Andito na naman po ang inyong
lingkod. Salamat po sa walang sawang pagbabasa ng aking akda. Nakakataba
po ng puso ang inyong pagkokomento. Pasalamatan ko lang sila Ross Magno,Rue,Zildjian at Andrian.
Salamat po sa mga tumatangkilik ng aking kwento. Sunod sunod na po ang magiging rebelasyon na mangyayari sa aking kwento dahil nalalapit na rin po ang pagtatapos nito.Eto na po ang susunod. Enjoy!
*****************************************************************************************************
Habang tumitingin ng ireregalo si EJ ay pumasok siya sa isang body shop. Akala niya ay namamalik mata lamang siya pero hindi siya pwedeng magkamali.Dahil hanggang ngayon sariwa pa rin ang alaala nila. Kaya nilapitan niya ito.
"Excuse me miss?"Ang tanong niya dito.Nakatalikod kasi ang babae sa kanya.Pero pamilyar na pamilyar ang mukha nito.Humarap sa kanya ang babae.
"E..E..J?"Ang may pagkagulat na sabi ng babae kay EJ.
"Debbie..nice to see you again!"Ang masayang bati ni EJ dito.Napayakap naman siya dito kaagad.Nagulat man siya sa inasta ni EJ pero natutuwa siya.
Hindi naman inaasahan ni DM na makita si EJ na may kayakap ng babae si EJ. Nakadama siya ng selos ng mga oras na iyon. Naisip niya na iyon marahil ang nobya ni EJ na nagkataon ding Natasha ang pangalan ayon sa kanyang pagkakatanda. Hindi pa kasi ni EJ pinakikilala yung nobya kay DM. Bigla naman kinalabit siya ni Natasha.
"Tara na..sino ba ang tinitingnan mo dyan?"Ang sabi ni Natasha ng makitang may tinitingnan si DM sa loob ng shop.Napasilip na lang siya ng makitang may babae at lalaking nagyayakapan. Naisip niya si EJ na kung kasama niya ito ng mga oras na iyon malamang ganyan din siya kalambing sa kanya.Pero may nahalata siya na parang kahawig ni EJ ang lalaking kayakap ng babae.Nakaharap kasi ang babae sa kanila at ang lalaki ang nakatalikod. Ng titingnan niya ulit ay hinawakan siya sa braso ni DM.
"Tara na..mahuhuli na tayo sa screening time ng movie?"Ang sabi ni DM. Kaya walang nagawa si Natasha kundi ang sumunod at tumungo sa sinehan.
Sa totoo lang ay ayaw naman talaga ni Natasha na sumama kay DM. Since may atraso siya dito kaya napapayag din siya. Para bayad na ang atraso nito sa kanya.
"Uhmm..EJ..medyo nasasakal na ako."Ang sabi ni Debbie kasi nasa maraming tao sila nagyayakapan.Medyo nakaramdam siya ng hiya.Pero natutuwa dahil nagkita ulit sila ni EJ.
"Sorry!"Ang sabi ni EJ.Sabay kamot sa ulo.Nahiya rin siya dahil masyadong matagal ang kanilang pagyayakapan.
"Ok lang iyon.Kamusta ka na EJ?"Ang sabi ni Debbie.
"Ok naman.Eto pogi pa rin.Ikaw?"Ang mayabang na sabi ni EJ.Natawa naman si Debbie.
"Ok rin naman. Kamusta pala buhay mo?"Ang tanong ni Debbie.
"Ok lang din may work na ako.Nagtatarabaho ako sa St. Lukes Hospital dyan sa QC. Day off ko ngayon at may bibilhin akong regalo para sa special someone. "Ang nahihiyang sabi ni EJ.
"Ganun ba..so may GF kana pala? Good for you.."Ang sabi ni Debbie.
"Uhmm..yeah..kaso may tampuhan eh.Kaya ayun.Kailangan kong suyuin."Ang nahihiyang sabi ni EJ.
"Uhmm..sorry pala sa kasalanan ko sa iyo.Sana patawarin mo ako."Dugtong ni EJ.
"Naku ok na yun.Wala na rin naman tayong magagawa dahil tapos na. Saka masaya na ako. Sana ganon ka rin. "Ang sabi ni Debbie.
