Sunday, October 9, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 20 (Umaasa pa rin)

Andito na naman po ang inyong lingkod.Nagbibigay ng konting patalastas. Alam kong sawa na kayo pero ito lang kasi ang paraan ko para maipahayag ang saloobin ko sa inyo. 

Nagpapasalamat ako sa inyong walang sawang pagsubaybay sa aking blog. Sana po ay wag kayong magsawa sa pagsuporta. Mas lalo sana akong gaganahan kung magkokomento kayo.Hehehe..

Pero anyway,sa mga sumusubaybay ng kwento kong "Sa Isang Iglap" darating na po ang kwento ng mga kaibigan ni EJ na sina AJ,JM at DM kasama na rin si Natasha.Itong kwento ng buhay ni Athan ang siyang naging daan upang mabuksan ang isipan ni EJ sa ibang klase ng pagmamahal. Kaya po abangan niyo po lalo ang magaganap sa maga susunod na eksena kasi mas lalo kayong maeexcite dahil sa mga twist na gagawin ko sa kanilang 5.Antabayan niyo po ang mga susunod na kaganapan sa kwento kong ito.

Salamat po ulit sa walang sawang pagsuporta sa aking akda. Asahan niyo po ang lalong pinaganda at pinahusay na eksena dito sa aking blog.Hanggang sa muli.Heto na po ang susunod na kabanata.Enjoy!
*****************************************************************************************************
Nagulat sina EJ at Manang Flor sa ayos ng kuwarto ni Athan. Sobrang ayos ng kuwarto niya na hindi ginagawa ng Kuya niya kahit kailan.Pareho silang magulo ang kuwarto pero dahil kay Manang Flor ay lagi itong maayos. Mas lalo silang nagulat dahil wala si Athan.Ang tangi nasa kama niya ay litrato niya na sobrang saya niya at may kalakip na sulat. Dahan dahang pumunta si EJ.Kabado siya at nanginginig.

Binasa niya ang sulat na nakapatong sa litrato ng Kuya niya. Habang binabasa niya ang sulat nito ay unting unting tumutulo ang luha niya at hanggang sa natapos ay hindi na napigilan ang pagtangis ni EJ.

"E..E..J? Anong nangyayari sa iyo?"Ang tanong ni Manang Flor.May ideya na siya pero gusto niya pa rin malaman kay EJ ang totoo.

"Wala na siya manang...wala na si Kuya...iniwan na niya tayo."Umiiyak na sabi ni EJ kay Manang.Lumpait si Manang kay EJ at niyakap niya ito.

"Sshhh...tahan na"Pagpapatahan niya kay EJ.

"Manang...bakit? Bakit niya ginawa ito?"Ang nasambulat na sabi ni EJ kay Manang.

"Kahit ako EJ..wala akong alam diyan.Gulat din ako.Habang binabasa mo ang sulat niya tiningnan ko ang mga gamit niya.Doon ko napagtantong wala na ang Kuya mo.Hindi rin ako makapaniwalang gagawin niya ito."Umiiyak na rin si Manang.

"Bakit kailangan niyang lumayo..pwede namang ayusin eh..tutulungan ko siya..Hindi niya kailangang gawin ito.Siya at si Mama na lang ang natitira sa buhay ko mawawala pa siya.Ano ba? Ano ba!!!"Pasigaw na sabi ni EJ.

"Hindi natin hawak ang desisyon na Kuya mo.Buhay niya yun.Kung dun siya masaya.Kailangan natin unawain.Kilala ko siya. Sa tinagal tagal ko sa pamilya niyo kilala ko na ang mga ugali niyo.Si Athan matatag yun alam kong kahit na may pinagdadaanan siya hindi niya pinapakita na nasasaktan siya kasi ayaw niya kayong mag alala. Ang bagay na ito ang dahilan niya para makapag isip siya at malutas ang problema.Babalik yun.Alam kong babalik yun. Hindi siya titigil para malutas niya ang problema.Hayaan na muna natin siya."Mahabang paliwanag ni Manang Flor. Ito na rin ang dahilan para mapakalma niya si EJ.Hindi niya rin alam kung talagang babalik pa si Athan. Hindi siya sigurado. 

