Maghaharap pa tayo ulit!” Ang bulong niya sa aking tenga. Nanginig talaga ako.

“Umalis ka na!” Ang sigaw ni Justin. Sabay tulak kay Kapitan.

Tumingin lang sa kanya ng masama. Ganoon din si Justin sa kanya. Parehong ayaw patalo sa isa’t isa. Ng makaalis na si Kapitan ay lumapit si Justin sa akin.

“Okay ka lang ba?” Ang sabi niya sa akin.

“O..kay..la.lang ..a..ko.” Ang nanginginig kong sabi.

“Hindi ka okay. Tara na sa kuwarto. Pahinga ka muna.” Ang alok niya sa akin.

Inalalayan niya ako at dinala ang laptop at cellphone ko. Sumunod si Tinyo sa akin. Nakatingin lang ito at animo’y nagtatanong sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

Ng makapasok na kami ay pinahiga niya ako sa aming kuwarto. Sinuguro niyang okay bago sila bumalik ni Tinyo. Gusto ko mang samahan sila. Kaso talagang naghihina ako. Hindi ko talaga malaman kung bakit nagkakaganito ako kay Kapitan. Dala lang ba ito ng naranasan ko noon. Kaya hanggang ngayon ay takot pa rin ako.

Nakatulog ako sa sobrang panginginig ko. Napanaginipan ko na naman ang lahat lahat ng ginawa sa amin ni Kapitan. Takot na takot ako at nanginginig.

“Hmmppp..hmmpp” Ang ungol ko.

Nagising ako ng may yumuyugyog sa akin. Medyo nanlalamig ako hind ko alam kung bakit. Masakit ang katawan ko na parang may dumadagan. Napamulat ako at nanlaki ang aking mata ng nakita kong nakapatong sa aking si Kapitan at pareho kaming hubo’t hubad.

“Ahhh...ohhh...sarap sarap mo talaga Oliver.Tang ina!” Ang ungol niya.

Umuulos siya at mabagal ang paggalaw niya ninanamnam niya ang ginagawa niya. Nakapikit ito. Hindi ako makagalaw kasi nanginginig ako sa takot. Naaasar ako sa aking sarili kung bakit hinahayaan ko lang si Kapitan na babuyin ako.

“Ahhh..ahhh.” Ang ungol niya.

Pabilis na ng pabilis ang pag ulos niya. Hindi ko alam pero napapikit na lang ako para isipin niyang tulog ako. Pero ng mga oras na iyon ay nanginginig ako.

“Aahhh..oohh..ayan na akoooo!” Ang ungol niya kasabay noon ay pumulandit na ang kanyang katas sa aking likuran. Napahiga siya sa aking katawan para magpahinga lang saglit. At hinalikan ako bago tumayo at magbihis. Ng masiguro niya okay ang lahat ay umalis na siya.

“Kuya Oliver gising..Kuya..” Ang paulit ulit na pagyugyog sa akin ni Tinyo. Napamulat ako. Habol habol ang hininga ko. Masamang panaginip lang pala.

“Oliver tubig o!” Ang alok sa akin ni Justin.

“Salamat..anong oras na pala?” Ang sagot at tanong ko pagkakuha ng tubig.

“Gabi na. Napasarap ang tulog mo. May nakahain na pagkain sa table mo. Kung nagugutom ka na kumain ka lang. Matutulog na ako.” Ang sabi sa akin ni Justin. Kasunod noon ay humiga na siya sa sofa.

“Kuya okay ka lang?” Ang tanong sa akin ni Tinyo.

“Okay lang ako. Wag kang mag-alala. Tulog ka na.” Ang sabi ko sa kanya. At inayos ko ulit ang pagkakahiga niya.

Ng makasiguro na tulog na si Tinyo at Justin ay saka naman ako tumayo. Pumunta ako ng banyo para maligo. Nanlalagkit ako. Hindi ko alam kung bakit.

Pagpasok na pagpasok ko ng banyo ay hinubad ko ang suot ko. Nagulat ako. May bahid ng dugo ang aking likuran.

“Paanong nangyari iyon. Hindi kaya totoo iyon. Pero paano? Kailangan ko siya mapuntahan. Hayop siya.”

