Friday, November 11, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 34 (Ganito na lang ba lagi?)

Andito na naman po ang inyong lingkod. Salamat po sa walang sawang pagbabasa ng aking akda. Nakakataba po ng puso ang inyong pagkokomento.Salamat po sa mga tumatangkilik ng aking kwento. Eto na po ang susunod. Enjoy!
*****************************************************************************************************
Pumunta si Natasha kina AJ kahit dis oras ng gabi. Hindi siya muna umuwi sa kanila.Sinabi niya ang buong katotohanan kay AJ. Nagising si Natasha sa mahimbing na tulog para umihi. Matapos nun ay pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig dahil nauuhaw siya.Ng makarating sa sala ay naisipan niyang magbukas ng tv para manood. Pagbungad na pagbungad niya ay nabigla siya sa kanyang nabalitaan. Nasa AksiyonTV5 ang palabas.May live report:

Flash report:Isang lalaki kritikal ang lagay matapos mabangga ang kanyang sinasakyan sa kanto ng Blue Wave sa May Diosdado Macapagal Ave. Pasay City na may plaka na PWU 707. Kinilala ang biktima sa pangalang Enrique James Millares. Ang biktima ay kasalukuyang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital malapit sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente. Kung sino man ang mga nakakakilala sa biktima ay magtungo lamang sa nasabing Hospital.Kasalukuyang nakakakulong na rin ang suspek ng pigilan siya ng mga nakasaksing motirista. Isang menor de edad ang suspek na papangalanan nating "Steven". Nakainom daw ito at mabilis ang pagmamaneho kaya hindi niya napansin ang isang sasakyan sa kanyang kanan.

Nabitawan ni Natasha ang basong hawak niya ng mabasa ang balita sa TV. Napaupo siya at nag iiyak. Lumikha naman ito ng ingay at nagising si AJ. Lumapit ito sa  kinaroroonan ni Natasha.

"Anong nangyari dito? Bakit nagkabasag basag ang baso? At bakit ka umiiyak?"Ang tanong ni AJ.

"Si..Si..E..EJ..huhuhu"Ang nauutal na sabi ni Natasha. Hindi natapos ang sasabihin niya ng humagulgol siya. Lumapit si AJ sa kanya at niyakap siya.

"Shhh..tahan na yan friend..Anong ibig mong sabihin kay EJ?"Ang nagtatakang sabi ni AJ.Hinahaplos na rin niya ang likod para kumalma siya.

"Si EJ naaksidente..huhuhu.."Ang naiyayak na sabi ni Natasha. Nanlaki ang mata ni AJ.

"Friend wag kang magbiro ng ganyan..Hindi maganda!"Ang medyo naiinis na sabi ni AJ.Tinuro ni Natasha ang TV kung saan paulit ulit ng nagflaflash ang balita.Tumingin siya at nanlaki siya sa nabasa.

"Friend baka hindi si EJ yan.Baka kapangalan lang niya."Pangungumbinsi ni AJ pero kahit siya kinakabahan dahil baka nga si EJ yun.

"Para mawala yung agam agam mo. Tatawagan ko siya sa bahay nila para kamustahin.Tutal okay na kami ni EJ."Ang dugtong niya.

Tumawag siya sa bahay nila EJ. Pero walang sumasagot sa bahay nila. Kinabahan siya. Pero baka tulog na ang mga iyon. Habang si Natasha ay tumitingin sa kanya naghihintay ng kasagutan sa kanya.

"Friend walang sumasagot sa kanila eh. "Ang sabi ni AJ. Bigla humagulgol si Natasha. Lumapit siya kay Natasha at niyakap.

"Friend tahan na..hindi pa tayo sigurado. Matulog na muna tayo tapos mamaya pag gising natin ay puntahan natin sa bahay nila para makasigurado tayo."Ang pangungumbinsi ni AJ. Tumango na lang ito.Inalalayan naman siya ni AJ na pumasok ng kuwarto nila. Nahiga na sila. At tuluyan ng nakatulog.

