Wednesday, November 23, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 38 (Bagong Simula)

Andito na naman po ang inyong lingkod. Salamat po sa walang sawang pagbabasa ng aking akda. Nakakataba po ng puso ang inyong pagkokomento. Salamat po sa mga tumatangkilik ng aking kwento lalo na kina Rue, Mar, Ross Magno, Andrian (Ayan po ha wag na pong magtampo), Ako_si_3rd (na author ng HILING), Migs (na author ng Breaking Boundaries) at sa mga Anonymous. Pati na rin sa aking mga silent reader. Maraming maraming salamat po ulit.

Marami pang mangyayaring kagulat gulat sa pagtatapos ng aking akda. Last 2 Chapter na lang po. Eto na po ang susunod. Enjoy!
*****************************************************************************************************
*Makalipas ang isang linggo*

Nakarating naman si DM ng matiwasay sa bahay ng lola niya sa Isabela. Medyo malayo ito sa kabihasnan. Pero mas makakabuti na rin ito para sa kalagayan ng lola niya kasi sariwa ng hanging hindi katulad ng Manila.Sa una naninibago siya dala nga nasanay na siya sa lugar na maingay. Hindi tulad sa bahay ng lola niya ay may isang pagitan sa bawat bahay sa lugar nila. Malaki naman ang bahay nila sa probinsiya ito nga ang isa sa mga magaganda ang bahay doon dala nga ng Mama niya ang nagpaayos nito.

Typical na probinsya ito kasi umagang umaga ay gising na ang mga kapitbahay. Nagkwekwentuhan, naglilinis at ang mga bata naman ay pumapasok na sa eskwelahan. Meron kasing elementary school na hindi kalayuan sa bahay nila. Pinagmamasdan niya ang mga batang nagsisipagpuntahan na sa kanilang eskwelahan. May plaza rin na malapit doon sa eskwelahan na pwede niyang pagbasketbolan. Kaso mayroon din sa bahay nila at ito ay nasa likod ng bahay kaya hindi siya masyadong lumalabas.

Habang nakadungaw sa terrace ng bahay na katapat mismo ng kalsada ay tanaw niya ang mga taong abala sa mga buhay buhay nila. May isang nakapukaw ng atensiyon niya. Hindi naman kasi malayo ang gate sa kalsada kaya naririnig niya mula sa 2nd floor nila ang mga sinasabi ng mga ito.

"JR ba't di mo naman ako hinintay?"Ang hingal na hingal na sabi ng bata ng maabutan niya ang isa niyang kaibigan.

"Ang tagal mo kasi eh."Ang inis nitong sabi.

"Daya sabi mo walang iwanan."Ang tampo tampuhang sabi ng unang bata.

"Sige na nga..tara na sabay na tayo."Ang nakangiting sabi ng huli.Sabay akbay nito sa kaibigan at nakita niyang umakbay din ang una. Nagkatinginan pa nga sila at nagngitian.Naalala niya tuloy si EJ.

Kamusta na kayo ito? Ano na kaya ang ginawa niya? Hinahanap niya kaya ako? Yan ang mga nasa isip ni DM. Hindi pa kasi ito nakakatawag o nakakapagFacebook dahil hindi pa iyon ganap na sibilisado. Walang internet shop doon at walang kable ng telepono ang magkakabit sa kanila kaya hindi niya magawa iyon. Mahina pa ang signal sa kanila kaya hindi siya makatawag sa Mama niya.Dapat pupunta pa sila sa bayan para makasagap ng magandang signal at makapaginternet.Yan ang namimiss niya. Nakakabagot at wala siyang interes na lumabas kasi ang lola niya ang inaalala niya.

"Iho..gising na ang lola mo!"Ang pagkatok ng tita niya sa kuwarto niya.

"Andyan na po.Baba na po."Ang pasigaw na sabi ni DM. Siya kasi ang hinahanap nito paggising ng lola niya. Namimiss kasi siya nito. At hindi na rin ito ganoon kasigla.Pero nakakatayo pa rin pero kelangan ng alalay.Buti na lang andyan ang Tita niya at mga anak nito. Dalawang babae at isang lalaki.Pareho mga bata pa ang pinsan niya kaya ito rin ang mga kalaro niya pag nababagot siya.

