Andito na naman po ang inyong
lingkod. Salamat po sa walang sawang pagbabasa ng aking akda. Nakakataba
po ng puso ang inyong pagkokomento. Pasalamatan ko lang sila Zildjian,Ross Magno,Rue at Andrian. Salamat po sa mga tumatangkilik ng aking kwento. Well isa lang po ang aking masasabi humanda na po kayo sa sunod sunod na rebelasyon. Mas pinahabang,mas pinasiksik at mas pinasabik ang mga eksenang inyo pong matutunghayan. Eto na po ang susunod. Enjoy!
*****************************************************************************************************
"J..JM?"Ang nauutal na sabi ni AJ na nabangga niya.Napatingin siya dito pero nakatakip ang mukha.Ayaw niyang mapansin siya na umiiyak.
"Anong ginagawa mo?"Ang medyo nairitang sabi ni JM ng si AJ ang bumangga sa kanya.
"Sorry"Ang nasabi na lang ni AJ.Pero biglang nag iba ang mood ni JM ng makita ang hitsura ni AJ. Inalis niya ang kamay ni AJ na nakaharang sa mukha niya.Nagulat siya na namumugto ang mata nito dahil sa kaiiyak.
"A..anong nangyari sa iyo?"Ang may pag aalalang sabi ni JM.
"Wala ito.Napuwing lang!"Ang palusot ni AJ.Hindi naman naniwala si JM dito. Pinaharap niya si AJ.Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito bago nagsalita.
"Magsabi ka ng totoo.Sino ang nagpaiyak sa iyo?"Ang seryosong sabi ni JM. Nakatingin ito kay AJ.Hindi sumagot si AJ.
"Sino ang gumawa nito?"Ang medyo malakas na sabi ni JM. Nagulat naman si AJ.Kaya imbes na sumagot ay yumakap na lang ito kay JM at biglang humagulgol ng iyak. Naawa naman si JM ka AJ.Niyakap na rin niya ito.
"Ssshhh...tahan na..andito lang ako ok.Pero sagutin mo ako sino ang gumawa sa iyo?"Ang pag usisa ulit ni JM kay AJ.
"Iuwi mo na ako!"Ang nasabi na lang ni AJ.Wala namang nagawa si JM kundi alalayan si AJ at iuwi na sa bahay nila.
Lumabas sila ng mall at sumakay ng taxi.Habang nasa sasakyan ay magkayakap pa rin sila at umiiyak pa rin si AJ.Wala naman magawa si JM kundi ang pakalmahin ito. Hindi na rin niya inusisa si AJ kung bakit ito umiiyak.
Ng makarating sila ng bahay ay sinamahan pa rin niya si AJ hanggang sa kuwarto nito. Kilala naman siya sa bahay nila AJ.Dahil madalas naman sila nagpupunta ng barkada sa bahay kaya kilala na rin sila ng mga magulang ni AJ.Yun nga lang walang kasama si AJ kaya minabuti na lang ni JM na damayan si AJ.
Pinahiga niya muna si AJ sa kama nito bago tumabi dito. Nakapatong ang ulo ni AJ sa tiyan ni JM.Si JM ay nakaupo sa kama ni AJ at nakasandal sa headboard ng kama ni AJ.Umiiyak pa rin si AJ ng mga oras na iyon. Pinapakalma naman ni JM si AJ sa pamamagitan ng paghaplos sa likod nito.Naawa na siya sa kalagayan ni AJ. Nahihirapan siya na makita niya si AJ na umiiyak.Hindi niya maintindihan pero matagal na niya itong gusto.
Ng kumalma na si AJ ay inaayos niya ito ng higa.Nilapag ang ulo nito sa unan para maayos na ang pagkakahiga niya. Ng makitang maayos na ang lagay ni AJ ay tumayo na si JM para umalis sana.Kaso hindi pa siya nakakalabas ng kuwarto ng magsalita si AJ.
"Dito ka muna..samahan mo muna ako hanggang sa makatulog ako."Ang pagmamakaawa ni AJ kay JM.
"Sige pero sa isang kondisyon.Sasabihin mo sa akin kung bakit ka umiiyak?"Ang tugon ni JM. Wala ng nagawa pa si AJ kundi ang tumango.Hindi naman niya pwedeng sabihin ito kay Natasha paniguradong kakampihan siya nito.Ayaw na lang niyang palakihin pa ang gulo.Kaya naiisip na lang niya kay JM na lang sabihin tutal kaibigan naman niya ito.At iyon nga ang nangyari.Kinuwento ni AJ ang lahat lahat ng pangyayari kay JM. Nagulat si JM at galit ang remehistro sa mukha ng matapos na ang kwento ni AJ.
