At heto na naman ang inyong lingkod. Nagbibigay pugay sa inyong mga tagasubaybay ng aking blog.
Una sa lahat ay nagpapasalamat ako kay Jay sa pagkomento niya sa pinakahuling akdang naipaskil ko dito. Salamat ng marami at wag ka po sanang magsawang magkomento at magbasa.
Medyo mahaba ang flashback scene kasi kailangan ito sa istorya. Basta alalahanin niyo may koneksiyon iyan sa magaganap sa mga susunod na kabanata.
Marami ako gagawin ngayong week kaya medyo napaaga ang pagpapaskil ko ngayong araw ng Martes. Pero ganoon pa rin po ang pagpapaskil na gagawin. Martes,Biyernes at Linggo. Salamat ng marami sa inyong walang sawang pagsuporta sa aking blog.At heto na po ang susunod. Enjoy!
*****************************************************************************************************
Akala niya nun wala na siyang magiging kaibigan muli. Uminom ulit siya ng tinutunggang alak. Saka nagpahid ng natapon sa kanyang labi gamit ang kanyang braso.
"Naalala ko kung paano tayo nagkakilala JM..ang saya ko nun..di ko akalain dun pa tayo magsisimula bilang magbestfriend."Ang nasabi ni EJ. Sabay balik ng nakaraan.
*Flasback*
Nakita ni JM na binubugbog si EJ.Dali dali siyang pumunta at tinulak palayo ang mga bumubugbog kay EJ.
“Tumigil na nga kayo”Sigaw na sabi ni JM.
“Pareng JM..wag ka ng umepal pa sa amin..wala kang kinalaman dito.Tinuturuan lang namain ng GMRC yang taong yan.”Sabi ng isang kasamahan ng sinuntok ni EJ.Sabay duro kay EJ.
“Pre ako ng bahala dito”Pagmamakaawa ni JM sa kanila”Ipaubaya niyo na siya sa akin”Dugtong niya.
“Hoy Mr. Hangin..pasalamat ka at mabait si JM sayo.Kundi bugbog sarado ka na sa amin.Tara guys alis na tayo.”Nagbabantang sabi ng kausap ni JM. At tuluyan ng umalis sila sa kinaroronan ni EJ.
Inalalayan niya si EJ na tumayo at pinaupo sa bench. Buti na lang walang masyadong nakakita.Nagpagpag ng damit at iniabot ni JM yung panyo kay EJ para ipambunas sa labi niya na may dugo.
“Salamat pala pre”Sambit ni EJ.Sabay hawak sa balikat ni JM.
“Walang anuman yun”Dugtong ni JM”Wag kang mag-alala simula ngayon ako na yung bestfriend mo.Wag ka ng umangal kasi hindi ko nasadyang narinig ko yung usapan niyo ng Papa mo kanina. Kahit palihim pwede naman tayong maging kaibigan di ba?”Tanong ni JM. Tumango lang si EJ at ngumiti sa kanya. Tanda na pumapayag na itong maging kaibigan niya.
Simula ng insidenteng yun ay naging matalik na magkaibigan sila ni JM. Nakagaanan na rin ng loob ni EJ si JM. Aksidente kasi napadaan si JM sa sasakyan nila EJ at rinig na rinig niya yung mga sinabi ng Papa ni EJ. Kaya nga sinundan niya si EJ at ng malaman na magkaklase sila ay talagang ginawan niya ng paraan para maging kaibigan niya si EJ.
Hindi niya rin malaman sa sarili niya kung bakit ang gaan gaan ng loob niya kay EJ kahit na sinungitan siya nito nung una silang nagkita sa klase nila. Simula rin noon ay araw araw bumibisita si JM sa bahay nila EJ kaya nakagaanan na rin ng pamilya ni EJ at maski ang Papa niya ay hindi na tumututol na magkaroon ng kaibigan si EJ.
