Sunday, January 8, 2012

NO ONE© Chapter 13

Andito na naman po ang inyong lingkod. Magbibigay lang po ako ng maiksing patalastas. Gusto ko lang pong pasalamatan sina ramy from qatar, Ross Magno at Rue. Ang mga avid readers ko na laging tumututok dito sa aking blog. Salamat sa inyo.

Alam ko nagulat kayo sa pinakitang ugali ni Oliver. Gusto ko lang sabihin sa inyo na ibang ugali na talaga ang makikita niyo sa kanya simula ng maging mayaman siya. Hindi niyo kakayanin ang mga mangyayari kay Oliver ng dahil sa kanyang pagbabago ng ugali. Ang isang walang kalaban labang Oliver ay isang na ngayong matapang, matalino at walang awa na Oliver. Malalaman niyo na ang kasagutan sa kabanatang ito. Pagpasensyahan niyo na rin kung may problema sa grammar. Enjoy!
______________________________________________




videokeman mp3
Cold Summer Nights – Nina Song Lyrics

“Ju..Justin?” Ang gulat na sabi ko sa lalaking nasa labas.

“Oliver!” Ang seryoso niyang sabi sa akin. Hinatak niya ako at sinakay sa isang sasakyan. Hindi ko alam kung kanino ito pero hindi ko alam na meron pala siyang sasakyan. Akala ko wala na silang savings.

“Bitawan mo nga ako!” Ang sigaw kong sabi.

“Hanggang kailan ka magpapanggap? Hanggang kailan mo ako tataguan? Ang tagal ko ng hinintay kang makita. Tapos ganito pa ang pagtatagpo natin.” Ang galit niyang sabi.

“Tama ka Justin. Ako nga si Oliver na kilala mo noon. Happy?” Ang sarkastiko kong sabi. Niyakap niya ako at naramdaman kong umiiyak siya. Nahabag ako. Kasi kahit kailan hindi ko pa siya nakitang umiyak ng ganito. Naawa ako sa kanya pero dapat hindi dapat akong magpaapekto. Ayoko ng masaktan.

“Mahal pa rin kita hanggang ngayon Oliver. Hinanap kita nung mawala ka. Ang tagal ko ng hinantay ang pagkakataong ito. Buti na lang pinagtagpo na tayo.” Ang umiiyak pa ring sabi niya sa akin. Nahabag talaga ako. Pero gusto ko lang makasiguro. Kaya hinarap ko siya.

“Alam mo hindi ko alam kung may pagmamahal pa akong nararamdaman sa iyo Justin. Simula ng itakwil mo ako at ipagpalit kay Camille gumuho ang mga pangarap ko sa buhay. Ikaw ang una kong minahal. Pero ikaw din ang nagbigay sa akin ng sakit.” Ang sabi ko

“Gusto kong bumawi sa iyo Oliver please gagawin ko ang lahat. Ibabalik ko iyong pagmamahal mo sa akin. Nagkamali ako noon pero ngayon hinding hindi na ako uulit pa. Pagbigyan mo lamang ako.” Ang nagmamakaawa niyang sabi sa akin.

“Hindi ganoon kadali ang lahat. Hindi mo alam ang dinanas ko ng ako’y iwan mo. Akala ko ikaw ang magiging karamay ko. May pasumpa sumpa ka pa. Ang hirap umasa. Sawa na ako sa ganito. Ayoko ng danasin pa ang paghihirap na naranasan ko noon.” Ang naiiyak kong sabi.

“Kaya nga nandito na ako. Gusto kong bumawi sa iyo. Ayoko ng mawalay pa sa iyo. Ikaw talaga ang mahal ko. Kaya hinanap kita nung nawala ka. Maniwala ka sa akin.” Ang naiiyak niya ring sabi.

“Ewan ko gusto kong maniwala sa mga sinasabi mo pero sa kabilang banda ay may nagsasabing wag na akong paloloko sa iyo. Natatakot na ako.” Ang sabi ko.

“Hayaan mong alisin ko yang takot mo. Nangangako ako pagbigyan mo lang ako.” Ang sabi niya sa akin.

“Iuwi mo na ako gusto kong magpahinga.” Ang nasabi ko at hindi na siya tumutol. Hinatid niya ako sa Condominium ko. Sinamahan niya ako hanggang sa unit ko. At ng papasok na ako ay pinaharap niya ako at siniil ng halik. Nagulat ako.

