Monday, December 26, 2011

NO ONE© Chapter 08

Salamat sa inyong walang sawang pagbabasa sa aking akda. Pasalamatan ko lang sina ramy from qatar at Ross Magno. Salamat sa inyo kasi kahit papaano may nakakaappreciate pa rin ng gawa ko. Hindi isa o iilan lang ang makakapigil sa gusto kong gawin. Basta ako masaya ako sa ginagawa ko. Ito ang paraan ko para ipahayag ang gusto kong sabihin sa lahat na hindi ko kayang ilahad sa tunay na buhay. Hindi man ako kasing galing ng ibang writer basta ako happy na ako sa ginagawa ko.

Pagpasensyahan niyo na po ako. Going back to my story. Ang masasabi ko lang sa chapter na ito ay isang matinding pagtatapos para sa isang matinding pagsisimula. Hindi ko na po patatagalin pa. Enjoy & Merry Christmas!

Paunawa: Ang aking istorya ay para sa mga taong may malawak na pag unawa. Walang pumipigil sa inyong basahin ito. At hindi rin ito angkop sa mga mahina ang puso. Mahirap na baka mamaya may mangyaring masama sa inyo. Wag niyo akong konsensyahin.  
______________________________________________


“Kuyaaaa!!!” Ang sigaw ni Barbara kay Justin na makita niya ito. At niyakap siya.

“Ba..bakit a..nong nangyari?” Ang nauutal na sabi niya kay Barbara.

“Kuya wala na si Daddy..huhu” Ang naiiyak na sabi nito kay Justin. Nanlumo si Justin sa narinig at hindi makapaniwala.

Unti unti siyang pumasok sa bahay nila at nakita ang kabaong na nasa sala nila. At doon niya nakita ang wala ng buhay na ama niya.

“Daddy!!!!” Ang sigaw niya sa kabaong nito.

“Bakit mo kami iniwan!!” Ang umiiyak na sabi nito.

“Kuya hinanap ka ni Daddy at pati si Oliver kaso hindi niya kayo makita. Sobrang nag alala si Daddy parati na siyang umiinom gabi gabi. Tinangkang niyang hanapin ka kahit nakainom siya. Pinigilan siya ni Mommy kaso hindi niya kinaya ang lakas ni Daddy. Wala kaming nagawa pagbalik niya wala na si Daddy nabangga raw ng isang trak...Huhuhu.” Ang umiiyak na sabi ni Barbara.

“Kasalanan ko lahat ito. Ako dapat ang sisihin sa lahat ng ito..Wahhh!” Ang sigaw niya at nagwawala sa kabaong ng Daddy.

“Kuya tama na iyan..tama na!” Ang awat ng kapatid sa kanya.

“Si Mommy?” Ang tanong niya sa kapatid.

“Ayun oh! Tulala na siya isang linggo na. Ng malaman niya ang sinapit ni Daddy. Kuya wala na sa katinuan si Mommy. Laging itong tulala. At hindi kumakain.” Ang sabi ng kapatid. Lumapit siya sa kinaroroonan ng kanyang Mommy. Nakatulala ito sa isang sulok. Humarap ito sa Mommy niya.

“Mommy nandito na ako?” Ang sabi niya.Tumingin lang sa kanya ang Mommy niya na hindi nagsasalita.

“Mommy patawad. Hindi ko po sinasadya.” Ang naiiyak na sabi niya at niyakap ang Mommy niya.

Humagulgol lang siya ng humagulgol at lumapit na rin ang kapatid niya at niyakap silang dalawa at hindi rin niya mapigilan ang umiyak. Marami ang naiyak sa eksenang iyon. Halos ang mga nandoon na nakidalamhati ay nakita ang eksena at naawa sa kinasapitan ng pamilya ni Justin.

Habang sa kinaroroonan ko naman. Dinampot ako ng mga pulis na humuli sa akin. Ng makarating kami ng presinto ay binalibag nila ako sa sahig.

“Pakawalan niyo po ako kailangan po ako ni Tinyo. Kasama niyo po ba siya?” Ang tanong ko sa mga dumampot sa akin.

“Wala kaming batang nakuha. Ang bilis magtatago ng mga kasama mo.” Ang sabi ng Pulis.