"Naynay..musta na?"Ang bati ni DM sa lola niya pagkapasok niya sa kuwarto nito.

"Okay naman ako apo..ang laki mo na talaga..namiss kita. Sensya na ha. Kung naabala kita. Gusto ko lang naman kasi makapiling ka bago man lang ako bawian ng buhay."Ang madamdaming sabi ng lola niya. Kasalukuyang nakaupo ito sa kama niya.

"Naynay wag nga kayong magsalita ng ganyan.Gagaling kayo kaya nga nandito ako. Di ba nurse ako? Aalagaan ko kayo."Ang sabi nito at niyakap ang lola niya.

"Ikaw talaga apo!"Ang masayang sabi nito sa apo.Niyakap din niya ito. 

"O tama na nga yan..kumain na muna tayo.Nakahanda na ang pagkain."Ang sabi ng Tita niya ng makitang nagdadramahan ang maglola.

Inalalayan naman ni DM ang lola niya papunta sa kusina para kumain. Siya na rin ang nagsusubo dito kahit na kaya pa naman ng lola niya. Hands on siya sa lahat. Natutuwa naman ang lola niya at Tita niya kasi kahit papaano ay sumisigla ang kalagayan ng lola niya. May hatid na kung ano si DM kaya parang ang gaan gaan ng buhay nilang lahat.

Habang si EJ naman ay hindi niya maintindihan kung bakit malungkot siya sa pag-alis ni DM kahit naman na alam niyang babalik ito iyon nga lang ay hindi niya alam kung kailan. Namiss niya masyado ito kung kailan kasi okay na ang lahat ay siya namang alis nito so hindi sila ganoon nagkasama ng matagal. Kaya parang kulang ang sandali ng pagsasama. Panghihinayang ang nararamdaman ngayon ni EJ na hindi nakalampas sa mapanuring mata ni AJ.

"Hey EJ..o ba't ganyan yung mukha mo? Biyernes santo..hay hayaan mo na iyon.Babalik din naman si DM."Ang pangungumbinsi ni AJ kay EJ.

"Ha...indi naman siya ang dahilan kung bakit ako malungkot eh."Ang maang maangan ni EJ.

"Hay naku ako pa ang niloko mo. Nagkaganyan ka simula ng umalis si DM. Hay naku EJ.Para tuloy may.."Ang biglang naputol na sabi ni AJ ng biglang sumabat si EJ.

"Ang kulit mo..basta hindi nga siyang ang dahilan.Ok!"Ang inis na sabi nito kay EJ sabay tayo sa kinauupuan at umalis.

"O napaano iyon?"Ang pagpuna ni Natasha ng makitang nakabusangot ang mukha ni EJ ng umalis.

"Ah eh..inaasar ko lang kasi lungkot lungkutan mode ang jowa mo.Para kasing may something sa kanila ni DM."Ang sabi AJ. Natatawa pa ito.

"Wag ka nga ganyan.Hindi siya katulad ng Kuya niya pwede ba."Ang inis na sabi ni Natasha sa pagpuna ni AJ sa kinikilos ni EJ.

"Naku ikaw naman sineryoso mo bes.Joke lang iyon."Ang sabi ni AJ.

"Basta wag mo na lang uulitin iyon"Ang tugon ni Natasha.

"Ok promise"Ang malanding sabi ni AJ.Sabay taas ng kamay na nanunumpa.Natawa naman silang dalawa.

Bumalik na rin sila ng trabaho nila. Natapos ang trabaho nila EJ at mga kaibigan nito. Nagsorry din si AJ sa sinabi nito kay EJ. Buti naman at hindi naman nagtampo sa kanya si EJ. 

Ganyan lagi ang routine nila EJ at DM. Si EJ papasok na parang kulang ang araw na hindi nag iisip ng malalim sa isang sulok. At si DM naman ay abala sa kanyang lola. 