Pero aminado akong nasarapan ako sa halik na ginawa niya. Hanggang ngayon ay hinahanap hanap ko iyon. Gusto ko man lumaban baka akalain niya ay okay lang sa kanya at pinapatawad ko na siya. Pero siya ang unang kumalas.

“Iyan pa rin ang labing inasam asam kong halikan. Hindi pa rin nagbago kahit nagbago na ang pagkatao mo Oliver. Hindi pa rin nawawala ang mga alaala mo sa puso ko. Kahit matagal na tayong nawalay sa isa’t isa ay ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko. Ikaw pa rin ang laman ng utak ko.” Ang madamdaming sabi niya.

“Umalis ka na. Magkita na lang tayo bukas.“ Ang malamig kong sabi. Nakita kong lumungkot ang kanyang mukha. Pero wala na akong pakialam doon. Ayoko na munang umibig.

Umalis na siya at tiningnan ko lang siya hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Alam kong nasaktan ko siya. Pero sa ngayon hindi pa ako handang umibig. Nakakasawa ang laging kang nasasaktan. Gusto ko munang makasiguro na siya na. Gusto ko ng panghabambuhay na kaligayahan.

Naupo muna ako sa aking sofa. Nakita kong natutulog si Tinyo. Mukhang hinintay ako. Nagising siya ng buhatin ko. Kaya binaba ko muna siya. At pupungas pungas pa siya ng mata.

“Kuya Oliver nandito ka na pala?” Ang sabi niya sa akin at yumakap.

“Kamusta naman ang bunso ko?” Ang paglalambing ko sa kanya.

“Nagugutom na po ako. Kasi hindi pa ako kumakain eh.” Ang sabi niya.

“Naku kawawa ka naman. Sige sandali lang magluto lang ako. Madali lang ito.” Ang sabi ko sa kanya. Sabay alis para pumunta ng kusina.

Pagkarating ko sa kusina ay nagluto na lang ako ng mabilisan. Nagluto ng corned beef kasi iyon ang pinakamabilis at madaling lutuin. Nagluto na rin ako ng kanin para bukas may pangsangag ako. Kailangan ko pala kumuha ng katulong para pag wala ako dito may mag aalaga kay Tinyo. Naawa ako sa bata.

“Kain na bunso.” Ang lapit ko sa kanya sa sofa.

“Opo.” Ang sabi niya.

Habang kumakain kami ay napapansin ko sa kanya na lagi siyang tumitingin sa akin. Ewan ayokong isipin na may gusto siya sa akin. Kasi halos 8 taon na ang tanda ko sa kanya para isipin iyon. Hay naku ano ba naman? Pero kung hindi ganoon katanda ang agwat namin malamang nahulog na ang loob ko sa kanya. Ano ba naman itong iniisip ko?

Paano naman kasi habang nagbibinata na si Tinyo ay ibang iba na talaga siya. Makikitaan mo na siya ng pagiging modelo. Pumuti siya lalo at talagang walang bakas ng kahit na ano sa mukha ni Tinyo. Sobrang perpekto.

“Kuya may boyfriend ka na ba?” Ang sabi niya. Bigla ako nabilaukan sa tanong niya.

“Bakit mo naman natanong yan?” Ang sabi ko sa kanya.

“Wala lang po.” Ang sabi niya sabay yumuko. Aba nahiya pa ang mokong.

“Sige kain ka na baka lumamig pa ang pagkain.” Ang pag iiba ko ng usapan.

Hindi naman lingid sa kaalaman niya na may bahid ako. Aminado ako kasi wala naman akong pinapakilalang babae sa kanya. Kaya siguro nakakahalata siya. Pero wala naman akong nakikitang pagbabago maliban lang sa lagi siyang malambing sa akin. Ganoon naman siya noon pa. Kaya wala akong nakikita masama doon. Harutang kapatid lang. Kasi ako walang kapatid ganundin siya kaya nagturingan kami bilang magkapatid.

Matapos na kumain ay nagligpit na ako ng kinainan namin. Siya naman ay naupo sa sofa para manood ng paborito niyang cartoons sa Cartoon Network. Ng matapos ako sa aking ginagawa ay niyaya ko na siyang matulog sa kuwarto niya. Gusto niya kasing ako ang magpatulog sa kanya.

