Saturday, September 3, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 12 (Paalam na!)

Bago po ang lahat andito na naman ang inyong lingkod para magpasalamat sa inyong lahat. Hindi ko po aakalain na dadami ang readers ko. Hindi po biro ang laging may tao dito sa blog ko. Minsan gusto ko ng sumuko kasi hindi ko talaga makuha yung kiliti ng aking mga mambabasa.

Ngayon po ako ay naluluha (tulo uhog na nga eh) dahil sa unting unti na talagang nakikilala ang blog ko.Hahaha..Joke lang po. Masayang masaya lang talaga ako ngayon. Sobrang unexpected lang ang mga nangyari this past days. 

Umabot po ako ng all time high na 1000+ hehehe. Hindi po biro ang strategy na ginawa ko para lang dumami kayo. Pero lubos po sana akong matutuwa kung may magkokomento sa inyo. Pangit man yan o maganda. Para po lalo akong ganahan para husayan ang aking nasimulang gawain.

Bago lang ako kaya hindi ko masasabing perpekto ang gawa ko. Marami din akong flaws. And i admit that. Kaya everyday is a learning process for me. Kung paano ko mahihikayat kayong mga mambabasa ko na palaging nandito sa blog ko. Hindi ko po ugaling manggamit ng ibang blog para lang ako ay sumikat.

Maasahan niyo po ang isang kadalisayaan ng blog na ito. Hindi po ginawa ang blog na ito para po ipahamak ang ibang tao. Ginawa ko ito para ipamulat sa inyo ano ang buhay isang tao sa likod ng pagpapanggap. 

Alam ko hindi na rin lingid sa inyo na isa rin ako sa mga taong nagpapanggap sa isang katauhan. I admit po na nahihirapan din ako sa ganitong sitwasyon.Pero masaya po ako na wala akong tinatapakang ibang tao. Masaya ako sa disposisyon ko sa buhay. Masaya po ako dahil marami akong pangarap sa buhay. Unti unti ko po yun tutuparin.

Sa ngayon hanggang dito na lamang po.Asahan niyo po na lalong magiging kapana panabik ang mga tagpo na susubaybayan niyo dito sa aking blog. Sa uulitin.Ako po ay lubos na nagagalak at wala po itong pagsidlan. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Eto na po ang kasunod.
*****************************************************************************************************
Dali dali siyang pumasok sa kuwarto ng Papa niya.Nanlaki ang mata niya at nagsimula na siyang manlumo. Ang kaninang humihinga ay nakatabing na ng puting tela. Isa ng malamig na bangkay ang Papa niya. Hindi siya makapaniwalang wala na ang Papa nila. Kailan lang ay nagtatalo pa sila. Buhay nga naman. Sa kahuli hulihang pagsasama nila ng Papa niya ay puro pasakit pa ang kanyang binigay. Napasuntok siya sa pintuan ng kuwarto ng Papa niya. Napatingin ang Kuya at Mama niya.

Ang Kuya Athan niya pagkakita na pagkakita sa kanya ay bigla na lang sumugod sa kanya at hinatak ang kuwelyo. At nagsalita.

“Ikaw?..ikaw ang pumatay kay Papa. Ano masaya ka na?”Nanlilisik na sabi ni Athan kay EJ.

“Ang lakas rin ng loob mong magpakita ulit dito. Bastardo kong kapatid.Simula ngayon kakalimutan ko ng may kapatid ako. Dahil kahit kailan kakamuhian na kita.Gago ka.Sinira mo ang pamilya natin.”Mahabang at pasigaw na sabi ni Athan kay EJ. At biglang na lang niya pinagsusuntok si EJ.

“ATHAN............STOP IT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”Ang Mama nila. Tumigil si Athan at parehong tumingin sa Mama nila.

“Wala na ang Papa niyo. Ngayon pa kayo mag aaway. Hindi na yan makakatulong pang mabuhay ang Papa niyo.Dios Mio.”Naiiyak na sabi ng Mama nila. Binitiwan ni Athan si EJ. Si EJ naman ay umurong na animo’y asong pinagalitan ng amo at ngayon ay nasa gilid na ng pader at ang dalawang kamay ay nakayakap sa mga tuhod nito.Nanginginig at takot na takot.