Sa hospital. Pumunta sa Emergency room ang Mama ni EJ at si Manang Flor hinahanap si EJ. Tumawag kasi ang mga pulis na nandoon sa pinangyarihan ng krimen.

"Miss nasaan na si Enrique James Millares?"Ang tanong ng Mama ni EJ sa nurse.

"Sandali lang po icheck ko po muna sa record ko. Sino po ba sila?"Ang tanong ng nurse.

"Mama ako ng nabangga ng sasakyan.Nasaan na ba siya?"Ang pangungulit ng Mama ni EJ.

"Ah kayo po ang Mama ng naaksidente..nasa operating room po siya. Malala kasi ang natamo niyang sugat sa buong katawan. Puntahan niyo na lang po ang operating room para makibalita."Ang sabi ng Nurse. Tinuro naman niya ang daan kung saan ang operating room.

Dali dali silang pumunta sa operating room para makibalita. Naghihintay sila sa lumalabas na doctor at nurse. Nakaisang oras na sila ngunit wala pa silang balita. Maya maya ay may lumabas ulit na doctor at hindi sila nagkamali dahil iyon ang umopera sa anak niya.

"Dr. Vasquez kamusta na po ang anak?"Bakas ang pag aalala ng Mama ni EJ. Pero kahit ganoon ay kalmado naman siya.

"Doc Millares kayo pala ang Mama ng pasyente. I will tell you the truth pasensya na pero medyo malala ang tinamong sugat ng anak niyo. Masyadong malakas ang impact ng aksidente sa kanya. Nagkaroon ng pamumuo ng dugo sa ulo niya na kailangan naming tanggalin. Buti walang naapektuhang mga ugat na maging sanhi na pagiging paralisado niya. Nabali rin ang buto niya sa likod dala ng malakas ng pagkakabangga sa kanya. Hindi pa stable ang kondisyon niya hanggang ngayon. Under observation pa po siya."Ang mahabang sabi ni doctor sa Mama niya.

"Salamat po Doc. Vasquez sa impormasyon!"Ang sabi ng Mama ni EJ.

"Sige po mauuna na po ako,"Ang paalam ng doctor.

"Flor..ano bang kasalanan ko bakit sunod sunod na pagsubok ang dumadaan sa pamilya ko."Ang naiiyak na sabi ng Mama ni EJ.

"Mam..wala po kayong kasalanan..aksidente po ang nangyari."Ang pagpapatahan ni Manang Flor sa Mama ni EJ.

"Hindi ko kaya na pati ang bunso ko ay mawawala sa akin. Una ang Papa nila sumunod si Athan. Baka hindi ko na makakayanan pa ito."Ang paninisi ng Mama niya sa sarili niya.

"Mam..wag po kayong magsalita ng ganyan. Buhay pa po si Athan.At mabubuhay din si EJ. Pakatatag po tayo alang alang sa kanial."Ang naiiyak na rin na sabi ni Manang Flor. Tumagal na rin kasi siya sa pamilya nila EJ.

Nailipat na isang pribadong kuwart si EJ matapos maging stable ang kondisyon niya. Samantala kagigising lamang ni DM ng mga oras na iyon. 7am na iyon. Habang nagtitimpla ng kape dala ng hang over sa kanyang ininom kagabi dulot ng sakit ng malaman nito ang totoo sa pagitan ni Natasha at EJ. Naalala niya ito bigla. Pero maya't maya ay bumukas ang pinto ng condo niya niya dumating ang kasambahay niya. Si Manang Elsie.

"Iho buti gising ka na!"Ang bati ni Manang Elsie kay DM.

"Bakit po?"Ang sabi ni DM.

"Di ba kaibigan mo si EJ?"Ang tanong ni Manang Elsie

"Opo..Bakit po?"Ang sagot ni DM.