Wala na nga akong inaksayang oras para makipagkita kay Kapitan. Gabi na at alam kong delikado pero ito lang ang nakikita kong paraan para walang madamay. Gusto kong kausapin si Kapitan. Gusto ko siyang komprontahin. Hindi ko alam kung bakit takot ako. Pero ito ang kailangan dahil kung hindi lalo lang ako matatakot.

Tiningnan ko muna sila Tinyo. Mukhang masarap naman ang tulog ng dalawa. Kaya dahan dahan akong umalis ng aming kuwarto.

Ng nasa labas na ako. Pumunta ako ng front desk para kausapin kung saan tumutuloy si Kapitan. Buti nalang mabait ang nasa front desk kaya nalaman kong nasa dulo ang kuwarto nila Kapitan malapit sa aming kuwarto.

Pumunta ako pero patay na ang ilaw ng kuwarto. Hindi ko naman pwedeng gambalian dahil dis oras na ng gabi. Saka may mga kasama siya. Kaya hindi ko na lang muna kokomprontahin si Kapitan. Marami pang araw.

Bumalik ako ng font desk. Tinanong ko kung hanggang anong oras na lang sina Kapitan sa resort.

“Hanggang anong oras sila Mr. Eduardo Linangan?” Ang tanong ko ulit sa front desk.

“Sir hanggang bukas na lang po sila.” Ang sabi sa akin.

“Ganun ba..salamat. At saka yung puno doon sa dulo ng resort nasaan na? Napansin ko kasing wala na siya habang lumalangoy kami kanina.” Ang tanong ko ulit.

“Sir wala na. Pinaputol kasi ng may-ari ng resort. Nagalit nga po ang Nanay ng May-ari kasi malas daw ipaputol iyon. May sumpa raw kasi ang puno. Oras daw na pinutol iyon ang mga taong nagsumpaan doon sa punong iyon ay mawawasak ang relasyon o hindi kaya ay mamamatay ang isa sa kanila. Peor hindi naman ako naniniwala. Sabi sabi lang kasi iyon.” Ang mahabang paliwang ng front desk.

“Ganun ba? Kelan pala naputol iyon?” Ang usisa ko.

“2 years ago po.” Ang sabi niya. Nagulat ako.

Nung pumunta ako noon dahil sa galit ko kay Justin alam kong nandito pa ito. So siguro pagkatapos noon siguro pinutol na iyon. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan kasi nawasak nga ang relasyon namin. Pero nagkataon lang siguro. Pero sa kabilang banda natakot ako na hindi ako ang namatay kasi nasa bingit kami ng kamatayan noon ni Camille ng nag-away kami. Kinabahan pa rin ako.

Pero hindi ko muna iisipin iyon. Ang importante okay naman kami at buhay na buhay. Magkasama naman kami ni Justin yun nga lang hindi na kami. Mahirap ng umasa. Ayoko ng masaktan pa. Sawa na ako. Andyan naman si Tinyo. Siya ang buhay ko. Siya ang nagbibigay ng saya sa akin.

Umalis ako para puntahan sana ang puno pero sa di kalayuan. Naaninag ko ang isang masamang parte ng aking nakaraan. Si Kapitan. Nakita kong may hawak ng bote ng beer. Mukhang naglalasing.

“Kapitan!!!” Ang sigaw ko. Napalingon siya sa akin.

“Oliver! Ikaw pala. Anong sadya natin? Gusto mo bang ulitin ang ginawa ko sa iyo kanina?” Ang sabi niya sa akin. Nagdilim ang aking paningin. Kasunod iyon ay kinuha ko siya at sinuntok.

“Hayop ka..diring diri ako sa iyo. Mamatay kana sana..” Ang galit na galit na sabi ko sa kanya.

Tumayo siya. May hawak na batuta. Kinabahan ako. Napaatras ako. Hindi ko inaasahan ito.

“O bakit Oliver? Takot ka? Ngayong mag isa ka na. Lalapain kita.” Ang demonyong sabi niya sa akin. Tumakbo ako sa sobrang takot. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Takot na takot ako ng mga oras na iyon. Walang pumapasok sa isipan ko.