"Hayop na DM iyon.Pati si Natasha tataluhin. Pati ikaw idadamay pa. Langhiya iyon.Parang hindi lalaki."Ang nasambit ni JM.Galit na galit ito kay DM sa ginawa niya kina Natasha at AJ.
"Please..ako na ang nagmamakaawa sa iyo.Wag na wag mo itong sasasabihin kay EJ or Natasha dahil pag nalaman nila ito.Malaking gulo ito.And please alam kong mabilis mag init ang ulo mo.Kaya wag na wag mong susugurin si DM.Parang awa mo na."Ang sabi ni AJ.Hindi na rin siya umiiyak ng oras na iyon.Tutal hindi naman karapat dapat na iyakan iyon.Lalo na si DM.
"So anong plano mo ngayon?Lagi pa naman kayong magkakasama lalo na ni DM."Ang tanong ni JM kay AJ.
"Ewan ko..kahit ako nahihirapan na rin kung paano siya patutunguhan matapos ang ginawa niya. Pero labas ang personal na issue sa trabaho.Malamang iiwas na lang ako."Ang sagot ni AJ.
"Eh kay Natasha..anong plano mo? Ngayong alam mo ng may gusto iyong DM na iyon sa kanya."Ang tanong ulit ni JM.
"Babalaan ko na lang siya.Tutal ako ang bestfriend niya.Makikinig iyon sa akin."Ang sagot ni AJ.
"Ok ikaw ang bahala.Sige magpahinga ka na muna.Alam kong napagod ka sa araw na ito.Mamaya na ako uuwi pag nasiguro kong tulog ka na."Ang nasambit ni JM.
Umaayos na nga ng higa si AJ.Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na ito.Dala marahil ng pagod at pag iyak niya kaya madaling siyang nakatulog. Si JM naman ay pinagmamasdan si AJ.Hinawi nito ang maikling buhok ni AJ na tumatakip sa mukha niya. Pinagmasdan niya ito ng maiigi bago nagsalita.
Kung alam mo lang.Matagal na kita gusto.Pero natatakot ako. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin. Pero sana bigyan mo akong ng chance na maipadama ang pagmamahal ko.Kung sana ako na lang ang minahal mo at hindi na si DM.Andito lang naman ako sa tabi mo.Handang ibigay lahat ng gusto mo.AJ,Mahal na mahal kita.Ang madamdaming sabi ni JM.Kasabay ng paghalik nito sa noo ni AJ.
Umalis na ng bahay nila AJ si JM para bumalik sa mall kasi may bibilhin pa siya dapat kung hindi lang dahil sa pagkikita nila ni AJ baka kanina pa niya nagawa ang dapat gawin.
Ito rin ang araw ng kaarawan ng Papa ni EJ. Tutal pareho naman walang pasok silang lahat timing na timing ang kaarawan ng Papa niya sa araw ng wala siyang pasok. Tinext niya si DM para imbitahan ito sa munting salo salo nilang pamilya.Hindi na magarbo ang ginawa nila kasi tatlo lang naman sila sa bahay at may pasok pa ang Mama niya mamayang gabi kaya napagdesisyunan nilang sila sila na lang ang magtipon tipon sa kaarwan ng Papa niya.
Hindi pa nakakarating sa condo niya si DM ng may mareceived siyang text galing kay EJ. Hindi niya muna binuksan ito bagkus nilagay niya muna ang kanyang cellphone sa harap ng sasakyan para mabilis na makarating.Traffic na rin ng mga oras na iyon kasi labasan na rin ng mga estudyante at mga nagtatrabaho. Ng makarating siya sa condo niya.Dire diresto na siyang humiga sa sobrang pagod at inis niya ay binaling niya ito sa pagtulog. Tinabi na lang niya muna ang cellphone sa katabing side table at tuluyan ng nakatulog ng hindi man lang nababasa ang text ni EJ.
Nasa sementeryo sila EJ,Manang Flor at ang Mama niya para sa isang maliit na salo salo dahil nga kaarawan na rin ng Papa niya. Panay rin ang text nito kay DM pero wala pa rin itong reply sa kanya. Tinatary niyang tawagan pero ring lang ng ring. Sa inis niya ay hindi na niya ito tinext pa.
Naiinis na ito sa inaasta ni DM. Kung siya ang may kailangan dinededma siya pero pag ito ang may kailangan ay wala pang isang minuto ay andun na siya. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit ang bilis niyang maiinis kay DM.Pero pag nakikita naman niya ito bigla naman nawawala ang pagkainis niya rito. Hindi niya pa rin maintindihan ang sarili niya.
