Monday, November 28, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 40 (Hay sa wakas!)

Andito po ulit ang inyong lingkod. Nagbibigay ng isang patalastas sa inyong lahat.

Sa tinatagal tagal ko ng paglalathala talaga naman darating tayo sa punto kailangan na nating wakasan ang kuwento.Mahirap kasi napamahal na sa akin ito. Ito ang kuwento pinaglaanan ko ng sobrang tagal. Umabot sa 4 na buwan. At ngayon ay dumating na tayo sa pagwawakas ng aking akda.

Masaya at malungkot ako. Masaya dahil maraming nakakaappreciate ng gawa ko. Salamat sa inyong pagkokomento. Pangit man yan o maganda. Mas nachachallenge kasi ako kung paano kayo mapapahook sa aking akda. Pero sabi nga nila ang buhay ay may hangganan din. Kaya malungkot dahil magtatapos na ang unang akda na aking ginawa. Ito ang lalong naging daan para may makilala akong ibang tao. Ayoko na pong patagalin ang paghihintay niyo. Ito na po ang Wakas ng aking Unang Akda na aking ginawa ang "SA ISANG IGLAP". Enjoy!
*****************************************************************************************************
"Bakit nasa higaan ang mga gamit nila?" Ang puna ni EJ ng makita ang gamit nila Natasha. Akala kasi niya gabi pa sila uuwi. Nagtaka rin si DM. Biglang namang dumating sila Natasha.

"Bakit aalis na tayo akala ko mamayang gabi pa tayo?" Ang takang sabi ni EJ.

 "May Emergency kasi sa bahay. Kailangan ako." Ang sabi ni Natasha.

"Ha anong nangyari?" Ang nag-aalalang sabi ni EJ.

"Hindi ko rin alam kung ano iyon. Basta sa bahay ko na lang daw malalaman." Ang sabi ni Natasha.

"Sandali lang sasama ako sa inyo." Ang sabi ni EJ. Sabay alis pero kaagad siyang napahinto ng magsalita na si Natasha.

"Wag na EJ. Kailangan ka ni DM ngayon. Saka matagal kayong hindi nagkita. Dito ka muna." Ang sabi ni Natasha. Nakataingin ito ng Diresto kay EJ. Parang malungkot. Tumingin naman si EJ kay DM at nakitang nakayuko ang huli. Lumapit si Natasha. Niyakap siya sa leeg at siniil ng halik.

"Please dito ka na lang muna?" Ang nagsusumamong sabi ni Natasha matapos siyang humiwalay sa paghahalikan nila ni EJ.

"Ok..sabihan mo na lang ako sa pamamagitan ng text. Ihatid ko lang kayo sa sakayan." Ang sabi ni EJ.

Wala namang nagawa si AJ at JM dahil takang taka sila kung bakit hindi nila kasama si EJ gayong emergency ito. Pero pinagkibit balikat na lang nila ito. Dahil tama nga naman si Natasha na matagal ng hindi nagkikita ang dalawa.

At hinatid na nila sa terminal ng Bus sina Natasha, AJ at JM. Sinabihan ni Natasha na ipapaalam na lang sa head nurse nila na mageextend si EJ. Para tumagal pa si EJ kina DM. Tuwang tuwa naman si EJ lalo na si DM. At umalis na nga ang tatlo pauwi ng Manila. At bumalik naman sa sasakyan ni DM ang dalawa para umuwi. Kapansin pansin ang pangiti ngiti ni DM.

“O ba’t ka nakangiti diyan?”Ang nakakunot na sabi ni EJ.

“Ibig sabihin noon eh matagal pa kitang makakasama. Makakaniig. hehehe.”Ang pilyong sabi ni DM kay EJ sabay pisil sa bukol nito.

“Umayos ka nga baka may makakita sa iyo.”Ang sabi EJ.

Natawa si EJ sa kapilyuhan ni DM. Kaya hindi na naman maiwasan na mag init silang dalawa kaya dali dali silang umuwi ng bahay at pumunta sa kuwarto ni DM at nilock ang pintuan ng kuwarto at nagniig na naman sila. Pagkatapos noon ay saka sila kumain.

Matapos kumain ay napagpasyahan nilang mamasyal para naman makita ni EJ ang probinsiya ni DM. Natuwa naman si EJ doon sa mungkahi ni DM. Masaya sila sa kanilang ginagawa at parang walang prinoproblema.

Samantala sa kinaroroonan nila Natasha. Nakarating narin naman sila sa Manila. At bago pinasakay nila AJ at JM si Natasha ay tinanong muna ito ni AJ.
“Ano kasing problema bakit iniwan natin si EJ dun kina DM?” Ang usisa pa rin ni AJ kay Natasha.

“Hay naku bes kanina mo pa ako kinukulit. DI ba nga may emergency sa bahay at siyempre para magkasama sila ni DM. Para naman makabawi ako kay EJ at DM. Sige na bes. Naghihintay na ang taxi sa akin.” Ang naiiritang sabi ni Natasha sabay beso kay AJ at kumaway kay JM.

Umalis na nga si Natasha at naiwang nagtataka sina AJ at JM. Pero pinagkibit balikat na lang nila iyon. Umuwi na rin sila.