Dumaan ang mga linggo.Isa,dalawa at tatlong buwan na walang komunikasyon sa pagitan nila EJ at DM.Namimiss na rin naman nila ang isa't isa kaso si EJ lang ang panay ang try na kausapin si DM. Hindi matiyempuhan at lagi out of coverage area. Kahit sa FB message siya ng message dito kaso hindi sumasagot.

Si DM naman ay pag nagkakataong makapunta sa bayan ay tinatry niyang tawagan si EJ kaso hindi sinasagot malamang nasa trabaho bawal kasi ang cellphone sa work nila. Strikto masyado. Hindi rin siya makapag internet kasi mabilis lang sila dahil walang kasama ang lola niya kundi ang katiwala lang at hindi naman niya gustong iba ang mag alaga sa lola niya. Hindi pa kasi sanay si DM sa pasikot sikot sa bayan baka maligaw siya. Isang araw sa bahay ng lola ni DM ay biglang kumatok ang Tita niya.

"Bakit po?"Ang tanong ni DM.

"Ah DM..may balita ako sa iyo?"Ang masayang bungad ng Tita niya.

"Ano po iyon?"Ang sagot niya.

"May bakante sa hospital sa bayan baka gusto mong mag aaply muna doon para at least magamit mo pa rin ang pagiging nurse mo. Sayang naman. May kakilala kasi ang lola mo kaya pwede ka niyang ipasok. Nangibang bansa kasi yung tatlong nurse nila. Kaya panigurado akong makukuha ka dahil mas may experience ka at galing ka pa sa St Lukes."Ang pangungumbinsi ng Tita niya sa kanya.

"Ah eh kasi paano po si Naynay baka po kasi hanapin ako?"Ang nag aalalang sabi nito.

"Sinabi ko na iyan kaso siya pa nga ang nagpresenta doon sa kakilala niya. Saka ngayon mas madali ka na niyang hanapin kaysa nung nasa Maynila ka pa. Saka alam ko medyo nababagot ka na."Ang sagot ng Tita niya.

"Ok sige po kung gusto rin ni Naynay ok lang din sa akin."Ang pag sang ayon ni DM.

At iyon nga ang nangyari. Pumunta sa bayan si DM kasama ng kakilala ng lola niya sa isang pampublikong hospital sa bayan nila. Wala namang kahirap hirap siyang nakapasok dahil kinabukasan ay magsisimula na siya. Saka mas maganda na rin iyon para lagi siyang nasa bayan. At may oras na siya makausap si EJ.

Dumaan ang ilang araw ng training niya. Pagkatapos ng training niya ay sinubukan niyang tawagan si EJ nagbabakasakaling sagutin nito. Hindi naman siya nabigo dahil wala palang pasok ng araw na iyon si EJ.

"Tol musta na? Miss na kita"Ang masayang bati nito kay EJ.

"Sino ito?"Ang malamig na sabi ni EJ. 

"Si DM ito..naku nakalimutan na ako."Ang tampo tampuhan niyang sabi.

"DM who?'Ang sagot ni EJ.

"Ano ba yan EJ..mukhang kang gago..siguro galit ka sa akin kaya ka ganyan?"Ang galit na sabi nito sa inasta ni EJ.

"Hindi ko kasi maalalang may kilala akong DM.Sensya na."Ang maang maangan sabi ni EJ.

"Ganoon ba sige..Pasensya ka na sa istorbo. Baka nagkamali lang ako ng dinayal."Ang malungkot na sabi ni DM.

"Ok sige bye."Ang sabi ni EJ. Sabay baba ng cellphone.

Nalungkot siya kasi hindi niya inaasahang ang kanyang maririnig sa usapan nila ni EJ. Hindi siya nakuntento tiningnan niya kung mali ba ang number na dinayal niya.Tama naman. Kaya inulit niya.Siguro binibiro lang siya nito.