“Hindi po pwede andoon lang po iyon.Impossible po!” Ang sigaw ko.

“Tumahimik ka diyan. Ang ingay ingay mo.” Ang sabi sa akin ng isang preso.

Umupo ako at umiyak ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas dito. Kailangan ako ni Tinyo. Hindi pwedeng wala ako sa tabi niya. Baka mapano pa siya. Nasa ganoon akong pag iisip ng bumukas ang pinto ng kulungan .

“Tumayo ka diyan. Iinterogate ka namin.” Ang sabi ng Pulis.

“Saan niyo po ako dadalhin? Pakawalan niyo na po ako. Kailangan ko pong makita si Tinyo. Kailangan po niya ako.” Ang pagmamakaawa ko.

“Tumahimik ka diyan. Ang bata bata mo pa para maging isa sa mga sindikato.” Ang sabi niya sa akin.

Pumunta kami sa isang opisina. Pagpasok namin ay may upuan at lamesa sa gitna at May ilaw sa gitna noon. At may salamin sa gilid ng kuwarto. May isa pang pulis ang nandoon.

“Chief heto po ang isa sa mga kasamahan ng mga sindikato. Isa siya sa mga namataang pumasok sa subdivision at nagbigay ng epektos.” Ang sabi ng pulis na kumuha sa akin.

“Sige paupuin mo na iyan.” Ang sabi ng Chief.

“Upo ka raw!” Ang utos niya sa akin sabay hila sa akin paupo sa silya.

“Ano pong kailangan niyo sa akin?” Ang takot kong sabi.

“Anong pangalan mo?” Ang tanong sa akin.

“Oliver Concepcion po.” Ang sgot ko.

“Ilang taon ka na?” Ang tanong ulit niya.

“16 pa lang po ako.” Ang sabi ko.

“Ang bata mo pa para magtulak ng droga.” Ang sabi niya.

“Napag utusan lamang po ako.” Ang sagot ko.

“Wag ka ng magpaliwanag alam kong sinabi na sa inyo na ganyan ang mga sagot na isasagot niyo sa amin pag nahuli kayo.” Ang sabi niya.

“Hindi po ako nagsisinungaling. Bago pa lang ako sa kanila. Galing po ako ng Batangas napadpad lang ako dito dahil naglayas ako.” Ang sabi ko.

“Tumahamik ka.” Ang sabi niya. Sabay hampas ng lamesa. Nagulat ako.

“Anong pangalan ng boss niyo?” Ang tanong niya sa akin.

“Hindi ko po alam. Boss lang po ang tawag ko sa kanya.” Ang sagot ko.

“Sinungaling ka.” Ang sabi niya.

“Hindi po. Nagsasabi po akong ng totoo.” Ang sabi ko.

“Nangangatwiran ka pa!” Ang sabi niya sa akin. Sabay tango sa kasamahan. Inundayan akong ng suntok.

“Arrgghhh!!” Ang daing ko.

“Anong pangalan ng boss mo?” Ang tanong niya ulit.

“Hindi ko po talaga alam.” Ang umiiyak kong sabi. Tumango ulit ito sa kasamahan. Inundayan ako ng suntok ulit.

“Arrrgghh!”Ang daing ko.

“Talagang matigas ka ha!” Ang sabi ng kasamahan nito. Sunod na sunod na suntok ang ginawa sa akin.

“Wala po talaga akong alam!” Ang sigaw ko at umiiyak.

Sinuntok ulit ako. Grabeng parusang ito. Hindi ko alam kung bakit sunod sunod na pahirap sa akin.Ng akmang susuntukin ako ng kasamahan ni Chief ay dumating ang Mamang Nakaputi na nakilala ko noon.

“Chief bawal yan. Menor de edad pa yan. Makakasuhan tayo.” Ang sabi niya pagbukas na pagbukas.

“Sarhento Espinas wag kang makialam dito. Hindi mo ito kaso. Umalis ka na at bumalik ka na sa post mo.” Ang utos ni Chief.

Wala man siyang magawa ay umalis na siya baka siya pa ang pag initan.