Natapos ang araw na masaya naman sina EJ at DM. Kakauwi lang nila galing sa pamamasyal ginabi na sila. Matapos noon ay kumain muna ng hinanda ng Mama niya uuwi na rin ito bukas pabalik abroad. Kaya napagpasyahan ni DM na sumama na pabalik sa Mama niya at EJ pabalik ng Manila. At magbabakasakaling bumalik sa hospital para makapagtrabaho ulit tutal wala na rin naman siya gagawin pa sa probinsiya. Ang lola rin lang naman ang dahilan kung bakit bumalik siya ng probinsiya nila.

Nakatanggap si EJ ng text kay Natasha at nagsabi ito na may sakit ang Kuya niya kaya kailangan daw siyang bumalik kaagad sa bahay. Iyon ang sinabi sa kanya ng Mama nito na emergency ng umuwi siya sa bahay nila. Naintindihan naman niya ito. Kaya nagsabi na lang siya na ipagdadasal niya ang mabilis na paggaling ng kapatid niya. Close kasi si Natasha at ang kapatid nito. Si Natasha kasi ang panganay. Isang pulis naman ang kapatid nito.

At iyon na nga ang nangyari. Kinabukasan ay sumama na si DM sa Mama niya at kay EJ pabalik ng Manila at hinatid ang Mama niya sa airport. Gusto na raw dumiresto pa ng Mama niya sa airport para na rin makapagpahinga sila DM at EJ at hindi na maabala pa.

Lumipas ang ilang araw ay balik normal na silang lahat. At ang maganda pa nito ay nakabalik na si DM sa hospital kung nasan sila. Kaya naman tuwang tuwa sila lalo na si EJ.

Habang dumadaan ang ilang araw ay lalong lumalalim ang samahan nila DM at EJ. At nagsisimula naman ang pagkakaroon ng lamat sa relasyon nila EJ at Natasha. Napapansin naman ito nila AJ at JM dahil panay ang pagiging malungkutin ni Natasha nitong mga nakalipas na araw.

Lalo na ngayong naghiwalay ng ibang ward sina EJ at Natasha. Si EJ at DM ay magkasama sa ER. At ang tatlo ay sa operating room naman. Isang araw lunch break ng lima.

“Natasha, tara kain na tayo. Gutom na ako eh.”Ang aya ni AJ sa bestfriend niya. Sumunod naman sila Natasha at JM. Habang naglalakad ay nagkwekwentuhan pa sila.

“Natasha kamusta na kayo ni EJ?” Ang tanong ni AJ.

“Ok naman..bakit mo naman naitanong?”Ang nasabi ni Natasha.
“Napansin ko lately masyadong kang malungkutin. Simula ng umuwi tayo galing sa probinsiya nila DM. Mayroon ka bang hindi sinasabi sa akin?” Ang usisa ni AJ.

“Wala saka alam mo naman di ba pag may problema ako. Ikaw ang una kong sasabihan.”Ang pangungumbinsi ni Natasha kay AJ.

“Eh bakit nga ganyan ka?” Ang pangungulit ni AJ.

“Stress lang siguro. Ano ba yan? Ang bagal niyo naman nagugutom na ako eh.” Ang sabi ni Natasha. Sabay naglakad ng mabilis patungo sa canteen. Kaso nabigla siya ng makita na masaya sina EJ at DM. Animoy’ magkasintahan kung maglambingan. Napatigil naman si Natasha. Nabigla naman si AJ at JM kung bakit huminto ito sa pintuan. Kinalabit nila ito at biglang lumingon si Natasha at parang nangingilid ang luha nito. Bigla siyang napatakbo kaya sumunod si AJ dito at napitingin naman si JM sa canteen nakita niya sina DM at EJ na masayang nagkwekwentuhan. Napakunoot noo naman siya kung bakit umasta ng ganoon si Natasha. Nagtaka siya kaya sumunod na lang din sa mga ito kung nasaan man sila.

Nahabol naman ni AJ si Natasha kaya tinanong niya ito kung anong nangyari nagkunwaring may nakalimutan hindi naman siya pinaniwalaan ni AJ inusisa siya nito pero wala ng sinabi pa si Natasha at niyaya na lang niya na lumabas na lang sila para doon kumain.

Natapos ang araw na balisa si Natasha at napansin naman ito nila AJ at JM. Kapag tinatanong ay umiiwas itong sagutin. Lumala ito ng lumala hanggang sa isang gabi. Tumawag si Natasha kay AJ na naglalasing ito sa isang bar sa Tomas Morato na ikinabahala naman ng huli. Nagpasama siya kay JM. Nakita nila itong nakaupo sa counter table at marami rami na ang nainom nito. Pinuntahan nila ito. At tinabihan.

“Tama na nga yan Natasha.Ang dami mo ng nainom.Umuwi na tayo” Ang pagpigil ni JM kay Natasha. Sabay kuha ng shot glass kay Natasha.

“Akin na nga yan..sabi ko..hindi pa ako lasing. Konti pa ito.hik” Ang lasing na sabi ni Natasha.

