By: FUGI
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
Hindi ko maiksplika ang nararamdaman ko ngayong nakita ko ang kanyang mukha, parang bumilis ang pintig ng puso ko na parang hindi ako makahinga na parang wala akong marinig sa paligid ko na parang tumigil ang oras na parang sya lang ang nakikita ko (eto siguro ang tinatawag na LOVE at FIRST SIGHT!)
Hoy! Tsong (medyo napalakas na pagtawag nung misteryosong LALAKI)
Uy! (ang bigla kung nasambit sa pagkabigla)
Hindi ka pa ba aalis ? (pag-uulit nya sa tanong nya kanina)
Oo, hinihintay ko lang na makalabas mga kaklase natin (pagsagot ko sa kanya habang nakatingin parin ako sa kanya)
Wala na sila kanina pa lumabas, tara na sabay na tayo, sabi nung lalaki
Ah.. eh.. sige, ako nga pala si Fugi, Fugi Chio, pagpapakilala ko
Ian tsong, Ian Seth Sandoval, pagpapakilala nya
Sabay kami ni ian lumabas ng room, na ako ay wala parin sa sarili sa kadahilanang hindi parin humuhupa ang aking KAKAIBANG nararamdaman.
Hindi ko maintindihan ang ganitong pakiramdam, BAKIT ganito? BAKIT sa kanya? Imposibleng sya ang mamahalin ko dahil alam ko na lalaki ako at ganoon din sya. Ah! Ang gulo nito.. Sa aking pagmuni muning ito ay biglang nagsalita si ian...
Saan ang punta mo ngayon? Halos isang oras ang break natin (9:00am pa kasi sunod na subject namin na Remedial English, parang tutorial lang.. haha), pagtatanong ni Ian
Hindi ko alam, wala sa sarili kong sagot sa kanya
Gusto mo ba sumama sa akin sa Cafeteria?? wala kasi akong makakasama, wala parin kasi akong kakilala sa mga kaklase natin bukod sayo, paglalahad ni ian
O sige, tara, pagpayag ko.
Mabilis naman kami nakarating sa cafeteria dahil malapit lamang ito sa bldg kung san kami galing. Naghanap muna kami ng table para maibaba ang aming mga gamit at sabay na pumunta sa mga stalls ng mga pagkain matatagpuan sa loob ng cafeteria.
Ian: ano bibilhin mo??
Ako: ahm.... buko shake at pizza nalang (sabay turo sa stalls na bibilihan ko), ikaw ano sayo??
Ian: hindi kasi ako nagbreakfast, magheavy meal ako
Naghiwalay kami para sa kanya kanya naming bibilihin. Nauna ako makabalik sa kanya sa table namin at pagkaupo ko hinanap ko kung nasaan naroon ang kinaroroonan ni ian. Nakita ko nalang na naglalakad na siya papunta sa aming table, sa puntong ito may napansin ko ang kabuuan ng hitsura nya na sya namang nakapagpatulala sa akin.
Siya nasiguro ang definition ng tatlo salitang ito “Gwapong HINDI Nakakasawa” o GHN (makaimbento lang ng abbreviation.. hahha). Matangkad sa taas na 5’10, maputi na makinis ang balat (thats what you call radiant skin, PONDS. Hahaha, makaconnect lang ng mga endorsment.. hahah biro lang self produced po ang kwentong ito. Hahahaha) wet look/clean cut na hair style na parang lagi siyang fresh, matangos na ilong, katamtamang labi na pamula mula, na sa tingin ko ay malambot. (eto alang napunako kasi yung iba nakatago pa. hahahahhahaha to follow na lang din pagnakita ko na.. hahaha, PAALAALA: hindi ako pilyo, nagsasabi lang ng totoo. hahaha
Nakatulala ka na naman, pambasag ni ian sa paglalakbay ng aking imahinasyon
Naupo na si Ian sa kabilang silya katapat ko, kaya naman magkahalapan kami na sya naman nagbigay sa akin nag pagkakataon na masuri ang kanyang mukha ng palihim.
(continuation nung description ni Ian: ang ganda ng mukha nya, na kulay brown pla ang kulay ng mata nya, pero ang napansin ko nung tingnan yun ng maigi, na parang ang LUNGKOT nang pares ng mga mata nya, na siya naman naging salamin para makita ko na parang may dalahing probrema si Ian, na kaya pala kanina ko pa syang hindi nakikitang ngumiti (na syang dahilan kaya hindi ko makita ang mga ngipin nya, sabi sa inyo ih! Nakatago ung ibang parte kaya hindi ko ma-narrate yung ibang magagandang katangian nya. Hahaha)
Nahihiya naman ako tanungin sya dahil hindi pa kami ganoon magkakilala. Kaya naman pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng tahimik habang pinagmamasdan sya nakumakain sa harapan ko.
