Sunday, November 20, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 37 (Habambuhay na Alaala)

Andito na naman po ang inyong lingkod. Salamat po sa walang sawang pagbabasa ng aking akda. Nakakataba po ng puso ang inyong pagkokomento.Salamat po sa mga tumatangkilik ng aking kwento.Ito na yata ang isa sa mga malungkot na buhay ni EJ at DM. Bakit? Basahin niyo po. 3 Chapter na lang po. Eto na po ang susunod. Enjoy!
*****************************************************************************************************
"Hello Tita? Bat po kayo napatawag?"Ang bati ni DM sa kausap sa cellphone.

"DM..ang lola mo..huhuhuhu?"Ang umiiyak na sabi ng Tita niya.

"Po..a..anong..na..nangyari kay Naynay?"Ang nauutal na sabi ni DM.Kinakabahan na siya.

"Nasa hospital siya ngayon. Inatake na naman siya sa sakit sa puso niya. Nakita ko na lang na bumulagta ulit. Hindi na bumubuti ang kalagayan niya ayon sa doctor niya."Ang naiiyak na sabi ng Tita niya. 

Biyuda na kasi ang Tita niya kaya pumayag siya ang magbantay sa lola niya. Lumipat na ang Tita niya doon sa probinsiya nila ng malaman ng hindi na maganda ang kalagayan ng Lola niya. Kapatid ito ng Mama niya. May isa pa silang kapatid na nasa ibang probinsiya kaso hindi pwedeng siya ang magbantay kasi bukod din sa may pamilya ito ay hindi maiwanan ang kanilang hanapbuhay sa kinaroroonan ng kapatid nila.

"Ganon po ba? Eh kamusta na raw ngayon ang kalagayan niya?"Ang nag aalalang sabi ni DM.

"Eto umookey na siya kaso pinayuhan na kami ng doctor na sa oras na atakehin sa puso ang lola mo hindi na ito magiging okay. Mahina na raw ang resistensiya niya. Hindi pa gaanoong kumakain laging walang gana.Lagi ka niyang hinahanap sa akin. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko."Ang naiiyak na sabi ng Tita niya.

Ang lola niya kasi ang kasama niya mula noong bata siya hanggang highschool.Lumipat lang siya ng Manila ng mag-aral siya ng Kolehiyo. Naynay ang turing niya sa lola niya sapagkat ito na ang tumayong ina sa kanya habang nagtatrabaho ang Mama niya sa ibang bansa para makatulong sa kanyang lola at pati sa pag-aaral niya. Matagal ng patay ang ama niya simula ng 5 taong gulang palang siya. Aksidenteng nabangga ang sinasakyan nito ng isang rumaragasang bus ng puntahan sila para sunduin galing sa kabilang bayan. Malungkot pero nasanay na siya.Iyon din ang rason kung bakit nangibang bansa ang Mama.

"Pasensya na po tita..nasasayangan din kasi ako sa trabaho ko dito sa Maynila. Magandang hospital pa naman ito. Pero tita pag iisipan ko po ito."Ang sabi ni DM. 

"Asahan ko yan iho. Pero sana pumayag ka na. Para sa lola mo bago man lang siya mawala sa mundo."Ang sabi ng Tita niya.

"Ok sige po.Iupdate niyo na lang po ako palagi tungkol sa kalagayan ng Naynay."Ang malungkot na sabi ni DM.

"Ok..sige."Ang paalam ng Tita niya.

Sobrang nanghina siya dahil hindi niya alam ang gagawin niya ng mga oras. Hindi niya alam kung magreresign nanghihinayang kasi mahirap ng makakuha ng trabaho sa ngayon. At saka hindi pa niya naayos ang gusot niya kay EJ. Halo halong emosyon na ang nararamdaman niya. Hindi na niya alam ang uunahin.Naguguluhan na lang siya. Kaya nahiga siya sa kama niya at hindi na pumasok sa trabaho. Nagkulong siya buong magdamag.

