Sunday, September 4, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 13 (Alam na!)

Eto na naman ako. Magpapatalastas na naman ako. Hehehe..Asahan niyo na po ito bago ang post ko. 

Salamat sa mga nagkomento sa chapter 12 na naipost ko. Una muna si mark_roxas45.Siya kasi lagi ang nagkokomento. Hehehe..Sana lang wag kang magsawa na magkomento pangit man or maganda. Pinag iisipan ko kung maglalagay ako ng sex scene (oooppss...nadulas ako!!!).Hehehehe...basta abangan niyo na lang.

Pangalawa kay dada. May bago na naman akong reader na nagpakilala.Sana hindi ka po magsawang pumunta lagi dito at mag iwan ng komento. 

Sana dumami pa po ang magcomment. Mas lalo po kasi akong ginaganahan na dumarami na ang nagkokomento. Mas nagiging challenge sa akin kung papaano ko lalong papagandahin ang story ko. Hindi pa nga ito natatapos kasi hindi pa gumagana ang utak ko.Masyado pa akong preoccupied ngayon. Pero itatry kong maging updated lagi sa pagpost dito sa blog ko.

Salamat din kay Lui ng Rants,Stories,Etc dahil sa akin pa siya nagpatulong ng pag-embed ng music. Kahit baguhan lang ako.Hehehe.Thankful talaga ako dahil nakatulong ako kahit papaano. Hehehe.Kaya po kung may kailangan po kayo (wag lang po money) wag po kayong mahiya. Basta po kaya ko.Asahan niyo pong tutugon ako. 

Heto na po ang kasunod na chapter ng "SA ISANG IGLAP". Sana po magustuhan niyo.And still i appreciate comments,suggestions, and feedback. Thank you sa lahat lalo na sa mga avid readers and silent readers na rin dahil another milestone na naman ang pageview ko kahapon (1000+) na naman. Keep on reading my blog.Enjoy!
*****************************************************************************************************
Pinapasok ni EJ yung sasakyan ni DM sa garahe. At sabay silang pumasok sa bahay. 2 palapag ang bahay nila EJ.Bukod tanging ang lupang kinatatayuan ng bahay nila ang may malaking espasyo sa subdivision nila. May garden sa harap. Sa gilid naman yung garahe at sa likod ng bahay nila ay may swimming pool. Pagpasok na pagpasok mo palang makikita mo na ang magarang chandelier at sa kaliwa nito ay hagdan na kahoy na may pulang carpet paakyat sa 2 palapag. Umakyat na sila EJ at DM sa 2 palapag para makapagpahinga. 

4 ang kwarto sa 2 palapag. Sa Pinakadulo ng kaliwa ay ang Master Bedroom. Hindi kalayuan sa kuwarto ng Mama at Papa nila ay magkatapat ang kuwarto nilang magkapatid. Kung nakaharap ka sa Master Bedroom ay nasa kaliwa ang kay EJ at sa kanan ay kay Athan. At dun naman sa kanang dulo ng 2 palapag ay Guest room.

Since malaki ang kuwarto ni EJ dun na lang niya pinatulog sa kama niya si DM. Pinaupo niya muna si DM sa sofa na nasa paanan lang ng higaan niya para magpahinga sandali. Si EJ ay pumasok naman ng banyo para maligo at makapagpalit ng damit. Ng matapos si EJ sinabihan niyang gamitin muna ni DM yung damit niya at saka na lang niya ibalik pag nagkita ulit sila.Ganun na nga ang ginawa ni DM. Nagsabi na rin si EJ na mauuna na siyang matulog.Tumango na lang si DM at pagkatapos ay pumasok ng banyo para magpalit ng damit at maligo na rin.

Ng lumabas si DM sa banyo nakita nitong natutulog na si EJ. Lumapit siya malapit sa kama katapat ng katawan ni EJ. Tiningnan niya ng malapitan si EJ.

“Kawawa ka naman.Napagod ka masyado sa araw na ito.”Mahinang sabi ni DM kay EJ.

Pinagmamasdan niya lang si EJ ng mga panahon na yun.Hindi niya malaman kung bakit hindi siya dalawin ng antok. Marahil ay naliligayahan siya na makita ang mukha ni EJ. Pero bakit? Kakakilala lang nila. Hindi niya mawari at dahan dahan niya nilapit ang mukha niya sa mukha ni EJ para pagmasdan mabuti ito.Alam niyang tulog na ito kasi naghihilik na pero mahina.

“Ang amo ng mukha niya.Hindi ko maintindihan kung bakit ang gaan gaan ng loob ko saiyo”Nakatinging sabi ni DM sa isip niya patungkol kay EJ.

Dahan dahan niya nilapit ang kanyang labi sa labi ni EJ. Hanggang sa ito ay dumampi. Naglapat na ang kanilang mga labi. Hindi niya mawari kung bakit niya nagawa iyon. Pero nagustuhan niya ito. Nagtagal ito ng ilang minuto bago niya ito tinanggal. Wala rin namang reaksyon si EJ.Alam niya kasing tulog ito.

