Sunday, January 29, 2012

NO ONE© Chapter 20 (THE UNEXPECTED ENDING)

Nandito na naman po ang inyong lingkod. Alam kong excited na kayong malaman ang katapusan ng aking istorya. Hintay lang po. Gusto ko lang munang pasalamatan ang mga sumusunod: kharla, master_lee#27, ramy from qatar, Darkboy13, --makki--,  Ross Magno, Rue at Lyron. Sama ko na rin yung nag-iisang Anonymous. At pati na rin ang mga silent reader.

Tumagal din ito ng 2 buwan ang aking serye. Kaya nagpapasalamat ako sa inyong lahat na tumatangkilik sa aking blog at kwento. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi rin po ako magtatagal ng ganito. Nasa Mahigit 58000+ na ang aking views simula ng magsimula ako. Kaya labis labis ang aking pasasalamat sa inyong lahat. Patuloy pa rin akong gagawa ng kwento dito sa aking blog. Magpapahinga muna ako pansamantala sa paggawa siguro mga ilang linggo lang. Para masimulan ko na yung susunod na series na gagawin ko. At pag ready na. Ilalathala ko kaagad iyon.

Balik tayo sa kwento. Alam kong marami kayong mga tanong ang masasagot sa Finale ngayon. Pero hindi lahat. Dahil bahagi ng ibang tanong niyo ay masasagot sa EPILOGUE na ilalathala ko sa 1/31/12. Kaya abangan niyo rin iyon. Wala palang nakahula sa mangyayari sa FINALE ko. Ang sarap basahin ng mga hula niyo. Hindi ko sinama ang babaeng nailigtas ni Tinyo dahil isa lang siyang kasangkapan sa mangyayari sa mga buhay ng mga bida. Isa lang ang masasabi ko dito sa Finale. EXPECT THE UNEXPECTED. Heto na po hindi ko na po patatagalin. Enjoy!
______________________________________________


*Makalipas ang isang taon*

“Kuya Oliver, I love you!!” Si Tinyo.

“I love you too, Tinyo.” Ang sabi ko.

Unti unting lumapit ang mukha ni Tinyo sa akin. At siniil ako ng halik. Gumanti ako. Nagtagal kami sa aming paghahalikan. Naging mapusok at maalab. Pinasok niya ang kanyang dila sa loob ko. Nagpalitan kami ng laway.

Maya maya ay bumababa na ang halik niya sa leeg ko. Unti unti niyang binubuksan ang aking pantulog na damit. Sinibasib niya ang magkabilang kong utong. Napapaungol ako sa sobrang sarap ng ginagawa niya.

“Ahhh..sige pa..sige pa..Ang sarap Tinyo!” Ang ungol ko sa sobrang sarap.

Maya maya pa ay bumaba siya sa aking puson. At dinilaan iyon. Pababa ng pababa hanggang ibaba niya ang aking panjama. Inamoy amoy niya iyon. Dinidilian ang singit ko na siyang nagpatindi ng sarap ng aking nararamdaman. Napapasabunot ako sa kanyang buhok.

“Ahhh...oohhh...aahhh..sarap..” Ang ungol ko.

Nagdedeliryo na ako sa sarap kahit hindi pa ako nasusubo. Maya maya ay naramdaman kong sinubo niya ang aking magkabilang itlog. Wala naman akong suot na brief kung natutulog ako. Hanggang sa dilaan niya pataas baba ang kabuuan ng aking alaga. Lalo akong nagliliyad sa sarap.

“Sige pa..ohh..ohh..sarap!!” Ang ungol ko.

Bigla niyang sinubo ang aking tigas na tigas na alaga. Sarap na sarap siyang sumubo. Buong buong ang kanyang pagkakasubo. Sagad kung sagad. Wala akong maramdaman kundi ang sarap ng ginagawa niya.

“Ahh..ohh..ahh” Ang ungol ko.

Hanggang sa hinatak ko na siya at sinibasib ng halik. Gumanti naman siya at kami ay nagpalitan ng laway sa laway. Una akong humiwalay at bumulong sa kanya.

“Pasukin mo ako Tinyo please!!

Bumaba ulit ang halik niya at pinaghiwalay ang magkabilang paa ko. Sumubsob siya sa aking likuran at hinimod niya iyon. Dinilaan niya pa iyon. Sarap na sarap ako. Napapasabunot ako sa kanya. Maya maya pa ay kumuha siya ng lotion. At pinahid sa aking likuran. Pinasok ang isa, dalawa hanggang tatlong daliri.

Naramdaman ko na lang na pumatong siya sa akin at hinalikan ako kasunod noon ay ang pagpasok ng kanyang tigas na tigas na alaga. Banayad ang pagpasok dala ng lotion na pinahid niya sa aking likuran. Buong buo niya iyon naipasok ng wala akong masyadong naramdamang masakit.

“Ahh..ahh.” Ang ungol niya.

Kasabay noon ay ang mabagal na pagulos niya. Sinibasib ko siya ng halik. Mapusok at malaab. Hanggang sa pabilis ng pabilis ang kanyang pagsakyod.

“Malapit na ako.” Ang sabi ni Tinyo.

“Ayan na akoooo.” Ang sabi niya ulit. Kasabay nun ay pumulandit ang kanyang katas sa aking likuran.

“I love you Tinyo!” Ang sabi ko.

Hindi siya sumagot bagkus humilig siya sa aking dibdib at nakatulog. Niyakap ko din siya at hindi ko na rin kaya ang pagod kaya napapikit na ako at tuluyang nakatulog.

Sa aking paggising nagulat ako sa aking katabi. Si Justin hubo’t hubad. Nanlumo ako kasi lagi ko siyang nakakaniig pero si Tinyo ang lagi kong bukambibig. Bigla siya nagising.

“Good Morning Oliver!” Ang masaya niyang sabi.

“Good Morning din!” Ang nasabi ko. At nagpakita ng pilit na ngiti.

“Ligo lang ako. Hahatid pa kasi natin si Barbara sa airport.” Ang masaya niyang sabi.

Ngayon nga pala ang alis ni Barbara papuntang London. Doon na siya magtatrabaho kasi may isang firm ang kumuha sa kanya. Malaki kasi ang offer sa kanya kumpara sa aming kumpanya. At gusto niya ring mangibang bansa para kahit papaano makatulong kay Justin. Si Justin naman kasi ay sa akin nagtatrabaho kaya malaki ang aking pasahod sa kanya at hindi naman ang kumpanya ang nagbibigay ng sahod.

Tumayo na siya para maligo samantala ako ay pumunta sa kwarto ni Tinyo. Hanggang ngayon siya ang laman ang isip ko. Lumipas na ang isang taon pero pakiramdam ko nandiyan pa rin siya. Inisa isa kong tingnan ang kanyang mga litrato. Hindi ko mapigilan ang umiyak habang pinagmamasdan ang kanyang larawan.

“Tinyo alam kong galit ka sa akin. Hindi kasi kita pinagbigyan sa kaisa isa mong hiling na mahalin mo ako. Hindi ko alam pero may nagsasabi sa akin na mali ang ibigin ka. Pero ngayon ko lang nalaman kung kailan wala ka na na ikaw pala ang mahal ko. Ikaw ang nagsilbing liwanag sa akin ng walang wala ako. Kaya siguro tayo pinagtagpo. Dahil tadhana iyon na matatawag. Mali man ito dahil magkapatid tayo wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.” Hindi kita bibitawan oras na bumalik ka. Kaya please Tinyo bumalik ka na!!!” Ang naiiyak kong sabi.

Iyak ako ng iyak habang yakap yakap ang isang litrato niya. Hanggang sa nakatulog ako sa kakaiyak. Nagising ako ng may tumapik sa akin.

“Oliver? Okay ka lang? Nakatulog ka.” Ang sabi ni Justin.

“Uhmm sorry maligo lang ako.” Ang pupungas pungas kong sabi.

“Kung gusto mo wag ka ng sumama. Ako na lang ang maghahatid kay Barbara.” Ang sabi niya.

“Hindi! Sasama ako. Sandali lang hantayin niyo na ako sa baba.” Ang sabi ko at dali dali kong inilagay ang litrato ni Tinyo. At lumabas na ako ng kuwarto ni Tinyo.

Habang si Justin ay naiwan sa kuwarto ni Tinyo. Pinagmasdan niya ang litratong aking nilagay sa side table ng kama ni Tinyo.

