Monday, October 31, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 30 (Ayan kasi!)

Andito na naman po ang inyong lingkod. Salamat po sa walang sawang pagbabasa ng aking akda. Nakakataba po ng puso ang inyong pagkokomento. Pasalamatan ko lang sila Zildjian,Ross Magno,Rue at Andrian. 

Sunod sunod na po ang mga nakakasabik na mga kaganapan dito sa "SA ISANG IGLAP". Alam ko nahihirapan na kayo sa kung ano nga ba ang kahihinatnan ng lima kong tauhan. Well matitindi na sa mga susunod. Abangan niyo po iyon. At saka malapit ko na po sabihin sa inyo kung kelan matatapos ang serye ko. Abang abang na lang po.Salamat at heto na po ang susunod. Enjoy!
*****************************************************************************************************
Unang dumating sa SM Megamall si DM sa sobrang kasi siya excited.Ng umuwi siya pagkagaling sa trabaho ay naghanda na siya ng kanyang susuotin. Gusto niya maging memorable ang date nila. Hindi nga niya alam kung paano sasabihin kay AJ na wag na ito sumama pero dahil sa takot na hindi sumipot si Natasha ay hinayaan na lang niya. Mamaya na lang sa date nila siya gagawa ng paraan para mawala sa landas nila si AJ.Ayaw niya ng may istorbo.

Magkikita sila mga 1pm pa. Pero siya dumating na ng 12nn. Hindi na siya mapakali.Halatang excited sa mangyayari mamaya sa date nila. Iniisip na nga nya ang gagawin nila mamaya. Iniisip niya rin kung paano niya mapapaalis si AJ. Hindi naman sa ayaw niya kay AJ alam naman niyang may gusto sa kanya ang tao pero hindi niya gusto si AJ. Mas gusto niya si Natasha. Nakaiisip na siya ng dahilan at gagawin nila ng hindi niya inaasahan ang dumating.

Si AJ.Hindi niya alam kung matutuwa pero bakit siya lang ang dumating at hindi niya kasama si Natasha. Siguro pinauna na lang siya ni Natasha. Yan ang mga nasa isip ngayon ni DM.Nakita niyang kumaway si AJ sa kanya.Hindi siya kumaway dito Nagkunwari siyang hindi niya nakita si AJ.Tumalikod ito at humakbang papunta sa isan store at kunyaring may hinahanap.Nakita naman ito ni AJ kaya dali dali siyang lumapit kay DM at kinalabit si DM.Humarap si DM at kunyaring nagulat.

"Hoy...kanina pa ako kumaway sa iyo hindi ka man lang nagreresponse."Ang medyo nainis na sabi ni AJ.

"Ah..sorry naman..hindi talaga kita napansin eh."Ang maang mangan na sabi ni DM.Nagkamot naman siya ng ulo niya kunyaring nahihiya.

"Ok lang an..Ikaw pa.Eh malakas ka sa akin eh."Ang malanding sabi nito kay DM.Sabay pulupot sa braso ni DM.

"Tara upo muna tayo"Ang aya ni DM kay AJ. Inalis naman ni DM ang kamay ni AJ sa braso nito.Nahihiya siya sa inasta ni AJ.Pinagtitinginan kasi sila.Umupo naman sila ng may makitang bakante upuan.

"Nasaan na pala si Natasha? Bakit hindi kayo magkasama?"Ang tanong ni DM. Tumingin naman si AJ kay DM.

"Sabi kasi niya ay mauna na muna ako."Ang sabi ni AJ.Nagkangiti ito ng sinabi niya iyon.Napakunot noo si DM sa sinabi niya.

"Ah ganun ba? Akala ko pa naman sabay kayo."Ang malungkot na sabi ni DM. Hindi naman nakaligtas ito sa paningin ni AJ.

"Ok lang yun..if ever man na hindi dumating si Natasha eh di tuloy pa rin natin.Tutal mas maganda naman atang dalawa lang eh.Mas enjoy."ang makahulugang sabi ni AJ.Napakunot noo si DM sa malaman na sinabi ni AJ ayaw niyang isipin na hindi darating si Natasha pero sa mga oras na iyon ay kinakabahan na siya hindi pa kasi nagtetext si Natasha sa kanya.

Kinuha niya nang cellphone niya at nagtext kay Natasha kung nasaan na ito. Hinihintay niya ang text ni Natasha kasi 1:30pm na at hindi pa rin ito nagrereply sa kanya.Kinabahan na siya.Si AJ naman ay halatang inip na inip na kasi siya lang ang kwento ng kwento at si DM ay tanging nakikinig lamang sa kanya at hindi siya talaga nagsasalita kundi panay ang text niya kay Natasha at maya't maya ang tiningnan niya ang kanyang cellphone.Ng biglang tumunog ang phone ni AJ.May tumatawag si Natasha. Lumayo muna siya para hindi marinig ni DM.Napakunot noo naman si DM sa inasta nito.

