Andito naman po ang inyong lingkod. Magbibigay ng konting patalastas. Pasalamatan ko lang ang mga sumusunod: ramy from qatar, Ross Magno, JDS from Kuwait at Rue. Sama ko na rin ang mga silent reader ko. Hello sa inyong lahat.
Patindi na po ng patindi ang mga mangyayari sa buhay ng ating mga bida. Sana po hanggang sa huli ay wag po tayo bumitaw. Marami pa akong rebelasyon hanggang sa matapos ang aking serye. Abangan niyo ang mga makahiningang pagtatapos ng aking serye. Para dito sa kabanata na ito. Naalala niyo pa ba ang nangyari kay Oliver at Tinyo sa Manila? Hindi ko na po papatagalin pa. Heto na po. Pagpasensyahan niyo na rin kung may grammar lapses.
______________________________________________
Nanlaki ang aking mata ng makita ko kung sino ang aking nakitang pababa sa isang Pajero na sasakyan. Hindi ako pwedeng magkamali na siya ang boss ng isang sindikato. Siya iyong sinasabi nilang “Alyas Intsong”. Nagpupuyos ako sa galit sa pahirap na ginawa niya sa akin. Walang hiya siya.
“Kuya Oliver tara na!” Ang aya sa akin ni Tinyo.
“Si..sige.” Ang nauutal kong sabi.
“Kuya Oliver okay ka lang? Bakit para kang nakakita ng multo.” Ang nag aalalang sabi niya sa akin.
“Wa..wala ito. Sige susunod na ako.“ Ang sabi ko sa kanya.
Habang kami ay naglalakad sa aking upuan. Nasa unahan kasi ako sapagkat siyempre siya ang aking kapatid. Pinalitan ko na ang kanyang apelyido sa aking apelyido. Naging opisyal iyon bago pa man makapasok si Tinyo sa De La Salle.
Bago kami makapunta sa aking upuan ay nagtanong ako kay Tinyo kung sino ang taong bumaba sa Pajero na kinamayan ng mga opisyal ng school.
“Sino ba iyong tao na iyon bunso?” Ang tanong ko kay Tinyo sabay turo doon sa tinutukoy ko.
“Ah iyon po ba si Mr. Louie Villacencio. Alumni at major sponsor sa scholarship na pinapasok sa school. Bakit po?” Ang sabi ni Tinyo.
“Ah wala naman sige punta ka na sa iyong upuan.” Ang sabi ko na lang kay Tinyo.
Aba ngayon ko lang ulit siya nakita. Sa dinami dami pa ng pwedeng lugar dito pa kami magkikita. Hindi na rin niya siguro kami makikilala sa tagal ba naman ng panahon. Pero ako hindi nakakalimot. Ng dahil sa kanya muntikan na akong mamatay. Akala niya siguro ay hindi ko siya mamumukaan. Akala ko magiging matiwasay na ang buhay ko. Pero heto bumabalik na naman ang lahat lahat.
Hindi ako mapakali kasi nasa unahan pala siya at nasa stage din. Kita kita ko siya. Balbas sarado pa rin at nakasalamin ng itim. Marami siyang guwardiya. Pero this time disente naman ang kanyang mga tauhan. Hindi ko alam kung pakitang tao lang iyan. Paano nasa pampubliko na lugar kami at nasa isang kilalang eskwelahan pa.
Nagpupuyos ako sa galit habang nakikita ko siya. Nanumbalik lahat ng nadanas kong hirap sa kanya at ang muntikan ko ng pagkakamatay. Nasa isip ko pa rin ang ginawang pagpapahirap sa akin ng tao na iyan. Nasa ganoon akong pag iisip ng tawagin na si Tinyo para sa kanyang mga medalya. Halos pakyawin na kasi ni Tinyo ang lahat ng awards. Pinuntahan niya ako kasi natulala ako. Nahiya naman ako.
“Congrats Tinyo” Ang sabi ng Principal nila. At binigay sa akin ang mga medalya niya. Nakakatuwa kasi hindi na ako bababa pa kasi lahat nga ng awards ay sa kanya. Halos hindi na siya namigay pa sa mga kaklase niya.
Habang ako nagsasabit ng medalya ni Tinyo ay panay din ang tingin ko sa gilid ko kung saan andoon ang pinakaboss ng isang sindikato. Napansin niya yata at ng magkita ang aming mata ay ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako para hindi niya mahalata.
