Ako po ay humihingi ng paumanhin sa kadahilanang natagalan yung update. Baka akalain niyo pong nagtampo ako.Hindi po.Marami lang talaga akong ginawa last week.Hehehe.Eto po medyo mahaba habang update. Salamat po sa mga tumatangkilik.
*****************************************************************************************************
Habang umiiyak tumingin siya sa salamin ulit. Tuloy tuloy pa rin yung pag-agos ng luha niya. Ng bigla makita niya yung mukha ng Kuya Athan niya. Pinahid niya yung mukha niya para malaman kung nananaginip siya pero nasa harapan pa rin niya yung mukha ng Kuya niya. Naalala niya bigla si DM habang tinitingnan yung mukha ng Kuya niya magiging katulad din kaya siya ng Kuya niya dahil sa nararamdaman niya ngayon kay DM.Hanggang sa may naalala siya sa kanyang nakaraan.
*Flashback*
3rd year high school siya ng malaman niyang sikreto ng Kuya Athan niya.4th year college nun ang Kuya Athan niya.Nag-aaral sa isang sikat na Catholic School sa Manila.Kumukuha kasi yung Kuya niya ng Radiology Technology Course.Sa isang science public high school naman siya nag-aaral nung time na yun. Matalino rin naman siya in fact asa top section siya sa buong taon niya nung high school niya kaya lang naman siya kumuha ng nursing dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang mga magulang at para makapasok din siya sa isang best nursing institution sa Manila din matatagpuan. Ang kaso lang since nasa public siya hindi rin niya maiiwasang makasalamuha ng mga basagulerong mga estudyante. Nagkaroon siya ng barkada pawang mayayaman din katulad niya. Ang tawag sa kanilang grupo noon ay Meteor Boys. Paano uso pa kasi yung mga asian boys gaya ng Meteor Garden.Kahit galing sa mayamang pamilya nabarkada din siya sa mga basagulero pero may mga kaya rin naman yung mga pamilya nung mga naging barkada niya. 5 silang magbabarkada. Sina Jay-r,Melmar,Gino, Stephen at siyempre ikalima siya. Pareho silang mga katamtaman yung laki. Lahat sila may mga hitsura. Kaya sila binansagang Meteor boys dahil sa angking karisma nila sa girls at gays. Isang araw nagpasya sila magmeeting sa tambayan nila. Doon sa may puno ng narra at may mga bench kasi dun.Dun din kasi sila nagkakilala lahat lahat. Hindi sila magkakakilala nung unang pasok nilang lahat sa school na yun. Since siya lang yung bagong lipat dun sa kanila siyempre nanibago siya.Binubully siya ng mga lower section. Unang nagtanggol sa kanya si Jay-R nakasalamin pero halata mo palaban kasi malaking tao na malaki yung pangagatawan pero may hitsura. Nakilala niya nung binubugbog siya sa tamabayan nila. Sumunod si Melmar siya yung tipo takaw gulo pero mabait. Bad boy image kasi nasaksihan niya yung pambubugbog ng mga lower section sa dalawa. Huling nakilala niya sina Gino at Stephen magkaklase kasi sila at magbestfriend.Parehong katamtaman ang laki ng pangangatawan na fit laging manamit.Pero maporma at artistahin ang dating.Nakilala lang nila yung dalawa ng minsan binubully yung magbestfriend kaya pinagtanggol nila.Doon nagsimula ang friendship nilang lima.
*Sa tamabayan*
“Ang tagal naman ni EJ”Inip na sabi ni Melmar
“Sunduin ko na kaya?”Sabi ni Gino
“Dapat andito na yun kasi tapos na yung exam.”Sabi ni Stephen
“Oo nga, ano kayang nang yari dun.”Pag-aalalang sabi ni Jay-R. Maya maya.
“Guys..andito na ako.”Hingal na sabi ni EJ sabay bro sign niya sa barkada. Tumakbo kasi.