“Friend ano bang problema mo. Bakit ka nagkakaganyan?”Ang naiiyak na sabi ni AJ.

“Wala akong problema. Gusto ko lang magpakalasing. Para malimot ko ang lahat lahat.”Ang lasing na sabi ni Natasha.

“JM. Alalayan mo ako iuwi na natin si Natasha.” Ang aya ni AJ kay DM. Saka kinuha nila ang kamay para akayin si Natasha pauwi. Nagpumiglas ito at ayaw nitong umuwi.

“Bitawan niyo sabi ako. Ano ba? “Ang galit at lasing na sabi ni Natasha.

“Friend tama na yan...saka ano bang problema mo. Hindi ka naman ganito ha. Ngayon mo lang ito ginawa. Bestfriend mo ako bakit parang may inililihim ka na.”Ang naiiyak na sabi ni AJ.

“Ang kulit mo naman eh. Sige sasabihin ko na saiyo para magtigil ka.” Ang galit na sabi ni Natasha.

“Hindi ko akalain na magiging pareho sila ng Kuya niya. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya iyon.” At nagsisimula ng umiyak si Natasha.

“Si EJ ba ang tinutukoy mo? Hindi kita maintidihan.” Ang nagtatakang sabi ni AJ. Nakikinig lang si JM.

“Narinig ko ang lahat lahat ng mga sinabi nila EJ at DM sa isa’t isa bago ang araw na umuwi tayo galing sa Isabela. Ang sakit sakit na marinig mo na may namamagitan na sa kanila. Matagal na pala nilang itong tinatago at nung araw lang na iyon nagsabi sila na mahal na mahal nila ang isa’t isa. At ang pinakamasakit pa ay naghalikan sila. Kitang kita ng dalawang mata ko ang kahalayan ng dalawa. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko.” Ang lasing at umiiyak na sabi ni Natasha. Napatakip ang bibig ni AJ sa narinig. Nanlaki ang mata ni JM.

“Kaya ba umuwi tayo ng disoras at nakita kitang umiiyak ng gumising ako. Iyon ba ang dahilan?”Ang sabi ni ni AJ. Tumango lang ito.

“Ba’t hindi mo sinabi sa akin ng magaapan natin.”Ang sabi ni AJ.

“Paano ko sasabihin sa iyo iyon kung ako nga mismo hindi alam ang gagawin. Traydor sila. Para na ring ginawa nila sa akin ang sinasaksak patalikod. Akala ko makakayanan ko. Akala ko lilipas din iyon. Kaya hinayaan ko sila. Pero habang nakikita kong masaya sila lalong tumitindi ang galit at inggit na namumutawi sa puso ko. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Bakit ganito na lang nangyayari sa akin?” Ang naluluhang sabi ni Natasha.Yumakap si AJ kay Natasha para patahanin ito.

“Ssshhhh..tahan na bes..ngayon alam mo na may namamagitan sa kanila. Anong gagawin mo?”Ang tanong ni AJ habang pinapakalma ni AJ si Natasha.

“Hindi ko alam kung makakaya ko...pero desidido na ako. Bahala na kung anong mangyari. Hindi ko na kasi kaya. Ayoko ng masaktan pa ulit. Ayoko naaaaa!!”Ang naiiyak at nagsisigaw na sabi ni Natasha. Niyakap siya ng mahigpit ni AJ at inalalayan na para makalabas na at umuwi. Sa bahay na lang ni AJ matutulog si Natasha sobrang lasing na kasi ito at saka baka pagalitan pa ng parents niya pag nalamang naglasing ito.

Kinabukasan isang text ang natanggap ni EJ galing kay JM. Tinatanong kung nasaan na siya. Sinabi niyang nasa paradahan ng sasakyan ng St Lukes. May hinihintay siya. Nagpasabi na kakausapin siya ni JM. Ng magkita sila.Ngumiti si EJ at nagtaka ng makitang ang sama ng tabas ng mukha ni JM. Walang ano ano ay bigla siya sinuntok ni JM. Natumba ito.

“Ano bang problema mo pare?”Ang sabi ni EJ. Sabay punas ng bibig.

“Anong problema ko..kayo kayo ni DM. Tang ina mga bakla kayo. Tol kelan niyo pa ito ginagawa ang kahalayan na ito. Tang ina tol akala ko pa naman iba ka sa kuya mo yun pala pareho pala kayo. Tol anong ginawa mo sa pangako mong hindi mo na sasaktan si Natasha? Ano itong ginawa mo!!!”Ang galit na sabi ni JM.

“Tol, hindi kita maintindihan?”Ang naguguluhang sabi ni EJ.

“Bro, hindi ako bulag akala ko noon magkapatid lang ang turing niyo sa isa’t isa ni DM kasi umalis ang kuya mo at iniwan ka namin iyon pala iba na. Tol walang masamang maging bakla pero sana naman naiisip niyo sa ginagawa niyo ngayon ni DM may iba kayong nasasaktan. Sana naiisip niyo yan. Sana..”Ang mahinahon ng sabi ni JM.