Hanggang sa nakarating ako sa medyo masukal na daan. Mukhang burol ito. Kasi paakyat siya. Hanggang sa nakarinig ako ng mga yapak ng paa. Natakot ako baka patayin ako ni Kapitan o gahasain ulit. Nagtago ako.

“Oliver? lumabas ka diyan. Andito na si Kapitan. Solong solo na kita. Hindi mo ba alam ang sarap mo kanina. Hahaha.” Ang malademyong sabi niya. Tumatawa tawa pa.

“Hayop ka Kapitan. Oras na makaalis ako dito. Sisiguruhin ko may kakalagyan ka.” Sa isip ko. Nagsisimula ng tumulo ang luha ko.

“Oliver? Oliver? Saan ka na? Lumabas ka na diyan. Dahil oras na makita kita. Hindi ka na makakauwi sa Justin mo. Sisiguraduhin ko ng mapapasaakin ka.” Ang demonyong sabi niya. Umiiyak na talaga ako. Sinamahan pa ng panginginig ng tuhod ko sa sobrang takot. Napayuko ako habang hawak hawak ko ang hita ko.

“Ayoko na ayoko na. Tama na. Ayoko na!!!” Ang bigla kong pagsigaw. Nadala na ako sa sobrang takot ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Akala ko kaya ko. Pero bakit ganito?

“Huli ka!” Ang pang gulat na sabi sa akin ni Kapitan. Napatingin ako sa kanya.

“Akala mo makakatakas ka. Ngayon wala ng makakakita ng gagawin ko sa iyo.” Ang demonyong sabi niya sa akin. Natakot ako. Hinawakan niya ako at tinayo. At mahigpit na niyakap ako. Hindi ako makahinga sa sobrang lakas niya. Samahan mo pa ng panginginig ko sa takot.

“Ang sarap mo. Akin ka na. Gaya na Nanay mo.” Ang sabi niya. Kinagulat ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nanghina. Sinira niya ang damit ko.

“Ikaw pala ang anak ni Dave at Amelia Concepcion. Kung alam ko lang sinama na kita sa kanila.” Ang sabi niya. Hindi ako makagalaw. Naging tuod na ako. Habang siya ay malayang hinahalikan ang buong katawan ko.

“Minahal ko si Amelia. Pero pinili niya ang hayop na Dave na ama mo. Sinumpa ko sila. Hindi ko alam ng nagkaroon sila ng anak. Ang alam ko pinatay ko ang anak nila.” Ang rebelasyon sa akin ni Kapitan.

“A..ano?” Ang nauutal at umiiyak na sabi ko. Nakapagsalita na ako.

“Ginahasa ko siya. Hindi ko alam ikaw pala ang pinagbubuntis niya. Sapilitan ko siya sinakay sa isang sasakyang inarkila ko. Isang araw ko siyang ginahasa. Pinagsawaan ko siya.” Ang matinding rebelasyon sa akin ni Kapitan. Nagalit ako sa kanya. Kaya nasipa ko siya sa kanyang harapan. Na nagpadaing sa kanya.

“Tang ina mo hayop ka. Pag naabutan kita matutulad ka rin sa mga magulang mo.” Ang sabi sa akin ni Kapitan. Tumayo ako at tumakbo ng tumakbo. Alam kong nakainom siya at mukhang nakadroga pa si Kapitan. Namumula kasi ang mata at masyadong malakas din siya kahit na nakainom.

“Oliver bumalik ka dito. Hindi pa tayo tapos.” Ang sigaw niya sa akin. Pero ako takbo lang ng takbo. Hindi ko namalayan na may bangin na at nakikita ko na ang dagat. Puro bato ang nakikita ko sa ilalim.

Nagtago na lang ako sa may puno malapit sa bangin. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung totoo ang mga sinabi sa akin ni Kapitan. Alam kong nakainom siya pero hindi ba pag nakainom ka magkakaroon ka ng lakas ng loob na sabihin ang mga nasa loob mo na hindi mo kayang sabihin pag normal ka. Natakot ako sa sinabi niya.

“Oliver..asan ka na?” Ang demonyong sabi sa akin ni Kapitan.

Nakarinig ako ng mga yapak ng paa at mukhang malapit na sa akin. Takot ang namayani at lalong bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga nangyayari sa paligid ko.

