Nakita ni EJ si DM na kasama si AJ at halata mong matagal na silang magkakilala dahil nakikipaglampungan si AJ kay DM ng mga oras na iyon. Umupo sa hindi kalayuan si EJ na matatanaw niya pa rin ang dalawa.
Bakit kasama niya si AJ? Kelan pa niya nakilala ito? Siya ba ang sinasabi niyang Natasha? Yan ang mga tanong niya sa sarili niya.
So baka ang Natasha na sinasabi niya ay codename niya sa mga babae niya para hindi siya mabuko kung may iba siya. Hmmp. Magaling din pala ito si DM. Nakahinga naman ako ng maluwag akala ko pa naman ay Si Natasha na kaibigan ni AJ ang tinutukoy niya. Ang natawang sabi ni EJ sa sarili niya habang pinagmamasdan sila.
Mukhang hindi naman nakaligtas sa mata ni DM si EJ. Napansin kasi nito na may pamilyar na tao siyang nakita. Tinitingnan niya ito pero halatang umiiwas sa kanya. Pinagkibit balikat na lang niya ito kasi alam niyang umiiwas sa kanya si EJ.
Matapos ang 10 minuto ay naunang naubos ni EJ ang pagkain niya samantala ang dalawa ay hindi pa. Mukha atang hindi na sila nag uusap at panay ang tingin nila sa may labas ng fastfood. Tinitingan ang bawat taong dumaraan sa bawat pagbukas nito.
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto ng bigla siyang nanlaki dahil nakita na niyang parating sa fastfod kung saan kumakain siya sina JM at Natasha. Mabilis siyang nagtago. At ng makapasok ang dalawa ay siya namang paglabas ni EJ.
Hindi nakaiwas sa mata ni DM ang paglabas ni EJ. Tama nga siya na si EJ iyong kanina pa niya nakita. Natulala siya.Nasa harapan na niya ang dalawa ng magsalita si Natasha.
"Ok ka lang?"Ang tanong ni Natasha kay DM ng makitang tulala ito.
"Oo kasi may nakita lang akong pamilyar na mukha. Baka guni guni ko lang iyon."Ang maang mangan niya sabi. Pero hindi siya pwedeng magkamali dahil si EJ iyon.Nagtataka naman siya kung bakit hindi siya lumapit sa kanya.Siguro masama pa rin ang loob nito.Mamaya susubukan niyang kausapin si EJ para matapos na ang alitan sa pagitan nila.
Hindi rin siya mapapakali kung may kaaway siya. Bukas kais hindi na sila magkikita pa ulit ni EJ dala ng pahinga sila.At mag iiba na rin ang schedule nilang dalawa. Si DM ay mapupunta sa pediatric ward at si EJ ay mananatili pa rin sa operating room. At ang masaklap ay pang gabi si DM at Pang umaga naman si EJ. Kaya hindi na sila gaanong magkikita. Kaya naisip niya makipag ayos sa kanya tutal siya rin naman ang may kasalanan.
"Hoy nakikinig ka ba?"Ang sigaw ni AJ kay DM kasabay ng pagkaway niya rito.Doon lang nagbalik sa ulirat si DM na kanina pa pala nakatulala.
"Ha..ano yun?"Ang maang maangan niya.
"Hay naman..kung saan saan kasi lumilipad ang isip.Buti na lang guwapo ka."Asar na halong landi na sabi ni AJ. Natawa na lang sila sa kinilos ni AJ.
"Pasensya na kasi may iniisip lang ako"Ang seryoso na sabi ni DM.
"At sino naman iyon? Girlfriend mo? Ouch naman!"Ang lungkot lungkutang sabi ni AJ.
"Hindi noh"Ang mabilis na tugon ni DM."Bestfriend ko."Dugtong niya..
"Ganoon hmmpp..nakakainggit naman yang si bestfriend at iniisip mo pa siya."Ang may sarkastikong pagkakasabi ni AJ dun sa sinabi ni DM.
