Nandito na naman ang inyong lingkod. Ako ay muling magbibigay ng isang palatastas. Maikli lang naman po ito.
Ako po ay nagpapasalamat sa mga nagkokomento sa aking akda lalong lalo na kina dada,Zildjian,Ross Magno,tionso at Rue. Pati na rin po sa mga silent readers at dun sa chatbox. Salamat sa inyo. Malapit ko na pong matapos itong kuwento ko. At oras na matapos ay ibabalita ko po ito sa inyo.
Maraming maraming salamat po ulit sa inyong walang sawang pagbabasa at pagsubaybay sa aking kuwento.Heto na po ang susunod. Enjoy!
*****************************************************************************************************
Gulat siya ng pumasok sa loob ng kotse niya si DM. Imbes siya ang magmamaneho ay napunta sa passenger's seat dahil sa panunulak ni DM sa kanya. Inumpisahan na niya paandarin ang sasakyan ni EJ. Buti na lang hindi nadala ni DM ang sasakyan niya kundi babalik pa siya bukas para kunin ito.
"Ano bang ginagawa mo DM?"Ang sumbat ni EJ.
"Sumasakay para ihatid ka."Ang nakakalokong sabi ni DM.
"Hindi ko kailangan ng personal driver. Marunong ako magmaneho"Ang masungit na sabi ni EJ.Napakunot naman si DM.
"Hanggang kailan mo gagawin ito?"Ang seryosong sabi ni DM.
"Anong ibig mong sabihin?"Ang nagtatakang tugon ni EJ sa sinabi ni DM.
"Ito...yung pag galit galitan mo..pang iiwas..pang iisnab sa akin. Masyado ba kitang nasaktan para sa ganituhin mo ako?"Ang may halong galit na sabi ni DM.Hindi naman nakakibo si EJ sa mga binitawang salita ni DM.Aminado siya na napakaliit lang ng ginawang kasalanan ni DM sa kanya kumpara sa nagawa ng mga kaibigan niya. Pero hindi niya pa rin maiwasan ang mapikon habang sinasariwa ang pang iiwan sa ere ni DM sa kanya.
"Ah eh.."Ang naputol na sabi ni EJ ng bigla na namang nagsalita si DM.
"Daig mo pa kasi ang babae kung magtampo. Alam kong may mali ako pero ang hindi ako kibuin man lang ng 2 araw ay sobra naman. Nakakatampo ka.Parang binalewala mo naman yung naitulong ko sa iyo dati."Ang madamdaming sabi ni DM.
"Masyado kang madram DM. Wag mo ng dagdagan pa. Ok na.Bati na tayo."Ang nasabi na lang ni EJ. Tutal inamin naman niya na nagkamali siya.At hindi niya rin naman kayang tiisin si DM na hindi pansinin. Gustong gusto na nga niya itong kausapin dahil namimiss na niya ito.Ewan niya kung bakit ganun ang nararamdaman niya.Sobrang gaan. Para kang nakahigh kasi hahanap hanapin mo.
"Eh yun naman pala. Eh so peace na tayo."Ang nakangit sabi ni DM kay EJ.Tumingin ito saglit kay EJ.Nakita naman siya ni EJ kaya nginitian siya nito.
"Oo na..ikaw kasi.Wag mo ng gagawin ulit yun.Kundi hindi na talaga kita papansinin kahit kailan"Parang bata na sabi ni EJ.
"Oo na ako.Hindi na po. Takot ko lang sa iyo."Ang pagpapacute na sabi ni DM.
Nanaig ang katahimikan pagkatapos nilang magbati. Hindi nila alam kung bakit basta para may kung anong bagay ang nagsasabi sa kanila na tigilan na muna nila ang kadramdahan. Ng biglang may naisip na gawin si DM.
Tinatahak nila ang kahabaan ng EDSa ng bigla dumaan ito sa Ortigas Flyover. Yung papuntang Robinson. Nagtaka naman si EJ. Dahil nag iba ang ruta na dinadaanan nila.
