Maganda araw po sa inyo. Malapit na pong magtapos ang 2011. Ang tagal ko na rin pala dito sa Blog ko. Nagsimula ako noong July so bale mga 5 months na akong nagsusulat. Hay hindi ko akalain na magtatagal ako sa pagsusulat. Sa totoo lang may time na gusto ko ng sumuko dahil feeling ko walang nakakaappreciate ng gawa ko pero nagbago iyon dahil ang talagang adhikain ko dito ay maibahagi ang nasa saloobin ko.
Hindi ako nagpapansin dahil lang gusto kong sumikat. Gusto ko lang mapalawak ang aking imahinasyon. Kaya siguro nakasanayan ko na ang magsulat. Hanggang may nagbabasa at hanggang may nagpupunta sa aking Blog hindi ako titigil sa pagsusulat. Hindi ko man ito ikayayaman ang importante ay makapagbigay ako ng aral at saya sa lahat. Yun lang naman ang adhikain ko kaya ako gumawa ng sarili kong Blog. Kaya lubos ako nagpapasalamat mula sa kaibuturan ng aking puso.
Gusto ko lang po pasalamatan ang mga walang sawang nagbabasa sa aking akda. Pasalamatan ko lang ang mga nagbigay ng komento magmula sa simula hanggang sa matapos ang taong ito. Kasama po dito ang mga nagkomento sa unang gawa ko na "SA ISANG IGLAP" hanggang sa bago kong gawa na "NO ONE". Heto na po sila:
Kayo ang rason ko kung bakit ko ito pinagpapatuloy. Sana patuloy pa rin kayong sumuporta sa aking akda. Maraming maraming salamat sa inyong lahat. Pasensya na po kung mahaba. Tutal matatapos na rin ang taon. Kaya pagbigyan niyo na ako.
Balik tayo sa istorya ko. Ang kabanata na ito ang siyang magsisimula ng panibagong kabanata sa buhay ng lahat ng tauhan ko dito sa aking istorya. Tamang tama po ito sa pagsisimula ng bagong taon. Alam kong sabik na sabik na kayo kung anong klaseng pagbabago ang magaganap. Hindi ko na po patatagalin pa. Heto na po. Enjoy at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat.
______________________________________________
Pink - Fuckin' Perfect .mp3 | ||
Found at bee mp3 search engine |
(Paki-play)
“Kuya Oliverrrr!!!” Ang sigaw ng bata. At tumakbo papunta sa akin.
“Ti..tinyo!!!” Ang sigaw kong ring sabi sa batang tinutukoy ng Pulis.
“Buti naman ligtas ka. Salamat sa diyos.” Ang naiiyak kong sabi at niyakap ko siya ng mahigpit.
“Anong nangyari sa iyo bakit ka biglang nawala noon?” Ang usisa ko.
“Kuya may lagusang ginawa ang mga batang kasama natin kaya nakatakas kami. Natakot ako kasi mag isa na lang ako. Lagi akong nasa kalye at hinahanap kita.“ Ang umiiyak niyang sabi. Gusgusin siyang tingnan at may amoy.
“Naku kawawa ka naman. Hayaan mo hindi ka na ulit mawawalay sa akin. Lagi na tayong magkasama.” Ang sabi ko. Natuwa naman siya at napayakap ulit.
“Kuya promise mo yan wag mo na akong iiwan pa.” Ang umiiyak niyang sabi sa akin. Naawa naman ako sa kalagayan niya.
“Oo promise.” Ang sabi ko.
“Kilala mo pala ang batang iyan?” Ang sabi ni Nanay Lucy.
“Siya iyong sinasabi kong ampon kong kapatid pero parang tunay na kapatid na ang turing ko sa kanya.” Ang sabi ko kay Nanay Lucy.
“Ganoon ba buti naman nakita mo na siya.” Ang masayang sabi sa akin ni Nanay Lucy.
“Oo nga Nay kaso lang ang pangit ng pagkikita namin kasi siya pa ang naging dahilan kung bakit namatay si Kuya Emil.” Ang sabi ko. Napatingin sa akin si Tinyo.
“Naku wag mo ng isipin iyon Tinyo may nawala man sa akin at least may bumalik. Wala na tayong magagawa doon. Saka alam kong hindi aksidente ang pagkamatay ni Kuya Emil dahil may gusto talagang pumatay pa sa kanya noon pa.” Ang may diin kong sabi.
“Huminahon ka Oliver masama ang magbintang wala tayong pruweba. Kahit na may alam tayo manahimik na lang tayo kasi mapapahamak lang tayo.” Ang sabi ni Nanay Lucy.
“Basta balang araw Nay ipaghihiganti ko ang pagkamatay ni Kuya Emil kailangan may magbayad sa gumawa sa kanya nito.” Ang may diin kong sabi.
