Thursday, August 25, 2011

SA ISANG IGLAP© CHAPTER 7 (Tao lang ako!)

Ng makasakay na yung mga barkada niya sa sasakyan ni Jay-R. Tinawag siya na pumasok na para makaalis na sila.Pero nagdesisyon na siya na hindi na siya makakasama papauwi dahil may pupuntahan siya importante lang.Hindi pumayag yung barkada niya baka kasi mapahamak siya pero nagkunwari siyang tumatawag siya sa mga magulang niya para mapanatag lang silang lahat at umalis na.Duda man ay wala ng nagawa yung mga barakda niya at iniwan na siya ng tuluyan. Habang nag-iisa sa tapat ng gay bar ay nag-iisip naman siya kung ano ang gagawin niya pag talagang si Kuya Athan niya nga yung nakita niya na may kasamang lalaki at magkaholding hands pa.Simula palang duda na siya kung talagang yung Kuya Athan niya yun kasi impossibleng gumawa ng kalokohan iyon.Hindi siya mapakali at mapanatag.

Tiningnan niyang mabuti yung sasakyan na sinakyan ng dalawa. Hindi nga siya nagkamali. Sasakyan ng Papa niya ang gamit nila. Naghintay siya sa may gilid ng daanan kung saan malayo sa sasakyan nila. Ng umupo na siya,palinga linga siya sa harapan ng bar baka kasi makalingat siya at hindi na nya maabutan yung Kuya Athan niya at saka ang daming pumapasok na tao sa loob ng bar. Puro lalaki. May mga hitsura yung iba at may mga bakla din naman. May times na naantok na siya.Ang tagal na nyang naghihintay.Buti na lang may ipod siya.Pampagising at saka pamparelaks na rin dahil kabado na siya kasi madaling araw na. Siguro mahigit 1 oras na at hindi pa rin lumalabas sa bar yung hinahanap niya. Pero heto’t nakatayo pa rin siya dapat maaktuhan niya mismo ang Kuya Athan niya.Makalipas ang 30 minuto nakita niyang lumabas yung Kuya Athan at yung lalaking kasama niya at masaya silang lumabas at this time ay magkaakbay lang. Siguro uuwi na rin sila. Sinundan niya yung dalawa hangga’t makarating sa sasakyan yung dalawa. Palinga linga pa yung dalawa parang tsinecheck kung may makakakita sa kanila. Ng mapansing wala tao at sila lang ay nagyakapan at naghalikan sila. Gulat na gulat si EJ sa mga nakita niya.

“Kuya Athan...”Sigaw ni EJ. Bigla naman napatingin yung dalawa sa kinaroroonan ni EJ..

“E...E...J” Nauutal na sabi at nanlaki yung mata sa nakita. Hindi nila namalayan ang bilis ng pangyayari sinuntok ni EJ ang lalaking kahalikan ng Kuya niya at ng makitang bumagsak.Ang Kuya Athan niya naman ang sinapak niya at natumba rin.

“Erik..”Saway at pigil na sabi ni Athan. Tumayo kasi si Erik at susugurin din si EJ para gumanti. Pero mabilis si Athan at nahawakan nya sa kamay si Erik.

“Erik wag na please..pumasok ka na sa loob ako ng bahala.”Pagmamakaawa niya kay Eric at saka tumayo si Athan.Nagpagpag ng damit.

“Sigurado ka..baka kung mapaano ka..sino ba yan?”Concerned na sabi ni Eric.

“Kapatid ko Eric..sige na punta ka na sa loob ng sasakyan.”Pagtataboy ni Athan kay Eric. Tumingin muna ng masama si Eric kay EJ bago pumasok sa kotse.

Humarap si Athan kay EJ. Nagkatinginan sila. Matagal at sobrang tahimik walang nagsasalita. Hininga lang nila yung maririnig mo.Si Eric na nasa loob tumitingin sa labas nag-aalala kay Athan baka may masamang gawin yung kapatid nito. Maya’t maya huminga ng malalim si Athan at nagsalita.

“EJ..pasensya ka na sa kagaguhan ko.”Seyosong sabi ni Athan

“Kuya, nanaginip ba ako?”Tanong na sabi ni EJ.Matagal ang sagot ni Athan. Nangingilid na yung luha.