"Hindi ko alam kung siya yun eh.Pero naaksidente daw siya. Kritikal siya.Nasa San Juan De Dios Hospital siya ngayon. Puntahan mo nga baka kung napaano?"Ang sabi ni Manang Elsie. Biglang nabitawan ni DM ang tasa ng kape niya.

"Iho okay ka lang?"Ang tanong ni Manang Elsie ng makitang nabitawan nito ang tasa ng kape niya. Tumango lang si DM.

"Ako na ang magliligpit niyan pumasok ka na sa kuwarto mo iho para mapuntahan mo na si EJ."Ang utos ni Manang Elsie. Sinunod naman ni DM ang utos sa kanya kaya wala siya nagawa kundi ang pumasok sa kuwarto niya. Naupo siya sa kama at tulala pa rin.

"Tang ina kasalanan ko ito.kung hindi ko pinilit si Natasha hindi magkakaganito si EJ. Kasalanan ko ito..kasalanan ko ito..."Ang sabi ni DM.Umiiyak na ng mga oras na iyon. Parang ayaw niya munang puntahan ang kaibigan. Dahil alam niya siya ang sisisihin sa nangyari.

Maaga rin umalis sina AJ at Natasha para bisitahin si EJ. Ngunit pagdating nila ay kadarating lang ni Manang Flor ang kasambahay nila EJ galing ng hospital. Pagkakita ng pagkakita ni Manang Flor sa dalawa na nakatayo sa labas ng gate nila ay bumaba ito ng sasakyan at sinalubong sila.

"Manang Flor nasaan po si EJ?"Ang bungad kaagad ni Natasha.

"Ah di ba kayo ang kaibigan ni EJ?"Ang tanong ni Manang Flor sa dalawa.Tumango ang dalawa.

"Nasaan po si EJ?"Ang tanong ni AJ.

"Wag kayong mabibigla mga iha..kasi si EJ nasa hospital. Nabangga ang kanyang sinasakyan. "Ang sabi ni Manang Flor. Biglang umiyak si Natasha at napaupo sa senmento.

"Iha ok ka lang?"Ang pag aalala ni Manang Flor ng makitang napaupo sa semento si Natasha.Inaalalayan naman ito ni AJ.

"Manang doon po ba sa San Juan De Dios Hospital si EJ ngayon?"Ang tanong ni AJ.Tumango naman si Manang.

"Sige po salamat po sa impormasyon. Puntahan na lang muna namin siya."Ang sabi ni AJ.

Sumakay na ulit sila papunta ng hospital.Nagtaxi ulit sila papunta ng hospital. Tinext naman ni AJ si JM para ibalita ito sa kanya. Habang nasa sasakyan ay biglang nagsalita si Natasha.

"AJ,hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may masamang nangyari kay EJ. Kasalanan ko ito. Kasalanan ko lahat ito..."Ang sabi ni Natasha na umiiyak pa rin. Niyakap naman siya ni AJ.

"Shhh..tahan na..walang may kasalanan nito. Aksidente ang lahat. wag mo sisihin ang sarili mo. Saka walang mangyayari kay EJ. Wag kan ng umiyak friend. Naiiyak din ako."Ang pangungumbinsi ni AJ.

Hindi na muling nagsalita pa si Natasha pero bakas pa rin sa mukha nito ang sobrang pag aalala at panay pa rin ang pag iyak nito. Hanggang sa nakadating na rin sila sa hospital. Nakasalubong nila si JM na mabilis na nakarating kaysa sa kanila.Alam na rin nito ang kuwarto ni EJ. Dumiretso na sila sa loob.Kumatok sila sa kuwarto ni EJ bago pumasok.

"Tita..kamusta na po si EJ?"Ang naiyak na sabi ni Natasha sa Mama ni EJ.

"His still unconscious..pero stable na rin ang kondisyon niya. May bali ang likod niya dala ng lakas ng impact na pagkakabangga sa kanya. At may bali ang buto sa paa niya. Mabuti na lang ay naalis ang dugong namuo sa ulo nito."Ang sabi ng Mama ni EJ.