“Oliver masama ang may dalang galit sa puso mo. Hindi maganda iyan. Patawarin mo na lang sila at ang diyos na ang bahala sa kanila.” Ang pagpapakalma ni Nanay sa akin.
“Wag kayong mag alala Nay hindi pa ngayon may tamang panahon para makaganti.” Ang sabi ko dito puno ng katatagan. Pero kahit ako hindi ko alam kung paano magsisimula.
Lumipas ng ilang minuto ay inuwi na namin si Tinyo sa bahay. Ang mga magulang naman ni Kuya Emil ay kinuha na ang bangkay at inuwi sa probinsiya nila. Gusto man naming sumama ay wala kaming pera. Naiiyak ako dahil ang taong nagmahal sa akin ng lubusan ay biglang pang babawiin sa akin. Wala na ba akong karapatang maging maligaya.
Una si Justin sumunod si Kuya Emil. Since wala na si Kuya Emil sino na ngayon ang magmamahal sa katulad ko. Alam kong buhay pa si Justin pero malamang sila pa rin ni Camille dahil sa nagawang kong patayin ang anak niya. Hindi ko alam pero parang may puwang pa rin sa akin si Justin kahit matagal ko na siyang hindi nakikita. Iba rin si Kuya Emil dahil siya ang nagbigay sa akin ng panibagong buhay kaya pareho lang silang matimbang sa puso ko.
Lumipas ang ilang araw, linggo, buwan at taon. Masaya kaming tatlo ni Tinyo at Nanay Lucy. Isang pamilya na ang turingan namin. Ito na talaga ang sinasabing tunay na pamilyang Pilipino. Masaya at laging sama sama sa lahat ng bagay.
Dumadaan pa rin ako sa bahay ni Kuya Emil pero may bago ng nakatira doon. Kinuha ko noon ang ibang alaala at inuwi sa bahay ni Nanay Lucy. Tinutulungan namin si Nanay Lucy na maghanap ng bote at diyaryo. At nagtitinda rin kami ng merienda sa hapon pandagdag kita sa araw araw namin. Masaya at mahirap kasi wala na kaming katulong sa araw araw na gastusin hindi tulad noong buhay pa si Kuya Emil laging masarap na pagkain. Pero okay lang iyon wala naman kaming magagawa kuntento na rin naman ako sa kung anong meron sa amin.
Si Tinyo ay pumapasok na sa Elementary School bilang grade 1 na malapit sa lugar namin. At ako ay nagsisimulang maghanap ng mapapasukan. Gusto ko sana service crew kaso kailangan daw at least high school graduate. Hindi nga pala ako nakatapos ng high school dala ng lumayas ako at magdadalawang taon na simula noong iwan ko ang Batangas. Pero hindi ako nagsisisi kasi marami akong natutunan. Naging matatag ako sa hamon ng buhay. Lahat ng aking pinagdaan ay magiging inspirasyon ko para matupad ang mga pangarap ko. Hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataon na binigay sa akin ng panginoon. Kaya unti unti ko itong babaguhin at kakalimutan ang pait ng nakaraan.
Si Justin naman ay nagsusumikap sa kanyang pag aaral bilang Engineer. Matalino talaga siya at consistent Dean’s Lister. Kaya 2 taon na rin siyang scholar sa school na pinapasukan. Mayroon na rin naman siyang mga kaibigan pero hindi nga lang siya ganoon nakikipagclose sa kanila. Pag may oras ay nagtitingin sa mga mall baka sakaling makita ako ni Justin pero bigo siya pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay magkikita din kami.
Isang araw ay kakauwi lang nila galing sa mental institution. Pinaadmit nila ang Mommy nila para daw matutukan ng doktor ang kalagayan nito. Sa una ay ayaw nilang magkapatid ang desisyon ng doktor kaso hindi na minsan kaya ni Barbara at ni Aling Minda (ang katulong nila) ang Mommy nila. Kahit siya ay nahihirapan na. Kaya kinalaunan ay napagdesisyunan nilang ipasok na ito sa mental institution.
“Kuya tama ba ang desisyon natin?” Ang tila nag aalinlangan pang sabi ni Barbara sa Kuya ng ipasok na nila sa mental institution ang kanila Mommy.
“Ewan ko rin pero alam kong ito ang tama at rekomendasyon ito ng doktor kaya magtiwala na lang tayo na gagaling din si Mommy?” Ang sabi niya.
“Kuya sa susunod na taon na ako papasok sa kolehiyo. Makakapasok pa ba ako?” Ang sabi niya.
“Gagawan natin ng paraan wag kang mag alala. Kung kailangan kong huminto hihinto ako para makapag aral ka lang.” Ang sabi niya.
“Kuya okay lang kung hindi muna sayang naman kung mahihinto ka. Magtatrabaho muna ako.” Ang sabi niya.