Pumasok na kami sa kuwarto niya at ganoon pa rin siya nakayakap sa akin habang nakapikit. Mabilis siyang nakakatulog pag hinahaplos ko ang noo at buhok niya.

“Kuya mahal kita.” Ang sabi niyang nakapikit. Natuwa naman ako sa kanya pati pala sa panaginip ay ako pa rin ang kasama niya.

Hinalikan ko siya sa noo niya. Doon na ako nakatulog. Kinabukasan ay nagising akong wala na sa tabi ko si Tinyo. Nagulat ako kasi mukhang may kausap sa sofa ang bata.

Ng sa aking paglabas ng kuwarto niya ay naghahabulan sila ni Justin. Tuwang tuwa ang bata sa kanya. Napangiti ako sa aking nakikita. Hindi ko alam kung isa ito sa mga plano niya para makabawi siya. Kahit paano natuwa naman ako.

“Nandito ka pala?” Ang malamig kong sabi. Napahinto sila.

“Ah pasensya ka na. Sasabayan na lang kita para mabantayan kita ng maayos.” Ang sabi niya.

“Hindi mo naman kailangan gawin iyon iba ang trabaho na binigay ko sa iyo di ba?” Ang medyo asar kong sabi.

“Sinisimulan ko kasing suyuin ka. Kahit paano maparamdam ko sa iyo na nagsisisi akong iniwan kita.” Ang sabi niya. Ewan ko kung matutuwa ako o hindi.

“Hay ano pa nga bang magagawa ko nandito ka na.” Ang sabi ko na lang.

“Sandali lang maliligo na ako para makaalis na tayo papuntang work.” Ang sabi ko at hindi na hinintay ang pagsagot niya pumasok ako ng aking kuwarto at dali dali akong pumunta ng aking banyo.

Habang naliligo ako ay naririnig ko pa rin silang naghaharutan. Natuwa ako kasi alam ko naman na ginagawa niya ito para mapalapit siya sa akin. Pero bakit may takot pa rin akong tanggapin siya? Kahit alam kong malinis ang intensiyon niya.

Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit niya ako iniwan? Alam kong nagkamali ako pero humingi ako ng tawad sa kanya pero naging sarado ang puso niya. Nung kailangan ko ng makakapitan wala akong makapitan. Kaya sinuong ko mag isa ang hamon ng buhay. Hanggang natuto akong lumaban. At heto na ako ngayon sa kinalalagyan ko. Ibang ibang Oliver.

Ng matapos akong magbihis ay lumabas na ako ng aking kuwarto. Nalanghap ko na may niluluto si Justin. Pag lagi niya itong ginagawa hindi malayong mahulog ulit loob ko sa kanya. Nakita niya akong lumabas.

“Kuya Oliver nagluto po si Kuya Justin ng food natin.” Ang sabi ni Tinyo sa akin at sabay hila sa akin papunta ng hapag kainan.

“Kain na kayo. Hinanda ko iyan. Sinangag, scrambled egg, tocino, hotdog at love ni Justin.” Ang sabi niya sa akin na nakatingin at kinindatan ako.

“Kuya Justin ang sarap po ng mga handa niyo. Parehong pareho kayo ni Kuya Oliver.” Ang masayang sabi ni Tinyo sa luto ni Justin.

“Sige na kumain ka na lang diyan Tinyo.” Ang malamig kong sabi. Medyo nalungkot ang mukha niya ng marinig ang malamig kong sagot. Kumain na kami ng kanyang niluto. Walang imikan.

“Hindi ka ba nasarapan sa luto ko Oliver?” Ang nahihiya pa niyang tanong sa akin.

“Okay naman. Bakit kailangan bang ipakita kong sarap na sarap ako para maging masaya ka?” Ang inis kong sabi.

Napayuko naman siya sa sinabi ko. Naiinis ako sa kanya. Sumusobra na kasi ang pakikialam niya sa akin. Hindi naman niya kailangang tanungin ako kung gusto ko lahat ng ginagawa niya.

Nanaig ang katahimikan namin sa hapag kainan. Si Tinyo naman ay inosenteng inosenteng tingnan. Talaga wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari. Mas mabuti ng konti lang ang kanyang alam. Para hindi na rin siya magtanong ng magtanong pa sa amin.

Natapos na kaming kumain. Siya daw ang maghuhugas. Pinagbigyan ko na lang para naman wala ng away. At hindi na kami tumagal pa. Maya maya ay natapos na rin siya at umalis na kami kasama si Tinyo gusto ko munang ipakita sa kanya ang bagong sasakyan na binili ko sa kanya.