Sa wakas natapos na rin ang pagsabit ko na medalya kay Tinyo. Kulang na lang kami na ang maghost dahil halos nandoon na kami sa halos lahat ng programa. Nakakatawa kasi proud na proud ako bilang Kuya niya. Hindi ko man ito naranasan noon pero sapat na ng makita ko na ang pagsisikap kong maging maganda ang buhay ni Tinyo at unti unti ko ng nakikita.
Dahil si Tinyo ang Valedictorian siyempre kailangan niyang magbigay ng isang Valedictory address. Siyempre hindi ko alam kung anong sasabihin ni Tinyo dahil secret daw. Nakakatuwa kasi talaga hindi mo na siya kailangan pang turuan pa kasi mas may alam pa siya kumpara sa iyo. Pero siyempre ibibigay ko sa kanya ang lahat ng makakatulong sa kanyang pag-aaral. May tutor pa rin siya.
Good Morning to everyone. Good morning to our school administration, teachers, alumni, guests, friends, parents and fellow graduates. We’ve been here for 6 years. We had our own up and down but still we managed to overcome those obstacles.
I know we won’t be here if it is not because of our dedicated teachers. I would like to thank them for their patience especially if we had our tantrums. They tried to understand and gave out thier best and love so that we can fullfill our duties and responsibilities as students. Can we please give around of applause to our beautiful and handsome teachers?
To our alma mater, thank you for making our elementary years a worth to remember. Every success of the student is also a success of the teacher and the school. So to my fellow graduates do your best and prove what a Lasallian can do.
And last but not the least to my Kuya Oliver thank you for being a loving, understanding and caring Kuya that i had in my entire life. You are a blessing in disguise that was sent to me by God. If it is not because of him, I will never be here standing in front of you guys.
It is not known to all that I and Kuya Oliver are not by blood. Yes you heard it right. We are bonded by our experiences we had in our life. He took good care of me and made me from nobody. You are indeed the best Kuya in the whole universe. Thank you and I love you Kuya Oliver.
Once again thank you and Good Luck to all.
Napaluha naman ako sa sinabi ni Tinyo. Sobrang palakpak ko sa narinig ko sa kanya. Aminado naman akong tama lahat ng sinabi niya. Pareho kaming walang wala pero hindi iyon naging hadlang para makamit namin ang inaasam asam namin sa buhay. May halo ring swerte kahit paano kasi nanalo kami sa Lotto na siyang dahilan ng pagbabago ng buhay namin. Pero hindi naman kami dapat umasa lang sa napanalunan namin kaya lalo pa kami nagpupursige para sa adhikain naming mapatatag ang estado ng buhay namin ngayon.
Hind madaling yumaman. Iyan ang natutunan ko sa buhay habang dumaraan ang taon. Kung noon okay lang sa amin ang mabuhay ng sapat at tama. Ngayon dapat alam namin kung paano namin mapapatatag ang pundasyon na aming tinayo.
Natapos ang seremonyas at isa isa ng nagpapalam ang mga tao. Nagpaalam si Tinyo sa mga kaklase at guro. Hindi namin inaasahan na si Mr. Villacencio ay nasa likod namin para bumati sa amin lalo na kay Tinyo.
“Congratulation Tinyo Concepcion!” Ang bati ni Mr. Villacencio.
“Thank you rin po. Eto nga po pala ang Kuya Oliver ko Mr. Villacencio. Kuya Oliver si Mr. Villacencio.” Ang pagpapasalamat at pagpapakilala sa amin ni Tinyo.
“Magandang umaga po sa inyo.” Ang sabi ko kay Mr. Villacencio.
“Magadang umaga rin sa iyo.” Ang sabi niya.
“Magaling ang kapatid mo. Gusto ko sana kayong imbitahan sa isang pribadong meeting. Gusto ko ang kapatid mo para sumali sa liga para sa UAAP. Kung hindi mo itatanong ay kasali ang school sa isang prestihosyong liga sa bansa. At ang school ay isang sa mga magagaling sa larangan ng palakasan. Nakita ko kasi ang potensiyal niya sa Basketball.” Ang sabi ni Mr. Villacencio.
“Magandang ideya po iyan Mr. Villacencio. Kaso mas nakatuon po kasi ang aking pansin sa kanyang pag-aaral. Ayaw ko po kasing maisantabi ang pag-aaral niya. Salamat na lang po sa paanyaya.” Ang pagtanggi ko sa kanyang alok.