"Manang..hindi ko alam kung ito ang solusyon sa problema niya.Pero sana hinayaan niya naman kami na makiramay sa kanyang dinadala. Sana tama yung desisyon niya.Sana lang"Umiiyak na sabi ni EJ.

"Tahan na...Kailangan ko ng bumalik sa kusina EJ.Maghahanda na ako ng makakain natin sa pananghalian.Uuwi na rin kasi ang Mama mo."Pag iiba ni Manang Flor.Tumango lang si EJ.Tumayo na si Manang Flor at tuluyan ng nilisan ang kuwarto ni Athan.

Ng tuluyang umalis si Manang Flor ay nanatili pa rin si EJ sa kuwarto ni Athan. Kinuha niya ulit ang litrato ng Kuya niya. Pinagmamasdan niya ito ng mabuti.Bago nagsalita.

"Kuya...alam kong wala akong karapatang paghimasukan ulit ang desisyon mo. Pero sana naisip mo man lang kaming mga nagmamahal sa iyo sa desisyon mong umalis.Mas lalo mo lang kaming pinahirapan. Mas lalo mo lang pinalala ang sitwasyon.Pero alam kong hindi rin naging madali ang desisyon mo na ito.Iisipin ko na lang na nagbabakasyon ka lang at babalik ka rin.Kuya mag ingat ka.Alagaan mo ang sarili mo."Ang nasabi ni EJ sa sarili niya sabay ng pagpatak ng luha niya.

Samantala sa labas ng bahay nila EJ.Nagkasabay ng dating sina Eric at Jessica.Unang bumaba si Eric.Nakatangin ito sa isang pulang sasakyan na nasa harapan ng bahay ni Athan.Nangunot ang noo ng makita na si Jessica ang bumaba.

Parehong nagkatinginan ang dalawa. Lumapit si Eric kay Jessica gayundin ang ginawa ni Jessica. Ng magkalapit na sabay pa silang nagbitiw na parehong linya.

"Nasaan si Athan?"Sabay nilang bitiw. Nangunot pareho sila.

*PAK*

Isang malakas ng sampal ang dumapo kay Eric na nanggaling kay Jessica. Nanggalaiti na sa galit si Jessica ng mga oras na iyon. Hinaplos lang ni Eric ang mukhang nasampal.

"Nasaan si Athan? San mo siya tinago?!!!"Sigaw ni Jessica kay Eric.

"Ikaw ang dapat na tanungin nyan.Wala si Athan sa akin. Umalis siya ng pumunta siya kagabi sa condo ko at iniwanan ako ng isang sulat."Ang nasabi ni Eric.

"Hindi ako naniniwala sa iyo.Mang aagaw ka.Ikaw na laging nagpapahirap kay Athan ikaw pa ang minahal niya samantala ako wala akong ginawa kundi ang makuha ang pagmamahal niya.Ano bang meron ka na wala ako.Ha!!!"Pasigaw na sabi ni Jessica.Sasampalin niya ulit dapat si Eric pero nagawang mapigilan ito ni Eric. Nagkukuyom na sa galit si Eric pero pinipigilan niyang gumawa ng eksena.Babae pa rin ang kaharap niya at ginagalang niya ito.

"Bakit hindi mo itanong yan sa sarili mo. Ganito ako.Pero minahal ko si Athan. Higit sa buhay ko.Hindi ko kayang mawala si Athan kaya ako nandito para kunin na siya sa inyo."Biglang sabi ni Eric kay Jessica.Sabay baba ng kamay niya dun sa napigilang kamay ni Jessica na akmang isasampal sa kanya.Tumalikod siyakay Jessica at dire diretsong sa bahay nila Athan. Nagdoorbell siya. Maya maya lang ay bumakas ang pintuan ng gate bahay nila Athan.Ang nagbukas ay si Manang Flor.

"Manang Flor andyan po ba si Athan?"Tanong ni Eric.

