Friday, October 7, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 19 (Hanggang dito na lang!)

Andito na naman po ang inyong lingkod.Alam kong sawang sawa na kayo sa ganitong pagbati. Pero hindi po ako magsasawang ulit ulitin ang pagpapasalamat sa inyo.Dito ko lang kasi maibabalik ang walang sawang pagsuporta niyo.Hindi ako nag eexpect sa inyo ng kahit na ano masaya na akong nakakapagbigay ng aral at saya sa inyong mga tagasubaybay ko.

Pasalamat na rin ako sa nagkokomento sa aking blog.Salamat kina Icy at Marc.Salamat sa pagdalaw.Mahaba haba pa ang lalakbayin ng kwento na ito.Ginagawa ko na yung mga susunod na mga kabanata at hindi ko lang talaga matantiya.Update ko na lang kayong mga tagasubaybay ko kung malapit na siyang matapos.

Maraming maraming salamat ulit sa inyo.Heto na po ang susunod.Enjoy!
*****************************************************************************************************
Kinabukasan pumunta ng opisina ng Papa niya si EJ para sana itago ang mga iba pang gamit ng Papa niya. Habang nilalagay niya sa taas ng aparador ang mga gamit ng Papa niya may album ng mga litrato ang nalaglag. Pinulot niya ito.At nakita ang mga masasayang alaala ng Papa niya.

Isa isa niya itong tiningnan. Habang tinitingnan niya ay hindi niya mapigilang mapaluha.Ang saya saya nilang apat. Lagi silang umaalis at namamasyal sa iba't ibang lugar. Noon lang niya napansin na may isang litrato na kasama siya na yakap yakap siya ng Papa niya. Napangiti siya kasi noon lang niya nakita kung gaano siya kamahal ng Papa niya. Hindi na niya nakita yun simula ng magrebelde siya dala ng inggit niya sa Kuya Athan niya. Napahagulgol siya ng di oras.

Hindi niya namalayan na ang Mama niya ay pumasok sa opisina ng Papa niya. Maya maya nasa likod na ang Mama niya.Hinawakan siya sa balikat ng Mama niya. Sabay tingin niya rito. Nagulat ito kasi ngayon lang niya napansin na ngumiti ito sa kanya ng ganoong kasaya. Pinahid niya ang luha niya at sabay yakap niya dito.Yumakap din ang Mama niya sa kanya.Bigla siyang napaluha sa nangyari.

"Ssshh..anak..EJ.Tahan na!"Sabi ng Mama niya.

"Ma..patawarin niyo ako.Kasalanan ko kung bakit namatay si Papa.Kasalanan kong lahat!"Umiiyak na sabi ni EJ.

"Walang may gusto sa nangyari.Ginawa mo lang yun dahil mahal mo ang Kuya mo.Kaya naiintidihan kita.Wag ka ng umiyak"Pampalubag ng Mama niya. Hinahagod ang likod ni EJ.

"Ma? Hindi ka ba galit sa akin?"Tumingin si EJ sa Mama niya.Sabay bitaw sa pagkakayakap. Tumingin rin ang Mama niya at pinunasan niya gamit ang mga kamay niya ang luha na umaagos sa mukha ni EJ.Sabay bitiw ng salita.

"Anak..hindi ako galit sa iyo.Alam mo kung ako rin ang nasa katayuan mo baka ganun rin ang nagawa ko.Pero hayaan na lang natin iyon.Tapos na,Nangyari na ang nangyari. Wag na nating sisihin ang isa't isa. Kailangan na lang natin ay magpakatatag at magsimula muli.Mahirap man pero kailangan nating gawin.Alang alang sa Papa mo."Ang sabi ng Mama niya.Pinipigilan niyang umiyak kahit na nangingilid ang luha niya.

"Salamat Ma.Sa pag intindi mo sa akin.Ma,Mahal na mahal kita."Sabi ni EJ.Sabay yakap sa Mama niya.

"Mahal din kita anak."Yumakap din ito sa kanya sabay halik sa noo niya.

"Anak kain na tayo.Nagluto ako ng pagkain natin."Sabi ulit ng Mama niya. Tumayo na sila at tinungo na nila ang dinning area para kumain.

Samantala sa bahay nila Jessica.May isang bisita ang hindi niya inaasahan.Dumating si Athan.Sinalubong niya ito ng isang matinding halik at yakapan. Nakipagsabayan din si Athan sa kanya hanggang sa mapadpad sila sa sofa. Tumagal din ito ng ilang minuto.Unang bumitaw si Jessica.Tuwang tuwa dahil hindi niya inaasahan si Athan na dumalaw sa kanila.