“Hay salamat akala ko iindyanin mo kami”Seryosong sabi ni Gino
“Ha hindi noh..pero para san ba itong meeting natin?”Gulat at tanong na sabi ni EJ..
“Hindi mo ba alam..birthday ni Melmar ngayon?”Inis na sabi ni Jay-R
“Ah ganun ba sensya na nawala kasi sa isip ko kasi busy kasi ngayon sa klase dahil narin sa midterm exam na papalapit.”Pakamot na sabi ni EJ.
“Ok..sige kaw na magaling pero may balak kasi kami ngayon.”Bitin na sabi ni Melmar
“Ano un”Sabi ni EJ
“Magbabar hoping tayo ngayon.”Nakangiting sabi ni Melmar.
“Ha..hindi ako papayagan.”Gulat na sabi ni EJ
“Eh di wag ipalaam ano ba yan..malaki ka na..may bulbol ka na.”Sabi ni Gino. Nagtawanan silang apat.Namula si EJ sa kahihiyan.
“Ah eh...”Putol na sabi ni EJ kasi nag-iisip ng dahilan.
“Walang pero pero..basta susunduin ka namin sa bahay nyo.”Seryosong sabi ni Melmar pero nakakunot ang noo.
“Sya cge na.ako na ang bahala.antayin nyo na lang yung text ko sa inyo”Napilitang sabi ni EJ.
“Ayos so...ok na tayo..wala ng problema..”Nakangiting sabi ni Melmar.
Kinagabihan sinundo ng mga barkada niya si EJ sa bahay nila gamit ang sasakyan ng Daddy ni Jay-R. Nagtext siya na sandali lang kasi hindi pa natutulog yung mga magulang niya dahil nanood pa ng palabas sa sala nila.Paniguradong papagalitan siya pag umalis ng disoras ng gabi.Lumipas ang 15 minutos.Wala pa rin si EJ. Naiinip na sa kakahintay yung mga barkada niya. Nagtext siya ulit na hindi pa rin nakakatulog yung mga magulang niya.Lumipas ang 30 minutos hanggang abutin siya ng isa’t kalahating oras. Pero siyempre panay pa rin ang text niya sa barkada niya para huwag magalit sa kahihintay sa kanya. Nakita niyang wala na sa sala yung mga magulang niya para malaman niya chineck niya ang mga ito sa kuwarto nila. Nang makumpirma na nakatulog na sila. Dahan dahan siya umalis ng bahay at nakita nyang nagyoyosi sina Jay-R at Melmar sa front seat ng sasakyan. Nakita siya ni Melmar at sabay saludo pero nahihiya siyang magpakita kasi matagal niyang pinag-antay yung mga kasama niya.
“Hay buti naman dumating ka na.akala talaga namin iindyanin mo na kami.”Buskang sabi ni Melmar.
Pagkapasok nya sa sasakyan ni Jay-R. Hindi na siya umimik dahil kasalanan niya naman yun. Umalis na sila at pumunta sa isang bar sa Malate. May bouncer nakaharang sa harapan ng bar. Alam ng bouncer na mga bagets pa sila kaya hinarang pero alam ni Melmar ang gagawin. Kumuha siya ng perang pansuhol sa bouncer sabay tapik sa dibdib nito. Wala sabi sabing pinapasok sila. Pagkapasok ang ingay ingay sa bar. Friday night kasi kaya maraming mga tao at siksikan sila saka ang daming sumasayaw sa gitna ng dance floor. Pinatutugtog ang mga pangdisco kaya't napapasayaw na sila.
I take you to the candy shop
I'll let ya lick the lollypop
Go 'head girl, don't you stop
Keep going 'til you hit the spot (whoa)
I'll take you to the candy shop
boy one taste of what i've got
I'll have you spending all you got
Keep going 'til you hit the spot (whoa)
I'll let ya lick the lollypop
Go 'head girl, don't you stop
Keep going 'til you hit the spot (whoa)
I'll take you to the candy shop
boy one taste of what i've got
I'll have you spending all you got
Keep going 'til you hit the spot (whoa)
“Tara dun tayo sa may counter wala ng masyadong bakanteng table..puno lahat.”Sigaw na sabi ni Melmar. Maingay kasi sa bar sa lakas ng tugtog.