“Wag kang makulit basta mag aaral ka. Nangako akong gagawin ko ang lahat para maging maganda buhay natin. Basta mag-aaral ka.” Ang may diin na sabi nito.
“Kuya salamat. Wag kang mag alala makakayanan din natin ito.” Ang naiiyak na sabi ni Barbara sa kapatid kasabay ng pagyakap nito.
“Okay lang iyon. Basta sama sama tayo kahit na anong mangyari magpakatatag lang tayo at magdasal makakayanan natin ito.” Ang sabi niya sa kapatid.
“Kuya alam kong hindi sana magiging ganito ang buhay natin kung hinayaan ko na lang si Oliver sa atin. Hindi natin sana ito mararanasan.” Ang paninisi niyang sabi. Sinisisi pa rin ni Barbara ang kapangahasan nito na mawala ako.
“Wag na natin ungkatin ang nakaraan. Ang importante ay ang ngayon at ang hinaharap natin. Basta makakayanan natin itong pagsubok sa ating buhay. Pakatatag lang tayo. At alam kung nandiyan lang sa tabi tabi si Oliver. Ramdam ko iyon.” Ang pagpapalagay na sabi ni Justin sa kapatid.
“Kuya sobra talagang mahal mo si Oliver noh. Kasi kahit matagal na nating hindi nakikita siya pa rin ang tinitibok ng puso mo.” Ang sabi nito sa kapatid.
Hindi na siya nagsalita bagkus ngumiti na lang siya. Tanda na tama ang kapatid niya. Ako pa rin ang tanging tinitibok ang puso niya at hindi na iyon magbabago.
Dumaan ang ilang araw at nasanay na rin naman silang wala ang Mommy nila sa bahay lalo na si Barbara. Sembreak ngayon ni Justin kaya doon muna siya sa bahay nila sa Batangas. Pumunta siya sa kanya kuwarto at tiningnan ang natitirang alaala ni Oliver. Ang kaisa isang larawan nilang magkasamang kinunan sa higaan niya.
“Oliver sana mapatawad mo ako sa nagawa ko sa iyo. Nagsisisi ako kasi hindi ko natupad ang damayan kita noong kailangan mo ng karamay. Napakawala kong kwentang asawa sa iyo.”
“Oo asawa mo naman ako. Kahit walang tayo hinahawakan sa isa’t isa ay ikaw lang naman ang nag iisang taong mamahalin ko habang buhay. Sarado na itong puso ko sa ibang tao. Tanging ikaw lang ang tinitibok. Hindi mo ba nararamdaman?” Tinapat niya ang larawan namin sa dibdib niya animo’y buhay na nilalang at pinaparinig ang tibok ng puso niya.
“Ano naririnig mo ba? Di ba ikaw lang ang sabi ng puso ko. Ikaw lang at wala ng iba. Maraming nagpaparamdam sa akin babae o kaya mga binabae pero wala talaga eh.”
“Alam mo hindi mo alam lagi akong umiiyak araw araw kasi nasanay ako lagi kitang kasama. Noong nawala ka sobrang lungkot ng buhay ko. Parang namatay na ako. Walang kuwenta ang buhay ko kung wala ka.”
“Kaya nga lagi kong inalala ang lahat ng masasaya nating alala para kahit papaano maibsan ko ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa pag alis mo.”
“Sobra akong hiyang hiya sa iyo dahil pinagpalit kita sa isang taong walang kuwenta noon pa. Hindi ako nakinig sa iyo. Hindi ka sana nawala sa akin. Sobra kong pinagsisihan iyon sana lang mapatawad mo ako.”
“Hinihiling ko sa panginoon na sana pagbigyan niya akong makita kang muli. Pag nangyari iyon hinding hindi na kita pakakawalan pa. Sana pakita ka nasa akin Oliver. Miss na miss na kita.” Ang naiiyak niyang sabi sabay halik sa larawan. Nakatulog na ito sa kanyang ginawang pag iiyak at pag alaala sa nakaraan namin.
Habang sa aking kinaroroonan ay nagising ako sa isang magandang panaginip kung saan napanaginipan ko si Justin at magkasama kami sa isang beach at magkahawak kamay. Napaiyak ako ng maalala ko na naman siya. Matapos kong maranasan ang kabiguan sa pag ibig heto na naman at nagpaparamdam na naman ang isa. Parang gusto ko ng sumuko at wag ng umasa na magkakabalikan pa kami ni Justin matapos ang hindi magandang paghihiwalay namin.
“Nasaan na kaya siya? Naaalala niya pa ba ako sa mga oras na ito? Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Sila pa rin ba ni Camille hanggang ngayon?” Ang mga tanong sa isip ko.
Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko sa kakaisip ng sagot sa mga tanong ko.
“Sana Justin makita na kita. Miss na miss na kita. Sana pagbigyan tayong muling magkasama ulit.”
