Heto na naman po ang inyong lingkod. Nagbibigay ng maikling patalastas.
Pasensya na po kung natagalan ako sa pagpapaskil ng aking akda.Wag po kayong mabahala dahil tatapusin ko po ito. Marami po kayong aabangan na kagulat gulat sa mga susunod na kabanata.
Salamat po sa inyong walang sawang pagbabasa sa aking akda. Wag po kayo magsawa sa pagsuporta. Regular na po ulit ang pagpapaskil ko ng aking akda. Martes,Biyernes at Linggo po ang labas ng aking akda.
Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Heto na po ang kasunod. Enjoy!
*****************************************************************************************************
Ang sarap balikan ng mga panahon kung saan wala silang ginawa kundi ang magsaya. Sa kanila lang nakita ni EJ ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya.Dahil nagtutulungan sila sa abot ng kanilang makakaya. Alam niya na andyan pa rin ang Kuya Athan niya kung may problema siya pero hindi naman sila madalas magkita kaya ang mga kaibigan niya lang ang nalalabasan niya ng kanyang saloobin.
Niligpit niya ang mga gamit na alaala nilang magkakaibigan. Tumayo siya at binalik sa side table niya. Pagkatapos nun ay umupo siya sa kama niya para ubusin ang natitirang laman ng alak na kanina pa niya tinutungga. Ng maubos tumayo siya at pasuray suray na lumapit sa mini ref niya. Ng akmang papalapit na siya nabitawan niya ang bote ng alak na tinutungga niya.Nagkalat ang mga bubog at nakaramdam siya ng hilo. Bumalik na lang siya sa kama niya at pahilatang humiga sa kama.
"Akala ko okey na ang lahat.Akala ko walang iwanan.Pareho pareho lang sila.Sarili lang nila ang iniisip nila. Ayoko ng mabuhay pa!!"Medyo napalakas ang boses niya.Sabay ng pagtulo ng luha niya.
Kumatok si Manang Flor ng mga oras na iyon ay pupunta na talaga sa kuwarto ni EJ para sabihan na kakain na. Gabi na rin kasi at nauna nang kumain ang Mama at Kuya niya dahil marami pang bisita silang aasikasuhin.
"EJ..iho,Anong nangyayari sa iyo?"May pag-alala tawag ni Manang Flor. Walang sagot siyang naririnig at tanging hikbi lang ang naririnig niya sa kuwarto ni EJ. Pumasok siya at nagulat siya sa nakitang mga basag na bote. Hinanap niya si EJ. At nakita niya itong nasa kama niya at umiiyak.Nilapitan niya ito at naawa siya sa kalagayan niya.
"EJ?"Tawag ni Manang Flor. Umupo siya sa kama ni EJ. Tumingin naman si EJ kay Manang Flor.Niyakap niya si Manang Flor.At tuluyang humagulgol.
"Sshhh..tama na yan...anong problema iho?"Tanong ni Manang Flor. Habang hinihamas ang likod ni EJ para kumalma.

"Ayoko na..Manang,,gusto ko ng mamatay..hindi ko na kaya..Wala ng nagmamahal sa akin.Lahat sila iniwan na ako."Sabi ni EJ.Umiiyak pa rin.
"Iho,alam mo kung wala ng nagmamahal sa iyo.Wala sana ako dito. Alam mo kahit hindi mo sinasabi sa akin ang problema mo ramdam kong may pinagdaraanan ka. Ramdam ko iyon.Dahil ako na ang nagpalaki sa inyo ng Kuya mo"Sabi ni Manang Flor.
"Hindi naman sa nangingialam ako. Kilala ko ang buong miyembro ng pamilyang ito. Ang mga magulang mo ay sobrang bait at mahal ka nila.Hindi mo ba alam nung bata ka pa nilagnat ka ng 2 araw wala pa tayo sa Manila.Nasa probinsya tayo nun.Malayo pa ang hospital sa lugar ng pamilya mo.Hindi na nila alam ang gagawin kasi lalong tumataas ang lagnat mo.At hindi ka na kumakain noon. Ang Papa mo kumuha ng kumot pantakip sa iyo kasi umuulan nun. Lumabas kayo at iniwan niyo si Athan kasama ko para pumunta ng Hospital.Ang mama mo pinapayungan kayong dalawa. Naglakad lang kayo ng tatlong kilometro dahil wala ng sasakyan dahil gabing gabi na. Madilim pa nun kaya nakaapak ng bubog ang Papa mo sa sobrang dilim.Kahit dumudugo ang paa tumuloy parin kayo. Ang mama mo nung time na iyon.Umiiyak na kasi nag aalala na sa inyong dalawa ng Papa mo.Baka lalo lumala ang lagnat mo at yung Papa mo ay tuloy tuloy ang agos ng dugo sa paa. Sobrang layo ng nilakad nila para lang mapagamot ka. Buti naman at nakarating kayo at bumuti ang lagay mo mga 3 araw ng madala ka sa hospital."