Ok na raw na maging kaibigan si JM ng anak niya. Simula rin ng maging magkaibigan sila walang sirketo silang tinatago sa isa’t isa. Alam ni JM yung nakaraan ni EJ gayundin naman yung nakaraan ni JM kay EJ.
Alam niya yung nangyari sa Birthday party nung barkada niya nung Highschool siya, yung sikreto ng kuya niya, yung nangyari sa Pampanga alam niya lahat yun. Gayundin naman si EJ kay JM.
Si JM never been kiss never been touch in short. No Girlfriend since birth. May nililigawan daw kasi si JM pero puro basted siya.Nakaka 50 ng babae na niligawan pero miski isa hindi siya sinagot. Mala sakuragi ba yung dati niya. Kung napanood niyo yung Slamdunk di ba puro basted si Hanamichi Sakuragi. Kaya simula nung huling niligawan niya hindi na siya muna nanligaw at nagfocus na lang sa pag-aaral. Hindi naman siya pangit in fact 2x siya tinanghal na Mr. JS Prom nung highschool niya pero tila ganun daw talaga yung kapalaran niya sa larangan ng pag-ibig laging sawi. Hindi raw lahat nakukuha.
Ang worst na ginawa niya sa panliligaw sa babae ay nilasing niya ito at kunwaring hinalay niya. Sobrang kasing depressed niya ng sunod sunod siyang bastedin ng mga babaeng niligawan niya. Halos araw araw kung manligaw siya kaya naisipan niya yun. Nung magising ang babae sumigaw daw ito at binantaan niya yung babae na ipapakalat yung litrato nilang dalawa if ever na hindi siya sagutin nito.
Ginawa naman nung babae kaso lang naawa siya kasi may boyfriend pala yung tao kaya sinabi niya yung totoo buti na lang hindi siya sinampal at naunawaan naman siya dahil sinabi rin niya kung bakit nagawa niya yun mga bagay na yun sa kanya. Pinatawad siya nito at buti na lang nakumbinsi rin niya yung boyfriend nung lalaki na balikan yung babae. Pinagtapat rin niya yung mga yun sa lalaki. Yun yung huli niyang niligawan at dahil dun natrauma siya at hindi na muna nanligaw pa.
Siguro akala nilang dalawa wala isa man sa kanila ang magkakaroon ng kasintahan. Ng matapos ang first year nila ay dun dumating ang pagsubok sa pagiging magbestfriend nila. Nagkaroon ng rigodon sa section nila na magkakaklase. Buti na lang sila EJ at JM ay magkakaklase at hindi na nila naging kaklase yung mga nambugbog kay EJ. Simula kasi ng mangyari yung insidenteng yun ay hindi siya tinatantanan ng mga ito buti na lang andyan lagi yung besfriend niya na si JM para ipagtanggol siya.
Dumating ang unang araw ng klase para sa Second year nila as Nursing student. Unang dumating si JM sa room nila. Samantalang papasok pa lang si EJ sa campus. Nagmamadali siyang pumasok dahil unang araw nila ngayon as Second year college kaya dapat mas focus siya dahil mahirap na yung magiging subject niya. Nagmamadali siya pumasok sa campus at aksidenteng may nabangga siyang babae.
“Ay Miss Sorry”Sabi ni EJ. Napatingin siya dito. Unang tingin pa lang niya nabighani na siya.
“Ay ok lang..hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko”Sabi ng babae.
“Hindi ako yung may kasalanan,by the way I’m EJ Millares”Sabi niya at sabay lahad nito ng kamay niya.
”I’m Natasha San Inez”Tugon nito at nakipagkamay rin na may kasamang pang ngiti.
Naunang pumasok si EJ. Buti na lang wala pa yung Clinical Instructor (Professor) nila kaso bigla siyang naihi. Kaya nagpaalam siya kay JM at nung makalabas ng room si EJ siya namang pagpasok ni Natasha kasama ng isa pang babae. Namangha lahat ng kalalakihan kay Natasha mas lalo na si JM. Ngayon lang ulit siya humanga ng ganito. Hindi niya maikakaila ng tinamaan na siya ng pana ni Kupido.
