Sunday, September 11, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 15.2 (Simula Namin)

Nagbabalik na naman po ang inyong lingkod. Salamat sa inyong wala sawang pagbabasa at pagpunta dito sa blog ko. Ako po ay natutuwa at kinagagalak ko po iyon.

Salamat nga pala kay dada na walang humpay pa ring nagkokomento sa aking akda.Sana lang wag ka pong magsawa.

Gaya po ng nasabi ko noon 3 beses na lamang po ako magpapaskil ng aking akda. Sana ay manatili pa rin kayong sumusubaybay sa aking akda. Heto na po ang kasunod. Enjoy. *****************************************************************************************************
Uminom ulit si EJ ng bote ng alak na kanina niya tinutungga. Dama niya ang pait ng nakaraan nila ni Debbie na sinamahan pa ng pait ng iniinom niya. Masakit,kahit matagal na. Sana balang araw magkita sila at magkapatawaran.

Binalik niya ang litarato nila ni Debbie. Nakita niya ngayon ang mga alalaala ng kanyang mga kaibigan. Kinuha niya ito. Sabay ng pagtungga ng bote ng alak.

Ang saya saya niya ng makilala niya sila JM,AJ at Natasha. Napangiti man siya ng pilit pero saglit lang ito.Nagsalita siya.

"Kung maibabalik ko lang...."Ang hindi natapos na sabi ni EJ.Sabay ng pagtulo ng kanyang luha. At ang pagbabalik niya sa nakaraan.

*Flashback*

Naging magaan yung pakiramdam ni EJ kahit na alam niyang hindi pa siya napapatawad ni Debbie ang unang kasintahan niya. Lumipat na siya sa Maynila ng campus para ipagpatuloy yung pag-aaral ng Nursing. Unang araw niya sa klase sa isang University sa Maynila.

Hinahatid siya ng Papa at Mama niya. Pinagbilinan na naman siya tulad dati nung nasa probinsiya siya nag-aaral.Pumasok na siya sa unang klase niya. Since wala pa siyang kakilala dun. Umupo siya sa may unahan malapit sa pintuan. Nang may isang lalaking pumasok sa klase nila at nagtanong sa kanya.

“May nakaupo ba dyan?”Sabi nung lalaking pumasok at sabay turo sa kabilang upuan ni EJ.

“Meron”Malakas na sabi niya.Pero alibi niya lang yun kahit wala naman siya kakilala.Sabay tingin sa baba.

“Ah ok”Sabi na lang nung lalaking nakausap niya.Napakamot na lang sa ulo yung lalaki.Napahiya kasi siya.

Napatingin din kasi yung mga kaklase niya sa ginawa ni EJ na pagpapahiya sa lalaking nagtanong sa kanya.Biglang dumating ang professor nila sa unang klase nya. Siyempre since unang klase at unang araw ng kanila pagpasok sa University.Orientation lang ang kanilang ginawa. Isa isa silang nagpakilala sa lahat.Magmula pintuan hanggang dulo ang pagsisimula.Tumayo si EJ since siya ang nakaupo sa unahan at malapit sa pintuan at nagpakilala:

“Hi, Im Enrique James Millares short for EJ,16,Nakatira sa Paranaque, Sabi nila gwapo daw ako. Pero sa akin ordinaryo lang akong tao. Mataas ang expectation sa akin ng mga magulang ko kaya siguro hindi ko masyadong iniintindi yung ibang sinasabi. By the way, transferee ako sa isang University sa Pampanga.Kahihirang lang sa akin bilang Mr. University last semester.Sana maging maganda yung mangyayari sa akin ngayon dito sa University natin. Thank you! ”Ang mahabang pagpapakilala niya sa lahat.

May mga tumaas na kilay dahil sa sinabi niyang gwapo daw siya at nagparinig ng mahangin sa kanya pero mahina lang alam niya galing iyon sa likod ng inuupuan nung lalaking nagtanong sa kanya. May ibang nagtitili especially yung mga babae at bakla. Napansin niya lang na tatawa tawa yung lalaking nakausap niya kanina.

Siya yung lalaking nagtanong sa kanya kung may nakaupo sa tabi niya. Hindi na lang niya pinansin ito at dumiretso na siya sa kanyang upuan. Unti unti ng nakikilala ni EJ yung mga kaklase niya hanggang sa tumayo yung lalaking nagtanong sa kanya. Tiningnan niya yung lalaki ng masama ng makitang nakatingin sa kanya habang papalakad sa unahan. Pero yung lalaki ay parang wala lang nakatingin din sa kanya pero nakangiti.

“Hi Guys, kilala niyo naman ako di ba.Ako si Jericho Miguel Bravante short for JM aka Mr. Friendly. Well I’m 16 single ready to mingle. Kaya Girls be ready.hehehe. Joke lang. Sabi din nila gwapo daw ako. Sa tingin niyo?”Tumigin siya kay EJ.Sabay ngiti. Tapos umiwas ng tingin at tumingin sa harap ng mga kaklase.Tumawa ang lahat pera lang kay EJ.Nung makita ni EJ yung ginawa ni JM. Napakunot nuo na lang siya.Nakita yun ni JM pero may ginawa siya para mapahiya lalo si EJ.Nagsalita siya.

“And by the way ayoko sa lahat ng MA..YA..BANG.”Dugtong niya.Sabay tingin ulit kay EJ at sabay ngiti.Yun yung lalong nagpahiya kay EJ. Namula siya at tumingin siya sa sahig. Tumawa na lang si JM.

Ng matapos yung klase nila isa isa silang nagsilabasan at nahuli si EJ na umaalis kahit na nasa pintuan siya nahihiya pa rin siya kasi sa inasal niya kanina.Alam niyang may pagkamayabang siya kanina. Hindi niya alam na nagpahuli rin si JM.