"Teka teka lang..Oi san mo ako dadalhin?"Ang biglang sabi ni EJ.Nakatingin na ito kay DM ng may masama.
"Secret walang clue!"Ang nakangiting sabi ni DM.
"Secret walang clue!"Ang nakangiting sabi ni DM.
"DM walang ganyanan..gabi na baka mapaano tayo."Ang medyo nag aalalang sabi ni EJ.
"Relaks ka lang ako ang bahala sa iyo.Mag eenjoy ka sa pupuntahan natin."Ang nakangiting sabi ni DM.
"Relaks paano ako magrerelaks hindi ko kabisado itong lugar na dinadaanan natin. Ano naman bang pakulo ito DM?"Ang medyo naiinis na sabi ni EJ.
"Wag kang masyadong OA,EJ. Walang mangyayari sa iyo.Ako pa.Hahayaan ko bang may mangyari sa iyo."Ang nakangiting sabi ni DM.Sabay tingin kay EJ at ng nabaling ang tingin ni EJ sa kanya ay kinindatan niya ito. Nahiya naman si EJ kaya iniwas niya ang tingin niya dito sabay tingin sa bintana ng kotse.Napansin naman ito ni DM kaya ang ginawa ay lalo pa niya itong ininiis.
"Eh bakit ka namumula?"Ang nakakalokong sabi ni DM.
"Hindi noh!"Depensang tugon ni EJ.
"Eh kitang kita ko eh..Ayan oh."Sabay turo sa pisngi ni DM.
"Ano ka ba!"Ang galit na sabi ni EJ.Sabay suntok sa may balikat nito.
Natawa na lang siya sa reaksiyon ni EJ.Habang si EJ ay inis na inis sa ginagawa ni DM sa kanya. Pero sa isang banda ay natutuwa siya dahil nagbalik na ang dating samahan nila.Kaya napalitan naman ang kaninang inis ng pag ngiti niya.Hindi naman ito nakaiwas sa tingin ni DM.Kasi kahit na nagmamaneho siya ay panay ang sulyap niya kay EJ.
"O ba't naman ngumiti ngiti ka dyan?"Ang nakangiti ring sabi ni DM.
"Hindi noh!"Maang mangan na sabi ni EJ.
"Kita ko kaya..Wala ka ng lusot. Para kang sira.Kanina galit ngayon nakangiti ka na.Gusto mong ipaconfine na kita sa mental?"Ang nakangiting sabi ni DM.
"Subukan mo lang!Makikita mo."Ang may pagbabantang sabi ni EJ.Sabay muwestra ng kamao na akala mo ay makikipagsuntukan.Natawa naman si DM kaya nakitawa na rin si EJ.
Tinatahak nila ang daan ng may makitang Motel si DM. Dahil gusto niyang inisin si EJ.Ay tinahak niya iyon. Nagulat naman si EJ ng makitang papasok ng motel si DM. Naguguluhan at natatakot siya ng mga oras na iyon. Ng makalapit na sila sa entrance ng motel ay bigla niya ito inilayo at diniretso sa daanan.Nakahinga naman ng maluwag si EJ na napansin naman ni DM.
"Kinabahan ka noh?"Ang nakangiting sabi ni DM.
"Eh tarantadong ka pala."Sabi ni EJ.Sabay suntok ulit ni EJ sa balikat ni DM.
"Aray..nakakadami ka na!"Ang nasaktan na sabi ni DM."Binibiro ka lang naman eh."Dugtong niya.
"Pwes hindi magandang biro yun."Ang inis na sabi ni EJ.
"Ok hindi po.Tatahimik na po."Ang nasabi na lang ni DM.
Nagpatuloy pa sila ng paglalakbay hanggang sa ihinto ni DM ang sasakyan sa tabi ng isang convenience store. Bumaba sila para bumili ng makakain. Pagbalik nila ay may dala silang beer in can at mga chichirya. At pinagpatuloy nila ulit ang paglalakbay.Medyo natatagalan na sila kakahanap ng lugar na gusto puntahan ni DM. Medyo tahimik sa loob ng sasakyan kaya naisipan nitong magpatugtog.Kumanta bigla si DM ng marinig ang kanta.