"Iho..wala na siya dito.Umalis na siya!"Ang malungkot na sabi ni Manang Flor.

"Po hindi yan totoo!!"Ang biglang sabi ni Jessica na nasa likod na pala nila.

"Iha..hindi ako nagsisinungaling kahit kanino.Wala na ang gamit niya sa kuwarto ng tiningnan namin ni EJ."Ang nasabi na lang ni Manang Flor.

Bigla sumulpot si EJ sa likuran ni Manang Flor. Gulat man na nakita niya ang dalawang taong nagmamahal kay Athan na sabay na dumating.

"Ate Jessica,Eric..tama si Manang..wala na siya.Iniwan na niya tayo"Ang malungkot na sabi ni EJ.

"Hindi...tinatago niyo lang siya.Padaanin niyo ako."Ang pasigaw na sabi ni Jessica. Pinigilan siya ni EJ.

"Padaanin mo ako.Alam kong nandyan lang siya.Tinatago niyo lang siya."Umiiyak na sabi ni Jessica. Nakatitig lang si EJ sa kanya.Naawa naman ito at pinapasok na niya.

Dire diretsong umakyat sa kuwarto ni Athan si Jessica. Hinanap niya ito sa bawat sulok ng kuwarto niya. Pero hindi pa ito nakuntento ay hinalughog niya na rin ang iba pang mga kuwarto. Kahit pigilan siya ni Manang Flor ay walang nagawa maski si EJ. Dahil desperado na itong makita si Athan.

Habang si Eric ay pumasok rin sa kuwarto ni Athan. Isa isang tiningnan ang bagay bagay na nasa kuwarto niya. Laking gulat niya na nandun sa side table ang litrato niya at sa isang side table naman ay litrato ni Jessica. Ramdam niya na parehong mahal ni Athan silang dalawa. At kaya siguro ay umalis ito ng walang paalam ay ayaw niyang may masaktan sa amin.Ayaw niyang pumili sa aming dalawa. Dahil alam niya may isa siyang masasaktan kung nagpumilit siya.

Nauunawan man ito ni Eric batid niya ang kalungkutan na namang iiwan ni Athan sa muling paghihiwalay nila. Nakita niya rin ang litrato ni Athan na nasa kama nito at may sulat din. Kinuha niya ang sulat at kanyang binasa.

Habang binabasa niya ito ay nagsisimulang tumulo ang luha niya na kanina pa niya pinipigilan. Hindi siya makapaniwala na magagawa na naman silang paghiwalayin sa 3 pagkakataon. Naiisip niya sila ba talaga para sa isa't isa. Aaminin niya na naging duwag siya na harapin ang gulong kinasasangkutan niya. Pero kahit kailan mahal niya pa rin si Athan kaya siya nagbalik. Kung itog pagbabalik niya ang sisira sa buhay ni Athan marahil ay di na siya nagpakita pa. Hahayaan na lang niyang mapunta ito kay Jessica makita lang niya itong masaya sa buhay.

Matapos mabasa ang sulat ni Athan. Kinuha niya ang litrato ni Athan.Pinagmasdanniya mabuti ang mukha ni Athan. Ganoon pa rin ito.Malakas ang dating para sa kanya.Napakaguwapo kahit saang anggulo.Hinding hindi niya ito ipagpapalit kahit kanino.At ito lang ang lalaking minahal niya ng buong buhay niya.

"Athan..alam mo kung gaano kita kamahal. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Kung ang pagbabalik ko dito ang magiging mitsa na mawawala ka ulit hahayaan ko na ikaw na mapunta ka Jessica.Dahil alam kong mamahalin ka rin niya tulad ng pagmamahal ko sa iyo.Mahal na mahal kita Athan. Bumalik ka na please!!!Ang medyo napalakas na sabi ni Eric.