“Alam mo bunso. Suwerte mo sa Kuya Oliver mo dahil ikaw pa rin ang laman ng puso niya. Hindi ko alam kung anong merong gayuma ang meron ka pero naiinggit ako sa iyo. Kung noon hindi ko sana siya iniwan sana kami pa rin. Pero siguro nga hindi kami para sa isa’t isa. Siguro hanggang dito lang kami. Pero sana man lang kahit sa isang pagkakataon mapagbigyan mo naman akong mahalin ng Kuya mo. Pag bumalik ka hindi na ako tututol sa pagmamahalan niyo. Mahal ko si Oliver kaya ang hangad ko lang sa kanya ay maging masaya siya.” Ang seryosong sabi ni Justin. Bumaba na si Justin sa sala para hintayin ako.

Matapos kong makapaligo at magbihis ay kaagad akong bumaba para samahan ang magkapatid na umalis papuntang airport. Hindi pa namin alam kung kailan babalik si Barbara dahil pag naging maganda ang trabaho niya ay pwede ito magpatuloy at kunin na siya permante ng kumpanyang kanyang pagtatrabahuhan.

Nakarating na kami sa airport. Hapon pa naman ang kanyang biyahe pero kailangan pa ring maaga siya pumunta para sa mga dadaanang proseso papasok. Mabuti na iyon kaysa sa magahol siya.

“Kuya Oliver pwede ba kitang makausap ng sarilinan?” Ang sabi ni Barbara.

“Sige. Doon tayo!” Ang alok ko sa kanya at pumunta sa isang sulok na hindi masyadong sagabal.

“Ano iyon?” Ang bungad.

“Kuya Oliver alam kong may pinagdadaanan ka ngayon. Sana bago ako umalis ay masabi ko sa iyo itong mahalagang bagay na dapat ay noon ko pa sinabi.” Ang seryosong sabi ni Barbara. Hindi na muna ako nagsalita hahayaan ko muna siya. Hinawakan ako ni Barbara sa kamay ko.

“Ito ay tungkol sa dalawang taong nagmamahal sa iyo. Alam kong alam mong nagbago si Tinyo noon. Nagsimula iyan noong nag inuman sila sa isang videoke bar ni Kuya Justin bago ang pagtatapat niya ng pagmamahal sa iyo. Nagpahayag si Kuya Justin na liligawan niya ikaw kay Tinyo pero hindi pumayag ang si Tinyo. Galit na galit si Tinyo kaya umuwi na sila at hindi na inubos pa ang inumin. Iniwan niya si Tinyo sa inyo at alam kong nagalit ka sa kanya.” Ang sabi niya. Nakikinig pa rin ako sa kanya.

“Pero hindi napigilan si Kuya Justin na ligawan ka niya kahit pa magalit si Tinyo. Hindi mo naman sinasabi kay Tinyo ang tungkol sa panliligaw ni Kuya Justin kaya nagulat si Tinyo noon. Ng isang araw ng pumunta si Kuya Justin para umakyat ng ligaw ay nakita kayo ni Tinyo na naghahalikan at doon nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa at talaga umabot iyon ng ilang linggo.” Ang dugtong niya. Nagulat ako dahil alam pala ni Barbara iyon. Kaya ganoon pala ang nangyari kung bakit galit na galit si Tinyo kay Justin. Hinayaan ko pa rin siya sa kanya pagsasalita.

“Kaya nakikita mo na ang pagsisimula ng pagbabago ni Tinyo. Nandyang umiinom at nagdadala ng babae. Kuya Oliver bago pa man unang mawala si Tinyo alam ko na may gusto na si Tinyo sa iyo. Nakita ko siya noon ng papasok siya sa isang bar. Pauwi na kasi kami ng mga college friend ko. Niyaya ko siya pauwi. Ito yung araw na sinabi niya sa iyo na mahal ka niya at nag away kayo dahil hindi mo siya kayang mahalin. Dinala ko siya sa bahay kung saan kami nakatira noon. Baka kasi hanapin mo siya at hindi nga ako nagkamali dahil ng umuwi si Kuya Justin ay nagulat siya ng si Tinyo ay nasa bahay lang pala. Alam mo Kuya Oliver nag inuman muna sila ni Kuya Justin para sabihin kung anong problema ni Tinyo. Sinabi nga niyang mahal ka niya ng higit pa sa kapatid. Sinabihan siya ni Kuya Justin na umuwi na at mahalin ka niya tulad ng pagmamahal niya. At nagpromise kay Tinyo na hindi na magpupunta sa bahay niyo para mabigyan mo siya ng oras para lalo mong mahalin si Tinyo. ”Ang mahabang sabi ni Barbara. Nagsisimula ng mangilid ang luha ko. Hindi pa rin akong nagsalita.

“Kuya Oliver alam ko ring may nangyari sa inyo ni Tinyo dahil nagsabi siya sa amin ng hindi na kayo nag-uusap ng ilang linggo. Nangyari ito ng pinauwi na siya ni Kuya Justin nung hinanap niyo siya. Kaya hindi ko alam na ito na nga ang nangyari kay Tinyo ang mawala siya ng tuluyan sa iyo dahil sa hindi mo siya kinikibo.” Ang sabi ni Barbara. Hindi ko na napigilang umiyak. Nahawak ng mahigpit si Barbara sa akin.

“Kuya Oliver alam kong nasaktan ka sa pagkawala ni Tinyo sa buhay mo. Pero nandiyan pa si Kuya Justin sa iyo. Mahal na mahal ka niya. Hindi ka niya iniwan kahit na hindi niya nakikita ang pag-asang mahalin mo siya ulit. Nandiyan pa rin siya. Kuya Oliver gusto kong maging masaya ka. Ganoon din si Kuya Justin. Alam kong mahal mo pa rin siya kasi kinuha mo pa siyang driver. Kaya Kuya Oliver buksan mo ang puso mo. Hayaan mo namang maging masaya ka. Wala kaming tinatagong sikreto ni Kuya Justin sa isa’t isa kaya alam ko ang tungkol sa mga bagay na ito.” Ang sabi ni Barbara sa akin ng nagbukas na aking puso para kay Justin.

“Pero natatakot ako na muli kong mahalin ang Kuya mo. Iniwan niya ako ng nag iisa noon. Hindi niyo alam ang lahat ng pinagdaanan ko dahil wala kayo sa aking tabi. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin noon. Si Tinyo ang nagbigay ng liwanag sa akin. Ng pag-asa mabubuhay pa ako. Masaya ako na nakilala ko siya. Kahit na isip bata iyon at selfish makita ko lang siya masaya na ako. Ganito ang feeling ko noon kay Justin. May mga bagay kasi na hindi natin naiintindihan. Mali sa iba pero tama sa atin.” Ang makahulugang sabi ko sa kanya.

“Kuya Oliver naiintindihan kita pero pinakita naman ni Kuya Justin ang pagmamahal niya sa iyo..Wala siyang inibig kundi ikaw. Kahit na kapalit noon ay ang masira ang pamilya namin.” Ang makahulugang sabi niya.

“Anong ibig mong sabihin na masira ang pamilya niyo?” Ang pagtataka ko.

“Kuya nalaman ni Kuya Justin na hindi sa kanya ang dinadala noon ni Camille. Narinig niya mismo kina Camille at Luther. Nasabi nila ito noon nung mahuli niya sa aktong nagtatalik ang dalawa. Hinanap ka ni Kuya. Isang buwan siyang naglayas sa amin. Hinanap ka niya sa buong Batangas pero hindi ka niya nahanap. Bumalik siya kaso namatay na ang Daddy at nabaliw si Mommy. Doon na nagkandaletse letse ang buhay namin. Pero Kuya Oliver hindi kita sinisisi sa nangyari sa buhay namin. Kami ang may kasalanan dahil padalos dalos kami sa aming mga desisyon sa buhay. Ang gusto ko lang ay ipaintindi sa iyo na noon ay ikaw lang ang minahal ni Kuya Justin at wala ng iba.” Ang paliwang ni Barbara sa akin na aking kinabigla dahil ngayon ko lang ito nalaman.

“Ba..bakit hindi ito sinabi ni Justin sa akin?” Ang gulat na sabi ko.

“Kuya Oliver ayaw niyang sabihin sa iyo itong bagay na ito dahil ayaw niyang kaawaan mo siya para lang balikan mo. Ang gusto niya ay mahalin mo siya dahil mahal mo siya at siya ang tinitibok ng puso mo at hindi dahil sa naaawa ka lang.” Ang sabi niya. Naiyak ako sa sinabi ni Barbara at niyakap niya ako.

“Sorry hindi ko alam na ganito pala ang buhay niyo simula ng iwan ko ang Batangas. Sorry!!” Ang naiiyak kong sabi.

