Thursday, September 1, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 11 (Ikaw na naman!)

Bago po ang lahat. Ako ay nagpapasalamat na unti unti na po dumarami ang nakakaalam ng blog ko. Natutuwa ako. Umabot po ako ng record breaking na 400+ nung Martes. Salamat po sa inyong lahat. Mas lalo po akong ginanahan at asahan niyo pong lalo ko pananabikin ang lahat ng tagpo na mababasa niyo dito.

Nagpapasalamat din ako sa mga nagkomento. Isa na po si mark_roxas45.Antay lang po muna. Marami pa akong nakatagong kabanata sa draft ko. Sinusuri ko pa kasi ang lahat ng detalye para mas lalo kayong manabik.Hehehe..Pero salamat sa walang humpay mong pagkomento.

Kay Anonymous. Talagang nabigatan ka sa mga eksena? Mas lalo na sa mga susunod.Hehehe.Abang abang na lang kayo.

At pinakahuli ay kay Lui dun sa chatbox. Hehehe.Gusto ko rin kasi yung mga kwento sa blog niya. Yung blog niya po ay Rants,Stories,Etc. Pwede niyo po yang basahin. Maganda din po yung mga kwento dun. At sa mga nakalagay na link dun sa mga "KA BLOG". Marami pa dun na mga kwento. So at least pag hindi pa ako nakakapagpost ay mayroon din kayong pwedeng basahin at para hindi rin kayo mainip.

Taos puso din po akong nagpapasalamat sa mga silent readers ko. Dahil sa inyo kaya tumaas ang pageview ko. Hanggang dito na lang po. At sa muli ako ay nagpapasalamat sa walang humpay niyong pagdalaw sa blog ko. Sana hindi po kayo magsawa. At sana po kung maari ay pwede rin po kayo magkomento or magsuggest para sa ikagaganda ng blog ko.Salamat po ulit.

Ito na po yung susunod na kabanata. Enjoy po!
*****************************************************************************************************
Pagkalabas na pagkalabas niya sa ICU room ng Papa niya. Nanlaki ang mata niya sa di inaasahang bisita.

“D...D...M”Nauutal na sabi ni EJ. Nanlaki rin ang mata dahil sa hindi niya aakalain dito pa sila magkikita ng taong nagbibigay sa kanya ng ibang pakiramdam.

“Oo ako nga..bat andito ka?At sino ang nasa kuwarto na ito?”Nagtatakang sabi ni DM.

“Papa ko...”Isang malungkot na tugon niya kay DM.

“Oh..Im so sorry to hear that.”Si DM.”What happened?”Usisa ni DM.

“Sorry tol, im not ready pa..Hindi pa oras.”Sagot ni EJ kay DM. Ayaw niya pang pag usapan baka hindi magustuhan ni DM kung ikwekwento niyang siya ang dahilan kung bakit nakaratay ang Papa niya.

“Ok.”Tipid na sagot ni DM kasabay na pagtaas ng balikat. Naiintindihan naman ni DM kung ayaw pag usapan ang bagay na ito baka lalo pang madepress si EJ sa kalagayan ng Papa niya. Bagkus iniba na lang niya ang usapan.

“Hindi ka pa ata kumakain. Baka gusto mo samahan akong kumain sa labas kasi tingnan mo yang hitsura mo haggard na at mukhang pagod na pagod ka.”Sabi ni DM.

“Sige ikaw na lang. Wala pa akong gana”Sabi ni EJ.

“Sige na..baka kaw pa ang sumunod sa Papa mo nyan. Kahit panoorin mo lang ako.hehehe”Biro ni DM.Sabay hatak kay EJ.

Wala ng nagawa pa si EJ kahit labag sa loob niyang iwanan ang mga magulang niya at ang totoo naman na di pa siya talagang nagugutom kahit na hindi siya masyadong nabusog sa kinain sa hotel dala ng pangyayari naganap doon.

Ng makarating sila sa isang fastfood na makikita rin sa loob ng hospital. Pinaupo na lang niya si EJ. At si Dm ang umoorder ng pagkain. Pagkabalik nila maraming binili si DM baka sakaling kumain si EJ kahit papaano. Nag-aalala rin kasi ito sa kalagayan ni EJ.

“Oi binilhan kita ng pagkain baka kasi magutom ka.”Sabi ni DM.sabay upo ni DM. Magkaharap sila na mga oras na iyon.

“Salamat na lang pero hindi talaga ako gutom”Wala kagana ganang sabi ni EJ.

“Kumain ka na lang diyan kung gusto mo”Sabi ni DM. Sabay kain ng binili cheeseburger at french fries.

Masyadong tahimik ang dalawa. Si EJ. Nakatulala. Pero si DM nakatingin lang kay EJ.

“Oi..matutunaw ako.”Sabi ni EJ. Ngumiti na pilit sa pagkakakitang nakatulala na rin si DM sa kanya.

“Ha...ano yun?”Maang maangan ni DM.

“Tulala ka na rin gaya ko. May problema ka rin ba?”Biro ni EJ kay DM.

“Oo eh..”Sabi ni DM. Kunyaring malungkot.

“Pwedeng pag usapan natin”Seryosong sagot ni EJ.

“Sus, kaw nga ayaw mong pag usapan yung problema mo sa pamilya sa akin pa kaya”Sabi ni DM.