"Ah eh pasensya na nagkatampuhan kasi kami.Ako kasi ang may kasalanan.Remember dapat kasama ko siya kahapon kaso lang nakaligtaan ko na may kasama ako kaya hayun nagtampo sa akin."Ang mahabang paliwanag niya.
"Ah ganun ba sorry.Kami pa tuloy ang dahilan ng alitan niyo."Ang nasabi ni Natasha.
"Naku wala yun.Tampururot lang iyon.Magkakaayos din naman kami nun.Saka hindi niya ako matiits noh."Ang may yabang na sabi ni DM.Nakangiti siya at nakatingin kay Natasha ng mga oras na iyon.
"At least buti ka pa.Kami kahit matagal na kami at malalim na ang pinagsamahan namin ay kinaya niya kaming tiisin.Nakakapanghinayang lang."Ang may lungkot na sabi ni AJ.
"AJ.please wag na muna natin siya pag usapan."Ang medyo irita na sabi ni JM.
"Ok fine!"Ang mataray na sabi ni AJ.
"By the way order muna ako ng food namin ni Natasha baka kasi malate pa tayo sa work eh.Sensya na rin kasi natagalan kami dahil tinulungan ko pa si Natasha na matapos yung pagpapainom sa mga pasyente niya"Ang nasabi na lang ni JM. Kinuha niya ang order ni Natasha.
"Naku wala yun"Ang tugon naman ni DM.Parang wala lang naman kay AJ yung sinabi ni JM.
"Mabalik tayo..di ba sabi mo kanina lilipat ka na ng area? san ka na at anong schedule mo?"Ang biglang tanong ni AJ kay DM ito'y matapos umalis si JM para bumili na kakainin nila ni Natasha.
"Ah oo..sa pedia ward ako inassign. 10pm to 6am ako."Ang tugon ni DM.
"Wow!!Dun din kami at parehong pareho tayo ng schedule. Yes naman..so ikaw pala ang papalit kay JM.Kasi siya mapupunta siya sa operating room."Ang masayang sabi ni AJ.Natupad na rin ang pinapangarap niya na magkasama na sila ni DM.
"OA ka naman bes."Ang reaksiyon ni Natasha sa sinabi ni AJ.Nahiya naman siya sa kinilos ni AJ.Halatang halata kasing interested siya kay DM pero sana naman nagpakipot siya na konti.Sinabayan na lang niya ng tawa.Nakitawa na rin si DM.
"Ano ka ba siyempre natutuwa ako na at least ngayon bago na ang makakasama natin. At least hindi ko na rin makakasama yung isa diyan."Ang mlaman na sabi ni AJ. Na ikinagulat niya rin kasi nasa likod na pala niya si JM ng mga oras na iyon.
"Ay buking!"Ang nasabi bigla ni AJ.Napatakip siya ng kamay niya sa kanya bibig.
"Anong sabi mo AJ!"Ang medyong pagalit na tono ng pagtanong ni JM sa narinig kay AJ.
"Wala sabi ko ang cute mo."Ang maang maangan niyang sabi.
"Narinig ko ang lahat.Oo at least hindi na kita makakasama pa.Okay na rin akong mag isa at least hindi ko naririnig yang bunganga mo ng walang ibang sabihin kundi ang pangalan ni DM."Ang sarkastikong sabi ni JM kay AJ.At binuking pa niya si AJ. Nahiya naman si AJ ng marinig niya iyon.Tumawa silang lahat habang si AJ ay tumingin sa malayo.
"Saan ka nga pala nakaassign?"Ang tanong ni DM kay JM.
"Sa operating room ako."Ang tugon ni JM.
"Cool so makikilala mo pala ang bestfriend ko dun."Ang sabi ni DM.
"Anong oras ba siya baka hindi ko siya maabutan eh"Ang tanong ni JM.
"Pang umaga siya. 6am to 2pm siya."Ang tugon ni DM.
"Ah ok..magkasama pala kami niyan.Makikilala ko nga siya."Ang tugon ni JM.
"Ano bang pangalan ng bestfriend mo?"Ang tanong ni JM.