Hindi siya nakapasok ng dalawang araw. Ikinabahala naman ito kahit paano nilang apat lalo na ni EJ. Pero iniisip na lang ni EJ na baka may inasikaso lang ito kaya hindi siya nakapasok. Ng bumalik si DM makalipas ng dalawang araw ay malungkot ito na parang wala sa sarili. Naawa naman si EJ ng makita niya ito ganundin sina AJ,JM at Natasha.

Gusto man kausapin ni Natasha si DM kaso pinipigilan siya ni EJ na makalapit dito. Habang busy sila sa kani kanilang trabaho ay nagkaroon ng lakas ng loob si DM na kauspin si EJ.

"EJ pwede ba tayong mag usap kahit sa huling pagkakataon?"Ang pagmamakaaw ni DM.

"Pwede ba layuan mo ako. Hindi ko kailangan marinig pa ang sasabihin mo. Okay na ako. Masaya na ako."Ang hindi man lang tumitinging sabi ni EJ kay DM.Hindi naman nagpatinag si DM. Hinawakan nito ang braso ni EJ.

"Please?"Ang pagmamakaawa ni DM.

"Bitiwan mo ako. Saka naiinis ako sa sarili ko na nakilala pa kita."Sabay hila ng braso sa pagkakahawak ni DM sa kanya.At umalis. Nakita naman ito ni Natasha.Gusto man niyang kausapin si DM kaso baka magalit na naman si EJ sa kanya.

Lumipas ang ilang araw.Hindi na muling kinausap ni DM si EJ. Baka kung kulitin niya ito ay kung ano pa ang gawin nito sa kanya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang atraso niya kay EJ.

Nabigla siya ng gabing dumating si DM sa bahay nila. Walang itong sasakyang dala. Hindi niya pinapasok si DM. Nagpumilit ito kaso hindi niya talaga ito pinansin.Biglang umulan ng malakas. Kaya natuwa naman si EJ kasi alam niyang aalis na si DM dahil sa nangyari.Nakatulog na siya. Kinabukasan ay nagising ito sa sunod sunod na katok galing kay Manang Flor.

"Manang kung makakatok kayo wagas ha..parang wala ng bukas."Ang medyo naiinis na sabi ni EJ sa pagkatok ng kasambahay nila. Pupungas pungas pa ito. At humihikad.

"Sensya na iho..kasi mukhang yung bisita mo kagabi hindi umuwi? Asa labas pa rin."Ang sabi ni Manang Flor.

"Ho!!"Ang gulat na sabi ni EJ.

"Oo andun pa.Di ba umulan pa kagabi? Iyon pa rin kasi ang suot niya eh.Baka naulanan na iyon iho.Puntahan mo na siya."Ang nag aalalang sabi ni Manang Flor.

"Sige po..sige po..sandali lang magpapalit lang ako ng damit."Ang sabi ni EJ bago tumungo ng cabinet para magpalit ng pambahay kasi nakapantulog pa ito.

 Mabilis siyang nagtungo sa labas ng bahay nila. Nakita nga niya si DM. Hinarap niya ito. Medyo okay na rin sa labas iyon nga langay umambon pa rin.Nilapitan niya ito at ng makita niya ang ayos ni DM ay nanginginig ito.Wala pala itong sasakyan at payong basang basa.Naawa siya sa kalagayan nito.

 "A..anong gina..gawa mo pa rito?"Ang nauutal na sabi ni EJ.Humarap si Dm sa kanya nakatalikod pa kasi ito. Nanginging at nakapulupot ang kamay sa katawan.

"H..hi..E..EJ..Nan..di..to..ka..si..a..ko..pa..ra..hu..mi..hi..ngi..ka..pa..ta..wa..ran..mo." Ang nauutal at nanginging na sabi ni DM.