"Hoy EJ..wag mo nga akong binibiro..number mo ito.Saka boses mo kaya iyan.Matagal na akong tumatawag sa iyo. Tapos gaganituhin mo ako. Ano ba yan? Nakakatampo naman oh. Walang masyadong signal sa lugar namin at yung internet sa bayan pa. Buti nga natiyempuhan kita tapos ganito pa ang salubong mo sa akin. Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan. Lagi ka kayang nasa isip ko."Ang mahabang sabi nito sa kausap.Wala siyang narinig sa kabilang linya kundi katahimikan.

"Hoy EJ..andyan ka pa ba? Aba ganyanan na pala."Ang tampo tampuhan na sabi ni DM. Nakarinig ito ng parang humihikbi. Nagulat siya.

"EJ umiiyak ka ba?"Ang nag aalalang sabi nito sa kabilang linya.

"Letse ka..ang tagal kong hinantay ang tawag mo. Para na akong baliw dito kakaisip sa iyo kala ko may nangyaring masama sa iyo. Tapos heto ka ngayon magpaparamdam."Ang galit nitong sabi.

"O di tama ako.Namimiss mo ako. Kiss na lang kita para wag ka ng tampo sa akin.Mwah..tsup tsup.Happy Bday EJ."Ang batang sabi ni DM kay EJ. Natawa naman si EJ sa narinig.

"Ano ka ba! Mamaya may makarinig sa iyo diyan. Saka hindi ko bday noh!"Ang inis inisang sabi nito kay DM. Pero kinilig naman siya sa ginawa nito.

"Hmmppp..if i know kinilig ka lang eh!"Ang sabi ni DM.

"Hindi kaya!"Ang mabilis na tugon ni EJ. Tumawa naman si DM. Natawa na rin si EJ.

Nagtagal pa sila sa pag-uusap kasi ngayon lang nila nakausap ang isa't isa at sobrang namiss din nila ang isa't isa. Sinabi na rin ni DM na nagtatrabaho na siya sa probinsiya nila kaya parati na siyang nasa bayan at mayroon na rin siyang oras para makausap si EJ. Natuwa naman si EJ sa balita ni DM sa kanya.

Minsan kasi sa sobrang pag iisip niya kay DM ay nahahalata na nila AJ at Natasha ay pagiging malungkutin nito. Nauunawaan naman siya ni Natasha kasi nga ang bilis lang nila magkasama ni DM tapos bigla itong aalis. Isang araw lang kaya nakasama ni EJ si DM. Pero si AJ naman ay masyado talagang duda kung bakit sobrang naapektuhan si EJ sa pag-alis ni DM nandyan naman si Natasha. Naweweirduhan man ay pinagkibit balikat niya na lang pero hindi pa rin niya maiwasang magduda.

Kinabukasan nakita nila si EJ na masayang masaya. Siyempre si AJ mabilis ang pang-amoy niya sa ganito. Kaya napansin niya rin ito. Kaya tinanong niya si Natasha ng makitang abala si EJ sa ibang pasyente.

"Anong nakain ng BF mo bat iba ang aura niya?"Ang puna ni AJ kay EJ.

"Nagkausap na kasi sila kahapon ni DM."Ang sabi ni Natasha.

"Ah kaya pala..si DM lang pala ang solusyon sa pagiging malungkutin niya. O well siya din naman ang dahilan kung bakit ito malungkot."Ang makahulugang sabi ni AJ.

"AJ magtigil ka nga baka marinig ka noon eh. Malapit lang kaya siya."Ang sita nito sa bestfriend niya. Hindi na lang umimik si AJ sa ginawang pagsita sa kanya. Pero kahit si Natasha ay masyadong nahihiwagaan kay EJ. Pero dahil mahal niya ito walang dahilan para pagduduhan si EJ saka isa pa lalaki si EJ at lalaki rin si DM impossible namang magkagustuhan ang dalawa. Yan ang nasa isip ni Natasha.

Tumagal din ng ilang linggo hanggang maging buwan na panay ang tawagan nila EJ at DM. Dito na nagsimula ang hindi maganda sa pagsasamahan nila ni Natasha.Simula ng makausap ni EJ si DM ay minsanan na silang lumalabas ni EJ kung hindi may ipapagawa ang kanyang Mama ay may pupuntahan daw ito. Minsan kung ano anong alibi lang ang sinasabi niya para umiwas sa lakad nila ni Natasha na ikinabahala naman ni Natasha kasi mukhang nararamdaman na nawawalan na ng halaga si EJ sa kanya.