“Tang ina pakialamero si Espinas. Naku sir baku siya pa ang maging dahilan na mademote kayo. Kayo din.” Ang pag alala ng kasamahan niya.

“Wag lang niya akong tataluhin dahil ilalagay ko siya sa kanyang paglalagyan.” Ang banta ni Chief sa kasamahang pumasok.

“Hoy ikaw bata..ano hindi ka magsasalita diyan? Anong pangalan ng boss niyo?” Ang sigaw niya.

“Hindi ko po talaga alam sir.” Ang nahihirapan ko ng sagot.

Inundayan ulit ako ng suntok sa aking sikmura. Sunod sunod hanggang sa wala talaga sila mapala.

“Sige ikulong niyo na iyan. Siguraduhin niyong wala ibang makakaalam na menor de edad iyan. Kailangan natin iyan para makakuha ng impormasyon sa grupo ni Alyas Intsong.” Ang sabi ni Chief.

Kinuha na ako at kinulong ulit. Ng makapasok sa loob ay puro iyak lang ang aking ginawa.

“Tang ina naman oh. Natutulog ang tao ang ngay mo!”Ang sabi ng isang presong kasama ko sabay sipa sa akin.

“Aray!!” Ang daing ko.

“Hoy ano iyan!” Ang sita ng pulis.

“Boss patahanin niyo naman ito. Hindi ako makatulog.” Ang sabi ng sumipa sa akin.

“Hoy bata tumigil ka diyan kung ayaw mo patahimikin kita.” Ang banta sa akin ng pulis.

Tumigil ako pero humikbi na lang. Pinipigilang kong lumikha ng ingay para wala ng gulo. Sobrang pasakit naman ito nangyari sa akin. Paano ako ngayon makakatakas dito?

"Ano bang kalbaryo itong dinanas ko? Sobra naman ito panginoon ko. Wag niyo naman akong ganituhin. Hindi ko alam kung bakit ko kailangan pagdaanan ito. Ganito ba ang buhay na nakalaan sa akin. Sobra namang pagdurusa ito. Sana talaga namatay na lang ako."

Ang sa isip ko at iyak lang ako ng iyak sapat na hindi makalikha ng ingay.

Ano na kaya ang nangyari kay Tinyo? Kamusta na kaya siya ngayon? Kumakain kaya siya? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may masamang nangyari kay Tinyo. Sana okay lang talaga siya. Okay lang kung ako ang pahirapan dahil sanay na ako pero si Tinyo bata pa at hindi niya dapat ito maranasan.

Ang nasabi ko ulit sa aking sarili dala ng inaalala ko si Tinyo kumpara sa kalagayan ko.Hindi rin kasi ako makakatulog nito kung alam kong may isang taong napahamak ng dahil sa akin. Kasi si Tinyo ay kapatid na ang turing ko sa kanya simula ng magkakilala kami kahit sa maikli panahon.

Wala naman din kasi akong kapatid kaya sabik ako na magkaroon ako ng kapatid. Kaya nga kahit nagduda ako sa kanya noon ay kinupkop ko pa rin siya at tinuring na kapatid. Napamahal na rin sa akin si Tinyo. Sana lang nasa maayos siya na kalagayan. Yan lang naman ang tangi kong hiling at dasal ng mga oras na ito. Nasa ganoon akong pag iisip na makatulog ako sa pagod at sakit ng katawan.

Kinabukasan ay nagpasya na ang magkapatid na sina Justin at Barbara na bukas na ang libing dahil masyado ng matagal ang paglalagi ng labi ng Daddy nila sa bahay. Dumating din ang Attorney nila. At sabi sa kanila ay may makukuha silang malaking halaga sapat na para sa aming tatlo. Malaking bagay iyon kahit papaano sa kalagayan nila na tatlo na lang sila at may sakit pa ang Mommy nila.

“Kuya paano na tayo ngayon?” Ang tanong ni Barbara.

“Wag kang mag alala kasi aalagaan ko kayo. Kaya kailangan mo akong tulungan? Hahanapin ko din si Oliver pag nagkataon para makasama natin siya dito. At makatuwang din natin.“ Ang sabi ni Justin.