Tumayo siya ng tuwid at pumunta sa kabilang dulo ng kama para matulog na rin.Tumagilid siya ng higa paharap kay EJ.Pinagmasdan na naman niya ito habang natutulog. Hindi niya malaman kung bakit nawiwili siya rito sa katitingin. Pero isa lang ang nasisiguro niya. May iba na siyang nararamdaman dito. Pero hindi niya mawari kung ano yun. Pero bakit ngayon lang niya ito naramdaman at sa isang lalaki pa. Umiiling na lang siya ng maiisip niya iyon.

“Ummmppphhh”Ungol ni EJ. Malamig sa kuwarto ni EJ. Pinaandar kasi ni EJ ang aircon bago siya matulog.

Narining naman ni DM ang ungol ni EJ at napatingin siya ulit dito. Kinuha niya ang kumot at inaayos ng mabuti hanggang leeg ni EJ. Kasabay nito ay hinalikan muli ni DM sa noo si EJ. Ewan niya ulit kung bakit naman niya nagawa ito. Nawiwili na siya. Nagugustuhan niya na ito.

Hindi pa rin dalawin ng antok si DM. Pinagmasdan niya ulit si EJ. Baka sakaling makatulog siya kung gawin niya iyon. Pero imbes na dalawin ng antok. May kung anong bagay na naman siyang naiisip.

Dahan dahan niyang pinatanong ang kamay niya sa mukha ni EJ. Una sa noo pababa ng pababa hanggang sa leeg.Hinahaplos na niya ang napakaamong mukha ni EJ. Napaungol naman si EJ. Kaya’t tinanggal niya ang kamay niya. Kinabahan siya dun. Akala niya magigising si EJ kaya’t nagkunwari siyang natutulog.

Maya’t maya dinilat niya na ang mata niya ng maramdamang hindi naman ito nag iba ng posisyon.Pinagpatuloy lang nito ang pagmasdan ang maamong mukha ni EJ. Tumagilid siya ulit at nakapatong ang kanang kamay nito sa ulo.Sarap na sarap siyang pagmasdan ang mukha ni EJ.

Inulit na naman niya ang paghaplos sa mukha ni EJ gamit ang kaliwang kamay niya. Sobrang kaba niya ng ginagawa niya ito ulit. Pero nagugustuhan niya ito. Maya’t maya ay pinaharap niya ang mukha ni EJ. At nilapit ang mukha nito sa kanya.

Lalo siyang kinakabahan habang lumalapit ang mukha niya dito pero may naguudyok sa kanya na wag siyang manghinayang at gawin lang kung ano ang nagpapasaya sa kanya.

Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya hanggang maramdaman niya ang ilong niya ay lumapit na sa ilong nito.Pinihit niya ang ilong niya sa kaliwa at kananng bahagi ng ilong ni EJ. Matagal at mabagal para maramdaman niya ang balat ng ilong ni EJ.

Ng magsawa sa ilong, ang labi naman ni EJ ang pinuntirya ni DM. Nilapit niya ng dahan dahan ang kanyang labi sa labi ni EJ. Una,dinampi dampi niya muna ito. Maya maya ay pinasok niya ang ibabang bahagi labi ni EJ sa labi niya.Sumunod ang itaas. Hanggang ibuka niya na ang bibig ni EJ. Sinimulan niyang ipasok ang dila niya sa loob ng labi ni EJ.Napapikit siya dala ng kakaibang sarap na nararamdaman niya sa pakikipaghalik kay EJ.

 Pagdilat niya nakita niyang nakatingin na sa kanya si EJ. Nanlaki ang mata nilang pareho.

Biglang inalis ni DM ang labi niya sa labi ni EJ.Biglang napaupo si EJ.

“Anong ginagawa mo?”Seryosong sabi ni EJ.Sabay tingin kay DM.

“Ha..eh..”Nauutal at nahihiyang sabi ni DM. Napayuko na lang siya.

Bumalot ang katahimikan sa loob ng kuwarto.

“Pasensya ka na..hindi ko sinasadya.”Sabi ni DM at tumalikod ito ng higa kay EJ. Nahihiya sa inasal niya.

“Ok lang.”Ang nasabi ni EJ. Humiga na rin ito. Patalikod din.

Pareho na silang hindi makatulog. Nagpapakiramdaman. Naiisip ni EJ na hindi pala panaginip na may kahalikan siya dahil talagang may kahalikan siya. Yun nga lang isang lalaki. Hindi niya alam kung matutuwa siya o magagalit. Pero sa isang banda ay natutuwa siya.Iba kasi ang halik na iyon sa mga nahalikan niyang babae.

Sa kabilang banda naman ng higaan. Si DM ay naiinis sa sarili dahil hindi niya malaman kung paano niya haharapin si EJ dala ng nangyari kanina. Ewan niya sa sarili kung bakit niya nagawa iyon. Pero sa kabila nun ay nasisiyahan siya at hindi niya lubos mawari kung bakit ganito ang nararamdaman niya.

Nagpapakiramdaman na lang sila. Wala ni isa man sa kanila ang gusto makipag usap sa isa’t isa. Hinayaan na lang nila ito hanggang sa makatulog na silang pareho.