“Kuya bakit ka umiiyak?” Ang nagising na sabi ni Tinyo. Nagising ko pala siya dahil sa pag iyak ko.
“Wala ito may naalala lang ako.” Ang sabi ko na lang.
“Kuya sino? yung mahal mo ba iyan?” Ang inosenteng tanong nito sa akin.
“Aba may nalalaman laman ka ng mahal ha. At kanino mo naman iyan nalaman.” Ang kunyari kong galit sa kanya.
“Kuya nararamdaman ko kasi iyon. Gaya ng pagmamahal ko sa iyo bilang Kuya.” Ang inosente niyang sabi sa akin.
“Ikaw talaga. Kapatid na kapatid mo na nga talaga ako. Kasi alam mo na ang naiisip ko.” Ang sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
“Kuya naman nasasakal ako.” Ang sabi niya.
“Ah naglalambing lang si Kuya sa iyo. Mahal na mahal ka kasi ni Kuya kaya ganito ako.” Ang paglalambing ko sa kanya.
“Ako rin naman Kuya eh. Mahal din kita.” Ang sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
“Aba may pahalik halik na siya sa akin.” Ang para kong batang sabi dito.
“Muwah..muwah..muwah..” Ang ganting halik ko sa kanya. Sa pisngi lang siyempre. Bata pa ito saka hindi ko pwedeng mahalin ito. Iba ang pagmamahal sa kapatid at pagmamahal sa Katipan/Kasintahan. Baka kasi isipin niyo na inaabuso ko ang kainosentehan ng bata. Kiniliti ko rin siya sa kanyang tagiliran at puro tawa ng tawa si Tinyo.
“Kuya tama na..tama na kuya..hahaha..ayoko na!!” Ang sabi niya sa pagkikiliti ko.
“Ayoko pa. Namiss ko lang kasi ang bunso ko. Matagal na kasi kitang hindi nakakasama eh.” Ang parang bata kong sabi.
“Tama na Kuya..haha..hindi naman..haha..ako aalis..hahaha.” Ang natatawa niyang sabi. Tinigil ko na ang pagkikiliti sa kanya.
“Promise mo yan?” Ang sabi ko sa kanya.
“Oo Kuya hinding hindi na tayo magkakalayo pa ulit.” Ang sumpa niyang sabi at tinaas pa ang kanang kamay. Natuwa naman ako. Bibo talaga itong bata at matalino pa.
Grabe si Tinyo kahit late na siyang mag-aral bilang grade 1 ay hindi hadlang iyon kasi sobrang taas ng grado niya. Halos maperfect niya iyon. Kaya sobra ang pagsisikap kong makakuha ng pera. Hindi pa rin akong pinalad na magkatrabaho ng regular panay part time lang kasi gusto ng mga malalaking kumpanya. Nakakinis pero ganon talaga ang buhay. Kaya bukod sa pangangalakal ay nagtitinda rin ako ng kung ano ano para ipambaon ni Tinyo sa eskwelahan.
Gusto ko kasing makatapos si Tinyo kasi matalino ang bata. Sayang naman kung hindi matutuloy at pahinto hinto baka mawalan ng gana. Kaya pursigido akong mapagtapos siya. Hindi lang ako Kuyang tumatayo sa kanya kundi Tatay din ako sa kanya. Hindi ko man siya kaano ano pero ibang ligaya ang dulot ni Tinyo sa buhay ko. Parang siya ang magiging katuparan ng mga pangarap ko sa buhay. Iyon ang pakiramdam ko.
“Kuya anong iniisip mo?” Ang puna niya ng matahimik ako at nakatingin lang sa kanya.
“Naku ikaw talaga lahat pinupuna mo sa akin. Siguro may suwerte kang dala sa akin kasi pinatagpo tayo ng tadhana. Parehong pareho kasi ang dinanas natin eh.” Ang sabi ko sa kanya.
“Kuya akala ko sa daan na ako lalaki. Pero dininig din ng panginoon ang aking hiling na sana may kumupkop sa akin. Natupad naman.” Ang inosenteng sabi niya sa akin.
“Wag kang magbabago ha. Dapat lagi ka pa rin magdasal para lagi kang gabayan ng maykapal. At siyempre para makaiwas sa disgrasya.” Ang paalala kong sabi sa kanya.
“Promise po iyan Kuya.” Ang sabi nito sa akin.
Dumaan ang araw na wala ng problema ang nangyayari sa akin. Buti na rin ito kasi sawa na ako sa sunod sunod na problema at sana tuloy tuloy na ito. Gusto ko na ng katahimikan. Gusto ko na ng payapang buhay kasama nila Tinyo at Nanay Lucy.