Naupo malapit sa harapan si Natasha kasama niya yung babaeng pumasok din kasabay niya. Nasa likod sila ng room kaya tanaw na tanaw ni JM yung ganda ni Natasha.Wala pang ilang segundo pagkaupo nila Natasha ay dumating na yung Clinical Instructor nila. Wala pa rin si EJ. Nagbigay ng orientation yung Clinical Instructor nila at kanya kanya na silang pakilala. Nasa kalagitnaan na ng pumasok si EJ.Nakita niyang nagsisimula na sila.Pagpapasok na pagpasok niya.
“Hey Mr. Why are you late?”Sabi ng Clinical Instructor kay EJ. Napatingin ang lahat kay EJ.
“Im sorry sir i went to comfort room”Sab ni EJ. Na nakakamot ng ulo pagkapasok sa room.
“Ok you may sit down”Tugon ng Clinical Instructor kay EJ.
Umupo na siya hindi niya namalayan na nakatingin sa kanya si Natasha pati ang babae na kasama nito.
“Pre bat ang tagal mo?”Bulong na tanong ni JM.
“Pre takte naman oh ang aga maglinis ng mga janitor. Sa kabilang side pa ako ng building jumingle”Paliwanag ni EJ.
“Ok,sayang pre may ipapakilala ako sa iyo.Basta Mamaya”Masayang sabi ni JM.
“Sino na naman yan?”Tanong ni EJ.
“Basta secret..basta akin yun..wag mo ng agawin”Banta ni JM.
“Sus..babae ba?”Biro ni EJ.
“Basta...”Inis na sabi ni JM.
“Ok..pero pag ako yung tipo niya pasensyahan tayo..hahahaha”Napalakas yung tawa ni EJ. Napatingin ang lahat.Bigla nahiya naman si EJ.Bigla siya napapeace sign sa lahat.Ngumiti lang yung Clinical Instructor niya.Hindi na natapos yung pagpapakilala nila sa isa’t isa dahil may pumasok na isang Clinical Coordinator nila at pinapatawag lahat ng Clinical Instructor.
Kaya maaga silang natapos sa klase nila.Nagsialisan na ang lahat ng estudyante at sina JM at EJ ay parang tanga dahil sinusundan nila sina Natasha. Hindi alam ni EJ kung bakit nila sinusundan si Natasha pero kilala niya yung sinasabi ni JM.Ng huminto sa canteen sina Natasha at bumili ng food sumabay na rin yung dalawa at kunyaring naghahanap ng upuan. Ng mapansin sila ni Natasha.
“Hey EJ...dito na kayo”Nakangiting sabi ni Natasha kina EJ ng makita sina EJ na naghahanap ng upuan.
“Oi Natasha andito pala kayo”Maang maangan ni EJ. SI JM ay nagulat at nakakunot noo. Hindi akalain ni JM na kakilala pala ni EJ yung tinutukoy niya kanina na sundan nila.
Nagkwentuhan sila ng kaunti at ng matapos na silang kumain sabay sabay na silang pumasok sa kanilang sunod na klase. Ng makaupo sila nagtanong si JM.
“Hoy kilala mo pala si Natasha”Banat na tanong ni JM.
“Hehehe...kanina ko lang siya nakilala nagkabanggan kasi kami nung pumasok dito sa campus”Paliwanag ni EJ.
“Ok..tol liligawan ko siya..tulungan mo ako ha?”Sabi ni JM.
“Ha!”Gulat na sabi ni EJ sabay tingin kay JM.
“Oo siya yung sinabi ko na babaeng nagpatibok na puso ko”Sabi ni JM.
