Wednesday, October 19, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 25 (Hirap na ako!)

Andito na naman po ang inyong lingkod at nagbibigay pugay sa inyong lahat.

Ako muna ay magpapasalamat kina Zildjian,JR,Andrian at kay Dada na walang sawa sa pagkomento sa aking kwento.At kay Anonymous na hindi nagpakilala.Sana magpakilala ka sa susunod para mabanggit yung pangalan mo dito.Salamat din pala sa mga silent readers ko.

At simula na rin po ngayon ay pagkatapos na po ng 2 araw ang paglalathala ng bawat kabanata. Pasensya na po kung pabago bago ang araw ng paglabas. Gusto ko kasi mas maging kapana panabik ang bawat kabanata ng aking akda. Para may rason din kayo kung bakit niyo kailangan abangan ang mga susunod na kabanata.

Mas lalong pinasiksik,pinasabik at pinatakam ang bawat kabanatang inyong matutunghayan sa darating na mga araw.Sana patuloy niyo pa ring subaybayan ang aking kuwento hindi lang dito maging sa BOL Tama po ang nabasa niyo ako po ay ganap na manunulat na rin po sa Bi Out Loud. Para po mas malawak po ang makabasa ng aking akda.Maraming salamat po ulit.Heto na po ang kasunod.Enjoy!
*****************************************************************************************************
Nakita niyang may kahalikan si EJ na babae. Hindi niya maintindihan kung bakit niya nararadaman ito. Pero nasasaktan siya sa nakikita niya. Imbes na puntahan ay bumalik na lang siya sa operating room baka sakaling mawala ang galit o selos na nararamdaman niya.

Habang si EJ naman ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Natasha na paghalik sa kanya na sinabayan ng mahigpit na pagkakayakap sa leeg ni EJ. Ang bilis ng pangyayari kasi papasok pa lang siya ng CR ng magkita sila ni Natasha kaya napunta sila sa pasilyo na kung saan nakatalikod si Natasha na hinahalikan si EJ. Kaya iyon ang nakitang eksena ni DM kanina.

Hindi niya maikakaila na namiss niya ang halik at yakap ni Natasha sa kanya. Ayaw na niyang matapos ang oras na iyon. Gumanti siya ng halik.Ng maramdaman niyang lalong diniinan ni Natasha ang paghalik doon siya natauhan. Bumalik sa kanya ang hirap at sakit na dulot ng pag iwan sa kanya ni Natasha.Bumitaw siya sa pagkakahalik at tinanggal niya ang pagkakayakap sa kanya ni Natasha at nagsalita.

"Ano bang ginagawa mo?"Medyo naasar na sabi ni EJ.

"Humihingi ng tawad. At gusto kong ibalik ang dati. Please EJ patawarin mo na kami.Hirap na hirap na ako"Ang sabi ni Natasha.

"Hindi pa ba sinabi sa iyo ni AJ?"Ang tanong ni EJ kay Natasha. Napakunot noo naman si Natasha at Tumingin kay AJ ng masama.

"Look..sa tingin ko hindi pa nga."Ang sabi ni EJ ng makita nagulat si AJ sa reaksiyon nito ng tumingin si Natasha sa kanya."Ako na ang magsasabi."Dugtong ni EJ.

"Sinabi ko na sa kanya na tigilan mo na ako.Marami ka pang mahahanap na iba.Masakit pati ikaw na minahal ko ng buong buhay ko ay iniwan akong nagluluksa mag isa."Ang sabi ni EJ. Napatingin sa kanya si Natasha. 

"Kung hirap na hirap ka na. Lalo naman ako. Pero natiis mo ako eh.Kaya tiniis ko rin ang sakit at hapdi ng lahat lahat ng ginawa niyo sa akin. Tama na.Wag na nating pahirapan pa ang lahat. Ok na ako. Wag niyo ng guluhin pa ang buhay ko.Masaya na ako."Mahabang sabi niya at Sabay talikod. at tuluyang umalis sa kinaroonan.

Habang naiwan na naman si Natasha na tulala. Niyakap siya ni AJ. Umiyak na ng tuluyan si Natasha kaya walang nagawa si AJ kundi ang pakalmahin ito.

