Friday, February 10, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 4)

By: FUGI

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.

Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).


 
Dinala ko sya sa Calumpang River, hindi na ganoon kalinis ang ilog na iyun (nakita ko kasi ang ilog na ito nung nasa SHL bldg kami kanina)

Ian: bakit tayo nandito? Naisipan mo bang mamingwit? (natatawa nyang tanong)

(pero seryoso ako humarap sa ilog at nagtugon ng..)

Ako: dito, dito siguro pwede mo nang itapon ang mga problema mo, para masama nang maanod sa kung san man, para makapagsimula kang bumuo uli ng magagandang alaala,para masabi mo na uli na may kwenta na uli ang buhay mo at nang maging masaya ka na ulit.. (kalmado kung paglalahad sa kanya)

(lumakad si ian palapit sa may ilog at sumigaw.... AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!)

Katahimikan ang sumunod na bumalot sa aming dalawa na tila pinakikiramdaman ang bawat isa. Naupo ako at pinang masdan ang ilog.

Alam mo ba mahal na mahal ko siya, simula nung makita ko siya, sabi ko sa sarili ko “siya na ang babaeng para sa akin”, siya ang komumpleto sa akin. Sa loob ng apat na taon siya lang ang naging kasiyahan ko. Pero umalis siya kasama nang pamilya nya at sa ibang bansa nya na rin pagpapatuloy pag-aaral nya. Alam ko parehas namin hindi gusto yun pero wala.. wala kaming choice. Walang iniwan ang pagkakataon para sa amin na OPTION’s, walang pagpipilian kung hindi ang HAYAAN SIYANG UMALIS at ang IPANGAKO sa KANYA na HIHINTAYIN KO ang PAGBABALIK NYA....... ang kalmate at mapusong paglalahad ni ian

Alam ko na sa puntong yon ay umiiyak si ian pero alam ko hindi nya pinahahalata yon sa akin. Hindi ko maintindihan pero nararamdaman ko na naiinggit ako kung sino man ang babaeng sobrang pinaglaan ni ian ng pagmamahal, hinihiling ko na sana may magmahal din sa akin ng ganoon, na nasa SIYA ang GUMAWA non.

Pagnakikita natin ang kakaibang side nang isang tao yung soft side nila, yung vulnerability nila parang mas napapaMAHAL tayo sa kanila kasi mas NAKIKILALA natin ang kung sino siya at ang buong pagkatao niya.

At sa puntong yon na nakikita ko si ian sa ganoong disposisyon, alam ko na sa sarili ko na may umuusbong na kung anong damdamin para sa kanya, hindi awa kung hindi pagpapahalaga at ang hindi ko maaming PAGMAMAHAL.

Kung ang pagkakataon, sitwasyon o tadhana man ang naghiwalay sa inyo, panigurado sila rin ang gagawa nang paraan para pagtagpuin ang landas nyo (pambasag ko sa katahimikan na namamayani, na nagpatingin naman kay ian sa aking kinaroroonan), ganoon naman daw yon, sinusubok ang tatag ng pagmamahal ninyo para sa isat isa na pagnalampasan ninyo pareho kusa kayong dalawa babalik sa piling ng isat isa. Sabi nga sa nabasa ko “Konektado ang PUSO ng isang TAO sa kanilang mga PAA, kaya hindi nakakapagtaka kung DALAHIN ka nito sa TAONG nakaTADHANA SAYO.” Kaya kung para kayo sa isat isa dadalahin kayo ng mga puso nyo gamit ang mga paa nyo sa piling ng isat isa. (Mahabang paglalahad ko habang nakatingin sa ilog)

Kaya dapat hanggang hindi pa nangyayari yon (sabay tingin ko sa kanya at sya naman ay nananatili nakatingin sa akin), ayusin mo ang buhay mo ngayon para pagnagkita na kayo sa hinaharap isang bagong IKAW ang haharap sa kanya para ipagpatuloy ang naudlot ninyong LOVESTORY (pagtatapos sa napakahabang kong sinabi sabay ngiti sa kanya) (ang dami ko nasabi no!? epal lang kala mo nakaexperience na ng LOVE.. hehehehe)
 
Ngumiti ng pagkakatamis sa akin si ian at para bang hindi ako mapakali dahil sa sobrang ganda nang mga ngiti niyang yong, nahuhulog ako sa palalim nang palalim na bahagi sa aking puso na para sa kanya.