 "Umuwi ka na nga baka mapano ka pa?"Ang inis na sabi ni EJ dahil hindi niya aakalain na hindi pala ito umuwi.

"Hi.hin..di..a..ko..u..u..wi..kung..h..hin..di..mo..a..ko..pa..pa..ta..wa..rin."Ang pagtanggi ni DM. Pero halatang nanghihina at nanginginig na ng mga oras na iyon.

 "Bahala ka nga diyan?"Ang sabi ni EJ sabay talikod dito kay DM papasok na siya sa bahay ng biglang may kumalabog. Napatakbo siya kinaroroonan ni DM.

"D..DM!!!!!!"Ang sigaw niya dito. Binuhat niya ito sa likod niya at dinala sa loob ng bahay nila.

"O napano yan?"Ang nagulat na sabi ni Manang Flor ng makita niyang buhat ni EJ sa likod ang bisita niya.

"Manang Flor..magdala po kayo ng maligamgam na tubig sa kuwarto ko. At pati gamot sa lagnat. Pakidala na lang po ulit sa kuwarto ko. Salamat."Ang sabi ni EJ.

Dali dali siyang tumungo sa kuwarto niya para dalhin si DM.Ganoon din si Manang Flor na kaagad dinala sa kuwarto ni EJ ang maligamgam na tubig at gamot na pinapakuha sa kanya.

"Manang ako na po ang bahala dito. At saka paluto na lang na makakain gaya ng sopas para kay DM.Baka nalipasan din ito ng gutom."Ang sabi ni EJ kay Manang Flor.Kaagad naman sumunod ang Kasambahay,

Hinubad ni EJ ang damit ni DM. Ramdam niya ang mainit na katawan ni DM.Sobrang init nito. Kinabahan ito kasi ang putla na nito. Kung bakit naman kasi niya ito ginawa ang nasa isip ni EJ. Pero hindi niya muna sinisi ito ang importante ay gumaling si DM.Buti pareho silang walang trabaho ngayong araw.

Pagkatapos niyang pumasan ang bandang itaas ay yung sa baba naman ang pinuntirya niya.Kinumutan niya muna ito bago ibinaba.Saka siya nagpunas. Siyempre hindi siya naasiwa dahil trabaho naman nila ito bilang nurse.

Matapos na punasan ay binihisan na niya ito.Inaayos ang pagkakahiga at pumunta ng kusina para malaman kung nakahanda na ang pagkain para mapakain na niya si DM ng makainom na ito ng gamot.

Matapos makuha ang pagkain ay umakyat na siya sa kuwarto niya para pakainin si DM. Sakto naman na giniginaw ito ng madatnan niya. May dala siyang lugaw para mainitan ang katawan nito. Sinabihan niya si DM na kumain kahit konti lang.Noong una ayaw nito pero napilit din niya. Akala niya hindi ito mauubos ni DM nagkamali siya dahil naubos niya ito.Natawa siya dahil mukhang gutom din ata ito yan ang naisip ni EJ.Pagkatapos ay pinainom niya ng gamot at pinagpahinga ulit para lumakas.

Tinabihan niya si DM.Nakasandal ang likod sa headboard ng kama niya.Magkadikit sila ni DM. Tinitingnan niya si DM na mahimbing na ang pagtulog nito.Hinipo niya ang ulo nito kung may lagnat pa.Kahit paano ay bumaba na rin at hindi na rin siya giniginaw.

Habang pinagmamasdan ay natuwa siya sa nakikita niya.Napakaamo ng mukha ni DM parang sanggol na mahimbing ang pagkakatulog. Hindi niya maiwasan na hawakan ang mukha nito ng palad niya. Gumalaw si DM ng konti kaya kinabahan siya. Maya maya ay nilapag nito ang ulo ni DM sa binti nito at niyakap sa likod si DM sa hindi malamang dahilan. Hanggang sa nakatulog siya.