“Hindi naman sa pinipilit kita pero sayang kasi nakikitaan ko kasi siya ng potensiyal at hindi naman kasi hadlang ang pag-aaral sa basketball kasi ang eskwelahan ay sinisiguro na walang mababang marka na nakukuha ang atleta kung gusto nilang sumali. Nasasayangan lang ako sa potensiyal nila. Tatangkad pa kasi siya.” Ang sabi sa akin ni Mr.Villacencio.
“Sige po pag-iisipan po namin. Kailangan na po naming umalis dahil may gagawin pa po kami. Salamat sa alok. Maganda umaga ulit” Ang nagmamadali ko ng sabi. At nagmamadaling umalis sa kanyang kinaroroonan.
“Kuya Oliver sayang naman po. Gusto ko pa naman magbasketball. Kasi marunong na ako.” Ang malungkot na sabi ni Tinyo sa akin.
Hindi na muna ako nagsalita kasi alam ko namang naglalaro siya ng basketball. Pumupunta pa nga kami sa basketball clinic sa kung saan saan para hasain siya. Pero ewan ko kasi parang ayoko siyang sumali sa basketball team lalo na sponsor si Mr. Villacencio ng basketball program ng Lasalle Greenhills para sa mga potensiyal na atleta na walang pera.
“Pag iisipan ko muna Tinyo. Sasabihan naman kita pag pumayag ako. May oras pa naman. Kaya wag ka ng malungkot.” Ang sinabi ko sa kanya. Sumilay ang ngiti sa kanyang mukha. Hindi ko alam kasi ayokong makitang malungkot si Tinyo gusto ko nga ibigay sa kanya lahat. Kaya nahihirapan ako sa desisyong ito lalo na walang alam si Tinyo sa aking sinapit sa kamay ni Mr. Villacencio. Ayoko rin namang sabihin ito kay Tinyo baka pag nalaman niya iyon ay mawalan na siya ng interes.
Naging maayos naman ang araw na iyon. Nagdaos kami ng selebrasyon sa aming bagong tahanan. Makikita ito sa The Fort sa Taguig. Isa itong 3 palapag na bahay. May swimming pool sa likod at garden. Modern style ang pagkakagawa nito.
Inimbitahan ko ang mga katrabaho ko sa work at siyempre si Justin at Barbara. Natapos na pala si Barbara sa kanyang pag-aaral at kasalukuyang nagtatrabaho sa aming kumpanya bilang accountant. Masipag siya gaya ng Kuya niya.
“Congratulation Bunso. Galing galing ni bunso.” Ang bati ni Justin at may inabot na regalo sa kanya.
“Salamat po Kuya Justin” Ang sabi ni Tinyo.
Si Justin ay masuyong nanliligaw sa akin. Pero gaya ng dati ay wala akong balak magkaroon ulit ng pag ibig. Sarado pa rin hanggang ngayon. Pero hindi ko siya pinipigilan kasi hindi ko rin masabi na baka isang araw mabuksan na ang aking puso. Nagtiyaga si Justin kaya nga pinagbibigyan ko siyang umakyat ng ligaw sa akin.
Siyempre patago iyon. At walang nakakaalam. Sinabi ko sa kanya na sa bahay lang siya pwedeng manligaw. Pumayag naman siya. Iyan ang kondisyon ko kay Justin. Tuwang tuwa naman siya. Hindi ko nga lang sinabi sa kanya na walang kasiguraduhan na sasagutin ko siya. Sabihin na natin na pinapaasa ko lang siya pero hindi ko alam kasi hindi pa ako handa at marami pa ako responsibilidad sa buhay.
“Oliver para sa iyo?” Ang sabi ni Justin. May regalo din siya sa akin.
“Salamat nag abala ka pa.” Ang sabi ko sa kanya.
“Okay lang iyon. Basta para sa iyo.” Ang sabi niya. Aminado ako na kinikilig pero hanggang doon lang.
Nagsimula na ang pagsasalo salo namin para kay Tinyo. Hindi magkamayaw ako sa mga bisitang dumarating. Marami rami kasi ang aking inimbita. Pati ang ibang investor ng kumpanya. Natalo ko nga pala si Mr. Sosengco sa labanan sa pagiging Vice President nung nakaaraan board meeting. Ayun galit na galit at hindi makapaniwalang matatalo ng isang hindi nakapagtapos ng high school ang isang may college degree.