Isang araw ay pumunta si Natasha sa bahay nila ni EJ para yayain itong magdate sila kasi matagal na niyang hindi ito nakakasama. Saka mas maganda na iyon para hindi na tumanggi pa si EJ sa kanya.Nagulat man si EJ sa pagdating ni Natasha at pagyaya sa kanya ay hindi na makakatanggi siya dahil wala na siyang lusot ngayon dahil nasa bahay na si Natasha at sinundo siya. May usapan kasi sila ni DM na mag uusap ngayong araw. Kasi buong araw daw itong nasa training at wala naman masyadong gagawin dahil puro diskasyon lang daw iyon sabi ng mga co nurses niya.

Sa bahay ng lola ni DM ay maagang nagising si DM para pakainin ang lola niya. Kasi maaga din siyang papasok gawa ng training niya ngayong araw at excited na naman siyang makausap si EJ. Pumasok siya sa kuwarto ng lola niya.

"Naynay kain na kayo.Maaga kasi akong papasok eh."Ang bungad niya sa lola niya.

Inaayos niya ang pagkakaupo ng lola niya at pinakain. Halata na rin ang pangangayayat nito at panghihina. Naubos naman niya ang hinanda nito para sa lola niya. Ewan niya ba kung bakit niya ginawa iyon. Basta may kung anong hangin ang pumasok sa kanya isipan at ginawa niya ito.Matapos mapakain ay pinainom niya ng mga gamot nito ang lola niya.

"Apo..mahina na ang Naynay mo. Hindi na ako magtatagal dito sa mundo kaya sana lagi ka pa ring masaya.Tandaan mo na kahit wala si Naynay ay babantayan pa rin kita kahit nasa kabilang mundo na ako." Ang makahulugaang sabi ng lola niya.

"Naynay wag po kayong magsalita ng ganyan. Basta nandito ako gagaling kayo. Magkakasama pa tayo ng matagal."Ang naluluhang sabi ni DM.Saka yumakap ng mahigpit sa lola niya.

"Apo..basta tandaan mo mahal kita kahit na anong mangyari. Saka alam mo sa tuwing may aalis alam ko namang may darating para sa iyo. Alam ko iyon kasi tingnan mo nung nawala ang Papa mo dumating ang magandang buhay para sa inyo ng Mama mo.Kaya wag kang mag aalala kasi alam ng Panginoon na hindi niya hahayaan na walang mag aalaga sa Apo ko."Ang madamdaming sabi ng lola niya.

"Naynay wag naman po kayong ganyang. Para naman kayong mamamaalam eh."Ang naglalambing pero naluluhang sabi ni DM.

"Naku ikaw talaga apo.Kaya mahal na mahal kita. Pahalik nga."Ang malambing na sabi ng lola niya. Humalik si DM sa lola niya. Natuwa naman siya kasi sa sobrang tagal niya sa probinsiya ay hindi pa niya nagawa ito dati pa nung bata pa siya pero kahit nung umuwi siya dati na isang linggo lang nung time na namatay ang Papa ni EJ ay hindi niya ginawa iyon. Ngayon lang. Nakita niyang ngumiti ang lola niya. Napangiti naman siya.

Umalis na si DM sa kuwarto niya para iligpit ang kinainan ng lola niya at para gumayak na rin siya. Habang bumabiyahe ay may nakasalubong siyang karo ng patay. Kinabahan siya ng makita niya ito. Sa kabilang side naman iyon ng kalsada. Hindi niya maintindihan kung bakit para siyang kinabahan. Pero pinagkibit balikat na lang niya iyon at dumiretso na siya sa trabaho niya.

Habang sila EJ at Natasha ay naghahanda na para umalis. Hinihintay ni Natasha si EJ na mag ayos dahil nga kagigising lang nito ng dumating siya. Makalipas ang 30 minuto ay bumaba na si EJ saka naman napaihi si Natasha. Pagbalik nito ay nakita niyang nagtetext si EJ. 

