Saturday, October 29, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 29 (Bakit pa hahayaan?)

Andito na naman po ang inyong lingkod. Salamat po sa walang sawang pagbabasa ng aking akda. Nakakataba po ng puso ang inyong pagkokomento. Pasalamatan ko lang sila Zildjian,Ross Magno,Rue at Andrian. 

May hinanda akong mga sorpresa sa inyo. Makikita niyo iyon sa mga susunod na kabanata. So wag na wag niyo pong palampasin ang pinasiksik,pinaganda at pinatakam na bawat tagpo sa aking kwentong "SA ISANG IGLAP." Heto na po ang susunod. Enjoy!
*****************************************************************************************************
Nakita niya paparating ang sasakyan ni DM. Hindi niya maintidihan pero ng makita niya ito ay parang natuwa ang puso niya. Hindi man lang siya tinetxt nito.Masyado niyang namiss ito. Pero imbes na matuwa ay naiinis siya dahil ng bumaba ito ay may kasama siya. Si AJ.Ng bumaba pa ito ay pumulupot pa ito sa braso ni DM. Hindi na niya kayang panoorin ang nakikita niya. Pinaandar na niya ang kotse niya para makalayo.

Akala ni EJ hindi siya mapapansin.Pero napansin iyon ni DM.Napatingin si DM sa nakasakay sa kakaalis na sasakyan.Nakita niya si EJ ang nagmamaneho.Hindi siya pwede magkamali.Naiinis si DM sa sarili kasi dinedema na lang niya ang mga text ni EJ sa kanya. Alam niya nasasaktan na niya ito.Pero para na rin ito sa kanila.Ito ang tama.

"Hey sino ba yun? Kilala mo ba yung nagmamaneho."Ang usisa ni AJ ng makita tinitingnan ni DM ang sasakyan na kakaalis lang. Imbes na sagutin ay inalis ni DM ang pagkakapulupot ng braso ni AJ sa kanya at binuksan ang back seat kung saan nakaupo sa likod si Natasha. Hindi man niya gustong nasa likod ito pero ito ang kondisyon niya kung gusto niyang makasama ito sa sasakyan.Ok na rin ito para kay DM at least nakakasama niya si Natasha.

Pumasok na sila sa loob at nakasalubong nila si JM.Nagulat naman si JM na nakapulupot si AJ kay DM. Tumitig lang ng masama si JM kay DM at hindi na pinansin ang mga kaibigan bago tuluyang lisanin ang lugar.

"Anong problema ng tao yun?"Ang nasabi ni AJ makaraang hindi sila pansinin ni JM.

"Ewan ko. Siguro wala lang sa mood yung tao.Hayaan niyo na."Ang nasabi na lang ni DM.Pero sa isip niya ay gusto na niyang sapakin si JM kasing kung makakatitig sa kanya ay sobrang sama. Parang papatay ng tao.

"Tara na late na tayo"Ang biglang sabat ni Natasha. Sumunod na lang ang dalawa sa kanila.

Napagalitan pa sila ng head nurse dahil late sila. Kaya todo paliwanag sila. Nagsimula sila magtrabaho pagkatapos silang makatikim ng sermon. Ngayon lang kasi sila nalate ng dahil sa sinundo pa nila si AJ.Hindi kasi pumayag si Natasha na siya lang ang isasakay ni DM.

Nagsisimula na rin ang panliligaw ni DM kay Natasha.Ngayon ay may dala siyang binake niya na cake para lang kay Natasha. Binigay niya ito ng wala itong ginagawa at mag isa lang sa Nurse Station. Napansin naman ito ni AJ.

"Kanino galing yan?"Ang usisa ni AJ sa nakalagay sa tupperware na pagkain sa tabi ni Natasha. 

"Galing kay DM. Pinabibigay niya sa iyo"Ang sabi ni Natasha.

"Talaga bigay sa akin. Hindi ko tatanggihan yan.Galing kasi yan sa kanya."Ang kinikilig na sabi ni AJ.

"Oo..ayaw mo ba?"Ang sabi ni Natasha.

"Wala akong sinabi."Ang sabi ni AJ.Sabay kuha ng pagkain.Tinago niya muna ito sa ref.

