Friday, December 23, 2011

NO ONE© Chapter 07

Salamat sa inyong walang sawang pagbabasa sa aking akda. Pasalamatan ko lang ulit si Ross Magno at ramy from qatar (hindi ka rin nakatiis kung may update na kaya ka napasugod dito..hehehe..welcome dito sa blog ko!). At pati na rin sa mga silent readers dyan.

Pasensya na po kung medyo natagalan ako sa pag-update may ginawa lang ako sa mga nagdaang araw. At alam kong gusto niyo ng matapos ang paghihirap ni Oliver kaso kailangan lang talaga ito. Papasok na ang mga bagong karakter. Ano ba ang hatid nila sa buhay ni Oliver? Heto na po ayoko na pong patagalin pa. Enjoy!
______________________________________________

 

Bumalik si Justin sa kanilang bahay na umiiyak. Napansin siya ng mga magulang niya. At kaagad na pinaupo sa sofa nila.

“Iho anak anong nangyari sa iyo?” Ang pag-aalala ng Mommy niya.

“Mommy si Camille po matagal na po tayong niloloko ng babaeng iyon. Hindi po pala ako ang amang dinadala niya.“ Ang umiiyak na sabi nito sa mga magulang niya.

“What? Anong pinagsasabi mo?” Ang gulat na sabi ng Daddy ni Justin.

“Dad naaktuhan ko si Luther ang kateammate ko. Nakikipagtalik kay Camille sa bahay nila. Narinig ko na siya ang ama at hindi ako. Matagal na pala nilang alam at si Oliver alam niya ito kaya kinompronta niya ako pero hindi ako naniwala sa kanya. Kaya siguro nagkaroon sila ng pagtatalo ni Camille na nahantong sa pagkalaglag ng anak nila ni Luther.” Ang mahabang sabi ni Justin.

“Oh my God Iho, tama ba yan? So all this time inosente talaga si Oliver at pinagtatanggol lang niya tayo sa babaeng iyon.” Ang gulat na gulat na sabi ng Mommy niya.

“Opo Mommy. Ang tanga tanga ko kasi mas naniwala ako at mas kinampihan ko pa si Camille kaysa sa taong matagal ko ng karamay sa buhay.” Ang naiiyak na sabi niya. Naawa ang Mommy niya at niyakap siya.

“Ssshhhh...tahan na.“ Ang pagpapakalma ng Mommy niya.

Natulala naman ang Daddy niya. Hindi siya makapaniwala dahil napaniwala rin siya ng babae iyon. Ng mahimasmasan ay umakyat ng kuwarto si Justin at nagkulong.

“Patawarin mo ako Oliver. Sana makita pa kita. Pasensya na sa katangahan ko. Mas pinaniwalaan ko pa ang iba kaysa sa iyo. Hahanapin kita. Ibabalik kita.” Ang sabi ni Justin habang umiiyak.

Lumabas ito ng kuwarto niya at naabutan si Barbara na nakayuko sa kanya at mukhang inaabangan siya.

“Kuya patawarin mo ako. Kung hindi ko pinalayas si Oliver sana nandito pa siya. Saka may kasalanan ako sa inyong lahat?” Ang naiiyak na sabi ni Barbara.

“Wala ka namang kasalanan at ano bang pinagsasabi mo?” Ang nagtatakang sabi ni Justin.

“Kuya sinumbong ko po kasi si Oliver kay Camille dahil sa inis ko. Kasi hindi ko nga siya gusto. Nalaman ko lang kailan iyon ng sabihin sa akin ni Camille ang ginawa niya kay Oliver na paglapitin kayong dalawa dahil takot si Oliver na isumbong siya sa bahay nila. Di ba nga lumayas si Oliver sa kanila? Patawarin mo ako Kuya.” Ang naiiyak pa ring sabi ni Barbara. At yumakap sa Kuya niya.

“Ssshhh...tahan na. Kasi naman wala namang ginawa sa iyo ang tao kung awayin mo wagas. Sana matuto na tayo ok. Hindi ako galit.” Ang mahinahon niyang sabi kay Barbara habang hinahagod ang likod ng kapatid para kumalma.

“Sorry Kuya.” Ang naiiyak pa ring sabi ni Barbara.

“Sshhh..tahan na. Sige na pumunta ka na ng kuwarto mo. Magpahinga ka na.” Ang aya niya sa kapatid.

Sumunod naman si Barbara. Matapos noon ay pumasok sa kuwarto ng mga magulang niya si Justin.

“Mommy, Daddy baka pwede nating hanapin si Oliver tiyak ko hindi pa iyon nakakalayo.” Ang sabi niya sa mga magulang niya.