"Hon sinong katext mo?"Ang tanong ni Natasha.

"Ah si DM.Kinakamusta lang kasi ako."Ang sagot naman ni EJ.

"Ah ganon ba."Ang sabi ni Natasha. 

"Tara na!"Ang aya ni Natasha para umalis na sila.

Sumakay si Natasha sa passenger's seat at siyempre sa driver seat si EJ. Habang nagmamaneho si EJ ay panay ang text nito. Ayaw pa naman ni Natasha na may katext ito habang nagmamaneho baka mabangga sila.

"Sino ba na naman yang katext mo?"Ang iritang sagot ni Natasha.

"Si DM.Tinatanong kung saan daw tayo pupunta?"Ang sagot ni EJ.

"Hindi ba pwedeng mamaya mo na sagutin yang text ni DM kasi nagmamaneho ka. Baka mamayang mabangga pa tayo."Ang iritang sagot ni Natasha.

"Tapusin ko lang ito.Tapos hindi na ako ulit magtetext."Ang sabi ni EJ  ng mapansing naiirita na si Natasha. Hinawakan nito ang kamay ni Natasha at pinatong sa binti niya.Natuwa naman si Natasha. 

Nakarating na sila sa SM Mall of Asia. Kaya naghanap silang ng mapaparkingan. Pagkatapos noon ay pumasok na sila ng mall. Ng makapasok ay panay na naman ang text ni EJ. 

"Hon sino na naman ba iyan?"Ang naiirita na naman na sabi ni Natasha ng mapansing nagtetext na naman si EJ.

"Si DM. Gusto raw akong makausap.Eh hindi pwede kasi may date tayo."Ang sagot ni EJ.

"Hay naku DM..DM..lagi na lang si DM.Bakit ba puro ka DM ng DM? Pwede ba date natin ito. Ayoko ng may istorbo. Nakakainis. Kung ganyan ka lang naman eh magsama na kayo ni DM."Ang galit na sabi ni Natasha. Sabay alis buti naagapan siya ni EJ.

"Hay sensya na hindi na mauulit."Ang pagmamakaawa ni EJ.

"Talaga? May favor ako."Ang sabi ni Natasha.Tumango naman si EJ. Bago sumagot.

"Ano iyon?"Ang sagot ni EJ.

"Promise mo. No cellphone. Patayin mo na now na ang cellphone mo. Para walang istorbo sa date natin."Ang pakiusap ni Natasha.

"Ok promise pero hindi ko siya papatayin paano kung emergency pala gaya ng tawag ni Mama please. Kaya kung pwede lang ay hindi ko na papatayin please. At saka pag si DM yun hindi ko sasagutin.Ok na ba iyon?"Ang sabi ni EJ.

"Ok."Ang matipid na sabi ni Natasha.

Ayaw naman ni EJ na magalit si Natasha sa kanya kaya ginawa niya ang pakiusap ni Natasha sa kanya. Hindi na lang niya gagalawin ang phone niya para hindi na sila magtalo pa ni Natasha. Natuwa naman si Natasha kasi kahit saan silang magpunta talaga naman siya lang ang inaasikaso ni EJ.Nanood sila ng movie ni Natasha. Mga 2 movie ang pinanood nila. Tutal nakakain na rin naman sila. Matagal na kasi silang hindi nagasasama ni EJ ng matagal kaya sinusulit lang niya.

Panay pa rin ang text sa kanya ni DM. Hindi naman sinasagot ni EJ ang reply niya. Mamaya na lang niya ito sasagutin pagkatapos ng kanilang lunch. Nakakaboring nga ang ginagawa nila sa training dahil puro diskasyon. Wala siyang sa mood kasi hindi niya maiwasang maisip ang sinabi ng lola niya at hindi niya rin makausap si EJ sa text. Ang dami niyang iniisip ng mga oras na iyon.