“JM tol, sensya na pero hindi ko alam eh kusa na lang. Akala ko iba rin ako pareho pala kami ni Kuya. Ngayon alam ko na ang pakiramdam pero tol pareho kong mahal si DM at Natasha. Kaya ayokong may mawala sa kanila. Ayoko ring masaktan sila.” Ang naiiyak na sabi ni EJ.

“Tol hindi naman pwedeng dalawa sila. Isa lang ang pwede mamili ka si Natasha o DM?” Ang sabi ni JM.

“Tol..ayokong mamili ayoko..”Ang naiiyak na sabi ni EJ.

“Pwes ayusin mo iyan. Ayusin mo!!!”Ang sigaw ni JM sabay talikod at umalis.

Natulala ito sa mga pangyayari hanggang sa bumalik na siya sa kanyang kotse at sakto namang dumating na si DM at umupo sa passenger’s seat. Inihatid na si DM sa condo nito. Ng makarating ay inusisa ito kung bakit ito parang wala sa sarili.

“Anong problema?”Ang sabi ni DM.

“DM, alam na nila ang lahat. Alam na nila ang namamagitan sa atin. Natatakot ako sa kung anong maaaring mangyari?” Ang sabi ni EJ.

“Ano!!”Ang gulat na sabi ni DM.

“Sa tingin ko tol nakita tayo ni Natasha kaya umuwi sila ng maaga pagkatapos ng libing ng lola mo.Yun yung time na nagsabi na mahal natin ang isa’t isa. At naghalikan pa tayo saka tayo nakarinig ng kalabog ng pintuan niyo.“ Ang mahabang sabi ni EJ. Natulala si DM at hindi makapagsalita. Natahimik sila. Pinutol ni EJ ang katahimikang bumabalot.

“Sa tingin ko kelangan nating putulin na itong relasyon natin kasi marami na tayong nasasaktan. Saka ito ang tama. Masakit pero sa mata ng diyos at tao mali itong relasyon natin. Bago pa lang lumalim ang sa atin. Iwasan na natin ito. Ito ang makakabuti sa lahat.”Ang malamig na sabi ni EJ.

“EJ..hindi pwede. Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya sa araw araw. Kung bakit ako nagpapatuloy sa buhay makaraan ang dagok ko sa buhay. Ganoon ka rin naman eh Di ba?”Ang naluluhang sabi ni DM. Hindi sumagot si EJ. Hinawakan nito ang kamay ni EJ.

“EJ..wag mo itong gawin sa akin. Mahal kita..kahit ano gagawin ko wag mo lang akong iwan.”Ang umiiyak na sabi ni DM.

“Umalis ka na please.” Ang malamig na sabi ni EJ.

“Nagmamakaawa ako please!”Ang pagsusumamong sabi ni DM.

“Wag mo ng ubusin ang pasensya ko DM. Mali itong sa atin. Umalis ka na. Umalis ka na!!!!”Ang pasigaw na sabi ni EJ.

Wala ng nagawa si DM kundi ang umalis at umiyak ng umalis ng sasakyan ni EJ. Napasuntok si EJ sa manibela at umiyak.

“Patawarin mo ako DM. Patawad!” Ang umiiyak na sabi ni EJ.

Nagpatuloy sa araw araw nila ang lima. Hindi na pinapansin ni EJ si DM habang si DM naman ay sinusuyo pa rin si EJ. Sumasabay naman si EJ kay Natasha pag kainan na. Nagtaka naman silang tatlo lalo na si Natasha pero natutuwa na siya dahil mukha gumaganda na ang relasyon nila. Minsan nakikita nila si DM na papuntang canteen kapag ganon ang nangyayari ang niyaya ni EJ silang tatlo para kumain na lang sa ibang lugar.

Naawa man si EJ kay DM pero kelangang itama na niya ito. At ang pakasalan si Natasha ang susi para matapos na ito. Kaya yayain na niya si Natasha sa kanilang 6th year anniversary. Sinabi ni EJ ang balak niya kay DM para tumigil na ito sa kasusuyo sa kanya. Umiyak ito at walang magawa.

Isang araw habang busy ang lahat nagkaroon ng pagkakataon si DM na kausapin si Natasha. Pumunta sila sa bakanteng room na malapit sa ER habang hinahantay ni Natasha si EJ.

“Natasha,alam kong nasaktan ko kayo dahil sa mga ginawa ko sa inyong dalawa ni EJ. Una kinuha kita pangalawa kinuha ko si EJ sa iyo. Hindi ko alam pero ang lakas lakas kasi ng karisma niyo sa akin eh. Pero alam ko kasi mas malalim ang pinagsamahan niyo kaya ikaw talaga ang pipiliin ni EJ kesa sa akin. Pasensya na sa panggugulo sa buhay niyong lahat. Tanging mali ko lang ay napalapit ako sa inyo lalo na kay EJ. Pero sa totoo lang mas minahal ko si EJ kaysa sa iyo. Siya pala talaga ang tinitibok ng puso ko. Alagaan mo si EJ para sa akin. Last na itong pangungulit ko sa inyo kasi aalis na ako. Nagresign ako kahapon. Aalis ako sa Dec 15. Magpapakalayo layo para na rin umiwas. Sasamahan ko ang Mama ko bilang isang Nurse. Salamat sa lahat.” Ang madamdaming pamamaalam ni DM kay Natasha. Nagulat ito sa pahayag niya. Niyakap niya ito tanda ng naiintindihan niya si DM kung bakit gagawin niya ito.