Habang sa kuwarto namin ay biglang nagising si Tinyo ng maramdaman niyang wala ako sa tabi niya.

“Kuya Oliver? Nasaan ka? Kuya Oliver?” Ang sabi ni Tinyo. Nagising naman si Justin.

“Kuya Justin wala po si Kuya Oliver. Nakita niyo po ba siya? “ Ang tanong ni Tinyo kay Justin. Tumayo si Justin at pumunta sa higaan.

“Baka nagpapahangin lang. Samahan na lang kita. Para makatulog ka.” Ang sabi ni Justin at tumabi na nga siya kay Tinyo. Pinatulog niya si Tinyo.

“Nasaan ka na nga ba Oliver? Gabing gabi na. Sana walang mangyaring masama sa iyo. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa iyo.” Sa isip ni Justin habang pinagmamasdan si Tinyo.

Habang sa aking kinaroroonan naman ay biglaang ang pagsulpot ni Kapitan sa kung saan ako nakatago.

“Bulaga!! Akala ko makakatakas ka sa akin. Gagahasain muna kita bago kita patayin. Gaya ng ginawa ko sa mga magulang mo.” Ang malademonyong sabi niya sa akin.

“Wag po..maawa kayo sa akin.” Ang sabi ko. Nangingin na ako sa takot.

“Kung minahal lang ako ng Nanay mo hindi sana ako mapupunta sa iba. Hindi mo ba alam na inagaw sa akin ni Dave ang Nanay mo. Barkada ko siya pero sinulot niya sa akin ang Nanay mo. Ang sama sama ng pakiramdam ko noon. Pinagtaksilan nila ako. Kaya nung nagkaroon ako ng pagkakataon na makapaghiganti. Sinira ko ang break ng sasakyan ng mga magulang mo para magsama na silang mga traydor.” Ang isa isang rebelasyon sa akin ni Kapitan.

“Wala naman makakaalam na ako ang may kagagawan ng aksidente na iyon kasi ako ang Kapitan. At wala silang ebidensiya dahil nasa meeting ako. At maraming makakapagpatunay.” Ang demonyong sabi niya.

Napalitan ng galit ang kaninang takot na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at tinulak ko siya.

“Hayop ka Kapitan. Mamatay ka na!!!!” Ang galit na galit na sabi ko hanggang sa buong pwersa ko sa siyang tinulak papunta sa bangin. Napahawak si Kapitan sa mga bato. Pero nakababa na ang katawan niya at talaga mga kamay na lang niya ang pwedeng sumalba sa buhay niya. Tinitigan ko siya ng masama.

“Oliver tulungan mo ako. Malalaglag ako. Ayokong mamatay.” Ang takot na takot na sabi niya.

“Totoo ba ang sinabi mong lahat sa akin? Totoo ba!!!” Ang nanggagalaiti kong sabi.

“Hindi iyon totoo. Gawa gawa ko lang iyon. Please tulungan mo ako.” Ang nagmamakaawang sabi niya sa akin.

Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo sa akin o hindi. Pero nanaig sa akin ang tulungan siya. Kinuha ko sa kanyang kamay. At tinulungang umakyat. Nakaya ko siya. At ng pareho na kaming nakatayo at aalis na sa kinalalagyan namin. Bigla siyang nagsalita.

“Madali ka pa rin maloko Oliver. Totoo ang sinabi ko. Ako ang pumatay sa mga magulang mo. Papatayin kita ngayon.” Ang demonyong sabi niya sa akin.

Pero bago pa man siya makalapit sa akin. Sinipa ko siya na naging sanhi ni pagpunta niya ulit sa bangin. Hindi ako nakuntento. Tinulak ko siya at tuluyan na nga siya.

“Mamatay ka na!!” Ang galit na galit na sabi ko sa kanya.

“Hindi!!!” Ang sigaw niya ng mahulog siya sa bangin.

Nalaglag siya sa bangin. Puro bato ang nasa ilalim ng bangin kahit na natatabunan ng dagat. Kitang kita ko ang mga dugong dumaloy at humalo sa dagat at mga bato. Napaupo ako.