Nakarating na sila ng bahay ng wala pa rin siyang natatanggap na tawag o text galing kay DM. Mukhang inindiyan siya nito.Kaya nabuo sa isip niya na hindi na niya ito kakausapin pa kahit kailan. Naunang pumasok ang Mama niya dahil kailangan na niyang mag-ayos dahil may pasok pa ito sa trabaho. Habang si EJ naman ay nanonood sa sala nito para pampalipas ng oras. Si Manang flor ay nauna ng matulog dahil wala na rin naman siyang gagawin at natapos na ang lahat.Hindi na rin naman siya naghanda ng makakain dahil hindi naman nagugutom si EJ at ang Mama niya ay sa labas na lang kakain.
Ng makalipas ang isang oras ay tinablan na ng antok si EJ. Umakyat na siya ng kanyang kuwarto para matulog na. Tiningnan niya muna ang kanyang cellphone kung may text o tawag galing kay DM.Pero bigo siya dahil magmula kanina ay talaga hindi siya nireplayan ni DM.Sobrang sama ng loob niya.Ang tinuturing niya na kaibigan ay binigo siya sa munting hiling na makasama siya kahit sandali. Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa kaya't sa sobrang inis niya ay natulog na lang siya baka mawala bukas ang inis niya kay DM. Maya't maya pa ay tuluyan ng nakatulog si EJ.
Nagising naman ng pasado alas 10 si DM. Pumunta muna siya sa banyo para magmumog at para magsepilyo na rin. Naligo na rin siya para presko bago kumain.Nakaligtaan niyang kumain dahil sa sama ng loob at pagod na rin. Ng matapos siya maligo tiningnan niya ang cellphone niya.At nakita niyang maraming tawag at text galing kay EJ. Binasa niya ang huling text ni EJ sa kanya.
EJ:Nak2tampo k nmn knna p aq txt ng txt sau pro la ka man lng reply.Bday ng Papa ngaun.Kaya iniimbitahan sna kta.Cge gnyn k n.Kung kaw ang may kelangan lagi aq andyan sa tabi mo.K lng nmn na cno ba namn aq para sau.KAIBIGAN m lng naman aq.Cge last na ito.
Nanlaki ang mata niya sa nabasa.Hindi niya aakalain na importante pala ang text na iyon.Kaya dali dali siyang nagbihis para puntahan si EJ sa bahay nila. Hindi na siya nag aksaya pa ng panahon at tinungo na lang niya ang bahay ni EJ.Mabilis naman siyang nakarating dala ng konti na rin ang mga tao.Dumaan na rin siya sa isang convenience store para bumili ng maiinom na alak at chichirya.
Pagkarating na pagkarating ay nagdoorbell siya sa bahay nila EJ.Medyo natagalan siya dahil walang sumasagot inakala niyang baka natulog na sila. Kaya bumalik siya sa sasakyan niya pero bago pa bumukas ang pinto ng sasakyan niya ay bigla umilaw ang bahay ni EJ kaya bumalik siya at tinungo ang gate nila EJ. Pinagbuksan naman siya ni Manang Flor ng makita siya.
Humingi siya ng paumanhin dito kung naistorbo niya ang pagtulog nila. Hinanap niya si EJ kung andoon at hindi naman siya nabigo dahil nasa kuwarto na niya ito at mahimbing sa pagtulog. Pinapasok naman niya si DM para maupo sa sala at para dun hintayin si EJ. Umakyat naman si Manang para katukin si EJ.
Ng makatok na niya ang pintuan ay pinagbuksan naman siya nito ngunit natagalan dala na rin siguro na mahimbing ang tulog nito at naistorbo ng katok niya.Wala namang nagawa si EJ kundi babain ang bisita niya na umistorbo ng tulog niya. Nakaboxer short siya at nakasando na itim ng mga oras na iyon at gulo gulo ang buhok. Hindi niya inaasahan ang bisitang dumating.Pero imbes na matuwa ay parang galit itong sa taong bumisita sa kanya.
"O anong masamang hangin ang nagdala sa iyo at pumunta ka pa rito ng dis oras ng gabi at nambulabog ng taong mahimbing ang tulog."Ang sarkastikong pagbati niya kay DM.
"Ano ka ba naman andito na ang tao eh.Sensya na ngayon ko lang kasi nabasa,Napasarap tulog ko eh."Ang alibi ni DM.
"Di ba may date ka kanina? Ako pa ang inuto mo.Ok lang naman eh.Sana nagtext man lang sa akin para at least hindi ako umasa."Ang may tampong sabi ni EJ.