"EJ."Ang sabi ni DM. Nanlaki ang mata nila sa sinabi ni DM.Napatingin naman si AJ sa kanya.
"O bakit may nasabi ba akong mali?"Ang pagtatakang sabi ni DM na makita ang mga reaksiyon ng tatlo sa sinabi niya.
"Familiar kasi ang name niya sa amin. Pero baka mali lang kami.Baka marami naman sila diyan. Diyan din kasi siya nagtatrabaho eh."Ang sabi ni JM.
"Baka nga..pero makikilala mo rin siya. Mabait naman iyon."Ang nasabi na lang ni DM.
Hindi na nagtanong pa si JM kay DM.Ayaw na rin niyang pag usapan pa si EJ.Baka kasi masaktan na naman si Natasha. Inaalala niya rin kasi ito baka sariwa pa ang pakikipag cool off ni EJ kay Natasha. Hindi niya malaman kung talaga hiwalay na sila pero parang ganun nga iyon dahil sinabi ni EJ iyon sa harap ni Natasha at rinig na rinig nilang dalawa ni AJ.
Samantala si Natasha ay hindi na lang kumibo na maaring si EJ nga ang tinutukoy ni DM.Ayaw niya rin namang magtanong pa dito tungkol kay EJ baka sabihin pa nito sa kanya na interesado siyang malaman ang tunay ng pagkatao ng bestfriend niya. Habang si AJ ay tahimik sa inuupuan niya at minsan pag nagkakatinginan sila ni DM ay ngumingiti ito.Naging tahimik sila habang inuubos ang kanilang pagkain.
Wala pang 30 minutes ng natapos sila.Kaya umalis na rin sila sa kinaroonan nila para tumungo pabalik sa area nila.Tahimik pa rin silang apat ng bumalik sa kanya kanyang patutunguhan.Naguguluhan man si DM sa nangyari kung bakit natahimik silang tatlo ng malaman nila ang pangalan ng bestfriend niya.Pinagkibit balikat na lang niya ito at bago tinungo ang operating room ay nagpaalam na siya sa mga ito.
Ng makapasok si DM sa loob ay hinanap niya si EJ at nakita niyang abala na ito sa operation.Kaya mamaya ay pag uwi kailangan nilang makapag usap na.Habang si JM ay iniisip niya na si EJ nga marahil iyon kasi nakita na niya itong pumasok sa loob ng operating room nung sinugod niya ito. Kaya mamaya pag uwi niya ay kailangan mag usap na sila dahil magsasama sila sa loob ng ilang linggo. kaya naiisipan niyang puntahan ito mamaya pagkatapos ng oras ng trabaho nila.
Ganoon na nga ang nangyari, Hinahantay pareho nila DM at JM na matapos ang oras ng trabaho nila para makipag usap kay EJ. Si EJ naman ay walang kamuwang muwang sa magaganap mamaya pag uwi nila.Ganoon na nga ang nangyari ng matapos ang oras ng trabaho ay nagmamadali ang dalawa para maabutan pa nila si EJ. Kaso naunang lumabas si EJ sa kanila.
Lumabas na ng pasilyo ng hospital si EJ.Tinungo niya ang paradahan ng mga sasakyan para puntahan ang kanyang kotse.Ng buksan niya ay nabigla siya ng may tumulak sa kanya papasok ng kotse niya.
7 comments:
lol wagas ka rn pong makapambitin xD
Hahaha...sori Rue..sensya na!
ang galing ah..sino kaya un.bitin
Tnx Ross..abangan...hehehe..
si kuya athan na sana un?!ahahamiss ko na sya...sana mabilis ang post
tionso
Ahahahaha akala ko si Athan na.. paganda nang paganda ang takbo nang storya jayfinpa.. im looking forward sa susunod na chapter :)
Anong bang nakita niyo kay Athan at bakit ganun na lang ang kasabikan niyo na makita siya..Pwes dahil diyan..wala lang..tnx tionso at Zildjian
Post a Comment