“Magdusa ka. Patas na tayo ngayon.” Sa isip ko. Natakot ako kasi nakapatay ako pero sa kabilang banda napaghiganti ko na rin ang pagkamatay ng mga magulang ko na inaakala ko na simpleng aksidente lang dahil iyo ang balita sa akin nila Mang George at Aling Martha.

Tumayo ako at bumalik na sa tinutuluyan namin. Naligo ako sa dagat para pag may nakakita sa akin hindi ako mapagbintangan na pumatay kay Kapitan. At alam ko walang tao doon sa lugar na iyon dahil walang pumupunta sa masukal na lugar at mapanganib na burol.

Masaya ako na bumalik at parang nagtagumpay sa laban na aking pinagdaanan. Ng makarating ako sa aming kuwarto nadatnan kong umiiyak si Tinyo.Nagpalit ako ng damit bago nahiga sa kama.

“Kuya Oliver san ka po ba pumunta? Huhuhu..” Ang umiiyak na sabi niya.

“Sshh...tahan na. Nandito na ako. Nagpahangin lang ako.“ Ang pagpapakalma ko kay Tinyo. Naawa naman ako sa kanya. Buti na lang hindi nagising si Justin sa iyak ni Tinyo. Katabi pala niya ito. Siguro nagising kanina si Tinyo.

“Sana okay na ang lahat. Sana wala ng problema pang dumating.” Sa isip ko habang pinagmamasdan kong makatulog si Tinyo.

Hanggang sa nakatulog na rin ako. At gaya ng aking pakay ay tinapos ko sa isang linggo ang trabaho ko. Naging maayos naman ang pagbabalik ko at nakuha na namin ang lahat lahat ng lupang sasakupin ng aming proyekto.

Napabilib naman ang lahat maliban kay Mr. Sosengco. Puro papuri ang natanggap ko sa kanilang lahat. Natuwa rin ako kasi talaga namang ginawa ko ang lahat para maisakatuparan ang proyekto na ito.

*Matapos ang isang linggo*

“Sir Oliver nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Kapitan?” Ang bungad ni Justin.

“Nalaglag siya sa bangin kung saan tayo pumunta. May nakakita sa kanya. Duguan at wala ng buhay. Base sa imbestigasyon ay nakainom daw ito at nakadroga. So malamang nawala sa katinuaan at hindi namalayan ang bangin. Nalaglag.” Ang mahabang paliwanag ni Justin sa akin.

“Sige salamat sa impormasyon.” Ang nasabi ko na lang. Wala naman din ako kailangan pang sabihin. Wala dapat makaalam ng totoong nangyari.

Ganito pala ang pakiramdam ng walang problemang dinaranas. Masayang masaya. At talagang umaayon ang lahat sa aking plano. Gusto ko lang mabuhay ng walang problema. Walang sagabal.

Makalipas ang ilang buwan isang eksena ang nadatnan ko sa aking opisina.

5 comments:

Anonymous said...

kaya pala.... bagay lang kay kapitan ang nangyari sa kanya.... naku oliver wag sana na malaman ang nangyari kay kapitan.... ung nag papatay kay emil dapat mabigyan ng justice din..... d ka rin masisi nila kung bakit nag kaganyan ka.... sana maging maayos na ang lahat sa u.... baka sa huli pag sisihan mo rin ang lahat....

ramy from qatar

Anonymous said...

Whaaaaa ang galing mo tlga mang bitin ng kwento nakakainis k pero ok lng mag hintay kc ang ganda nmn ng story mo hehehe nex n po ulit
JDS from Kuwait

Lawfer said...

5 chapters nlang peo d q pa dn getz pnu mababaliw c tinyo at anu knalaman ni Justin ky dr.smith...

master_lee#27 said...

hay oliver pabigat ng pabigat ang mga kasalanan na nagagwa mo tsk..........pero bilib din ako sa fighting spirit mo ah .....at ang tatag mo sa lahat ng hamon na dumarating sa buhay........next na eheh good job kuya:) takecare always.........keep it up

Ross Magno said...

Kahit kasalanan ang pumatay ...masasabi ko rin na karapat-dapat lang ang nangyari kay kapitan. at maiituring din na self defense ito...

ShareThis