Sinabihan ko si Josephine, ang aking sekretarya na tatanghaliin ako ng pasok kasi ipapasyal ko pa si Tinyo sakay ng bagong sasakyan na binili ko. Buti na lang wala akong masyadong gagawin. At walang mga meeting ang mga investor. Mataas naman ang posisyon ko sa kumpanya kaya kahit na anong oras ay pwede akong pumasok. Pero siyempre ay dapat mas maging ehemplo ako sa aking mga tauhan.

Nakarating na kami sa opisina at binigay ko ang susi ng sasakyan ko. Si Tinyo ay sobrang saya at kanina pa tumatalon talon para makita ang loob. Bagal kasing buksan ni Justin.

“Wow Kuya ang ganda naman nito” Ang sabi niya ng makapasok na kami sa loob.

“Buti naman nagustuhan mo?” Ang sabi ko.

“Oo naman saka may TV pa oh” Ang turo niya sa harapan ng inuupuan niya.

“Oo para daw pag nanabagot ka ay pwede kang manood, maglaro.” Ang sabi ko sa kanya.

Hindi ako umupo sa passenger’s seat kasi ayokong magkatabi kami ni Justin. Iniiwasan ko siya para hindi niya sabihin na ako ang naghahabol sa kanya.

“Saan po tayo sir?” Ang sabi ni Justin. Biglang naging magalang ang mokong.

“Doon tayo sa MOA. Ipapasyal ko muna si Tinyo doon.” Ang sabi ko.

Binaybay namin ang kahabaan ng Edsa. Sa Makati kasi ang building kung saan ako nagtatrabaho. Kaya malapit lang naman iyon.

Hindi mapakali sa kanyang upuan si Tinyo nandiyan ang patingin tingin sa magkabilang bintana na aking sasakyan. Natutuwa ako sa aking nakikita. Nakita ko rin sa salamin sa harapan na panay ang sulyap sa akin ni Justin. Pag nagtatama ang aming paningin ay inaalis ni Justin ang kanyang tingin sa akin.

“Kuya ang sarap palang sumakay dito!” Ang masaya niyang sabi.

“Bakit mo naman nasabi?” Ang tanong ko.

“Kasi ang lambot lambot po ng upuan. Saka may TV po saka ang luwang luwang po at malamig pa po dito. Hindi katulad po dati sumasakay tayo sa Jeep ang sikip at ang init init.” Ang dire direstong sabi niya.

Naalala ko nga noong sumasakay kami ng Jeep kasi sobrang sikip kaya kinalong ko siya. Kalahati lang ng pwet ko ang nakasakay sa sobrang sikip. Sa antipolo pa kasi bahay namin noon. Pero ngayon dito na kami sa Pasay. Kaya naman natutuwa ako na maiiba na ang mundo na gagalawan namin.

Nasa ganoon akong pagbalik sa nakaraan ng huminto na kami. Nakarating na pala kami. Si Tinyo ay nasa labas na ng sasakyan at Nakatingin silang dalawa ni Tinyo sa akin. Nahiya naman ako sa kanila.

“Kuya Tara nood tayo ng movie.” Ang aya ni Tinyo sa akin.

Nanonood kami sa Imax ng movie. Sa Gitna namin si Tinyo mahirap na baka kasi kung ano pang gawin ni Justin. Akala ko magiging okay na ang panonood namin ng biglang tumayo si Justin at lumipat sa tabi ko. Wala kasi akong katabi.

“Anong ginagawa mo dito?” Ang bulong kong sabi.

“Giniginaw kasi ako doon.” Ang sabi niya. Palusot pa ang mokong. Halos pareho lang ang lamig sa kahit na anong lugar dito sa sinehan.

Hindi na ako umimik. Akala ko okay na. Kaso maya maya ay bigla siyang humikab at nakataas ang kamay niya at maya maya ay ang isang kamay niya umakbay sa akin. Tinanggal ko ito. Pero binalik niya ulit.

“Ano ba ang kulit kulit mo?” Ang napalakas kong sabi.

“Shhh..ang ingay.” Ang sabi ng mga nanonood. Nahiya naman ako sa ginawa ko. Tiningnan ko si Justin ng masama. Pero hindi siya nagpatinag lalo niyang dinikit ang katawan ko sa kanya. Parang magkayakap na kami tuloy. Nakita kong nakatingin sa amin si Tinyo at ng aming makita ay tumingin siya ulit sa pinapanood.