"Tita..ako ang may kasalanan sa nangyari sa kanya..kung hindi dahil sa akin hindi mangyayari ito kay EJ.Ayoko pong mawala si EJ.Mahal na mahal ko siya.."Ang umiiyak na sabi ni Natasha.

"What do you mean iha?"Ang naguguluhang sabi ng Mama ni EJ.

Kinuwento na nga lahat ni Natasha ang nangyari sa Mama ni EJ.Hindi naman nanghusga ang Mama ni EJ.

"Alam mo iha..naiintindihan kita. Kung ako rin ang sa kalagayan mo ay baka ganoon din ang gawin ko.Pero wag na nating sisihin ang mga sarili natin. Bagkus ipagdasal na lang natin na magising si EJ."Ang sabi ng Mama ni EJ. Niyakap niya si Natasha.

Yun nga ang ginawa nila. Salit salitan silang nagbabantay kay.Pero madalas si Natasha ang nandoon. Pinupunasan niya lagi si EJ. Hindi niya rin maiwasang halikan ito. Namimiss na niya ito.

"Oras na gumising ka EJ..hinding hindi na kita iiwan pa. Ikaw na ang magiging buhay ko. Kaya please gumising ka na."Ang naiiyak na sabi ni Natasha habang pinupunsan niya si EJ.

Hindi dumadalaw si DM kay EJ magmula ng mabalitaan niya ito. Nagpa assign si DM sa ibang station para hindi niya makita sina JM,Natasha at AJ. Buti na lang pumayag ang head nurse nila. Kaya napunta na siya sa ibang ward.Wala siyang mukhang ihaharap sa mga ito dahil alam niya siya ang may kasalanan.

Nagdaan na ang pasko pero wala pa ring malay si EJ. Nawawalan na ng pag asa sila lalo na si Natasha pero hindi siya umaalis sa tabi ni EJ.Sinisiguro niya na oras na dumilat ito ay siya ang makikita ni EJ. Isang araw ang hinihintay nila ay dumating na.

Natutulog ng mga oras na iyon ang Mama nila. Si JM ay nakaatang na samahan ang Mama niya tutal tapos na rin ang trabaho niya samantalang sina AJ at Natasha ay papasok palang. Nakapatong ang kamay ng Mama ni EJ sa kanang kamay ni EJ.Unti unting gumalaw ang daliri ni EJ.

"E..EJ..gising ka na!"Ang maluha luhang sabi ng Mama ni EJ ng namalayan ang pag galaw ni EJ. Nagising naman si JM na natutulog ng mga oras na iyon.Napatayo siya ng disoras at lumapit sa kama ni EJ.

"EJ, tol pinakaba ba kami..Akala naman hindi ka na magigising"Ang natutuwang sabi ni JM.Pero nangingilid ang luha ng mga oras na iyon sa sobrang tuwa.

"A..nong nangyari sa a..kin?"Ang nauutal at nahihirapang salita ni EJ. Tinatry na rin niyang umupo ngunit sadyang mahina pa siya. Pinigilan siya ng Mama niya.

"EJ,anak..wag mo ng pilitin kasi mahina ka pa.Magpahinga ka muna para bumalik yung lakas mo."Ang pag alalang sabi ng Mama nito ng piliting umupo.

"Kaya nga EJ..wag mo ng piliting umupo..mahina ka pa.Pahinga ka muna."Ang pag sang ayon din ni JM sa Mama ni EJ.

"Sige..ilang araw na ba akong hindi gumigising?"Ang tanong ni EJ.

"1 week ang 4 day na..akala nga namin matatagalan pa.Hindi mo alam kung gaano ako kasaya EJ.Akala ko mawawala ka na."Ang madamdaming sabi ng Mama niya. Lumapit naman si JM sa Mama ni EJ para pakalmahin ito.