“Anak gabi na at baka hindi na natin siya mahanap. Bukas na bukas hahanapin natin siya.” Ang sabi ng Daddy niya.

“Sige na po Daddy baka maabutan po natin siya sa daan” Ang pangungulit ni Justin.

“Wag ng makulit! Pumunta ka ng kuwarto mo. Hahanapin din natin siya. Gabi na at delikado pa.“ Ang medyo napataas na boses ng Daddy niya.

Nagulat siya sa inasal ng Daddy niya. Kaya padabog siya lumabas at nag iiyak sa kuwarto niya.

“Hindi na ako mapakali kailangan ko na siyang hanapin. Baka kung anong mangyari pa kay Oliver hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.” Ang sabi niya habang yakap yakap ang unan at umiiyak.

Kinabukasan ay umalis na sila ng Daddy niya para hanapin ako. Sinuyod lahat ng bawat sulok sa buong lugar nila at kalapit na mga baranggay at nagtanong tanong na rin. Ngunit wala silang napala. Hindi rin nila ako mahagilap. Pagod sila buong maghapon sa paghahanap sa akin.

“Kamusta ang lakad niyo?” Ang sabi ng Mommy ni Justin.

“Hindi po namin siya makita Mommy. Baka napaano na po siya.” Ang medyo naluluha na niyang sabi.

“Anak pakatatag ka. May awa rin ang diyos.” Ang sabi ng Mommy ni Justin.

Lumipas ang Christmas at dumating ang New Year ay hindi pa nila ako nakikita. Nawawalan na ng pag-asa si Justin. Napapabayaan na niya ang pag-aaral niya dahil sa kakaabsent at pinagsabihan na siya ng mga guro niya na baka matanggal siya sa honor list. Wala na siyang pakialam kung magiging ganoon ang importante ay mahanap niya ako.

Nagdesisyon siyang lumayas at baka sakaling makita niya ako. Binabalak niya na ito noon pa. Kaso hindi siya makakuha ng tiyempo at nag aalinlangan. Pero buo na ang kanyang desisyon na hanapin niya ako. Gusto na niya akong makita sa abot ng kanyang makakaya. Hinanda na niya ang gamit niya at nagimpake na siya.

Mommy ,Daddy

Pasensya na po kayo. Hahanapin ko lang po si Oliver mag isa. Alam ko magagalit kayo pag sinabi kong ako na lang ang maghahanap. Baka po kasi nagtatago lang si Oliver sa atin kaya hindi siya nagpapakita. Daddy mahal na mahal ko po si Oliver hinding hindi po maatim ng aking konsensya na may mangyaring masama sa kanya. Matagal na po kaming nag iibigan at mahal niya din po ako. Nabulag lamang po ako ni Camille kaya mas pinaniwalaan ko pa siya. Sana mapatawad niyo po ako nila Mommy.


Justin

Umiyak ng malaman ng magulang ni Justin ang paglalayas niya hindi dahil sa inamin niya na mahal niya ako. Matagal na nilang napapansin na may iba sa amin ni Justin. Hinanap nila si Justin saan mang sulok ng Batangas. Pero bigo sila.

Sa kinaroroonan ko naman. Ako ay nagpalaboy laboy sa daan hanggang mapadpad sa Maynila. Nanglilimos sa mga tao nakakasalubong ko. Minsan pag may nakikita akong pagkain sa mga karinderya ay kinukuha ko iyon. Naaawa naman ang mga tao sa akin kaya minsan pinapakain ako minsan naman ay inaaway pa ako.

Nakarating ako ng Maynila gamit ang naipong perang bigay sa akin ni Mang George. Buti na lang may naitabi pa ako. Pumunta ako sa bahay nila Justin at nakitang mukhang nagkakasiyahan ang mga magulang niya kasama si Barbara hindi ko lang napansin si Justin. Hindi na ako nagpaalam kasi alam kong galit ang mga ito sa ginawa ko kay Camille at kahit aksidente ay ito pa rin ang kanilang pinaniwalaan. Masakit pero ganoon talaga ang buhay. Kaya naisipan kong mgapakalayo layo para malimutan ang mga sakit na naranasan ko sa lugar na ito.

Palaboy laboy ako sa daan at minsan sa karton lang ako natutulog pag dinatnan na ng gabi sa daan. Pag umulan ay sa may tulay ako kaso nababasa pa rin ako. Lumipas ang ilang araw hanggang abutan na ako ng Christmas at New Year sa lansangan. Nagdadasal na sana may umampon sa akin.

Mukhang dininig naman. Isang araw ay may naawang matanda na nagtitinda ng mga pagkain. At inoperan akong magtrabaho doon kapalit ng matutuluyan, pagkain at paliligo. Naging maganda naman para sa akin iyon. Kasi mabait ang matandang lalaki. Naging okay naman ang lahat.

