Friday, October 14, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 23 (Tama na!)

Andito na naman po ang inyong lingkod at nagbibigay pugay sa inyong lahat.

Ako ay magpapasalamat kay Dada na walang sawa sa pagkomento sa aking kwento.Salamat din pala sa mga silent readers ko.Heto na po ang kasunod.Enjoy!
*****************************************************************************************************
Napahinto siya saglit ng hindi niya inaasahang makita siya ni Natasha. Mag isa itong naghihintay sa pasilyo ng Hospital na parang may inaabangan.Akala niya may katagpo ito mas lalo siyang kinabahan ng papalapit na ng papalapit si Natasha sa kanya. Gusto man niyang isipin na hindi siya ang inaantay pero hindi iyon ang nangyayari kasi heto na siya papalapit na sa kanya.Nangingilid ang luha ni Natasha ng makalapit kay EJ.

"EJ..i miss you!"Ang naluluhang sabi ni Natasha sabay yakap dito.

"Natasha.."Ang sabi ni EJ.Nagulat sa biglang pagyakap niya sa kanya.Aminado siyang namiss niya ang yakap ni Natasha pero may pumipigil sa kanya na yumakap din dito. Hindi siya makagalaw ngayon.

"EJ..please can we talk just for a while.Please"Nagsusumamong sabi ni Natasha. Nakayakap pa rin siya kay EJ.Tinanggal ni EJ ang pagkakayakap ni Natasha. Humarap siya ditoat nagsalita.

"Leave me..please..i don't need you anymore"Mahinahong sabi ni EJ kay Natasha. Sabay lakad. Ilang hakbang pa lang siya ng marinig niya ulit nagsalita si Natasha.Napahinto naman si EJ.

"I'm sorry sa lahat ng ginawa ko. I know it's my fault but.....hindi kita kayang isuko na lang ng basta. Mahal kita..hindi ako papayag na mawala ka."Ang naluluhang sabi ni Natasha.

"Sana narealize mo yun noon pa.Akala ko ikaw ang makikihati sa pighati ko.Parang nagkamali pa ako ng pinili kita. Narealize ko lang ngayon. Sana masaya ka na."Ang binitawang salita ni EJ. Bago tuluyang nilisan ang kinaroroonan nila.

Dumiretso siya ng CR para maghilamos. Namumuo na ang luha na pinipigilan niya. Sobra niyang nasaktan si Natasha mahal niya pa rin ito. Pero sa ginawang pang iiwan nito nung araw ng nag-iisa siya ay narealize niyang tama lang iyon.

Habang si Natasha ay naiwang nakatulala at umiiyak. Sobra siyang nasaktan sa mga sinabi ni EJ.Aminado siyang mali ang ginawa niya pero ng malaman niya na dito magtatrabaho si EJ natuwa siya dahil magkikita na sila at magkakaayos. Pero nagkamali pala siya. Iniisip niya na tapos na ba sila. Tinapos na ba ni EJ ang relasyon nila. Hindi pwede iyon.Ang nasabi niya sa sarili niya.Umiyak siya ng tuluyan. 

Habang si DM ay maagang pumasok sa loob ng operating room kung saan sila nakaassign nila EJ. Medyo nabagot siya dahil wala pa siyang kakilala. Hindi pa kasi dumarating si EJ. Kaya naisipan nitong lumabas muna at magyosi. Hindi pa siya nakakalabas ng hospital ng mapansin niya ang isang babae na umiiyak at pinagtitinginan ng ibang tao.

Dali dali siyang lumapit sa babae at ng makalapit siya ay natuwa siya dahil siya yung babaeng masungit na hindi niya nakuha man lang ang pangalan at number. Kaya lumapit pa siya ng konti.Nakatalikod ang babae sa kanya. Kinuha niya ang panyo niya sabay bigay dito.

"Miss..eto panyo"Ang sabi ni DM.

"Thanks."Ang sabi ng babae kay DM.Kinuha niya ang panyo nito sabay pahid ng luhang dumadaloy.

"Ano bang nangyari sa iyo? bat ka umiiyak?"Ang tanong ni DM.

"Ah napuwing lang ako."Ang palusot ng babae. Nag aalangan siya kung babalik niya ang panyo. Tinitigan lang niya ito.

"Sa iyo na muna yan. At least may reason ka para makipagkita ulit sa akin."Nakangiting sabi ni DM ng mapansing tinititigan ng babae ang kanyang panyo.

"Nakakahiya naman..Hayaan mo ibabalik ko ito sa iyo bukas pero bago na lang."Ang nasabi ng babaeng kausap ni DM. Ngumiti ito kay DM.

