Tuesday, August 30, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 10 (Buhay nga naman!)

Salamat po sa walang humpay na pagbabasa sa blog ko.Asahan niyo po ako ay magpopost ng madalas dito. Nakakataba po na unti unti na pong dumadami ang followers ko.

Pinakahuli nga ay si mark_roxas45. Hindi ko po maintindihan yung huling komento niyo. Sensya na. Masyado kasing malawak.LOL!

Sa mga nagbibigay ng komento dun sa chatbox ko lalo na sina JM at Andrian. Thanks sa pagdalaw. Sana dalasan niyo po.

Ito na po yung susunod na kabanata. Mahabang update po ito.Sa September na po ako magpopost ng susunod na kabanata. Sana huwag po kayong mainip at asahan niyo po mas lalo ko po itong pagagandahin ang istoryang aking sinimulan.Maraming maraming salamat. And enjoy po.
*****************************************************************************************************
“Antonio....”Sigaw ng Mama ni EJ.Bigla siyang napatigil at napatingin sa kinaroroonan ng Mama at Papa niya. Biglang niyang nakita ang Kuya Athan niyang tumakbo at hinawi ang mga taong nagkukumpulan sa Papa nila. Bigla siyang nanginig. Nanlambot ang tuhod sa nakita. Nakahandusay ang tatay niya.

“Pa...pa..”Nauutal na sabi ni EJ. Bigla siyang napaupo at natulala.

Ang Kuya Athan niya ay dali daling pinasan sa likod ang Papa nila. Wala imik pero halata mong nangangamba na rin sa lagay ng Papa nila. Tumayo siya para tulungan si Athan at ng karga karga na ni Athan ang Papa nila kumakaripas na ito ng takbo ng mapadako siya sa direksiyon ni EJ. Akmang tutulong na sa kanya ay hinawi niya ito at tinulak ng pagkalakas lakas. Natumba si EJ sa sahig.

“Antonio..antonio”Umiiyak na sabi ng Mama niya. Palapit ng palapit na sa kanya. Sinusundan si Athan. Hindi man lang siya pinansin ng Mama niya. Tuloy tuloy lang silang umalis ng restaurant hanggang sa mawala na sa kanyang paningin.

Si Jessica naman ay nagkamalay na at inaalalayan na ng mga staff palabas ng restaurant susundan din ata si Athan.

Si Eric ay nakatulala rin pero tumayo na rin pagkaraan ng ilang minutong pagiging tulala. Marahil ay nabigla rin sa mga sumunod na pangyayari. Dali daling lumabas sa restaurant at ng makalapit na kay EJ. Huminto ito.

“So, EJ ano masaya ka na? Ganito ba ang gustong mong kahihinatnan?”Isang makahulugang salita na tumama ng tagos sa kanya. Si Eric na matalim pa rin ang tingin kay EJ.Hindi na umimik si EJ. Talo siya sa oras na ito.

“Bagay lang yan sa iyo. Siguro kinakarma ka na. Dahil yan sa kagagawan mo. Dahil yan sa pagmamaniobra mo sa buhay namin. EJ sana pinabayaan mo na lang kami.”Si Eric pa rin. At tuluyan ng lumabas ng restaurant para sundan si Athan.

Habang si EJ nakaupo’t nakatulala. Hindi niya alam ang gagawin ng mga oras na iyon. Sobrang gulo ng utak niya. Sa pagkakataong iyon nagpakawala na siya ng isang sigaw.

“Waaaahhhhhhh.....”Sigaw ni EJ.Isang dumadagundog na sigaw. Rinig na rinig sa buong restaurant ng hotel.At tuluyan ng bumagsak ang luha niya.