Naunang nagising si DM. Alas 8 na ng umaga at nakitang tulog na tulog si EJ. Nagpunta muna ito ng banyo para magmumog at kumuha ng isang pirasong papel para magsulat at magpaalam.Tinungo nito ang side table na katabi ni EJ at inilapag ang sulat na ginawa. Inaayos niya muli ang higa ni EJ at kinumutan saka hinalikan uli sa noo. Bago siya tuluyang umalis ng bahay nila EJ.

Ng makarinig ng ingay ng sasakyan saka lamang nagising si EJ. Hindi na niya nakita sa higaan si DM. Tiningnan niya mula sa bintana kung si DM nga yung umalis. Hindi nga siya nagkamali. Pero nagpapasalamat siya dito dahil kahit papaano ay hinatid siya nito at sinamahan sa pagdadalamhati nito. Nakita niya ang isang pirasong papel sa side table ng kama niya. Nagpatugtog muna siya bago niya itong basahin.


“Salamat ng marami sa pagpapatuloy sa bahay niyo. Pasensya na rin sa nangyari kanina. Ewan ko kung bakit ko nagawa iyon. Siguro dala na rin ng pagiging magaan ng loob ko sa iyo kaya ko nagawa yon.May gusto sana akong sabihin eh?..Ah sige sa susunod na lang pala.Muli ay humihingi ako ng pasensya at salamat ulit. 

Ang liham ni DM kay EJ. Napangiti naman siya dun.Dahil kahit siya man hindi niya magawang magalit kay DM sa ginawa nitong paghalik. Bagkus nagustuhan niya rin. Hindi niya mawari kung bakit. Alam niyang mali dahil nga ganito rin marahil ang ginagawa ng Kuya niya kaya niya nagawa sa kapatid ang hindi dapat na mangyari subalit nangyari na nga.

Binalot na naman siya ng kalungkutan at takot. Dahil wala na siyang kakampi sa bahay na ito. Paano niya sisimulan muli ang buhay niya. Na siya mismo ang sumira. Hindi niya alam ang gagawin niya ng mga oras na iyon. Hindi niya napansin na may karugtong pala yung sulat ni DM.Ng mabaling ulit sa sulat ang tingin niya dun lang niya nakita sa likod ng papel ang nakasulat.


"Condolence pala. Pupunta ulit ako para sa lamay.”


Mas lalo siyang nakadama ng kaba,takot at kalungkutan ng may dumating.

6 comments:

dada said...

Nc may update agad hehe....kahit may lamay scene kinilig p rin aq nyahahahaha....about dun s sex scene n sinasabi m author ok lang kahit wala ahahaha if ever man n lagyan m wak naman yung masyadong growse (TAMA B SPELLING KOH?????!! LOL) kasi hnd naman sila all out n gay db? Nw p lang nila nararamdaman ang pagiging iba nila hehe....Gudlak!...(*_-)e kinilig p rin aq nyahahahaha....about dun s sex scene n sinasabi m author ok lang kahit wala ahahaha if ever man n lagyan m wak naman yung masyadong growse (TAMA B SPELLING KOH?????!! LOL) kasi hnd naman sila all out n gay db? Nw p lang nila nararamdaman ang pagiging iba nila hehe....Gudlak!...(*_-)

mark_roxas45 said...

ayos sayang di natuloy sa tot tot tot tot

Anonymous said...

Go DM and EJ!

At least meron nang kasama si EJ na handa siyang samahan at base sa mga sinabi sa story ay maaaring magmahal din dahil sa kanyang nararamdaman tungo kay EJ. Ayyyieee... hahaha!

Ang Kuya Athan naman ni EJ, sana ay magkabutihan na sila dahil sa taon ng pagsasama nila ni EJ, pwedeng puro galit na lamang ang nakay Athan.

Mr. Salamat sa mabilis na pag-update. Oh ayan! Isang reader na ngayon lang nag-komento pero bumabasa na ng stories mo at sinusubaybayan ito dati pa. hehehe.

- Jay! :)

Unknown said...

Wow naman.3 na ang nagkomento. Hehehe..

@dada,GROSE/GROSS (sinearch ko via google)yan daw spelling.hehehe.Regarding Sex scene bahala na.Hahaha.Salamat at bumalik ka.

@mark_roxas45,hi ulit at salamat. Kaw talaga gusto mo toot toot na. hehehe.

@Anonymous (September 05, 2011 5:12 AM) Hehehe..Salamat. At least another reader na naman ang nagcomment. Tingnan na lang po natin ang progress nila DM and EJ. Abang abang lang.

Salamat talaga at dumarami na kayo. Wag po sana kayong magsawang bumalik dito at magcomment. Salamat ulit.

wizlovezchiz said...

well said story ... am so happy for you! :)

Unknown said...

@Kuya Jeff..nabisita ka sa blog ko. Salamat ng marami. Siya nga pala mga readers. Isa po yan sa mga inspirasyon ko sa paggawa ng blog ko. Subaybayan niyo rin po ang mga story niya sa http://jeffyskindofstory.blogspot.com/ marami pa po dyan na kwento.

ShareThis