“Kuya Oliver pangako mo sa akin na magiging masaya ka na. Please Kuya Oliver! Alam kong may puwang pa si Kuya Justin sa puso mo gamitin mo iyon para magsimula kayo.” Ang naiiyak na ring sabi ni Barbara.

“Gagawin kong maging masaya. Mahal ko naman si Justin at hindi iyon nagbabago. Pipilitin kong maging masaya siya sa piling ko at ganoon din ako. Ayoko ng may mawala pang mahal ko sa buhay.” Ang naiiyak kong sabi.

Nagtagal pa kami ng ilang minuto at saka bumalik kay Justin na kanina pang nakatingin sa amin at mukhang inip na inip na.

“Kuya Justin? Alagaan mo si Kuya Oliver ha. Magiging masaya ka na.” Ang masayang sabi ni Barbara sa kapatid at niyakap siya.

“Oo naman aalagaan ko si Oliver pero anong sinabi mong magiging masaya ako.” Ang sabi niya at tinulak niya ako paharap sa kanya at nagtatakang nagtatanong sa aking tungkol sa huling salitang binitawan ni Barbara.

“Basta Kuya!” Ang ngiting sabi ni Barbara at tumingin ito sa akin. At napatingin din si Justin kaya ngumiti ako. Ngumiti na rin si Justin.

“Alis na ako Kuya Justin, Kuya Oliver.” Ang paalam niya at dali daling umalis sa aming kinaroroonan para pumasok na sa loob.

Naiwang nagtataka si Justin sa inasta ni Barbara. Ako naman ay natatawa at kumaway kay Barbara para magpaalam din.

“Tara na Justin!” Ang aya ko kay Justin para umuwi na.

Nakarating ka na kami sa bahay. Pero bago akong pumasok sa kuwarto ko ay sinabihan ko si Justin. Sa amin na kasi sila natutulog. Simula ng mawala si Tinyo. Para naman may kasama ako. Malaki naman ang bahay ko.

“Justin, bibigyan kita ng pagkakataong ipakita mo sa akin ulit ang pagmamahal mo. Gagawin ko ito para maging masaya na ako ng tuluyan.“ Ang makahulugang sabi ko sa kanya. Sabay noon ay isang halik ang ginawad ko sa labi niya. Nagtagal iyon. Nagulat si Justin sa inasta ko.

“Para saan iyon?” Ang naguguluhang sabi niya.

“Patunayan mo ang pag-ibig mo sa akin.” Ang sabi ko. Bakas ang tuwa sa mukha niya.

Simula noon ay masugid na nanliligaw na ulit si Justin. Araw araw kami lumalabas para kumain, mamasyal o kaya mag usap ng sarilinan. Gusto ko nga sabihin na kami na. Kaso lang nahihiya ako baka sabihin niyang atat ako. Gusto kong siya ang magsabi sa akin.

Isang araw hindi daw ako masusundo ni Justin sa opisina. Nasira daw ang makina kaya ipapagawa niya raw. Kaya wala akong nagawa kundi pinagtaxi na lang. Gabi pa naman. Ng makauwi ng bahay nagulat ako kasi andun ang sasakyan. Sa sobrang inis ko ay dali dali akong bumaba ng taxi at hindi na kinuha ang sukli. Dirediretso lang ako. Ng papasok ako ng bahay ay nagulat ako ng maraming petals ang nakakalat sa sahig. At sinundan ko ito at nakita ko nga na papunta ito sa likod ng bahay. Sa may hardin.

Laking gulat ko ng biglang bumukas ang ilaw. Ang ganda at nakita ko si Justin nakatuxedo. At may dalang bulaklak. Imbes na magalit at naiyak ako kasi sorpresa pala niya ito. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at inabot ang bulaklak.

“Sshhh..wag ka ng umiyak. Ayokong umiiyak ka. Oliver para sa iyo.” Ang sabi ni Justin at inabot ang mga bulaklak sa akin. Niyakap ko siya.

“Nakakainis ka. Sinorpresa mo ako.” Ang parang batang sumbong ko sa kanya.

“Gagawin ko lahat para mapasaya ka.” Ang sabi niya. At humarap sa akin. Kinuha ang kamay ko.

“Shall we?” Ang sabi niya. At tinungo na namin ang lamesa na nasa gitna ng hardin.

Umupo na kami at sinimulang kumain ng hinanda niyang pagkain. Oo siya ang nagluto. Pesto, Chicken cordon bleu, Beef Sparerib, Shrimp Tempura, Baked Tahong at Caesar salad. At dessert namin ay Tiramisu. Fine dining kung talaga.

“Ang sarap ng luto mo.” Ang sabi ko kay Justin.

“Siyempre para mapasagot na kita.” Ang sabi niya. Namula naman ako at hindi makapagsalita. Tumayo siya at nilahad ang kamay niya sa akin.

“Can I have a dance with you?” Ang sabi niya at tumango lang ako at kinuha ko ang kamay niya.

Kris Lawrence Feat. Jay-R - Right Here Waiting
Powered by mp3skull.com

Oceans apart day after day
And I slowly go insane
I hear your voice on the line
But it doesn't stop the pain

If I see you next to never
How can we say forever

Wherever you go
Whatever you do
I will be right here waiting for you
Whatever it takes
Or how my heart breaks
I will be right here waiting for you

“Hindi mo ba alam kung gaano ako kasaya ng magkita tayong muli. Halos hindi na ako makatulog noon kakaisip sa iyo. Sabi ko nga sa sarili ko ang tagal ng oras. Sana umaga na para masilayan kita.” Ang sinserong sabi ni Justin. Kasalukuyan kaming nagsasayaw. Nakahawak ako sa balikat niya at siya sa baywang ko. Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya.

I took for granted, all the times
That I though would last somehow
I hear the laughter, I taste the tears
But I can't get near you now

Oh, can't you see it baby
You've got me goin' CrAzY

Wherever you go
Whatever you do
I will be right here waiting for you
Whatever it takes
Or how my heart breaks
I will be right here waiting for you

“Nasaktan kita noon. Pero pinapangako ko sa iyo na hinding hindi na iyon mangyayari. Ikaw ang buhay ko. Ikaw lang at wala ng iba. Hindi ko kayang mawala ka ulit. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal.” Ang sabi niya. Naiiyak na ako sa sinasabi niya. Alam ko at ramdam na ramdam ko naman ang pagiging sinsero niya noon ngayon ko lang sasabihin sa sarili kong handa na ako ulit magmahal.

I wonder how we can survive
This romance
But in the end if I'm with you
I'll take the chance

Wherever you go
Whatever you do
I will be right here waiting for you
Whatever it takes
Or how my heart breaks
I will be right here waiting for you

“Pagbigyan mo lang ako hinding hindi ka magsisisi.” Ang pagsusumamo niya. Hinawakan ko mukha niya. Pinagmasdan ng mabuti.

And Girl I'll be right here
I'll be waiting for you
And now you,wherever you want me to do
oohhh hoho
Whatever it takes
Or how my heart breaks
I will be right here waiting for you
oohhh hoho
I will be right here waiting for you

“Buong buhay ko inasam ko ng maging masaya ako. Siguro ito na ang hinihintay kong pagkakataon. At hinding hindi ko na sasayangin pa. Wag mo na akong hintayin. Matagal ko ng sinabi sa sarili ko ng oras na magsabi ka. Hindi na ako aangal pa. Mahal kita. Mahal na mahal kita Andrei Justin Dela Torre.” Ang sigaw ko na umiiyak. Bakas naman ang tuwa sa mukha ni Justin at hindi na napigilan pa ni Justin ang halikan ako.

Naging kami ng araw na iyon. Isang napakasayang araw para sa buhay namin. Lagi kaming magkasama ni Justin at sa isang kuwarto na. Para na kaming mag asawa.

Siyempre hindi maiiwasan ang magtalik kami. Minsan nasasabi ko pa rin ang pangalan ni Tinyo pero alam kong nasasaktan siya pero nagpromise siya sa akin.

"Gagawin ko ang lahat para mapalitan ko si Tinyo sa puso mo. Hayaan mong tulungan kitang makayanan ito. Hindi siya madali pero kung magdadamayan tayo magiging madali ang lahat." Ang sabi niya sa akin ng nakatulog ako sa sobrang pagod ng ginawa namin pero narinig ko pa rin ang huling sinabi niya sa akin.

Lalo ko siyang minahal dahil doon. Hindi lang niya iniisip ang sarili niya kundi pati na rin ang ibang tao. Kaya ayoko na siyang pakawalan pa. Wala na akong hahanapin pang iba. Siguro kaya kami pinagtagpo muli ay dahil kami talaga ang para sa isa’t isa. Dumaan ang matinding pagsubok sa aming pag-iibigan pero nakayanan namin at heto na ulit pinagsama na kami. Siguro nga hindi talaga si Tinyo ang para sa akin. Nagkamali lang ako.