You got a fast car
I want a ticket to anywhere
Maybe we make a deal
Maybe together we can get somewhere
Maybe we make a deal
Maybe together we can get somewhere
Starting from zero, got nothing to lose
Maybe we'll make something
But me, myself, I got nothing to prove
Tingin ng tingin sila sa isa't isa. Nangingiti ngiti sila sa kanilang
ginawa kaya. Minsan napapalamot sa ulo ng hindi malamang dahilan.Si DM
naman ay namumula..Maya maya ay sinabayan na siya ni EJ na kumanta. Ang saya saya nila habang ginagawa iyon.
You got a fast car
And I got a plan to get us out of hereI been working at the convenience store
Managed to save just a little bit of money
We won't have to drive too far
Just 'cross the border and into the city
You and I can both get jobs
And finally see what it means to be living
You see my old man's got a problem
He live with the bottle, that's the way it is
He says his body's too old for working
I say his body's too young to look like his
My mama went off and left him
She wanted more from life than he could give
I said somebody's got to take care of him
So I quit school and that's what I did
Just 'cross the border and into the city
You and I can both get jobs
And finally see what it means to be living
You see my old man's got a problem
He live with the bottle, that's the way it is
He says his body's too old for working
I say his body's too young to look like his
My mama went off and left him
She wanted more from life than he could give
I said somebody's got to take care of him
So I quit school and that's what I did
Biglang inakbayan ni DM si EJ.Nagulat naman ang huli kaya napatingin ito
sa gawi ni DM at ng magkatinginan ay kinindatan siya ni DM.Namula naman
si EJ kaya nabaling ang atensiyon niya sa bintana.Pero kumakanta pa rin
siya at sinasabayan si DM.
But is it fast enough so we can fly away?
We gotta make a decision
We leave tonight or live and die this way
I remember we were driving, driving in your car
The speed so fast I felt like I was drunk
City lights lay out before us
And your arm felt nice wrapped 'round my shoulder
And I had a feeling that I belonged
And I had a feeling I could be someone
Be someone, be someone
Natutuwa si EJ sa mga nangyayari kasi hindi niya aakalain na magiging masaya ang araw na ito.Hindi niya lubos maisip na iba ang pakiramdam niya ngayon kumpara noong kasama niya nung una si DM. Ibang iba talaga.
And we go cruising to entertain ourselves
You still ain't got a job
And I work in a market as a checkout girl
I know things will get better
You'll find work and I'll get promoted
We'll move out of the shelter
Buy a big house and live in the suburbs
Habang si DM ay nakaakbay pa rin kay EJ.Natutuwa ito dahil at least nagiging okay na sila ni EJ. Bumabalik na ulit ang dating samahan nila. Ayaw na niyang matapos itong gabing ito.
And I got a job that pays all our bills
You stay out drinking late at the bar
See more of your friends than you do of your kids
I'd always hoped for better
Thought maybe together you and me would find it
I got no plans, I ain't going nowhere
So take your fast car and keep on driving
Masaya nilang sinasabayan ang kanta. Hindi nila maintindihan pero alam nila sa isa't isa na iba ang pakiramdam sa tuwing magkasama silang dalawa. Ibayong pakiramdam na ngayon lang nila naramdaman sa tanang buhay nila.
But is it fast enough so you can fly away?
You gotta make a decision
You leave tonight or live and die this way
Ng matapos ang kanta ay umakbay na rin si EJ kay DM. At nagtawanan sila sa pinaggagawa. Ang importante ay balik na sila sa dating sila.
Pero wala pa ring ideya si EJ kung saan sila papunta pero ang alam nila ay tinatahak na nila ang daan papuntang Antipolo. Habang si DM ay palinga linga hinahanap niya ang lugar kung sa sila tatambay. At ng marating nila ang lugar kung saan tanaw nila ang nagkikislapang mga ilaw ng lugar sa baba ay inihinto niya ito sa may tabi. Naaninag nila ang kagandan ng buong Metro Manila.