Paano naman hindi na siya pinagkakatiwalaan ng board ng malaman ang anomalya sa kumpanya. Nagooverspending siya sa mga proyektong kinabibilangan niya. May supplier kasi siyang kilala kaya nagagawan ng paraan para makakuha ng pricelist. Ang kanyang ginagawa ay tinataas ang iba siyempre sa kanyang ang excess kasi siya ang nagbibigay ng bayad sa mga ito.
Malaki ang inggit niya sa akin dahil sunod sunod ang successful venture ng company at ang sales ay lumalaki. Lumalaki rin ang aking kita dahil nga investor din ako. Hindi siya umalis sa kumpanya dahil gusto niyang patunayan na walang katotohanan ang bintang sa kanya kahit malakas ang ebidensiya. Hindi ako nagpapaapekto sa kanya. Ang dami niya kasi na pasaring sa akin.
Inimbitahan ko rin siya na pumunta sa bahay para sa isang salo salo sa pagiging Valedictorian ni Tinyo. Hindi ko alam pero magkakilala pala sila Mr. Villacencio at Mr. Sosengco. Hindi ko inaasahan ito. Bakit yata para lalo akong kinabahan na magkasama sila? Hindi ito maganda para sa akin. Hinarap ko pa rin sila.
“O Mr. Concepcion nice to meet you again?” Ang bati ni Mr. Villacencio.
“Magandang gabi rin sa inyo.” Ang ganting bati ko sa kanila.
“I don’t know balae na magkakilala kayo ng aking katrabaho?” Si Mr. Sosengco.
“Kanina lang kami nagkakilala kasi yung kapatid niya ay inaalok ko maging player ng school mukhang ayaw pumayag ng Kuya.” Ang sabi nito kay Mr. Sosengco.
“Oh i see. Pero if i were you Mr.Concepcion igragrab ko ang opportunity na ito para lalo mahasa si Tinyo.” Ang paliwanag niya. Nakakatuwa na akala mo kung sino siyang magaling magsalita.
“For now kasi priority ko pa rin sa kapatid ko ang pag-aaral kaysa sa mga extra curricular activities baka kasi maging sagabal lang. I want the best for my brother.” Ang sabi ko.
“Naiintindihan ko naman iyon. Sa akin lang why not go out of the box para naman mas makitaan natin siya ng potensiyal other than studies. Sayang kasi naglalaro siya ng basketball pero walang naggagabay sa kanya .” Ang sabi ni Mr. Villacencio.
“I think about it. Shall we go doon na tayo sa loob para makakain na kayo.” Ang alok ko sa kanila. Ayaw ko na ring pahabain pa ito. Saka marunong na rin akong makipagEnglisan. May coach kasi ako.
Sumunod naman sila at nagbigay din sila ng regalo kay Tinyo. Pakitang tao lang iyon ni Mr. Sosengco. Dalawa lang silang pumunta. Kinausap nila si Tinyo at mukhang enjoy na enjoy naman si Tinyo sa pakikipag usap sa mga ito. Para siyang matanda tingnan pag nakikipag usap dito. Ibang iba na talaga si Tinyo kahit bata pa lang kakaitaan mo na ng kagalingan. Hindi malayo maging successful siya sa kanyang career sa hinaharap.
Natapos ng matiwasay ang pagdaraos ng pagiging valedictorian ni Tinyo. Naglipit na ang mga caterer na aking binayaran sa ganitong pagdaraos. Dito matutulog ang magkapatid na sina Justin at Barbara dahil bukas ay walang pasok at may pupuntahan kami. Magbabakasyon kami sa Boracay.
“Kuya ang saya saya ko. Kasi inoperan ako ni Mr.Villacencio ng scholarship sa aking high school basta sumali lang ako sa basketball program ng school.“ Ang masayang sabi ni Tinyo sa akin.
“Ganun ba? Ano gusto mo bang sumali? Kasi kung ako ang tatanungin mo ay gusto ko sanang magfocus ka sa pag-aaral mo baka kasi makaapekto iyon sa pag-aaral mo.” Ang sabi ko sa kanya. Nakita kong lumungkot ang mukha niya.
“Sige ganito. Promise mo sa akin na pag iigihan mo ang pag aaral mo kahit na kasali ka doon pero pag nakita kong bumaba ang grado mo ipapatanggal kita sa basketball program. Okay na ba sa iyo ang kundisyon na iyon?” Ang sabi ko sa kanya. Sumilay ang ngiti sa kanya.
“Opo Kuya Oliver promise ko pa sa inyo na hindi ko pababayaan ang pag aaral ko lalo ko pong pagbubutihin kahit na po nagbabasketball ako. Hilig ko kasi iyon.” Ang masayang sabi niya.