"Sus ito naman..kung sumama ka sana eh di sumabay na ako kanina.Pero hindi kasi naging maganda ang kinalabasan ng date ko.Inindiyan ako eh."Ang malungkot na sabi ni DM. Naawa naman si EJ. Kaya inusisa niya ito.
"O anong nangyari sa inyo ng date mo with Natasha? Bakit hindi daw siya sumipot? Ang tanong ni EJ.
"Ah wag na lang nating pag usapan yan.Nababadtrip lang ako."Ang pag iwas ni DM sa tanong ni EJ.
"Ok sabi mo. Cge..tulog na ako. May pasok pa bukas."Ang nasabi ni EJ.
"Oi anong matutulog..mag iinuman tayo.May dala kaya akong inumin at chichirya dito."Ang pagpigil nito sa balak ni EJ at pinakita ang dala dalang binili sa isang convenience store.
"Sa susunod na lang.Walang akong sa mood eh."Ang pagtanggi ni EJ.Pero ang tototo ay nababadtrip din siya kay DM kaya ayaw na niya itong makasama.
"Wala ka ng magagawa andito na ako.Kaya halika na para makabawi naman ako sa iyo."Ang pangungumbinsi ni DM kay EJ.Hinatak nito ang braso ni EJ paakyat sa kuwarto nila. Tutal nasa kuwarto na rin nito si Manang Flor at mahimbing na siguro ang tulog niya matapos niyang katukin si EJ kanina.Wala namang nagawa si EJ kundi ang sumunod sa gusto ni DM.Ok na rin iyon sa kanya para at least matapos na ang tampuhan nila.
Ng makapasok na sa loob ng kuwarto ni EJ silang dalawa ay umupo ang dalawa sa paanan ng kama kaharap ng home theater ni EJ. Sinimulan na ni DM buksan ang isang bote ng alak.
"Sensya na EJ. Sa mga kasalanan kong nagawa sa iyo."Ang panimula ni DM. Hindi pa man nagsisimula ang inuman.
"Sus ang aga naman ng drama mo."Ang natatawang sabi ni EJ.
"Hindi tol..alam kong marami na akong kasalanan sa iyo. Sana kahit sa ganitong paraan ay makabawi man lang ako."Ang madrama pa ring sabi ni DM.
"Ok na iyon.Wag mo ng alalahanin pa.Hindi na ako nagtatampo sa iyo. Ikaw pa.Ang lakas mo sa akin eh."Ang masayang sabi ni EJ.Sabay akbay niya kay DM. Ngumiti naman si DM sa narinig.
Nag inuman silang mag inuman.Isa,dalawa hanggang maging tatlo na bote na ang iniinom nila.Maya maya pa ay medyo nahihilo na rin silang dalawa. Pero nagkwenkwentuhan pa rin sila.Hanggang mapag usapan ang buhay pag ibig nilang dalawa.
"Naka ilang girlfriend ka na ba EJ?"Ang biglang tanong ni DM.
"Dalawa!"Ang matipid na sabi ni EJ.
"Dalawa lang..ang hina mo pre!"Ang mayabang na sabi ni DM.
"Yabang mo!..Eh bakit ikaw?"Ang tanong ni EJ.Sabay suntok sa balikat ni DM.Mahina lang iyon.
"Naku kulang pa yang mga daliri mo sa kamay at paa.Hindi ko mabilang eh.Pinakahuli na eh yung babaeng hiniwalayan ko nung binugbog ako ng Kuya nito at barkada niya at iyon din iyong time na ginamot mo ako.Tanda ko pa iyon!"Ang mayabang na sabi ni DM. Sabay halakhak.
"Ganon ang yabang talaga.."Ang nasabi na lang ni EJ.
"So di ba sabi mo meron kang GF ngayon bakit hindi mo kasa kasama?"Ang usisa ni DM.
"Nag away kami..iniwan ako sa ere eh. Akala ko siya ang magiging karamay ko ng mga oras na iyon.Pero nagkamali ako. Pati mga close na kaibigan ko iniwan din ako sa ere.Buti ka pa laging andyan."Ang madamdaming sabi ni EJ.
"Siyempre..BESTFRIEND kita eh."Ang masayang sabi ni DM.Sabay akbay. Nilaksan niya talaga ang salitang bestfriend. Medyo nasaktan si EJ sa sinabi akala niya kagaya rin niya ng nararamdaman niya si EJ pero nagkamali siya.Pero inisip niya bakit ba ganoon ang naiisip niya. Kaya tumingin na lang siya sa mukha ni DM .Pinagmamasdan niyang mabuti ang mukha nito.