"At least kahit papaano nawala na ang tinik na dinaramdam ko ng sobrang tagal. Salamat."Ang sabi ni EJ.
"At least ngayon ay makakapamuhay na tayo ng wala galit sa ating mga puso."Ang dugtong ni Debbie.
"Kamusta naman pala lovelife mo?"Ang pag iiba ni EJ. Biglang tumunog ang phone ni Debbie. Nagpaumanhin saglit si Debbie bago sinagot ang phone.Ng matapos ay nagsabi siya na aalis na kasi hinahanap na siya ng kasama niya.Tumango lang si EJ.Pero bago umalis si Debbie ay nagsalita si EJ.
"Pwede bang mayakap ka sa huling pagkakataon?"Ang paghingi ng pahintulot ni EJ kay Debbie.Tumango lang ito. At niyakap naman siya ni EJ. Yumakap din si Debbie at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tumuko ang luha ni Debbie. Siya na ang unang nagtanggal sa pagkakayakap nila. Tumalikod na siya at nagpaalam na kay EJ. At naglakad na siya palayo kay EJ sabay pahid ng luha sa pisngi niya gamit ang kamay niya.
Natuwa naman si EJ dahil kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya.Unti unti na rin bumabalik ang dating buhay niya.Ang buhay na masaya at walang pagpapanggap. Ganundin din ang naramdaman ni Debbie nung sandaling nagyakapan sila dahil kahit paano ay gumaan na rin ang pakiramdam niya.Alam niyang napatawad na niya si EJ sa mga kasalanan nito sa kanya.Kaya masaya na siya ngayon.
Bumalik sa paghahanap si EJ ng maireregalo. Pumunta siya sa isang tindahan ng kwintas para magpasadya ng pag ukit ng pangalan ni Natasha. Ng matapos siya ay nagutom siya kaya naghanap siya sa likod ng mall ng makakainan.Habang naglalakad ay nakita niya sina JM at AJ na masayang magkahawak kamay. Ginulat niyaang mga ito.
"Huli kayo!"Ang panggugulat ni EJ kina AJ at JM.Nakaakbay si EJ kay JM.
"Oi..EJ ikaw pala yan!"Ang nagulat na sabi ni JM ng mapagtanto na si EJ ang gumulat sa kanila.
"Bati na pala kayo ni EJ? Kelan pa? Sana ako din."Ang nasabi ni AJ.Tumingin naman si EJ kay AJ.Pumunta sa kabilang side patungo kay EJ at hinawakan ang kamay nito.Sabay bitiw ng mga salita.
"Alam mo pinatawad ko na kayo.Hindi ko dapat kayo sisihin sa mga nagawa niyo dahil alam kong hindi niyo sinasadya ang mga pangyayari.Ako ang lahat ng may kasalanan kung bakit nagkaganito tayong lahat.Sensya na."Ang madamdaming sabi ni EJ.Natigil sila sa paglalakad ng tumigil si AJ.Hinarap nito si EJ saka binigyan ng mahigpit na yakap.
"EJ..you know what? Ang saya saya ko..dahil ito na yata ang pinakadabest na nangyari sa buhay ko. Pinatawad na ako ng kaibigan ko at ngayon nililigawan na ako ng isa ko pang kaibigan."Ang naluluhang sabi ni AJ.Napatingin naman si EJ kay JM.Nakita niyang ngumiti si JM sa kanya ta ngumiti din siya.Tanda na natutuwa siya sa nangyayari sa kanilang lahat.
Masaya silang nagkwentuhan siguro mga isang oras din iyon. Kasi sobrang namiss lang nila ang isa't isa. Nakalimutan na nga ni EJ na kumain dahil sa sobrang tuwa. Kaya't napagpasyahan niyang yayain ito para kumain. Nandoon pa rin ang kwentuhan walang sawa.Sinusulit talaga nila ang mga oras na nasayang dahil sa hindi pagkakaunawaan.Alam naman nilang magkikita pa rin sila pero siyempre dahil sa kababati pa lang nila ay sinusulit talaga nila.
Ng matapos sila ay naglalakad lakad pa sila para magbonding. Habang naglalakad sila ay napansin ni JM sa malayo sina Natasha at DM. Napahinto naman ito at dahil doon ay natigilan din sila EJ at AJ. Nagtataka sa kinilos nito.Hindi siya pwedeng magkamali sa nakita niya na nagdadate ang dalawang. Sina Natasha at DM. Kinakabahan siya baka makita ito ni EJ. Ayaw niyang may gulong mangyari.