Nakikinig pala si EJ ng mga oras na iyon. Umalis ito ng umiiyak. Tama na maghiwalay sila ni DM para matapos na ito. Hindi na niya ito hahabulin pa mas makakabuti ito sa lahat. Masakit pero ito ang kailangan.

Napapansin ni Natasha ang pagiging malungkutin ni EJ ng umalis si DM. Umaalis sila para mamasyal para at least maibsan ang lungkot na nararamdaman ni EJ. Kahit na anong pilit na pagpapasaya ni Natasha ay nananalaytay pa rin ang lungkot nito. Pinipilit naman ni EJ ng maging masaya pero habang iniisip niya wala na si DM ay lalong sumisikip ang dibdib niya. Ayaw niya mang gawin ito pero tama ng wala na silang komunikasyon hanggang sa umalis ito.

Makalipas ang ilang araw dumating na ang araw ng alis ni DM. At magcecelebrate din ng 6th anniverasary sina EJ at Natasha sa isang Yate sa may baywalk na si EJ mismo ang nagpareserve. Gabi ang flight ni DM. Kaya inayos na niya ang lahat lahat ng gamit na dadalhin. Nakita niya ang litrato nila ni EJ ng magkaakbay at masaya ito yung kinunan habang papauwi sila sa Manila galing ng probinsiya nila. Naiiyak siya dahil akala niyang panghambuhay na silang magkakasama. Akala niya si EJ ang magbibigay sa kanya ng pag asa. Nagkamali siya. Umiiyak siya habang pinagmamasdan ang litrato at hinalikan ito. Bago itago sa drawer mas mabuti ng wala siyang alaala ni EJ para mas madali siyang makabangon. Dahil sa mga oras na ito ay sinasabi na ni EJ kay Natasha ang papakasalan na niya ito.

Isang doorbell ang narinig ni EJ. Katext na niya si Natasha na magkita na sila. Nilapag ang cellphone sa sala at lumabas para makita kung sino ang nagdoorbell. Nakita niyang may isang lalaki nasa harapan ng gate nila. Pinuntahan niya ito. Ng buksan niya ito ay bigla siyang tinakpan ng panyo ng lalaking nakatayo sa gate at bigla siyang nahimatay.

Naghahanda na si DM sa pag alis niya papunta ng airport ng may natanggap siyang text galing sa ibang number. Ang text na nakalagay ay.

DM, Kung gusto mo pang makitang buhay si EJ makipagkita ka sa isang tindera ng sigarilyo sa may bandang Aristocrat sa Pasay. Wag na wag kang magsusumbong kung gusto mong makitang buhay pa si EJ.

Ang sabi ng text niya. Nagulat at kinabahan siya sa text kaya tumawag siya sa bahay ni EJ kung totoo. Buti na lang kabisado niya pa ito.

“Manang Flor, si EJ po ba andyan?”Ang sabi ni DM.

“Naku iho..hindi ko siya makita dito sa bahay. Kanina andito siya eh. Naiwan niya pa itong cellphone niya dito sa sala.” Ang sabi ni Manang Flor.

“Ganun ba. Sige po. Salamat.”Ang malungkot na sabi ni DM.

Tinatry niyang tawagan si AJ nasa bahay ito at kasama niya si JM. Hindi pa sila nagkikita ang sabi nito. Tinawagan niya si Natasha para kumpirmahin kung kasama si EJ.

“Natasha kasama mo ba si EJ?” Ang sabi ni DM.

“Sabi niya kasi magkikita kami ngayon hindi pa nga siya nagtetetxt sa akin eh. Di ba flight mo ngayon baka malate ka?” Ang nag aalalang sabi ni Natasha.

“Ah eh..mamaya maya pa naman eh. Gusto ko lang sana makausap si EJ sa huling pagkakataon. Mukhang ayaw na nga niya akong kausapin” Ang alibi ni DM.

“Ganon ba sorry hayaan mo pag nagkita kami mamaya ay sasabihan ko siya na tawagan ka niya. Para sumaya ka naman.” Ang pangungumbinsi ni Natasha.

“Ok..salamat.”Ang malungkot na sabi ni DM.

“Ok hayaan mo na iyon pero alam kong sasaya ka rin. Sige paalam at salamat.”Ang sabi ni Natasha.

Nagtaka man kung bakit sinabi ni Natasha kung bakit sasaya siya ay pinagkibit balikat niya ito. Kasi nag aalala siya kung nasaan na si EJ ng mga oras na iyon. Umalis siya ng airport. Para pumunta ng Aristocrat. Kinakabahan siya habang binabaybay niya iyon. Ang importante ay makita niyang okey si EJ. Pwede naman siyang magparebook.

