
“Ate Jessica,long time no see.”Nakangiting sabi ni EJ.
“Sensya na..busy lang ako sa work.”Sabi ni Jessica.
“Ok lang yun at least nagkita na rin tayo ulit. You look beautiful in your dress.”Di nakatiis na sabi ni EJ.
Maganda kasi ang red dress ni Jessica na binagayan ng mahabang buhok niya at red lips at angelic face. Pang model talaga ang dating ng girlfriend ng Kuya Athan niya. Palibhasang Marketing manager ng isang fashion magazine ang work ni Jessica. Kaya naman mapapanganga kahit na sino lalaki at maraming maiingit na babae kasi supermodel ang dating ni Jessica. Kahit mga bading magiging lalaki pag nakita si Jessica ngayon.
“Salamat”Nahihiyang sabi ni Jessica pagkatapos ay umupo. Sabay punas ng labi pagkatapos kumain ng panghimagas.Napakahinhin talaga niya.
“Hey EJ..kung makatingin ka naman kay Ate Jessica mo parang lalamunin mo na siya”Nang-aasar na sabi ni Athan.
“Ha....eh...”Nauutal na sabi ni EJ.Namula siya bigla.Sobrang ganda kasi ni Jessica.
“O hindi ka na rin makapagsalita.Ha..ha..ha..ha”Asar ulit ni Athan.
“Kuya naman eh.”Nahihiyang sabi ni EJ. Sabay kamot ng ulo.
“Iha, sobra mo kasing ganda kaya lahat kami nakatitig sayo. Wala na siguro kami mahahanap pang iba para sa aming anak na si Athan. Swerte niya talaga sayo. Bukod sa matalino na maganda pa.”Puri ng Mama nila.
“Nakakahiya naman tita. Salamat sa papuri.”Nahihiyang sabi ni Jessica,
“Naku nahiya ka pa totoo naman and beside don’t call me tita. Mama na rin. Anak na rin naman ang turing namin sayo.”Sabi ng Mama nina Athan at EJ.
“Ok po Mama.”Namumula at nahihiyang sabi ni Jessica.
“Ok..so let’s celebrate.”Putol ng Papa nila. Sabay bukas ng champagne.At ibinigay sa waiter yung champagne para bigyan ng waiter sila isa isa.
“For our son,Athan as he was promoted as head director of Radiology Department in Makati Medical Center,cheers”Sabi ng Papa ni Athan at sabay sabay silang nagtaas at nagcheer ng kani kanilang wine glass.
After ng celebration nila ng promotion ni Athan nabigla silang lahat ng biglang tumayo si Athan. Pumunta sa Supervisor may binulong. At bumalik sa kinauupuan. Nagulat silang lahat ng may isa isang dumating na mga tutugtog sa table nila. Naglakad si Athan sa kinaroroonan ni Jessica at humarap at may dalang mikropono. Yun na pala ang hudyat ng pagtugtog ng banda. Kakanta pala si Athan. May boses din naman yung Kuya Athan niya. At mukhang plinanong mabuti ng Kuya Athan niya ang proposal kay Jessica.
I see the questions in your eyes
I know what's weighing on your mind
That you can be sure I know my heart
`Coz I'll stand beside you through the years
You'll only cry those happy tears
And though I make mistakes
I'll never break your heart
I swear by the moon and the stars in the sky
I'll be there
I swear like a shadow that's by your side
I'll be there
For better or worse, till death do us part
I'll love you with every beat of my heart
I swear
Walang imik ang lahat. Tulala at pinapakinggan yung kanta. Pati yung ibang guest nakatingin na rin sa table nila at nakikinig kay Athan. Si Jessica naman hindi mawala yung ngiti sa mukha. Gulat pero masayang may umaagos na luha sa mga mata tanda na sobrang ligaya niya sa mga sandaling ito dahil hindi niya aakalain na gagawin ni Athan ito sa kanya.
I'll give you everything I can
I'll build your dreams with these two hands
We'll hang some memories on the walls
You won't have to ask if I still care
`Coz as the time turns the page, my love won't age at all
I swear by the moon and the stars in the sky
I'll be there
I swear like the shadow that's by your side
I'll be there
For better or worse, till death do us part
I'll love you with every beat of my heart
I swear
I swear by the moon and stars in the sky
I'll be there
I swear like the shadow that's by your side
I'll be there
For better or worse, till death do us part
I'll love you with every beat of my heart
I swear, I swear
Nang matapos kumanta si Athan, pumalakpak ang lahat na nandun sa restaurant. Tuwang tuwa silang lahat.Tumayo si Jessica at lumapit si Athan niyakap at hinalikan ng napakatamis si Jessica. Matagal mga 5 minuto din nagtagal ang kanilang halikan. Maya’t maya bumitaw sa pagkakayakap kay Jessica si Athan. Lumuhod siya may kinuha sa bulsa ng pantalon. Isang kulay pulang lalagyan. Lalagyanan ng singsing. Kinuha niya ang kanay kamay ni Jessica sabay bigay ng pulang kahon. Binuksan niya ito at nakalagay nga ang isang napakagandang diamond ring.Nagulat si Jessica at sabay napahawak yung isang kamay sa bibig.
“Jessica....will you marry me?” Seryosong sabi ni Athan.
Tulala pa rin si Jessica. Pero nangigilid na yung luha niya. Hindi pa rin siya nagsasalita.
“Jessica....will you marry me?”Ulit na tanong ni Athan
Tahimik ang lahat. Si Jessica wala pa ring imik.Maya’t maya naririnig niya na ang mga tao sa paligid na nagbubulungan.
“Say yes.”sabi ng babae sa kaliwang table. Halatang kinikilig.
“Kaya mo yan iha”sabi naman ng babaeng may edad dun sa kanang table.Nakangiti.
Lahat nag-aabang sa isasagot ni Jessica.Huminga ng malalim si Jessica para kumalma.
“Athan..”Mahabang sabi ni Jessica.
Saglit na katahimikan ang bumalot ulit.Nag-aabang sa sasabihin ni Jessica. Huminga ito ulit ng malalim.
Isang eksena ang hindi inaasahan ni EJ na nagpagulantang sa lahat.
2 comments:
pano ko ba maifofollow tong blog na to? salamat
@mark_roxas45 pakiclick lang po yung bar sa baba ng "MGA TAGASUNOD" (sa kanan bahagi then iclick mo lng yung gagamitin mong account. Google, twitter o kaya yahoo. Mamili ka lang sa option na iyon. Then ok na yun. Sana nasagot ko po yung katanungan mo.
And salamat sa pagbisita dito sa blog ko.
Post a Comment