Tuesday, September 6, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 14 (Panaginip lang ito!)

Isang mahabang patalastas muna para sa aking mga masugid na tagasubaybay ng aking blog (Haba!LOL).

Ako ay muli ay nagpapasalamat sa walang humpay niyong pagbisita at pagkomento sa aking mga akda. Ako ay lalong ginaganahan. Pagpasensyahan niyo na kung masyado tayong madrama. Lubos lang po ang kagalakan ko sa mga nababasa kong komento galing sa inyo. 

Isa isahin ko na ang mga taong madalas ay nagkokomento sa aking mga akda. Ang babanggitin ko pa ay mga nagsipagkomento sa huling kong pinaskil.Una si dada buti naman at kinilig ka sa scene na iyon. Hirap na hirap akong isakatuparan yan dahil wala akong inspirasyon.hahahaha..Pero sana wag ka pong magsawang bumisita at magkomento.

Pangalawa si mark_roxas45 siya ang may pinakamaraming komento dito sa blog ko.Hayaan mo baka magawan ko na ng paraan ang pinakahinihintay mong "toot" nila DM at EJ.

Merong pang isa, si Anonymous (9/5/11) hehehe..salamat. Sana  dalasan mo po ang pagbisita. Wag po sana kayong magsawa.

At siyempre pinakahuli si Kuya Jeffrey Paloma ng A Different Kind of Story isa lang naman yan sa mga author na naging inspirasyon ko sa paggawa ng istorya dito sa blog ko. Magaganda ang mga gawa niya. Kaya kung may time kayo pwede kayong bumisita at basahin ang akda niya. Pero sana po balik kayo agad dito.Nakakalungkot naman pong wala ng bumasa sa akda ko pag nabasa niyo na yung mga gawa niya.Hahahahaha.Joke lang po. Salamat Kuya sa pagdalaw.
 
At salamat kasi hindi na po ako bumababa ng 500+ na pageview.Hehehe..Milestone nga ito para sa akin. Asahan niyo pong magiging kapana panabik ang bawat tagpo dito sa "SA ISANG IGLAP".

At simula ngayon,3 beses sa isang linggo na po ako magpapaskil ng aking akda.Para po magkaroon akong ng oras para mas maging maganda ang bawat tagpo dito sa aking akda. Martes,Biyernes at Linggo ang mga araw ng pagpapaskil.

Salamat sa pang unawa at heto na po ang kasunod. Enjoy!
*****************************************************************************************************
Akala niya panaginip lang ang lahat ng nangyari. Pero heto’t dumating na ang kabaong ng Papa niya. Kasabay nito ang Mama at Kuya Athan niya. Bakas ang lungkot. Lalo na ng Kuya Athan niya dahil alam niyang mas malapit ito kay Papa kaysa sa Mama nila. 

Umalis na siya ng kuwarto niya at bumaba na para harapin ang Kuya at Mama niya. Subalit ng akmang baba na si EJ nakita ito ng Kuya niya.Isang matulis na tingin.Galit ang nakita niya sa Kuya niya.Pinigilan ng Mama ni EJ si Athan at pinapunta ito sa likod ng bahay. Dun lamang bumaba si EJ.

Pinagsabihan silang dalawa ng magkahiwalay ng Mama nila na kahit man lang hanggang sa mailibing ito ay tumigil muna sila ng pag aaway. Hindi kasi ito maganda at mas lalo daw na hindi ito magugustuhan ng ama nila. Sumang-ayon naman si EJ pero si Athan ay hindi niya maipapangako pero gagawin niya ang magtimpi alang alang sa amang yumao.

Lumipas ang ilang araw. Hindi na muling nagkasundo ang magkapatid. Sa mga araw na lumipas. Puro isnaban ang nagaganap sa magkapatid. Nahihirapan na si EJ. Hindi na nga madalas silang nagkikita noon sa bahay dala ng laging busy sa trabaho si Kuya lalo na ngayon nagkaroon ng lamat pa yung samahan nila. Sinisisi niya ang sarili kung bakit nanaig sa kanya ang mandiri sa relasyon nila ni Eric. Kung hinayaan na lang sana niya. Pero hindi siya nagsisisi dahil alam niyang para yun sa kapakanan ng Kuya niya kaya niya nagawa iyon. 

Hindi niya namalayan na nawawalan na rin pala siya ng oras para sa kasintahan niya at pati sa mga kaibigan niya. Dalawang araw bago nila malaman ang masamang balita. Kung hindi pa tumawag si Natasha sa bahay nila ay hindi pa niya malalaman ang nangyari sa buhay ni EJ. 