Napatingin din si EJ sa tinitingnan ni JM. Pero ng titingnan na niya ito ay bigla humarap sa kanya si JM. Pero pinipilit niyang tingnan pero hindi siya pinapayagan ni JM. Parang may itinatago siya.Napakunot noo siya doon.
"Ano ba yan JM? Wag ka nga humarang diyan.Sino bang tinitingnan mo?"Ang usisa ni EJ.
"Wala..wala..sige tara dun tayo. "Ang pag iiba ni JM. Ayaw niyang makita pa ni EJ sina DM at Natasha. Sumunod na lang si AJ na nagtataka rin.Pero tumingin din siya sa tinitingnan ni JM at kinabahan din siya. Buti nalang maagap si JM.Kaya siya pa lalo ang naghikayat na bilisan ang paglalakad.
"Ano ba AJ? Bakit mo ako pinamamadali na maglakad."Ang nagtatakang sabi ni EJ.Dahil hinablot naman ni AJ ang braso niya. Hindi sumagot si AJ.
"Hoy san niyo ba ako dadalhin?"Ang tanong ni EJ na nagtataka kasi kanina pa sila lakad ng lakad.Humarap sa kanya si AJ.
"Ay san ba iyon JM?"Ang tanong ni AJ kay JM.
"Ay mukhang wala na dito AJ eh."Ang maang maangan ni JM.
"Hay naku kayo talaga..binibiro niyo ako.Siguro may tinatago kayo?"Ang sabi ni EJ.
"Wala noh!"Ang sabay na sigaw nina AJ at JM.
"Relaks..para niyo naman akong kakainin."Ang sabi ni EJ.Natawa naman silang lahat.
Nagkwentuhan na lang sila dahil naligaw na nila si EJ kaya impossible pang makita nito sina DM at Natasha. Maya't maya pa ay nagpaalam na silang dalawa kay EJ para na rin magpahinga.
"Hey..EJ dito na kami.Ingat ka pauwi."Ang sabi ni JM.
"Salamat tol.Kayo din."Ang sabi ni EJ. Inabot nito ang kamay ni JM sabay lagay sa mga dibdib nila. Iyong tipong brotherhood sign.
"Bye na EJ.At least okay na tayo.Sana kayo din ni Natasha."Ang makahulugang sabi ni AJ.
"Oo..dahil sa anniversary namin plano ko ng makipag-ayos sa kanya.Miss ko na rin siya."Ang sabi ni EJ.
"Talaga!Matutuwa ang bestfriend ko nyan."Ang masayang sabi ni AJ.Tumango lang si EJ.
"O cge kayo na sa taxi o..Sige..babalik pa ako sa loob may nakalimutan ako eh."Ang sabi ni EJ.
Pinasakay niya muna sina AJ at JM bago bumalik sa loob ng mall. Habang naglalakad pabalik ay may napansin siya huminto na sasakyan sa gilid ng department store. Tiningnan niya ito. Papasok na si Natasha na passenger's seat ng sasakyan ni DM. Nanlaki ang mata ni EJ ng makita niyang papasok ito ng sasakyan.Pero pamilyar ang sasakyan na sinakyan nito. Hindi siya pwedeng magkamali ng kay DM na sasakyan iyon.
Biglang nanikip ang dibdib niya. Kinabahan na baka ito ang nakita nila JM at AJ kaya siguro nilayo siya sa lugar.Pero baka nagkakamali lang siya. Tinawagan niya si DM para kumpirmahin kung nasaan ito. Pero nagreply naman kaagad na nasa bahay ito kaya nakahinga ng maluwag si EJ.
Habang sa sasakyan sina DM at Natasha ay nagtanong si DM kung nasiyahan si Natasha sa lakad nila.
"Nag enjoy ka ba?"Ang tanong ni DM.
"Yup..sino bang katext mo?"Ang sabi ni Natasha.
"Kaibigan lang..sensya na.Hindi ko kasi matiis ito.Bestfriend ko eh. "Ang sabi ni DM.
