Thursday, August 11, 2011

SA ISANG IGLAP© CHAPTER 2 (Huling Sulyap)


Umalis na sila sa PGH para kumain ng lunch.Naglalakad  sila papuntang Robinsons Place Manila. Since gutom na silang lahat wala silang nagawa kundi ang pumunta sa foodcourt ng mall para dun kumain since mabilis ang pagseserve. Nag-ikot ikot sila para makapamili ng kakainan. 

“Babe ano ang gusto mong kainin? Sabi ni EJ.

“Salad na lang ako..alam mo naman diet ako eh.” Sabi ni Natasha.

“Hindi ka ba nagugutom kasi kanina pa tayo walang kinakain? Tanong ni EJ.

“Alam mo naman hon na kelangan kong imaintain itong figure ko” Pilyong sabi ni Natasha.

“Babe kahit na maging dambuhala ka pa..ikaw pa rin naman yung love ko.” Lambing na sabi ni EJ.

“Hoy tama na yan..masyado na kayong PDA.” Saway ni JM halatang naiinggit.

“Hay naku naiinggit na naman kasi yung isa dyan..Sweet kaya.” Sabat ni AJ.

“Hep hep hep..ok na sige..titigilan na namin ito baka kasi mag-away na naman kayo.” Saway ni EJ.

“Naku dyan nag sisimula yan..Yiheeeee..”Biro ni Natasaha kina AJ & JM.

Nagkatingan sila AJ and JM pero biglang nag isnaban. Umoorder na sila ng kani kanilang pagkain at humanap ng bakante upuan. Nakakita sila sa may bandang dulo ng foodcourt.Pumunta sila dun sa may bakanteng upuan

“EJ...hindi mo ba talaga naitanong yung number nung guy na nakausap mo?" Sabi ni AJ pero seryoso.

“Ha..sino?" Sabi ni EJ. Halatang nagulat dun sa tanong ni AJ.

“Eh sino pa ba yung nakausap mo eh d yung gwapong nagpasa ng resume kanina” Usisa ni AJ.

“Hay naku ang kulit mo rin noh AJ.ang lakas ng tama mo dun.” Sabi ni EJ na naiinis.

“Oo kasing lakas ng tama ni Kupido” Banat ni AJ.

“Lakas tama
Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
Pag nakikita...kita....”

Bigla bumanat ng kanta si JM pero pakenkoy halatang pinariringgan nya si AJ.Tamang pang-asar lang.

“Ha..ha..ha..ha..ha..” Pilit na tawa ni AJ. Nagtawanan din silang lahat.

Matapos ang mahaba habang kwentuhan at kainan nagtreat si EJ na bumili ng ice cream. Tumayo mag-isa at naglakad lakad para makabili ng dessert.Nakita nya ang Milko Ice Cream.

“Miss 4 nga cookies and cream?” Sabi ni EJ.

“Ok po..ilang scoop po?” Sabi ng empleyado ng foodcart.

“2 scoop each..”Sabi ni EJ.

“Ok..po sandali lang” Sabi ng empleyado. Matapos na gawin yung order.”Eto po sir ung order nyo.”

“Magkano lahat?”Sabi ni EJ.

“80 pesos po lahat” Sabi ng empleyado. Binigay yung pambayad. Pagkabigay ng sukli tumalikod si EJ.

Hindi nya nakita na me tao tumatakbo papalapit dun sa kinaroonan nya.Nagkabanggaan sila. Hindi nya nasadyang mabitawan yung dala nyang ice cream.Nagalit sya.

“Tsk..tsk..ano ba yan hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh.” Sarkastikong sabi ni EJ habang nakatingin sa lapag.

“Boss pasensya bayaran ko na lang po” Sabi ng lalaking nakabangga kay EJ.

“Sa..susunod kasi tuminigin...” Sabi ni EJ pero natigilan siya na makilala niya yung nabangga niya......











“Don Michael..” Gulat na sabi ni EJ.Nagkatinginan sila.Ba't ganun ayaw siyang tantanan ng kilabot na nararamdaman niya sa tuwing titigan niya ito? Ayaw niyang isipin ito dahil mali pero ang puso niya ang kinikilig.
*****************************************************************************************************
P.S Paunawa po sa lahat. Tinatatry ko pong maging accurate sa ibang bagay kabilang na dito yung lugar at yung mga pwedeng makita sa lugar. Nireresearch ko lang ito. Kung may mali man ay ako na po ang humihingi ng paumanhin.

No comments:

ShareThis