Andito na naman po ang inyong lingkod at nagbibigay pugay sa inyong lahat.
Ako ay magpapasalamat kay Dada na walang sawa sa pagkomento sa aking kwento.Salamat din pala sa mga silent readers ko.Heto na po ang kasunod.Enjoy!
*****************************************************************************************************
"Ano!!"Ang pasigaw na sabi ni EJ ng marinig niya ang pangalan ng binanggit ni DM.
"O napaano ka? Bakit kelangan mong sumigaw?"Ang pagtatakang sinabi ni DM dun sa reaksiyon ni EJ.
"Ano ka..mo...u..lit..yung..name ng girl?"Pautal utal na sabi ni EJ.
"NA-TA-SHA"Pa isa isang bigkas ni DM.
"Dito rin ba siya nagtatrabaho? San mo siya nakilala? Anong hitsura niya?"Ang mga tanong ni EJ.
"Secret walang clue.Baka kasi agawin mo eh.Saka bat ang dami mong tanong?Basta ganito na lang pag ok na ang lahat. Ipapakilala ko siya sa iyo.Ok?"Ang nasabi na lang ni DM.
"Ah eh kasi curious lang ako.Hindi mo naman kasi ito nababanggit eh."Ang tugon ni EJ.
"Nagtatanong ka ba? Basta ipapakilala din kita dun"Sabi ni DM.
"Ok"Ang matipid na sabi ni EJ.
Tumahimik na lang din siya pagkatapos nun. Hindi na niya inusisa pa si DM. Pero hindi siya mapakali sa kakaisip na sana hindi iisang Natasha ang naiisip nila.Dahil kung magkaganoon man ay hindi niya alam ang pwedeng mangyari.
Nagsimula na silang tawagin ng mga senior nurse para ibrief sila sa gagawin nila sa operating room. Since isa ang St. Lukes sa mga magagaling na hospital sa bansa hindi maitatanggi na maraming mga operasyon ang dumadaan dun. Kaya hindi sila nauubusan ng mga pasyente. Maya't maya ang dating doon.
Naunang natapos sa pag-aassist si DM at mag gagabi na rin yun ng matapos siya sa pinakahuling pasyente niya bago maghapunan. Pinuntahan niya si EJ na hanggang ngayon ay busy pa sa pag-aassist sa senior nurse kaya nauna na itong kumain dahil gutom na siya. Nagsabi na lang si DM na hihintayin siya sa canteen para doon na lang sila kumain para mabilis din silang makabalik.Tumango na lang si EJ.
Habang naglalakad sa pasilyo ng hospital papuntang canteen ay natanaw niya ang pamilyar na babae. Kaagad niya itong nilapitan.At nakompirma na si Natasha nga iyon.
"Natasha?"Nakangiting sabi ni DM.Nakatalikod kasi ng mga oras na iyon si Natasha.Humarap naman si Natasha makaraang marinig niya ang pangalan niya.
"O hi! Ano nga ulit name mo?"Nagulat na sabi ni Natasha na makita ulit ang lalaking nagpahiram ng panyo sa kanya.
"I'm DM"Sabi ni DM sabay lahad ng kamay nito para magpakilala at makipagkamay.
"Nice to meet you again."Tugon ni Natasha at sabay abot din sa kamay ni DM.
"Mag isa ka lang?"Tanong ni DM kay Natasha.
"Nope...hinihintay ko mga kaibigan ko.Nauna lang ako pero susunod din sila.Ikaw may kasama ka ba? Anong gagawin mo?"Sagot at tanong ni Natasha kay DM.
"Nope kasama ko rin ang bestfriend ko at kakain na kasi kami."Sagot naman ni DM.
"I see"Ang nasabi na lang ni Natasha. Ng biglang dumating si AJ.
"Hi Natasha sorry nalate ang dami kasing pinagawa sa akin eh"Ang inis na sabi ni AJ kay Natasha ng makita na niya ito.Natapos na rin kasi siya sa ginagawa niya kaya nauna na siya kay JM para sabayan si Natasha kumain. Itetetxt na lang nila si JM kung nasaan sila.
"Ok lang yun..hindi naman ganoon katagal akong naghintay eh."Ang tugon niya kay AJ.
"Ang who is this handsome guy?"Ang malanding sabi ni AJ ng makita niyang may kausap si Natasha.Nagulat siya kasi nakita na naman niya ang ultimate crush niya.Matagal na rin niyang gustong makilala ito pero nakalimutan na niya ang name kasi matagal na rin kasi iyon ng magkita sila.
"I'm DM"Ang bigla sabat ni DM.Sabay lahad ng kamay kay AJ.
"I'm AJ,Natasha's Bff..Nice meeting you"Ang malanding sabi ni AJ kay DM.
"Ikaw talaga AJ..naku pagpasensyahan mo na si AJ,DM.Ganyan lang talaga yan.Maharot."Ang pagpapaumanhin ni Natasha gawa ng nahiya ito sa kinilos ni AJ kay DM.
"Ano ka ba naman Natasha? Binubuko mo naman ako eh."Ang malanding sabi ni AJ.Sabay hawi ng maikling buhok niya.
"Nakakatawa ka pala AJ."Ang sabi ni DM sa kinilos ni AJ.
"Hindi naman.Slight lang!"Ang nakangiting sabi niya kay DM.Sabay kurot sa tagiliran. Nilalandi niya talaga si DM.Bigla namang dating ni JM.
"Tara na guys..gutom na ako." Ang bigla sabi ni JM ng makita niya sina AJ at Natasha.Patakbong lumapit sa kanilang kinaroonan.