Habang papadaan si DM ay nakita siya ni AJ.Nagpasalamat ito sa binigay nito sa kanya.Pinagtaka naman ni DM ang sinabi ni AJ.Bahagyang natawa si Natasha.Akala siguro talaga ng bestfriend niya na talaga para sa kanya iyon. Ayaw tanggapin ni Natasha iyon dahil alam niyang nanliligaw na si DM sa kanya.

Si DM naman ay panay ang punta kay Natasha para magpatulong dito. Kinairita naman nito ng huli. Napapansin naman na ito ni AJ. Pero pinagkibit balikat lang niya ito. Nakikita niya na palaging nakatingin si DM kay Natasha habang busy ito. Pangiti ngiti.Hindi niya maintindihan pero isa lang ang nararamdaman niya.Nagseselos siya sa bestfriend niya. Dahil mukhang lahat ng guwapo ay naaakit sa kanya.Pero impossible namang magkagusto si Natasha dahil may EJ na ito.

Pinagpatuloy lang nila ang trabaho. Minsan pumapagitna si AJ sa dalawa para makisali sa usapan.Kaya nauuwi na sila AJ at DM ang magkausap na gusto naman ni Natasha at AJ.Pero si DM ay lihim na naiinis na sa ginagawa ni AJ.Nakukulitan na rin ito sa pakikialam niya sa kanilang dalawa ni Natasha.Pero hindi niya dapat makitang naiinis siya kay AJ dahil bestfriend ito ni Natasha kaya nakikipagsabayan na lang siya sa agos.Wala rin siyang magagawa.

Lunch break na nila.At naunang kumain sila AJ at DM dahil may tatapusin pa si Natasha.Wala man magawa si DM kasi mas gusto niyang kasama si Natasha ay nagpasabi naman itong hintayin siya. Ganoon na nga ang nangyari, Kumain silang dalawa ni AJ.

"Uhmm DM, kamusta ka naman?"Ang biglang tanong ni AJ.

"Ok naman."Ang matipid ng sabi ni DM. Hindi ito tumitingin kay AJ.

"So far nag eenjoy ka naman sa company namin?"Ang tanong ulit ni AJ.

"Yup..ok naman. Enjoy naman ako kahit papaano."Ang sabi ni DM.Hindi pa rin ito nakatingin si DM kay AJ. Seryosong kumakain.

"Good..alam mo bang natutuwa aki este kami dahil may bago na naman kaming kaibigan?"Ang medyo nadulas na sabi ni AJ.Ayaw niyang sabihin na natutuwa siya na kasama na siya sa barkadahan nila.

"Talaga?"Ang masayang sabi ni DM.Tumingin na rin siya kay AJ. Natuwa naman si AJ.Kinilig.

"Yah!"Ang malanding sabi ni AJ.

"Uhm buti naman..kasi akala ko hindi kayo natutuwa lalo na si Natasha."Ang sabi ni DM.

"Ah bakit mo naman nasabi yun?"Ang medyo nagtatakang sabi ni AJ.Pero interesado kasi sa wakas ay nagsisimula na silang magpalagayan ng loob.

"Eh kasi.."Ang nahihiyang sabi ni DM.Naputol ito ng sumabat si AJ.

"Kasi ano?"Ang malanding sabi ni AJ.Sabay hawak sa kamay ni DM. Nagulat naman si DM.

"Kasi mukhang iniiwasan ako ni Natasha. "Ang walang kagatol gatol na sabi ni DM.

"Paano mo naman nasabi yan?"Ang maang mangan na sabi ni AJ kahit nasabi na ito ni Natasha.Wala lang gusto niya kasi makausap pa ng matagal si DM.

"Eh kasi pag nilalapitan ko siya mukhang asiwa siya.Tapos pag tinatanong ko parang gusto niyang sa iba na lang ako magtanong."Ang nahihiyang pag amin niya sa saloobin niya kay Natasha.

"Naku akala mo lang iyon.Pero mabait yon. Masungit lang siyapag hindi niya kilala ng lubusan ang tao. Pero pag naging close mo na iyon.Kalog din iyon katulad ko."Ang sabi ni AJ.Napangiti naman si DM sa narinig. Mas lalo naman siyang naging interesado kay Natasha.

"Anong bang dapat kong gawin para maging okay kami ni Natasha."Ang tanong ni DM kay AJ.