Ng matapos kausapin ang kausap sa cellphone ni AJ ay bumalik na siya sa kinaroroonan ni DM. Ng dumating siya sa upuan ay tinanong kaagad siya ni DM.

"Si Natasha!"Ang matipid na sabi ni AJ.

"O ano daw sabi?Asan na ba siya?"Ang tanong ni DM.

"Ah..eh.."Ang naputol na sabi ni AJ ng biglang sumabat ulit si DM.

"Nandyan na ba siya sa entrance sunduin ko na siya"Ang excited na sabi ni DM at tumayo sa upuan at akmang aalis sa kinaroonan ng pinigilan siya ni AJ.

"O bakit pinipigilan mo ako?Wala pa ba siya dun?"Ang tanong ni DM na medyong nagtataka sa inasta ni AJ.

"Hindi na siya darating.May aasikasuhin daw siya eh. Urgent daw.Kaya sinabihan na lang niya na tayo na lang daw."Ang sabi ni AJ.Nangunot si DM sa sinabi nito.

"Hindi yan totoo.Nagpromise siya na sasama sa atin kung kasama ka.Umoo siya."Ang hindi niyang makapaniwala pahayag sa sabi ni AJ.

"Hintayin natin siya. Darating siya."Ang may paninindigan ni DM.Wala namang nagawa si AJ kundi ang sumunod. Pero alam niya hindi na darating si Natasha dahil sinabihan niya si Natasha na wag ng sumama para masolo niya si DM. Kaya ganun na lang ang tuwa niya ng pagbigyan siya sa hiling niya ni Natasha.

Lumipas nag 30 minutes wala parin si Natasha.Tinext niya ito. Hindi pa rin siya nirereplayan. Gusto na niya tawagan dahil tumatagal na sila. At naiiinip na rin siya. Tatawagan niya sana si Natasha ng may nareceived siyang text galing dito. Exited niyang binasa ang text ni Natasha.Ng buksan niya ito ay nag iba ang hitsura niya ng mabasa ang nilalaman.

Natasha:Sensya na JM.I can't go w/ u ryt now.Urgent lang may emergency kasi.Sensya na.Andyan naman si AJ.Enjoy niyo na lang.

Ang nabasa ni DM sa cellphone niya.Nasira ang araw niya dahil sa ginawa ni Natasha. Hindi niya inaasahan na iindyanin siya ni Natasha.Masama ang loob nito.Tumayo siya at dali daling pumuntang ng CR ng hindi nagpapaalam kay AJ. Nabigla naman si AJ sa inasta ni DM.

Habang nasa CR siya ay hindi niya maalis ang inis at galit na nararamdaman niya ngayon lalo na kay Natasha.Naghilamos siya at habang basang basa ang mukha niya ay humarap siya sa salamin.

Kung akala mo maiisahan mo ako.Pwes nagkakamali ka.Nanalo ka ngayon pero sa susunod hinding hindi na ako patatalo sa iyo. Kung ano ang gusto ko iyon ang masusunod. Hindi ako papayag na malalamangan mo ako. Ang nasa isip ng mga oras na iyon.

Tinapos na niya ang paghihilamos. Pinuanasan niya ang mukha niya. Tiningnan niya muna ang sarili kung maayos ang lahat.ng masiguro ay lumabas siya. Ng pagkalabas niya ay nabigla siya ng may pumulupot sa kanyang braso.

"A..AJ..a..a..akala ko ay umalis ka na?"Ang nagulat at nauutal na sabi ni DM.

"Hindi noh..ano ka ba..di ba sabi ko itutuloy natin ito.Kahit na hindi natin kasama si Natasha.Tutal andito na rin tayo."Ang malanding sabi ni AJ habang nakatingin kay DM.

"Ah..eh.."Ang naputol na sabi ni DM ng biglang sumabat si AJ.

"Sige na please..sayang naman ang preparation ko.Please!"Ang nagmamakaawang sabi ni AJ. Naawa naman si DM kaya wala na rin siyang nagawa. Dahil nandoon na rin naman sila ay lulubos lubusin na rin niya.Para na rin mawala ang inis at galit niya kay Natasha.

"Ok..tara."Ang pag sang ayon ni DM. Natuwa naman si AJ.