Makalipas ang 6 na buwan ay talagang naging maganda ang takbo ng buhay namin. Ganoon pa rin at wala pa rin akong permanenteng trabaho. Ang hirap! Nagjajanitor ako pero kulang naman ang binibigay ng nagrecruit sa akin. Niloloko pala ako kasi nalaman ko ito sa ibang kasamahan ko sa trabaho. Umalis na lang ako. Pero sinigurado kong may makukuha pa akong pera sapat na iyon para makapagcelebrate sa pagtatapos ni Tinyo sa grade 1 kasi siya ang top sa klase nila.
“Congratulation sa iyo Bunso” Ang sabi ko kay Tinyo. Nakakuha kasi siya ng honor. First honor siya.
“Salamat Kuya.” Ang sabi niya.
“Mayroon akong regalo para sa iyo.” Ang sabi ko sa kanya.
“Talaga Kuya? Nasaan?” Ang excited niyang sabi.
“Pikit ka muna?” Ang sabi ko sabay naman niyang pagpikit. Kinuha ko ang regalong robot na hinihingi niya sa akin noon nung bumisita kami sa isang mall. Wala naman kasi akong pera noon kaya pinag ipunan ko iyon para ibigay sana nung birthday niya kaso wala akong pera pa. Kaya konting handaan na lang ang ginawa namin noon.
Nilagay ko ito sa harapan niya para pagdilat niya naman ay makita na niya ang sorpresa ko. Alam kong gustong gusto na niya ito noon pa kaya hindi ko na pinatagal pa.
“Ok na pwede mo ng idilat.” Ang sabi ko sa kanya. At dumilat na nga siya.
“Wow ang paborito kong robot na tinitingan noon. Kuya Salamat po” Ang sabi niya at sabay halik sa pisngi ko.
“Sarap naman noon.” Ang sabi ko.
“Isa pa nga.” Ang hiling ko.
“Muwah..muwah” Ang sunod sunod na halik niya sa pisngi ko.
“Kinikiliti mo naman ako eh.” Ang sabi ko.
Wala siya talagang pagsidlan ng tuwa habang hawak hawak niya ang binigay ko sa kanya. Tama lang naman na regalo ko sa kanya ito kasi ginalingan naman niya.
“Alagaan mo yang regalo mo ha. Saka laging kang mag aral ng mabuti dahil pag lagi kang may medalya lagi kang may regalo kay Kuya.” Ang sabi ko.
“Talaga po? Opo gagalingan ko po. Para lagi akong may regalo. Yehey!! Salamat po ulit” Ang masayang masayang sabi niya sa akin.
“O tara na pasok na tayo para kumain lalamig pa ang pagkain.” Ang aya ko kay Tinyo.
“Sige po susunod na lang po ako lalaruin ko po muna ito.” Ang sabi niya. Pumasok na ako nakita ko si Nanay Lucy na naghahanda ng pagkain.
“Nanay Lucy ako na diyan. Kanina ka pa nagtatrabaho.” Ang sabi ko sa kanya.
“Okay lang sa akin hindi pa naman ako pagod.” Ang sabi niya.
Biglang nahilo si Nanay Lucy at napahawak sa upuan.
“Nanay Lucy okay ka lang ba?” Ang puna ko.
“Okay lang akong wag mo akong intindihin. Lapitan mo na si Tinyo na makakain na tayo.” Ang sabi niya sa akin.
“Sige po sandali lang. Umupo na po kayo.“ Ang sabi ko sa kanya. Sabay alalay ko sa kanya para makaupo. Tinawag ko na si Tinyo para kumain na. Naging masaya naman kami sa munti naming salo salo.
Habang sa kinaroroonan naman nila Justin ay naghahanda na sila para sa pagpasok sa kolehiyo ni Barbara. Hindi na kakayanin pa ang pera kung papasok na si Barbara. Masakit man pero kailangan na nilang ibenta ang bahay nila sa Batangas at sumama sa Kuya niya sa Maynila para pandagdag na rin nila sa kailangang pagaaral ng Accountancy ni Barbara sa UST. At siyempre sa pagpapagaling ng kanilang Mommy. Lumala pa lalo ang kaniyang kalagayan at pahina ng pahina ang katawan nito.
“Kuya kailangan ba nating ibenta itong bahay?” Ang sabi ni Barbara.
“Oo kasi malaki rin ang kikitain natin dito kailangan din natin ng pera sa pag aaral mo. Kung nakakuha ka sana ng scholarship pwede sana at hindi na natin ito ibebenta. Hayaan mo ibabalik rin natin ito pagnakaluwag na tayo.” Ang sabi ni Justin.
“Pasensya na Kuya ginawa ko naman ang lahat pero talagang hindi ko nakuha.” Ang nanghihinayang na sabi ni Barbara.
“Okay lang iyan. Titigil muna nga pala ako sa pag aaral sa susunod na semester kasi mauubos na ang savings magtatrabaho muna ako. Para may pandagdag.” Ang sabi niya.