Hindi niya inaasahan na ang simpleng pangingialam niya sa buhay ng kapatid niya ang sisira sa pamilya niya. Sinisisi niya ang sarili niya.Siya ang malas sa buhay nila. Kung tatanungin niya ngayon yung sarili niya sana hindi na lang siya pinanganak para wala ng malas sa pamilya nila. Kung siya lang naman ang magpapahamak sa buhay ng pamilya nila.Gusto na niyang mamantay ng oras na iyon. Umalis siya sa restaurant at ng nasa labas na siya ay biglang bumuhos ang ulan. Nagpabasa siya sa ulan at tumingala.

“Bro,buong buhay ko ginawa ko ang lahat para matuwa sila.Pero bakit,bakit hinayaan niyo akong maging masama sa mata nila. Ayoko ng mabuhay paahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!Pasigaw niyang sinabi.Wala na siyang pakialam kung may makarinig sa sinabi niya. Napaluhod na lang siya at tuluyan ng umiyak.

Tumayo siya at nagsimulang maglakad ng tumila na ang ulan.Hahanapin niya ang pamilya niya sa mga malapit na hospital. Hindi niya ngayon malaman kung saan hahagilapin sila. Sumakay siya ng taxi para mas mapabilis ang paghahanap niya.Inisa isa niya ang lahat ng hospital. Tinatry niyang tawagan sila ngunit ayaw ng gumana ng phone niya.Nauna niyang pinuntahan yung Manila Adventist Medical Center,sumunod yung PGH,sumunod yung Manila Doctor’s Hospital, sunod yung Manila Medical Center. Ngunit wala dun ang Papa niya or Maski sino sa mga kasama niya sa Restaurant.

Hindi na siya mapakali ng mga oras na yun. Nagsisimula na naman niyang sisihin ang sarili niya. Naiinis siya sa katangahang nagawa niya. Pero naiisip niyang nagawa lang niya ang bagay na iyon para maprotektahan ang Kuya Athan niya. Masyado niyang sinamba ang Kuya niya na kahit ang sariling kapakanan niya ay isinantabi niya.

Oo naiinggit siya sa Kuya niya dahil lagi ang Kuya niya ang bida. Pero kahit ganoon ang pakiramdam niya hindi kailanman naging madamot ang kapatid niya sa kanya. Kung anong meron na bago sinisiguro niya na meron din siya. Kapag pinapagalitan siya ng Papa nila dahil mababa yung gradong nakuha niya ang Kuya niya ang laging tagapagtanggol. Tagapagtanggol sa lahat ng bagay. Kahit siya ang may kasalanan inaaako ng Kuya niya. Nanariwa sa kanya ang mga ginawa sa kanya ng Kuya niya.

Ngayong nagkalamat na ang kanilang matibay na samahan. Hindi na niya alam kung paano niya ito maibabalik pa. Hindi niya alam kung kakayanin niya na wala na ang Kuya niya. Oo kahit na hindi sila masyadong nagkakausap ngayon dahil subsob sa trabaho ang Kuya niya hindi pa rin nawawala yung samahan nilang magkapatid.

Iniisip na lang niya na sana panaginip na lang ito.Na para paggising niya ay tapos na ang lahat ng problema. Problemang siya mismo ang gumawa.Sana matapos na itong bangungot.Sana magising na siya. Sana maging normal na kinabukasan.

Nasa ganoong sitwasyon siya ng bigla siya kinalabit ng taxi driver. Kanina pa kasi siya tulala at kanina pa rin itong walang sagot. Nahagilap na nilang lahat ang apat na hospital na pinuntahan nila kaso bigo siyang mahanap ang kinaroroonan ng Papa niya.

“Sir, mukhang wala po dito sa mga pinuntahan natin ang Papa mo. Meron pa po ba kayong alam na pwedeng pagdalhan sa Papa niyo?’Tanong ng taxi driver.Buti na lang mabait yung driver na nasakyan niya.

“Ah manong di ko pala nasabi sa inyo na nagtratrabaho ang Kuya ko sa Makati Medical Center baka andun sila. Baka dun dinala ang Papa ko.”Mahabang sagot ni EJ sa driver ng taxi. Agad namang pinaharurot ng driver ang taxi para mabilis silang makarating. Medyo malayo na rin kasi ang Makati sa huling pinuntahang hospital.