Si Natasha ay nabigla sa mga pangyayari. Kinabahan kasi siya kay EJ dahil hindi man lang ito nag abalang kamustahin siya bago matulog.Kaya nung gabi na yun ay tinatawagan niya si EJ pero hindi niya ito makontak.Wala ring sumasagot sa bahay nila dahil ng mga oras na iyon ay umalis si Manang Flor (ang matandang naninilbihan sa Pamilyang Millares) para makapasmayal bilang pagdiriwang na rin ng pagkapromote ni Athan.Sobrang bait kasi ni Athan sa matanda dahil si Manang ang nag-aruga sa kanilang magkapatid habang subsob sa trabaho ang mga magulang nila.Kababalik lang nung isang araw ni Manang at kahit ito man ay nabigla sa mabilis na pagyao ng kanyang amo.

Hindi alam ng lahat na may masamang mangyayari nung araw na iyon. Nakaramdam si Natasha ng awa para kay EJ pero nanaig ang inis at galit ng malamang 2 araw pa, bago pa niya malaman at hindi pa mismo galing sa kanya kundi kay Manang ni EJ.Tinext niya rin sina JM at AJ baka hindi rin nasabihan. 

Hindi niya aakalain na parang balewala lang ang pinagsamahan nila. Dali dali siyang umalis ng bahay para puntahan si EJ. Mabilis naman siyang nakarating sa bahay nila EJ. Nakita niyang ang dami ng tao. Nagpahayag siya ng pakikipagdalamhati sa pamilya ni EJ. Hinanap niya si EJ pero wala ito. 

Nagtanong siya kung nasaan na si EJ. Sinabi ng Mama ni EJ na baka nasa kuwarto at kung pwedeng kausapin na rin kasi ilang araw na rin itong matamlay.

*TOK*TOK*TOK*

“Hon?”Nagulat na sabi ni EJ pagbukas niya ng Pinto. Hindi niya pala napaalam ang nangyari sa Papa niya.

“Oo,ako nga..ba’t hindi mo man lang ako sinabihan o kahit sina JM or AJ ng masamang balita?”Medyo pagalit na sabi ni Natasha.

“I’m sorry, pre occupied lang ako sa mga nangyari. This is unexpected. Hon”Malungkot na sabi ni EJ.

“So kung may problema ka..gusto mong ikaw na lang.Paano naman kaming nagmamahal sayo,hindi mo ba nararamdaman yung pakiramdam namin”Naninising sumbat ni Natasha.

“Hon, hindi naman sa ganun. Hindi lang talaga ako handa pang ilahad ang nangyari sa kahit kanino. Hirap pa rin ako sa sitwasyon  ko. Dahil biglaan ang lahat.”Naiiyak na sabi ni EJ. 

“EJ, hindi ko alam kung talagang pride mo yang lagi mo pinapakita sa amin eh. May problema ka na pala. Ayaw mo pang sabihin.”Putak ni Natasha. Hindi niya mapigilan dala na rin ng inis at galit dahil huli siya sa mga nakabalita ng pangyayari sa buhay ng kasintahan niya.

“Fuck...”Sigaw ni EJ. Nagpintig na kasi ang tenga niya ng marining yung pride.”Pride..pati ba naman ikaw Natasha,sisisihin ako sa mga nangyari.Akala ko kakampi kita. Umalis ka na. Hindi ko kailangan ang taong hindi makaintindi ng nararamdaman ko. Pare pareho lang kayo.”Sigaw ni EJ. Hinatak palayo si Natasha sa pintuan. At binalibag ang pinto pasara.

Natulala si Natasha sa nangyari. Hindi niya lubos akalain na sisigawan siya ni EJ.At papalayasin. Naiintindihan naman niya ito pero kinagulat niya ang pabalang na sagot sa kanya. May mali ba sa sinabi niya.Oo,ang sinagot niya.Pero nadala lang siya ng bugso ng kanyang damdamin Bigla na lang siyang umiyak at bumaba.

Habang si EJ ay napaupo sa likod ng pintuan. Yakap yakap ang sarili at umiiyak. Wala na talaga siyang kakampi sa mga oras na iyon. Pati ang kasintahan niya sinisisi pa siya. Para siyang pinagsakluban ng langit. Ano bang mali sa kanya? Wala naman siyang alam na inagrabyado niya ng sobra maliban lang kay Eric.Pero sobra sobra namang paniningil ang ginawa sa kanya.

Habang pababa si Natasha ay nakasalubong niya sina AJ at JM. Niyakap ni Natasha si AJ habang umiiyak. Nilahad niya ang nangyari kanina sa pagitan nila ni EJ. Si JM na ang pumunta sa taas para kausapin si EJ.