Tumagal ako doon. Panibago buhay ika nga ang binigay sa akin. Kaya hindi ko na ito papakawalan. Habang sa kinaroroonan ni Justin ay tumira siya sa boarding house. Apat silang nasa kuwarto. Hinanap niya ako sa buong Batangas.

Lumipas ang 3 linggo ay naging maayos naman ako kahit paano pero si Justin ay nawawalan na ng pag-asa dahil pati sa kalapit na lugar ay hinanap niya ako. Naglalagi din siya sa mga parke nagbabakasakali na nandoon ako. Pero bigo siya.

Kakatapos lang namin mamalengke ni Mang Tato (ang matandang naawa sa akin) galing ng Pasay. Madaling araw kasi kami namamalengke. Habang binabagtas namin ang papuntang Sta Cruz, Manila kung saan matatagpuan ang karinderya ni Mang Tato.

"Mang Tato bakit ang dami yatang tao?" Ang pagtataka ko.

"Hindi ko rin alam!" Ang nasabi ni Mang Tato.

“Mang Tato nasusunog po ang karinderya ninyo?” Ang bigla pagsigaw ng kasama niya sa hanapbuhay.

“Ano!” Ang gulat na sabi ni Mang Tato.

Dali dali naming pinuntahan at sobrang lakas na ng apoy sa lugar pero si Mang Tato gusto pumunta sa karinderya pero napigilan ko. Wala kaming ginawa kundi ang tingnan ang pag apula ng mga bumbero sa natutupok na karinderya ni Mang Tato. Nanlumo ako kasi nandoon lahat ng gamit ko kasama ng konting ipon ko.

Ng matapos ang sunog ay dumiretso kami ni Mang Tato para tingnan ang lugar kung may maisasalba pa kami kaso wala talaga sobrang sunog lahat. Sinabihan kami na may isang lalaki daw ang nagsira ng pintuan ng karinderya niya at ng lumabas ay may sumabog na lang. At nalaman ng imbestigador na sinadya raw ng taong pumasok ang pagsabog. Wala namang alam na nakaaway si Mang Tato kaya nagtataka siya.

“Oliver wala na..naabo na ang pangarap ko. Paano na kami ng pamilya ko? Ang dami daming umaasa sa akin?” Ang mangiyak ngiyak na sabi ni Mang Tato.

“Mang Tato tutulungan ko po kayo muling bumangon. Kayo po ang nagbigay sa akin ng panibagong pag-asa hayaan niyo po akong masuklian ko ang kabutihan niyo.” Ang medyo naluluha ko ng sabi.

“Oliver pasensya na. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ito. Kaya papahinga na lang muna ako. Oliver wala akong magagawa kundi paalisin ka na. Hindi ka naman pwede sa bahay dahil marami kaming nakatira. Sensya na” Ang madamdaming sabi ni Mang Tato.

“Okay lang po.Naiintindihan ko po.” Ang malungkot kong sabi.

“Oliver ito tanggapin mo ang pera. Kakailanganin mo ito. Pasensya ka na pero ito lang ang makakayanan ko. Wala na talaga akong pera. Sensya na talaga.” Ang sabi ni Mang Tato.

Inabot niya ang isang libo sa akin. Malakas ang kita ni Mang Tato sa pagkakarinderya. Kaya nga nabubuhay niya ang pamilya nito kaso sa nangyari ay hindi na niyang magagawa pang kupkupin ako. Sa una ay nag aatubili akong kunin ang pera pero nagpumilit si Mang Tato para kahit papaano may panggastos ako.

Balik na naman ako sa palaboy laboy sa daan. Natutulog ako sa may waiting shed sa gabi at kumakain sa may karinderyang maabutan ko. Nagtatanong din ako kung meron silang extra pang tao kailangan para pagtrabahuhan ko kaso wala daw. Lumipas iyon ng dalawang araw.

Isang araw ay may nakita akong batang umiiyak. Kaya nilapitan ko ito. Noong una ay natatakot sa akin pero ng pakitaan ko ito ng pagkain na biscuit ay lumapit ito. Halatang gutom na gutom na siya.

“Nawawala ka ba bata?” Ang tanong ko dito.

“Naglayas po kasi ako sa amin dahil minamaltrato po ako sa amin. Patay na po kasi ang mga magulang ko at iyong kapatid ng Papa ko po ang nag aalaga sa akin kaso puro suntok at inaalila lang po ako kaya umalis na po ako. Gutom na gutom na ako. Dalawang araw na akong hindi kumakain.”Ang sabi ng bata.