“Okay sige papayag na ako.” Ang nakangiti kong sabi.
“Yes..salamat Kuya. Kaya kita love eh!” Ang masaya niya sabi sa akin. Yumakap ito at naglalambing.
Natutuwa naman ako sa kanya. Alam ko naman na makakayanan niya iyon. Ayoko lang kasi na magkaroon siya ng koneksiyon kay Mr. Villacencio. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa kanya. Saka alam kong galing sa masama ang pera niya na ginagamit sa scholarship na binabahagi niya. Oo maganda ang tumulong pero pag galing sa masama naman aanhin mo pa iyon. Magulo itong pinasukan namin. Pero kailangan ko maging masaya para kay Tinyo dahil para sa kanya ito. Gagawin ko na lang ay bantayan ang mga kilos niya. Para hindi mapariwara siya.
Kinabukasan ay maaga kaming pumunta ng airport para sa bakasyon namin. Nakailang beses na kaming nakapunta dito sa Boracay pero hindi kami nagsasawa. May discount na nga kami sa hotel na tinutuluyan namin dahil kilala na kami ng manager. Nakakatuwa nga dahil special rate iyon kasi Valedictorian si Tinyo. Gift daw iyon ng management.
Wala na kaming sinayang na oras. Langoy sa dagat, island hopping, banana boat riding, para sailing at ATB ang ginawa. Kain dito kain doon. Bili dito dili doon. Nagpahenna tattoo pa kami. Siyempre bar hopping.
Nakakatuwa kasi nakakalimutan mo ang problema mo pag nandito ka sa islang ito. Sana wala ng dumating pang problema sa buhay ko o namin ni Tinyo. Sawa na ako. Gusto ko na rin magpahinga. Bumalik na kami nung lunes. Hindi rin kami nagtatagal para hindi kami magsawa.
Lumipas ang buwan at naging taon ito. 2 taon na simula ng naging okay naman ang pag-aaral ni Tinyo at malapit na rin siyang sumabak sa liga. Isa siya sa mga maingay na player na aabangan daw sa ligang iyon. Talaga namang gumaling si Tinyo ng makasama siya sa basketball program ng Lasalle Greenhills. Nakakatuwa na unti unti na siyang nakikilala bukod pa sa matalino rin.
Talagang consistent siya sa pagiging top 1 sa buong taon. Kaya naman hindi ko na siya pinigilan pa at bagkus ay sinuportahan ko pa siya. Iyon nga lang ay bawal siyang lumayas ng walang paalam sa akin/ Wala naman siyang tutol doon. Kaya eskwelahan at bahay lang siya lagi.
Ng mag umpisa na ang kanyang paglalaro sa kanyang paaralan. Lagi akong nandoon at todo hiyaw ako para ganahang maglaro si Tinyo. Ang galing ng moves niya. At talaga namang hirap na hirap gumwardiya ang mga bantay nito. At kahit dalawa pa ang nagbabantay ay lagi pa rin siyang nakakalusot. Siya nga ang Player of the game nung araw na iyon.
Sunod sunod ang panalo nila at talaga naman tuwang tuwa ang eskwelahan at pati na rin ang mga alumni ng eskwelahan. Todo suporta sila. Lalo namang naging malakas ang karisma ni Tinyo hindi lang sa eskwelahan kundi maging sa mga kalabang paaralan. Isa na siyang campus crush sa buong eskwelahan nila.
Lumipas pa ang ilang buwan ay naging maganda ang laro at pumasok sa finals ang eskwelahan niya. Talaga naman tuwang tuwa si Tinyo siyempre lalo na ako. Mas lalong nagpupursige si Tinyo na makamit ang tagumpay hindi lang sa pag-aaral kundi pati na rin sa larangan na kanyang pinasukan.
Nagpatayo ako ng isang basketball ring para sa kanya kaya naman pag may oras siya ay nag-eensayo siya mag-isa kahit na may ensayo rin sila sa eskwelahan araw araw iyon. Sobrang galing na niya talaga at lalo pang humuhusay sa tuwing nagdadaan ang araw.
Dumating ang kanilang championship round at lahat ay pumunta doon sa lugar ng pagdarausan. Siyempre nandoon ako. At talagang namang walang patid na hiyawan ang maririnig sa magkabilang kampo. Bago magsimula ang laro ay pinuntahan ako ni Tinyo kung saan kami nila Justin at Barbara nakaupo.
“Kuya Kabado ako?” Ang sabi niya.
