
Si EJ nagising sa alarm clock niya.Pinatay niya ang alarm clock pagkatapos marinig ang tunog. Pero hindi pa rin nagigising si EJ. Nakatulog ulit ng isang oras.
* Dirty bit!
Dirty bit!
I came up in here to rock
Light a fire, make it hot
I don't wanna take no pictures
I just wanna take some shots!
So come on, let's go!
Let's lose control!
Let's do it all night!
Until we can do it no more!*
Dirty bit!
I came up in here to rock
Light a fire, make it hot
I don't wanna take no pictures
I just wanna take some shots!
So come on, let's go!
Let's lose control!
Let's do it all night!
Until we can do it no more!*
(Calling Natasha-Babe)...
Tumayo si EJ para kunin yung phone sa study table niya. Nakita nyang tumatawag kanina pa si Natasha dahil marami na rin sya text (25 missed calls and 25 unread messages).Dali dali siya pumunta sa banyo para maligo at pagkatapos nagbihis. Tinawagan niya si Natasha para magsorry dahil alam nyang galit na galit na ito. Nag-away sila sa phone pero napahinahon din ni EJ at sinabihan na hindi na mauulit at hintayin siya sa bahay nila para sunduin.Ganun na nga ang nangyari at dumiretso na sila sa PGH. Sakay sila ng taxi at bumaba sila sa tapat ng PGH. Doon nila nakita sina AJ at JM na parehong nakakunot ang noo. Pagkakita sa kanilang dalawa ay agad nagsorry si EJ dahil kasalanan niya kung bakit late sila sa usapan. Pero dahil ngayon lang naman nalate si EJ pinagbigyan nila.Diretso sila pumunta ng Division of Nursing Research and Development (DNRD) na makikita sa 2nd Floor ng PGH Central Block Building kaharap yung Mess/Dining Hall para magpasa ng resume. Pagkapasa ng resume hinintay nila yung kukuha ng resume nila para sa evaluation. Pero since medyo matagal na silang naghihintay. Nagsabing magbabanyo yung tatlo at naiwan si EJ. Ng papunta na yung tatlo sa banyo may napansin silang lalaki matangkad na maputi na may hitsura.Na pinagtitinginan din ng ibang tao.Humarap sa kanila at nagtanong kung saan magpapasa ng resume.
“Umm..pwedeng magtanong? Sabi ng lalaki nakaharap kay AJ.
“Yes..how can i help you?” Sabi ni AJ na may pagkakikay.
“San ko ba ipapasa ung resume ko kasi mag-aaply ako? “Tanong nung lalaki.
“Ah dun sa may lalaki nakatayo sa may bintana. Kasama din namin yun.nag-aaply din kami” Sabi ni JM. Habang nakaturo kay EJ.
“Ah ganun ba..sige salamat.” Sabi ng lalaki at tumalikod at tumungo sa kinaroroonan ni EJ.
Pero ng ilang hakbang palang tumingin yung lalaki sa likod nila para ngumiti. Tanda ng pasasalamat sa tatlo. Si AJ halatang kinilig kasi namula dahil nagwapuhan dun sa lalaki. Pero si Natasha kinuha yung kamay ni AJ at hinatak papuntang CR. Sumabay na si JM sa dalawa. Habang yung lalaki ay pumunta na sa kinaroroonan ni EJ. Nasa binatana na sya para ipasa. Kinakausap na ni EJ yung staff nung dumating yung lalaki..Napahinto si EJ na kusapin yung staff kasi nakita nyang may tao sa likod nya. Gumilid siya. At nagsalita na yung lalaki sa likod niya.
“Sir ipapasa ko po yung resume ko.” Sabi ng lalaki.
“Akin na yung resume mo.”sabi ng staff dun sa HR. Tiningnan yung resume.”Ay wala pa kaming bakante para sa nurse.”Dugtong na sabi ng staff.
“Pero tawagan mo itong number na ibibigay ko sayo kasi baka next week eh umalis na yung mga staff nurse namin mga sampu rin yun kaya maghahanap kami ng replacement.” Sabi ng staff.
“Ah ganun po ba sige po kuha lang ako ng ballpen”.Sabi ng lalaki. Naghagilap ng ballpen sa dala dalang envelope pero wala pala siyang dala. Napatingin siya sa gilid niya para kausapin si EJ at makahiram ng ballpen.
“Boss may ballpen ba kayo?” Tanong ng lalaki kay EJ.Napatingin si EJ.
“Ah..ito..”sabi ni EJ.Sabay bigay ng ballpen.
“Sir ano po yung number?” Sabay tingin sa bintana para kausapin yung staff.
“Eto yung number 554****” sabi ng staff..”Pwede mo kaming tawagan Monday thru Friday 8-5 pm”.Dugtong ng lalaki.Biglang sumabat si EJ.Nagsusulat naman yung lalaki.
“Sir wala po bang exact date kung kelan sila aalis? Yung mga staff nurse.” Sabi ni EJ.Napatingin yung lalaki at yung staff kay EJ.