“Kawawa ka naman. Pareho pala tayo na kinasapitan. Buti nga ikaw minaltrato lang akong binaboy pa. Kaya umalis ako. Siya tara bili pa tayo ng pagkain mo.” Ang aya ko dito.

Kumain kami sa karinderya. Tipid na tipid ako kasi 700 na lang pera ko. Kaya dapat makahanap na ako ng mapapasukan.

“Ano nga palang pangalan mo?” Ang tanong ko.

“Tinyo po!” Ang sabi ng bata.

“Ilang taon ka na?” Ang tanong ko.

“8 years old na po ako.” Ang sabi niya.

“Bata ka pa pala. Naku paano iyan. Hindi kita masusustentuhan. Wala pa akong trabaho.” Ang sabi ko dito.

“Wag po kayong mag alala sasamahan ko po kayo na maghanap ng trabaho. Ayoko na po kasing bumalik doon.” Ang sabi ni Tinyo.

“Pero baka hanapin ka nila?” Ang nag aalala kong sabi.

“Naku hindi po na nila iyon gagawin kasi mukhang okey lang na mawala ako.” Ang sabi niya.

“Okey sabi mo.” Ang nasabi ko na lang. Naawa ako sa kanya dahil dalawa na kaming maghahati sa natitira kong pera. Hindi ko rin naman siya pwedeng pabayaan dahil baka mapano.

Mukha namang mabait. Kaya sinama ko lang siya sa kahit saan kami mapadpad. Nagbabakasakali pa rin ako. Pero talagang mailap. Hanggang ginabi na kami. Natulog kami sa isang karton sa gilid ng building na aming napuntahan.

Kayakap ko siya at nakaunan ang ulo nito sa aking braso. Naawa ako sa kanya dahil halos pareho kami ng sinapit. Kaya dapat makakuha ako ng trabaho para mabuhay kami ni Tinyo. Hay lalo tuloy ako namroblema kasi imbes na ako lang o ang sarili ko lang ang aking iintindihin ay may isa pa. Hindi talaga maatim ng aking konsensya ang pabayaan ang batang ito. Ewan ko pakiramdam ko ay may hatid na suwerte ito sa akin.

Kinaumagahan ay ginising kami ng security guard ng building at pinapaalis na kami. Kaya wala kaming nagawa kundi ang lumayas. Naawa ako sa lagay ni Tinyo ang bata pa niya para maranasan ang mga ganito. Habang naglalakad ay may sumitsit sa akin.

“Pssstt boy?” Ang tawag sa akin ng isang lalaking nakasakay sa Van.

“Bakit po?” Ang nagtataka kong sabi.

“Ibigay mo nga ito doon sa may nakaupo sa waiting shed na iyon.” Ang sabi niya sa akin. Nagtaka naman ako kasi pwede naman siya ang magbigay.

“Bibigyan kita ng pera ito 100 pangkain mo. Bigay mo lang doon.” Ang alok niya sa akin.

Napaisip ako kung bakit ako pa ang nakita niya. Marami namang pwede saka isa pa may sasakyan naman siya. Nagtataka ako talaga. Wala akong ideya. Pero sa isip ko sayang ang 100 pandagdag din namin iyon.

“Sige po. Akin na po ang ipapabigay niyo” Ang pagsang ayon ko sa alok niya.

“Ito oh. basta wag kang lilingon dito balik ka pag nabigay mo na sa akin. Kunin mo ang ibibigay niya sa iyo.” Ang sabi niya.

“Sige po iyon lang po ba?” Ang sabi niya.

“Oo iyon lang. Sige na!” Ang sabi niya sa akin.

Kinuha ko iyon medyo malaki siya at hindi naman mabigat saka nakabalot siya na panregalo. Ang ganda ng balot. Pumunta na ako sa tinuturo niyang waiting shed na may nakaupong lalaki at nakashade.

“May nagpapabigay po sa inyo.” Ang sabi ko sabay lahad sa kanya ng regalo.

“Upo ka!” Ang utos niya. Nagulat ako kaya napaupo ako.

“Tang ina mo bata wag kang magbibigay sa akin na parang manliligaw lang. Pasimple ka lang.” Ang sabi niya.

“Ah eh sorry po.” Ang nahiya kong sabi.

“Bago ka ba?” Ang tanong niya.

“Opo ngayon ko lang po ito ginawa. Eh ano po ba ito?” Ang usisa ko.

“Wag ka ng maraming tanong pasimple mo ng iabot sa akin.” Ang sabi niya.

Pasimple kong inabot sa kanya ang regalong nakabalot. Maya maya pa ang may sobre siyang binigay sa akin. Masyado itong makapal. Titingnan ko sana ng magsalita siya.

“Umalis ka. Wag mo ng tingnan iyan. Nagmamadali na sila.” Ang sabi nito.