Lalo ring tumibay ang pagmamahalan namin. Duman ang linggo buwan na naging taon at kami pa rin ni Justin. Hindi pa rin siya nawawalan ng gimik sa buhay. Lagi itong may sorpresa sa akin. Sobrang lambing pa niya sa akin simula ng maging kami at talagang literal na bodyguard kasi laging nasa tabi ko kahit saan.

Oo kahit sa CR nga siya ang taga pagpag ko. Nakakainis nga pero wala akong magagawa kasi mahal ko. Ganito talaga pag nagmamahal walang hiya hiya. Pero sobrang saya namin sa araw araw na dumaan sa buhay namin.

Araw ng eleksiyon para sa board member ng kumpanya at ako ay kinakabahan. Ako kasi ngayon ay pinakamatunog na hahalili bilang presidente ng Kumpanya maliban siyempre sa mortal kong katunggali na si Mr. Sosengco. Nasa labas kami ng conference room para hintayin ang resulta ng botohan. Kinakabahan ako. Nakita naman ni Justin ang parang pagiging balisa ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko. At pinaharap sa kanya.

“May tiwala ako sa iyo. Ikaw ang mananalo. Kaya wag kang kabahan. Andito lang ako”Ang pagpapalakas niya sa akin.

“Salamat!”Ang ngiti kong sabi.

Bawal kaming magyakapan at maghalikan sa harap ng maraming tao sa loob ng aming opisina. Siyempre para naman magkaroon pa rin ng kahit respeto sa amin ang mga tao. Alam kong marami ng mga tsismis na kesyo kami na ni Justin at kung ano ano pa pero hindi namin ito kinukumpirma bukod tanging si Attorney at ang aking sekretarya ang nakakaalam nito. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang bumukas ang pintuan ng conference room.

“CONGRATULATION MR. CONCEPCION, Our new President! Mabuhay!!” Ang masayang bati sa akin ng tagapagsalita ng kumpanya. Natuwa naman ako.

Hindi ko inaasahan ito. Masyadong bata pa ako para sa ganitong posisyon. 25 years old pa lang ako pero ito na ang aking naabot. Hindi naman sa pagmamayabang simula ng maging Vice President ako ay taon taon tumataas ang sale ng kumpanya. Kaya naman halos lahat ay nagkaroon ng tiwala at paghanga sa akin. Siguro ito rin ang dahilan kaya marami akong boto. Nasa ganoon akong sitwasyon ng makita ko naman si Mr. Sosengco na papalapit sa akin

“Well Mr. Concepcion, Congratulation! Sana mas lalo mong palaguin ang kumpanya.” Ang bati niya sa akin. Medyo pilit ang ngiti. Nakipagkamay siya sa akin. Alam ko namang hindi siya sinsero sa sinabi niya.

“I will do my best.” Ang sagot ko sa kanya.Nakipagkamay din ako sa kanya. At umalis na siya pagkatapos.

Bumalik na kami ni Justin sa aking opisina para magkaroon ng isang pagsasalo salo namin hinggil sa aking pagkakahirang bilang Presidente ng kumpanya.

Habang sa kinaroonan naman ni Mr. Sosengco ay nanggagalaiti itong pumasok ng kanyang kuwarto. Padabog nitong sinara ng pintuan. At pinukpok ang kanyang lamesa.

“Anong bang suwerte ang meron ka Mr. Concepcion? Pangalawang beses mo na akong tinatalo. Humanda ka Mr. Concecpcion. Hindi pa tayo tapos. Maghintay ka. Hindi ako papatalo sa iyo!” Ang nanggagalaiting sabi niya tungkol sa aking pagkakapanalo.

Nagkaroon naman kami ng pagsasalo salo sa aming opisina. Halos hindi magkamaway ang pagpasok ng mga empleyado sa aking opisina para batiin ako at para kumuha na rin ng makakain. Habang nagsasaya ang lahat at may ipapaalam ako sa kanila.

“Excuse me everyone!” Ang bigla kong sabi sa kanilang lahat

“Sandali lang ito. May importante akong sasabihin sa inyo. Nagpapasalamat ako sa inyo sa suporta niyo sa akin.Hayaan niyo po gagawin ko ang lahat para mas mapaganda ang ating kumpanya.” Ang sabi ko. Nagpalakpakan naman ang lahat. Tinaas ko ang kamay ko para ipaalam na meron pa.

“At may isa pa. Alam kong may alam na kayo tungkol sa aking pagkatao. Aaminin ko na isang akong binabae. Tama po. At itong nasa kaliwa ko ang aking kasintahan. Isang taon na kami at going to 2 years na kami.“ ang masayang kong sabi at nakatingin kay Justin. Nagulat lahat lalo na si Justin sa aking sinabi. Hinawakan ko ang isang kamay ni Justin.

“Mahal ko siya. Alam kong mali itong pag iibigan namin pero masaya kami. At wala naman akong tinatapakang iba at hindi ko naman pinapabayaan ang aking trabaho. Kaya sana ang gusto ko lang ay unawain at respetuhin niyo kami. Mahal na mahal namin ang isa’t isa.” Ang nakangiti kong sabi. Nagpalakpakan silang lahat. Kita kong tuwang tuwa naman sila kahit papaano pero ang iba siyempre ay nagtataka at nagdududa. Okay na iyon kasi nagpakatotoo lang ako. Mabuti na ito para mawala na ang bulong bulungan sa opisina.

“Salamat!” Ang bulong ni Justin sa akin lalo akong napangiti sa aking narinig. Alam kong tama lang ito. Mahal na mahal ko si Justin at gusto ko sa pamamagitan nito ay masabi kong minahal ko talaga siya.Ito kasi ang magpapatunay kung handa mong suungin ang lahat para sa mahal mo.

Wala naman kaming naging problema ng mga sumunod na araw. Ganoon pa rin naman parang normal lahat. Simula naman ng ianunsiyo ko ang aming pagmamahalan ay hindi na kaming nahihiyang ipangalandakan ang aming pagmamahalan.

Lalo yumabong ang aming pagmamahalan. Dumaan ang limang taon ng aming pagsasama. 30 years old na kami. Kinasal nga pala kami sa New York ni Justin matapos naming ianunsiyo ang aming pagmamahalan at nagpakasal kami sa araw mismo ng aming anibersaryo. Regalo namin sa isa’t isa.

At isa pa pala ang apelyido ko ang bagong apelyido ni Justin. Ibig sabihin niyan ay siya na si Andrei Justin Concepcion. Wala namang problema sa kanya iyon kasi halos ako daw ang lalaki sa pamilya dahil sa akin daw siya kumukuha na pera. Gustuhin ko mang gamitin ang Dela Torre ay hindi ko rin siya napilit dahil ayaw niya para daw maramdaman ko na siya ay akin at ako ay sa kanya. Ewan ko lagi siyang may mga korny na hirit pero kinikilig naman ako. Hay ewan bakit kasi pinatagal ko pa iyong mga ganitong bagay hindi sana ako naging malungkot.

Alam naman nating hindi ito tinatanggap sa Pilipinas pero para sa amin kasal na kami. Ito ang nagsisilbing sumpuan namin sa isa’t isa. Di ba nangako kami sa isa’t isa noon nung bata pa kami na magkarugtong na ang buhay namin at ito ang lalong nagpatunay na talagang walang iwanan.

Nagplaplano na kaming magkaanak ni Justin sa susunod na taon. Kukuha kami ng isang baby maker sa US at ang donor ay si Justin para naman hati. Kung sa apelyido ay sa akin sa kanya naman ang anak namin. Napagkasunduan namin na ipapangalan namin ay Tinyo para lagi naming maalala ang aking kapatid na nasawi 6 na taon na ang nakakaraan.

Unti unti na rin naman akong nakakalimot sa mga nangyari pero hindi ko siyempre kinakalimutan si Tinyo. Kapatid ko siya sa loob ng 8 taon kaya hindi madaling mabura ang alaala ni Tinyo sa akin. Pero wala na iyong pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya noon. Pagmamahal na lang siguro bilang magkapatid. Siguro dala lang ng pagkawala kaya ko nasabi na mahal ko si Tinyo.

Isang araw katatapos lang naming magtalik ni Justin ay nagmamadali akong tumayo dahil naiihi na ako. Hindi ko sinasadya tamaan ang litaro ni Justin sa aming side table ng kinuha ko ang aking telepono kasi pinaalarm ko ito. Wala na pala si Justin sa aming kama.