Nagising siya wala na si DM sa tabi nito bandang hapon na siya nagising. Pagbaling niya sa kaliwang bahagi ng kama niya ay nagulat ito ng nakaupo ito sa gilid ng kama at nakapatong ang kamay sa baba at tinitingnan siya. Bigla siyang nahiya kaya humiga siya patalikod dito.

"Buti naman ayos ka na."Ang sabi ni EJ.Nakatalikod siya.

"Salamat sa pag aalaga mo.Galing kasi ng nurse ko."Ang pambobola ni DM.Lihim na napangiti si EJ. Pero saglit lang baka makahalata si DM.

"So okay ka na pala..so pwede ka ng umuwi."Ang malamig na sabi ni EJ.Hindi umimik si DM.Bagkus tumabi ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Salamat sa pagpapatawad. Hinding hindi na kita sasaktan pa."Ang sabi ni DM.

"Bakit porke't ba inalagaan kita ay okay na tayo.Na pinapatawad na kita. Sino bang nagsabi? Kung hindi ka nakita ni Manang hindi kita aalagaan.Nagmalasakit lang ako.Hindi ibig sabihin okay na tayo."Ang malamig na sabi ni EJ.

"Ga..ganun..ba.akala ko kasi.."Ang naputol na sabi ni DM ng sumabat si EJ.

"Marami talagang namamatay sa akala. So pwedeng umuwi ka na at bitawan mo na ako."Ang sabi ni EJ.

"Hindi!!hindi ako aalis hangga't hindi mo ako pinapatawad. Dito lang ako."Ang giit na sabi ni DM.Hinigpitan pa lalo ni DM ang pagkakayakap niya kay EJ.

"Pwes..ako ang aalis."Ang sabi ni EJ. Akmang tatanggalin ang kamay ni DM ng pinaharap siya nito.Nagulat siya.

"Anong problema mo?"Ang galit na sabi ni EJ.

"EJ patawarin mo na ako. Hindi ko sinasadya. Pinapaubaya ko na sa iyo si Natasha. Hindi ko naman siya aangkinin. Kaya please patawarin mo na ako."Ang nagmamakaawang sabi ni DM. Hindi umimik si EJ. Naawa na ito kay DM.

"Hahalikan kita pag hindi mo pa ako pinatawad."Ang pagbabanta ni DM. Kasabay nito ay ang unting unting paglapit ng mukha ni DM kay EJ. Kinabahan si EJ. Kaya napapikit ito pero since hindi pa siya nahahalikan ng sino mang lalaki sa tanang buhay niya kaya wala siyang nagawa kundi ang patawarin ito.

"Oo..pinapatawad na kita!"Ang mabilisang sigaw niya.Hindi naman sumagot si DM. Kaya minulat niya ang mata niya para makita ang reaksiyon nito.Pagkabuka na pagkabuka ay nakangiti ito sa kanya. Bigla naman siyang nakaramdam ng ginhawa akala kasi niya ay hahalikan siya ni DM.

"Talaga?"Ang hindi makapaniwalang sabi ni DM. Tumango naman si EJ at ngumiti tanda na pinapatawad na niya si DM.Sobrang saya ni EJ ng mga oras na iyon.Lalo pa ng makita niyang kasama niya ulit si DM.Hindi niya alam kung bakit napakasaya niya sa tuwing kasama niya ito. Ibayong pakiramdam na ngayon lang niya naramdaman.

Sobrang tuwa naman ni DM ng mga oras na iyon dahil napatawad na siya.At least nabunutan na siya ng isang tinik sa dibdib niya.At least okey na sila.Masaya siya na kasama niya si EJ. Heto na naman ang nararamdaman niya.Bakit ba sa tuwing kasama niya si EJ ay iba ang pakiramdam niya. Mas lalong gumagaan ang araw. Hindi niya maipaliwanag. Kaya sa sobrang tuwa niya ay nahalikan niya si EJ. Medyo tumagal.