Samantalang ng akmang babalik si Jessica sa kuwarto ni Athan nakita niya itong nakabukas. Alam niyang may tao dito.Naririnig niya ang mga yapak ng Paa ng tao sa kuwarto ni Athan.Sumilip siya at nakita niya si Eric nakaupo sa gilid ng kama ni Athan at may binabasa ang sulat. Ng matapos basahin at umiwas na siyang tingnan si Eric baka mahalatang may tao sa pintuan.Akmang aalis na siya ng marinig niyang nagsalita si Eric. Nagulat siya sa mga binitawang salita nito. Nagsimulang tumulo ang luha niya habang nakikinig sa bawat salitang namumutawi kay Eric.

Bigla siyang nakarinig ng yapak. Na papunta na si Eric sa pintuan. Hindi siya makakilos.Hindi niya alam kung aalis siya o hindi.Para siyang istatwa. Hanggang sa hindi niya napansin na nasa harap na niya si Eric. Tiningnan lang siya ni Eric. Ngumiti ito sa kanya na ikinagulat niya. Hindi niya alam kung paano magrereact. Lumakad na palayo si Eric kay Jessica at ng ilang hakbang na lang ito sa hagdan ay nagbitaw siya ng salita.

"Mahal ko si Athan lahat lahat gagawin ko lang para maging masaya siya.Sa oras na bumalik si Athan.Ipapaubaya ko na siya sa iyo.Hinding hindi na ako makikialam.Alagaan mo siya. Oras na pinaiyak mo siya.Aagawin ko siya ulit sa iyo."Ang nasabi ni Eric.Sabay baba sa hagdan at tuluyan na nga umalis sa bahy nila Athan.

Habang si Jessica ay tulala sa mga sinabi Eric sa kanya.Malalim ang iniisip.Alam niyang nahirapan din si Eric pero nagpapasalamat siya dito dahil ginawa niya ito para maging maligaya si Athan. Pareho nilang mahal si Athan pero kailangang mamili ni Athan at isa lang ang pupuwede. Sa pagkakataon na iyon lalo siyang humanga kay Eric. Ngayon alam na niya kung bakit ito minahal ni Athan. Kung siya ang pipiliin ni Athan ay makakaasa siya sa pagbabalik ni Athan gagawin niya ang maging mabuting asawa dito.Hihintayin niya si Athan alam niyang babalik din ito.Pero kung si Eric ang pipiliin ni Athan hindi niya siya hahadlang dito. Masaya na siya na alam niya may taong magmamahal ng wagas kay Athan.Muling dumaloy ang luha ni Jessica matapos niya masabi yun sa sarili niya.

Pumasok sa kuwarto ni Athan si Jessica para makita ang sulat na ginawa ni Athan.Binasa niya ito para malaman ang nilalaman ng sulat.

"Salamat sa inyong lahat.Hindi naging madali ang desisyon kong ito dahil alam kong masasaktan ko ang pamilya ko at ang mga taong nagmamahal sa akin.

Hindi ko kayang makita na isa isang nagdudusa ang mahal ko sa buhay ko.Alam ko ako ang dahilan ng lahat ng kaguluhan dito sa pamilya ko.Nadamay pa sina Eric at Jessica.

Para sa iyo Jessica.Pasensya ka na kung ikaw ang lagi kitang nasasaktan.Minahal din naman kita. Yun nga lang iba ang pagmamahal ko kay Eric hindi man kasing tindi pero alam kong may puwang ka.Salamat dahil lagi kang nandyan sa tuwing kailangan ko ng malalapitan. Kung alam ko lang sana matagal na kitang pinakasalan.Mahirap pero kailangan ko muna iwan ka kayo para pag isipan kung ano ang tama gagawin ko.Mahal kita.Alagaan mo ang sarili mo.Kung dumating ang time na ikaw ang pipiliin ko sana andyan ka pa yan ay kung wala pang may ari ang puso mo.Pero kung nagkataong may nagpatibok sa puso mo hindi ako hahadlang.Hanggang sa muli.

