Wednesday, August 24, 2011

SA ISANG IGLAP© CHAPTER 6.2 (Prinsesa ko!)

Eto na po yung karugtong. Salamat po sa mga tumatangkilik.
*****************************************************************************************************
Di man niya maintidihan kung bakit naiinis at nagalit siya sa nakita niya. Bigla kasi may humila ng kamay ng prinsesa niya.

Sa isip isip ni EJ Kasasabi lang niya na bata pa sila para maging sila pero heto siya may ibang kasamang lalaki.Niloloko ba ako nito. Mukha ba akong manloloko. Pero sana naman sinabi niya na may boyfriend siya. Hindi ko man lang siya natanong tungkol dun.Ang tanga ko.

Sa Kabilang banda ng utak niya Baka naman hindi nga niya boyfriend yun. Kasi  nagpupumiglas siya dun sa humila.Walang boyfriend ang gagawa na magpahiya ng babae dito.Sana tama ako.Sana.

Napabuntong hininga na lang siya after niyang maisip yun. Umakbay na lang si Melmar kay EJ ng makitang malungkot ang kaibigan.

“Ok lang yan.”Sabi ni Melmar.Nakaakbay pa rin kay EJ

“Mukha tinamaan na ang kaibigan natin.”Kantiyaw na sabi ni Jay-R

“Pero ang ending mukha di type siya ng babae.”Kinantiyawan pa lalo ni Gino.

“Tumigil na nga kayo.”Saway ni Melmar.”Pero tsong ano bang nangyari........nakabase ka na ba?Hahaha”Banat ni Melmar. Akala ni EJ kakampihan siya ni Melmar. Lalo tuloy nagtawanan ang lahat. Kaya napayuko na lang siya sa ginawa ng barkada niya.

“Oi...tama na nga..baka umiyak pa ito si EJ.”Sabi ni Stephen. “Ano gugulpihin ko na ba sila,EJ?”Dugtong niya.

Bumuntong hininga siya ng malalim habang nakayuko at bigla tumahimik ang apat sa kakatawa ng marinig nila si EJ na huminga ng malalim. Naguilty sila pare pareho. May mga 1 minutong katahimikan ang bumalot sa magbabarkada.Naghihintay sa sasabihin ni EJ.

“Tama naman kayo. May nakilala akong magandang babae. Nahilo kasi kaya’t natumba at napayakap sa akin.”Mahaba at seryosong sabi ni EJ.

“Nabighani ako. Ang bilis nga eh.Hindi ko kasi matiis na hindi sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Gusto ko siya kaya’t nahalikan ko pero mukhang ayaw sa akin.”Esplika ni EJ.”Kaya’t ayun umalis.”Dugtong niya.Sabay hinga ng malalim.

“Parekoy..ok lang yan...ganyan talaga ang mga babae.Pakipot masyado.”Sabi ni Melmar.”Masasanay ka rin marami kasi niyan dito.”Dugtong niya.

“Tama yun.”Pag-sang ayon ni Jay-R. “Marami ka pang makikilalang mga katulad niya na babae.”Dugtong niya.

“Pero ang importante eh nasabi mo ang nararamdaman mo.”Sabi ni Stephen

“Binata na talaga si EJ.”Banat ni Gino.”Cheers tayo dyan”Dugtong niya.Sabay sabay kuha ng inumin.

“Sayang nga hindi ko nakuha number niya.Umalis kasi nagdatingan na kayong mga asungot.”Bumabanat na sabi ni EJ.

“Ok lang yan EJ,sa guwapo mong yan maraming magkakagusto sa iyo.”Kantiyaw na sabi ni Melmar.

"Pero EJ mamahagi ka naman ha...hahaha"Banat ni Gino.

“Oo nga ikaw yata ang pinakapopular sa buong barkada.”Banat naman ni Jay-R

“Matalino at Guwaping......san ka pa,” Banat naman ni Stephen.”Tulad din natin.Hahaha”Dugtong niya.

“Kaya binansagan tayong Meteor Boys sa school.”Sabi naman ni Melmar.Sabay tawanan ng buong barkada.

"Cheers,para sa mga guwapo"Bigla bumanat na naman si Gino.

"Cheers.."Sabi nilang lahat pero biglang huminto ng marinig nila yung sinabi ni Gino.Nakatingin silang lahat sa kanya. Masama yung tingin.  

"Tulad ko"Di pa pala tapos yung sinabi kanina. Ayon kotong ang abot ni Gino sa mga barkada.

Kaya ayun napalitan ng kantiyawan at halahakan ang drama nilang lahat kanina. Medyo naparami na yung inom nila kasi nakalimang order din sila ng 4 na red horse at 1 san miguel light. Nahihilo na rin si EJ dahil naparami na rin yung inom niya at saka hindi naman talaga siya umiinon. Nagyaya na rin siyang umuwi baka hanapin na siya sa bahay nila. At pag nadatnan siyang wala sa bahay ay baka mag-alala yung mga magulang niya at baka magpatawag ng pulis. Mahirap na baka hindi na siya ulit makasama sa barkada at magrounded siya buong taon niya sa high school.Kilala niya kasi ang mga magulang niya at ayaw na ayaw niyang magalit sila dahil gusto niya magpakitang gilas sa kanila dahil bukambibig nila lagi si Kuya Athan.Alam naman niyang matalino talaga ang Kuya Athan niya at maraming awards yun na nakukuha simula pa nung bata sila. In fact salutatorian yung Kuya niya samantalang siya wala man lang kamedal medalya. Pero laging asa top class siya. Kaya ayaw na ayaw niyang nasisira sa mga magulang niya. Napilitan silang lahat na umuwi na tutal ala-1 na ng madaling araw. Hindi na makakalimutan ni EJ yung bar na napuntahan nila dahil yun ang una’t huli pagkikita nila ni Natasha at hindi na nasundan pa. Maliban na lang sa kasalukayang sitwasyon niya dahil hindi niya aakalin na magkikita pa sila ni Natasha after nung insidenteng iyon at naging magkasintahan pa sila.

Tuluyan nga umalis sila sa bar papunta dun sa paradahan ng kotse ni Jay-R. Habang naglalakad sila ay may naaninag siyang pamilyar na mukha sa hindi kalayuan sa kanilang kinaroroonan kung saan nakaparada yung kotse ni Jay-R.Hindi niya muna ito pinansin. Kinuha niya muna ang ipod niya at nagpatutugtog.






Prinsesa - 6 Cycle Mind Mp3
Mp3-Codes.com

Hindi niya alam kung nananadya ba talaga ang tadhana at itong Prinsesa pa yung mapapakinggan niya. Naalala niya yung nangyari sa kanya kanina napailing na lang siya at ng bumaling siya sa dikalayuan. Katapat kasi nun ay isang gay bar. Hindi siya pwedeng magkamali dahil yun yung sasakyan ng Papa nila.Akala niya namalikmata lang siya kanina. Tama nga siya sa kanyang nakita.Pero may isang sakay pa na bumaba sa sasakyan ng Papa niya. At ng bumaba ay magkahawak kamay pa silang pumasok sa loob ng gay bar. Hindi siya pwedeng magkamali na ang nakita niya na sakay ng kotse nila ay......





“Si Kuya Athan yun”Sabi niya sa sarili.”Pero sino yung kasama niya at anong ginagawa nila sa gay bar at bakit magkaholding hands silang pumasok sa loob.”Mga tanong na bumabagabag sa isipan niya.

No comments:

ShareThis