“Ma,yang anak niyo...siya ang lahat lahat ng nagdala ng kamalasan sa Pamilya natin.Siya rin ang pumatay kay Papa. Siya rin ang sumira ng buhay ko. Masisisi mo ba ako na ganito ang maging reaksiyon ko?”Panunumbat ni Athan sa Mama niya.

“How dare you said that to me?”Sabi ng Mama niya. Isang sampal ang inabot ni Athan sa Mama niya.

“I express my point here. Wala akong ginawang masama. Ako pa yung lalabas na masama sa inyo. Samantalang yung anak mo ang unang sumira ng buhay ko. Napahamak pa si Papa sa kagaguhan niya. Ma, hindi ako ang gumagawa ng kasiraan sa pamilyang ito. Siya...”Sabay turo kay EJ ni Athan. 

“EJ, anak you go home. Kami ng bahala ng Kuya mo sa bangkay ng Papa mo.”Sabi ng Mama ni Athan. Ayaw na niyang palakihin pa ang usapan at pinapaalis na rin niya si EJ para matapos na itong pag aaway ng magkapatid at baka mauwi ulit sa sakitan.

Tumayo si EJ. Hinang hina dahil sa sakit ng katawan dala ng pambubugbog ng Kuya Athan niya. Gusto man niyang manlaban alam niya tama ang Kuya niya kaya siya na ang nagpapakumbaba.

“Ma, sa huling pagkakataon gusto kong mayakap si Papa”Sabi na lang ni EJ.

“HINDI!!!!”Pagalit na sigaw ni Athan.

“Ok,EJ walang problema”Sabat ng Mama nila. Si Athan wala nagawa kasi nakatingin ang Mama niya ng masama sa kanya. Nagtitimpi na siya ng mga oras na iyon.

Dahan dahan siyang pumunta sa kinaroroonan ng Papa niya. Sa huling pagkakataon gusto na niyang makita ang mukha at mahalikan man lang ito. Binuksan niya ang nakabalot sa mukha ng Papa niya.

“Pa..pa..Ma..hal na mahal kita.Patawarin mo ako”Umiiyak na sabi ni EJ. Sabay ng isang halik sa Noo ng Papa niya.Sa kahit na sandali pagkakataon man lang masabi niya kung gaano niya kamahal ang Papa niya. Pagkatapos niyang magpaalam pinahid niya ang luha niya gamit ang braso niya Wala pang ilang segundo bigla siya kinuha ng Kuya niya at pabalibag na pinaalis ng kuwarto.

“Lumayas ka.Hindi ka namin kailangan dito”Galit na sabi ni Athan kay EJ.Natumba ito sa sahig. Inakay naman siya ni DM na nasaksikhan ang lahat lahat. Kanina pa kasi ito nanonood sa kanila.

“Athan...stop it.EJ please go home”Nagmamakaawang sabi ng Mama nila.

Tumayo na si EJ. Inaalalayan na siya ni DM. Umalis sila ng hospital. Dala dala ngayon ni EJ ang sakit ng mawalan ng ama.Ang sakit ng nararamdaman niya ng mga oras na yun. Halo halong emosyon. Buti na lang andyan si DM na umalalay sa kanya. Hindi man niya itanggi. Nagpapasalamat siya dito at talagang nagpapakita ng interes na tumulong sa kanya kahit walang kapalit. Hindi pa man sila lubos magkakilala dahil kahapon lang sila nagkakilala. Pero heto’t napakagaan na ng loob niya dito. Ibang saya ang dulot niya sa tuwing magkrukrus ang landas nila.

Samantala si DM ay hindi makapaniwala sa nasaksihan. Bagama’t naguguluhan kung bakit nag aaway silang magkapatid parang may kumurot sa puso ni DM at naawa sa oras na iyon kay EJ. Ngayon na kailangan niya ng masasandalan handa siyang maghandog ng konti oras para rito. Para sa bagong kaibigan. Ewan niya kung bakit magaan ang pakiramdam niya rito kay EJ. Samantalang kahapon lang sila nagkilala.

Si Athan naman habang binababa ang bangkay ng ama ay hindi maalis alis ang pagpupuyos ng galit kay EJ. Tinuring niya itong kaibigan,kasangga sa buhay.Kulang na lang pakasalan niya si EJ para na nga silang mag asawa dahil lahat lahat binigay niya rito. Hindi siya nangiming mamahagi kahit alam niyang hindi siya ang gusto ng pamilya.Pero heto siya hinahatian niya pa rin si EJ. Pero bakit niya ito nagawa sa kanya.

