Friday, December 2, 2011

NO ONE© PROLOGUE

Ito ay hango sa malikhaing isip ng writer. Wala itong kinalaman sa buhay ng isang tao. Kung sa tingin niyo ay may pagkakahawig hindi po intensyon, nagkataon lamang. Salamat sa oras na inilaan niyo at sana magustuhan niyo ang istorya.
______________________________________________

Sa bawat araw na dumadaan sa ating buhay ay iba’t ibang tao ang nakakasalamuha natin. Bawat taong ating makakatagpo ay tiyak maraming kuwento sa likod ng pagkatao nito. Hindi man natin sila makausap pero tiyak ko kapupulutan natin iyon ng aral oras na ibuka na nila ang kanila bibig para magsalita. Pero bakit nga ba iba iba tayo ng iniisip? Iba iba na nga ang hitsura natin iba iba pa tayo ng gusto sa buhay. Hay buhay nga naman ang hirap espelingin. (Parang babaeng mahirap espelingin!).

Hindi ko rin alam. Kung alam ko eh di sinagot na kita Bopols mo rin noh. (Sabi ng kabilang utak ko)

Ikaw ba ang tinatanong ko?

Aba sino ba pa? Alangan naman kaluluwa mo eh hindi naman siya nagsasalita.Hay naku.

Siya siya baka akalain niyo masyadong malalim ang istorya na ito. Siguro, baka, ewan kayo na ang mag isip. Hirap kayang magsulat. Balik na nga sa kuwento baka kung saan pa mapunta itong usapan.

Teka Mayroon nga ba? Parang wala pa namang nasisimulan. Ano ba yan? Author tumino ka nga.  

Si other side naman oh. Heto na nga hindi ako makapagsimula daldal ka kasi ng daldal eh.

Aba parang no other women lang ako ha. O well kung kasing ganda naman ako nila Cristine Reyes at Anne Curtis okey lang na ihambing mo ako sa kanya.

Oo kasi ganda ka nila.

Talaga? Buti naman sumang ayon ka siyempre tayo na nga lang magkakampi eh. Sino ba ang magdadamayan kundi tayo lang din.

Oo pag nakatalikod Cristine Reyes ka. Pero pag sa malayo Anne Curtis ka. Hahaha.

Haha..funny.

Napikon. Hahaha.

Dalian mo na lang diyan naghihintay na sila. Excited na kaya sila.

Yes boss!Heto na nga.

Pagpasensiyahan niyo na po si other side pahamak kasi. Siya balik ulit sa kuwento. Nasaan na nga ba tayo? Ah oo sa likod ng pagkatao nila. Nakakapagtaka lang talaga yan din kasi ang tanong ko na matagal ko ng hinahanap hanggang ngayon. Hayaan niyo muna iyon pero baka mamaya lang din ay masagot ko iyon.

Ako nga pala si Dr. Lance Peter Smith, 33 years old na ako. Isang Psychiatrict doktor. Nagpakadalubhasa ako sa US. 5 na taon na akong naninirahan dito sa Pilipinas. Wala pang asawa at nagbabakasakaling makita ko na ang taong hinahanap ko na lagi kong napapanaginipan.

Matagal ko na siyang hinahanap simula ng dumating ako. Pero mukhang malabo ko na siyang makita. Hindi ko kasi alam kung paano ako magsisimula. Lagi ko kasing napapanaginipan. Wala namang mukha baka kung ipapulis ko pa ay mapagkamalang baliw ako. Mahirap na. Doktor pa man din ako sa utak.