“Prinoproblema ko kasi kung paano kita. Pangitiin. Sayang gwapo ka pa naman. Hindi bagay sayo ang serious actor.hahaha”Biro ni DM.Napangiti naman niya si EJ kahit papaano.

“Kaw kung ano ano yang pinagsasabi mo. Pero salamat kahit papaano napangiti mo ako dun.”Sabi na lang ni EJ.

“Oi may ketchup ka sa bibig mo?”Puna ni EJ kay DM.

“Ha ano yun?”Maang maangan na sabi ni DM.

“Sabi ko may ketchup ka sa bibig mo?”Pasigaw na sabi ni EJ kay DM.”Bingi ka rin noh”Dugtong niya.

“Dito ba..”Sabi ni DM sabay pahid ng kaliwang bahagi ng labi niya gamit ang tissue.”Wala na ba?”Tanong niya ulit kay EJ.

“Akin na nga yang tissue.Bulag ka naman eh.”Inis na sabi ni EJ kay DM. Sabay abot ng kuha ng kaliwang kamay ni DM na may hawak ng tissue at giniya ang kamay nito sa kanang bahagi ng labi niya. Nagkatinginan silang dalawa habang ginagawa nila ang pagpunas.

Parang tumigil ang mundo ng dalawa. Kinuha ni DM ang kamay ni EJ. At siya na ngayon ang nanggiya sa kamay nito para punasan ang ketsup sa labi nito. Hindi pa rin nawawala ang pagtitinginan ng dalawa. Hindi nila alintana na may mga taong nakatingin na sa kanilang dalawa.Naalala niya bigla ang eksenang naganap sa restaurant kani kanina lang nangyari.Bigla natauhan si EJ.

“DM..yung kamay ko”Nakangiting sabi ni EJ kay DM.

“Ay sorry.”Nahihiyang sabi ni DM.Inaalis binitawan naman niya ang kamay ni EJ.
Saglit na katahimikan ang bumalot sa dalawa.

“Ano nga palang ginagawa mo dito?”Usisang sagot ni EJ kay DM.

“Ah kasi pinagamot ko yung mga sugat ko.Binilin kasi ni Mama sa akin. Pumunta ako ng Xray para macheck na rin kung may bali ako.”Mahabang paliwanag ni DM.

“Paano mo ako nakita at gabi na ha.”Usisa pa rin ni EJ.

“Kasi madaling araw tumatawag si Mama gamit ang skype. So nakita niya itsura ko kaya ayon. Pinagalitan ako. Dali dali akong pumunta ng hospital. Di ko aakalain na makikita kita. Pumasok ka kasi sa ICU area. Sinundan kita.”Paliwang ulit ni DM.

“Ah ok...i see”Ang nasabi na lang ni EJ. Pero sa isip nito: Potek sinusundan ba ako nito. Bakla rin ba ito?

“Puro ako na lang ang nagkwekwento. Ang daya mo.”Pagmamaktol ni DM.

“Eh ikaw kasi madaldal sa atin eh.”Biro na sabi ni EJ. Sabay tawa.

“Ayan buti na lang nagagawa mo na ring tumawa sa kabila ng problema mo. Gwapo mo kaya.”Bigla sabi ni DM.

Bigla nanlaki ang mata ni EJ sa huling salita ni DM. Si DM nakangiti pagkatapos magsalita. Tiningnan niya ang buong mukha ni DM. Hindi niya mawari kung bakit sa tuwing nakikita nito ang mata niya ibang pakiramdam ang nananalaytay sa katawan niya. Sobra tuwang tuwa siya. Hindi niya malaman kung bakit. Ngayon lang niya ito naramdaman sa kahit na sino at ang sa lalaki pa. Nababading na rin kaya siya. Ganito ba ang nararamdaman ng Kuya Athan niya ng makilala niya si Eric. Hindi pwede ito. Mali ito. Ayokong matulad sa Kuya ko. Napailing na lang siya sa naisip niya. Napansin naman ito ni DM.

“Anong problema..may dumi ba ulit ako sa mukha?”Seryosong tanong ni DM kay EJ.

“Ha..eh..wala naman..sige kumain ka na lang diyan after nyan balik na ako sa ICU.”Nasabi na lang ni EJ.

Nagkwentuhan na lang sila ng kahit na ano. Pampalipas din ng oras ito habang kumakain si DM. Nagkukulitan at nagtatawanan na rin sila. Natutuwa naman kahit papaano si EJ dahil dito ay nawawaglit pansamantala ang  masamang nangyari kanina at mawala pansamantala ang alalahanin niya sa Papa niya.

Ng matapos ng kumain si DM. Sumama pa rin ito kay EJ. Tutal wala rin naman siyang gagawin sa bahay. Para na rin makilala pa ng lubos si EJ. Biglan siyang nagyayang umihi dahil kanina pa siya hindi umiihi sumasakit na rin yung pantog niya dahil pinipigilan niya.

Ng matapos silang magCR.Nasa hallway na sila. Mayroon silang naririning na mga yabag ng paa. Mga paang animo’y nagmamadali at parang may hinahabol. Bigla siyang kinutuban ng masama. Biglang may umihip na hangin sa katawan niya at nanlamig.

Dali dali siyang tumakbo sa hallway papuntang ICU area. Hindi niya alam kung bakit siya nagkaganoon. Sumunod na lang si DM sa kanya.

Isa isang lumabas ang mga tao ng hospital sa kuwarto ng Papa niya. Nanlumo siya bigla.

No comments:

ShareThis