Para sa iyo Eric.Alam mo kung hindi mo kayang saktan ako.Noon pa mang nagkakilala tayo alam kong iba ka sa ibang lalaking nakilala ko.Buong buhay ko ikaw lang ang minahal ko.Kahit kailan hindi iyon mawawala.Kahit na mamatay pa ako. Babaunin ko ang lahat ng masasayang alaala na namagitan sa atin.Pinapatawad na kita sa mga kasalanan mo.Mahal pa rin kita hanggang ngayon.Yan ang lagi mong tandaan. Sana dumating ang time na magkita pa tayo ulit.Hindi ko alam kung kailan iyon.Pero kung dumating ang punto na may nagpapatibok na sa puso mo hindi ako hahadlang. Wag mo lang akong kalimutan. Andito ka sa puso ko magpakailanman.

Para sa iyo Mama. Salamat sa paggabay mo.Alam kong meron din akong kakulangan bilang anak mo.Pero ginawa ko ang lahat para maging mabuting anak sa inyo ni Papa. Pasensya na sa inyo dahil hindi ko nagawa ang gusto niyo ni Papa. Sana mainindihan niyo ako kung bakit ko napili ang bagay na iyon. Doon ako masaya.Mahal na mahal ko kayo Mama pati na rin si Papa.Patawarin niyo ako.

Para sa iyo EJ. Napakabuti mong kapatid. Wala na akong hahanapin pang iba. Galit ako noon dahil sa ginawa mo sa amin ni Eric. Ngayon alam ko na ang dahilan patawarin mo ako.Hindi ko sinasadya ang lahat ng mga nasabi ko sa iyo dati.Mahal kita bilang kapatid ko at hinding hindi iyon magbabago. Ikaw na ang bahala kay Mama at Kay Manang Flor.Alagaan mo sila. Sana maintindihan mo kung bakit ginawa kong lumayo.Kailangan ko ito. Wag mo na akong hanapin pa. Ito lang ang munting kahilingan ko. Maraming maraming salamat sa iyo.

At sa inyong lahat. Mahal ko kayo.Hanggang sa Muli nating pagkikita."

Athan Millares

Ng matapos niyang mabasa iyon ay tuloy tuloy pa rin ang daloy ng luha niya. Kinuha niya ang litrato ni Athan.At hinalikan niya ito at pagkatapos ay niyakap niya habang umiiyak. Masakit dahil humantong pa sa ganito ang lahat.Pero pakakatatag siya dahil alam niyang babalik si Athan.Hihintayin niyo iyon kahit gaano pa katagal ito.

Bumukas ang pinto ng Kuwarto ni Athan at nakita niya ang Mama ni Athan.Nilapitan siya at niyakap nito.

"Iha...im sorry..hindi ko rin alam kung bakit ginawa ito ni Athan."Nagsisimula na rin umiyak ng mga oras na iyon.

"No tita..don't say sorry to me.It's not our fault.Walang may kasalanan dito. Nagmahal lang kami."Umiiyak na sabi ni Jessica."Tumayo na siya."I have to go"Dugtong niya. Sabay beso dito. At tuluyan na siyang umalis ng bahay nila Athan.

Habang nasa sasakyan siya at binabaybay ang kahabaan ng edsa.Nagpapatugtog siya at hindi niya inaasahan ang kanta na pupukaw sa kanyang damdamin.
Ng matapos ang kanta ay huminto siya at saka humagulgol. Alam niya kung gaano niya kamahal si Athan.Buong buhay niya rin ito minahal.

Dumaan ang ilang araw,linggo at naging mabuti naman ang lahat. Araw araw ding tumatawag sina Eric at Jessica para makibalita. Bigo man sila pero hindi pa rin silang nagsasawang maghintay.Hindi na rin hinanap ng pamilya ni EJ si Athan dahil ito rin ang kahilingan ng huli. Inunawa na lang nila si Athan at alam namang babalik din siya sa tamang panahon.Sana.

Isang araw ng may matanggap na tawag si EJ mula sa hindi kilalang numero sa kanyang cellphone.

2 comments:

dada said...

Hahayz....langya kah jayfinpa!!!! While reading this chapter gusto ko sana maiyak kaya lang natatawa aq s sarili ko kc iniisip ko pinatay m n si athan hahayz.... Ahahaha buzet!!!

Unknown said...

hahaha..ok lang yan..abangan mo siya ulit..kung kelan ewan...hehehe..

ShareThis