"Tama na...pasensya ka na..hindi ko na nasabi sa iyo iyon.Kasi ayokong dagdagan pa ang sakit na nararamdaman mo simula ng hindi na kayo nagkikita pa ni EJ. Pasensya na friend."Ang nasabi ni AJ. Naawa na siya sa kaibigang matalik sa pagdurusang dinaranas niya simula ng mag-away sila ni EJ.

"Naiintindihan ko naman yun AJ..pero bakit ba pati ang pagsasama namin maapektuhan? Ganoon ba kalaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya para balewalain niya ako? Nahihirapan na ako. Hindi ko na kaya ito."Ang madamdaming sabi ni Natasha. Tuloy tuloy pa rin ang agos ng luha sa mata niya.

Narinig naman ni JM ang lahat lahat kaya umalis siya para hanapin si EJ. Naawa na siya kay Natasha. Aaminin niya nasasaktan pa rin siya sa tuwing nakikitang umiiyak si Natasha. Minahal din naman niya ito. Pinaubaya na niya ito kay EJ dahil alam niya na liligaya siya sa piling ni EJ. Pero hindi niya aakalain na darating ang oras na kinatatakutan niya.Hindi na niya ito papayagan pa.

"JM san ka pupunta?"Ang nasabi ni AJ ng makitang tumatakbo si JM papunta sa direksiyon ni EJ. Hindi naman siya sinagot ni JM. Tuloy tuloy pa rin ito sa paghahanap kay EJ.

Habang papunta sa operating room si EJ. Balisa siya ng mga oras na iyon. Sobrang sakit dahil naiinis siya dahil sinaktan niya si Natasha. Akala niya mapapatawad niya si Natasha sa ginawa nitong paghalik at pagyakap sa kanya pero iyon pa ang nagdulot sa kanya ng sakit na nararamdaman niya dito.

Bigla ng lang may tumapik sa kanyang likod at kaagad siyang napatingin dito. Pagkaharap niya ay biglaan ang pangyayari. Kaagad na dumapo sa mukha niya ang isang kamao at natumba siya.Nagulat ang ibang tao na naroroon at yung iba ay nagsialisan pero ang iba ay nanood para umusisa. Nagsalita si JM.

"Gago ka pala..bakit mo hinayaan si Natasha na saktan. Pati ba naman siya idadamay mo sa kasalanang ginawa mo sa pamilya mo!"Ang galit na galit na sabi ni JM.

"Tang ina mo pala JM.Bakit hindi ba ito ang gusto mo? Hindi ba't matagal mo ng gustong angkinin ulit si Natasha. Sa iyo na siya. Magsama kayo. Mga walang kwenta. Puro mga sarili niyo lang ang iniisip niyo!."Galit din niyang tugon dito.Sabay pahid ng mukha niya gamit ang braso. Tumayo ito at dire diretsong pumasok sa loob ng operating room.

Habang si JM ay natulala rin sa mga nasabi ni EJ. Nasaktan siya sa mga binitawang salita nito. Oo aaminin niya na ginusto niya ulit or pinangarap niyang maging sila ni Natasha pero kahit kailan hindi na iyon mangyayari pa kasi alam niyang si EJ pa rin ang mahal nito. Alam niyang wala na siyang pag-asa at tanging kaibigan na lang ang turing sa kanya ni Natasha.

Hindi siya makapaniwala na ganon na lang niya kung ipagtabuyan si Natasha. Pero alam niya mas malaki ang kasalanan nila kay EJ. Naiinis siya sa sarili niya dahil nagawa niyang saktan si EJ. Gusto niyang humingi ng tawad pero nahihiya siya sa nagawa kay minabuting puntahan na lang niya sina Natasha at AJ.

Ng pumasok si EJ sa loob ng operating room nabigla siya na naroon na pala si DM. Pero imbes na kausapin ito ay dumiresto siya sa lababo para maghilamos. Nakita niyang pumutok ang labi niya sa lakas ng pagkakasuntok ni JM sa kanya.Naiinis siya sa mga pangyayari ngayong araw. Sobra siyang nasasaktan dahil pinapahirapan niya ang mga kaibigan niya at pati na rin ang sarili niya. Hindi niya magawang patawarin sila sa nagawang pang iiwan sa kanya ng mga ito. Masyado pang bago ang sugat na iniwan nila.