Naguluhan ako kung ano ang iniisip niya. Pero pinagkibit balikat ko na lang iyon. Sa kabilang banda ay natutuwa ako sa ginagawa ni Justin. Hindi niya man itanong gumagana sa akin ang mga ganitong panliligaw na ginagawa niya.

Ano bang nagyayari sa akin? Naku baka mahulog pa lalo ako sa kanya. At baka sabihin niya na gusto ko ang ginagawa niya. Tumayo ako at lumipat sa kanyang dating puwesto. Hindi na siyang sumunod kasi may katabi ako. Wala siyang nagawa dahil kung lilipat siya ay doon lamang siya sa aking pwesto uupo.

Natuwa naman ako dahil kita ko ang reaksiyon ng mukha niya. Parang batang nagtampo ng agawan mo ito ng kendi. Nanalo ako kahit papaano. Ayokong magmadali. Dapat ang gawin niya ay makuha ulit ang loob ko.

Hindi na ganoon kadali makuha ang loob ko matapos kong danasin ang lahat lahat ng paghihirap. Kaya alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip ng tao. Kung nagpapanggap lang ba o hindi gaya ni Albert. Ayoko ng maloko pa. Sinabi ko na sa sarili kong lalaban ako.

Natapos naman namin ang papanood ng sine ng mag aya na akong kumain sa isang restaurant na kaharap ng Manila Bay. Masarap ang mga pagkain. Sobrang sarap na sarap si Tinyo sa kakakain. Hindi ko alam para tuloy kaming isang pamilya.

“Kuya ang sarap sarap ng mga pagkain na kinakain natin ngayon.” Ang sabi niya.

“Naku wala iyan. Dahil papatikim ko talaga sa iyo ang lahat lahat ng masasarap na pagkain na hindi pa natin natikman. “ Ang sabi ko.

“Nakakatuwa kayong magkapatid kahit hindi kayo magkadugo para talagang kapatid na ang turingan niyo sa isa’t isa.” Ang sabat ni Justin.

“Ayoko kasi matulad siya sa akin na may KAIBIGAN na nagsumpaan sa isa’t isa tapos hindi pala tutuparin.” Ang patama kong sabi sa kanya. Napayuko siya.

“Hindi mo pa rin pala nakakalimutan iyon. Nagkamali ako aminado ako. Pero sana naman wag mo ng ipamukha sa akin ng paulit ulit ang aking pagkakamali.“ Ang nasasaktan niyang sabi.

“Sa sasakyan na lang po ako sir Maghihintay.” Ang dugtong niya. Nakita ko sa mata niya ang isang talunan.

Tama lang naman na ipamukha ko sa kanya ang mga bagay na iyon. Siya ang nagsimula umasa akong tutuparin niya iyon pero anong ginawa niya sinira niya iyon. Naiinis pa rin ako sa tuwing naaalala ko iyon. Pero naawa naman ako sa kabilang banda.

Natapos kaming kumain ni Tinyo at nilibot ko pa siya sa Mall bumili rin kami ng mga damit pa niya. Alam kong sobrang dami na pero wala akong pakialam. Gusto ko lang maging masaya si Tinyo araw araw. Ako rin bumili ng damit ko. Bumili rin kami ng mga DVD. Pumunta kami ng Toy Kingdom at bumili ng laruan gaya ng Playstation, PSP, WII lahat ng bagong laruan. Binili namin.

“Wow Kuya ang dami naman ng binili natin.“ Ang manghang sabi niya.

“Okay lang iyan at least marami ka ng pagpipilian na pwedeng laruan mo pag nandoon ka sa bahay.“ Ang sabi ko.

“Salamat po Kuya.” Ang sabi niya.

“Walang anuman bunso.” Ang sabi ko.

Nakakatuwa talaga siya. Nawawala ang alalahanin ko pag nakikita ko siyang nakangiti at masayang masaya. Sana lang lagi siyang maging ganyan. Parang walang problemang sa buhay. Ayoko kasi nakikita siyang umiiyak. Naawa ako sa kanya dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

Hangad niya lang naman ang pagmamahal na hindi niya nakamit noong bata siya. Tulad ko hindi ko nakuha iyon. Kaya siguro pinagtagpo kami para magdamayan sa isa’t isa.