“Ay shit!” Ang sabi ko ng malaglag ang litrato ni Justin.

Ewan ko pero kinabahan ako. Bigla namang pumasok si Justin na may dala dalang pagkain. Breakfast in bed ang ginagawa niya sa araw araw pagkatapos naming magtalik. Kinikilig talaga ako.

“Anong nangyari dito?” Ang gulat niya ng mapansing nalaglag ang litrato niya.

“Sensya na sweet nagmamadali ako nasagi ko. Iihi muna ako. Ihing ihi na ako.” Ang nagmamadali kong sabi sa kanya at dumiresto na ng banyo hindi ko na kasi mapigilan pa. Natatawa naman siya sa aking inasta. Paglabas ko ay natatawa pa rin siya habang inaayos ang aking nalaglag. “Sweet” ang tawag ko sa kanya kasi sa sobrang kasweetan niya at ako naman ang “HEART” niya. Korni pero ganun talaga. Mahal namin ang isa’t isa.

“Bakit ka tumatawa?” Ang nagtataka kong sabi. Ngumiti ito at ngumuso sa akin.

Doon ko lang napansin na wala nga pala akong suot. Napakuha tuloy agad ako ng kumot namin pantakip. Natawa siya sa aking inasta. Nahiya naman ako sa aking sarili. Ng maayos na niya ang kanyang litrato ay lumapit ito sa akin at wala kaabog abog na hinawakan ang Junior ko. Nagulat ako.

“Matigas pa Heart. Gusto pa yata ng isang round.” Ang mapang akit niya sabi. Nahiya ako at napayuko sa kanya. Nakapantulog kasi siya at biglang naghubad ang mokong. Kaya ayun nagkaroon ng isa pang round bago ko kinain ang ginawa niyang breakfast.

Nakakapagod ang trabaho ko ngayon bilang Presidente pero napapawi naman iyon ni Justin kaya okay lang. Sabay kaming maglulunch sa labas. Pababa na kami ay bigla itong humawak sa aking kamay na kinagulat ko.

“Lagi kang mag ingat ha. Kasi baka mamaya mawala na ako.!” Ang sabi niya. Kinurot ko siya.

“Bakit ka naman nagsasalita ng ganyan? Ayoko ng ganyan parang nagpapaalam.” Ang inis kong sabi.

“Hehehe..sorry binibiro ka lang gusto ko kasi makita kang nakasimangot lagi ka kasing tulo laway eh.“ Ang sabi niya. Natawa naman ako sa kanyang hirit.

Papalabas na kaming ng building na biglang may sumigaw sa hindi kalayuan sa aming kinaroroonan. Nakita ko si Luther. May biglang binunot isang baril.

“Hayop ka Oliver mamatay ka na!!!” Ang sigaw na sabi niya at bigla niyang pinaputok ang baril.

Napahawak ako sa aking mukha at nakaramdaman kong may yumakap sa akin. Nakarinig ako ng sigawan. At ang yumakap sa akin at unti unting natutumba.

“Heart..mahal kita. Mahal na mahal kita!!” Ang sabi ni Justin at nawalan na siya ng malay. Buti na lang nayakap ko siya kaya nasalo ko bago pa man kami matumba. Nakaramdam ako ng parang may basa sa kanyang likod ng makita ko ay nabigla ako.

“Justin...Justinn..Justinnn!!!Tulong!!Tulangan niyo ako.Tumawag kayo ng ambulansiya.” Ang nagsisigaw at naiiyak kong sabi. Si Justin ang sumalo ng baril na dapat sa akin. Nakita ko si Luther at nahawakan ng mga guwardiya kaya hindi na siya nakapagpaputok.Maya maya ay dumating ang ambulansiya. At sumakay ako.

“Justin..Justin please mabuhay ka..Wag mo akong iiwan!!!” Ang naiiyak at nagsisigaw kong sabi. Inalis ako sa tabi ni Justin para mabigyan ng first aid.

Dumating kami sa hospital na malapit sa aming building at dinala si Justin sa operating room. Lumipas ang ilang oras ay lumabas na ang doktor na nagopera.

“Doc kamusta na po si Justin?” Ang naiiyak kong sabi.

“Pasensya na po ginawa po namin ang lahat. Pero hindi na po namin nasalba ang buhay niya. Bumaon sa puso niya ang bala na naging sanhi na kanyang panghihina. Natanggal namin ang bala iyon nga lang ay hindi na nakayanan ng katawan ng pasyente. I’m sorry!” Ang sabi ng doktor.

“Doc..hindi ako naniniwala. Doc buhay siya..please gawin niyo ang lahat..doc please!!” Ang nagwawala at naiiyak ko sabi kasabay ng paghawak sa damit nito.

“I’m so sorry but we tried our best. Masyadong malalim ang baon ng bala.“ Ang sabi ng doktor.

“Doc No!!No!!" Ang naiiyak at nagsisigaw ko pa ring sabi. Unti unti akong napapaluhod.

Tiningan lang ako ng doktor at umalis na. Napaupo ako at niyakap ang aking mga tuhod.

“Justin..Justin bakit mo ako iniwan? Justinnn...Justinnn!!!” Ang umiiyak at nagsisigaw na sabi ko.

Makalipas ang isang linggo ay pinalibing ko na si Justin. Masakit dahil halos wala na ang lahat ng mga taong minahal ko. Ang kaisa isang nandiyan sa akin ay namatay sa kamay ko. Hindi pa makakauwi si Barbara dahil may pasok pa sa eskwelahan ang anak niya. Sa susunod pang taon siya makakauwi dala ng malapit na siyang manganak at bukod pa doon sa may pasok ang panganay niya. Iyak din siya ng iyak ng mabalitaan ang masamang balita tungkol sa kapatid.

Pinuntahan ko si Luther para tanungin kong bakit niya ginawa ito. Ng aking makita ay sinapak ko siya.

“Tang ina mo!! Bakit anong kasalanan ko sa iyo pati si Justin dinamay mo?” Ang sigaw kong sabi sa natumba na si Luther.

“Amanos na tayo Oliver. Akala mo siguro ay hindi ko alam na ikaw ang dahilan ng pagkamatay ni Camille. Nagkakamali ka. Bago namatay si Camille nakapag iwan pa siya sa akin ng sulat. Doon ko nalaman ng pinapunta mo siya at sumunod noon ay namatay na siya. Isang taon akong nawala sa bansa at babalik ako na bangkay na si Camille. Tang ina mo! Hayop ka! Amanos na tayo. Bagay lang iyan sa iyo. Pinaghandaan ko ang paghihiganti ko sa iyo nagkataong si Justin ang sumalo kaya hindi ka namatay. Pero okay na yun at least ramdam mo na ang may namatayan. Magdusa ka rin” Ang sigaw niya sa akin.Nagulat ako pero hindi ako nagpahalata.

“Kung alam mo lang!! Aksidente ang nangyari. Walang may kagustuhan na mamatay ang asawa mo.” Ang sabi ko sa kanya. Kasabay noon ay pagdating ng Nanay at Tatay niya.

“Sinungaling ka. Sinasabi mo lang iyan dahil pinagtatakpan mo sarili mo.” Ang pagsigaw niya sa akin.

“Luther anak, huminahon ka. Bakit sinisigawan mo si Oliver?” Ang tanong ng ama ni Luther.

“Mauuna na po ako.” Ang sabi ko sa kanilang lahat. Nanghihina na ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa buhay ko at ang kaisa isang taong andiyan sa buhay ko ay kinuha pa. Dahan dahan akong naglakad. Rinig na rinig ko pa ang usapan nila Luther at ng magulang niya.

“Dahil siya ang may kasalanan kung bakit namatay ang asawa ko!” Ang galit na galit na sabi niya.

“Anak, wag kang mabibigla. Ang asawa mo ang may pakana. Maraming saksi ang nakakita na dinukot si Oliver. Si Camille ay may pakana nito. Buti nga hindi nagsampa siya ng kaso sa asawa mo. Siya pa ang nagpagamot pero binawian din siya ng buhay. Siya ang nagpalibing. Hindi namin sinabi dahil iyon ang gusto niya.” Ang mahabang sabi ng ama ni Luther.

“Ano? Hi..hindi..magkaaway sila bakit naman niya gagawin iyan?” Ang hindi niya makapaniwala sa rebelasyon ng ama niya.