“Po?“ Ang hindi ko maintindihan.

“Sabi ko bumalik ka na. Doon sa nagbigay sa iyo.” Ang sabi ng lalaking nakashade.

Dali!” Ang utos niya.

Nagulat talaga ako sa pag utos niya sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod at bumalik sa nakaparadang sasakyan na nagbigay sa akin ng regalo.

“Tang ina naman ba’t ang bagal mo?” Ang galit niyang sabi sa akin ng makabalik na ako.

“Pasensya na po kinausap pa po ako eh.” Ang sabi ko.

“Ay naku naman!” Ang nasabi na lang ng taong kausap ko.

“O siya akin na ang binigay sa iyo.” Ang sabi niya sa akin.

Binigay ko sa kanya ang sobre at nakita kong puro pera iyon at ang kapal. Nagulat ako at napatingin sa kanya. Nakita niya akong nakatingin sa kanya. Kinabahan ako. Pero napangiti siya sa akin.

“Good magaling ka pala eh. Eto malaki ang kita namin dahil sa iyo. Ito ang 500.” Ang sabi niya sa akin. Sabay bigay ng 500. Natuwa naman ako kasi akala ko 100 lang pero heto nagbigay siya ng dagdag.

“Salamat po ng marami. Sana po sa uulitin.” Ang sabi ko sa sobrang galak.

“Dito ka lang bukas meron pang kasunod iyan. Basta ayusin mo trabaho mo.” Ang sabi niya sa akin.

“Sige po aantayin ko po kayo dito. Asahan ko po iyan.” Ang masaya kong sabi.

Lumipas ang ilang araw ay naging ganoon ang takbo na buhay ko. Tagabigay ako ng regalo sa mama na nasa waiting shed. Hindi ko man alam kung ano iyon pero at least may trabaho ako at ang laki lagi ng binibigay sa akin. Pinakamalaki ay 1000. Kaya natutuwa ako.

Isang araw ng matapos kong ibigay ang regalo at binigay sa akin ang pangakong pera ay umalis na sila. May isang lalaking lumapit sa akin.

“Boy?” Ang sabi ng lalaki sa akin. May hitsura siya maganda ang pangangatawan niya mukhang hindi naman gagawa ng masama sa akin. Nakatshirt na puti at maong ito.

“Ano po iyon?” Ang tanong ko.

“Ah ano iyong regalong binibigay sa iyo.” Ang sabi sa akin.

“Hindi ko po alam eh. Basta binibigay nila sa akin tapos doon po sa waiting shed ay may kukuhang isang lalaki at may ibibigay na pera na nakalagay sa sobre. Malaki nga po iyon eh. Tuwang tuwa po ako kasi makakain na kami ng masasarap ng aking Kapatid.” Ang masaya kong kuwento.

“May kapatid ka?” Ang sabi niya.

“Uhmm ampon na kapatid ko Hehehe..Kasi naglayas siya andun po siya sa gilid kumakain ng ice cream.” Ang sabi ko sabay turo kay Tinyo. Lumapit sa akin si Tinyo ng makitang tinuro ko siya.

“Kuya Oliver bakit po?” Ang sabi niya sa akin.

“Ah wala kasi tinatanong ka lang ng Mamang ito.” Ang sabi ko dito at tinuro si Mamang nakaputi.

“Hello po!” Ang masigla bati niya bati dito.

“Ang bibo mo namang bata.” Ang puna niya rito sabay gulo sa buhok.

“Dito ba ulit sila bukas?” Ang tanong niya sa akin.

“Sino po?” Ang tanong ko rin.

“Yung nagbibigay sa iyo ng regalo at nagpapahatid sa waiting shed na iyon.” Ang tanong niya sa akin.

“Ah opo..bukas po andito po sila.“ Ang sabi ko.

“Sige salamat sa impormasyon. Una na ako.” Ang paalam niya.

Naguguluhan ako kasi ang dami niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung para saan iyong tinanong niya. Ang weird niya.

Kinabukasan ay ganun pa rin. Binigay ko ulit sa mamang nasa waiting shed ang regalo. At kinuha ang pera. Pabalik na ako ng makita ko ulit si Mamang Nakaputi. Nakatingin sa amin. Napansin naman ito sa salamin ng sasakyan.

“Kilala mo ba iyong nakatingin sa atin kanina pa.” Ang sabi niya. Tumalikod ako at nakita ko siya.

“Ba’t tumingin ka tanga.” Ang sabi niya.

“Hindi ko po kasi makita eh. Opo kilala ko siya.” Ang sabi ko.

“Anong pangalan niya?” Ang sabi nito sa akin.