Ng makarating siya ng restaurant ay nakita niya ang tindera ng sigarilyo at ng pinuntahan ay napukunot noo siya ng may binigay sa kanyang isang papel. Pinapapunta naman siya ngayon sa isang yate na matatagpuan sa baywalk. Pumunta naman siya doon.Nagtaxi lang siya. Hinahanap niya dito si EJ.

Habang sa kinalalagyan naman ni EJ ay nakaparada ito sa may isang madilim na lugar. May 3 armadong lalaki na katabi niya. Biglang itong huminto. Sakto namang nagising si EJ. Bumaba yung dalawang kasamahan ng lalaking kumuha kay EJ. Nagtulug tulugan siya at maya maya ng bumukas ang pintuan saka niya sinipa sa bayag ang lalaking unang nagbukas ng pintuan. Kaya nakatakbo ito papalayo. Pero maya maya ay bigla siyang pinaputukan. Buti hindi tumama sa kahit anong bahagi sa katawan niya. Hinabol siya.

“Hoy bumalik ka dito!!”Ang sigaw ng lalaki. Sabay paputok uli ng baril.

*BANG*

"Shit muntikan na ako dun. Kelangan kong magtago."Ang hingal na hingal na sabi ni EJ.

Nakailag siya at mabilis na nagtago ito sa hindi kalayuan ng hindi na siya mahabol ng mga lalaking kumuha sa kanya. Nagtagumpay siyang magtago. Gabi na iyon at malamang ay nangangamba si Natasha kung bakit wala pa ito. Naglakad siya hanggang sa makakita ng taxi at sumakay papunta sa baywalk tutal bihis na siya. At wala namang nangyaring masama sa kanya. Hindi na lang niya muna ito irereport sa pulis. Ang importante ay makarating siya sa tagpuan nila ni Natasha.

Ng makarating ay pinahintay niya muna si manong driver para kitain muna si Natasha para kumuha ng pambayad. Buti mabait ang driver. Nakita niya ito sa isang sementong upuan at panay ang text baka tinetext na siya. Lumapit siya dito.

“Hon sensya na pwede bang makahingi ako ng pambayad ng taxi wala kasi akong nadalang pera sa pagmamadali.” Ang palusot ni EJ.

“Ok heto.”Ang sabi ni Natasha. Nagtaka naman ito. Gulo gulo ang damit nito. Bumalik siya ng taxi para ibigay ang pera at bumalik kay Natasha.

“Ano bang nagyari?” Ang usisa ulit ni Natasha. Biglang may tumawag kay Natasha. Tiningnan lang niya ito sabay balik ulit sa gamit niya.

Habang si DM ay panay ang hanap kay EJ. Kaya habang ginagawa niya iyon ay tumatawag din siya dun sa number na nagtext sa kanya pero hindi ito sinasagot.

“Hon kanina pa may tumatawag sa iyo bakit hindi mo sagutin. Baka importante.“ Ang pag-aalala ni EJ habang papalapit sila ng papalapit sa Yate kung saan nagpareserve si EJ.

Bigla na lang siya niyakap ni Natasha sa hindi malamang dahilan. Umiyak ito ng bigla. Niyakap niya din ito at pinapakalma.

“Ssshhh..tahan na..wala pa nga ang surpresa ko sa iyo eh.“ Ang sabi ni EJ.

“Eh kasi hindi na akong makapaghintay eh..sana kung ano man ang mangyari sa atin. Ito lang ang sasabihin ko sa iyo ikaw lang ang minahal ko ng ganito.” Ang naiiyak na sabi ni Natasha.

“Wag ka ng umiyak mas magiging masaya ka mamaya.” Ang sabi nito. Humarap si EJ kay Natasha. Sabay punas ng mga luha nito sa mukha gamit ang mga daliri.

Isang halik ang binigay ni Natasha kay EJ. Habang si DM naman ay naghahanap at tumatawag ng may naaninag siyang dalawang tao na parang naghahalikan. Maya maya ay biglang kumalas si Natasha.

“EJ tumingin ka sa likod.”Ang sabi ni Natasha. Tumalikod si EJ nanlaki ang mata niya ng makita niya si DM nasa likod niya. Napakunot noo si EJ. Habang si DM ay papalapit ng papalapit ay naglaho naman ang kasama nito. Naaninag niya si EJ habang papalapit siya ng papalapit. Naiiyak siya habang lumalapit kay EJ. Lalong napakunot ang noo ni EJ ng umiiyak si DM palapit sa kanya. Ng makalapit ito sa kanya ay niyakap siya.

“A..nong ginagawa mo dito?” Ang nautal pa nitong sabi kay DM.

“Ikaw..hindi mo ba alam may nagtext sa akin. Nadukot ka raw?” Ang naiiyak na sabi ni DM matapos humiwalay kay EJ.

“OO nadukot ako pero nakawala ako. Kasama ko nga si Natasha ngayon. Nandito siya sa likod ko!”Ang sabi ni EJ sabay talikod kay DM at nagtaka dahil wala na si Natasha.

“Ha..Natasha ba iyong kaninang umalis tinanong ko siyang kung kasama mo pero hindi niya raw ikaw kasama paanong nangyari iyon.“ Ang nagtatakang sabi ni DM. Humarap ulit si EJ sa kanya.