"Simple lang naman..dapat maging mabait ka sa kanya at kailangan lang diyan ay konti pilit para mapa OO mo yan."Ang sabi ni AJ.Natuwa naman si DM sa mga narinig kay AJ. Ngayon alam na niyang ang gagawin para lalo siyang mapalapit kay Natasha.

"Talaga!"Ang hindi makapaniwalang sabi ni DM.

"Oo saka konti suyo lang doon bibigay yun. Kilala ko kaya iyon. Pareho lang kami ng hilatsa ng bituka ng babae na iyon."Ang pambubuko ni AJ kay Natasha. Natawa naman si DM na ikinakilig naman ni AJ kasi ngayon lang niya nakita si DM na tumatawa.

Tumagal pa silang magkuwentuhan hanggang sa maubos na nila ang pagkain.Hindi alam ni AJ na naisahan siya ni DM kasi mas marami siyang nalaman kay Natasha samantala siya ay wala man lang nalaman tungkol kay DM.

Ng maubos na ang pagkain ay bigla nagtext si Natasha na ipabalot na lang siya ng pagkain. Natuwa naman si AJ.Ng malaman ito ni DM ay nabigla siya.Kaya para umiwas kay AJ nagsabi na lang siya ang bibili ng pagkain ni Natasha at pinauna na si AJ dahil may tatawagan pa ito. Wala namang nagawa si AJ kundi ang umakyat mag isa. Yun na nga ang nangyari at lunyaring may tinawagan si DM.

Ng makalayo na si AJ ay siya namang pagbili na pagkain ni Natasha at dali dali na siyang umakyat para ibigay ang pagkain baka nagugutom na kasi si Natasha.Yun na nga ang nangyari. Bahagyang naiinis si AJ kasi halos wala pang 1 minuto ng dumating ito.Pero hindi naman siya nawawalan ng pag asa.Ngayong lagi sila magkasama gagawa siya ng paraan para makuha si DM. Hindi na niya pakakawalan ito.

Natapos ang oras ng trabaho. Sinabay na ni DM si AJ labag man sa loob niya.Ayaw niyang magalit si Natasha sa kanya.Kaya una niyang hinatid si AJ.Matapos ihatid ay si Natasha naman ang ihahatid niya. Habang nasa biyahes sila ay tinanong ni DM si Natasha.

"Natasha,may gagawin ka ba bukas?"Ang tanong ni DM.

"Wala naman.Bakit?"Ang sagot ni Natasha. Pareho kasi silang tatlo ng araw ng pahinga.

"Pwede ba kita yayain bukas.Tutal pareho naman tayong off?"Ang nasabi ni DM.

"Ah eh.."Ang naputol na sabi ni Natasha ng biglang sumabat si DM.

"Please kukulitin kita. Kaya pagbigyan mo na lang ako. Hindi ako titigil hanggat hindi ka sumama sa akin."Ang pagbabanta ni DM.Napabuntong hininga na lang si Natasha.

"Ok sa isang kondisyon kasama ko dapat si AJ."Ang sabi ni Natasha.

Ayaw kong makasama si DM na kami lang.Alam kong may pagtingin ito sa akin dahil sa mga kinikilos nito.Pero kailangan na niyang malaman na may boyfriend ako at bukas na bukas ay malalaman na niya iyon.Para magtigil na rin siya.Ang nasa isip ni Natasha.

"Ok..wala naman akong magagawa eh."Ang sabi ni DM. Medyo nalungkot siya.Kasi gutso pa naman niyang masolo ito.Pero kung yun lang din ang makakapayag sa kanya na sumama ay wala siyang magagawa.

Hinatid na ni DM si Natasha dun sa dating binababaan nito. Gusto man makita ni DM ang bahay ay ayaw ni Natasha.Alam ni Natasha na hindi maganda ang ginagawa niya kay DM.Pero kailangan na niyang magtigil pa dahil kay EJ lamang ang puso niya. Hindi na iyon mawawala.

Tuwang tuwa naman si DM.Dahil alam niyang makakasama na niya si Natasha. Kaya para masolo na niya si Natasha ay tatawagan niya si EJ para ito ang kadate ni AJ.Ng makarating ng bahay ay kaagad niyang tinawagan si EJ.

"Hello EJ,musta?"Ang masayang bati ni DM.

"Ok lang buti naisipan mong tumawag sa akin"Ang may tampong sabi ni EJ.