“Hindi po nagpapakilala sa akin eh tinanong lang po niya ako kung anong laman ng regalo ko. Kinuwento ko sa kanya lahat. May iaabot lang ako regalo sa taong nasa waiting shed at may bibigay sa akin tapos tinanong niya rin ako kung nandito kayo kinabukasan Umoo ako.” Ang dire direstong sabi ko.

“Tanga ka ba? Bakit sinabi mo iyon.” Ang sabi niya sa akin.

“May masama po ba?” Ang sabi ko. Nakita namin papunta na sa amin ang Mamang Nakaputi kahapon.

“Sakay na!” Ang sabi ng lalaki nasa sasakyan.

“Po!” Ang sabi ko.

“Sakay na sabi!” Ang sigaw niya ulit.

Kinabahan ako at tinawag ko si Tinyo at nakita kong tumatakbo na si Mamang Nakaputi at may kasamang mga lalaki rin kaya dali dali kaming pumasok ng sasakyan.

Ng makapasok na ay bigla kami kinabahan ni Tinyo lalo na ako kasi hindi ordinaryo itong pinasukan namin.

“Bakit po tayo hinahabol ng Mamang Nakaputi at kasama niya?” Ang inosente kong tanong.

“Parak iyon. Ba’t kasi sinabi mo.” Ang sabi niya sa akin.

“Wala naman po kasi kayo sinabi na hindi ko dapat sabihin itong ginagawa ko kahit kanino.” Ang sabi ko.

“Oo nga naman pards. Ikaw naman ang may kasalanan.” Ang pag sang ayon niya sa aking sinabi. Binatukan na lang niya ang nagmamaneho.

Lagi silang nakaitim pag pupunta sila sa tagpuan namin. Pero iyong lalaking binigyan ko ay disente manamit. Medyo malayo ang lugar sa pinagdalhan sa amin. Tagong lugar ata ito na malaking bodega. Maraming talahib dito. Mayroon pala nito sa Maynila.

Dumating na kami sa lugar at pinababa. Sinama kami sa isang opisina sa taas at napansin ko na maraming mga bata at nagrerepak sila ng puting parang asukal pero wala akong maamoy na matamis kundi nakakasulasok na amoy.

Nakarating kami sa opisina at nakita kong may nakaupong nakatalikod sa amin. Binati ito ng kasama namin.

“Boss andit na kami.” Ang sabi ng lalaking kasama namin. May dalawa lalaki ring nakaitim na armado ng mga baril. Natakot kami baka kung anong gawin sa amin.

“Mabuti naman akin ng pera.” Ang sabi ng tinawag niyang boss. Binigay ang pera ng lalaking kasama namin

“At sino naman sila?” Ang pagturo niya sa amin.

“Boss kinuha ko na sila kasi sila ang responsable sa pagdagdag ng income natin iyon nga lang binuko tayo naikwento sa parak.” Ang sabi niya. Tumayo ito at lumapit sa amin.

“Good boy” Ang sabi niya sa akin. Sabay gulo sa aking buhok.

“Mayroon na tayong epektibong agent na magdadala ng epektos. Sige turuan niyo siya at bihisan at paliguan ang baho nila at pakainin mo rin sila.” Ang sabi niya sa mga tauhan niya.

Natuwa naman kami ni Tinyo at least mukhang maganda ang mangyayari sa amin ni Tinyo. Kumain na kami at naligo. Natulog at bukas daw ay may misyon daw ulit ako. Nakakatuwa dahil mukhang wala na kaming problema sa matitirhan namin at sa kakainin.

Natulog na kami sa kamang binigay sa amin. Tabi na lang kami ni Tinyo matulog dahil sobrang dami ng bata sa kuwarto. Narinig namin ang usapan ng mga kabataang kasama namin.

“May bagong recruit na naman si Boss. Siguro siya ang magdadala ng droga.” Ang sabi ng isa.

“Siguro nga. Masyadong bilib sa kanya si Boss.” Ang sabi pa ng isa.

Doon ko lang nakumpirma na droga pala ang hinahatid ko sa mga nakalipas na araw. Bakit hindi ko naisip iyon? Akala ko pa naman ay okey itong napasukan ko. Ano na naman itong pinasok ko?

Samantala sa kinaroroonan ni Justin ay nawalan na siya ng pag asang mahanap pa ako. Kaya nagdesisyon na siyang umuwi sa bahay nila. Mahigit isang buwan na siyang wala sa bahay nila. At nagkakataong nagcucut na siya ng klase. Nagtatago din siya sa mga magulang niya at kapatid. Nakita niyang balisa ang Daddy niya nung pumunta ito ng eskwelahan. Kaya minabuti na muna niyang hindi na pumasok siguro mga 3 linggo na iyon. Graduating pa naman siya.