“Naku ang kulit mo..wala pa nga kami bakante. At hindi pa kasi nag-aayos ng mga papeles yung mga staff nurse.” Sarkatiskong sagot ng staff.
Napayuko si EJ kasi napahiya siya. Pero biglang sumabat ung lalaki.
“For sure naman pag me bakante tatawagan naman tayo nila..tama po ba sir? Sabi ng lalaki.Sumang-ayon naman yung staff. Napatingin at ngumiti si EJ dun sa lalaki. Umalis sila ng sabay sa harap ng bintana. Pagkatalikod nila maya maya may nagsalita sa likod nila.
“Sir..” Sigaw ng staff.Yung nakausap din nila kani kanina lang.Napatingin silang pareho sa likod.
“Yung ballpen po naiwan.” Sabi ng staff.
“Ay ballpen mo pala yun pre.”Sabi ng lalaki.Sabay kuha ng ballpen sa bintana at binigay kay EJ.
“Salamat” dugtong ng lalaki kumuha ng ballpen niya.
“Salamat” dugtong ng lalaki kumuha ng ballpen niya.
Tumungo lang si EJ. Sabay silang bumaba sa building at pagkalabas.
“Ay wala pa pala sila dito” Sabi ni EJ.
“May kasama ka?” Sabi ng lalaki kay EJ.
“Oo pare..3 sila.” Sabi ni EJ.
“Ah ganun ba..sige nice meeting you..at salamat sa ballpen” Sabi ng lalaki ng nakangiti.
“Wala yun.” Sabi ni EJ at ngumiti rin siya.Parang natulala si EJ sa isang iglap sa ganda ng ngiti nung lalaki pero biglang alis din niya baka kasi mahalata siya. Nag-ayos na lang siya kunwari ng sintas. Hindi niya namalayan na nawala na yung lalaking kausap niya,
Pero walang pang isang minuto bumalik yung lalaki lumapit sa kanya para magpakilala. Nagbigayan ng name at nagkamayan. Nag-usap ng konti about sa paghahanap ng work. Ng tatanungin niya sana yung number niya para sumama sa kanila pag naghanap ng work siya namang pagreceived ng tawag ng lalaking kausap niya. Walang ano ano bigla umalis at tumakbo yung kausap na lalaki ni EJ. Napakamot na lang sa ulo at napatingin sa dinaan ng lalaking kausap. Sobrang bilis ng lalaki para may hinahabol kaya sa isang iglap ay naglaho parang bula yung lalaki. Siya namang kita ng mga kasamahan ni EJ sa kanya na parang tuod sa pagkakatayo dahil nga sa nangyaring eksena sa pagitan niya at ng kausap niyang lalaki.
“Oi pareng EJ..”Sabi ni JM sabay akbay.
“Oi JM..andito na pala kayo.”Gulat na sabi ni EJ.
“Hon ba't nakatulala ka dyan?” Sabi ni Natasha at sabay beso.
“Ah..wala yun..may kausap lang kasi ako yung nakasabay natin mag apply dito.Umalis nga ng walang sabi sabi.” Sabi ni EJ.Seryosong yung mukha na parang naiinis sa di malamang dahilan.
“Ay...nakaalis na ba?..d ba si pogi yun..Siya lang naman yung nakasabay natin” Biglang sabi ni AJ.Palinga linga
“Hay....ang landi mo talaga” Sabi ni JM. Nakakunot yung noo.
“Inggit ka lang..”Sabi na AJ at inirapan si JM
“O kayo..dito pa talaga nag-away..Baka magkatuluyan kayo nyan.”pagbibirong sabi ni EJ.
Hindi nag-imikan yung dalawa bagkus nag irapan sila. Pero bigla bumanat si AJ.
“Nakuha mo ba name niya at number ng kausap mo?” Usisa ni AJ kay EJ.
“Oo..pero name lang..ano nga bang name nun?”..Sabi ni EJ habang nag-iisip. Nakaturo yung hintuturo sa noo.
“Ahhhh...Alam ko na....
“Don Michael yung name nya.” Dugtong ni EJ. Ngumiti si AJ pero si EJ parang may kung anong dumaloy sa katawan niya.Kinilabutan ba siya o Kinilig sa pangalan?....
Disclaimer: Regarding PGH hindi pa po ako nakakapasok dyan. Ipinagpalagay ko lang yung histura ng office sa 2nd Floor. Pero tama po yung pasahan ng resume.Pwede niyo pong iconfirm yan sa PGH website. So at least sa mga gustong maging Nurse sa PGH alam niyo na yung pupuntahan. Sana nakatulong din ako.
*****************************************************************************************************

2 comments:
naguluhan ako sa mga pangalan ung EJ, AJ, at JM... lahat sila me letter J... lol..
---
anyway nakikicomment.... :D love reading bromance stories eh.. lol.. hope ok lang... :)
Salamat @Egg.
Pinaikli ko lang yung mga pangalan ng bida. Sa kanila kc iikot yung kwento..
Post a Comment