Habang si DM ay patingin tingin sa pintuan ng operationg room.Inaabangan ang pagpasok ng mga tao.Nakita niyang bumukas ang pintuan ng operating room. Nakita niyang pumasok si EJ. Naiinis siya dito dala nga ng nakita niya kanina.Kaso biglang nag iba ang mood niya ng makitang may dugo sa mukha nito at parang may sumuntok. Lalapitan niya sana itong pero hindi siya pinansin at dumiretso sa lababo. Biglang nawala ang inis niya dito at napalitan ng awa dahil sa nakitang hitsura ni EJ.

Habang inaayos ni EJ ang sarili niya nakita niyang lalapitan na siya ni DM. Nagmadali siyang tapusin ang lahat.At dumiretso sa senior nurse na kasama niyang mag-aasist sa operation. Hindi na nakuhang makalapit pa ni DM kay EJ dahil nagmadali itong puntahan ang senior nurse. At iyon na rin ang simula ng pag aasist nila kaya hindi na niya ito inabala pa ulit. Hahantayin na lang niyang matapos ang shift nila. Isasabay na lang niya si EJ pauwi para makabawi man lang dito.

Sa kinaroonan naman nila Natasha ay naabutan pa nila si JM na papunta na sa post nila. Ng makalapit ito ay napansin nilang tulala siya. Nagtanong si AJ kay JM ng makalapit na ito sa kanila.

"Hoy JM,san ka na naman nanggaling?"Ang galit na sabi ni AJ kay JM.

"Wala..dyan lang sa tabi!"Ang inis ring sabi ni JM kay AJ.

"E ba't ganyan ka..wala ka sa sarili?"Ang usisa ni AJ.

"Wala nga sabi..ang daming tanong!"Inis pa ring sabi ni JM.

Inismiran na lang siya ni AJ. Nilapitan naman ni JM si Natasha para kamustahin ito.

"Ok ka na ba?"Tanong ni JM kay Natasha.

"Hindi"Tugon ni Natasha.

"Pagpasensyahan mo na lang si EJ. Alam kong mapapatawad niya rin tayo balang araw."Ang nasabi ni JM.

"Sana nga!"Ang nasabi na lang ni Natasha.

Tinuloy na lang nila ang kanilang mga trabaho.Hindi na lang muna sila papaapekto lalo na si Natasha na sobrang nasaktan sa mga sinabi ni EJ. 

Hahayaan ko munang magpalipas ng sama ng loob si EJ.Balang araw matututunan din niya ang patawarin kami.Ang nasa isip ni Natasha.

Yun na nga ang nangyari sa kanilang lima. Tinuloy pa rin naman nila ang trabaho nila at hindi nagpaapekto sa mga naganap kanina. Alam nilang dapat labas ang personal na mga bagay sa trabaho.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ang kanilang oras ng trabaho. Sabay na natapos sina JM,Natasha at AJ.Sabay sabay na din sila para lumabas ng hospital. Habang si EJ ay naunang natapos sa kanyang pag aassist sa senior nurse sa operation na ginagawa nila. Hindi na niya tiningnan si DM kung tapos na rin ito. Inis pa rin ito sa kanya dahil sa ginawang pang iindyan sa kanya.

Kaya dali dali siyang lumabas ng hospital para makauwi. 10:30 na ng gabi siya nakalabas ng hospital. Pagkalabas na pagkalabas niya sa hospital ay bigla may humablot sa kanyang braso na ikinagulat niya.

"Mama?"Ang kinagulat ni EJ. Ng hindi niya inaasahang bisitahin siya ng kanyang ina.

"Yes,iho ako nga!"Ang masayang bati sa kanya ng Mama niya.Nakipagbeso ito sa kanya.

"Sinorpresa mo naman ako.Bakit ka nga pala napunta dito Ma?"Ang tanong ni EJ.Sabik na rin siya sa kanyang ina dahil matagal na rin silang hindi masyadong nag-uusap.

"Meron kasi kaming conference na ginanap dito sa St. Lukes. Buti na lang naabutan kita ng papalabas ka na."Sabi ng Mama niya.