"Ma..ok na ako..wag ka ng mag alala..sensya na ma.Kasalanan ko kasi ito.Di ba nangako ako? Hindi kita Iiwan."Ang sabi ni EJ.Medyo naluluha na siya ng makitang nahihirapan ang Mama niya sa kalagayan niya.

"Ano ba kasing nangyari?"Ang usisa ng Mama niya.

Kahit mahirap ay kinaya ni EJ na ikuwento lahat. Naiintindihan naman ng Mama niya ito. Niyakap siya nito matapos ikuwento ang kung bakit siya nabangga.

"Kaya EJ..wag mo ng gawin iyon ha..hindi solusyon yan..tingnan mo ang nagyari sa iyo.Baka hindi ko na kayanin kung pati ikaw mawala."Ang madamdaming sabi ng Mama niya.

"Pasensya na ma..hindi na po mauulit."Ang sabi ni EJ.

"Ok sige..pahinga ka na..para mabawi mo ang lakas mo."Ang sabi ng Mama niya. Inaayos nito ang paghiga ni EJ tapos hinalikan niya sa noo ang anak.

"Iho..hindi ka ba uuwi sa inyo? baka hinahanap ka na?"Ang tanong ng Mama ni EJ kay JM.

"Naku hindi po..nagpaalam na ako sa amin na hindi muna ako uuwi para samahan si EJ."Ang sagot ni JM.

"Ah ganun ba..pwede bang ikaw muna ang magbantay kay EJ..uuwi lang ako saglit."Ang paghingi ng pabor ng Mama ni EJ.

"Ok lang po yun tita.Sige po."Ang sabi ni JM.

"Salamat iho..una na ako."Ang paalam ng Mama ni EJ sabay kuha ng bag niya bago lumabas ng kuwarto ni EJ.

Ng makalabas na ang Mama ni EJ ay lumipat ito sa tabi ni EJ tinext niya rin sina AJ at Natasha para sabihin ang magandang balita. Tinitignan niya ang maamong mukha ni EJ. Namalayan na lang niya na hinahawakan nito ang kamay ni EJ. 

"Natutuwa ako dahil nagising ka na. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya akala ko hindi ka na namin makakapiling eh. Sensya na sa mga nagawa ko noon.Pero hayaan mo hindi na ako mawawala sa tabi mo. Para na kitang kapatid kaya hindi ko hahayaan na may mangyari sa iyong masama. Salamat EJ sa lahat lahat."Ang madamdaming sabi ni JM. Naluha naman ito. Bigla siyang napayuko at pinahid ang luha niya. Pagtingin niya kay EJ ay nakita niya itong nakangiti sa kanya. Nahiya naman siya dito. Kaya tumayo siya at akmang aalis ng pigilan siya ni EJ.Nakahawak pa kasi ang kamay niya kay EJ.

"Saan ka pupunta? Akala ko ba lagi kang nasa tabi ko.Tapos iiwan mo ako,"Ang nagtatampo tampuhang sabi ni EJ.Napaharap naman ito kay EJ.Ngumiti si EJ sa kanya.

"Hay pasensya na kung nagdrama lang ako.Kasi hindi pa nga tayo tuluyang nagbobonding eh ito pa ang nangyari sa iyo. Natakot lang kasi ako."Ang nahihiyang sabi ni JM.

"Tol payakap nga!"Ang paghingi ng pabor ni EJ. Hindi naman binigo ni JM si EJ.Niyakap niya ito. Ng tumagal ay hindi na naman napigilan ni JM ng umiyak.

"Tol tama na yan.Kalalaki mong tao iyak ka ng iyak.Buhay na ako. Okay na ang lahat. Salamat at lagi ka nandyan.Hindi talaga ako nagkamaling ikaw ang bestfriend ko."Ang madamdamin ding sabi ni EJ.

Bumitaw si JM sa pagkakayakap nito at nagtawanan ang magbestfriend. Hindi na nga nakatulog si EJ ng mga oras na iyon kasi sobrang namiss nila ang isa't isa.Puro kuwentuhan ang naganap at tawanan. Hanggang sa dumating ang Mama ni EJ.