Ang ikinatatakot ko pag tumanda na ako sino na ngayon ang makakaramay ko? Dahil alam kong balang araw mag aasawa din si Tinyo. Magkakaroon ng pamilya. Kahit matagal pa iyon ngayon palang nakakalungkot na hindi alam kung paano na ako pag wala na si Tinyo.

Hindi ko naman kasi naiisip na magiging kami pa ni Justin. Natatakot akong piliin siya ulit kasi nasaktan ako. Hindi lang basta sakit kundi may kirot at malalim. Hindi niyo naman ako masisisi kung ganito ang magiging pananaw ko. Takot na ako lalo na nung huli kong pag ibig. Si Kuya Emil pinaghiwalay din kami ng tadhana. Hindi ko alam kung lahat ng lalaking makukuha ko ay mawawala. Kaya ngayon palang natatakot na kung mangyari iyon.

Bumalik na kami sa paradahan ng sasakyan kung saan nandoon si Justin at naghihintay. Nakita kong nakatulog siya sa paghihintay namin. Kinatok ko siya dahil marami kaming binili.

“Sir pasensya na po nakatulog ako.” Ang pagpapaumanhin niya.

“Ok lang tulungan mo na lang kami dito sa dami ng binili namin.” Ang pag iwas ko sa kanya. Ayokong maawa sa kanya.

“Ah pasensya na po sir. Akin na po yang dala niyo.” Ang sabi niya.

Tinulungan na kami ni Justin. Dami naming pinamili. Iba pa iyong binili namin noong nakuha namin ang pera namin ng nanalo kami sa lotto. Alam kong sapat na iyon para sa isang taon kahit hindi ka magpalaba ay pwede. Dami na kasi naming damit. Puro branded pa.

Ng sasakay na kami ay napansin kong masyado maraming laman ang sasakyan ko kaya hindi ito nagkasya sa likuran ng sasakyan. Napansin din pala ito ni Justin.

“Marami kasi kayong nabili. Dito ka na sa passenger seat para naman hindi masikipan si Tinyo sa likod.” Ang sabi niya.

Tama naman siya kaya wala akong nagawa. Sumakay ako sa passenger seat. Alam kong nagtampo siya kaya para naman makabawi ako ay bumili ako ng isang set ng damit niya. Isang tshirt, brief, pantalon, medyas at sapatos. Tinantiya ko. Binigay ko sa kanya bago kaming umalis.

“Para sa iyo.” Ang malamig kong sabi.

“Salamat.” At ngumiti siya sa akin. Tiningnan niya ang mga ito.

“Wow saktong sakto lahat ng binigay mo. Galing mo.” Ang masaya niyang sabi.

“O baka kasi sabihin mo bumabawi ako sa pang aalaska ko sa iyo kanina nung kumain tayo.” Ang sabi ko.

“Wala naman po akong sinabi na ganun.” Ang sabi niya. Pahiya naman ako.

Umalis na kami sa MOA. Pumunta muna kami sa condo para ihatid si Tinyo kasi darating na ang kanyang tutor. At para na rin namin maibaba ang mga pinamili namin. Kasi ang pangit namang tingnan kung pupunta kami sa opisina na sobrang dami ng dala nakakahiya naman.

Ng makarating kami sa condo ay dinala na namin ang lahat ng pinamili namin. Hinintay muna namin ang tutor ni Tinyo bago kami umalis. Mabilis lang naman ang tutor sa kanya mga 4-5 oras iyon araw araw. Simula siya 2-7 pm para pag dumating na ako ay tamang tama naman ang alis niya.Para may kasama si Tinyo.

Umalis na kami ni Justin papunta na opisina ko. Mabilis naman kaming nakarating kasi sa Pasay na lang naman kami nakatira. Ng papasok kami ng opisina ay bumungad sa akin kaagad ang aking sekretarya at nagsabi na may bisita raw ako. Nagtaka man ay tumuloy pa rin ako sa aking opisina. Laking gulat ko na si Albert ang nasa opisina ko at nakataas pa ang paa na akala mo ay sarili niyang opisina.

“Anong ginagawa mo dito?” Ang sabi ko.

“Bakit bawal na ba ako bumisita? Baby naman...” Ang nang aakit na sabi niya sa akin. Sabay lapit at yumakap sa akin. Tinulak ko siya.