“Naku ikaw pa. Yakang yaka mo iyan. Ano ba naman ang sinabi nila sa iyo?” Ang pagpapalakas ng loob ni Justin sa kanya.
“Oo nga naman Tinyo ikaw kaya ang pinakamagaling sa lahat. MVP ka nga ng liga eh.” Ang pag-sang ayon ni Barbara sa sinabi ng kapatid niya.
“Tama sila bunso. Isipin mo kaya mo. Lahat ng ito ay para sa gusto mong makamit. Di ba gusto mong magaling sa lahat ng larangang papasukan mo? Ito na ang tamang panahon para ipakita sa kanila na kaya mo ang lahat ng hamon.” Ang pagpapalakas ko ng loob sa kapatid ko.
“Tama ka Kuya Oliver. Salamat sa suporta. Promise ko ipapanalo ko ito.”Ang masaya niyang sabi sa amin.
Nagsimula na ang laro. Halos nagpapalitan lang ng bola ang dalawang kampo. Hanggang sa unti unting nakalayo sila. Ng patapos na ang laro ay nagkaroon ng problema. Ng nagrebound siya ay naapakan siya ng kalaban. Natumba sila at nadaganan siya. Ng itatayo na siya ng kasamahan ay hindi siya makatayo. Nahinto ang laro. At dumadaing siya ng sakit. Dali dali akong pumunta kasama ng medical team ng eskwelahan at dinala si Tinyo sa dug out nila para matingnan.
Dinala na si Tinyo sa hospital para macheck ang paa. Kasi namamaga ang paang naapakan. Makalipas ang ilang minuto at sinabihan kami na nagkasprain ang paa at kailangan niyang ipahinga ang kanyang paa ng ilang linggo. Hanggang sa gumaling na ang pamamaga ang paa nito.
Wala namang nagawa si Tinyo. Umiiyak siya at ako ay naawa sa kanya. Alam kong sabik siyang manalo ang kanilang eskwelahan dahil nananabik na ang lahat ng makuha muli ang korona ngunit mukhang hindi na iyon mangyayari.
Natalo ang eskwelahan nila at ganun din sa sumunod na laro nila. Hindi nakapaglaro si Tinyo at talagang humina ang opensa ng eskwelahan at talaga namang dinamdam iyon ni Tinyo. Ako naman ay wala ibang ginawa kundi ang pagaanin ang kanyang loob.
“Bunso alam kong nanghihinayang ka sa nangyari. Kasi kung nandoon ka sana naipanalo mo ang laban kaso alam mo lahat ng ito ay may dahilan. Baka gusto kasi ni Lord na maranasan mo ang matalo para lalo mong pag igihan ang laro mo. Hindi naman ito katapusan ng mundo mo. Marami pang taon. At alam kong mababawi mo iyan.” Ang pagpapalakas ng loob ko kay Tinyo.
“Salamat Kuya Oliver. Hayaan niyo po sa susunod gagalingan ko po. At mag iingat na rin ako para hindi na ulit mangyari ito.” Ang nakangiti niyang sabi sa akin.
Natuwa naman ako sa kanya at naiintindihan niya ito. Siguro kailangan talaga nating madapa para maranasan natin ang matalo at masaktan para sa susunod ay mas maramdaman natin na masarap ang ating tagumpay.
At lumipas ang ilang linggo ay gumaling na ang paa ni Tinyo at talaga namang nag ensayo na siya maaga pa lang kahit matatagalan pa ulit ang susunod na laban nila. Naging pursigudo siya na higitan pa ang ginagawa niya.
Kaya ng sumunod na taon ay lalo siyang gumaling at talaga hindi na niya pinalampas pa ito. Binibigay niya ang lahat lahat at nagbunga ang kanyang pagpupursige dahil ang inaasam asam na tropeo ay nakuha ng kanilang eskwelahan at tuwang tuwa naman ang buong eskwelahan sa pagbabalik ng korona sa eskwelahan nila.
“Wow Congrats bunso. Sabi na nga ba eh. Ito na iyong inaasam asam mo. Natupad na.”Ang masaya kong sabi.
“Oo nga Kuya. Salamat sa suporta mo.” Ang masayang sabi niya at niyakap niya ako.
Naging MVP siya sa pangalawang pagkakataon at nagkaroon ng pagtitipon ang kanilang sponsor at sa rest house ni Mr. Villacencio na isa sa mga alumni at sponsor magaganap ang pagtitipon. Siyempre pinayagan ko siya at hindi na ako sumama kasi maaga akong babiyahe sa Cebu dahil doon ang sunod na project site namin.