"Ok lang."Ang matipid na sabi ni Natasha.Ayaw kasi ni Natasha na may katext o ginawa si DM habang nagmamaneho.Gusto niya kasi nakapokus ito sa daan.Naihatid na rin ni DM si Natasha sa hinahatiran niya dito.
Matapos na maihatid si Natasha ay umiwi na siya sa condo niya.Si EJ ay umuwi na rin na masaya pero parang may kulangsa araw na iyon. Nakalimutan niyang si Natasha.Hindi niya malaman kung tatawagan niya o itetext niya ito.Huminga muna siya ng malalim bago napagpasyahan niyang tawagan ito para personal na makausap.
"Hello!"Ang bati ni Natasha.
"Hello Natasha!:Ang bati ni EJ.
"E..E.J?"Ang nauutal na sabi ni Natasha.
"Oo ako ito..gusto ko lang ng magkaayos na tayo.Iimibitahan kita sa araw ng anniversary natin. Pwede ka ba?"Ang nahihiyang sabi ni EJ.
"Oo..Pupunta ako.Masaya ako EJ.Dahil sa wakas kinausap mo ako. Asahan mo ako."Ang gumagaralgal na sabi ni Natasha.Naiiyak na siya ng mga oras na iyon.Dahil hindi niya aakalain ng kakausapin siya nito.
"Ako rin..gusto kong ibalik ang dati.Itetext kita kung saan tayo magkikita sa 15.Miss you!"Ang sabi ni EJ.
"Ok..sana hindi ito panaginip.Kasi kung panaginip lang ito ayoko ng magising.EJ,kung alam mo lan kung gaano ako kasaya.Ang tagal tagal ko ng inaasam ito. Sensya na..i really really miss you ang mahal na mahal pa rin kita.Huhuhu"Ang naiiyak na sabi ni Natasha.
"Tahan na..ayokong mag iyakan tayo ngayon.Sa 15 lulubos lubusin natin."Ang sabi ni EJ.
"Ok cge."Ang sabi ni Natasha.
"Matulog ka na ok..may pasok pa tayo."Ang sabi ni EJ.
"Ok.bye i love you!"Ang sabi ni Natasha.
"Bye din.I love you too!"Ang tugon ni EJ.Sabay baba
Parang kompleto na ang araw nilang lahat. Sobrang ligaya nila kasi unti unti ng naayos ang lahat. Lumipas ang ilang araw ay naging okay naman ang lahat.
Bago ang araw ng pagkikita nila Natasha at EJ habang hinahatid ni DM si Natasha ay nangulit ito ng sumama siya bukas sa kanya.
"Hindi ka bababa kung hindi ka sasama sa akin bukas. Please last na ito. Pagbigyan mo na ako.Please."Nagmamakaawa na sabi ni DM.
"Ang kulit mo na naman eh.Hindi nga pwede.May gagawin nga ako."Ang inis na sabi ni Natasha.
"Last na ito. Bukas 8PM Sa Mall of Asia.Mabilis lang tayo."Ang pangungulit ni DM.
"Ok cge na nga."Ang inis na sagot ni Natasha para matapos na ang pangungulit ni DM.
"Salamat!"Ang ngiting sabi ni DM. Pinababa na niya si Natasha.
Naiinis na bumaba si Natasha dahil bukas na ang lakad nila ni EJ. Anniversary kaya nila ni EJ.Pero hindi niya masabi sabi ito kay DM dahil baka magalit ito sa kanya. Kaya ang ginawa niya ay sumang ayon na lang.Siguro naman maaga sila aalis ni EJ.Habang papauwi siya ay may natanggap siyng text galing kay EJ. Kaya tuwang tuwa siyang buksan ito.Binasa niya ang nilalaman ng text ni EJ.
EJ 2. Kta tau bukas sa MOA 7pm. Dun kita imemeet. Advance Hapi Anniv sa atin. Love U!:)
Sa sobrang tuwa niya ay hindi na niyan napansin na pareho ng oras ang kitaan nila ni EJ at DM. Nakatulog ito sa sobrang pagod at pananabik na din sa muling pagkikita nila ni EJ.
Dumating ang araw ng muling pagkikita nila ni EJ. Kadarating lang niya galing ng work pero hindi na siya makatulog. Mas lalo ata siyang nanabik dahil ngayon araw ng ang araw ng pagkikita nila at ang ika 5 anibersaryo na kanilang pagiging magkasintahan. Nakatulog ito at nagising ng pasadong ala 3. Tiningnan niya ang cellphone at nakita ang sandamakmak ng text galing kay DM. Binasa niya ang text nito.