"Si Athan walang araw na laging kang kasama. Gusto niya lagi kang nasa tabi niya.Nagagalit siya kung inaagaw ka ng mga magulang mo sa kanya.Yung Kuya mo nga hinahinan ka ng pagkain kanina at tinakpan niya pa yun para sa iyo.Baka raw magutom ka. Alam kong nag away kayo pero hindi ka pa rin nalilimutan niya.At kanina nga habang kumakain ang Mama mo sinabihan niya akong nababahala siya sa iyo dahil hindi ka pa raw bumababa mula kanina ng magkita kayo.Baka kung napaano ka na raw kaya pinapapuntahan ka niya sa akin at heto nga naabutan kita dito."Mahabang kwento ni Manang Flor.At hinihimas ang ulo ni EJ na ng mga oras na iyon ay nakatingin sa kanya.
"Hindi mo rin pala alam na yung mga kaibigan mo nung dumating sila.Lalo na si Natasha ba yun? Girlfriend mo ba yun?"Tango lang ang sinagit ni EJ.Nagpatuloy si Manang Flor.
"Sobrang nag alala sa iyo ng dumating siya dito.Nagluto nga siya ng pagkain para saiyo bago siya umalis ng bahay. Kasi baka hindi ka pa raw kumakain. Yung dalawa mong kaibigan habang nasa kusina kasama ni Natasha. Nagkwekwentuhan at ang pinag uusapan nila yung mga bagay bagay na masasayang alaala niyo kayong apat.Hindi ko inaasahan na sobrang masaya pala silang kasama.Natutuwa ako kasi ngayon lang ako nakatagpo ng mga taong handang tumulong sa kaibigan.ang swerte swerte mo sa kaibigan,EJ. Yan ba ang walang nagmamahal sa iyo."Dugtong na sabi ni Manang Flor. Patuloy pa rin hinahimas sa ulo si EJ.
"Hindi ko alam iyon,Manang..patawarin mo ako"Iyak na sabi ni EJ.
"Sshhh..tahan na wala kang dapat ipanghingi ng tawad sa akin.Pinapagaan ko lang loob mo.Naawa kasi ako sa iyo."Sabi ni Manang Flor.
"Manang? Nagugutom na ako"Sabi ni EJ at ngumiti. Napangiti na rin si Manang Flor tanda na okay na si EJ kahit papaano. Kinuha niya ang pagkain sa baba at pinakain si EJ.Ng matapos na ito. Pinatulog niya muna ito bago linisin ang kalat sa kuwarto niya.
Kinabukasan,Maagang nagising si EJ.Napakagaan ng pakiramdam niya ng mga oras na iyon. Dala na siguro ng nailabas niya ang hinanakit niya kagabi. Nagpunta sa CR si EJ para magmugmog at bumaba para kumain ng almusal.
Habang kumakain tinatanong niya si Manang Flor kung kumain na sina Kuya Athan at Mama niya. Nauna na raw kumain ang Mama niya dahil ito ang laging umaasikaso sa mga bisitang dumadalaw sa bahay nila. Ang Kuya Athan naman niya ay tulog pa raw dahil late na ng matulog ito dala ng dumalaw ang mga katrabaho niya.
"Manang.hindi ba tumawag o bumisita sina Natasha at mga barkada ko dito?"Tanong niya.
"Naku Iho,wala tawag ako natanggap sa kanila puro sa mga kaibigan at kakilala ng Magulang at Kuya mo ang tumatawag dito sa bahay."Ang sagot ni Manang Flor.
"Ah ganun po ba sige ako na lang po muna ang kukuha ng tawag sa telepono. Pahinga na rin po kayo."Ang malungkot na sabi ni EJ.
Sinubukan niyang tawagan si Natasha.Lagi siyang binababaan. Ganundin si AJ at JM. Siguro hindi pa sila handa makipag usap sa kanya. Tinatry niya ring tawagan si DM gamit ang numero na sinulat niya kalakip ng sulat ng nilagay niya ng natulog ito sa kuwarto niya noon kaso out of coverage area. Kinuha niya ang laptop niya para magfacebook at iadd si DM at para kamustahin na rin.
Dumaan ang limang araw wala siyang narinig sa mga kaibigan lalo na kina DM at Natasha. Sobrang nasaktan siya.Parang nawalan siya ng pag asang may kakampi siya ng mga oras na iyon.Gusto niya sana humingi ng tawad sa mga ito kaso ayaw naman siya kausapin ng mga ito. Akala rin niya magiging okay na rin sila ni DM kaso pati rin pala ito hindi nagparamdam sa kanya.Dinamdam niya ito.