Kainan, inuman at sayawan ang nangyari sa gabing iyon. Siyempre ngayon lang nakasama si Tinyo sa kanilang pagtitipon dahil nga nung isang taon ay hindi sila nanalo. Ng malasing sila ay nagyaya ang iba niyang kasamahan na magpahinga. May kuwarto silang tutulugan doon sa bahay ni Mr. Villacencio. Hindi niya aakalain na dito niyang matutuklasan ang isang bagay na hindi niya aakalain na ginagawa ng ibang kasamahan niya.
“O Tol labas mo na epektos para maging masarap pa lalo ang inuman natin.” Ang sabi ng isang kasamahan niya. Nilabas ang isang pakete ng marijuana. Nagulat siya.
“Tol ano yan?” Ang sabi ni Tinyo.
“Marijuana.Try mo nakakaadik ang sarap nito para kang nasa heaven.” Ang sabi ng isa.
“Naku tol ayoko.” Ang tanggi niya.
“Sige na ngayon lang naman ito. Saka wala namang makakaalam nito tayo tayo lang. Sige na try mo na. Wag ka ng KJ.” Ang sabi ng nag-aabot sa kanya ng Marijuana.
“Kanino galing iyon?” Ang usisa ni Tinyo.
“Kay Mr. Villacencio. Ito ang ginagamit namin para pampalakas minsan. Marami pa siya nito. Kaya nga minsan nagbebenta din ako sa kapwa estudyante natin sa school.” Ang walang kagatol gatol na sabi ng isa.
“Sensya na ha ayoko talaga. Kayo na lang. Naiihi ako punta muna ako ng banyo.” Ang alibi niya.
Hindi niya alam na may nilagay ang mga kasamahan niya sa kanyang bag. At ng umuwi sila ay kaagad nagpahinga si Tinyo. Hindi na nagawang linisin ni Tinyo ang kanyang bag.
Dumating na rin ako galing sa biyahe. Hinid naman ako nagtagal. Isang araw lang ako. May pasok naman si Tinyo ng dumating ako. Pumunta ako sa kuwarto niya para naman ilagay ang pasalubong ko. Nakita ko ang bag na dala niya nung nagovernight si Tinyo sa bahay nila Mr. Villacencio. Binuksan ko iyon para tingnan sana kung may laman pa iyon.
Nakita kong nakalimutan ni Tinyo na ilagay sa labahan ang marumi damit niya. Natawa naman ako kasi namamaho na. Ng itinapon ko iyon sa labahan ng damit niya para mamaya pagpumasok ang katulong ay malabahan na ito. Nagulat ako sa nalaglag sa kanyang bag ng ipagpag ko ang bag sa labahan niya.
“A..no ito?” Ang sabi ko na parang pamilyar na bagay. Inamoy ko iyon at nakumpirma kong Marijuana ito. Nanlaki ang mata ko at nagalit dahil kailan pa gumagamit si Tinyo nito.
Hinantay ko siyang dumating at ng makarating ay kaagad ko siyang pinapasok sa kanyang kuwarto para walang makarinig sa aming usapan. Galit na galit ang mukha ko ng makapasok kami sa kanyang kuwarto.
“Kuya Oliver bakit dito pa tayo mag uusap?” Ang nagtatakang sabi niya sa akin.
“Kailan pa?” Ang seryosong sabi ko sa kanya.
“Kuya hindi kita maintindihan.” Ang nakakunot na sabi niya. Binato ko sa kanya ang marijuanang nakita ko sa bag niya.
“Ayan ipaliwanag mo iyan? Kailan mo pa natutunan ang gumamit ng ganyan?” Ang galit kong patanong sa kanya. Nanlaki ang mata niya at nagulat.
“Ku..ku..ya hi..hin..di po sa a..kin iyan.” Ang nauutal na sabi niya. At nangingilid na ang luha sa kanya.
“Eh papaano napunta iyan sa iyo?” Ang pasigaw kong sabi sa kanya. Nagulat siya at umiyak na.
“Kuya sa mga kasamahan ko po iyan.huhuhuhu.” Ang umiiyak na sabi niya.
“A..a..no!” Ang nagulat kong sabi.
“Kuya kasi nalaman kong gumagamit sila nung pumunta kami sa bahay nila Mr. Villacencio. Sa kanya rin daw po iyon.” Ang paliwanag niyang sabi sa akin. Umiiyak pa rin siya. Niyakap ko siya.