"Ayan oh..kung lagi kang ganyan mas lalo kang gumaganda.Alam mo kung sino man yang nagpaiyak sa iyo.Gago yun!"Ang pambobola ni DM.

"Ha..eh..napauwi lang ako."Nahihiyang na sabi ng babaeng kausap niya.

"By the way I'm DM"Pakilala niya sa babae.Sabay lahad ng kamay.Nakipagkamay din sa kanya ang babae.

"I'm Na..."Naputol na sabi ng babae ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan.Napatingin naman si Natasha dun sa sumigaw ng pangalan niya.

"NATASHA"medyo napalakas na sabi ni AJ. Lumapit ito sa kanila.

"Anong ginagawa mo dito kanina ka pa namin hinahanap. Tinatawag ka na ng head nurse."Ang nag-aalalang sabi ni AJ.

"Ah eh kasi.."Ang hindi na namang natuloy na sabi ni Natasha.

"Ok cge tara na.Naku papagalitan tuloy tayo. Tara na."Sabi ni AJ at hinatak na si Natasha. Tumingin naman si Natasha kay DM bago nagsalita.

"Sorry ha..balik ko na lang panyo mo.Thanks at paalam."Ang medyo mahinang sabi ni Natasha.Hindi naman ito narinig ni DM. Pero kahit ganun ay naintindihan naman siya nito base sa buka ng bibig nito. Ngumiti na lang si DM.At tuluyang nawala na sa paningin niya si Natasha at ang babae kasama n ito.

Tuwang tuwa si DM dahil sa wakas alam na rin niya ang pangalan ng magandang babaeng nakita niya kahapon at nakausap pa niya. At ngayon ay may reason na siya para magkita ulit sila dahil sa panyo niya.Natuwa naman dito si DM.Interesado masyado si DM kay Natasha. Hindi niya alam kung bakit. Pero isa lang ang kahulugan nito. Mukhang tinamaan siya kay Natasha.

Habang si EJ ay natapos na sa paghihilamos at naayos na niya ang sarili niya.Ayaw niyang makitang namumula mata nito pagpasok at lalong ayaw niyang inuusisa siya lalo na ni DM. Ng palabas siya ng banyo ay hindi niya inaasahan ang makikita niya.

"E..EJ"Ang nasabi ng babae nakasalubong niya paglabas ng banyo.Nanlaki ang mata nito. Pero si EJ ay parang wala lang sa kanya.

Hindi niya rin inaasahan na magkikita sila ni AJ. Alam niyang magkikita sila dahil isang hospital lang naman sila nagtatrabaho. Ang hindi niya lang alam na ganito kabilis ang pangyayari na parang isang iglap lang ay ang dami ng nangyayari.Si AJ ay nagulat din kasi hindi niya inaasahan na magkikita sila. Pinauna niya kasi Natasha ng tawagin niya ito kanina dahil ihing ihi na siya. Mabuti na rin na hindi pa sila nagkikita baka kung ano pang mangyari. Nasa ganung sitwasyon siya ng lumakad si EJ na parang hindi siya nakita.

Dire diretso lang si EJ naglakad pero hindi pa siya nakakalayo ng hinarangan siya ni AJ. Ang kamay nito ay nakahawak sa braso ni EJ.

"Wait EJ..mag usap naman tayo.Kahit saglit lang."Sabi ni AJ.

"Para san pa AJ? May atraso ka ba?"Ang sarkastikong sabi nito.

"Look..i know mayroon kaming nagawa sa iyo.Aaminin ko nasaktan ako kasi alam mo namang bestfriend ko si Natasha. Nasaktan siya sa mga sinabi mo. Siyempre kakampihan ko siya.Mas lalo na ng malaman ko ang lahat lahat. Masyado rin akong nadala sa pride ko.Kaya hindi kita kinausap man lang.Mali kami.Kaya sana naman patawarin mo kami.Nagsusumamo kami sa iyo EJ."Ang medyo gumagaralgal na sabi ni AJ.Nagsisimula ng tumulo ang luha niya.

"Patawarin? Ganun lang yun.Akala mo madali pero mahirap. Lalo na nung iniwan niyo akong mag isa. You know what hindi ko na rin naman kayo kailangan. Ok naman ako.Kaya sana lubayan niyo na ako."Ang galit na sabi ni EJ.

"Kung alam mo lang EJ.Araw araw umiiyak si Natasha. Naawa ako sa kanya.Gusto man kita kausapin para ayusin niyo na ang problema niyo pero kahit ako hindi ko magawa dahil sa naiinis pa rin ako. Hindi ko alam na magagawa mo ang lahat ng iyon. Gusto ka naming lapitan pero nauunahan kami ng pride namin. Nung araw ng libing na Papa mo kakausapin ka na sana ni Natasha ng marinig niya sa iyo mismo na hindi mo na kami kailangan. Lalo siya nasaktan. Umiiyak siya na umalis sa sementeryo. "Ang mahabang paliwang ni AJ.Habang tumutulo ang luha.Nagulat naman dun si EJ sa sinabi ni AJ. Pero hindi siya natinag mas matimbang pa rin ang galit niya sa pag iiwan nila.