Natasha don't 4get yung lakad natin l8 @ 8pm sa MOA.Kita kits.:)
Nagreply siya ng "k".Pagkatapos ay binasa ulit ang message ni EJ.Pagkabasa niya ay namutla siya dahil sa Mall of Asia sila magkikita yun nga lang mauuna sila ni EJ bago yung kina DM. Biglang siyang kinabahan at nagpapanic na kung anong gagawin. Naisip niyang magdahilan na lang ulit kay DM. Pero hindi niya muna itetext si DM. Pag nagkita na sila ni EJ.
Dumating si EJ sa MOA. Hindi pa dumarating si Natasha mukhang malalate dahil nastuck daw sa traffic. Kaya hinantay niya muna ito.Dumating naman ito kaso late ng mga 10 minuto sa usapan nila.
Nanood muna sila ng movie ni EJ.Pagkatapos ng isang oras ay may nagtext kay Natasha. Si DM.Dumating na pala sa MOA at hinahanap siya.Kinabahan siya.Kaya hindi na niya sinagot ito.Biglang tumunog ang phone niya tumatawag na si DM sa kanya kaya ang ginawa niya ay pinatay niya ang phone niya. Ng matapos ang pelikulang pinanood nila ay naghanap na sila ng makakainan. Congo Grills sila kumain.
Bago pa man pumasok sila sa loob ay bigla naihi si EJ kaya pinauna niya si Natasha sa loob bago dumiresto sa CR. Ng makapasok si Natasha ay mautla ito sa nakita. Si DM mukhang nakainom. Nakita siya ni DM.
"Oi Natasha buti naman dumating ka pa? Paano mo nalaman? Siguro nakonsensya ka ano?"Ang medyo lasing na sabi ni DM. Nilapitan niya ito.
"Ano ka ba DM? Umayos ka nga.Nakainom ka ba?"Ang medyo iritang sabi ni Natasha.
"Konti lang..kanina pa kita hinahantay eh. tara upo na tayo."Ang yaya ni DM.
"Pwedeng lumipat ka na ng ibang lugar may kasama ako?"Ang galit na sabi ni Natasha.
"Wag mo nga akong niloloko Natasha. Wala ka namang kasama eh."Ang inis na sabi ni DM.
"Sige na please umalis ka na."Ang pagmamakaaw ni Natasha kay DM para umalis na ito.Kasi tiyak magkikita sila ni EJ.
Hindi nga siya nagkamali.Pumasok na si EJ sa loob at napansin na may kausap si Natasha. Nanlaki ang mata niya ng makita si DM. Habang si DM naman ay nakita niya si EJ papasok sa loob ng resto kaya kinawayan niya ito. Nakatayo pa rin sila Natasha at DM sa harap ng lamesa na inookupahan ni DM.
"Andyan pala ang bestfriend ko papakilala kita sa kanya?"Ang sabi ni DM. Humarap si Natasha sa kinakawayan ni DM. Kumaway din si EJ ng makita niya si DM.Lumapit na siya sa dalawa.
"EJ,Tol andito ka pala. Ipapakilala ko pala ang nililigawan ko."Ang mabilis na sabi ni DM. Nanlaki ang mata nila Natasha at EJ sa narinig kay DM.
"Pakiulit nga?"Ang sabi ni EJ kay DM.
"Si Natasha yung nililigawan ko."Ang sabi ni DM. Hinawakan sa beywang si Natasha ni DM palapit sa kanya. Nanlaki ang mata ni EJ at Natasha sa inasta ni DM.
"I never thought na magkakilala pala kayo.Akala ko si Natasha na sinasabi mo ay si AJ. Yun pala si Natasha na GF ko. What a coincidence?"Ang mahinahong sabi ni EJ.Pero nakatitig na ng masama kay DM ng mga oras na iyon.Si Natasha ay nagsisimula ng umiyak.
"What?!"Ang sigaw ni DM.Nagulat siya sa sinabi ni EJ.
"No men..that's not true. Hindi totoo yan. Natasha sabihin mo ang totoo?"Dugtong na sabi ni DM.Halatang lasing na.Humarap ito kay Natasha. Hindi makasagot si Natasha.Pinagtitinginan na sila ng iba pang customer.