“Kuya pasensya ka na kung nagalit ako kay Oliver.” Ang paghingi ulit ng depensa niya kay Justin.

“Wag na natin iyan pag usapan pa. Ang mahalaga ay makita ko si Oliver. Makasama siya dito. Siya lang ang buhay ko. Wala na akong hihilingin pang iba.” Ang sabi niya.

“Kuya alam ko mahal mo si Oliver kahit pareho kayong lalaki okay lang kung diyan ka sasaya susuportahan kita.” Ang sabi ni Barbara. Niyakap siya ng kuya niya.

“Salamat sa pagintindi sa akin. Wag kang mag alala kahit na makita ko si Oliver at makasama siya hindi ka namin iiwan pati si Mommy. Aalagaan ka namin.” Ang sabi ni Justin. At hinalikan ang noo ng kapatid.

“Promise Kuya hindi na ako papasaway sa iyo. Hahanapin ko rin si Oliver para makahingi ng tawad sa kanya.” Ang sabi niya sa Kuya niya.

“Ayan ang gusto ko sa iyo. Hala tara na marami pang bisita sa baba. Aasikasuhin na natin sila.” Ang aya niya sa kapatid niya.

Naging maayos ang araw ng ito para sa magkapatid. Samantala sa aking kinaroroonan. Hindi ko alam kung anong oras na pero ang sakit sakit ng mata ko pagkagising ko at ganoon din ang aking katawan. Naalala ko nga palang binugbog ako kaya ganito ang pakiramdam ko. Narinig ko na lang ang pagbukas ng kulungan namin. Pumasok ang Pulis.

“Hoy bata tayo diyan” Ang sabi sa akin. Tinatapik ako gamit ang kanyang sapatos.

“Ano pong kailangan niyo sa akin?” Ang takot kong sabi.

“Basta tumayo ka na diyan. Pinapatawag ka ulit ni Chief.” Ang sabi niya sa akin.

“Sinabi ko naman pong wala akong alam sa mga tinatanong niya. Maawa na po kayo sa akin. Hindi ko po talaga alam iyong mga sinasabi niyo sa akin.” Ang natatakot kong sabi. Dahil alam ko na namang papahirapan nila ulit ako para umamin sa hindi ko naman talaga alam.

“Basta sumama ka sa amin. Ang ingay ingay mo. Dali!” Ang utos niya sa akin.

Takot na takot ako habang pinoposasan ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng kulungan. Mukhang papunta ulit kami sa opisina kung saan doon ako kinausap ni Chief.

“Sarhento Cruz, saan niyo dadalhin ang bata?” Ang tanong sa Pulis na kumuha sa akin sa kulungan. Si Mamang Nakaputi iyon. Ngayon ko lang naaninag na may hitsura pala ang pulis at talagang lalaking lalaki tingnan.

“Sarhento mukhang may gusto ata sa inyo itong bata.” Ang puna sa akin ng napatitig ako ng matagal.

“Tang ina mo. Bata iyan” Ang sabi niya sa Pulis na kasama ko. Nahiya naman ako.

“O tingnan mo umiwas ng tingin sa iyo. Ang lakas talaga ng karisma mo.” Ang sabi niya kay Mamang Nakaputi.

Nakita ko sa uniporme niya na siya ay si Sarhento Espinas. Siya pala ang pumasok sa kuwarto kung saan ako binubugbog. Mukhang mabait naman ito kasi base sa kanyang pagmumukha hindi ito gagawa ng masama sa kanya.

“Sige Sarhento Espinas pupunta muna kami kay Chief kailangan niya itong batang ito.” Ang sabi niya. At akmang lalakad na kami papunta sa opisina ni Chief ng magsalita si Sarhento Espinas aka Mamang Nakaputi.

“Ipapalipat ko na siya sa DSWD kasi menor de edad iyan. Gumagawa na ako ng report.” Ang sabi ni Sarhento Espinas aka Mamang Nakaputi.

“Sarhento wag ka munang manguna sa utos ni Chief ikaw din.” Ang may kahulugang sabi niya dito.

“Hindi pwede nandito yan sa atin. Nasa batas iyan.” Ang sabi niya sa kasamang pulis.

Bigla namang lumabas ng opisina nito si Chief .