"Naawa kayo sa kanya pero kayo naawa ba kayo sa akin? Ha AJ? Naawa ba kayo ng pagtabuyan ako ng Kuya ko dahil sa nangyari sa Papa ko? Naranasan niyo bang manlumo dahil lahat kayo iniwan ako mag isa. Naawa ba kayo? Naiisip niyo ba yun? Sagutin mo AJ? Naawa ba kayo?"Ang pasigaw na sabi ni EJ.

"EJ..look..alam kong naging makasarili kami.Sana bigyan mo naman kami ng chance na itama ang lahat. Kaibigan ka namin.Gusto rin naming ibalik ang dati. Di ba nangako tayong hindi magkakawatak watak. Sana naman EJ mapatawad mo pa rin kami."Umiiyak na sabi ni AJ sabay hawak sa kamay nito.

"Kung kaibigan ko kayong TUNAY sana alam niyong hindi ko rin gustong magkawatak watak tayo. Kung inunawa niyo ako sana hindi tayo naging ganito. Sana buo pa tayo. Pero huli na. Hanggang dito na lang."Ang nasabi ni EJ.

"Anong ibig mong sabihin EJ? Wag mong sabihing...."Hindi na natuloy ni AJ dahil sumabat na si EJ.

"Tama ka..simula noong iniwan niyo ako wala na akong kaibigan. Kaya pagpalagay niyo na lang na hindi niyo nakilala ang isang EJ Millares. Dahil ganun din ako.Nakalimutan ko na may kaibigan pala ako.Si Natasha pwede na siyang maghanap ng iba tutal nakalimutan ko na rin may girlfriend ako"Ang sarkastikong sabi ni EJ.

*PAK*

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni EJ. Hinawakan niya ang mukha niyang nasampal bago nagsalita.

"Tapos ka na ba?"Ang sabi ni EJ.

"Nagbago ka na EJ. Sana hindi ka na lang nakilala ni Natasha. Kung alam ko lang na sasaktan mo si Natasha hindi na sana ako pumayag na maging kayo. Sana si JM na lang dahil alam kong hindi niya sasaktan kahit kailan si Natasha. Ok lang na pagtabuyan mo kami pero sana hindi mo na dinamay pa si Natasha"Ang naluluhang sabi ni AJ.Sabay talikod kay EJ at tuluyang umalis.

Naiwang nakatulala si EJ.Alam niyang nasaktan rin siya sa mga nasabi niya kay AJ. Pero bagay lang iyon sa kanila. Tutal tinakwil na rin naman nila ako simula ng iwan nila akong mag isa.Ang nasa isip ni EJ.

Dumiretso na siya sa operating room kung saan siya nakaassign. Hindi niya nakita si DM nung pumasok siya dito. Umupo muna siya since matagal pa naman ang duty nila. Maya maya pa ay dumating si DM.Nakangiti na parang tuwang tuwa sa kung anumang nangyari sa kanya ngayong araw.

"O ba't ang saya mo ata ngayon?"Ang tanong ni EJ kay DM.Kumuha naman si DM na mauupuan at tumabi kay EJ.

"Wala lang nakilala ko na rin kasi siya!"Ang masayang sabi ni DM.

"Sino naman ito?Babae ba?"Tanong ni EJ.

"Malamang babae..alangan namang pumatol ako sa lalaki. Pero kung ikaw yun ok lang."Sarkastikong sabi ni DM. Napangiti naman si EJ.Hindi niya alam kung bakit.

"Pero siyempre gusto kong magkaroon na pamilya.Kaya ngayon kilala ko na siya.Aba hindi ko na pakakawalan yun."Dugtong ni DM. Medyo nalungkot naman si EJ pero pinilit pa rin niyang ngumiti kahit papaano baka makahalata si DM.

"Sino ba iyon?"Ang tanong ni EJ.

"NATASHA ang pangalan niya!"Ang walang kagatol gatol na sagot ni DM. Nanlaki ang mata ni EJ. Kinabahan siya ng hindi niya alam kung bakit. 

2 comments:

dada said...

Hahayz...anyare jayfinpa?....nagkamali aq ng akala hahayz...development between natsha ang DM pala ang nangyayari hahayz...

"O_O" nanlaki ang mata ni Ej hehe

Unknown said...

@Dada..abangan mo ang mangyayari sa kanila sa mga susunod na tagpo.

ShareThis