"Tell her the truth Natasha. Tell her!"Ang galit na sabi ni EJ.
"I'm sorry DM.Tama si EJ.Siya ang boyfriend ko."Ang gumagaralgal na boses ni Natasha. Umiiyak na ng mga oras na iyon.
"So Natasha ito ba ang dahilan kaya ka sumama? Sosorpresahin mo pala ako.Akala ko ako ang manonorpresa. Hindi ko akalain na magagawa mo ito.Kala ko naman gusto mo talagang makipagbalikan iyon pala gaganti ka pala sa akin.Sana pumili ka ng taong ipapalit mo at sana hindi yung kakilala ko.Shit..tang..ina!!!"Ang galit na sabi ni EJ.
"Let me explain EJ."Ang naiiyak na sabi ni Natasha sabay hawak niya sa kamay nito.
"Bitawan mo ako.Hindi mo na kailangan pang magexplain.Ang galing mo rin ano. Nauto mo ako.Gandang regalo para sa ating 5th ANNIVERSARY. Magsama kayong dalawa!!!"Ang sigaw ni EJ kay Natasha sabay hatak nito sa kamay na hawak ni Natasha at tumalikod at lumabas papunta sa kung saan malayo sa kanilang dalawa.
Habang si Natasha ay natulala at umiiyak. Si DM naman ay hindi makapaniwala sa mga pangyayari. Biglang nawala ang amats niya.Humarap si Natasha kay DM at isang sampal ang binigay niya dito.
"Ano masaya ka na? Sira na ako.Sirang sira. Hinding hindi kita mapapatawad. Sana hindi na lang kita nakilala pa.Hayop ka DM!!"Ang sigaw ni Natasha kay DM. Sabay takbo palayo.Kumuha siya ng taxi at umuwi.
Naiwang nakatulala si DM.Pinagmamasdan siya ng mga customer ang iba ay natatawa ang iba ay naaawa. Binayaran na lang niya ang mga inorder niya bago umuwi.
Habang si EJ naman ay pumunta ng San Miguel by the Bay at lumaklak ng alak.Nagpakalasing si EJ ng mga oras na iyon.
"Tang ina naman...akala ko ok na.Shit shit..Hayop ka Natasha..naisahan mo ako.Ganun ka rin DM. Minahal ko kayong dalawa pero ito pa ang ginanti niyo sa akin. Mga hayop kayo."Ang mahina pero galit na galit niyang sabi sa sarili.
"Ang sakit sakit..mas masakit pa sa pagkamatay ni Papa.Gaganti ako..hindi ako papayag na magpapatalo sa inyo. Gaganti ako."Ang nanggagalaiti na sabi ni EJ.
Inubos na niya ng inorder niya at bumalik sa sasakyan. Marami siyang nainom. Mga ala 1 na ng madaling araw iyon.Kahit lasing ay pinilit ni EJ na magmaneho pauwi.Mabilis ang pagmamaneho niya at ng makarating siya sa kanto ng Blue wave ay may isang sasakyang humarurot ng mabilis at hindi namalayan ni EJ na papunta sa direksiyon niya ang sasakyan.
"Oh...shit!!!"Ng makita niya ang ilaw ng sasakyang humarurot at prepreno na sana siya kaso mabilis ang mga pangyayari bago pa man niya magawang umiwas ay nabangga na siya.
*CRASHHHHHH*
Isang malakas na pagtama ang nangyari sa sasakyan ni EJ.Tumilapon ito sa mga damuhan na malapit sa pinangyarihan ng aksidente.
10 comments:
mamamatay na c ej at gaganti xa sa pamamagitan ng pagmumulto kna dm at natasha...awooooh! :o
lolz...peo anu nga bng mangyayari matapos ng tagpong ito? ej&aj vs dm nb?
WOW! parang ang dami atang nangyari sa chapter na to bigla akong nahilo dun ah...
Punong puno ng pagpapatawad...
Kaso kawawa naman yung tatlo. si Natasha, DM at EJ..pareparehas silang biktima ng pagkakataon...tsk tsk...
Tingin ko si Natasha punong puno ng pagsisisi...