Nagtatrabaho ako dito sa Laguna. May isang lugar na pinatayo para sa mga nababaliw at katatayo lang sa di kalayuan sa isang siyudad sa Laguna. Hindi ko na babanggitin pa ang lugar kasi isa itong tagong lugar para hindi matakot ang ibang tao sa lugar na iyon. Pinatayo iyon ng gobyerno. Kasi masyado na daw dumarami ang mga taong nababaliw sa hindi malamang dahilan. Ang hirap kaya ng propesyon ko. Pero masaya ako na may napapagaling ako. Kung itatanong niyo lang ay isa ako sa mga Pilipinong dalubhasa na pinarangalan dahil sa husay ko sa paggagamot ng may sakit sa utak. Sunod sunod kasi ang mga pag aaral ko na ginagawa. Mayroon din akong mga librong nilathala para sa iba’t ibang kondisyon na ako mismo ang nakatuklas sa mga paraan na iyon. Kasi nasubukan ko iyon sa aking mga naging pasyente. Wala pa namang pumapalpak.

Kilala rin ako dito sa Pilipinas at ginawaran ako ng parangal ng Presidente dahil sa tagumpay ko na iyon. Pinagmamalaki ko talaga iyon kasi sa bata kong ito marami na akong parangal na nakuha. Punong puno ang isa kong kuwarto na talaga naman pinagawa ko lang para sa mga parangal na nakuha ko dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kagabi galing lang ako sa munisipyo. Binigyan kasi ako ng isang parangal bilang isa sa natatanging indibidwal sa siyudad kung saan ako nakatira. Pasensya na po talaga kung hindi ko masabi ang lugar kasi magkakaroon kayo ng ideya pag sinabi ko na ang lugar na iyon. Baka puntahan niyo pa ako. Mahirap na.

Papunta na ako sa lugar ng pagtatrabahuhan ko. Gamit ko ang sasakyan ko para pumunta doon. Ang bahay ko nga pala ay pinasadya ko sa isang arkitektong kilala ko sa US. Isa kasi iyon sa pamilya ng pasyente kong napagaling ko. Siyempre may diskwento ako noon. Tatlong palapag ang bahay ko. Malaki para sa katulad ko pero ito talaga ang pangarap ko. Tinupad ko lang. Nasa subdivision din ito na makikita sa Laguna. Malayo sa aking pinagtatrabahuhan. Pero pwede naman kasi akong pumunta kahit na anong oras kasi mataas naman ang posisyon ko doon sa pinagtatrabahuhan ko.

Balik tayo sa bahay ko. Sa ikatlong palapag, makikita ang game area. May billiards, dart at kung ano ano pa. At may terrace na malaki doon. May small garden ako na nakapalibot sa isang jaccuzi na nasa ikatlong palapag din. Sa pangalawang palapag naman ang master bedroom at 4 pang kuwarto. Sa unang palapag ay sala, kusina, dining area, may theater room din akong ginawa para malibang ako. At 2 kuwarto para sa aking mga katulong. Sa gitna ng bahay ay may receiving area iba pa ang sala at mapapansin mo iyon pagbukas ng main door at mas lalong pinaganda ng isang malaking chandelier sa gitna. Sa kaliwa ang hagdan papuntang 2 at 3 palapag. Kahilera noon ay sala at theater room. Sa likod naman ng receiving area ay dining area at sa kanan namang ang kusina at mini bar. Sa pinakalikod naman ng bahay ko ay isang swimming pool at garden. At sa kanang bahagi ng aking bahay ay garahe. May kasama akong aso na ang pangalan ay si Potpot. Nakakatuwa siya kasi ang laki nitong aso. Ang breed niya ay St. Bernard. Iyon lang ang maibabahagi ko tungkol sa bahay ko.

Tama na nga iyan baka sabihin niyo mayabang ako. Hindi naman. Pinaghirapan ko din iyan. Sobra ko kayang pinag ipunan iyan. At buti naman nagbunga ang pagtitipid at paghihirap ko. Siya nandito na tayo sa trabaho ko. Ang haba kasi ng kwento ko sa inyo kaya nakarating na tayo sa lugar ng trabaho ko.

“Good morning Doc!”Ang masiglang bati ni Mang Jerry. Isang Security guard. Nagtanggal pa ito ng suot na sumbrero.