Sobrang alala na siya sa akin at siyempre sa iniwang pamilya kung kamusta na ito. Pero desidido na siyang bumalik para maipagpatuloy ang pag aaral niya. Hindi na niya talaga makita pa si Oliver kahit saan siya magpunta. Malamang wala na siya sa Batangas. Gusto man niyang sugurin ang Maynila ay wala siyang magawa dahil kulang na ang pera niya. Inimpake na niya ang dala niyang gamit para makabalik kasi matatapos na rin sa isang linggo ang upa niya sa bahay na tinutuluyan niya.

Samantala sa unang araw ng sabak ko ay pinapunta ako sa isang mall sa Pasay. Habang hinihintay ko ang pagbibigyan ko ng regalo ay bigla akong naihi. Hindi ko na talaga mapigilan. Iniwan ko muna ang regalo sa upuan ng food court alam ko namang walang kukuha noon at nagbanyo ako. Ang dami pang umiihi. Grabe natagalan ako.

Ng matapos ay hinanap ko na ang regalong pinag iwanan ko. Hanap ako ng hanap kaso talaga hindi ko makita. Kinakabahan na ako. Pinuntahan ko na lang sa paradahan ng sasakyan si Mang Arnolfo.

“O bakit humahangos ka?” Ang tanong niya.

“Ah eh...” Ang sagot ko na naputol.

“Naibigay mo na ba tara na?” Ang sabi niya.

“Iyon nga ang problema po kasi nawawala ang regalo.” Ang sabi ko. Nagsisimula na akong umiyak.

“Patay tayo diyan. Malalagot tayo kay Boss.” Ang sabi niya.

“Kinakabahan po ako.” Ang natatakot kong sabi.

“Tara na tumatawag na si Boss sa akin.” Ang sabi ni Mang Arnolfo.

Binabagtas na namin ang lugar pauwi at kabado na ako ng mga oras na iyon. Pinagpapawisan na ako. Nakarating na kami at naririnig ko na ang galit na galit na si Boss sa opisina niya.

“There you go. Asan na daw ang epektos?” Ang sigaw niya sa akin.

“Boss nawawala po.” Ang natatakot kong sabi.

“What!!!” Ang sigaw niya.

Tumayo ito at may kinuha siyang latigo. Walang ano ano ay hinampas niya ako ng sobrang lakas.

“Aray ko po.” Ang daing ko.

“Tang ina mo. Wala akong pakialam nasan ang epektos. Iyon ang importante. Pera na naging bato pa!” Ang sigaw niya sa akin sabay latigo ulit sa akin.

Paulit ulit niya itong ginawa sa akin hangga’t hindi ako umaamin. Sobrang parusa dahil hindi ko talaga alam kung saan.

“Boss..hindi ko talaga alam.” Ang hina hinang sabi ko at nawalan na ako ng ulirat.

Nagising ako ng may nagpupunas sa akin. At naramdaman ko ang pagpahid ng alcohol sa mga sugat ko. Si Tinyo at isang bata doon ang gumamot sa akin. Umiiyak si Tinyo sa aking lagay. Sinasabi ko na lang sa kanya na okay lang ako. Kahit hindi naman.

Grabeng pahirap ang ginawa pa sakin sa mga sumunod na araw. Nandyan akong pasuin ng upos ng sigarilyo. Latiguhin ulit hangga’t hindi ako umaamin.Wala talaga silang mapapala sa akin.Bugbog sarado ang inabot ko naman ng sumunod na araw. Hindi ko talaga alam na ganito ang mangyayari sa akin. Dahil hindi ko lubos maisip na mapupunta ako sa kamay ng mga sindikato.

Nagsabi na lang akong babawi para mapatunayan na hindi ako nagsisinungaling. Pinagbigyan naman ako. Kaya ayon binigyan naman niya ako ng bagong assignment. Ibibigay ko ito sa isang subdivision sa Quezon City. Sinamahan ako ni Mang Arnolfo ulit. Naging maayos naman ang kinalabasan at natuwa si Boss.

Sa sumunod na transaction ko doon ay nakabisado ko na ang lugar. At sa pang lima kong punta nagcommute na lang ako para hindi rin mahalata. Ng matapos ang transaction ko ay umuwi na ako sa lugar namin. Di ko namalayan na may sumusunod pala sa akin. Ng mapansin niyang tumingin ako ay bigla itong nagiba ng direksiyon. Kinabahan ako pero pinagkibit balikat ko ito.

“Boss heto na po.” Ang sabi ko sabay abot kay Boss ng pera.

“Magaling buti hindi ka nila napansin” Ang sabi nila.