"Oh mukhang nagkakasiyahan kayo ha?"Ang masayang bungad ng Mama ni EJ ng marinig ng nagtatawanan sila EJ at JM.

"Eh kasi si JM Ma pinapatawa ako."Ang sumbong na bata ni EJ sa Mama niya.

"Ako talaga ang pinahamak..ito talaga oh..kung hindi lang kita..."Ang naputol na sabi ni JM.

"Ano..ano kung hindi lang kita..ano JM?"Ang usisa ni EJ.

"Wala!"Ang sabi ni JM.

"Mahal mo kamo ako..hihihi"Ang bulong na sabi ni EJ.

"Ano yun?"Ang sabi ni JM.Narinig niya kasi ang sinabi ni EJ.

"Wala!"Ang sabi ni EJ.

"O tama na yan mga iho..kain na tayo.Nagdala ako ng pagkain baka kasi nagugutom na kayo eh."Ang sabat ng Mama ni EJ.

"Oo nga Ma..ginutom kasi ako ni JM eh."Ang sumbong ni EJ sa Mama niya.Nagtawanan naman sila. Pero tinanong muna sa doctor ni EJ kung pwede siya kumain ng kahit na ano. Tutal wala naman kompliaksyon kay EJ kaya pinayagan na siya ng kumain ng kahit na ano.

Maraming dinalang pagkain ang Mama ni EJ dala nga ng hindi sila nagcelebrate ng pasko dahil sa aksidente ni EJ.Masaya sila kasi kahit papano ay naging makabuluhan ang pasko. Hindi man sila buo pero kahit papaano ay pinilit pa rin nilang magsaya.Walang sawang kainan at kuwentuhan.Sinusubuan pa ni JM si EJ dahil mahina pa ito.

Ng matapos sila ay nagpahinga na si EJ.Napagod din kasi ito sa ginawa nilang selebrasyon. Alas 8 ng dumiretso galing sa hospital sina Natasha at AJ.Sabik na sabik silang makita si EJ. Ngunit nadatnan nilang tulog na si EJ kaya hindi na nila ito ginising pa.

Lumapit sa tabi ni EJ si Natasha. Umalis saglit ang Mama ni EJ para asikasuhin muna ang trabaho niya.Babalik siya mga tanghali.Tanghali na ng magising si EJ. Nagulat ito sa nakita niya.Hawak hawak ni Natasha ang kamay niya.Nagising si Natasha sa paggalaw ni EJ.

"EJ..buti naman gising ka na."Ang masayang sabi nito kay EJ.

"Anong ginagawa mo dito?"Ang tanong ni EJ

"Dinadalaw ka..nag alala kasi ako. Ako ang nagbabantay sa iyo araw araw. Buti naman at nagkamalay ka. Masaya ako. Hinding hindi na kita iiwan pa."Ang naluluhang sabi ni Natasha.Akmang hahalikan siya ni Natasha ng pigilan niya ito.Nagtaka naman si Natasha.

"Umalis ka rito..hindi kita kailangan!"Ang sabi ni EJ.Sabay baling ng tingin sa kabilang direksiyon.

"EJ..patawarin mo ako..Hindi ko naman alam na mangyayari iyon eh. Hindi ko lang masabi kay DM na tigilan niya ako.Dahil ikaw lang talaga ang mahal ko.At kahit kailan hindi kita ipagpapalit kahit kanino."Ang naiiyak na sabi ni Natasha.

"Umalis ka na sabi.Ayaw kong marinig ang paliwanag mo."Ang sigaw ni EJ.

"Please EJ maniwala ka sa akin..Hindi ko nanaisin na maging ganito.Mahal na mahal kita EJ."Ang sabi ni Natasha.Hinawakan ulit nito ang kamay ni EJ.Bigla bumangon si EJ kahit hirap na hirap.Tumingin ng masama kay Natasha.