Namangha naman si EJ sa nakita at hindi niya inaasahan na dito siya dadalhin ni DM. Sobrang siyang nagpapasalamat dito sa munting sorpresa sa kanya. Ngumiti ito kay DM habang pababa.At ng makita ang lugar ay nag-unat ng katawan si EJ. Bumaba na rin si DM at kinuha ang dalang mga binili papunta sa kinaroroonan ni EJ.
"Ang ganda naman dito."Ang manghang sabi ni EJ kay DM ng lumapit ito sa kanya.Inabot naman ni DM ang isang lata ng beer kay EJ.Pampainit dala ng malamig na ang lugar na pinuntahan nila.
"Salamat nga pala dito. Unang beses ko palang pumunta dito. Hindi ko aakalain na dito mo ako dadalhin.Salamat talaga."Ang hindi parin mawala walang pagkamangha ni EJ sa lugar. Nakangiti ito.
"Buti naman nagustuhan mo.Ako rin kaya ngayon ko lang din ito napuntahan. Sinearch ko pa ito sa internet. Dito ko kasi gusto makipagbati sa iyo."Ang seryosong sabi ni DM.
"Naku alam DM.Kahit hindi ka na sobrang mag effort kahit simpleng SORRY lang ay tatanggapin ko."Ang sabi ni EJ. Sabay akbay niya dito.
"Salamat naman at pinatawad mo na ako.Kasi hindi talaga ako mapalgay na hindi tayo nagkikibuan eh."Ang seryosong sabi ni DM.
"Naku ako nga ang dapat na magpasalamat dahil dinala mo ako dito at sorry rin kasi dahil sa inasta ko sa iyo."Si EJ.
"Naku ito na naman tayo.Sobrang drama natin. Kalalaki nating tao.Kung makaemote tayo daig pa natin ang mga babae."Si DM sabay tawa. Natawa rin si EJ sa sinabi nito. Inakbayan na rin ni DM si EJ. Pinagmasdan nila ang lugar habang iniinom ang dala nila lata ng beer at mga chichirya.
Tumagal sila ng ilang oras doon.Sinusulit nila ang nasayang na panahon. Hindi aakalain ni EJ na magiging masaya siya na ganito. Ngayon lang niya ito naramdaman kahit na noong sila ni Natasha hindi niya maramdaman ang sobrang kagalakan. Hindi niya maintindihan pero nagsisimula na siyang mahulog kay DM.
Tumagal sila ng ilang oras doon.Sinusulit nila ang nasayang na panahon. Hindi aakalain ni EJ na magiging masaya siya na ganito. Ngayon lang niya ito naramdaman kahit na noong sila ni Natasha hindi niya maramdaman ang sobrang kagalakan. Hindi niya maintindihan pero nagsisimula na siyang mahulog kay DM.
Sa loob loob ni DM ay parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa kanyang buong katawan ng mga oras na iyon. Ang saya saya niya ng malamang okay na sila at lalo pa siyang naging masaya ng dinala niya si EJ sa lugar na iyon. Hindi niya maintindihan pero iba ang pakiramdam niya lalo na kasama niya si EJ. Hindi niya maikakaila na hindi ito ordinaryo kasi hindi niya ito kailanman naramdaman kahit na kanino babae.
Biglang naisip ni DM si Natasha dahil may gusto siya dito. Pero sa tuwing nakikita niya si EJ masaya siya pero alam niyang iba si EJ. Straight ito katulad niya so malamang babae din pareho ang gusto nila. Siguro dala ng palagi silang magkasama nitong nagdaang buwan kaya pakiramdam niya ay parang nahuhulog na siya dito. Winaksi niya ito. Hindi pwede ito. Parang magkapatid lang sila.Natauhan siya na kanya naiisip.
"Tara uwi na tayo. Kailangan na nating magpahinga.Masyadong malalim ang gabi."Ang malamig na tugon ni DM. Ikinabigla naman ni EJ ito.Gusto man niyang manatili pa ng matagal ay nauna ng pumasok ng sasakyan si DM. Tahimik silang naglalakbay.Nanibago naman si EJ. Ng makapasok na ulit ng Edsa ay inihinto ni DM ang pagmamaneho sa may tabi ng Boni Station. Ikinabigla ito ni EJ.