“Kanina ko lang nakasama si Natasha dumiretso ako matapos makawala. Kaya siguro ng tumawag ka hindi pa talaga kaming magkasama pero nandito siya. Pahiram ng cellphone mo.” Ang sabi ni EJ. Sabay kuha ng phone kay DM. Dinayal nito ang numero ni Natasha.

“Nasaan ka na?”Ang galit na sabi ni EJ.

“Ah eh..EJ i think we need to seperate our lives. Pinapaubaya na kita kay DM. Hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko sa iyo dahil alam ko ang tinitibok na puso mo ay si DM. Kahit anong gawin ko wala na eh. Tapos na nung iwan kita noon ng mamatay ang Papa mo. Siguro kung hindi kita iniwan tayo pa rin. EJ,ginagawa ko ito dahil gusto kong sumaya ka. Alam kong sasaya ka sa taong mahal mo. At si DM iyon. Wag kang mag aalala hindi na ako hahadlang sa inyo. Bukas kasi wala na ako sa hospital. Nakuha na ako bilang nurse sa London doon ko ipagpapatuloy ang buhay ko.” Ang naiiyak na sabi ni Natasha.

“Wag mo itong gawin Natasha Hindi!Balikan mo ako dito. Ikaw ang gusto ko!!”Ang sigaw ni EJ.

“EJ wag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin. Mahal kita kaya kong ipaubaya ang pagmamahal ko sa iyo kapalit ng kasiyahan mo.“ Ang naiiyak na sabi ni Natasha sabay baba ng phone.

“Natashaaaa...natashaaaa..hellooooo”Ang sabi ni EJ kaso pinatay na ni Natasha ang cellphone nito.

Humarap ito kay DM at niyakap niya. Yumakap din si DM. Umiiyak ito habang pinapakalma siya ni DM.

“Ssssshhhh..tahan na..anong nangyari?” Anong sabi ni Natasha?” Ang usisa ni DM. Hindi sumagot si EJ. Umiiyak ito ng biglang tumunog ang phone ni DM. Tumatawag yung dumukot kay EJ.

“Wag mong pabayaan si EJ. Mahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Binibigyang laya ko na si EJ. Kaya oras na saktan mo iyan. Kukunin ko siya sa iyo.” Ang naiiyak at nagbabantang sabi ng tumawag.

“Na...ta...sha..ikaw ang nagpadukot kay EJ?” Ang nauutal na sabi ni DM.

“Oo ginawa ko iyon. Matagal ko ng pinag isipan ito. Tinitimbang kung tama ba. Alam ko magiging masaya si EJ. Kaya ko ito ginawa. Sensya na. Bumawi naman ako sa inyo eh.” Ang sabi ni Natasha.

“Natasha..sorry hindi ko sinasadya.Min...”ang naputol na sabi ni DM.

“Ssshhh..wala kang dapat ihingi ng sorry ginusto ko ito. Ienjoy niyo na lang. Kayo talaga ang dapat sa isa’t isa. Ingatan niyo at mahalin...mahalin niyo..ang isa't isa.”Ang nauutal at gumagaralgal na boses ni Natasha. Pinipigilan niya ang umiyak. Sabay baba ng phone. Saktong kinuha naman ni EJ.

“Hello Natasha....”Ang sabi ni EJ. Pero pinutol na ang tawag. Inuulit ulit na tawagan ni EJ pero out of coverage area na.

Bumalik na si Natasha sa inupahang sasakyan ng Kuya niya. Sila ang inupahan ni Natasha para dukutin kunwari si EJ. Isang pulis ang Kuya ni Natasha. Hindi talaga sasaktan ng Kuya niya si EJ dahil takot ito sa kapatid. Dahil sa oras na may mangyari kay EJ magkalimutan na silang magkapatid. Siyempre mahal na mahal nito ang Kuya niya si Natasha. Saka dalawa lang sila kaya pinagbigyan niya ito. Kahit alam niyang nasasaktan ito sa kanyang nakikita. Iniintindi na lang niya.


Niyakap siya ng mahigpit ng Kuya niya ng makabalik siya. At umuwi na sila. Masaya si Natasha dahil alam niya sa ginawa niya dalawang tao ang magiging masaya kahit na kapalit nito sa kanya ay pighati.

“Anong sabi ni Natasha sa iyo?”Ang sigaw ni EJ kay DM ng hindi na niya makausap si Natasha.

“Wala..tara na nga..hindi ba anniversary niyo na magiging anniversary na natin ngayon. Kasi ito na ang official day na tayo na talaga.” Ang nakangiting sabi ni DM sabay akbay niya dito.

“Ha..anong pinagsasabi mo?”Ang nagtatakang sabi ni EJ.

“Pinauubaya ka na niya sa akin. Mahalin ka raw tulad ng pagmamahal niya sa iyo. Sasabihin ko sana na makakaasa siyang mamahalin kita ng buong buhay ay pinutol na niya ang tawag ko.“ Malambing na sabi ni DM sabay yakap ng pagkahigpit higpit. Natuwa si EJ sa mga sinabi ni DM.