“Boss hindi naman pero may lalaking sumunod sa akin habang papasok ako dito sa bodega.” Ang sagot ko. Nagulat ito at tumayo.

*PLAK*

Natumba ako sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya. Napaiyak ako. Tinadyakan pa ako sa aking tagiliran na lalong nagpadagdag ng sakit na nararamdaman ko.

“Tang ina papatayin kita.” Ang galit na galit na sabi niya. Sabay bunot ng barili at ng akmang papaputukin na ay may narinig kaming sunod sunod na putok ng mga baril.

Mabilis ang pangyayari umalis na si Boss kasama ang mga tauhan at ako naman ay tulala hanggang sa may narinig akong putok ulit ng mga baril. Kinabahan ako at naalala ko si Tinyo. Pinuntahan ko ang kuwarto namin. Naabutan kong wala na si Tinyo. Hanggang bumukas ang pintuan ng kuwarto namin.

“Pulis ito wag kang gagalaw kung ayaw mong masaktan. Taas mo ang mga kamay mo.” Ang utos sa akin. At ginawa ko naman ito. Pinosasan nila ako. Sa sobrang takot ko ay umiyak ako ng umiyak.

Samantala pag uwi ni Justin sa bahay nila ay isang kagimbal gimbal na pangyayari ang magbabago sa buhay nilang magkapatid.
______________________________________________

Spoiler alert:

"Ano bang kalbaryo itong dinanas ko? Sobra naman ito panginoon ko. Wag niyo naman akong ganituhin. Hindi ko alam kung bakit ko kailangan pagdaanan ito. Ganito ba ang buhay na nakalaan sa akin. Sobra namang pagdurusa ito. Sana talaga namatay na lang ako."

Anong pangyayari ito? Anong mangyayari sa bida ng istorya. Kailangang mangyari ito dahil dito na ang simula ng pinakahinihintay niyong lahat. Abangan..

Next update: 12/26/11 (Mahirap na pong magbakasakali sa magiging reaksiyon niyo pag inupdate ko ito sa araw ng Pasko. Baka hindi niyo na naman kakayanin. Baka puro hate message na naman matanggap ko.Hahaha)

8 comments:

Anonymous said...

naku sobra sobrang kamalasan naman ang nangyari kina oliver...nakakalunos naman....at nahuli naman sya ng mga pulis baka bitayin sya kasi droga at kaso nya.... hay naku ano naman ang mangyari sa kanya makulong sa bilangguan tapos mahalay naman sya sa loob.... wahhhhh d ko ata maatim ang mga pangyayari sa kanya... paano naman si tinyo nahiwalay ang bata...

ramy from qatar

Unknown said...

ramy from qatar: dito ka na naman..hehehe..basta hintay ka na lang po ng mangyayari. Lahat ng malalaman niyo dito at yung mga bagong pasok ay may malaking papel sa hinaharap. Sobrang spoiler na ito.

Dito ko na lang ibubuhos ang pagkokoment. Minsan nakakawalang gana magsulat doon sa BOL nakakainis yung ibang reader. Ayokong magkomento. Kasi pag ginawa ko iyon tiyak ko mas lamang ang hindi nakakaunawa.

Pinag iisipan ko ng magpahinga sa BOL dito na muna ako sa blog ko magsusulat. May bago akong niluluto sana magustuhan niyo. Tamang tama yun sa Love month. Haha...medyo light na yun hindi na siya yung katulad ng ganitong tema na mabigat sa dibdib.

Sa mga nakakabasa pasensya na po kung medyo mahaba ito. Mas gugustuhin kong magsabi ng gusto kong iparating sa inyo. Sana maintindihan niyo ako. Salamat sa inyong walang sawang pagbabasa.

Merry Christmas Guys!!

Anonymous said...

alam.... i read the other comments sa BOL... SOBRA na ang iba mag comment sa story mo...below the belt ang mga negative comments nila... they dont understand the flow of your story... pero sobra sobra naman.... makitid ang utak...ang hirap kaya gumawa ng story...

ramy from qatar

Unknown said...

Salamat ramy for understanding. I appreciate it. Be happy na lang tayo kasi Christmas naman. hehehe..

Ross Magno said...

D2 pala sa chapter na to papasok sa buhay ni Oliver si Tinyo...

Unknown said...

Yup dito na papasok ang mga bagong tauhan. Sunod sunod na. Hehehe. Anong dulot nila kay Oliver? Yan ang abangan mo.

Ross Magno said...

Oo nga aabangan ko.

Your story is not recommended for people who have frail hearts...

Unknown said...

Ross Magno: Oo hindi talaga ito pwede sa mga may frail hearts. Idadagdag ko siya sa susunod kong update. Salamat sa ideya.

ShareThis