Sa pagkakataong yun hindi ko namalayan na etong mga salitang ito ang nabubuo sa isipan ko “GAGAWIN KO ANG LAHAT MAPASAYA KA LANG!” (paulit ulit na hanggang sa namalayan ko na lang na bat ganun ng naiisip ko..? ang gulo talaga, FIRST TIME ko makaramdan ng ganito, Bakit ang lakas ng halak niya sa akin? na parang kusang nag-iisip ang UTAK ko sa KANYA at ang otomatikong pagtibok ng PUSO ko na may kakaibang RITMO para lang sa kanya, na parang lumalabas na naiiwan ang SARILI ko dahil sa hindi maipaliwanag na paggalaw ng mga internal organs na ito. Nakakadrain ng lakas ang mag-isip, kaya pinabayaan ko na lang ang nararamdaman ko (baka nanibago lang, na ngaun lang nakakita ng “Gwapong HINDI Nakakasawa” o GHN (totoo namang maraming gwapo, gwapo sa MALAYO, sa MALAPIT, gwapo pag naka-SIDE, meron din naman pag NAKATALIKOD na tipong wag nalang HAHARAP.. hahaha PEACE mga repapipz,,, PERO si IAN iba sya, SIYA LANG ang may KARISMANG ganon)
Pagkatapos kumain ay nag-aya na ako na pumunta sa susunod naming subject sa kadahilanang baka hindi ko na makaya ang kakaibang nararamdaman ko sa kanya.
Agad kung kinuha ang reg form ko para malaman kung saan ang bldg at room ng next subject namin (SHL Bldg, room 104)
Ako: alam mo ba kung san to?? (sabay turo nung nasa reg form)
Ian: alam ko ito na yung bldg na to, sa taas tara! Akyat na tayo
Umakyat na nga kami para pumunta sa sa assigned room for na next subject. Napansin ko na tahimik pala na may pagka-mysteriuos yung aura nya, siguro kaya nya lang ako kinausap dahil baka no choice na sya o kaya para may makasama sya.
Nakita na rin namin ang room namin at agad kami pumasok, nanduon na halos lahat ng kaklase namin at ukupado na ang mga upuan sa harapan kaya napagpasyahan na lang namin sa bandang likod, malapit sa binta umupo.
Ian: dun tayo fugi sa may likod malapit sa bintana
ako: sige mukhang maganda pwesto dun
Pagkaupo, namayani na naman ang katahimikan, kahit gusto ko syang kausapin at alamin ang lahat lahat tungkol sa kanya (dahil yun ang gusto ng puso ko at naiisip ng utak ko), pero ayaw ko manghimasok dahil hindi pa kami ganoon katagal magkakilala (siguro mamaya nalang pagkalipas ng 30mins, para masabing matagal na kami nagsasama simula kanina.. hahaha).
Sa puntong iyon ay wala pa kaming prof kaya hindi ko na napigilan na ang sarili ko na magtanong sa kanya
Ah... eh ian kwento ka naman tungkol sayo, wala sa sarili kong tanong sa kanya habang si ian naman ay nakaharap sa may bintana, pinagmamasdan ang paligid.
Wala naman ako ikikwento, walang kwenta ang buhay ko, pagsagot ni ian na sa may bintana parin nakatingin.
(hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na parang sobrang LUNGKOT nya na parang may kulang sa kanya kaya naging ganon na lang ang naging sagot nya sa akin)
Alam ko may problema ka at nakikita ko yun sa mata mo (hindi ko na talaga napigilan na isatinig ang napuna ko sa pamamagitan ng kung ano ang nakita ko sa mga mata nya).
Tumingin siya sa akin at ngumiti, ngiti nahalang hindi tunay, ngiting pilit na para lang may maitugon sa nasabi ko. At naging tahimik uli kami, hanggang dumating na ang prof namin.
Katulad kanina pinaggawa uli kami sa 1/8 index card na naglalaman ng personal info about samin. Pagkatapos namin tinawag nya isa isa by alphabetical (A......Z) tas pagkatapos inayos nya kami alphabetically (nalungkot ako dahil alam ko na hindi kami magiging magkatabi), sa may bandang harapan ako samantalang si ian at sa likuran. Same as kanina, discussions lang ng grading system at rules ang regulations. Pagkatapos noon ay dinismiss na uli kami.
Katulad kanina hindi uli ako tumayo agad at inantay na makaalis iba bago ako umalis at nang tumingin ako sa bandang likuran nakita ko si ian na nakatingin na naman sa may bintana (parang lagi syang may inaantay, na parang may gusto syang makita)
Ian! Pagtawag ko sa kanya
(Lumingon si ian sa akin)
Tara na! nakalabas na sila, pag-aya ko sa kanya
(tumayo na sya at sabay na kami lumabas)
Habang papalabas na kami,
Ako: sorry (mahina kong sambit nung nasa likuran ako ni ian), sorry kung nakikialam ako (habang nakayuko)
Ian: bat ka nagsosory hindi mo naman ako ginawan ng masama, hindi mo ako sinaktan?
Ako: pero.. (hindi ko natapos dahil sumabat sya)
Ian: tara na, san naman kaya tayo tatambay?? Haba ng oras natin, maya pa ang susunod na klase.
Ako: may nakita ako tahimik at magandang tambayan, tara!
Naglakad na uli kami papunta sa sinasabi kong lugar. Napansin ko yun kanina nung naghahanap ako ng room. Mga kubo sa harap ng mabini bldg at side ng malvar bldg tas alam ko na mahangin dun kasi na papalibuan sya ng mga puno at maganda din ang tanawing makikita dun.
Pagkadating namin sa mga kubo. Naupo sya sa harap ng mgandang tanawin at mataman na pinagmamasda ang magandang view.
Tinitigan ko sya at lalo ata syang gumagwapo, na parang nalilito na ako sa naiisip ko.. Kainis talaga, nakakainis kasi nagugustuhan ko at sumasang-ayon na ako sa kung ano man ang naiisip ko (haha, baliw na!)
Ahm... Fugi, pwede magtanong? (pambasag ni ian sa katahimikang kanina pa naghahari sa pagitan naming dalawa)
Itutuloy....
No comments:
Post a Comment