“Hatid na kita sa inyo EJ. Wag ka ng umangal.Kahit man lang dito ay mapagbayaran ko ang ginawa mong kabutihan sa akin ng binubugbog din ako gaya mo”Ngiting sabi ni DM.Ngumiting pilit rin si EJ.

Hinatid na nga ni DM si EJ.Habang binagbagtas nila ang kahabaan ng Edsa papuntang Paranaque kung saan nakatira si EJ. Si EJ nakatanaw lang sa may bintana.Malalim ang iniisip. Si DM ay maya’t mayang tinitingnan si EJ.

Iniisip ni EJ sa oras na iyon kung paano na siya babawi sa pamilya niya. Paano niya maibabalik ang tiwala ng Kuya Athan niya. Hindi makakaya ng konsyensya niya na hindi sila mag imikan ng Kuya niya. Ginawa niya lamang ang alam niyang makakabuti para sa kanya. Pero heto’t dito pa pala sila magkakasiraan ng Kuya niya. Hindi niya matanggap na ang kapatid niyang laging andyan sa kanya kung kelan kailangan niya ng karamay ay magiging isang mortal na kaaway niya. Hindi na niya mapigilang umiiyak.

Hindi naman nakaligtas ito sa paningin ni DM. Naawa siya ngayon sa kalagayan ng kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit siya ay masyadong apektado pag nakikita niyang malungkot si EJ. Gustuhin man niyang pasiyahin ito ay mukhang malabo pa sa mga panahon iyon. Dahil na rin sa pagkamatay ng Papa niya. Marahil kailangan niya muna ng espasyo. Magmuni muni para na rin sa ikakapanatag ng kanyang kalooban.Hinayaan na lang niya muna na mag isa si EJ na nakatulala at malalim ang iniisip.

Nakarating din sila sa bahay ni EJ hindi man masyadong matraffic dahil nga madaling araw pa lang. Ang daming nangyari sa isang araw sa buhay ni EJ. Nagkakilala sila ni DM,tapos heto ang pinakalamungkot ay ang pagkamatay ng Papa niya at pagkakaroon ng lamat sa pagitan ng Kuya Athan niya.

Agad naman na bumaba si EJ ng sasakyan ni DM. Sumunod naman si DM. Wala pang ilang hakbang sa gate hinarap na ni EJ si DM.

“Pre, pwede ka ng umuwi.Saka salamat sa paghatid. Naabala pa kita.”Seryosong sabi ni EJ.

“Wala yun. Binabalik ko lang yung nagawa mong kabutihan sa akin.”Nahihiyang sabi ni DM.

“Ok na rin naman ako. Sige magpapahinga na ako.”Wala karea reaksyong pagkakasabi ni EJ.

“Ah ganun ba sige. Sige mauuna na ako.”Malungkot na sabi ni DM.

Napansin naman ito ni EJ. Medyo kinurot ang puso niya sa nakitang reaksyon ng mukha ni DM. Kasalanan niya naman ito eh. Paano hindi mo mababakas sa kanya na masaya ito sa pagsama ni DM sa kanya hindi gaya ng kanina bago pa bawian ng buhay ang Papa niya ay masaya siya kahit alam niya na may pinagdadaanan ito.

Wala rin namang magawa si DM. Dahil hanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin ito sa pagkawala ng Papa niya.Hahayaan na lang niya muna si EJ na mapag isa. Akmang aalis na ito ng magsalita si EJ.





“Kung gusto mo dito ka na lang muna matulog tutal wala naman akong kasama at para di ka na rin mapagod.”Anyaya ni EJ. Isang ngiti ang bumungad kay EJ ng humarap si DM.

4 comments:

mark_roxas45 said...

love making na hehehehe
ibahay mo na siya Dm

Unknown said...

Active mong magkomento.Hehehehe.sana hindi ka po magsawa. Comment lang po ng comment!

dada said...

Nc flow of story....galing m din magsulat author....katatapoz ko lang bazahin ito from chapter 1-12 hehe...nabitin aq....(*_-)

Unknown said...

@dada..tnx po sa pagcomment.Abang abang lang po ng update.Salamat din sa pagbisita. Sana wag ka pong magsawang sumuporta dito sa kwento ko.Tnx ulit.

ShareThis