"Ah i see!"Ang tipid na sabi ni EJ.

"Kumain ka na ba?"Ang tanong ng Mama niya.

"Kanina pa po Ma.Kayo ba?"Ang sagot at tanong ni EJ sa Mama niya.

"Naku hindi pa ako nakakakain ng hapunan dala nga ng conference.Samahan mo muna akong maghanap ng resto at kumain ka na rin. "Ang sabi ng Mama niya.Tumango na lang si EJ.

Yun na nga ang ginawa ng mag ina. Naghanap sila ng restaurant malapit sa area na bukas pa. Sobrang gabi na ng mga oras na iyon at ang mga 24 hours na mga fastfood na lang ang bukas.Mas gusto kasi ng Mama niya na lutong ulam kaya naghanap sila. Buti na lang may sasakyan ang Mama niya kaya hindi sila nahirapan maghanap.

Nakahanap naman sila ng bukas pa na restaurant. Pumasok sila at nag order sila ng makakain nila. Habang hinihintay ang inorder nila ay nag usap muna ang mag ina.

"How was your first day of work iho?"Ang tanong ng Mama niya.

"Ok naman. Marami kaming inoperahan. Ok rin naman ang mga senior nurse kasi mababait sila at talaga namang inaalagan nila kami. Sinasabi naman sa amin ang dapat naming gawin at ang dapat na matutunan pa.Saka masyadong bago lahat dala nga ng matagal na akong naghahanap ng work."Ang sagot naman ni EJ.

"Ganun ba? Ok lang yan kasi nag aadjust ka pa eh. Pero later on matututunan mo rin yan"Ang pagpapalakas ng loob ng Mama niya.

"I know Ma.Thanks for supporting me!"Ang may ngiting sabi ni EJ.

"No problem.Alam mo naman ikaw na lang ang kasama ko sa buhay kaya sino pa ang magtutulungan kundi tayo lang."Ang sabi ng Mama niya.

"Wala pa kayong balita kay Kuya Athan? It's been a month na pero wala pa rin tayong balita. Ano na kaya ang lagay niya ngayon?."Ang malungkot ng sabi ni EJ makaraang maalala ang Kuya Athan niya.

"Wala pa ako balita. I tried to do everything para matunton natin si Athan.Unfortunately wala pa rin akong balita. I tried to hire an private investigator regarding this matter. Hinahantay ko pa ang report niya sa akin. Hopefully may progress na. I miss Athan na rin."Ang malungkot na sabi ng Mama niya.

"Sorry if I brought this up pa Ma.Ayoko kayong nakikitang malungkot.Andito pa naman ako.And beside baka hindi pa handa si Kuya at alam ko babalik din siya sa atin."Ang pagpapagaan na sabi ni EJ sa Mama niya.

"Sorry din anak kung ganito si Mama.Ayoko  na kasing may mawala pa sa atin.Tama na ang Papa niyo.Kaya nag aalala lang talaga ako sa kapatid mo.Sana wala talagang nangyaring masama sa kanya. Kaya ikaw EJ..Please wag mo akong iiwan."Ang madamdaming sabi ng Mama niya.Nagsisimula ng tumulo ang luha ng Mama niya.

"Definitely it won't happen Ma. Andito lang ako sa tabi mo.Hindi kita iiwan."Sabi ni EJ.Sabay tayo at niyakap ang Mama niya. Hinawakan naman ng Mama niya ang kamay nito. Nasa ganoong sitwasyon sila ng dumating ang order nila. Bumalik sa inuupuan si EJ.At sinabayan na sa pagkain ang kanyang Mama.

"Iho..i have a question?"Ang biglang sabi ng Mama niya.

"Yes..Ma ano yun?"Ang sagot ni EJ.

"Hindi ko na yata nakikita si Natasha yung girlfriend mo at yung mga barkada mo.Bakit?"Ang tanong ng Mama niya. Biglang napaubo si EJ.

"Ayos ka lang ba iho?Ito inumin mo!"Ang pag aalalang sabi ng Mama niya sabay abot ng tubig kay EJ.Ng matapos inumin ay nagsalita na ulit ang Mama niya.