"Hon..Nadalaw ka?"Masayang bati ni Jessica.Nakayakap pa rin kay Athan.

"Wala lang namiss kasi kita eh."Masayang sabi ni Athan.

"May gagawin ka ba ngayon?"Sabi ulit ni Athan.

"Wala naman.Bakit? Off ko ngayon."Tugon ni Jessica.

"Tara alis tayo.Gusto kong bumawi sa iyo.Pasensya na ha.Kasi hindi kita masyadong naaasikaso nitong mga nagdaang araw."Malungkot na sabi ni Athan.

"Ssshh..wala yun...alam ko naman kung anong nangyari sa pamilya niyo.Naiintindihan ko."Sabi ni Jessica.

"Salamat!."Maikling tugon ni Athan.Sabay halik sa labi ni Jessica.Bumitaw si Jessica sa halikan nila.

"Hon..maliligo muna ako.nagulat kasi ako sa pagdating mo.Give me 1 hour ok?"Sabi ni Jessica.

"Ok."Maikling sabi ni Athan.

Tumayo na si Jessica at nagtungo sa kuwarto niya para maghanda.Ng matapos ay kaagad silang gumayak at namasyal sa isang kilalang mall sa Pasay. Wala silang ginawa kundi ang mamasyal at namili sa mall at kalapit na lugar.Nanood ng sine at kumain.Nilubos lubos nila ang oras. Masaya sila sa nangyayari lalo na si Jessica. Ngayon lang kasi ito nangyari.Hindi kasi sila umaalis tulad ng ganito.Nakakapanibago lang.Pero hindi niya muna iisipin iyon.Ang importante ay nandito si Athan sa tabi niya at masaya sila.

Umalis sila ng mall ng alas 8 na ng gabi. Niyaya na niyang umuwi si Jessica sapagaka't alam niyang may pasok pa ito bukas. Gusto man ni Jessica na magtagal wala na rin siyang nagawa ng yayain siya ni Athan.Naiintidihan naman niya ito dahil ayaw niya rin naman kasi ni Athan na mapagod siya.Masaya siya at sana laging ganito.Ng makarating na ito sa bahay nila.Kinuha ni Athan ang pinamili nila at may isang bagay na iniwan sa loob ng paper bag.Nagpaalam na sila sa isa't isa.

"I hope you enjoy our date?"Masayang sabi ni Athan kay Jessica.

"Yes I enjoyed a lot.Ulitin natin ito ha?"Sabi ni Jessica.

"Oo ba."Maikling sabi ni Athan.Medyo nag aalangan siya sa kanyang itutugon.

"Yes!!!Ok.bye ingat sa biyahe."Sabi ni Jessica.Sabay halik nito sa labi ni Athan.

"Kaw rin hon.Ingat ka rin.Wag mo pababayaan ang sarili mo.Paalam."Sabi ni Athan. Hindi siya humalik sa labi ni Jessica kundi sa noo nito. Hinawakan rin nito ang buong mukha ni Jessica waring minememorya ang bawat sulok ng mukha niya.

Napakunot ang noo ni Jessica. Hindi niya ineexpect na dun siya hahalik at ang ginawa niya sa mukha nito.Gayunpaman hindi niya maiwasan na hindi magtaka dun lalo na sa mga binitawang salita. Pinagkibit balikat na lang niya ito.Tumalikod na si Athan at siya ay tiningnan ni Jessica hanggang sa mawala na sa paningin niya ito. Bigla siyang nanlamig. Hindi niya maintidihan kung bakit. Pinagpalagay na lang niya na humangin kahit hindi naman.Dire diretso na siyang pumasok ng bahay nila at nakatulog siya kaagad sa sobrang pagod.

*Ding dong*

Binuksan ni Eric ang pintuan ng condo niya. Nagulat siya dahil si Athan ay dumaan sa unit niya.Ngayon lang niya ito ginawa simula ng magkita sila pagkatapos ng 2 taong pagtatago.

"Athan?"Gulat na bati ni Eric.

"Ako nga..o ba't parang nakakita ka ng multo.Hindi mo ba ako namiss?"Masiglang bati ni Athan.Yumakap ito bigla kay Eric.

"Ah eh..hindi..ka..kasi..nakakagulat lang na bigla kang napabisita.Tuloy..tuloy ka."Nauutal na sabi ni Eric.

Pumasok na si Athan dala ang alak na binili nila. Binuksan niya ito para mag inuman silang dalawa ni Eric.