"Bababa na ako. Sasakay na lang ako ng taxi hanggang sa condo ko.Salamat ulit."Ang malamig na sabi ni DM dito.Bumaba na ito ng hindi hinantay ang sagot ni EJ.Nagtaka naman si EJ.Pumara na ng taxi si DM at umalis sa kinaroroonan.Natulala naman si EJ sa bilis ng pangyayari.
"Anong problema kaya nun?"Ang nasambit niya sa sarili.
8 comments:
Ahahaha nakakatuwa naman ang chapter na ito jayfinpa.. ayan hindi na ako nagkamali sa pagsulat ng pangalan mo ha.. wag kana magtatampo.. :D hmmmm chapter 27 na ito pero wala pa akong nakikitang improvement kay DM at EJ ano kaya ang balak mo :D hindi ko mahulaan ah.... :D pareho silang curious sa kanilang mga identities pano mo kaya papalabasin ito.. :D
Keep it up jayfinpa... i will waiting sa next post mo..
Hahaha...Zildjian..hintayin mo ang development nila sa mga susunod...basta malalaman mo kung paano at kung kailan..hehehe..
Salamat pala at least tama na name ko..hehehe
bt gnun coment box? ngclick nq ng publish tas irredirect aq sa ibng page na blank ung box so ittype q uli? nkakapagod ah :(
Pasensya na Rue..kung ganun ang nangyari sa iyo.Sana wag ka pong magalit.hehehe..Hindi ko rin kasi alam eh .Naranasan ko rin yan pag mahina ang kuha ng internet speed ko. Sensya na talaga.
ok lang po d ako glit, ngtaka lang ako... tsaka sayang kc mga cnabi ko bglang nwala, auq nman mgtype uli hrap kc mgcoment gmit cp ei :(
Super KILIG ang moment between EJ and DM.
I smell love is in the air...sana magtuloy-tuloy na...
First time nila etong naramdaman sa tulad nilang lalake kaya still confused pa rin sila at in denial pa.
Ayaw man nila aminin sa isat-isa at maging sa kanilang mga sarili ang kanilang nararamdaman mukhang duon din hahantong ang lahat...sa pag-iibigan...subalit ano kayang kapalaran ang naghihintay sa dalawa...anong mga balakid ang panibago nilang susuungin...
Eto na parang huminto ang pag-inog ng daigdigo sa kanilang dalawa. Ang lahat ay naka-PAUSE parang silang dalawa lang ang nilalang na gising sa mga oras na 'to...
Parang sa kanila lang ang mundo ngayong gabi. Parang mga sirang romantiko sila na ayaw matapos ang gabi. Si DM parang biglang naging unpredictable romantic person. then biglang magiging Cold..tsk tsk
still confused p si DM sa kanyang tunay na nararamdaman para kay EJ.
I think he is falling in love with Natasha's character and personality.
Natasha is the complete personification of his "ideal girl".
DM is in love with that persona but not the girl.
Believing that he finally found his ideal girl, DM is in love with the thought that he is in love...
Mr. Author until next time...excited na kami hehe...
@Rue ok lang naiintindihan ko naman hehe..kahit din ako mababanas. nangyari na rin kc sa akin yan.
@Ross-tnx sa comment mo. Hehehe..yun nga eh mahirap itago ang tunay na nararamdaman kusa kasi ito lalabas pag nakahanap ng paraan.
Straight sila nung una kaya nahihirapan silang tanggapin nasa denial stage sila.inaamin nila sa sarili nila pero pag kaharap na nauutal na o umuurong ang dila. Abangan mo ang mangayayari sa kanilang dalawa.Kung magiging sila ba o maghihiwalay sila? Malapit ko na itong matapos.Kaya oras na matapos ko ito iaannounce ko ito.
talagang pakakaabangan ko yan Mr. Author.hehe
Post a Comment