“Alam namin na may hidwaan sila. Kaya nagtataka rin kami. Pero alam mo mabait siya. Kasi pati anak mo siya ang nagpapaaral. Nagulat kami ng malaman namin kung sino ang nagbigay ng educational plan ng anak mo. May kakilala kasi kami doon sa kumpanyang nagbigay ng educational plan ng anak mo. Nabulag lang ang asawa mo sa mga sinasabi ng mga magulang niya. Natatakot siyang balikan ng mga ito kaya siguro nagawa niyang dukutin si Oliver para pakawalan ang mga magulang niya. Anak bakit mo naman tinangkang patayin si Oliver? Hindi mo ba alam kung anong mangyayari sa anak mo ngayon wala na rin siyang ama.” Ang sabi ng ama ni Luther.

“Pa, patawarin mo ako. Naguguluhan kasi ako. Kung alam ko lang. Pa, patawarin niyo po ako! Oliver patawad!!” Ang naiiyak na sabi niya at niyakap siya ng mga magulang niya.

“Huli na ang lahat. Nangyari na ang nangyari. Mabulok ka diyan.” Sa isip ko. At tuluyan ko ng nilisan ang presinto matapos kong marinig ang usapan nila. Alam na pala nilang ako ang nagbigay ng tulong sa anak ni Luther.

Wala akong ginawa kundi ang uminom ng uminom ng alak araw araw. Napabayaan ko na ang aking sarili pati na ang kumpanya. Hindi ko sinisipot ang meeting kundi pinapasabi ko na si Attorney na ang bahala. Ayokong magpaistorbo sa kanila.

Tumagal iyon ng isang taon. 31 yeard old na ako. Hanggang ngayon ay hindi ko iyon matanggap. Pumasok ako ng kuwarto namin ni Justin. Kinuha ko ang litrato niya.

“Justin, akala ko ba walang iwanan. Akala ko ba hindi mo ako iiwan. Pero ano itong ginawa mo? Bakit mo ako iniwan? Hindi mo ba alam na ikaw na lang ang taong masasandalan ko. Akala ko okay na ang lahat. Akala ko tapos na itong paghihirap ko pero bakit ka kinuha Justin. Bakit?” Ang nagiiyak ko sabi habang hawak ang litrato niya.

Sobrang akong pinagsakluban ng panginoon. Oo mayaman ako pero hindi nabibili na kahit na ano ang kaligayang gusto ko. Ang sa piling ng aking mga minamahal. Sobrang sakit halos gusto ko ng patayin ang aking sarili. Biglang kong binasag ang bote ng alak na aking dala. At kumuha ng isang basag na bahagi ng bote at ng akmang itatarak ko na sa aking pulso ay bumukas ang pintuan at niluwal si Barbara.

“Kuya Oliver anong ginagawa mo?” Ang gulat na gulat na sabi niya. Sabay takbo palapit sa akin at kinuha ang aking hawak.

“Akin na iyon..Gusto ko ng mamatay!” Ang nagsisigaw at nagiiyak na sabi ko. Bigla akong tumayo para kumuha ng ibang basag na bahagi ng bote.

*PLAK*

“Hindi gugustuhin nina Tinyo at Kuya Justin ang nakikita nila sa iyo ngayon.” Ang naiiyak na sabi ni Barbara.

“Wala na ring kuwenta ang buhay ko Barbara. Iniwan na nila ako. Sila ang buhay ko. Sa kanila umiikot ang buhay ko. Anong silbi pa ng buhay ko kung wala na sila?” Ang sabi ko.

“Kuya wag mong sayangin ang binigay sa iyo ng panginoon. Si Tinyo ay nagpanalo sa iyo kasi gusto ka niyang mabuhay na matiwasay. Si Kuya Justin ang nagbigay sa iyo ng saya para hindi ka na makaramdam ng lungkot sa buhay. Babalewalain mo lang ang lahat ng iyon?” Ang makahulugang sabi ni Barbara.

Napatingin ako sa kanya. Tama siya dahil lahat ng ito ay pamana ng mga taong nagmahal sa akin. Kahit na wala na sila gusto pa rin nilang maging okay ako. Nanghina ako at napaluhod kasunod noon ang paghagulgol ko. Lumapit si Barbara sa akin at niyakap ako.

“Barbara tulungan mo ako..Please!” Ang umiiyak at nagmamakaawang sabi ko.

“OO, Kuya Oliver tutulungan kita pero please tulungan mo rin ang sarili mo.” sAng sabi niya.

Simula ng pagdating ni Barbara ay unti unti na akong bumangon. Makalipas ang isang buwan ay handa na akong bumalik sa kumpanya. Naayos ko na rin ang sarili ko. Babalik na nga pala si Barbara sa London dahil may anak itong naiwan. Isang British ang kanyang napangasawa kaya naman naging mamamayan na siya ng bansang iyon. Nagkagusto sa kanya ang British sa unang taon ng kanyang paglalagi sa London. Kaagad nagbunga iyon ng supling nila na isang lalaki.

“Ingat ka Kuya Oliver. Gustuhin man kitang samahan kaso lang ang anak ko kasi hinahanap na siya ng lola niya. Babalik din kami pag may oras na ulit kami.” Ang sabi ni Barbara.

“Ok lang iyon. Salamat sa lahat. Ang dami ko ng utang sa iyo. Paano ako makakabayad sa iyo?” Ang nahihiya kong sabi.

“Naku ano ka ba Kuya Oliver wala iyon. Asawa ka ng Kapatid ko kaya ginagawa ko ito saka bumabawi lang ako sa mga ginawa ko dati sa iyo noong bata pa tayo.” Ang nakangiting sabi ni Barbara.

“Naku wala na iyon sa akin. Salamat talaga! Ingat ka rin.” Ang sabi ko. Nagyakap kami sa huling pagkakataon. Masakit dahil sa sarili kong mga paa ako sasandig dahil wala na akong kasama sa buhay. Malungkot pero kailangan kong bumawi sa mga sinayang kong oras. Pumunta muna ako sa puntod ni Justin.

Heart sensya ka na ha. Naging ganoon ako noon. Halos mabaliw ako sa sunod sunod na pagkawala ng mga mahal ko sa buhay. Alam mo nagpapasalamat ako sa kapatid mo dahil tinulungan niya akong bumangon mula sa pagkakalugmok. Hayaan mo ipinapangako ko sa iyo, gaya ng pangako ko kay Tinyo, kay Kuya Emil at kay Nanay Lucy na hindi ko papabayaan ang mga iniwan niyo sa akin. Aalagaan ko ito sa abot ng aking makakaya. Masaya na ako kahit paano. Salamat dahil alam kong binabantayan mo ako. Mahal kita Heart. Ingat ka diyan.

Kasabay noon ay tumulo ang aking luha. Nagtagal pa ako ng ilang oras bago ako dumiresto na aming kumpanya. Habang papasok ako ng kumpanya ay pakiramdam ko parang may mali. Hindi ko alam pero pakiramdam ko talagang may hindi magandang mangyayari. Nagulat si Josepine na ako ay makita niya. Pero saglit lang iyon at biglang ngumiti pagkatapos.

“Kamusta ka na Josephine?”

“O..ok lang po sir. Buti naman po dumating na kayo. Kanina pa po naghihintay si Mr. Sosengco!” Ang kinakabahan niyang sabi.

“Sige ako ng bahala. Tawagin na lang kita pag tapos na kami.” Ang sabi ko.

Pumasok na ako sa aking opisina. Hindi ko alam kung bakit siya nandito pero bahala na kailangan matapos na ito. Kailangang bumawi dahil malamang ipapamukha niya sa akin ang mga kamalian ko sa buhay at kumpanya. Hindi ko hahayaan ang tapak tapakan niya ako.

“Mr. Sosengco what can i do for you?” Ang bungad ko pagpasok ko ng opisina.

“My God! Sobrang tagal ng pagluluksa mo. Ano bang pumasok sa kukote mo at napabayaan mo ang kumpanya? By the way hindi na ako papaligoy ligoy pa. I resign!” Ang sunod sunod na putak niya.

“Sorry Mr. Sosengco. Ang hirap lang ng sunod sunod na pagkawala ng mga mahal mo sa buhay. Hindi kita masisisi sa sinabi mo pero sana maintindihan mo ako. Saka nahihiya rin ako sabuong kumpanya dahil sa pagbabalewala ko. At saka bakit kailangan mong magresign? Anong dahilan?” Ang pagpapakumbaba kong sabi.

“Basahin mo para malaman mo.” Ang sarkastiko niyang sabi. Nagiinit na naman ang ulo ko sa kanya. Binasa ko iyon.

“Well i will sign your resignation. Siguro may time ka pang mag ayos ng paper mo para sa clearance?” Ang sabi ko.