“Umalis ka na dito kung ayaw mong tumawag ako ng security.” Ang galit kong sabi.

“Subukan mo. Ng malaman nilang tinuhog mo ako. Tang ina mong bakla ka.” Ang pagbabanta niya sa akin.

“Tang ina mo. Wag na wag mong pagsasalitaan si Oliver ng ganyan.” Ang sabi ni Justin at kasabay noon ay sinuntok niya ito. Natumba

“Bakit lover ka ba ng baklang ito?” Ang mayabang na sabi nito.

Habang nag aaway sila ay tumawag na ako ng security para paalisin si Albert. Mabilis naman dumating ang security at bigla hinablot si Albert at Justin.

“Bitawan niyo si Justin. Si Albert ang paalisin niyo.” Sabay turo ko kay Albert.

“Bitawan niyo ako...sabi ng bitawan niyo ako. Mga tanga kayo. Hindi pa tayo tapos bakla ka.” Ang sabi niya sa akin habang pilit siya pinapaalis.

Hindi ko alam na ganyan siyang tao. Napakaeskandalaso pala niya. Dapat mapatahimik ko yang taong iyan. Tinawagan ko ang kinuhanan ko ng sasakyan. Kinausap ko ang Supervisor niya kung maaring masisante siya sa ginawa niya. Pinapunta ko ang kanyang Supervisor.

“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Tanggapin mo ito.” Ang sabi ko at binigay ang sobre na may lamang pera.

“Para saan ito?” Ang sabi niya.

“Gawin mo ang paraan masisante si Albert Meneses. Kailangan mong ipakulong siya. Maasahan ko ba ang iyong kooperasyon.” Ang sabi ko.

“Sige ako na po ang bahala.” Ang sabi niya.

Kinabukasan ay tumawag sa akin ang Supervisor ni Albert at sinabing kinuha siya ng pulis dahil nangulimbat ng pera sa kumpanya. Ng malaman ko iyon ay gusto kong siguraduhin na hindi siya makakaganti.

Pumunta ako sa presinto kung saan siya nakakulong. Kinausap ko ang warden doon. Habang siya lang ang nandoon ay nagbigay ako ng pera sa kanya.

“Para saan po ito?” Ang sabi niya.

“Sir pakitumba po ng taong iyon para sa akin. Dadagdagan ko pa iyan pag nagawa mo. Basta siguraduhin mo lang na hindi ako mapapahamak.” Ang sabi ko sa warden. At tinuro ko si Albert.

Mukhang nagkakaintindihan naman kami. Kinabukasan ay tinawagan ako para sabihin sa akin na tapos na ang pinapatapos ko sa kanya. Kunyaring nagwala ang isa sa mga presong inutusan niya. At nasaksak ito. Namatay din ang presong inutusan niya dahil naagapan ng mga kasama niya ang pagwawala ng preso. Binigay ko na rin sa warden ang pinagusapan naming halaga. Pera ang katapat ng lahat ng bagay kung gusto mong lumaban. Hindi na uso ngayon ang lumalaban ka lang ng walang armas. Ngayong mayaman na ako lahat pwede ko ng gawin. Lahat lahat.

Kinabukasan ay nagkaroon kami ng isang meeting para sa itatayo naming panibagong project. Isa ito sa inaasahang magbibigay ng bagong kita sa aming kumpanya.

“I have a short announcement. Our next site project would be in Batangas. A subdivision and a mall.” Ang sabi ng Project Manager.

“But we have a major problem and that’s the resident within the propose site. We need to convince them that we will buy their land so that our project will push through. This is the biggest project of our company and we need your cooperation so that this dream project will come true.” Ang sabi ng Vice President for Finance.

Tiningnan ko ang area at nalaman kong sa amin palang lugar itatayo ang project. Masasakop ang aming tinitirhan. Tutal naman pagmamay-ari ng pamilya ko ang lupang kinatatayuan ay naisip kong magsuggest na ako ng bahala sa mga residente para pakiusapan na lisanin ang lugar.

“Kung pahihintulutan niyo ako. Ako na ang bahala sa mga residente para kausapin sila tungkol sa project na ito.” Ang nahihiya ko pang sabi. Hindi ako nagEenglish. Nakakahiya baka mautal lang ako. Okay naman sa kanila. Isa kaya ako sa may malaking share sa kumpanya.