Si DM naman by this time, gulong-gulo na sa pagkalito at sakit na nararanasan. Masama ang loob sa kanya ng nililigawan at ng "bestfriend" niya.
Si EJ naman sobrang sakit ang nararanasan pakiramdam niya pinagkaisahan siya ng dalawang minamahal niya. He is broken hearted not only once but twice at sabay pa. At ang mas masaklap inaakala niyang yung dalawang minamahal niya ay may relasyon.
Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mga tagpo?
patay si EJ... hula ko lang magkakaamnesia si EJ.. heheheh
patay si EJ... hula ko lang magkakaamnesia si EJ.. heheheh
hi jayfinpa,
medyo matagal tagal ko na ring sinusubaybayan itong kwento mo. at humahanga ako sa iyong tiyaga at regular na pag update nitong kwento.
although hindi ko alam kung madami ang iyong mga readers o taga subaybay. may konting feedback lang ako, at sana huwag mong masamain. ika nga, if you can see these comments as something you can build on, to be better, ay ito'y ikagagalak ko.
i am not so certain kung anong mensahe ang nais mong iparating. siguro ay medyo nalilito ako sa takbo ng istorya. it seems like it has lost its focus. in other words, it has gone through a lot of twists and turns that somehow it got lost in translation.
i am sensing though that the central theme here is one of forgiveness and moving on, or di kaya, self acceptance. but the manner in how this theme moves from one plot to another also moved the theme from one apparent theme to another. kung baga, masyado nang maraming nangyari pero wala pa ring nagyayari.
secondly, the level of intensity as the story moved from one chapter to another has not been sustained. kung baga medyo naging roller coaster ang intensity. naging marami masyado ang naikwento pero hindi masyado nag bi-build up to the point of climax, which should be at the finale or the last chapter.
malapit na matapos ang istorya according to you, but there is something lacking, as if the element that i was looking for was still not there, as i have been seeking it chapter after chapter.
i am not sure how you would plan your next story to be, but maybe one thing that you could avoid is to go into so many details (especially scenes from the past) that somehow clouded the view of the present.
i have come across a lot of authors using flashbacks interspersed with in the present scenes, but somehow these flashbacks did not serve to digress the theme, the plot, to where the story should logically be headed, and even the intensity chapter after chapter has been sustained.
regardless of all that i have mentioned, i am still holding ou in high esteem as ou have regularly updated this story.
keep writing. i wish you the best in your future endeavors.
regards,
R3b3l^+ION
Ang galing ng twist ng story...
tlagang d ngpost ung coment q d2 dti o.o bkt kya?
@R3b3l^+ION thanks for your comments.
About your pointers i'll take note of that.And i really appreciate your honest comments. Hindi lang sa plot ng story ang iyong ginagawan ng comments kundi pati style na pagkakagawa ko.
Yes medyo nagdrag ang story ko nung mga flash back. I'm trying to point out na ang reason ng flash back ko is to imply sa mga mambabasa ang pagsasamahan ng barkda nila EJ kaso masyado yatang naparami. At yung scene kasi na iyon ay para sabihin na bakit sa kabila ng maraming pinagdaanan ng barkada ay dumating itong ganitong katinding problema ay iniwan ako. Iyon kasi ang iniimply ko. Masyado lang talgang malaki yung part ng flashback.
And regarding sa theme ko isa lang ang gusto kong iemphasize ang value of self acceptance. Kasi sa isang lalaki nabago ang mundo mahirap ang aminin sa sarili na ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo. Kaya hanggang ngayon confuse pa rin ang bida. Nadadagdagan lang ng mga supporting kasi may kanya kanya din silang kwento.
Sana maliwanagan ka dito. At sana hindi mo pa rin bitawan ang series ko and keep on commenting. Sana magustuhan mo rin ang mangyayari sa nalalapit na pagtatapos ng series ko.
And salamat sa lahat ng inyong comment. Nakakataba po ng puso.
kasi naman drama agad ayaw muna makikinig sa paliwanag kaya lalo sila ngkakagulo.
Natawa ako dun sa word na 'KRIMEN' sa ending ng chapter na to. Dba dapat 'Aksidente'?? Hehe!
Agree ako kay R3b3l^+ION pero, ok naman sakin yung story.
@Anonymous: Edited na po. it should be AKSIDENTE not KRIMEN
Post a Comment