Hinatak na ni AJ si DM halatang excited dahil at least natupad na ang pangarap niya na mapasakamay niya ang taong matagal na niyang inaasam na makasama na silang dalawa lang. Pumunta sila si sinehan ng mall at pumili ng isang love story na palabas si AJ.Wala mang magawa si DM dahil hindi siya mahilig manood ng palabas na may temang pag ibig ay wala siyang nagawa.Tutal libre naman siya ni AJ.Kaya tipid. Si AJ din ang bumili ng pop corn nila.

Pumasok na sila sa loob ng sinehan dahil magsisimula ng mga 10 minuto ang palabas. Konti langang nanood ng oras na iyon.Kaya pumili si AJ sa konti ang tao na masosolo niya si DM. Hindi na rin tumutol si DM sa gusto ni AJ. 

Naupo na sila at hinihintay ang pagsisimula ng movie. Ng magstart na ay namatay ang ilaw at dahan dahang kumakapit sa braso ni DM si AJ. Ng tuluyang makakapit kay DM si AJ ay dinikit naman niya ang katawan nito.Hindi masyadong makaconcentrate sa pinanonood si DM kaya inalis nito ang kamay ni AJ sabay lagay ng siko sa harapang upuan. Iyon ang paraan niya para maiwasan niya si AJ na dumikit sa kanya. Naiinis naman si AJ pero wala siyang magawa. Ng matapos ang palabas ay lumabas sila at hinatak na naman siya ni AJ para kumain sa isang kainan.

Ng makapunta na sila sa kainan ay nagsabi si DM na siya naman ang manlilibre ayaw na si AJ na naman ang manlilibre nakakahiya at babae pa ang nanlilibre sa kanya. Hindi na tumanggi si AJ sa makatuwid nga ay kinilig siya. Habang nag oorder si DM ay naghahanap ng mauupuan si AJ para sa kanilang dalawa. Ng makahanap ay umupo na ito. Medyo maraming nakapila kaya tinawagan naman niya si Natasha para kwentuhan ito.

"Bes alam mo effective naman ang plano natin.Kasi heto nakasama ko siya.Ang saya saya ko ngayon.Thank you talaga Bes,I owe you this one. Pag naging kami ikaw ang unang makakaalam. Natutuwa lang talaga. ako."Ang hindi mapatid na sabi ni AJ sa kausap.

"Ehem.."Ang biglang pag ubo ni DM. Nagulat naman si AJ at tinapos ang pakikipag usap kay Natasha. Kinakabahan siya baka narinig ni DM ang sinabi niya.

"Kanina ka pa ba diyan?"Ang tanong ni AJ kay DM.Umiling lang si DM.

Umupo na si DM at nilapag ang pagkain. Binigay ang pagkain kay AJ at kumain sila. Habang kumain sila ay walang imik ang dalawa. Kinakabahan si AJ ng mga oras na iyon.Kaya siya ang nabasag ng katahimikan.

"May problema ka ba DM?"Ang tanong ni AJ.Umiiling lang ito.

"Masaya ka naman ba sa date natin?"Ang tanong ulit ni AJ.Hindi umimik si DM. Kinabahan si AJ. Hinawakan ni AJ ang kamay ni DM. Napatingin naman si DM kay AJ.Masama ang tingin.Lalong kinabahan si AJ sa inasta ni DM.

"Ma..may..pro..problema ba DM?"Ang kinakabahang sabi ni AJ.Nauutal na siya.

"Anong problema ko?Ikaw..ikaw ang problema ko!"Ang medyo pagalit na sabi ni DM.

"Hindi kita maintindihan."Ang nagtatakang sabi ni AJ.

"Ha..anong akala mo mauuto mo ako.AJ.Alam kong plinano mo ito. Rinig na rinig ko ang sinabi mo sa kausap mo. Akala niyo siguro maiisahan niyo ako. Pwes nagkakamali kayo."Ang mahabang sabi ni DM.Medyo napalakas na ang boses nito at marami na ang nakakarinig ng usapan nila.

"Let me explain DM!"Ang nagmamakaawang sabi ni AJ. Nakahawak pa rin kay DM.

"Explain what?"Ang pasigaw na sabi ni DM.

"Nagawa ko lang iyon kasi mahal kita. Gusto kong mapasa akin ka."Ang walang kagatol gatol na sabi ni AJ.

"Pwes hindi mangyayari iyon."Ang sabi ni DM.

"Gagawin ko ang lahat lahat para sa iyo,DM.Just give me a chance."Ang nagmamakaawang sabi ni AJ.Inilayo na ni DM ang kamay ni AJ.

"Wag mo na akong pag aksayahan pa.Kasi iba ang gusto ko."Ang pagalit na sabi ni DM.