“Ano namang magagawa ng isang high school undergraduate sa project na ito?” Ang mahanging sabi ni Mr. Eric Sosengco. Vice President ng Kumpanya. Pareho lang naman kami ng share iyon nga lang matagal na siya sa kumpanyang ito. Saka marami na siyang naitulong dito kaya nahalal siya sa isa sa pinakamataas na posisyon.

“Alam kong hindi kayo niniwala sa aking kakayahan pero lumaki ako sa lugar na iyan. Kaya mas mapapadali ang pagbebenta ng kanilang mga lupa. Hayaan niyo muna akong patunayan ito.” Ang matapang kong sabi. Natameme si Mr. Sosengco. Mainit talaga ang dugo niya sa akin. Kasi ayaw niyang pumayag na maging investor ako sa kumpanyang ito dahil wala naman akong tinapos. Buti na lang magaling ang attorney ko kaya nagawa kong pumasok dito. Ayaw niya kasi may ibang kaagaw ganid kaya iyan sa posisyon. Ang narinig ko ay puntirya niya ngayon ang pagiging Presidente ng kumpanya. Kaya nagpapapogi points.

Natapos naman ang meeting ng matiwasay at pinagbigyan ako sa aking hiling. Walang nagawa si Mr. Sosengco pero kita ko sa kanyang mga mata na hindi siya papatalo. Tiningnan ko ang rekord na mga kukuning lote at mukhang isa ang bahay na kasama kaso ayaw ibenta dahil ayaw ng may ari. Puwes maghanda sila dahil kukunin ko ang dapat ay sa akin. Maghanda sila sa pagbabalik ko.

“Mang George, Aling Martha, Camille at Kapitan maghanda na kayo! Babalik na ako.” Ang sabi ko sa aking sarili.

8 comments:

Anonymous said...

yes...... ito na ang tagpong gusto kong mabasa..... go oliver balikan mo ang mga taong nag dulot sa u ng paskit sa buhay mo..... bawiin mo ang para s u.... ipalasap mo sa kanila ang pag hihigante mo....dapat nilang bayaran ang mga ginawa nila s u..... kung may utang dapat bayaran at may interes p un ..... ha ha ha.... oliver iba ka na ngayun..... isang matapang na olver conception ang dapat na makita nila...... humanda sila s u oliver....


ramy from qatar

Lawfer said...

anu kya maggng reaxon nina tinio at justin pg nlaman nla ung gnwa ni oliver?

master_lee#27 said...

uh nagiging bad na siya............ sana hindi ganun pumapanget ung ugali......ok lang sana maghiganti wag lang pumatay ng tao .....ehe pero ganda ng ikot ng love story nina justin at oliver ...good job ,keep it up..takecare ..

robert_mendoza94@yahoo.com said...

iba talaga ang nagagawa ng pera. . . sana wag syang magsisi sa bandang huli. . . nice story parang totoong nagyari ang daloy ng story. . . hands up ako sau frend. he he he. keep up d good work!

Unknown said...

Guys alam kong naninibago kayo sa pagbabago ni Oliver. lahat ng iyan ay patungo sa isang matinding suliraning haharapin ni Oliver sa buhay niya. Hindi ako basta basta gagawa ng paghihiganti ng walang mangyayari sa katapusan. binibigyan ko na kayo ng ideya kung ano magiging kapalaran ni Oliver.

Ross Magno said...

Bigla akong natakot at natakot para kay Oliver...tsk tsk...

Anonymous said...

Woooh ganda n ng story at hnd q rin nmn masisisi c oliver kung naghihiganti n sya kc ikaw b nmn ang maghirap at halos mamatay kn kya go lng oliver fight fight fight hehehe!!!!

JDS from Kuwait

Anonymous said...

Hello,
We emerge with authority and Insurance / Finance to make loans with the best quality and guarantee for the purpose based on a package.we offer loans to both personal and private company and offer all types of loans designed to meet the individual needs of all types at very affordable rate of 3%.
We offer any loan based on a target without warranty package.we can help regardless of your financial circumstances, Our firm has made a great deal of progress in providing first class to our client.c

Our packages include:

Investment soft loans
Home Loan / Auto Loan *
Mortgage / * Business Loans
Domestic loan / personal loan

Contact COLLINS at winnersfinancialhome@gmail.com
+447 24038575.
TELE. +917838169695
Wang M.D.MR Smith
Consultant in Asia.

ShareThis