Hindi makasagot si EJ sa pagkabigla paano pareho pala sila ng tipo ng babae. Hindi niya alam kung sasabihin niya kay JM na may gusto rin ito kay Natasha pero sa isang banda ayaw din niyang masira yung pagkakaibigan nila ni JM. Kaya ngumiti na lang ito ng pilit at tumango.
Nagsimula sila ni JM ng kanilang diskarte na panliligaw kay Natasha. Nagsimula sa paletter letter na inipit ipit sa mga gamit ni Natasha habang wala ito. Minsan sa may locker. Minsan naman kunyaring may pinabibigay ng stuff toy,bulaklak or kung ano ano kay Natasha galing sa iba’t ibang tao.Pwedeng sa guard,janitor or kahit kanino na pwede nilang pakiusapan. Nagtagal yun ng isang buwan.
Nacurios ngayon si Natasha kung sino itong secret admirer niya. Kunyaring pupunta siya sa CR pero ang gagawin niya ay hihintayin niya kung sino yung iipit ng letter. Minsan aalis kunwari sa locker pero magmamasid. Minsan sinusuhulan nila yung mga taong nagbibigay sa kanila ng kung ano anong bagay. Pero talagang bigo silang dalawa ng bestfriend niyang laging kasa kasama.
“Friend suko na ako,wala tayong clue kung sino yang admirer mo”Sabi ni AJ,bestfriend ni Natasha.
“Oo nga eh..matagal na natin itong ginagawa kaso bigo tayo..hay”Buntong hiningang sabi ni Natasha.
“Pero kung si EJ yun naku..friend magkakamatayan tayo..sa akin lang siya”Banta ni AJ.May pagtatangi kasi si AJ kay EJ simula ng makabangga ng bestfriend niya si EJ.Kasabay kasi sila nung nabangga sila ni EJ.Hindi makaimik naman si Natasha kay AJ kasi nga alam niyang patay na patay si AJ kay EJ.Ayaw niya masira yung pagkakaibigan nila. Ngumiti na lang siya at tumango dito sang ayon dun sa sinabi ni AJ kahit alam niya pareho sila may gusto kay EJ.
Ng sumunod na araw nauna siyang pumasok kay AJ. Ng makalapit na siya sa locker niya nakita niya si EJ na naglalagay ng letter sa locker niya. Kaya naisipan niyang tumago para makita kung siya talaga si EJ. Hindi nga siya nagkamali. Si EJ nga yung secret admirer niya. Tinago niya ito kay AJ ayaw niya kasi magagalit ito. Hindi lingid sa kaalaman ni Natasha nakita siya ni JM na nagtatago at alam na niya kung bakit. Kaya nung araw na yun magpapakilala na siya pormal para manligaw dito. Ng matapos yung klase nila sa araw na yun. Tinawag sila Natasha at AJ ni EJ para kausapin kasama niya si JM.
“Ano pag uusapan natin?”Tanong ni Natasha kay EJ. Pero imbes na si EJ ang sumagot si JM ang sumagot.
“Kasi ako yung secret admirer mo.Inutos ko lang kay EJ pwede bang manligaw sayo Natasha”Nahihiyang sabi ni JM.Nagulat si Natasha. Si AJ kinikilig at Si EJ pinilit ngumiti kahit nasasaktan sa eksena.
Simula nun masugid na manliligaw si JM kay Natasha. Sinusundo at hinahatid ni JM si Natasha sa school at bahay. Minsan naman ay nagkakayayaan ang apat na mag double date. Napansin yata ni JM na may gusto si AJ kay EJ kaya niya ito ginagawa para at least pareho sila ni EJ na may syota. Akala nilang lahat ay ok na ang lahat. Hanggang sa matuklasan ni JM yung sinulat ni Natasha sa likod ng notebook nito.
“Natasha Nicole San Inez love Enrique James Millares”
Simula nun pinapaiwas na niya si EJ na lumapit kay Natasha. Si AJ naman ay nahuli rin si EJ na may sulat na nakatago sa bag nito nung pinakialam niya ito minsan. Kahit alam niya na hindi naman nanliligaw si EJ sa kanya. Pero nasaktan siya sa nabasa niya sa sulat.Maikli pero alam niya hindi para sa kanya yun.