“Good morning din Mang Jerry. May bago bang pasok?”Ang bati ko sa kanya.

“Ah Doc wala pa po akong napapansin simula kanina ng pumasok ako. “Ang tugon niya sa tanong ko.

“Ah ganun ba sige.Punta na ako. Iparada ko lang itong sasakyan ko. Una na ko.”Ang sabi ko. Bago umalis at tumungo sa paradahan ng mga empleyado.

Malaki ang lugar ng pinagtayuan ng gobyerno. Isang itong bahay na malapalasyo gaya ng Malacañang. Parang kasing laki rin naman. Sa pinakagitna ang guard house bago ang gusali. Sa kaliwang bahagi ang entrance at sa kanan naman ang exit. Pagpasok mo ay may garden bago ang malaking fountain sa gitna at tapos ay iyon na ang Malapasyong bahay. Since wala namang bisita dito sa harap ng bahay ay doon ka na pwedeng pumarada.

Bumaba na ako matapos kong maiparada ang aking sasakyan. Marami pa akong titingnang pasyente. Pagpasok na pagpasok ko ay makikita mo isang reception area. Nasa gitna iyon bago ka makapasok. At sa gilid ay may glass door na nasa kaliwa at kanan nito. Sinisiguro lang na wala talagang makakalabas na pasyente. Mahirap na baka kung ano pang gawin ng taong wala sa sariling pag iisip.

“Hi grace, may bago ba tayong admit ngayon?”Ang nakangiti kong sabi.

“Hello po Dr. Smith. Wala po tayong bagong admit. Medyo nababawasan nga eh. Kasi hanggang ngayong araw wala pa tayong naadmit na bago. Hindi katulad last week. Na sunod sunod ang dating. Matumal nga ngayon eh.” Ang sabi nito sa akin.

“Ginawa mo namang tindahan ng palengke ito. Ikaw talaga Grace. Pasalamat ka nga dahil nababawasan sila.” Ang pagsuway ko dito.

“Ito naman si Doc para namang others. Hindi na mabiro. Pinapangiti lang kita Doc.” Ang malanding sabi nito sa akin.

“O siya siya..baka kung saan pa ito mapunta. Pasok na ako. Titingnan ko muna ang mga records ng ibang pasyente dito kung may pwede tayong pauwiin na.” Ang sabi ko. Sabay alis na at pumasok na sa loob.

Pagpasok na pagpasok mo pa lang ang dami ng nakakatawang eksena ang makikita mo. Sa kaliwa ko may kausap yung isang baliw na katulad niya.

“Hoy ikaw baliw. Anong sabi ng Doktor sa iyo? Dito ka na lang ba habang buhay. Hindi ka na ba titino?” Ang sabi ng baliw #1 na pasyente.

Yung baliw na pasyente #2 ay nakatulala. Hindi naman iyon nagsasalita. Natrauma iyon ng masunog ang pamilya niya. Siya na lang ang natirang buhay. Pumasok na iyon dito na ganyan na siya. Ito ay base sa mga impormasyon na binigay sa amin ng hospital na nag endorso sa amin.

Sa kanan naman ay may 2 pasyente ang naghahabulan.

Pasyente1: Asan ka Darna papatayin kita? Ako si Valentina ang mortal mong kaaway. Hahaha.

Pasyente2: Ding ang bato! Sigaw niya at kinuha nito ang hinlalaking daliri at sinubo at sumigaw ng “Darna”.

Natutuwa ako sa nakikita ko. Hindi ko na kailangang pumunta ng comedy bar dahil dito palang solve na ako. Siyempre bilang isang propesyonal hindi ko pwede silang pagtawanan. Saka sa taas ng posisyon ko baka may magreport sa akin. Masayang lang ang aking pinaghirapan.