"Kamusta ka na?"Bungad ni Athan.

"Ok naman.Aba anong pumasok sa kukote mo at bigla kang napadalaw dito sa condo ko?"Sabi ni Eric.

"Wala lang gusto ko lang bumawi sa iyo.Kasi alam kong matagal na tayong hindi masyadong nakakapagbonding eh.Cheers"Masigla sabi ni Athan sabay taas ng baso. Nakipagtoss naman si Eric sa kanya. Natutuwa si Eric sa nangyari.Bihira lang kasi itong gawin ni Athan.Namiss niya rin ito na makipag inuman.Naguguluhan man kung bakit niya ito ginawa pinagkibit balikat na lang niya.Ang importante ay nandito siya at masaya sila. Lulubusin na niya ang pagkakataon na masolo muli si Athan.

Kapwa lango na sila sa alak. Si Eric ay unang nalasing.Pinagmamasdan niya si Eric minememorya ang bawat sulok ng mukha ni Eric.Ganun pa rin ang mukha niya.Guwapo parin kahit medyo tumatanda na sila. Hinding hindi niya pagsasawaan ang mukha nito na pagmasdan kahit buong magdamag pa. Mahal na mahal niya ito kahit na iniwan at sinaktan pa siya nito. Ito lang ang taong minahal niya ng sobra sobra at hindi siya nagsisisi na minahal niya ito.

Tumayo siya at kinuha ang mukha nito paharap sa kanya at hinalikan ng buong pagmamahal. Sobra niyang namiss ang labi nito. Kung pwede lang niyang hindi bitawan ginawa na niya. Lumuluha siya habang ginagawa niya iyon. Hindi niya mapigilan dahil hindi niya alam kung kailan niya muli ito magagawa.

"Mahal na mahal kita.Kahit na nagawa mo akong saktan at iwan ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Hinding hindi iyon magbabago. I Love you."Madamdaming sabi ni Athan.Muli na naman niya hinalikan si Eric. Ng magsawa ay inaayos niya si Eric. Hiniga niya ito sa kama.At ng okay na ang lagay niya ay saka siya umalis ng condo ni Eric bago nag iwan ng isang sulat.

Umuwi si Athan ng masaya pero nababagabag rin sa gagawin niya. Dahil hindi niya pa rin lubos maisip na kaya niyang gawin ito.Pero desidido na siya. Wala na siya balak atrasan pa ito.Okay na ang lahat. Kailangan na niya gawin ito sa lalong madaling panahon. Masakit pero ito ang nararapat para matapos na ang lahat ng problema na dinala niya sa mga mahal niya sa buhay.

Pumasok siya ng kuwarto niya at uminom ng alak. Nagpatugtog siya ng kanta.Tinatapos ang dapat tapusin.Sobra pait ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon.Heto na ang oras na hinihintay niya isasakatuparan na niya ang balak niya.Matagal na niya itong pinag isipan at itong araw na ito ang araw na hinihintay niya.Patuloy lang sa pagtugtog ang isa sa mga paboritong kanta niya hanggang sa makatulog siya.



Kinabukasan.Unang nagising si EJ. Ng papalabas na siya sa kuwarto niya naririnig niya ang paboritong kanta ng Kuya niya. Hindi niya maalis ang tainga niya sa kuwarto ng Kuya Athan niya.Nagtagal siya dun ng ilang minuto.Hanggang sa napadaan si Manang Flor.

Tatawagin sana niya si Athan kasi kanina pa tumatawag sina Eric at Jessica sa kanya.Hindi daw sinasagot ni Athan ang tawag. Bigla siyang kinabahan.Kinatok niya ang kuwarto ng Kuya Athan niya.Walang sagot.Kaya sinubukan nilang buksan ang pintuan ng kuwarto ni Athan buti na lang hindi nakakandado. Ng buksan nila ang kuwarto niya nagulat sila sa nakita sa kuwarto nito.

2 comments:

dada said...

Jayfinpa....sowi kung now lang uyet napadpad s blog wew andami kong na miss n chapterz.....paganda n ng paganda wew....sana naman wak m muna patayin yung character ni athan sana magkabati p sila ni ej.....please sana ma survive p nila si athan if ever man n nagpakamatay....God Bless poh!

Unknown said...

Hi @dada..ok lang yun..hehehe..nakakatuwa naman...tingnan na lang natin kung anong mangyayari sa character ni Athan.hehehe..abang abang lang bukas may update na naman ako.

ShareThis