Habang nanonood ng movie ay biglang nagring ang phone ni EJ. Tumatawag si DM. Pero hindi niya sinagot sa pakiusap na rin ni Natasha. Kaya sinunod niya ito. Mas mabuti na rin ito para iwas away siyempre makakausap naman niya ito mamaya. Saka araw araw naman silang nag uusap kaya okay lang siguro na hindi muna silang mag usap para mamiss siya ni EJ.

Si DM naman ay inis na inis na kay EJ dahil hindi man lang ito nagrereply o sinasagot ang tawag niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ginagawa ni EJ ito sa kanya. Hindi siya sanay na iniisnab. Oras na makausap niya ito humanda si EJ dahil mag gagalit galitan ito para makabawi siya sa pang iisnab sa kanya ni EJ. May usapan pa naman sila na ngayon ang tawagan nila. Naiintindihan naman niya na may date sila ni Natasha pero sana man lang nagsabi siya na hindi pwede kanina pa kasi siya nagtetext at saka tumatawag pero iniisnab siya.

Natapos ang training ay hindi pa rin sinasagot ni EJ ang tawag niya o kahit yung text. Naiinis siya. Kaya sa sobra niyang inis ay tumakbo ito at aksidenteng natabig niya ang isang paso ng halaman sa gilid ng pasilyo. Nagulat siya at bigla siyang kinabahan sa hindi malamang dahilan. Kaya nagpasya na siyang umuwi.

Ng makarating sa bahay ng lola niya ay ang daming tao sa labas ng bahay. Dali dali siyang bumaba ng kotse niya at pumasok sa loob ng bahay. Nakita niya ang Tita niya at mga pinsan na umiiyak na nasa sofa.Nilapitan niya ang mga ito.

"Anong nangyayari dito?"Ang nagtatakang sabi ni DM. Kinakabahan sa kung ano mang sasabihin sa kanya.

"Ang lola..huhu"Ang umiiyak na sabi ng batang pinsang lalaki ni DM.

Hindi na sumagot si DM dali dali siyang pumunta sa loob ng kuwarto ng lola niya. Nakita niya ang doctor ng lola niya.

"Doc anong nangyari kay Naynay?"Ang naiiyak na sabi ni DM.

"I'm sorry but she's gone. Inatake siya sa puso ang lola mo."Ang sabi ng doctor. Tumingin ito ng dumating si DM.

"No..hindi yan totoo..alis."Ang sabi niya sa doctor. Lumapit ito sa Naynay niya at lumuhod sa tabi ng kama ng lola niya.

"Naynay..gising na kayo diyan..Andito na si DM ang apo niyo.Naynay..gising na...."Ang naiiyak na sabi ni DM. Habang niyuyogyog ang balikat ng lola niya. Humawak sa balikat ni DM ang doctor.

"I'm sorry..hindi ko na siya naabutan ng pinuntahan ako ng tita mo. Namatay na siya bago pa ako nakarating."Ang sabi ng doctor. Pero parang walang narinig si DM.

"Naynay wag naman kayong ganyan. Sabi niyo sa akin babantayan niyo ako. Sabi niyo hindi niyo ako iiwan. Nandito na ako sa tabi niyo. Hindi ko kayo iiwan. Naynay gising na..."Ang naiiyak at nagwawala na sabi ni DM.

Ngunit hindi talaga gumigising ang lola niya. Alam niya patay na ito pero hindi niya matanggap na nawala ito ng hindi man lang niya ito nakasama sa huling hininga nito. Pumasok ang Tita niya at mga pinsan. Niyakap siya ng Tita niya.

"DM...pasensya ka na...nakita namin siyang nakahandusay na sa baba ng kama niya. Hindi namin namalayan kasi nanonood ako ng TV medyo napalakas ko ang sound kaya hindi ko narinig.Pasensya na DM"Ang naiiyak na sabi ng Tita niya.

"Tita..hindi pa po patay si Naynay. Sabi niya hindi niya ako iiwan. Sabi niya babantayan niya ako!"Ang naiiyak na sabi ni DM.

"Shhh..tahan na..alam naman nating hindi na rin niya kaya. Pakatatag tayo hindi niya gusto na maging ganito tayo. Please tahan na. Ayaw niya naman tayong iwan pero nagsabi naman siya babantayan niya tayo kahit wala na siya. Kaya tahan na."Ang pagpapakalma ng tita niya.