Nagulat si EJ dahil unang halik niya iyon sa isang lalaki. Aminado siyang nagustuhan niya ang halik ni DM kasi sobrang lambot ng labi nito. Si DM naman ay hindi alam ang gagawin kung bibitaw ba o tatagalan niya.Nasarapan kasi siya sa labi ni EJ.Ngayon lang niya sasabihin sa sarili niya na iba ang labi ni EJ sa labi ng mga nahalikan niya. Kumabog pareho ang dibdib nila.

Unang bumitaw si EJ at sabay tumalikod. Namula siya. Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Hanggang sa nagsalita na si DM.

"Sorry..hindi ko sinasadya..Nadala lang ako sa sobrang tuwa. "Ang pagpapaumanhin ni DM.

"Wa..la i..yon..o..ok..lang sa akin."Ang nauutal na sabi ni EJ.Natawa naman si DM.Kaya napaharap si EJ sa kanya na nakunot ang noo.

"Bakit ka tumatawa?"Ang sabi ni EJ.

"Kasi nauutal ka..siguro nasarapan ka noh!"Ang pang aalaska ni DM.

"Gago..baka ikaw iyon."Ang depensa naman ni EJ.Nagtawanan sila.

"Oo nasarapan ako."Sabay pa nilang sabi.Nagtawanan ulit sila.

Sobrang tuwa nila ng mga sandaling iyon. Nakalimutan nila ang kanilang tampuhan. Bumalik na dati kahit papaano ang kanilang samahan. 

Nagkwentuhan pa sila ni DM.Sinulit ang araw na walang trabaho sila kahit na magkikita pa naman sila bukas. Ganoon kasi sila hangga't may oras pang natitira ay susulitin nila.Doon na rin kumain si DM ng hapunan hanggang sa nagpaalam na si DM kasi tatawag pa raw ng madaling araw ang Mama niya. Hinatid na ni EJ si DM sa condo nito. Kahit ayaw ni DM nagpumilit si EJ kaya walang nagawa si DM.Ng gabi ding iyon ay tumawag ang Mama niya para kausapin siya.

"Ma..kamusta ka na diyan?"Ang bati ni DM.

"Ok naman anak..pero anak balita ko ang Lola mo may sakit daw at lagi kang hinahanap.Nag aalala ako sa kalagayan niya.Baka naman pwede mong pagbigyan."Ang sabi ng Mama niya.

"Ma sa totoo lang masaya na ako dito.Ang hirap kasi ng walang trabaho sayang din kasi ang experience na makukuha ko dahil sikat itong hospital na napasukan ko."Ang panghihinayang ni DM.

"Anak naiintindihan ko.Pero sana man lang kahit sa huli pagkakataon bago man bawian ang lola mo na siyang nag aruga sa iyo pakita mo naman na importante siya sa iyo. Lola mo siya at siya lang ang natitirang pamilya natin sana hindi mo ako biguin."Ang nagsusumamo ng Mama niya.

"Ma..pag isipan ko po."Ang sabi ni DM.

"Okay sabihan mo ako kaagad kung anong napagdesisyunan mo.Pero sana pumayag ka na."Ang sabi ng Mama niya.

Matagal pa sila nag usap.Nilubos lubos ni DM ang pakikipag usap niya sa Mama niya.Isang beses sa isang linggo lang kasi silang nakakapag usap gawa ng may trabaho pareho sila.Ng matapos ang kanilang pag uusap ay nag isip isip ito ng malalim. Pero buo na ang desisyon niya tutal okay na rin naman siya ngayon intindihin naman niya ang pamilya niya.

Kinabukasan ay masaya siya pumasok sa trabaho. Hindi niya pinapakita sa iba na may problema siyang dinadala.Maaga siyang pumasok at sabay pa silang pumasok ni EJ sa hospital. Magkaakbay pa silang tumungo sa kanilang working station.

"Aba'y mukhang okay na sila."Ang pagpansin ni AJ kina DM at EJ na sabay pumasok at magkaakbay pa.