“Sarhento Cruz at Sarhento Espinas anong komosyon ang meron diyan?” Ang tanong ni Chief.

“Si Sarhento Espinas po gumawa ng report para ipaDSWD ang batang ito.” Ang sabi ni Cruz at sabay pakita sa akin.

“Sarhento Espinas akin na ang report mo para mapirmahan ko.” Ang sabi ni Chief.

“Sige po Sir kunin ko lang po sandali lang po.” Ang sabi ni Sarhento Espinas.

“Ikaw naman Sarhento Cruz punta ka dito.” Ang sabi niya kay Sarhento Cruz.

“Yes Sir!” Ang sabi ni Cruz at dinala na ako sa opisina ni Chief.

Pinaupo niya ako habang may binubulong si Chief kay Sarhento Cruz. Tiningnan ko ang paligid. Ang pangalan pala niya ay Chief Inspector Alfredo Mercedes. Habang ako’y nakamasid sa aking paligid. Hindi na pala ako natuloy sa pagpunta doon sa isang kuwarto .

Maya maya ay biglang may kumatok. Nakita kong pumasok si Mamang Nakaputi aka Sarhento Espinas. May nilapag ito lamesa ni Chief.

“Eto na po ang report Sir.” Ang sabi ni Sarhento Espinas.

“Sige makakaalis ka na.” Ang sabi nito kay Sarhento Espinas pagkatapos ilagay ang isang papel.

Matapos umalis si Sarhento Espinas at umupo si Sarhento Cruz at nagsalita.

“Tingnan niyo Sir pinapangunahan niya kayo sa utos. Nagmamagaling.” Ang sabi ni Sarhento Cruz.

“Pabayaan mo na basta wag ko lang malalaman na siya ang dahilan na hindi ako mapopromote sa susunod na taon.” Ang banta nito.

“Pero Chief anong gagawin natin dito sa bata.” Ang sabi ni Sarhento Cruz sabay turo sa akin.

“Ikaw na ang bahala diyan.“ Ang sabi niya.

Hindi ko alam kung anong ibig nilang sabihin. Pero may kutob akong may mali. Maya maya pa ay binigay na ni Chief ang papel na ginawa ni Sarhento Espinas at binigay kay Sarhento Cruz. Pinatayo ako.

“Sige po Sir ilipat na po namin siya.” Ang sabi ni Sarhento Cruz bago tuluyan kami umalis sa opisina niya.

Nakita namin si Sarhento Espinas kagagaling lang nito ata sa banyo kasi inayos pa nito ang zipper ng pantalon niya.

“Sarhento Cruz anong sabi ni Chief?” Ang tanong ni Sarhento Espinas.

“Pumayag na si Chief na ilipat ang bata sa DSWD.” Ang sabi ni Sarhento Cruz.

“Ganoon okay sige samahan ko kayo.” Ang sabi ni Sarhento Espinas.

“Wag na ako lang ang pinayagan.” Ang sabi ni Sarhento Cruz.

“Paalam lang ako saglit.” Ang sabi niya.

Bigla namang lumabas si Chief.

“Chief baka pwede kong samahan si Sarhento Cruz sa paghatid sa DSWD?” Ang pagsusumamo ni Sarhento Espinas.

“Hindi mo na kailangan samahan saka isa lang iyan. Hindi naman makakatakas iyang bata.” Ang sabi ni Chief.

Wala ng nagawa pa si Sarhento Espinas. Nakita ko sa mukha nito na nag alala ito. Hindi ko alam kung para saan. Natuwa ako kahit paano. Hindi ko alam pero alam kong nag aalala ito sa aking sitwasyon.

“Sige po chief alis na po kami.” Ang sabi ni Sarhento Cruz.

“Okay sige.” Ang tugon nito.

Umalis na kami para puntahan ang DSWD. Hindi ko alam pero habang binabagtas namin ang lugar ay parang kinakabahan ako ng hindi ko alam.

“Ngayon wala ng gugulo sa amin sa imbestigasyon humanda ka bata.” Ang makahulugang sabi niya sa akin. Lalo ako kinabahan sa sinabi niya.