“Aalis na ako mamayang gabi. Kaya hindi ko na siya maasikaso. Ang aking attorney na ang gagawa niyan.” Ang mayabang niyang sabi. Nagpintig na ang aking tenga sa mga pasaring niya/

“O well hindi na rin naman kailangan ng isang bulok na empleyado dito sa kumapanya. Mabuti na iyon kaysa namang ipatanggal kita.” Ang medyo napataas kong sabi.

“Well pakasaya ka Mr. Concepcion dahil malapit na ring mabulok itong kumpanyang pinagtatrabahuhan mo.” Ang makahulugang sabi niya sa akin. Bigla siyang umalis at padabog na sinara ang pintuan.

Nakakatuwa dahil at least mabubunutan na ako ng tinik. At least magiging maganda na ang takbo ng aming kumpanya. Pinapasok ko na si Josephine.

“Pasok ka Josephine!”Ang sabi ko ng kumatok siya.

“Sir bakit po nagdabog si Mr. Sosengco.?” Ang bungad niya.

“Ah nagresign na siya at pinagbigyan ko naman dahil ayaw ko na rin sa kanya para namang makapagsimula na tayo ng bago. Nagkaroon kami ng konting pagtatalo kaya ayun nagalit.” Ang natatawa kong sabi.

“Buti naman sir nakakatawa na kayo.” Ang puna niya sa akin.

“Oo nga eh si Mr. Sosengco lang pala ang mamakapagpasaya sa akin eh di sana araw araw na akong pumasok.“ Ang pakuwela kong sabi. Natawa naman si Josephine.

“Sir maiba po tayo. Wag niyo po sanang mamasamain itong sasabihin ko. Simula po ng mawala kayo ng pagkatagal tagal at si Attorney ang humalili sa inyo ay nagkaroon po ng pagtatalo sa pagitan nila Mr. Sosengco at sa kanya. Nagkaroon daw kasi ng anomalya si Mr. Sosengco kaya napag usapan sa board. Kaso walang makuhang ebidensiya. Magaling daw magpalusot si Mr. Sosengco. Sana po hindi niyo siya pinalayas para mapaimbestigahan. Dahil oras na umalis siya ay hindi na natin siya mahahabol pa lalo na sa ibang bansa pa siya pupunta.” Ang mahabang sabi niya.

“Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin bago ko pirmahan ang kanyang resignation letter?” Ang medyo napataas kong sabi.Nagulat si Josephine.

“Akala ko naman po kasi ay mag uusap lang kayo ni Mr. Sosengco. Hindi ko po kasi alam ang sadya niya kaya pala araw araw nag aabang sa inyo si Mr. Sosengco ito pala ang balak niya.” Ang may pagdududang sabi ni Josephine.

“Sige tawagan mo si Attorney para naman maaksiyunan ito. May tatawagan lang akong kakilala.” Ang utos ko kay Josephine. Nagtaka naman siya.

“Sir patay na po si Attorney. May bumaril sa kanya ng papasok na ito ng kumpanya natin. Nangyari po ito ng mabisto ni Attorney ang anomalya ni Mr. Sosengco. Pero hindi nasampahan ng kaso si Mr. Sosengco dahil wala namang ebidensiya. Kaya si Mr. Sosengco na ang humalili sa posisyon niyo ayon sa board habang wala pa kayo.” Ang sabi ng aking sekretarya. Nagulat ako.

“Bakit hindi ko ito alam? Bakit wala man lang kayong pasabi? Bakit?” Ang pasigaw kong sabi. Nagulat si Josephine sa aking inasta.

“Sir tinatawagan ka po ng anak niya. Hindi naman po kayo makontak. Hindi rin po kayo noon makita sa mga bahay niyo. Umalis po daw kayo sabi ng mga katulong niyo. Sir pati ang opisina may balitang nagkakaroon ng financial problem. Hindi daw natutukan ni Mr. Sosengco ang kumpanya kaya unti unting nawawala ang mga investors.” Ang sabi niya sa akin. Naguguluhan ako at natatakot na sa iniwang kumpanya.

“Sige salamat sa impormasyon. Pasensya na napagtasaan kita. Balik ka na sa desk mo tawagin na lang kita pag may kailangan pa ako.” Ang sabi ko na lang.

Hindi ko alam na sa isang taong pagbabalewala ko sa kumpanya ay magiging ganito kalala ang sitwasyon. Hindi na ako makapag isip ng tama at naguguluhan na ako. Tinawagan ko ang pulis na kakilala ko. Napag-alaman kong wala na rin siya at pumunta ng Hawaii para maging marine ng US. Nakuha na ang application niya noong nakaraang taon.

Sunod sunod namang problema ang dumating sa akin. Wala akong nagawa kundi unti unting makitang malugmok ang kumpanya. Nagsara ang kumpanya makalipas ang apat na taon. Hindi ko nasalba ang kumpanya sa pagkakalugi nito sa at sa utang ng kumpanya ng umabot ng 2 billion hindi pa kasama ang interest. Grabe pasakit ito. Naiinis ako kasi nagkamali ako sa mga desisyon ko sa buhay. Hindi rin nakatulong ang Attorney na kinuha ko.

Hanggang sa isang araw habang ako ay papauwi sa aking tinitirhan. Hindi ako umuwi ng bahay dahil uminom ako sa sobrang lungkot ko sa pagkawala ng kumpanya. Halos 18 years akong nagtrabaho sa kumpanya at mauuwi lang pala sa wala. 36 years old na ako. Nakita ko nalang na may isa isang lumabas ng bahay ko para buhatin ang mga gamit sa bahay ko. Dali dali akong bumaba sa aking kotse.

“Anong ibig sabihin nito? Bakit niyong kinukuha ang mga gamit ko? Hoy ibalik niyo yan?” Ang sabi ko sabay kuha sa mga ito ng mga gamit ko.

“Mr. Concepcion pinadala po ako ng bangko. Pinareremata na po ang lahat ng ari arian niyo dahil sa utang ng kumpanya niyo. Pasensya na po hindi po kasi kayo nakakabayad kaya kinuha na namin ang lahat ng ari arian niyo. Nakahold na rin ang lahat ng assets niyo. Pati nga pala ang sasakyan niyo kukunin na namin.” Ang banta ng Attorney ng bangko.

“HINDI!!HNDI niyo makukuha ang sasakyan ko. Matagal na iyan sa akin at may sentimental value.” Ang pagmamatigas ko at tumakbo na ako sa aking sasakyan para umalis na.Iniwan ko na lang sila doon. Wala na akong paki. Ito ang nagsilbing alaala ko kay Justin dahil ito ang sasakyan ko na inalaagan ko ng mahabang taon at bago bago pa kung titingnan kahit matagal na dala na rin ng pag-aalaga ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta nito. Kaya wala akong ginawa kundi ang magbiyahe ng magbiyahe. Napunta ako sa Bicol at may isang magandang lugar ang pinuntahan ko at wala ng tao doon at medyo madilim at ang liwanag ng buwan ang aking nasisilayan. Doon ako huminto at magmuni muni.

Lord bakit? Bakit niyo ito ginagawa sa akin? Ano bang kasalanan ko sa inyo at ginaganito niyo ako? Wala na bang katapusang paghihirap ito. Lord sana pinatay niyo na lang ako. Kung nandito sana sina Justin at Tinyo hinding hindi ito mangyari. Bakit? Bakit mo sila kinuha?!!!

Gusto ko lang ng buhay na walang gulo. Walang sagabal. Yun lang ang ginawa ko. Alam kong mali ang pumatay ng tao. Pero sila ang dahilan ng lahat ng gulo na ito. Kung hindi nila ako ginanito hindi sana magugulo ang mga buhay namin. Mahirap bang humiling ng isang MASAYANG BUHAY!!!!

Patayin niyo na lang ako para hindi na ako mabaliw ng ganito. Ayoko na ayoko ng mabuhay pa!!!!!!!!!!!.


Ang sigaw ko at nag iiyak ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyari sa buhay ko. Simula pagkabata ay puro pasakit na mukhang mamatay ako ng puro pasakit din. Uminom ako ng uminom hanggang sa tamaan ako.Ng pabalik na ako sa aking sasakyan ay may tatlong lalaki nakaitim at nakabonet ang lumapit sa akin.

“Carnap ito!” Ang sabi ng isa. Tinutukan ako ng baril. Akala ko nagbibiro sila humarap ako kaso pinukpok ako ng dalang baril kaya napaluhod ako.

“Aray!!” Ang daing ko at sinipat ko ang ulo ko. May dugo.