"Tita..iwan niyo muna ako."Ang pakiusap ni DM. Umalis lahat sila at naiwan si DM at lola niya.Umupo ito sa kama niya at hinawakan ang mukha.

"Naynay,alam ko masaya kana dahil sa wakas natapos na rin ang paghihirap mo. Alam ko rin naman na gusto mo ng magpaalam sa amin. Kaya tatanggapin ko na ito ng maluwag. Masakit dahil wala ako sa tabi mo ng binawian ka ng buhay. Pero Naynay,mahal kita tandaan mo yan. Ikaw ang pinakadabest na Lola at wala kang katulad. Paalam at salamat Naynay!"Ang madamdaming sabi ni DM. Sabay halik sa noo ng lola niya.

Hinatid na nila sa punerarya ang labi ng lola niya. Ito na rin ang makakabuti para sa kanila.Sinabihan na niya ang Mama niya habang inaayos ang labi ng lola niya. Tinatry pa rin niyang tawagan si EJ para sabihin ang malungkot ng balit. Pero hindi sumasagot hanggang sa mag out of coverage ang cellphone ni EJ.Hindi na niya nakontak pa si EJ.Kaya tiningnan niya ang phonebook niya para ibalita ang malungkot na balita sa mga kakilala niya sa Manila. Si AJ lang pala nakasave ngayon sa phonebook niya dahil nung time na nagkaroon ng away sa pagitan nila nina Natasha at EJ ay binura niya ang number ni Natasha sa sobrang galit at inis.

Natapos rin nila EJ at Natasha ang kanilang date. Masaya silang pareho lalo na si Natasha kasi nasulit ang lakad nila. Ito na ang isa sa pinakamasayang araw niya na kasama si EJ ng walang istorbo. Si EJ naman ay kahit masaya ay hindi niya maitago ang pag-aalala kay DM. Baka kasi panay na ang text at tawag sa kanya hanggang sa malowbat ang cellphone niya. Nakauwi na siya ng bahay pagkatapos ihatid si Natasha. Sa sobrang pagod ay nakatulog si EJ ng hindi nachacharge ang cellphone.

Kinabukasan ay late na nagising si EJ dala ng sobrang pagod sa lakad nila ni Natasha. Kaya ng hindi niya masyadong nacharge ang cellphone niya at tinuloy ito sa kotse niya. Ng makarating sa hospital ay nakita niya si AJ na parang malungkot tinanong niya ito.

"Kamusta AJ, Bakit ganyan ang mukha m?. Para kang namatayan."Ang ngiting bungad nito kay AJ.

"Have you heard the bad news?"Ang malungkot na sabi ni AJ.

"Anong bad news?"Ang tanong din ni EJ.

"Ang lola ni DM patay na. Tinawagan ako kagabi. Hindi ka raw kasi matawagan kagabi. At panay text din niya sa iyo. Pero hindi ka raw sumasagot."Ang malungkot na sabi ni AJ.

Bigla itong nanghina sa narinig niya tungkol kay DM. At biglang tumalikod at umalis.

6 comments:

Lawfer said...

kakalungkot naman... peo wg naman snang mgkaron ng gulo sa pagitan nlang lima dhl sa mga nangyari, dpat ay mgdamayan cla

Unknown said...

@Rue abangan mo kung mangyayari nga ang hinala mo.Hehehe..expect the unexpected.

Ross Magno said...

Ayan na ..ayan na..malapit ng mapilitang mamili si EJ between Natasha and DM...

Unknown said...

@Ross: Yup malapit na ulit silang magkita. Anong mangyayari sa kanilang 3? Abangan..

Ross Magno said...

Alam mo nama mr. J bias ako...DM_EJ pa rin hehe

Unknown said...

@Ross ok lang. Basta abang abang ka na lang sa magaganap. Basta yung next ang clue:Very HOT..Papalamigin ko ang gabi niyo.Hahahaha...

ShareThis