Dumating ang araw ng libing ng kanyang Papa. Ito ang isa sa pinakamalungkot na bahagi ng buhay ng pamilya nila. Halos walang tigil sa pag iyak ang Mama at ang Kuya Athan niya. Siya naman ay pinipigilan ang luha niya.Gustuhin man niyang umiyak ubos na ito sapagkat inubos niya bago ang araw ng libing.
Dumating din nung araw na iyon ang mga kaibigan niya. Sina Natasha,JM at AJ.Ngumiti siya ng makita ang mga ito.Pero mukhang hindi siya pinansin dahil ang Mama at Kuya lang nila ang kinausap nito. Nasaktan siya sa pinakita ng mga ito.
Hinatid na sa huling hantungan ang kanyang Papa. Hindi siya nakapagsalita sa araw ng libing ng Papa niya sapagkat hindi siya sinali ng Kuya niya.Alam niyang galit pa rin ito sa kanya kaya naiintidihan ito kung sakali mang hindi siya sinama para magbigay ng huling salita sa Papa nila.

Found at: FilesTube
Natapos ang libing at isa isa ng nagsiuwian ang mga bisita. Naunang umuwi ang Mama at Kuya Athan niya. Nilapitan si EJ ni Manang Flor na nakupo sa may puntod ng Papa niya.Lalapit din sana sina JM,AJ at Natasha ng marinig nito ang sinabi ni EJ.
"Sobrang sakit Manang,isa isa na nila akong iniwan. Si Papa iniwan na kami.Ngayon pati si Kuya Athan iniwan na rin ako. Baka si Mama ganun din.Pati mga kaibigan ko at girlfriend ko lahat sila iniwan ako.Lahat sila makasarili. Hinding hindi ko sila mapapatawad."Umiiyak na sabi ni EJ.Niyakap siya ni Manang Flor.
Ng marinig naman iyon nila Natasha at ng mga kaibigan niya. Sumama ang loob nila.Biglang umalis si Natasha at tumakbo palayo.Sumunod naman sina AJ at JM para habulin si Natasha.
"Iho..andito pa ako ok.Halika na.Umuwi na tayo mukhang uulan na."Hikayat ni Manang Flor.
"Mauuna na po kayo Manang Flor.Gusto ko pong mapag isa."Sabi ni EJ.
"Sigurado ka? Nag-aalala lang ako sa iyo."Sabi ni Manang Flor.
"Ok lang ako Manang,una na po kayo please."Nakatitig na sabi ni EJ kay Manang Flor. Gusto man niyang manatili doon para may makasama si EJ hinayaan na lang niya muna ito. At nauna na nga umuwi.
Habang si EJ ay nananatiling nakaupo sa puntod ng Papa niya. Hinimas niya ang lapida ng Papa niya kasabay ng pagtulo ng luha niya.Akala niya ubos na pero hindi pa.Pinipigilan niya kanina pero ngayon umaagos na ng tuluyan.At walang tigil ang pagluha niya.Sobrang panghihinayang niya na sana nung buhay pa ang Papa niya napahayag niya sana kung gaano niya kamahal ang Papa niya.Ngunit huli na ang lahat.
"Papa,alam kong galit ka sa akin.Hindi kasi ako tulad ni Kuya.Siya lagi kasing bukambibig mo. Naiinggit ako kasi iba ang atensyon mong binibigay kay Kuya.Dinamdam ko iyon.Kaya lagi na akong nagrerebelde. Alam kong hindi ako naging mabuti anak sa inyo.Iyon lang ang dahilan ko para maagaw ang atensiyon niyo. Alam kong mali dahil heto..heto ang kinalabasan.Papa patawarin mo ako."Sabi ni EJ.Tuloy tuloy pa rin ang pag iyak.
"Papa hindi ko na kaya..gusto ko na ring sumunod sa iyo.Kasi wala na akong kakampi.Ayoko na ring mabuhay..Ayoko na!!!!!!!Pagsigaw ni EJ.Sabay ng pagbuhos ng ulan.Umiiyak pa rin siya.Sinasabayan na ng pagbuhos ng ulan ang pag iyak niya.Napayuko siya habang umiiyak
Natigilan siya na parang tumigil ang buhos ng ulan sa kanyang kinauupuan.Hindi naman tumila ang ulan.Napatingala siya.Nanlaki ang mata niya sa hindi inaasahang bisita.
2 comments:
hehehe :)) si DM :D
Hehehe..bumalik ka Marc...tingnan natin kung tama..thanks sa pagcomment!
Post a Comment