Kung masasabi ko lang na mahal kita, pero huli na ang lahat.
EJ
Simula nun hindi na kinikibo ni AJ si EJ. Nagsimula na yung gulo sa apat. Kahit magkakaklase sila. Si EJ lang lagi mag isa ang kumakain samantalang yung tatlo naman sabay kumain. Pero minsan dalawa lang sila JM at Natasha ang kumakain dahil inis na inis si AJ kay Natasha simula ng malaman niya na may gusto si EJ kay Natasha. Hindi ito nakaligtas sa mata ni Natasha.
Minsan tinatanong ni Natasha kung bakit hindi sumsabay si EJ sa kanila iniiwasan itong sagutin ni JM at kung minsan ay kakausapin niya si EJ ay biglang hahatakin siya ni JM para sila ang mag-usap. Si AJ naman hindi siya kinikibo. Isang araw naunang pumasok si EJ at Natasha. Nagkasalubong silang dalawa at naupo sa may bench malapit sa building nila at nag usap ng seryosohan.
“Kamusta na kayo ni JM?”Tanong ni EJ.
“Ah ok naman pero napansin kong nag iiwasan kayong dalawa”Sagot at tanong na sabi ni Natasha kay EJ
“Ah siguro busy lang kami sa isa’t isa di ba daming requirements natin?”Maang mangan ni EJ.
“Hindi yun yung nakikita ko sa inyo..Pinapaiwas ka ba ni JM sa akin?”Diretsang sabi ni Natasha kay EJ.
“Ba’t mo naman nasabi yan?”Takang sabi ni EJ.
“Kasi...”Nahihiyang at naputol na sabi ni Natasha kasabay ng malalim ng buntong hininga
.
“Kasi..”Naghihintay na sabi ni EJ.Tumingin kay Natasha ng diretso.
“Kasi baka alam niyang may gusto ako sayo”Diretsang sabi ni Natasha..at umiyak na ng tuluyan. Yumakap na lang si EJ at hinagod hagod ang likod ni Natasha para kumalma.
“Wag kang mag-alala kasi ganun din naman ako sayo..gusto rin naman kita kaso lang...”Nahihiyang sabi ni EJ na naputol ng may sumigaw sa pangalan nila.
“EJ.....Natasha”Mga sigaw na galing sa malayo. Na nagpatulala sa kanila.
5 comments:
Isang araw lang aq hnd nag update andami ng nakapost dito hehe....anyway nc chapter poh author im a big fan of slum dunk and super idol ko si sakuragi becoz of that anime natuto aqng magbasketbol ahahahaha....kaya tuwang tuwa aq s chapter n toh hehe....TWO THUMBS UP!!..(*_-)....anyway nc chapter poh author im a big fan of slum dunk and super idol ko si sakuragi becoz of that anime natuto aqng magbasketbol ahahahaha....kaya tuwang tuwa aq s chapter n toh hehe....TWO THUMBS UP!!..(*_-)
Hehehe...salamat Dada..bumalik ka na rin..ako rin big fan aq ng Slumdunk pero hindi talaga para sa akin ang basketball hahaha...Pero lagi aq nanonood. School ko kasi kasama dun. Die hard alumni aq.hehehe..
Oo ganun talaga..kaya pag me tym aq inaagahan ko ang pagpost para hindi mawala ang fans ko.
BUSTED!!! hahaha!!! hello po!! i'm Marc :D ngaun ko lang po nabisita tong site nyo :] hindi ako nagkamali na basahin ang inyong sory kasi sobrang ganda nya po :D i'll be waiting sa next chapter :)
"story" not "sory"
:)) sorry po!! hahaha@!!!!
Salamat sa pagbisita @Marc dont worry mag update po ako tom.Tnx.
Post a Comment