"Si..sino? Si Natasha ba?"Ang nauutal na sabi ni AJ.Gumagaralgal na rin ang boses niya dahil umiiyak na siya.

"Oo..siya ang gusto at hindi ikaw.Kaya pwede ba? Tigilan mo na ako!"Ang pasigaw na sabi ni DM.Tumayo ito.At nagsimulang maglakad.Hindi pa nakakalayo si DM ng magsalita si AJ.

"Wala kang mapapala kay Natasha.May boyfriend na ang tao.Kaya tumigil ka rin sa kahibangan mo."Ang mayabang na sabi ni AJ.Napahinto si DM sa sinabi ni AJ.

"Sinisiraan mo lang siya dahil siya ang pinili ko kesa sa iyo. Wala nga akong nakikitang naghahatid sa kanya. Kaya ano ba yang pinagsasabi mo?"Ang hindi naniniwalang sabi ni DM.

"May gusot lang sila kaya hindi mo nakikita ang boyfriend niya. Pero mahal na mahal ni Natasha ang boyfriend niya."Ang sabi ni AJ.Umiiyak pa rin siya.Tumingin si DM kay AJ.

"Look AJ. Kung ito ang paraan mo para hindi ko ligawan si Natasha pwes hindi ka magtatagumpay. Dahil kahit kailan hindi ako naniniwala sa sabi sabi lang ng hindi ko naririnig yan sa taong sinasabi mo. Hindi mo ako maloloko ng basta basta.Kaya tigilan mo na ako!"Ang pagbabanta ni DM.Sabay talikod at umalis sa kinaroroonan nila.

Habang si AJ at nakatulala at umiiyak hindi niya malaman ang gagawin.Dahil nahihiya na siya dahil pinagtitinginan na siya ng ibang customer na kanina pa nakikinig sa away nila. Nahihiya siya kaya tumayo siya at tumakbo palayo.

Habang si DM naman ay dire direstong tumungo sa kanyang sasakyan na nakaparada sa harap ng mall. Ng makapasok ay sinuntok niya ang manibela niya.Galit na galit siya dahil naloko siya ni AJ at kasabwat pa si Natasha.

"Shit..hindi ako papayag na hindi mapunta sa akin si Natasha. Hindi ako naniniwala kay AJ.Sira ulo siya pati ako gagaguhin pa niya. Pwes nakahanap siya ng katapat. Hindi ako papatalo. Natasha akin ka lang..Akin ka lang!!!"Ang pasigaw na sabi ni DM sabay suntok sa manibela. Ng kumalma ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan para makauwi na.

Hiyang hiya si AJ sa nangyari dahil sa kauna unahang pagkakataon ay napahiya siya. Hindi niya inaakala si DM pa ang magkakalakas na pahiyain siya. Naiinis siya sa sarili niya at galit na galit siya kay DM sa ginawa nito.Hindi niya mapatawad ito sa ginawa niya. 

Habang papalabas si AJ ay hindi ito tumitingin sa kanyang dinaraanan kaya nababangga niya ang mga tao.Ayaw kasi niyang makita siyang umiiyak ng mga tao kaya nakayuko ito.At hindi niya inaasahan ang isa sa makakabangga niya.

7 comments:

Lawfer said...

jm to the rescue! :3

xa na ba? wiw!

oa ni dm ah... “akin ka lang!” humpf! wla naman xang certificate of ownership wah..nainis 2loi aq sknia

Unknown said...

@Rue:Lalo mo pa siyang kaiinisan sa mga susunod..hahaha..

Ross Magno said...

Was it EJ to the rescue?

Parang nagulat ako d2 s chapter na ito ah. Biglang naging blurred ang katauhan ni DM. Mukhang may tendency sia na maging violent...

Ross Magno said...

May pagka possesive si DM at masyado na atang obsessed kay Natasha. Bigla akong kinabahan sa character nia at nabawasan ung paghanga ko sa kanya...medyo "dark" na ang dating...

Unknown said...

Gagawin pa nating dark ang katauhan niya sa mga susunod na kabanata..hehehe..

Anonymous said...

lahat ng chapter natatapos sa

'Hindi niya inaasahan ang makikita nya.'

'Hindi nya inaasahan ang makakabangga nya or ang nagsalita.'

haha! Peace jay.

Pero ok naman ang story so far. :)

Unknown said...

Salamat Anonymous sa pagpuna. Oo nga talagang ganon ang ginawa ko sa mga chapter ko dito. Pero sa ibang chapter iba naman. Nasanay ako sa ganun. Pero iibahin ko na ang atake ko sa susunod na series ko. Abangan mo rin yun!

ShareThis