“Akin na ang susi ng sasakyan mo. Dalian mo!” Ang sabi niya sa akin. At sabay kinapa ang lahat ng gamit ko sa aking katawan. Pinunit nila ang aking damit.

“Boss maawa na kayo. Wag na lang po ang sasakyan ko.” Ang nagmamakaawa kong sabi.

“Tumigil ka!” Ang sigaw ng isa sabay suntok sa aking sikmura. At pinukpok ulit ako sa ulo ng baril.

“Arrrgghhh” Ang daing ko at natumba ako.

Pagkakuha ng susi ng sasakyan ko ay sumakay na sila. Dali dali akong tumayo para habulin sila.

"Hoy ibalik niyo ang sasakyan ko!!!!" Ang sigaw ko. Pero hindi ako makatakbo ng mabilis dahil masakit ang ginawa nilang pagsuntok at pagpukpok sa aking ulo.

Ang bilis ng paandar nila. At natangay na nila ang sasakyan at pitaka ko. Sira ang damit ko at walang akong naiwan na kahit na ano sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero wala akong makita. Umaagos ang dugo sa ulo ko. Maya maya ay hindi ko inaasahan ang sunod na mangyayari.

*BEEP*BEEP*BEEP*

Ang sunod sunod na rinig ko at nakakita ako ng isang nakakasilaw na liwanag at ng mapalapit na sa akin ay bigla kong tinaas ang aking mga kamay dahil isang sasakyan ang biglang bumulaga sa akin. Ako ay binangga at tumilapon sa mga damuhan at bato bago ako nawalan ng ulirat.
______________________________

*Makalipas ang dalawang linggo*

“Ti..tinyo..” Ang sabi ko. Hinang hina ako habang unti unti kong binubuksan ang mata ko.

“Ay gising na ang pasyente.” Ang sabi ng sumigaw. At dali daling umalis ng kwarto.

“Nasaan na ang pasyente?” Ang sabi ng babaeng nakaputing pumasok sa kwarto.

“Anong pangalan mo?” Ang sabi niya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Nagtaka naman siya kung bakit nakatingin ako sa kanya.

“Anong pangalan mo?” Ang sabi niya ulit.

“Ti..tinyo..” Ang sabi ko.

“Ilang taon ka na?” Ang sabi niya ulit.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Wala akong maprosesong impormasyon sa aking utak. At habang dumadaan ang araw nag iiba na ang ugali ko.

“Ilabas niyo si Justin..Justin asan ka na? Bakit mo ako iniwan...Justinnnn....Justinnnn!!!” Ang sigaw at nagwawala kong sabi. Dumating ang nakaputing babae kasama ang dalawang lalaki.

Pinangalanan nila akong Tinyo dahil iyon ang lagi kong sinasabi pag tinatanong nila ako ng pangalan ko.

“Tinyo..tinyo..huminahon ka.” Ang sabi ng babaeng nakaputi sa akin.

“Ilabas niyo si Justin..Justin asan ka na? Bakit mo ako iniwan...Justinnnn....Justinnnn!!!” Ang pagwawala kong sabi. Hindi nila ako maawat kaya tinurukan ako at nakatulog na lang ako pagkatapos.

Samantala sa hospital na aking kinaroroonan ay may dalawang nag uusap na tao sa loob ng aking kuwarto.

“Doc wala naman pong kamag anak ang pasyente. Mga ilang buwan na tayo naghihintay pero wala pa ring pumupunta kawawa naman ang pasyente at mukhang nasisiraan na ng bait.” Ang sabi ng babaeng nandoon.

“Oo nga napansin ko rin iyan lumalaki lang ang gastos natin. Sige kakausapin ko ang isa kong kasamahan sa Maynila kung saan ko siya pwedeng ibigay na intitusyon.” Ang sabi niya sa kausap niya.

Makalipas ang isang araw ay nakatanggap sila ng utos na pwede ng ilipat ako sa isang mental institusyon na kakapatayo lang daw ng gobyerno sa isang tagong lugar sa Laguna. Pinatulog nila ako para hindi daw ako magwala.

Ng makarating kami sa lugar. Nagising ako at tulala. Nakasuot ako ng damit na hindi ko magagalaw ang aking kamay kahit magwala ako. Bumaba kami na nakasakay ako sa isang upuang tinutulak.

“Sandali lang. May naiwan ang pasyente.” Ang sabi ng lalaking kasama kong naghatid sa akin.

“Pakisuot ito sa pasyente. Itong Kwintas. Kasama niya iyan nung natagpuan siya.” Ang sabi ulit ng lalaki at inabot doon sa nagtutulak sa akin.

Dineretso na ako sa loob ng institusyon para maasikaso na nila ako.

“Doc mukhang may bago tayong pasok.” Ang sabi ng babeng nasa pasukan ng gusali.

“Sige ako ng bahala.” Ang sabi ng lalaking nakaputi. Nakatalikod kasi ito sa amin. Humarap siya at ako ay nagulat. Napatayo ako sa aking kinauupuan na hinahatak.

“Justin!!” Ang pasigaw kong sabi. Nagkatinginan ang lahat sa akin. Lumapit siya sa akin na nakangiti.

“Ako nga pala si Doctor Lance Smith. Anong pangalan mo?” Ang sabi niya sa akin na nakangiti.

“Tinyo!” Ang mahinang sabi ko. Kasabay noon ay paghilig ko sa balikat niya at umiyak ako.

*WAKAS*
______________________________________________

Spoiler Alert: Sino si Doctor Lance Smith sa buhay ni Oliver a.k.a TINYO? Gagaling pa ba siya? At lahat ng mga tanong pa na bumabagabag sa isipan niyo ay sasagutin sa EPILOGUE-1/31/12.

10 comments:

Lyron said...

parang may theory na ako dito... sa tingin ko lang si Dr. Lance ang totoong tinyo nagkaamnesia lang matapos maaksidente sa dagat. Unti-unting gagaling si Oliver. They live happily ever after???

louie15 said...

WOW ang ganda ng ending...i agree kay lyron...siguro si tinyo ay nakita ng isang mayamang pamilya nung after ng aksidente tapos nagka Amnesia...superb ang mga twist ng story mo mr.author...talagang si tinyo ang gift ni God kay Oliver sa kabila ng mga pasakit at hirap na napagdaanan niya...salamat mr.authro sa one of a kind story...i learn a lot...sana malaman naman ni barbara nangyari kay oliver ...yun lang po..at GOD BLESS YOU always Mr. Author

Anonymous said...

d ko lubos maisip na mangyari ulit kay oliver ang balik ng tadhana sa kanya... kinuha lahat ang mga taong nag mahal sa kanya.... im so pity to olver... nasayang ang lahat na pinaghirapan nya.... pero baka nga si doc ay si tinyo... ang kwentas ang makapag balik alaala kay doc.... na sya ang tunay na tinyo....


ramy from qatar

Ross Magno said...

Ang galing ng theory ni Lyron ah..
sana nga..si dr. smith ang totoong Tinyo.

Anonymous said...

Wow ang galing ng twist ng kwento mo sir jay ang dami
Mo pasabog excited n aq s last part ng story
JDS from kuwait

Unknown said...

Ang hirap naman na parang alam niyo na ang kwento ko.hahaha..joke lang..basta abang abang sa HULING KABANATA ng NO ONE.

--makki-- said...

ang galing ng hula ni Mr. Lyron ah! di ko naisip yun ah!

marahil nga si Tinyo ang Dr. Lance na yun.. 36 y/o na si oliver sa kasalukuyan.. 8 yrs ang gap nila ni Tinyo. bali 29y/o na si tinyo hmmm may point ka.. dr. na siya ngayon.

dahil sa nabaliw na itong si Oliver (dulot ng nawala na ang lahat sa kanya as in NO ONE ).. bakit nagpanggap siyang si tinyo?

kaabang abang ang EPILOGUE!

great twist of story! unexpected nga ang ending! di ko nga lubos maisip na mamamatay si Justin eh..

Unknown said...

Sa EPILOGUE ko sasabihin ang mga hula niyo. Doon ako magkokoment. Mahirap na baka kung ano pang masabi ko sa inyo. Mawala ang Excitement (hindi ko alam kung yung iba eh maeexcite pa..hahaha).

Thanks sa mga comments.

Lawfer said...

now that’s unexpected...rrrealy unexpected o.o
*speechless*

master_lee#27 said...

wow!!!!!!!grabe ang mga rebelasyon .....great story.........kaabang abang ang epilogue nito....tsaka parang may point ung mr.lyron na si tinyo ay si dr.smith..hmmm?
ang ganda ...........:):)

ShareThis