"Hay naku panira ka naman ng moment oh!"Ang mahinang sabi ni AJ sa biglaang pagdating ni JM.
"Ano yun?"Ang maang maangan ni JM. Tinatanong si AJ.
"Wala!"Ang naasar na sabi ni AJ.
"Tara na nga kumain na tayo."Ang sabi ulit ni JM.
"Gusto mong sumabay sa amin?"Tanong ni Natasha kay DM. Tumingin naman sila JM at AJ para malaman ang kasagutan.
"Naku nakakahiya naman"Ang nasabi ni DM.
"Ok lang yun. Imbitahin mo na lang sumabay yung bestfriend mo!"Ang sabi ulit ni Natasha.
"Sige na please!"Ang nagmamakaawang sabi ni AJ kay DM.
"Ok cge itetetxt ko na lang siya."Ang sagot ni DM.
"Yes!"Ang biglang sigaw ni AJ.Bigla namang natawa si DM at Natasha sa sinabi nito pero si JM dedma lang.
"JM by the way this is DM."Ang pagpapakilala ni Natasha kay DM.
"Pre DM."Ang sabi ni DM sabay lahad ng kamay para makipagkamay rito.
"JM."Maikling sabi ni JM sabay abot din ng kamay kay DM.
"Tara na gutom na ako"Ang biglang sabi ni JM.
Umalis na nga sila para kumain at sa labas na lang sila kakain. Naghanap sila ng fastfood at sa Mcdonalds sila kumain. Habang kumakain silang apat ay panay pa rin ang kwentuhan nila. Si AJ halos hindi kumukurap pag nagsasalita si DM.Tinamaan siya dito. Habang si DM naman ay nagsasalita ay nakatingin naman ito kay Natasha. Si Natasha naman ay paminsan minsan tumitingin kay DM. Pero parang hindi siya interesado sa mga kwento nito. Iniisip pa rin niya si EJ.Habang si JM ay tahimik lang na nakikinig at kumakain.Binigay na rin ni Natasha ang panyo na pinangako niya.
Ng matapos si EJ dali dali siyang pumunta ng canteen para puntahan si DM.Hindi niya makita si DM. Napakunot siya ng noo. Tinext niya ito kung nasaan na siya. Lumipas ang 5 minuto wala pa ring reply. Tinatatry niyang tawagan kaso nagriring lang at hindi sinasagot. Sa buwisit niya kumain na lang siya mag isa.
Hindi niya aakalain na hindi siya hinintay nito na kumain. Naiintindihan naman niya kung nauna ito pero nagpasabi naman siya na hintayin siya. Pero bakit hindi man lang siya kinontak kung nasaan ito para namang tanga na wala pala siyang dadatnan. Ayaw na ayaw pa naman niyang kumain mag-isa.Naiinis siya sa ginawa ni DM.
Ng matapos na silang kumain nagyaya na si Natasha na bumalik sa hospital. Sarap na sarap sila sa pagkwekwentuhan lalo na si DM kasi ngayon ay nakausap na niya si Natasha ng matagal at nakasama pa.Kaya tuwang tuwa siya. Ganundin naman si AJ kasi hindi niya ineexpect na makikita niyang muli si DM. Matagal na siyang patay na patay dito. Ngayon magkatrabaho pa sila ay madalas na silang magkikita.
Habang papasok na sila sa hospital ay nagyayang magCR si Natasha sumama si AJ at sumunod din si JM. Nagpauna na si DM. Pagpasok na pagpasok niya tinawag siya ng isa sa mga senior nurse na nandoon.Kasi kanina pa may tumatawag sa phone niya.Kinuha niya ang phone niya at nakitang may 5 missed calls at 5 text messages siya. Lahat galing kay EJ.
Napahawak siya sa noo niya. Nakalimutan niyang itext si EJ dahil nasarapan siya sa kwentuhan kaya nakalimutan niya si EJ. Hinanap niya si EJ sa operating room. Hindi naman niya makita kaya dali dali siyang lumabas para hanapin ito.
Una niyang pinuntahan ang canteen.Walang EJ siyang naabutan doon. Kinakabahan siya kasi baka magalit na iyon sa kanyang pang iindyan. Laking tuwa niya ng makita niya si EJ sa pasilyo pero lumukot ang noo sa nasaksihan.
8 comments:
Mejo bitin....update n agad hehe
Ganun..maikli ba masyado ang chapter na ito? Hay cge sa mga susunod na chapter try qng mas mahaba..nagawa na kasi ang iba eh..tatry ko sa ibang chapters yung hindi pa nagagawa.
I just finished reading the story from chapter 1. I don't know pero ramdam ko ang sakit mula sa komplikasyon ng story. BTW may pinagbasehan ka ba ng character ni Athan? Hehe
Hi there..tnx for dropping by..wala akong pinaghugatan kung meron man siguro sa sariling experience na rin at sa mga nababasa ko. Kung ano ang nasa isip ko iyon lang.hehehe..
Natapos ko rin.. heheh tagal ko nang nabasa ang kwentong ito pero hanggang chapter 6 lang :) ito pala yung iniisip ko nung isang araw LOL.. Yakang yaka mo to :)
Tnx Zildjian..
ntapos q rn o.o
mbgat ung mga nkaraan, peo tong chapter na to parang laro ng taguan lng... lol kakatuwa, atleast d puro heavy drama :)
@Rue tnx..pero wag kang pakasiguro dahil nalalapit na naman ang mga heavy scene..hehehe..masyado kasi napuno ang utak q ng mga teleserye kaya ayun ang drama..pero i make it to the point na me kilig pa rin. Hirap kasing mag internalize hehehe..
Post a Comment