"Oo..napilit ko eh."Ang mayabang na sabi ni DM.Siniko naman si EJ.Natawa naman si DM.

"Joke lang"Ang dugtong niya.

"Okay yan at least wala na tayong problema lahat.Tapos na ang sigalot. Happy na ang lahat."Ang masayang sabi ni AJ.

"Oo nga eh..sakay AJ pasensya ka na dun sa mga nasabi ko dati sa iyo ha."Ang pagpapaumanhin ni DM.

"Naku wala iyon.Past is past.Move on na.Masaya na ako."Ang sabi ni AJ.Sabay kaway kay JM ng dumating ito. Kumaway din naman si JM.Napatingin sila EJ at DM sa kinakawayan ni AJ.

"Ah ok..kaya pala masaya ka..nahanap mo na rin.hehehe"Ang natatawang sabi ni DM.

"Oo siya lang pala ang taong hinahanap ko.Kung kani kanino pa ako tumingin eh."Ang malanding sabi ni AJ.Sabay lapit kay JM at pulupot sa braso ni JM.Nahiya naman si JM sa inasta ni AJ pero natuwa siya kasi mukhang malapit na niyang makuha ang matamis na OO na AJ.

Naging masaya naman silang lima.Sinabi na rin ni DM kay JM at Natasha ang pagbabati nila EJ. Mamaya ay magcecelebrate sila ng pagbabati nila EJ at DM.

Pero hindi rin maiiwasan na hindi malungkot si DM kasi ito na ang huli araw na kasama niya sila kasi magpapasa na siya ng resignation effective today dala ng palala ng palala ang sakit ng lola niya. Tumawag din kanina ang Tita niya at tinatanong kung kailan siya uuwi kasi panay na ang hanap ng lola niya.

Habang busy silang lahat ay pinasa ni DM sa head nurse nila ang resignation letter niya. Masakit man pero kailangan niyang gawin alang alang sa lola niya. Malulungkot siya dahil napamahal ng sila Natasha,AJ,JM at lalo ni si EJ.Kaya nanghihinayang siya na hindi siya nakapagbonding sa kanila ng matagal. Pero ganoon talaga.

Pumunta sila sa isang restaurant para umorder na makakain. Picturan at walang humpay na kwentuhan hanggang sa mapagdesisyunan na nilang umuwi. Yayayain sana ni DM si EJ na magbonding pa sila ngunit umayaw si EJ dahil napagod siya at ihahatid pa niya si Natasha. Hindi na rin niya napilit pa ito.Nagtampo siya pero ganoon talaga KAIBIGAN lang siya at may nobya ang tao.

Kinabukasan naghanda na si DM. Hinahanda na niya ang kanyang mga dadalhin.Hindi niya alam kung gaano siya katagal pero parang halos lahat ng laman ng kabinet niya ay kinuha niya naninigurado lang. Kailangan pa niyang papirmahan din ang dapat papirmahan bago siya umalis papunta ng probinsiya nila.

Hapon ng pumunta si DM sa hospital tamang tama na iyon para makaiwas kina EJ. Pumasok na siya sa loob ng chief nurse kasi iyon pinakuling taong pipirma ng resignation niya. Nagulat siya paglabas sa pasilyo ng opisina ng chief nurse ay nakita siya ni EJ.

"Bakit hindi mo sinabing nagresign ka na?"Ang galit na sabi ni EJ.

"Ah eh..sorry na kailangan ko kasi. Ang lola ko inatake sa puso walang magbabantay at lagi akong hinahanap. Hindi ko mahindian."Ang paliwang ni DM.

"Kaya ba pinipilit mo akong sumama kahapon dahil gusto mo akong makasama?"Ang sabi nito.Tumango lang ito.

"Tara!"Ang pag aya ni EJ .Hinatak niya ang braso ni DM palabas.

"San tayo pupunta?"Ang nagtatakang sabi ni EJ.