“Kuya hindi mo naman kailangan iyan kasi sayang naman kung mahihinto ka.” Ang sabi niya.
“Hindi ba napag usapan naman natin ito. Kaya wag ka ng tumutol basta ako ang bahala. Bahala na sa susunod na semester.” Ang sabi ni Justin.
Wala na ring nagawa si Barbara kundi ang sumunod sa utos ng nakakatandang Kapatid. Gusto niya sanang magtrabaho na lang kasi sayang naman kung hihinto ang Kuya niya kasi malapit na rin naman itong matapos samantalang siya ay magsisimula pa lang.
Nagsimula na nga ang pasukan. Si Tinyo bilang Grade 2 ganun din sina Justin at Barbara na pumasok na sa kani kanilang eskwelahan. Hindi na pala naging dean’s lister si Justin nitong semester kaya pag kinulang talaga ay sa susunod na semester ay titigil na siya. Naapektuhan kasi ang pag aaral niya sa kalagayan ng Mommy niya at ang kalagayan ng pamilya niya. Kaya wala siyang magagawa kundi ang tapusin ang semester na ito. Nasasayangan man pero ganun talaga.
Ako naman ay wala pa ring makuhang maayos na trabaho nagbabakasakali sa mga building sa Makati kung may extra pa kaso wala daw. Nauubos lang ang pera ko dahil wala akong makuhang trabaho. Isang araw ay hindi ko inaasahan ang isang matinding pagsubok sa buhay namin.
“Nanay Lucy!!!” Ang sigaw ko ng makitang nakahiga ito sa sahig at nakahandusay.
Dali dali ko itong dinala sa malapit na hospital. Hindi ko alam kung anong gagawin ng mga oras na iyon. Matagal ko ng napapansin ang laging pagsakit ng ulo at minsan pagkahilo nito ng wala sa oras. Wala kasi ako perang pantingin kaya hindi ko aakalain na kung kailan walang wala ako ay saka ko mararanasan ang ganitong pagsubok.
Pumunta ako sa mini chapel sa loob ng hospital para ipagdasal na maging okay ang kalagayan ni Nanay Lucy. Ito na lang ang pamilya kong maituturing. Talaga isang ina ang turing ko at ganun din ang matanda sa akin na tinuring kami ni Tinyo bilang kanyang mga anak. Hindi man kami mga kadugo nito ay hindi naman kami tinuring na iba hindi tulad ng mga umampon sa amin at ganoon din kay Tinyo.
Lord alam kong marami kang tinutupad na mga hiling. Pero sana naman po mapagbigyan niyo po ako na pagalingin niyo po sana si Nanay Lucy. Siya na lang ang natitira kong pamilya. Hindi ko po alam kung saan kami pupulutin pag nawala si Nanay Lucy. Lord sana pagbigyan niyo naman po ang tangi kong hiling. Salamat po.
Ang panalangin ko na sana gumaling ang Nanay Lucy ko. Dumiretso na muna ako sa emergency room kung nasaan ang Nanay Lucy ko.
“Doc kamusta po si Nanay Lucy?” Ang tanong ko sa doktor na tumitingin kay Nanay Lucy.
“Kailangan mong magpakatatag kasi may cancer sa utak ang Nanay mo. Stage 4 na ito. Wala ng lunas ito. Kaya ihanda niyo ang sarili niyo kasi pwede siyang mawala ng tuluyan sa inyo. Tataningan ko siya ng 3-4 months.” Ang sabi ng doktor.
“Doc bakit naman po ganun? Bakit kailangan niyo taningan si Nanay? Gawin niyo po ang lahat doc nagmamakaawa ako sa inyo.” Ang naiiyak kong sabi.
“Pasensya na iho. Wala na tayong magagawa kumalat na ang cancer at pag inoperahan naman natin baka hindi na kayanin ng Nanay mo kasi mahina na ito at hindi na kakayanin ng kanyang edad.” Ang sabi ng doktor.
“Nay Lucy kaya niyo pa naman iyan. Pakatatag kayo. Nay wag niyo kaming iwan ni Tinyo. Kailangan ka namin.” Ang sinabi ko kay Nanay Lucy. Nagising naman ito.
“Anak pasensya ka na. Siguro hanggang dito na lang ako. Masaya ako kasi nakilala ko kayo at kahit papaano ay naramdaman kong may pamilya ako. Masaya akong iiwan ko ang mundo itong naramdaman ko ang isang pamilyang hindi ko naramdaman noon ng iwan ako ng mga anak ko.” Ang naluluha niyang sabi sa akin.
“Nay wag po kayong magsalita ng ganyan. Kakayanin niyo yan. Kakayanin natin ito. Marami pa akong pangarap sa buhay at kasama ka doon Nanay. Kaya pagaling ka. Nanayyyyy” Ang umiiyak kong sabi. Sabay kong niyakap si Nanay.