“Melmar, hindi ako umiinom.Bawal ako sa alak.”Sigaw na sabi ni EJ.
“Naku hindi na yan uso ngayon”Sabi ni Melmar
“Minsan lang naman ito..lubusin na natin.”Sabi ni Jay-R
“Daming chicks dito..pre..ayos.”Sabi ni Gino.Tumintingin tingin sa paligid.
“Tara na para makarami na tayo.”Sabi ni Stephen
“Bahala kayo basta ako konti lang iinomin ko.”Sabi ni EJ
“Sus KJ mo.”Simangot na sabi ni Melmar.
Dumiretso na sila dun sa counter. Si Melmar kumuha ng 4 na red horse at 1 san miguel light para kay EJ. Umorder din sila ng pulutan. Nag-yaya si Melmar na sumayaw sa dancefloor. Niyaya nya ang buong barkada pero nagpaiwan si EJ.Dumiresto na yung apat sa dancefloor at naiwan siya sa counter umiinon mag-isa tinitingnan na lang niya mula sa dancefloor yung apat kahit niyaya siya na pumunta na doon ayaw pa rin niya. Maya maya me bigla nakasagi ng kanyang iniinom may babae kasi medyo lasing na at napaakap sa kanya. Natapon yung iniinom niyang san miguel light sa sahig.
“Miss lasing ka na.”Pag aalalang sabi ni EJ. Pano nakayakap pa rin sila sa isa’t isa.Namumula sila pareho ng tingnan nila ang isa't isa.
“Ah hindi nahilo lang ako.”Sabi ng babaeng kaakap niya.
“Upo ka dito”Aya ni EJ sabay pinaupo yung babae.
“Salamat.”sabi ng babae.”By the way i’m Natasha”Dugtong niya.
“Im Enrique James, EJ for short.”Nahihiyang sabi ni EJ sabay handshake.
“Sino sino kasama mo?”Tanong niya.
“Yung mga barkada ko,ikaw” Sabi ni EJ
“Ako rin yung mga barkada ko.”Tugon ni Natasha
“Nag-iisa ka yata”Sabi niya.
“Oo eh kasi hindi talaga ako komportable dito. First time ko.”Nahihiyang sabi ni EJ.
“Kaya pala..mukha kang high school.”Sabi ni Natasha
“Oo high school nga kami pero secret lang yun”Pacute na sabi ni EJ.”Bat kayo hindi ba?”
“I see..and yes high school din kami”Nakangiting sabi ni Natasha.
Nabighani si EJ kay Natasha ng makita niya for the first time si Natasha ng nakangiti. Sobrang ganda kasi niya pag ngumiti.Angelic yung face at kumikinang yung mata kahit halatang namumula na yung pisngi dala ng nakainom nga yung babae.Mukhang tinamaan na siya sa kausap niya. Hindi niya maalis yung tingin niya kay Natasha kahit na hindi ito nakatingin sa kanya. Nagkwentuhan sila ng nagkwentuhan. Palibhasa nakainom silang pareho kaya tawanan at kulitan ang ginagawa nila sa isa’t isa. Minsan may mga times na nagkakatinginan sila at pareho namumula pagkatapos. Halatang nagkakagustuhan na sila. Kaya’t ng magkalakas ng loob si EJ sa kalagitnaan ng kanilang harutan.
“Ang ganda mo pala talaga.”Pasimpleng banat ni EJ
“Binobola mo lang ako.”Sabi ni Natasha
“Hindi...totoo yung sinasabi ko.”Seryosong sabi ni EJ. "Para ka kasing prinsesa".Dugtong niya.