Nakatulog ako sa sobrang haba ng biyahe hindi ko alam kung normal lang iyon o hindi. Ginising ako ni Sarhento Cruz.

“Hoy bata gising na!” Ang sabi niya sa akin.

“Nasaan po tayo?” Ang tanong ko.

“Nasa libingan mo.” Ang sabi niya.

“Po!!” Ang gulat kong sabi.

“Baba na!” ang utos niya.

“Sir maawa naman po kayo.” Ang sabi ko.

“Baba ka na!” Ang sabi niya. Sabay hablot sa akin pababa.

Napansin ko na nasa lumang bodega kami. Hindi ko alam kung bakit ako dinala dito akala ko sa DSWD. Hindi ata ito DSWD.

“Sir hindi po ata ito ang DSWD?” Ang sabi ko.

“Hindi nga. Ano bang sabi ko kanina? hindi ba libingan mo.” Ang sabi niya.

“Sir nagbibiro lang kayo?” Ang sabi niya.

“Hindi sige hala doon.” Ang utos niya sa akin. At ako’y kanyang pinapunta sa loob.

Sinipa niya ako at ako ay natumba. Natakot ako kasi nakita ko ang demonyong tingin niya sa akin. Maya maya lumapit ito sa akin.

“Sira! Magpasensyahan tayo ngayon. Marami kaming tatanungin sa iyo kaya papahirapan ka namin.” Ang sabi nito sa akin. Natakot ako.

“Sir maawa po kayo sa akin. Wala po talaga akong alam.” Ang nagmamakaawa kong sabi dito.

Pero hindi ako pinakinggan. Pinunit niya ang damit ko. Walang tinira sa akin. Natakot ako baka gawin niya sa akin ang pinagawa sa akin ni Kapitan noon. Bumalik ang lahat ng kahayupan sa akin.

“Sir maawa na po kayo.” Ang naiiyak at pagmamakaawang sabi ko.

“Hoy ungas! Ano bang iniisip mo? Gagahasain kita? Sira!” Ang sabi nito sa akin.

Nakahinga ako. Tinali niya ako sa pamamagitan ng isang kadena na hubo’t hubad. Nakatulog ako sa sobrang tagal ng paghihintay ng sinumang hinihintay namin ni Sarhento Cruz.

Hindi ko namalayan na dumating na si Chief at may isa pa itong kasamang pulis. At binuhusan ako ng isang balde ng tubig.

“Grrr!!” Ang ginaw kong sabi ko.

“Gising na po siya Chief!” Si Sarhento Cruz.

“Anong pangalan ng boss mo?” Ang sabi ni Chief.

“Hindi ko talaga alam Sir.Pakawalan niyo na po ako.” Ang sabi ko.

“Sige buhusan mo pa iyan.” Ang sabi ni Chief. At binuhusan ako ngayon ng may yelong tubig.

“Ang ginaw...wa..la..po talaga..a..kong..a..lam”Ang nanginginig ko ng sabi.

“Ang tigas chief. Anong gusto niyong gawin natin?” Ang sabi ng isang pulis na kasama nito. Napansin ko ang uniporme nito. Si Sarhento Corpuz.

“Sarhente Corpuz sige kuryentehin niyo na.” Ang sabi ni Chief.

“Sir maawa na po kayo. Wala po talaga akong alam.” Ang naiiyak at nagmamakaawa kong sabi.

At narinig ko ang kumikiskis ang dalawang tanso na nilagay sa baterya ng sasakyan.

“Sir maawa na po kayo hindi ko nga po alam ang pangalan ng boss ko.“ Ang naiiyak kong sabi.

“So inaamin mong kasabwat ka nila sa pagdadala ng epektos.” Ang sabi ni Chief.

“Hindi po kasi bago lang talaga ako sa kanila.” Ang sabi ko.

“Sige tuloy niyo na iyan.” Ang sabi ni chief.

“Ahhhh” Ang daing ko.

“Ano hindi ka aamin na kasama ka nila? Magmamatigas ka pa.” Ang sabi ni Sarhento Corpuz.

“Wala po akong aaminin dahil wala po akong alam.” Ang may diin ko pa ring sabi.

“Ahhhh....ahhhh..ahhh” Ang walang humpay na pagkuryente sa akin.