Nagtagal pa kami ng ilang oras sa hospital. Sinundo ko muna si Tinyo sa eskwelahan nito para sabay sabay na kaming umuwi. Inalalayan ko si Nanay Lucy papunta sa tinutuluyan namin. Masyadong malayo ang lugar na ito sa mga kapitbahay namin. Kaya hindi pwedeng iwanan si Nanay Lucy sa kapitbahay dahil na rin sa layo nga. Nasa liblib pa kami.
Kaya naisip ko munang itigil ang paghahanap ng trabaho at magbobote at diyaryo na lang ako para mas madali akong makauwi. Naawa ako sa kalagayan ni Nanay Lucy kasi nakikita na namin ang pangangayayat nito habang dumadaan ang araw. Natatakot ako na sa kalagayan niya kasi wala man lang kaming pambili ng gamot para sa kanya. Naiiyak ako. Dahil parang wala akong kuwentang tao.
Nahihirapan akong kumuha ng trabaho kaya pinipilit ko na lang magtagal sa pangangalakal para madagdagan ang kita namin sa araw araw. Si Tinyo naman ay ganoon pa rin pinag aaral ko pa rin siya kasi sayang naman. Ayokong huminto siya. Nagkakandautang na nga kami para makapasok lang si Tinyo pero wala pa rin akong makuhang trabahong matino.
Isang araw galing ako sa pangangalakal at ginabi ako. Umuulan pa ng umuwi ako at narinig kong umiiyak si Tinyo at nasa tabi ni Nanay Lucy.
“Tinyo bakit ka umiiyak?” Ang sabi ko.
“Kuya Oliver si Nanay Lucy nahihirapang huminga...” Ang umiiyak na sabi niya.
“Nay Lucy sandali lang hihiram ako ng pera dadalhin ka namin sa hospital.” Ang naiiyak ko sabi.
Taranta na ako ng mga oras na iyon. Umiiyak ako para mangutang. Kumakatok ako sa bawat bahay na makita ko para humingi ng tulong at magbakasakali na mangutang narin. Kung hindi galit ang sasalubong sa akin dahil iniistorbo ko sila ay pawang wala naman silang maibigay dahil gipit din sila. Luhuan akong bumalik dahil wala na akong pera dahil nabili ko na ng pagkain namin.
“Nanay Lucyyyyy!!” Ang narinig ko kay Tinyo ng papalapit na ako sa bahay. Dali dali akong pumasok kahit basang basa na ako dala ng buhos ng ulan.
“Kuya wala na si Nanay Lucy!!!” Ang sabi ni Tinyo.
Tiningnan ko si Nanay Lucy kung humihinga pa pero hindi ko na marinig kahit ang pagtibok ng puso nito. Kinuha ko siya at sinakay sa aking likod para sana dalhin sa hospital pero pinipigilan ako ni Tinyo.
“Kuya...wag na po...kanina pa po patay si Nanay Lucy nung umalis ka.” Ang sabi niya. Binalik ko na lang siya sa higaan niya at niyakap.
“Nanay Lucyyyyyy!!!” Ang sigaw ko.
Walang tigil na pagbuhos ng ulan gaya ng walang tigil na pagbuhos ng mga luha namin. Sobrang sakit dahil sa kanyang huling hininga ay wala akong nagawa. Hindi ko alam kung anong gagawin namin ngayong dalawa na lang kami ni Tinyo. Parang inisa isa ang lahat ng mahal ko sa buhay.
Nailibing naman namin si Nanay Lucy sa tulong ng Barangay namin at ng munsipyo ng Antipolo. Sisimulan namin ni Tinyo na makabangon sa pagkawala ni Nanay Lucy. Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat lahat ng ginawa ni Nanay Lucy.
Kinabukasan naman ay nakatanggap ng tawag si Justin sa kapatid niya at pinapapunta daw sila sa mental institution kung saan nakaadmit ang Mommy nila.
“Bakit po doc?” Ang sabi ni Justin ng patawagin sila ng doktor ng hospital.
“Your Mom is already brain dead. Kaninang umaga lang dineklara namin. Nahirapan siyang huminga. At ang intubator na nakalagay sa kanya ang sumusuporta sa kanya. Sa madaling salita ay patay na ang utak niya na kumukontrol sa kanyang katawan para gumalaw. Nasa inyo iyan kung pagpapatuloy pa natin. Pero mas lalo kayong mahihirapan kasi lumalaki rin ang gastos. Pag isipan niyo rin ito. Alam kong mahirap para magdesisyon kaya kung anuman ang desisyon niyo ay tatanggapin namin ng maluwag.
“Pwede po ba namin makita si Mommy?” Ang sabi ni Justin sa doktor.
“Sige papasama ko kayo sa Nurse.” Ang sabi niya.