“Ssshhh..tahan na. Naniniwala akong hindi mo magagawang gumamit. Kilala kita mula ulo hanggang paa. Kaya alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi.” Ang pagpapakalma ko sa kanya.
“Kuya patawarin mo ako. Hindi ko talaga alam iyan. Nilagay siguro iyan ng mga kasamahan ko noong nagCR ako. Pinipilit kasi nila akong gumamit.” Ang naiiyak niyang sabi sa akin.
“Ssshhh..tahan na..Buti naman hindi mo tinikman dahil magagalit talaga ako sa iyo. Sabi mo galing ito kay Mr. Villacencio? Tama ba?” Ang usisa ko.
“Oo Kuya iyon ang sabi sa akin ng mga kasamahan ko.” Ang sabi ni Tinyo.
“Ganun ba? Kaya sinasabi ko na nga bang masamang tao iyang Mr. Villacencio na iyan. Tinyo hindi mo ba natatandaan siya? Siya iyong boss ng sindikato noon na pinagtrabahuhan natin.” Ang pag amin ko sa kanya. Gusto ko rin maliwanagan siya.
“Ku..kuya..Tama ka nga. Natatandaan ko na. Kaya pala sabi ko pamilyar ang mukha niya. Kuya anong gagawin ko? Baka malaman niya ako iyong batang kasama mo noon.” Ang natatakot niyang sabi.
“Wag kang mag-alala may kakilala akong pulis na mapagkakatiwalaan. Ipapahuli natin iyang Mr. Villacencio na iyan. Hindi ko aakalain na ang gingamit niyang pera sa scholarship mo ay galing sa masama. Kaya dapat itong matigil.” Ang may diin kong sabi.
Maghanda na iyang Mr. Villacencio. Ilagagay ko siya sa kanyang kalalagyan.
Paunawa: Ang setting ng aking istorya ay hindi ginawa para sirain ang imahe ng eskwelahang nabanggit sa istorya. Hindi ko po intensiyon iyon. Iyon lang po kasi ang hinihingi sa istorya. Sana maunawaan niyo ako. Sana wag pong magalit sa akin ang mga nag-aaral doon at mga alumni na makakabasa sa aking serye. Humihingi na po ako ng pasensya kung sa tingin niyo po ay kasiraan iyon.

9 comments:
natatakot ako para kay tinyo.... baka pagbalingan sya ni mr.villacencio.... at pati na rin kay oliver.... grabe talaga ang kasamaan ni mr. villacencio....baka may mga koneksyun din sila sa mga pulis at lalo lang mapahamak sina oliver at tinyo.... dapat malaman din ni justin yan...
ramy from qatar
hala!!!!!!ayan nanaman ang disgrasya kay tinyo at oliver tsk....................sana mag ingat sila.........galing mo kuya kakaintense and excite ang bawat chaapter nito...keep it up po salamat and sorry if hindi ako nakacomment dun sa chapter 16 kasi hindi ako makapagcomputer eh.....thanks po takecare always kuya:)
Abangan niyo kung anong mangyayari sa eksena na iyan..basta ang masasabi ko lang ay pareho ito sa mga nababasa niyo kung anong ginagawa sa mga drug syndicate..at least may ideya na kayo..
@master_lee#27:ok lang iyon. at least nababasa mo at nasusubaybayan..salamat sa iyo..
mhrap hulaan ang mga susunod na mangyayari x.x mdaming posibilidad... subalit isa lng ang nglalaro sa isip q ngaun...
c tinyo ba ay may pagtinging higit pa sa kapatid para kay oliver?
@Rue:secret..hehehe..abangan mo sa next update ko ang sagot.
sana nang malaman ni oliver yun dapat nilipat nya si tinyo sa ibang school... para mailayo sa mga kamay ni mr. villacencio.... pede naman sya punta ng amerika para dun mag aral...
ramy from qatar
may point c romy ng qatar sa comment nya kaso baka masira ang daloy ng story. mabigat ang kakabanggain ni oliver, haizt. kaya pala ganun ang nangyari kay tinyo! hmmm may idea na ako. abangan ko nlang ang mga susunod na kabanata. he he he
Malalaman niyo ang mangyayari sa kanila..Isang matinding rebelasyon ang mangyayari sa susunod na kabanata...sana tama ang hula niyo..hahaha...
Lalong nakakapanabik ang mga nakatadhanang mangyari...
Post a Comment