Ako: yan mas bagay sayo ang ngumiti, kaya simula ngayon habit mo na yan ha. Wear it always.. OK! (sabay thumbs up)

Ian: salamat... salamat sa pagpapagaan ng nararamdaman ko, salamat sa pagpaparealize sa akin nang mga bagay bagay. Salamat!

Ako: daming namang salamat non ah! Tira ka para sa iba (biro ko sa kanya na ikinangiti uli nya)

Ian: kulang pa nga yon kaya salamat uli (natawa naman ako dito) kasi IKAW lang nangahas ipaintindi lahat ng mga ito sa akin at SAYO ko lang nailabas ang mga problema ko kasi MAGAAN ang LOOB ko SAYO.. (tumingin uli siya sa akin at ngumiti)

Ngiti na lang din ang isinagot (at ang mga binanggit nyang “kasi MAGAAN ang LOOB ko SAYO” nagpaikot ikot na naman sa utak ko.. hala may favoritism, paggaling kay ian nagtatagal sa utak may pag-ikot pa. hahaha)

Nanatili ka parin ako nakaupo nakaharap sa ilog harang si ian ay nakatayo patalikod sa akin na kapares ko nakatingin sa ilog, parehas na tahimik at dinadama ang hangin na dumadami sa aming mga balat. Hanggang sa nagyaya na si Ian na umalis at mieryenda daw kami.

Umalis na nga kami sa lugar na iyon at nag sa pinakamalapit na mall sa lugar na yon ang SM Batangas. Nang maipark ko na si drey at agad na kaming pumasok sa loob.

Ian: san mo gusto kumain??

Ako: ikaw saan mo ba gusto?

(Pagpili ng kakainan ang isa sa pinakamahirap na gawain.. AGREE BA KA?? Hehehe..... Dami kasi)

Ian: ikaw na. dali kahit saan, my treat dahil pinagaan mo ang loob ko

(hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi nya kaya tumalikod ako at kunyari nag-isip at tumigin sa mga bistro sa paligid para hindi niya ako mahalata)

Ako: wow yaman ah! Sige sa max’s restaurant (biro ko sa kanya)

Pero agad naman akong hinawakan ni ian sa wrist at dali daling isinakay sa escalator (nasa second floor kasi yung max)

Ang paghawak na iyon ni ian ay nagdulot sa akin ng kung anong shock waves (hala imbento. Hahaha) o kuryente na unti unting dumaloy sa aking katawan na parang nagpabilis na naman ng pagpintig ng aking puso. Ito ung KURYENTENG ayaw kong IWASAN dahil ang duloy nito ay ang pagbibigay ng KONEKSYON sa aming dalawa.

Hindi ako nagsalita, hindi ko rin inalis ang magkakahawak nya sa akin (dahil parang gusto ko na lagi niya na lang akong hawak, na hindi nya bibitawan dahil para sa ganitong pagkakataon magkabigkis at konektado na kami) nagpadala na lang sa kung saan man niya ako dadalahin, hanggang sa nakarating kami sa entrance ng nasabing restaurant.

Pasok na tayo (ang sabi niyang nagpabalik sa akin sa reyalidad)

Ah.. eh.. I... ian (pautal utal kong naibulalas dahil bumabawi pa sa kuryenteng ipinadama nya sa akin), biro lang yun, dagdag ko

ok lang naman sa akin sabi kahit saan, kaya tara na, sagot nya sa akin

Akmang papasok na siya sa loob nang biglang kabigin ko ang kamay niya at buong lakas hinila siya papalayo sa bistro na yon, at nang makalayo na kami bigla ako humarap sa kanya (takenote: hawak ko pa din pala ang kamay niya na hindi ko na namalayan. Hehehe, paano Adrenaline rush ba! Hahaha palusot! hehe) at nagwikang

ian sabing joke lang yon, ang mahal dun ih! Nakakahiya naman sayo kung libre mo, ang sabi ko sa kanya
Hindi umimik si ian at hindi ko namalayan na nakatingin pala sa pagkakahawak ko sa kamay niya na agad ko namang na pansin at kasing bilis ni flash (anime lover po talaga ako.. hehe) kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.