Hindi pa rin kasi maalis sa isip ni JM ang kayabangan ni EJ at pagpapahiya sa kanya nung magtanong siya kung may nakaupo sa tabi niya. Gusto lang naman kasi niya nasa may pintuan siya umupo para mabilis siya makalabas.Nung papaalis na si EJ sa inuupuan niya.Tumayo rin si JM at hinahabol si EJ sabay akbay dito.

“Pre, ok ka lang ba kanina?”Sabi ni JM.

“Ah...eh...o..o..bat mo nasabi?”Nauutal na sabi ni EJ. Gulat na gulat kasi bigla ba namang sumulpot at umakbay si JM na feeling close sa kanya.

“O..bat para kang nakakita ka ng multo?”Seyorsong tingin ni JM kay EJ.

“Kasi naman bigla bigla kang sumusulpot eh..nakakagulat. Pakitanggal nga ng kamay mo sa balikat ko”Inis na sabi ni EJ.

“Ay sorry...alam mo hindi ka lang pala mahangin, maangas ka rin”Sabi ni JM at gusto na niya tumawa kasi nakakunot nuo na si EJ.

“Eh ano bang kailangan mo?”Seryosong sabi ni EJ.

“Wala gusto ko lang makipag kaibigan sayo Mr. Sungit”Birong sabi ni JM.

“Ah ganun ba..sige mauna na ako”Sabi ni EJ. Sabay talikod at kumaripas ng takbo.

Si JM napakamot na lang ng ulo.Hindi niya alam kung maiinis or matatawa sa nangyari. Ano bang masama dun sa sinabi niyang pakikipagkaibigan. Si EJ naman nung makalayo na kay JM. Tumigil siya saglit para makapagpahinga. Hinihingal siya at umupo malapit sa may bench sa likod ng Nursing building nila. Pinagpapawisan na siya. Hindi rin niya kasi malaman kung bakit niya nagawa yun. Sa totoo lang takot kasi siya sa banta ng Papa niya.

*Flashback*

“O EJ, andito na tayo sa school mo?”Sabi ng Papa ni EJ.Bumaba na si EJ sa sasakyan.

“Sige po mauuna na ako”Sabi ni EJ.

“Tandaan mo yung bilin ko sayo”Sabi ng Papa ni EJ.

“Yes Pa”Tugon ni EJ.

“And by the way aside nga pala sa bawal ka magkaroon ng girlfriend..since asa manila kana..hindi ka rin pwedeng sumama sa mga classmate mo unless may pahintulot ko. Wag kang makikipagkaibigan kahit kanino. Araw araw na kita susunduin. Lahat ng schedule mo ay dapat alam ko. Ngayon pa lang dapat ay tumino ka na.”Seryoso at mahabang paalala ng Papa ni EJ.

“Yes Papa”Sabi ni EJ sabay ng malalim ng hininga. At yumuko na siya at dumiretso na campus.

Yun yung natatandaan niya kaya siguro umiiwas siya mabarkada kahit kanino.Sabihin na nilang parang praning siya wala na siya magagawa.

Napabuntong hininga na lang siya habang inaalala ang sinabi ng Papa niya. At tumingin sa itaas ng kisame. Hindi niya napansin ng dumaan yung mga kaklase niya sa harapan niya. Tumatawa sa kanya.Apat na lalaki at apat na babae yung dumaan na pinagtatawanan siya.Bigla siya napatingin sa mga tumatawa.

“Hey look..si Mr. Hangin..may hangin nga talaga...hahahahaha”Sabi ng isang lalaking kaklase niya.

“Tama ka pre..pinasukan nga ng sobrang hangin...kaya tingnan mo para ng baliw”Pangbuburyo pa ng isang pang kasamang lalaki nito.

“Gwapo pa naman siya..kaso lang mukhang kailangan ng psychiatrist”Sabi ng babaeng kasama nila.

“Oo nga..gwapo ka pa naman..kumain ka na ba?”Pangungutya ng isang kasamang babae nila kay EJ.

Nagtitimpi na sa galit si EJ. Pero pinipigilan niya dahil ayaw niyang gumawa ng iskandalo at malamang pag nalaman ng ama niya baka itakwil na siya ng tuluyan. Kaya ang ginawa niya ay tumayo na siya at walang sabi sabi na umalis. Pero hindi pa siya nakakaalis sa mga ito ay bigla siya natisod kasi tinisod siya nung lalaking unang nagsalita. At pinagtawanan ng mga ito si EJ. Hindi na nakatiis is EJ. Kaya kwinelyuhan ni EJ yung lalaking nangtisod sa kanya at nagsalita.

“Pre ano bang problema niyo?”Banta ni EJ.

“Pre ayaw namin ng mahangin,sobrang lakas ng aircon sa room mas pinalakas pa ng hangin mo sa katawan..hahahaha”Pang aalaska kay EJ.

Pinagtawan siya ng lahat. Namula sa galit si EJ.At dali daling sinuntok yung lalaki at natumba sa sahig.at dali dali siya pinagtulungan ng 3 pang kasamahang lalaki.

May mga konting usisero man kaso wala ring nagawa.Isang tao lang ang tumulong kay EJ.

2 comments:

Jay! :) said...

At ang tumulong kau EJ ay si... JM? nyahaha.. ewan.

Sobra naman kasi yung grupo na 'umaway' kay EJ. Pwede naman nilang sabihin ng mas pormal at palakaibigan ang tono at hindi sa tonong pangungutya.

Next chapter na po! hehehe!

- Jay! :)

Unknown said...

Salamat Jay...hay may bago na naman akong reader. Ikaw ba yung dati?

ShareThis