“EJ..totoo ito...Si Eric...boy...friend ko siya.”Gumagaralgal at nauutal na sabi ni Athan.Tuluyan ng umiyak sa harap ni EJ.

“Paano at bakit?”Gulat na tanong ni EJ.

“EJ...hindi ko pinangarap na maging ganito pero kusang dumating yung taong magpapaligaya sa akin.”Mahabang sabi ni Athan. Pinapahiran yung luha umaagos sa kanyang mukha.

“Matagal na kami,2 years na.mahal ko siya at ganun din siya mahal din niya ako.”Dugtong niya.

“Pero Kuya mali ito.”Sabi ni EJ

“Alam ko pero masaya ako,kami. Sa mata ng tao at diyos mali ang ganito. Pero hindi naman sinabi na mali ang magmahal.”Sabi ni Athan.”Nahihirapan din naman kami pero dito kami masaya kaya’t sana maiintindihan mo.”Dugtong niya.

“Kuya hindi ko alam..hindi ko kaya.akala ko iba ka..akala ko matino ka..akala ko..”Palakas na palakas na sabi ni EJ pero naputol ang sasabihin ni EJ ng bigla sumabat si Athan.

“Alam ko yan ang sasabihin mo..pero hindi ko hinihingi ngayon na intindhin mo ako..respituhin mo na lang ako sa desisyon ko..balang araw maiintidihan mo rin ako.”Lumapit si Athan sabay hawak sa magkabilang balikat ni EJ.

”Buong buhay ko wala ako ginawang ikakasama ng pamilya natin.Dumating itong taong kasama ko...na siyang bumago ng buhay ko.”Dugtong niya.

“Pinilit kong labanan yung nararamdaman ko.Pero hindi ko kaya.Mahirap pigilan dahil ako rin ang talo.”Tuloy tuloy na sabi niya.

"Hindi ako diyos, EJ.Tao lang ako.Lahat pwedeng magkamali. Pero wala akong pinagsisisihan."Si Athan parin.

“Kuya....kuya...”Paputol putol na sabi ni EJ. Saka tuluyan ng umiyak. Yumakap si Athan sa kanya para pakalmahin siya. 

“Tara uwi na tayo..ihahatid ko lang si Eric gabi na rin.May pasok ka pa.”Aya ni Athan at pumasok na sila sa sasakyan. Asa likod si EJ.Hindi tumitingin sa harap kundi sa bintana.Nag-iisip,nagtataka,nagugulat sa mga nangyayari. Bumalot ang katahimikan sa loob. Kaya naisipan niyang magpatugtog.

Hindi nila inaasahan yung mapapakinggan nila ay tutugma sa pangyayaring naganap lang kani kanina. Napangiti naman sila Athan at Eric habang nakatingin pa rin sa bintana si EJ na mukhang natatauhan na dahil sa kantang napapakinggan.Pinaandar na ni Athan yung sasakyan at tuluyang nilisan yung lugar para ihatid si Eric sa bahay nila. Walang imik silang lahat sa sasakyan.Mabilis naman silang nakarating sa bahay ni Eric. Bumaba si Athan para magpaalam kay Eric at humingi na rin ng dispensa sa nangyaring pagsuntok sa kanya ni EJ. Ng tuluyang pumasok si Eric sa kanilang bahay bumaba si EJ para lumipat ng upuan.Sa harap siya umupo. Tahimik pa rin sa loob ng sasakyan habang binabaybay yung daan papunta sa bahay nila. Walang gustong magsalita para bang nagpapakiramdaman.Ng makarating sa bahay unang bumaba si EJ pagkababa niya sumunod si Athan. Wala pang ilang hakbang bigla humarap si EJ kay Athan.





“Kuya..idol pa rin kita kahit na ano ka pa.”Sabi ni EJ. Tumakbo na siya papuntang kuwarto niya.Napasmile lang ang Kuya Athan niya.Simula ng malaman at mabuko ni EJ ang pagkatao ni Athan parang wala ring nagbago sa samahan nilang magkapatid. Mas lalo pa nga tumibay.

No comments:

ShareThis