Hindi nila akong tinigilan. Buhos ng tubig at kuryente hangga’t sa manghina na ako.

“Sige patayin niyo na iyan at itapon. Siguraduhin niyong matutuluyan iyan.” Ang sabi ni Chief.

Binaba na nila ako sa pagkakatali. Hanggang sa itapon nila ako sa isang liblib na lugar. At pinaputukan ako ng tatlong beses sa aking katawan. At iniwang duguan hanggang sa unti unting akong nanghina at nawalan ng malay.

Kinabukasan ay ililibing na ang Daddy nila Justin. Masakit dahil ito na ang huling araw na makikita nila ang Daddy nila. Ang masakit pa nito ay kailangan nilang tumayo sa kanilang sariling mga paa dahil na rin sa kondisyon ng Mommy nila.

Hindi talaga makausap ng matino ang Mommy nila. Lagi itong tulala. Nakarating na sila sa sementeryo at may misang binigay para sa Daddy nila. Habang tumatakbo ang programa ay panay ang iyak nila Justin at Barbara. Magkayakap ang magkapatid habang umiiyak. Binigyan ng pagkakataon na magsalita ang magkapatid pero si Justin lang ang nagsalita dahil hindi kaya ni Barbara.

It’s been one month since I left our home. Daddy, I knew I disappointed you but can you blame me not to search for the love of my life. I tried but i failed. This is the consequences of all the action I’ve done in the past. I suffered a lot. Sorry for everything. Sorry I’ve made our family miserable. Sorry this is all i can do cause I can’t bring back the past anymore. But Daddy, I promise that I will take good care of everything. In this way I can pay you back for all the things you’ve given to me and for me to correct my wrong doings. Daddy take good care and we love you wherever you are.

Ang huling mensahe niya bago ilibing ang Daddy nila. Galit at panghihinyang ang namumutawi kay Justin pero kailangan niyang magpakatatag para sa natitirang miyembro ng pamilya. Siya na lang ang masasandalan ng mga ito. At nilibing na sa huling hantungan ang Daddy ni Justin habang sa kinaroroonan ko ay may isang matandang magbobote at diyaryo ang naghahalukay para sa mga pwedeng mabenta sa junk shop.

“Ay...sus ginooo!!!” Ang nagitlang sabi ng matanda na maghanap siya ng makukuha sa talahiban.
______________________________________________

Spoiler alert:  Ang pagsisimula ng pagbabago. Abangan ang pagbabago ng mga kapalaran ng mga tauhan sa aking sunod na update.

7 comments:

Anonymous said...

omg....nakakalungkot isipin ang mga pangyayari sa buhay ni oliver.... mga walang puso talaga ang mga pulis.... dapat jan bitayin sila.... lalo na si chief...sana mabuhay si oliver para malagyan ng parusa sa mga ginawa ng mga pulis na yan....kailangang mabuhay ka oliver para na lang kay tinyo na tinuring mong kapatid...sayang nga lang at namatay ang daddy ni justin... condolence sa yu justin.... sana maging matapang ka sa mga pag subok sa buhay mo. wag kang tumigil sa pag hanap kay oliver... wag mo syang sisihin dahil ikaw din ang may sala kung nakinig ka lamang noon sa mga pakiusap sa u na oliver d sana nangyari ang lahat...


ramy from qatar

Unknown said...

Ramy from qatar: Abangan mo kung maghihiganti si Oliver sa mga Pulis na yan...hehehe.

Ross Magno said...

Sana makulong yung mga pulis na yan...

Anonymous said...

dapat lang makulong sila.... mga pulis kalawang....mga walang puso....dapat ibitay sa electric chair..... lalo na si chief....pugotan ng ulo katulad dito sa middle east...isama na si kapitan at mang george....

ramy from qatar

Unknown said...

Isa lang masasabi ko. Everything has a purpose..hehehe..

Ross Magno said...

Wala bang fast forward button d2 Jay..hehe

Unknown said...

Sori wala eh..dadahan dahanin ko pero andun pa rin naman ang excitement..ako naeexcite na sa pagbabago na magaganap. Malapit na malapit na iyon.

ShareThis