"Basta..ang importante ay magkasama tayo at bubuo ng masasayang alaalang babaunin mo."Ang nakangiting sabi ni EJ ng humarap siya kay DM.Ngumiti si DM at medyo naluluha kasi hindi niya inaasahan na magiging ganito si EJ.

Sumakay sila sa sasakyan ni DM. Para makadiresto na siya sa pagpunta sa probinsiya nila Hapon na rin at malapit ng manggabi. Tinahak nila ang daan papuntang San Miguel by the bay.

Mga isa't kalahating oras ang biyahe nila.Tamang tama lang iyon para sa sorpresang naiisip ni EJ. Pinark na niya ang sasakyan sa di kalayuan sa pupuntahan nila. Nagtataka man kung anong gagawin nila ay pinagkibit balikat na lang ni DM kasi ang importante ay kasama niya si EJ bago sila magkahiwalay.

Bumili ng pagkain si EJ. Hotdog,chichirya at coke in can. Pumunta sila sa bandang bay. Humarap sila sa dagat at umupo sa sementong bakod na humaharang sa hampas ng alon. Doon sila sa medyo konti ang tao baka kasi paalisin sila ng security guard.

Kinakain nila ang binili nila habang pinagmamasdan ang hampas ng alon at at simoy ng hangin. Sarap sa pakiramdam lalo na kung kasama mo ang taong laging nagpapasaya sa iyo.

"Masaya ka ba?"Ang sabi ni EJ.Nakatingin sa dagat.

"Oo lalo na kasama ko ang taong nagdudulot ng kasiyahan sa akin."Ang nakangiting sabi ni DM.Nakatingin din ito sa dagat.Napatingin si EJ sa kanya pero saglit lang at bumaling ulit sa dagat.

"Ako rin. Masaya kasi hindi ko alam na pareho pala tayo ng nararamdaman sa tuwing magkasama tayo. Parang laging magaan parang walang problema. "Ang nakangiting sabi ni EJ.Pero nakatingin pa rin sa dagat.

"Kung pwede lang tumigil ang oras ginawa ko na.Gusto ko kasing sulitin ito hangga't nandito pa tayo. Pero mukhang matatapos na eh. Gaya ng paglubog ng araw."Ang sabi ni DM.

"Lulubog man iyon pero alam natin gaya ng araw ay may isang magandang bukas ang naghihintay sa atin."Ang sabi ni EJ.

Hinawakan ni DM ang kamay ni EJ. Hindi naman ito tumutol sa ginawa ni DM bagkus nilagay ni EJ ang mga daliri sa pagitan ng mga daliri ni DM. Masaya kasi sa wakas nasabi na rin nila ang nararamdaman nila ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana kung kailan okay na sila saka kukunin ang kakapiranggot na kasiyahan na nagdudulot sa kanila ng ibayong saya sa araw araw. 

"Basta tandaan mo lagi lang akong nandito. FB, text or tawag para laging tayong magkausap at para hindi din tayo malungkot. "Ang sabi ni EJ.

"Oo gagawin ko iyon. Salamat sa lahat. Hinding hindi ko ito makakalimutan Ito na ang pinakamasayang araw ng buhay ko."Ang madamdaming sabi ni DM.

"Ako rin.Salamat dumating ka sa buhay ko."Ang sabi ni EJ.

Pinagmasdan nila ang araw hanggang sa unti unting lumubog ito. Habang papalubog ito ay unti unti nilang sinasariwa ang lahat ng masasayang araw na laging silang magkasama. Huli man pero alam nila hindi pa natatapos ang buhay sa kanilang paghihiwalay. 

Alam nilang balang araw magkakasama ulit sila kaya kahit ganito man ang nangyari ay nagkaroon pa rin silang ng pag-asa na sa muli nilang pagkikita pwedeng may may mabago o pwede rin wala. Bahala na. Basta ang importante ay baon nila ang isang hindi malilimutang alaala na kailanman ay mananatiling sa kaibuturan ng kanilang puso't isipan.