“Nakainom ka lang kaya kung ano anong sinasabi mo.”Namumula na sabi ni Natasha.
“Gusto mo patunayan ko sayo.”Sabi ni EJ
“Ha..paano?”Gulat na sabi ni Natasha. Tumayo si EJ. Nilapit ang mukha kay Natasha. At hinalikan niya sa labi si Natasha. Halatang nagulat sa ginawa ni EJ.Natulak niya si EJ pero mahina lang.
“Ay sorry.”Sabi ni EJ kahit siya nabigla kung paano niya nagawa yun pero nagustuhan niya yun at hindi niya yun pinagsisisihan.”Hindi ko sinasadya.”Dugtong niya.
Hindi umimik si Natasha bagkus tumalikod kay EJ. Namumula siya sa kahihiyan. Iniisip niya paano pag nakita siya ng mga kaibigan niya hindi niya alam ang sasabihin o gagawin pag nangyari yun.Gusto na rin kasi niya si EJ bukod kasi sa may sense of humor ay guwapo talaga si EJ. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya. Humarap siya kay EJ pagkatapos niya huminga ng malalim sapat na iyon para makalma niya yung sarili niya. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa nangyari first time kasi siyang mahalikan ng lalaki.
Hindi umimik si Natasha bagkus tumalikod kay EJ. Namumula siya sa kahihiyan. Iniisip niya paano pag nakita siya ng mga kaibigan niya hindi niya alam ang sasabihin o gagawin pag nangyari yun.Gusto na rin kasi niya si EJ bukod kasi sa may sense of humor ay guwapo talaga si EJ. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya. Humarap siya kay EJ pagkatapos niya huminga ng malalim sapat na iyon para makalma niya yung sarili niya. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa nangyari first time kasi siyang mahalikan ng lalaki.
“Naku ok lang yun..hindi mo naman kasi alam yung ginagawa mo.Lasing ka lang din.”Seryosong sabi ni Natasha pero nakatingin kay EJ.
“Nope..hindi ako lasing at alam ko ang aking ginagawa.”Seryosong sabi rin ni EJ habang nakatingin kay Natasha.
“Sige aalis na ako.Baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko.”Iwas na sabi ni Natasha. Tumayo at ng akmang aalis na pinigilan ng kamay ni EJ si Natasha.
“Bakit ayaw mong maniwala sa sinasabi ko. Gusto na kasi kita.”Parang nagmamakawa na sabi ni EJ.
“Masyadong mga bata pa tayo sa ganyang relasyon. And beside ngayon mo lang ako nakilala.”Sabi ni Natasha.Pilit na bumibitaw sa mahigpit ng pagkakapit ng kamay ni EJ
“Bakit hindi ka ba naniniwala sa love at first sight.”Seryosong sabi ni EJ
“Bitiwan mo ako”Galit na sabi ni Natasha. Tuluyan na nga nakawala si Natasha at umalis sa kinaroonan ni EJ.Natutula siya sa mga nangyari.Nakita siya ng mga kaibigan niya na tulala.Tinapik siya ni Melmar.Doon lang siya para nagkaroon ng ulirat.
“O andito na pala kayo”Sabi ni EJ gulat rin siya ng hindi niya napansin na nakapalibot na yung barkada niya sa likod.Puno ng pagtataka.
"At bakit ka tulala?"Sabi ni Melmar. Nakunot ang noo.
"Ah...eh..."Paputol putol na sabi ni EJ.
"I...O..U"Sabay sabay na sabi nilang lahat kay EJ. Nagtawanan silang lahat. Nakitawa na rin siya. Sa di kalayuan. Nakita niya si Natasha sa kabilang dulo. Napangiti siya dahil nakita niya ulit yung prinsesa niya pero ilang saglit lang napalitan ng inis at galit. Bigla siya napalagok ng marami ng di oras.
Itutuloy................
No comments:
Post a Comment