Sa unang palapag ng gusali tayo. Sa kaliwa ay kainan at sa kanan naman ay isang malaking kuwarto para sa mga aktibidades ng mga NGO na pumupunta dito. Sa likod nito ay hagdan na papuntang itaas. May pader na nakatayo sa likod ng hagdan.Iyon ang nagsisilbing lagusan palabas sa likod ng bahay. Sa likod kasi ng bahay ay lutuan at isang malaking garden para pag ehersisyuhan ng mga pasyente.

Dumiretso na ako sa aking opisina. Nasa pangalawang palapag kasi iyon. Pag-akyat na pag-akyat ko ay iyon na ang opisina ko. Doon din makikita ang mga kuwarto ng mga pasyente. May kanya kanyang banyo ang bawat kuwarto ng mga pasyente. Kung nakapasok kayo ng pampublikong hospital ay ganon ang kuwarto ng gusali. Malalaking kuwarto iyon na pwedeng maglaman ng 100 na higaan. 4 na kuwarto ang ganoon. So bale nasa 400 na higaan ang nandoon. Pero nasa 300 lang ang okupado.

Pumunta na ako sa opisina ko para magcheck ng mga records ng mga pasyente.7 kaming doktor na nagtatrabaho dito. Halos matatanda na ang mga kasama ko. Nasa 55 ang pinakamatanda. Ako ang pinakabata dito. Since special cases ang nandito kaya halos ang mga pinakakilalang doktor sa larangan ng utak ang pinapasok dito. Sapat naman ang mga nakukuhang benepisyo ko dito. Kaya ng bumuhay ng isang pamilya. Pero sa estado ng aking katayuan pwede kahit ilan. Yabang ko noh. Hindi naman hehehe! Ako ang pangalawang may pinakamataas na may hawak ng isang departamento dito sa trabaho ko. Kaya nasabi ko iyon.

Biglang pumasok si Nurse Joy. Mukhang badtrip na naman kasi naka assign siya sa mga bastos na pasyente. Nanghihipo kasi ng kung ano anong parte ng katawan ang mga pasyente niya. At mga exhibitionists. Tinanong ko siya.

“Oh mukhang badtrip ka na naman ah Nurse Joy anong kwento mo ngayon?”Ang asar kong sabi dito.

“Naku doc. Si Manuel nagmasturbate ba naman sa harap ko. At iyong si Bart ay binutasan yung unan niya. Pinasok niya ang alaga niya.Ginawa ba namang mani ng babae. Hay ang babastos talaga.” Ang galit na galit na sabi ni Nurse Joy. 45 years old na ito. May asawa at 2 anak. Matabang babae.

“Ikaw naman parang hindi ka na sanay. Bukas ano kaya ang gagawin ng iba mo pang pasyente?” Ang biro ko dito.

“Naku doc kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho ay aalis ako. Hindi pa kasi ako nakakaipon eh. May sakit ang bunso ko. Kaya naubos ang ipon ko. Nanghihingi kasi ng placement fee ang agency na kukuha sa akin sa ibang bansa.” Ang sagot nito sa akin.

“Ganon ba..okey lang yan. Makakaraos ka rin.” Ang malamig kong sabi sa kanya. Napabuntong hininga siya sa sinabi ko.

“Sige doc punta muna ako sa iba ko pang pasyente. Nagpalamig lang ako ng ulo. Sige doc.” Ang paalam nito sa akin.

Alam ko naman kasing mangungutang iyon sa akin. Kaya pumunta iyon sa table ko. Marami ng utang iyon sa akin. Hinahayaan ko na lang. Paulit ulit na lang kasi ang sakit ng mga anak niya. Nung isang linggo lang yung panganay niya ngayon naman ang bunso niya. Ganyan yan lagi. Linggo linggo may sakit isa sa mga miyembro ng pamilya niya. Nakakasawa na. Akala ko noon okay siya. Okay siya pag may kailangan yan pero pag sinisingil na ay dedma. Kaya sinabi ko sa sarili ko last na ang pagpapautang ko sa kanya last last month pa yun. Hindi ko nga alam kung saan siya nakakautang. Baka doon sa mga nursing aide. Aside kasi sa mga nurse. May nursing aide din kami. So ang total na nandito ay 15 nurses at 45 nursing aide. Sila lagi ang nasa tabi ng pasyente. Siyempre kaming mga doktor hindi laging nakikipag usap sa mga pasyente. Busy kami sa pagreresearch sa puwedeng gawin sa mga pasyente namin. Maya maya ay may pumasok na isang nurse. Si Nurse Jocel. Humahangos.