Pinuntahan nila ang kinalalagyan ng Mommy nila. Awang awa na sila kasi nakasubo ang intubator sa kanya. Umiiyak na yumakap si Barbara sa kanyang kapatid dala ng naawa ito sa kanyang Mommy.
“Kuya si Mommy...” Ang naiiyak na sabi niya. Bumitaw ito sa pagkakayakap at umupo sa tabi ng Mommy niya. Kinuha ang kamay.
“Mommy, alam kong nahihirapan ka na sa kalagayan mo. Pero Mommy sabihin mo sa amin ang gagawin nahihirapan din kami. Ayaw namin na mawala ka pa. Hindi pa kami handa. Mom please don’t leave us!".
Umihip ang hangin sa magkapatid at nagkatinginan sila. Hindi nila alam pero isang lang ang kanilang nasa isip sumusuko na ang Mommy nila.
“Kuya naramdaman mo ba iyon? Si Mommy mukhang..” Ang naputol na sabi ni Barbara ng sumabat si Justin.
“Sumusuko na siya sa laban. Nagpapaalam na siya sa atin. Kailangan na natin magpakatatag. Tawagin mo na si Doc para sabihing sumasang ayon na tayong tanggalin ang intubator kay Mommy.” Ang seryosong sabi ni Justin.
At iyon nga ang nangyari. Tinanggal na ang intubator sa Mommy nila. Habang tinatanggal iyon ay panay ang iyak ni Barbara samantala si Justin ay tulala habang magkayakap sila ng kapatid niya. Sobrang sakit na pinagmamasdan mo ang Mommy mo habang tinatanggalan ng buhay niya. Magsisimula silang magkapatid na sa isa’t isa sila sasandal.
Nailibing nila ang Mommy nila pagkatapos ng limang araw. Sa Batangas nila ito nilibing kung saan nandoon nakahimlay ang puntod ng Daddy nila. Halos maubos ang kinita nila sa pagbebenta ng bahay nila sa Batangas para sa pagpapagaling sa Mommy nila at sinamahan pa iyon ng maagang pagkamatay ng Mommy nila. Kaya halos masimot na ang pera nila. Sasapat na lang iyon ng ilang taon siguro. Kaya nagdesisyon siya na huminto at maghanap ng trabaho.
Habang sa kinaroroonan namin ay nagsimba kaming dalawa ni Tinyo para magpasalamat sa biyayang binigay ng Maykapal sa amin at para humiling ng lakas na masimulan ang buhay na wala na si Nanay Lucy. Habang kami ay naglalakad ay may napansin kaming mahabang pila.
“Kuya ano yang mahabang pila?” Ang tanong ni Tinyo sa akin. Lumapit kami ng konti para makita kung ano iyon. Pilahan pala ng Lotto kaya pala maraming nakapila. Sinabihan ako ni Tinyo na tumaya kasi pakiramdam daw niya ay mananalo kami. Pinagbigyan ko ang hiling ng bata. Tumaya kami kahit alam ko suwertihan lang naman ito. Siya na rin ang pinapili ko ng mga numero.
Kinabukasan dumating si Tinyo may dala itong diyaryo at masayang dumating. Hinanap sa akin ang Lotto ticket at kinuha ko sa likod ng unan ko. Binasa niya sa akin ang resulta ng Lotto.
“07-08-15-21-25-40” Ang batang sabi niya sa akin. Nanlaki ang mata ko kasi iyon ang ticket namin.
“Ang premyo Kuya ay P4-5-5 mil-yon” Ang nahihirapan niyang pagbabasa. Lalo akong nanlaki sa narinig.
Spoiler Alert: Wala po muna.Hehehe..Sunod ko pong update 1/2/12.

4 comments:
happy new year too.... sayang hihinto si justin sa pag aararl nya at namatay pa ang mommy nya.... ang swerte naman ni oliver at tinyo nanalo sila sa lotto.... ito na ang simula ng pag babago ng kapalaran nila..... naku excited ako.... oliver dapat mag higante ka sa mga taong umapi sa u.... balikan mo sina kapitan at mang geogre....
ramy from qatar
Ang bilis ng phasing ng story ngayon...
Ayon may pera na si Oliver at Tinyo para masimulang mabago ang buhay nila.
...at masimulan na ang paghihiganti...
maswerte pala sia at kinupkop niya si Tinyo...ung mga napapalapit lang sa kanya ang hinde hehe...
Not everything that happens in your life has reason...but definitely it has a purpose....
Ross Magno at ramy from qatar..tinaon ko talaga na maging maganda ang pasok ng bagong taon para sa pagbabago ng buhay ni Oliver. Abangan niyo kung maghihiganti siya o hindi? (Spoiler yan!hahaha)
Once Again Happy New Year Guys!
Happy New Year too...
Post a Comment