Nanalangin na sa mga oras na iyon si EJ. Sana sa mga sandaling ito hindi pa kunin ang Papa nila. Hindi man niya alam pero ngayon lang niya nakitang nagkaganoon ulit ang Papa niya. Siguro dala ng matinding eksenang naganap sa restaurant ay nanikip ang dibdib ng Papa nila kaya inatake na naman siya ng sakit sa Puso niya. Ang akala nilang okay na ang kundisyon ng Papa nila ay hindi pa pala.
Nasa ganoong pagmumuni muni si EJ ng makarating na sila sa Makati Medical Center.Hindi nga siya nagkamali dahil ang sasakyang gamit ng Kuya niya ay nakaparada sa employee area.

Dali dali siyang nagbayad hindi na niya kinuha ang sukli dahil nagpapasalamat siya sa driver na tumulong sa kanya sa paghahanap sa Papa niya. Dumiretso kaagad siya sa Emergency Room ng hospital. Iniisa isa niyang tingnan ang mga pasyente at pati ang mga taong naroroon. Nagbabakasakaling andun pa yung Pamilya niya, si Jessica at si Eric. Ngunit bigo siya. Nagtanong na siya sa mga nurse na nakaduty ng mga oras na iyon.

“Miss Nasaan na po ang pasyenteng si Mr. Antonio Millares?”Tanong ni EJ sa isang nurse dun.

“Wait lang po tingnan ko muna sa record namin? Kaano ano niyo po ba ang pasyente?”Tanong ng nurse kay EJ.

“Anak niya po ako?”Tugon ni EJ.

“Ah..ok so kayo po pala ay kapatid ni Dr. Millares pasensya na po delikado kasi yung lagay niya nasa ICU po siya ngayon.”Sagot ng nurse kay EJ.

Hindi na sumgot si EJ dali dali siyang pumunta sa ICU para icheck ang kondisyon ng Papa niya. Nagsisimula na ulit bumagsak ang luha niya. Habang binabagtas ang patutunguhan ay nagdarasal na siya na sana hindi malala ang kundisyon ng Papa niya. Dahil sa oras na may mangyaring hindi maganda sa Papa nila ay hindi niya alam kung ano gagawin sa sarili pag nangyari ang bagay na kinatatakutan niya.

Habang papalapit ng papalapit sa ICU area nakita niya si Jessica nasa pintuan ng isang room. Malamang doon na yung room ng Papa niya. Dali dali siya pumunta at ng makalapit sa kinaroroonan ni Jessica napatingin siya sa glass window. Andun ang Kuya Athan at Mama niya. Si Eric nasa labas kasama ni Jessica nakatingin lang ng masama kay EJ. Akmang bubuksan na niya yung pintuan ng hinawakan siya sa kanang kamay niya. Tiningnan niya si Jessica.

“Ate Jessica, let me come in”Nagsusumamong sabi ni EJ kasy Jessica.

“I’m sorry EJ, Athan already advised us not to allow you to enter the room”Malungkot na sabi ni Jessica.

“I'm his son, hindi pwedeng gawin sa akin ito”Galit na sabi ni EJ.

Nakita siya ni Athan. Lumabas ng kuwarto. Galit na galit ang mukha. Si EJ kakausapin na sana si Athan ng hatakin ang kuwelyo at nagsalitang ng maaanghang na salita.

“Gago ka EJ, may gana ka pang magpakita matapos na macomatose ang Papa.”Galit na sabi ni Athan.

“Well siguro masaya ka na, dahil nagawa mo na yung gusto mo.”Galit pa ring sabi ni Athan.

“Kuya...hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na magiging ganito ang mangyayari.”Si EJ at nagsisimula na namang umiyak.