"Umalis ka na sabi.Ayoko ng makita ka.Hindi kita kailangan.Hindi mo ako naririnig!!!!Ang sigaw na sabi ni EJ.

"EJ..please wag ka naman ganyan."Ang nagmamakawang sabi ni Natasha.Biglang dumating ang Mama ni EJ. Lumapit ito kay EJ.

"Umalis ka na sabi..alis!!!"Ang naghuhuramentadong sabi ni EJ. Niyakap na siya ng Mama niya. 

"Iha..I'm so sorry to say this baka pwede bumalik ka na lang muna sa ibang araw.Kami ng bahala dito."Ang sabi ng Mama ni EJ.

"Wag ka ng bumalik dito..Ayoko ng makita ka..huhuhu.."Ang naiiyak na sabi ni EJ.Sabay patong ng ulo sa dibdib ng Mama niya. Hinahagod ng kamay ng Mama ni EJ ang likod nito para kumalma. 

Wala ng nagawa pa si Natasha kundi ang umalis. Masakit dahil hindi siya pinaniwalaan ni EJ. Alam niya siyang ang dahilan kung bakit nagkaganyan si EJ. Hindi niya ito masisisi. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa at ibabalik niya ang tiwala ni EJ pati na rin ang pagmamahal nito sa kanya. Sinamahan naman siya ni AJ sa paglabas nito. Hindi na sumama si JM para at least may karamay ang Mama ni EJ sa pagbabantay.

"Ma..ayoko na siyang makita pa...Ang sakit sakit kasi buong buhay ko siya lang ang minahal ko ng ganito. Ganito ba ang igaganti niya? Sobrang sakit ma."Ang sabi ni EJ.Yakap yakap pa rin siya ng Mama niya.

"EJ..wag kang ganyan..alam mo sobrang mahal na mahal ka ni Natasha.Nakikita ko at nararamdaman ko iyon. Kaya sana mapatawad mo siya bago pa mahuli ang lahat."Ang sabi ng Mama niya.

"Hindi ko alam kung kaya ko..hindi ko alam.."Ang sabi ni EJ.Wala namang magawa si JM kasi wala siya sa posisyon. Away magkasintahan ito. Pareho niya kasi kaibigan ang nasasangkot kaya ayaw niya mamili sa dalawa. Kahit siya nahihirapan kung ano an dapat niyang gawin. Kung kakampi ba siya kay EJ o kay Natasha.Naguguluhan din siya at nahihirapan.

Lumipas ang ilang minuto ay biglang may kumatok sa kanyang kuwarto. Akala ni EJ ay si Natasha ulit kaya napakapit siya ng mahigpit sa Mama niya. At biglang bumukas ang kuwarto niya at isang hindi inaasahang bisita ang bumulaga sa kanilang lahat.

7 comments:

Lawfer said...

c athan na sna ung dumating...

grabe, makabagbag-atay ang kabanatang ito... kaya nio yan natasha at ej... mgkakaintindhan dn kau pagdating ng panahon by aiza

Ross Magno said...

Si Athan kaya ang bumisita?

Ross Magno said...

Si Athan na kaya ang dumating?

Zildjian said...

its his kuya... :D

Anonymous said...

kawawa naman si natasha
ganda next na po

Anonymous said...

waaaaaaa.... first time to comment on your blog... hehehe... after a while reading it all in just a few days... *5 days to be exact... hehehe... anyway... nice update... kahit medyo bitin paminsan... kahit ganun... maganda ng pagkakasunod... and guess ko lang kung sino yung dumating is either kuya nya o dm n nagkalakas nah ng loob after blaming it unto himself ng accident... but still gusto ko si kuya nya ng dumting para kompleto nah ng family kahit deds nah si daddy...

anyway... keep it up... and also congratzzz kasi nasa bioutloud kana... waiting for the next update...

gel... ']

Unknown said...

Salamat po sa mga comment niyo.Try ko pong sumagot sa inyong mga comment pag hindi na ako busy.

ShareThis