Masaya siya na pag kasama niya ito ay laging nakakaramdam siya ng kaligtasan. Na parang ayaw na niyang humiwalay.Na gusto niyang laging andyan si DM sa tabi niya. Dahil sa tuwing nandyan siya ay ibayong pakiramdam ang kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan pero isang lang ang naiisip niya.Gusto na niya si DM.Pero natatakot siyang malaman nito ang totoo. Kaya't hindi niya pwedeng sirain ang kanilang pagkakaibiganOkay na siya na hanggang kaibigan na lang sila dahil iyon ang nararapat at iyon ang tama.
Nasa ganoon siyang sitwasyon ng mapansin ito ni DM na kanina pa siyang tinitingnan ni EJ.Natuwa naman siya dito.Dahil kahit na sa maikling panahon ay mabilis silang nakapaglagayan ng loob.
"Matutunaw na ako niyan eh."Ang nasabi ni DM kay EJ ng mahuli niya itong nakatingin sa kanya ng matagal.
Natauhan naman si EJ at tinanggal ang paningin kay DM binaling sa ibang direksiyon.Natawa na lang si DM sa inasta na kaibigan.Napagpasyahan nilang ubusin ang pang apat na bote ng alak.Ng maubos nila ang alak na binili ni DM ay nagpasya na silang matulog. Hindi na rin pinayagan ni EJ si DM na bumiyahe dahil gabi na at delikado pa dahil nakainom ito. Pumayag naman si DM.
Nagpalit si DM ng damit.Humiram muna ito ng masusuot kay EJ. Matapos magpalit ay naghilamos at nagmumog. Si EJ naman ay nagsepilyo na lang. Ng matapos na sila ay sabay na silang sumampa ng higaan at natulog. Naunang nakatulog si DM dala ng sobrang daming nainom nito kumpara kay EJ.Hindi naman sanay kasi si EJ kaya pakonti konti lang inom nito pero nahilo pa rin ito.
Hindi pa siya makatulog ng mga oras na yun kaya't naisipan niyang magpatugtog.Kinuha niya ang remote ng component niya at pumili ng kanta. Medyo mahina lang naman.Kaso ang napatugtog niya ay love song.
Kaya napatingin siya sa gawi ni DM.Ng makitang mahimbing na ang tulog ni DM ay siyang namang pagtingin sa mukha nito.Pinagmasdan niya ito ng maigi at pagkatapos ay nagsalita.
Kung alam mo lang kung gaano ako nasasabik sa iyo.Marahil hanggang dito na lang tayo.Hanggang magKAIBIGAN na lang tayo.Pareho tayong babae ang gusto sa hinaharap.Ako may GF ikaw may nililigawan. Sana maging masaya ka.Pero kahit na ganoon pa man ay iba na ang nadarama ko.Mahal na kita.Ang sabi ni EJ.Pagkatapos ay hinalikan ang noo ni DM.Masyado siyang nadala sa kanta.
Maya maya ay nakita niyang umilaw ang cellphone ni DM sa tabi nito.Nagtext si Natasha kay DM.Ang pangalan pa nga sa cellphone niya ay "NATASHA My Love". Natawa naman si EJ ng makita ito sa phone ni DM. Naisip niyang sorpresahin si AJ.Dahil akala niya ay si Natasha ay si AJ na nililigawan ni DM. Tinawagan niya ito gamit ang cellphone ni DM.
Ng tinawagan ni EJ ang number ni "NATASHA My Love" ay nabigla siya sa sumagot at nanlaki ang mata niya.

5 comments:
ay my pahalik halik sa noo pang nalalaman ung dlawa xD hangsweet! sna my gnun dn skn pg 2log aq x3
Ang galing ng revelation ah..matagal na palang may gusto si JM kay AJ...
Medio lumambot uli ang character d2 ni DM, medio nagustuhan ko ung uling pagbabago...back to normal uli. sabagay may karapatan naman siyang maiinis kay Natasha at AJ dahil parang niloko rin sia ng mga ito at naset-up....
hehehe..sana napansin niyo yung Prologue ko dun na may natatangi si JM kay AJ. Pero hindi pa sigurado pero dala ng pinagdaanan nito lalo siyang humanga sa katatagan nito. Makikita niyo na ang development.Although mga second lead lang sila. At least essential pa rin sila.Hehehe..
Naku nahuli na ako! hahahaha panalo ang chapter na to jayfinpa :D hahaha may pahalik halik pa talagang nalalaman :D parang bata lang LOL :D
Ok lang iyon Zildjian. Hehehe..salamat naman at nagustuhan mo ang chapter na ito.
Post a Comment