“Tanga, alam mong mangyayari ito dahil matagal mo na rin namang ayaw kay Papa.Lagi kayong nag-aaway kung hindi lang dahil sa akin malamang sa kangkungan ka pupulutin.”Galit na sabi ni Athan.

“Lumayas ka dito wala akong kapatid na demonyo.Wala akong kapatid na makitid ang utak na makasarili. Hindi ka na sana nabuhay pa.”Sigaw ni Athan kay EJ. Sabay taboy palayo sa kanya.

“Oo sana hindi na lang ako nabuhay.Sana hindi na lang ako pinanganak para ikaw na lang laging bumida sa kanila at wala ka ng kaagaw pa sa pagmamahal nila.”Sigaw rin ni EJ kay Athan. Sabay alis palayo.

“Wag ka ng magpapakita pa sa akin. Dahil oras na may nangyari kay Papa ako mismo ang papatay sa iyo.”Pagbabanta ni Athan kay Ej habang nakatalikod ito. Hinawakan na sa magkabilang braso ni Eric si Athan baka kung ano pang gawin niya kay EJ. Si Jessica natulala sa gilid at nagsisimula ng umiiyak.

Ng mga oras na iyon. Pinili ni EJ na lumabas ng hospital. Hindi na muna siya uuwi ng bahay nila. Doon muna siya sa hospital para makibalita. Kahit nasaktan sa mga salitang binitawan ni Athan hindi niya magawang magalit sa Kuya niya. Mahal niya ito at dala siguro ng galit kaya pareho nilang nasabi ang mga masasakit na salitang namutawi sa mga bibig nila.

Sobrang gabi na ala-1 na ng madaling araw. Wala ni isa man ang lumabas sa mga taong kasama niya sa restaurant. Dumaan ang isang oras unang umuwi si Jessica. Umuwi na rin si Eric pagkatapos at huling umuwi si Athan. Ito na ang pagkakataong hinantay niya para makita ang Papa niya. Dali dali siyang pumasok ng hospital. Nagsuot ng protective gear na alituntunin sa ICU.

Nakita niya ang Mama niya katabi ng Papa niya natutulog.Nakaupo sa upuang monoblock at nakalapag ang ulo sa higaan at hawak hawak ang kaliwang kamay ng Papa niya. Humalik si EJ sa Mama niya.Hindi na niya ginising para makapagpahinga rin ito. Pumunta siya sa kabilang side. Kitang kita niya na ng malapitan ang kalagayan ng Papa niya. Sobrang sakit na makitang nakaratay ang Papa niya at puro tubo ang nakasaksak. Naaawa siya sa Papa niya. Nagsisimula na namang tumulo ang luha niya pero pinipigilan niyang huwag magising ang Mama niya. Nagsalita siya sa tabi ng Papa niya.

“Papa, sori sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa iyo. Alam kong wala akong kwentang anak. Pero kahit hindi mo pinadama na anak mo ako. Minahal kita bilang ama ko. Masaya ako at ikaw ang Papa ko. Wala na akong hihilingin pa. Salamat na rin sa pag aaruga mo sa akin. Hindi ko kayang mawala ka Papa. Pakatatag ka. Promise ko magiging mabuti na akong anak at kapatid. Mahal na mahal kita.”Madamdaming sabi ni EJ. Sabay halik sa Papa niya. Tuluyan na siyang umiyak sa harap ng Papa niya.


Isang mata ang kanina pa nakatingin sa kanya.

3 comments:

Anonymous said...

wow! bigat sa dibdib ang chapter na ito, nadadala ako sa eksena naiiyak tuloy ako.......

mark_roxas45 said...

next chapter plssssssss

Unknown said...

@Anonymous..salamat sa pagkomento. Sana po dalasan niyo pa.

@mark_roxas45.Demanding na..hehehe..antay antay lang po. kasi gusto kong maganda yung kalalabasan eh.Hehehe.

Tnx a lot.

ShareThis