Bumalik na sila sa sasakyan. Hindi na sumabay si EJ kay DM. Bago sumakay si DM ay isang mahigpit na yakap ang ginawa nila. Yakap na magpapawi sa kanilang panghihinayang. Yakap na kanilang babauning alaala hanggang sa magkita sila ulit. Walang salitaang namagitan sa kanila sapat na iyon para masabi nila ang kanilang saloobin.

At matapos ang yakapan ay siniil ng halik ni EJ si DM. Ginantihan naman ito ni DM. Wala silang pakialam kung may makakita sa kanila. Ang importante ay maparamdam nila kung ano ang halaga nila sa isa't isa. Hanggang sa di nila namalayan na unti unting tumutulo ang kanilang mga luha tanda na natutuwa sila sa nangyayari sa kanila. Masaya na masakit pero mukhang hanggang dito na lang.Wala pa ring nagsasalita.

Matapos ang matagal na halikan ay pumasok na si DM na walang salitaan at sinumulang paandarin ang kanyang kotse. Habang si EJ naman ay pinapanood ang pag alis ng sasakyan ni DM hanggang sa unti unting naglaho ang sasakyan nito. Iyon ang huling pagkakataon nilang sila ay magkasama. Sisimulan nilang ang bukas ng bagong kabanata ng kanilang buhay.

10 comments:

Ross Magno said...

Sobrang nalungkot naman ako sa Chapter na to...

Pero kung meant for each other talaga sila pa rin sa huli...destiny...fate...

Pero sabi nila ang love daw ay hindi destiny it is a choice...It happens when two souls are brave enough to make a decision...to spend their lives together...

Pero kung sila nga ang magkatuluyan sa huli...Paano na si Natasha?

It is true that no matter what we do...whatever decision we choose to make...we cannot please everybody and sometimes we end up hurting someone.

In love there is no right or wrong.
But to make it sensible... ironically, we should follow what our heart says... Love has no reasons because it is beyond reason...If you have a reason/reasons to love a person, then it is just a superficial love.

I hope EJ will make the decision not based on what is morally right or acceptable but based on what is his heart telling him...

MAr said...

Aww...sana magkita ulit sila and walang magbabago. Sana sila pa rin ang magkatuluyan. Next chapter na!! Hahaha!! Excited na akong malaman kung anong mangyayari sa love story nila :D

Unknown said...

May tama ka Ross. Pinapangunahan din kasi natin minsan ang dapat mangyari. Hindi na kasi tayo mapakali. Kaya minsan wrong decision din ang minsan ang maagap ka sa hinaharap.

Kaya abangan ang napipinto pagtatapos ng aking series. Sana po wag kayong bumitaw sa aking akda. Salamat ng maraming.

Lawfer said...

aii ending nb to? bt parang bitin? o.o

anyway, gnun tlaga mglaro ang kpalaran, mlungkot man peo tgnan nlang ntin ung positibo..atleast ok na cla bgo mghwlay :)

Lawfer said...

ay d pa pla xD
d kc aq ngbbsa ng coments lol

Unknown said...

Don't worry Rue. Basta kung ano ang iniisip niyo ay yun din ang iniisip ko..Hehehe.Sana magustuhan niyo ang ending niya.

Anonymous said...

Ang lungkot naman ng chapter na to.. What a way to start a day.. Haha! Just hoping that they will find their true love.
-icy-

Unknown said...

@icy:Sensya na...umuulan pa naman.Sumasabay sa emotion nila EJ at DM. Pero abang abang pa rin po sa magiging ending. Tnx

Ross Magno said...

talagang goodbye na nga ba?

True love always find a way...no matter how hard it is.

Unless the two persons involve choses otherwise...

Unknown said...

@Ross yan ang abangan mo. Kung good na or bye na.hehehe..

ShareThis