*TOK*TOK*TOK

“Di ba sinabi kong umalis ka na. Hindi ko kailangan ng taong wala pang unawa sa akin”Galit na sabi ni EJ.Sabay bukas ng pinto. Nagulat siya dahil si JM na bestfriend niya pala ang kumakatok.

“Bro, easy lang”Sabi ni JM sabay taas ng dalawang kamay.Naawa siya sa kalagayan ni EJ. 

Umuupo sila sa kama.Niyakap niya si EJ. Hinagod nito ang likod para kumalma. Humarap si EJ kay JM.

“Pre, wala na siya. Kasalanan ko ang lahat.”Umiiyak na sabi ni EJ.

“Shhh..tahan na..walang may kagustuhan ng nangyari.”Pagpapakalma ni JM kay EJ.

“Hindi mo alam Bro ang tunay na kwento..ako ang may kasalanan”Pangungumbinsi ni EJ kay JM.

“Hindi kita maintindihan?”Nakakunoot noong sabi ni JM.Tinignan lang siya ni EJ.May naalala bigla si JM.

“Bro wag mong sabihin?...” Hindi na natuloy na sabi ni JM dahil tumango na lang si EJ.

“Shit..so ibig mong sabihin tinuloy mo pala yung balak mo noon?”Gulat na gulat na sabi ni JM.Tumango ulit si EJ.Hinawakan niya ng dalawang kamay niya ang magkabilang balikat ni EJ.

“Pero di ba sinabi ko na sa iyo na walang kapupulutan yan.Bat ginawa mo parin?”Medyo napataas na ang boses ni JM. Kasabay ng pagyugyog niya sa balikat ni EJ.

“Hindi ko alam na may masamang epekto yun sa pamilya ko. Hindi ko alam na pati si Papa madadamay.”Naiiyak na sabi ni EJ. Tumayo si JM.

“Bro, hindi ko alam kung maaawa ako sa iyo or magagalit? Hindi ko aakalain na magagawa mo iyon”Sabi ni JM.

“Hindi ko talaga sinasadya..hindi ko sinasadya”Pauulit ulit na sabi ni EJ.Habang umiiyak. 

“Nandyan na eh...nagawa mo na..huli na eh..ngayon ka pa magsisisi.”Panunumbat ni JM kay EJ.

“Bro tulungan mo ako.Hindi ko na kaya..Mababaliw na ako.”Nagmamakaawang sabi ni EJ.

“Pare...hindi ko kukunsintihin ang bagay na nagawa mo.Ano bang gusto mong patunayan ha?”Galit na sabi ni JM kay EJ.

Hindi na nakaimik si EJ. Umiyak na lang siya. Hinawakan niya ang kanyang ulo gamit ang dalawang kamay. Na animo’y nasisiraan na ng bait.Nakatingin pa rin si JM kay EJ.Naawa man siya sa kalagayan ng kanyang matalik na kaibigan kahit siya ay nalinlang nito. Ilang beses na niyang sinabi dito na wag ng ituloy ang plano niyang paghiwalayin sina Eric at Athan dahil baka kung ano pang mangyari. Pero naging pursigido siya. Pati Papa niya nadamay. 

“Sa tingin ko Bro,kelangan ko munang umalis. Tutal hindi ka rin naman nakikinig sa mga payo ko. Ikaw ang maglinis ng kalat na iniwan mo. Sinasayang mo lang yung pagtitiwalang binigay ko sa iyo. Siguro pinairal mo yang pride mo. Siguro may kelangan kang patunayan kaya nagawa mo yan.Pasensya na Bro.Hindi kita tutulungan.”Panunumbat niya kay EJ.Sabay alis ng kuwarto ni EJ. 

Tumingin lang si EJ kay JM.Hindi na niya hinabol. Nakita rin niya si AJ na nasa pintuan masama ang tingin.Bigla rin itong umalis. Sa oras na iyon. Wala na siyang ibang kakampi pa kundi sarili niya.

2 comments:

dada said...

Hmmm hirap naman ng sitwasyon ni ej......naiintindihan ko yung gusto niya mangyari para s kuya niya pero may mali p rin siya....sana magkabati p rin sila ng kuya niya.....good job author...(*_-)ko yung gusto niya mangyari para s kuya niya pero may mali p rin siya....sana magkabati p rin sila ng kuya niya.....good job author...(*_-)

Unknown said...

Salamat dada...wag kang mag alala lalo kang mag iisip kung magbabati pa ba sila.Hahahaha...Abangan..

ShareThis