“Hindi ka pa nga nanliligaw sa akin tapos sasabihin mong tayo na.” Ang tampo tampuhang sabi ni EJ.

“Sus ito parang bata. Ayaw mo ba sige..babalik na lang ako airport. Itutuloy ko na ang balak ko.” Ang tampu tampuhang sabi din nito. Sabay alis sa pagkakayakap at akmang aalis na ng pigilan siya ni EJ. Kinuha ang mukha nito gamit ang kamay saka siniil ng isang mapusok at maalab ng halik na ginantihan naman ng huli.

“...Mwah”Ang tunog paghihiwalay ng halik nila ni DM at EJ.

“Sarap naman nun!!”Ang sabi ni DM.

“Ako pa!” Ang mayabang na sabi ni EJ sabay pacute.

“Naks may paganyan ganyan na siya.” Ang nakangiting sabi ni DM.

“Naman!!”Ang sabi ni EJ.

Sabay na tumawa ang dalawa. Hay sa wakas sila na nga talaga. Wala ng hadlang pa. Ito na talaga at wala ng atrasan. Dumiretso na sila sa Yate at doon sila nagcelebrate ng pagbabalikan nila. Walang humpay na kwentuhan, subuan at kulitan sila sa yate. Hindi nila alintana ang mga kasama nila.Wala silang paki ang importante ay masaya sila. Ng matapos ay kumain ay may violing tumugtog sa kanilang dalawa. Sinayaw ni DM si EJ.

Masaya ang gabi ng dalawa na akala mo walang problemang dinaanan. Tapos na ang isa sa pinakamalaking pagsubok na dumaan sa buhay nila at taas noo nilang nakayanan ito. At kung anumang pagsubok ulit ang dumaan tiyak namang malalampasan nila iyon basta may tiwala at mahal nila ang isa’t isa. Iyon ang importante sa samahan para tumagal.

Ng matapos ang gabi ay sinabihan ni EJ ang Kapitan ng Yate kung pwede silang bumiyahe. Pumayag naman ito kahit na may extra charge ay wala silang pakiaalam. Gusto lang nilang sulitin. Habang naglalayag sa kadiliman ng dagat ay siya namang simula ng naglalagablab na pagniniig ng dalawa.

At ng magbukang liwayway na ay nagising si EJ. Pumunta sa taas ng deck kung saan andun ang manibela. Bumaba pansamantala ang Kapitan para umihi. Sakto hinanap naman ni DM si EJ na nagising narin pala at nakita siya sa taas ng deck. Inakyat niya ito. Niyakap si EJ ng nakatalikod ito sa kanya.At nilagay ang ulo sa balikat niya.

“Good morning baby ko!!!”Ang malambing sabi ni DM.

“Good morning daddy ko!!!”Ang masayang sabi din ni EJ. Hinalikan nito sa labi si DM.

“Happy?”Ang tanong ni DM.

“Yup..more than happy..hindi ko aakalain na magbabago ang lahat lahat.Ang bilis noh.”Ang sabi ni EJ.

“Parang..”Ang natigil na sabi ni DM. Nag-isip ng tamang salita.

“SA ISANG IGLAP.”Sabay nilang sabi.Tumawa sila.Nagkatitigan at naghalikan.

*WAKAS*

*****************************************************************************************************
Pahabol:May ginawa po akong "Epilogue". Dito niyo malalaman kung ano na ang kinahinatnan ng mga tauhan ng aking kwento. Yan ang masusulyapan niyo sa November 30. 2011.

5 comments:

Anonymous said...

congratulations. napakaganda ng story. i have been a silent reader since day one. looking forward for theepilouge.

mike s.

marL said...

wow! congrats, the flow of the story is so good. swak na swak ung mga pangyayari every chapter. 2 thumbs up for you. i'm so excited to the epilogue. d na ko makapag antay, hehehehe.

Darkboy13 said...

Ayun o ang ganda nag wakas sana gamawakapa nang maga kawto....

Ross Magno said...

WOW!

Congratualations Mr. J.

Sobrang natuwa talaga ako sa pagtatapos ng story.
Dahil happy ending.

Naramdaman siguro ni Natasha na mas matimbang si DM sa buhay ni EJ.
Tama siya, kung di niya siguro iniwan si EJ nuong namatay ang papa nito siguro ay mas magiging matimbang siya kaysa kay DM.
Sadyang hindi matuturuan ang puso at di eto marunong magsinungaling.
Sabagay may taong sadyang nakatadhana sa kanya.

Ano na kaya ang mangyayari sa ibang characters. Excited na akong malaman kung anong nangyari kay Kuya Athan at Erick...Sana happy ending din.

Unknown said...

@Mike S.:Salamat sa pagdalaw.

@marL:Malapit na po ang Epilogue ilang oras na lang.

@Darkboy13:No worries meron na po akong inihanda. Kakapost lang ng teaser.Hehehe.

@Ross Magno:Sa totoo lang mas gusto ko nga na hindi happy ang ending eh.Pero since unang obra ko ito kaya ginawa kong mas maganda ang ending yung happy ang ending pero hindi yung usual na ending.

Abangan niyo po ang Epilogue ilang oras na lang!

ShareThis