Yumuko ako at mahinang ng sabi ng... Sorry!

Wala yun, o saan na tayo naman tayo kakain nito nagugutom na ako (masiglang pag-iiba ni ian para mapalitan ang atmosphere sa paligid naming dalawa)

Tumalikod na lang ako dahil alam ko na pang namumula ako sa nagawa ako at sinabi sa kanya na sumunod na lang sa akin. Bumaba kami at pumasok ng supermarket (may mga maliliit na kainan kasi dun tabi) naglakad nang naglakad hanggang..

Dito, dito na lang tayo kumain, mura na, masarap pa at paniguradong mabubusog tayo (pagbibida ko sa PAOTSIN, isa kasi din ito sa favorite ko)

Mukhang Okey dito ah! Ano sayo, tanong ni ian

Since libre mo naman lulubus-lubusin ko na biro ko

Sige lang, pagyayabang niya

Yaman talaga ah! (nagkangitian kami parehas)

Ahm isang order ng pork wanton pati sharks pin with rice at large buko pandan juice, parang bata kong sabi kay ian habang nakaflex pa ang mga kamay ko sa harapan at ang mga hintuturo ay nagtuturo
Natatawa naman siya ian sa itsura ko at sinabihan ako na parang bata (hehe)

Umorder na nga siya at pinapunta na niya ako sa medyo mahaba na nag-iisang table para magkapwesto kami (maliit lang kasi yon tas puro hanay pa ng ibat-ibat food stalls na mostly finger foods ang mabibili). Since maliit nga wala na mga silya pa kaya standing ovation kami (hehe)

Hindi naman nagtagal at pumunta na sa pwesto ko si ian dala ang mga order namin. Ang naging siste ay naging magkaharapan kami. Pinarehas niya nalang pla ang order namin. Pagkababa ng niya ng mga order namin nakita ko yung resibo, habang hindi siya nakatingin ay kinuha ko iyon (remembrance ba! FIRST TREAT slash FIRST DATE na din ito para sa akin, para akin lang. hehehe)

Nagstart na nga kami kumain. Napansin ko nahihirapan siya dahil ang gamit lang namin na utensil ay isang KUTSADOR (imbento na naman. Hehehe, paano kasi fusion ng kutsara at tinidor, parang Goku-vegeta o Goten-tranks lang. FUSION HA! HA! hahahahahaha), kaya naman tinulungan ko na sya.
Akina nga ako na maghahati hati nyan, napaghahalatang RICH KID ah! (biro ko dito)

Nguti lang si ian sa akin

Yan buti naman at nagiging habit mo na ang ngumiti, mas bagay sayo, nagigiti kong puna sa kanya

IKAW kasi ang dami mong alam, pag sagot nito

Parang tanga naman ang utak ko na ang tinanggap lang ay yung IKAW na salita (kakaiba lang magbigay ng meaning kahit naman walang lang kay ian yon. Siguro ganoon lang talaga pag may espesyal kang nararamdaman sa isang nilalang na parang lahat ng sabihin niya na may pahaging tungkol sayo, bibigyan mo/natin agad ng meaning.. TAAS ang kamay ng AGREE.... heheheh)
Grabe nabusog ako, sarap pala dito ah! Sambit ni ian pagkatapos namin kumain

Ako nga din parang ang hirap tuloy maglakad

Tumambay nga puna kami doon ng konting minuto para magpahughog ng kinain namin.

Ian: Ano tara na? ok ka na ba

Ako: OO, nga pala ian pwede daan muna natin PIYOY?

Itutuloy....

No comments:

ShareThis