"Ok ka na ba?"Ang tanong ng Mama niya na may bahid ng pag aalala.

"Yes Ma,I'm okay!"Ang nasabi na lang ni EJ.

"I'm sorry if i open that question. I think may tampuhan kayo?Tama ba ako?"Ang sabi ng Mama niya.

"Ma..i dont know. Wag na lang natin pag usapan yan"Ang medyo napakunot na sabi ni EJ.

"Alright.it's ok.Pero you know what this is just my advice. Kung hindi niyo aayusin ang gusot na meron kayo ngayon. Baka huli na bago pa mangyari yun. Sana maayos niyo pa iyan.Matagal na rin kayo sabi mo.Nakakapanghinayang lang na bigla itong masira o mawasak ng dahil sa hindi niyo pagkakaunawaan."Ang may kahulugang sabi ng Mama kasabay ng paghawak nito sa kamay ni EJ.

Ngumiti na lang si EJ sa sinabi ng Mama niya. Alam niyang tama naman ang Mama niya pero hindi pa siya handa na patawarin sila. Masyado pang masakit at sa araw araw na nakikita niya ang mga ito lalo lang siya nanggagalaiti sa mga ito. Hindi niya maintindihan kung bakit sobra siyang galit na galit sa mga ito at hindi niya mapatawad. Pinagkibit balikat na lang niya iyon.

Kumain na lang sila at minsan ay nagkwekwentuhan sa kung ano anong bagay maliban sa personal na bagay tungkol kay EJ. Ng matapos na silang kumain sa labas ng Mama niya ay umuwi na sila ng bahay. Dire diretso naman sa kuwarto niya si EJ. Sobrang napagod siya sa mga nangyari sa araw na ito. Hindi na niya napansin ang kanyang cellphone na may missed calls at text galing kay DM.Nakatulog na siya pagkadapa niya sa kama at nakalimutang magpalit ng damit sa sobrang pagod.

Kinabukasan ay maagang dumiretso si EJ sa hospital. Pinayagan na rin siyang magmaneho ng sasakyan ng Kuya Athan niya. Kaya tuwang tuwa naman ito. Maaga siyang dumating sa hospital.May isang oras pa siya bago ang oras ng trabaho niya. 2pm to 10 pm kasi ang trabaho niya. Mabuti na rin na maaga siya para walang masabi ang mga senior nurse sa kanya.At least pampaganda ng record niya. 

Dumating din si DM pagkatapos ng 30 minuto.Hindi niya pa rin ito pinansin hanggang sa magsimula na ang trabaho nila. Ganoon pa rin ang routine nila. Magkahiwalay sila sa pag aasist sa mga senior nurse. Matapos ang maraming operasyon ay pinakain na sila para sa hapunan. Umalis na lang mag isa si EJ at hindi na niya niyaya si DM. Masama pa rin ang loob niya dito.

Sa labas siya kumain para hindi na rin niya makita sina Natasha,JM at AJ. Nagpunta muna siya sa banyo para mag ayos ng sarili niya bago lumabas ng hospital para maghanap ng makakain. Nakakita naman siya ng makakainan. Pumasok siya sa loob. Umorder ng makakain. Naghahanap siya ng mauupuan ng hindi niya inaasahan ang makikita niya.

6 comments:

dada said...

WHO'S THAT POKEMON???

Unknown said...

Oo pahulaan talaga..mas matitindi na ulit ang tagpo..hehehe..salamat dada..always present!!

Zildjian said...

hihintayin ko ang susunod na update dito.. medyo hindi ko pa nakukuha ang storya slow ako ngayon. hahahah

Unknown said...

@Zildjian..ok lang..habang tumatagal lalo mo yan maiintindihan..ayokong magsalita kasi baka maspoil ko.It's for you to find out what is happening between the 5 of them.

Lawfer said...

isang malaking tampururot c ej >_>
dpat nga m2wa pa xa dhl ngpakumbba na mga katoto at irog nia peo pinirito pa dn ang pinairal nia haiz
sna c athan ung nkta nia na kahalikan c dm lol

Unknown said...

Ganun talaga..malapit muna rin naman yan matunghayan pero si Athan secret walang clue..hahaha

ShareThis