"Ito naman nagtatampo.Pasensya na busy lang eh. May good news ako?"Ang masayang pa ring sabi ni DM.

"Oh ano yun?"Ang sabi ni EJ.

"Pwede ka ba bukas? Kasi lalabas ako kasama nung nililigawan ko.May chaperon kasi siyang kasama.Pero katrabaho niya. Ikaw sana ang gagawin kong kadate nung chaperon. Sige na?"Ang pangungumbinsi ni DM kay EJ.

"Ah eh pasensya na ha. Pero hindi ako pwede."Ang sabi na lang ni EJ.Nalungkot siya dahil akala niya ay lalabas ulit sila.Mali pala dahil may kasama sila.Pero ang totoo niyan pwede naman siyang sumama kaso lang kaarawan ng Papa niya bukas.

"Eh bakit naman?Anong gagawin mo? Ngayon lang ito tol?Please pagbigyan mo naman ako.Saka di ba wala ka namang GF ngayon."Ang sabi ni DM.

"Meron..hindi ko ba nasabi sa iyo. Hindi ka naman nagtatanong.Kapangalan nga niya ang nililigawan mo. Pero matanong ko lang?Seryoso ka ba dyan sa nililigawan mo?"Ang usisa ni EJ.

"Oo naman tol..Seryoso na ako dito.Siya na ang pakakasalan ko pag naging kami."Ang mayabang na sabi ni DM.

"Ah ganun ba.Sige nakita ko rin naman yung nililigawan mo eh.Kilala ko siya kaya wag mo siyang sasaktan dahil pag sinaktan mo siya.Lagot ka sa akin."Ang bantang sabi ni EJ.

"Ha paano mo nalaman.Hindi ko pa naman siya pinakikilala eh."Ang pagtatakang sabi ni DM.

"Secret walang clue. Basta kilala ko siya. Yun lang. Enjoy mo na lang yung date mo."Ang masayang sabi ni EJ. Pero sa totoo ay nasasaktan na siya ng mga oras na iyon.Pero hindi na niya ipaparamdam sa  kausap.

"Sige na nasa trabaho pa ako."Ang sabi ni EJ.Sabay baba. Hindi na niya hinantay pa ang sagot ni DM. Naiinis naman si DM kasi hindi niya napapayag si EJ para sana dun sa chaperon ni Natasha hindi niya tulo masosolo ito.

Nainis naman si EJ ng araw na iyon kasi akala niya ay makakasama na niya si DM. Pero mali pala siya.Ngayon alam na niyang seryoso siya kay AJ kailangan na niya ito kalimutan.Pero hindi niya mawaglit na sa tuwing magkasama sila ay masaya siya.Pero alam niyang masaya rin naman si DM pag kasama siya.O baka guni guni lang niya iyon.

Natapos ang araw ng trabaho ni EJ at JM ng hindi pa rin silang nagkikibuan.Panay rin ang text ni DM kay Natasha tungkol sa lakad nila kinabukas.

Dumating ang araw ng lakad nila DM at Natasha. Nagpasabi si Natasha na doon na lang sa mall sila magkita. Naunang dumating si DM.Hindi niya inaasahan ang susunod na mangyayari.

5 comments:

Ross Magno said...

Mukhang nagseselos si JM kay DM ah...ang sama ng tingin nia...

Lawfer said...

selosan chapter, c jm selos kc mgksma cna aj at dm, aj kc ms pnapancn ni dm c ntaxa, c ej kc my gs2ng iba c dm, nu b yan labulabo na lol nu kea mangyayari pg ngkaalaman na? o.o

Unknown said...

Hehehe..malalaman na ang kasagutan niyo sa susunod. Abangan niyo na lang ang mangyayaring pagbabagong magaganap after niyan..Hehehe..

Zildjian said...

Sabi na eh! :D may mamumuong pagtingin si JM kay EJ :D pero di ka talaga galit sa J noh? hihihi

Unknown said...

Hi Zildjian,hindi ako galit sa J...favorite ko kasi dahil diyan nagsisimula ang name q.hahaha...

Hindi ko kasi napansin yan nung ginagawa ko ang kwentong ito.Kung anong pumasok sa isip ko iyon ang lumabas hehehe...

hayaan mo sa susunod na kuwento ko wala ng J na makikita ko.Sinisimula ko na kasi.hehehe...

ShareThis