“Nurse Jocel, bakit humahangos ka? Anong nangyayari?” Tanong ko.

“Ah kasi yung isang pasyente natin. Si Tinyo nagwawala doc. Nag iiyak hindi namin maawat.” Ang tarantang sabi niya sa akin.

“Ah ganun ba sige. Puntahan ko na lang. Tutal sa akin naman siya naka assign.” Ang sabi ko dito.

“Sige po pero baka kung mapano kayo. Sasamahan na lang namin kayo doc.”Ang sabi nito sa akin.

“Ok sige tara na. Baka may mapahamak pang ibang pasyente. Magdala ka na rin ng pampakalma kung hindi ko siya mapapahinto sa pagwawala nito.” Ang sabi ko kay Nurse Jocel.

“Ok po sunod na po ako. Kunin ko lang po yung pampakalma.” Ang sabi niya. At ako ay tumayo para puntahan si Tinyo.

Habang papalapit na ako sa kuwarto kung saan si Tinyo ay may malakas na sigaw na akong naririnig. Mukhang galing na nga iyon kay Tinyo. Hindi nga ako nagkamali sa akala ko. Dahil sa kanya galing ang ingay na aking naririnig. Pagpasok na pagpasok ko ay nakita ko itong nagwawala at umiiyak.

“Bitawan niyo ako. Gusto kong makita si Justin..Ilabas niyo si Justin..Justin asan ka na? Bakit mo ako iniwan...Justinnnn....Justinnnn!!!” Ang nagwawalang sigaw niya.

Maya maya ay umiyak ito. At ako naman ay biglang nagsalita.

“Anong nangyayari dito?” Ang medyo napalakas na boses ko.

Nagkatinginan silang lahat sa akin. Pati si Tinyo ay nahinto sa kaiiyak.

“Doc kasi si Tinyo nagwa...” Ang naputol na sabi ni Anghelo. Isang nursing aide. Biglang sumigaw si Tinyo.

“Justin!!!!” Ang sigaw niya at nakatingin siya sa akin. Tumayo ito. Parang tuwang tuwa sa nakita. Pipigilan sana nila si Tinyo pero sinenyasan ko na wag na. Parang sinasabi ko na ok lang. Ako na ang bahala.

Tumakbo ito palapit sa akin. Tuwang tuwa na parang batang nawalay sa mga magulang. At ngayon lang niya nakita. Yumakap bigla sa akin na hindi ko na rin ikinagulat. Dahil lagi niya itong ginagawa sa oras na makita niya ako. Hindi ko rin alam kung bakit.

“Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako naghihintay sa iyo. Matutulog na tayo.” Ang batang sabi nito sa akin. Nakayakap pa rin ito. Sinakyan ko naman ito.

“Pasensya na may ginawa lang kasi ako. Tara tulog na tayo.” Ang sabi ko dito.

“Yehey!” Ang tuwang tuwa na sabi niya. Nagtatalon ito. Natuwa naman ako. Saka ko siya sinamahan sa higaan niya.

Inaayos ko ang kanyang pagkakahiga. Tumabi sa kanya. Niyakap niya ako. Ewan ko pero sa tuwing ginagawa niya ito iba ang pakiramdam ko sa kanya. Hanggang sa ipaghele ko siya na parang bata at ng makatulog ay pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha. Hindi mo aakalain na may sira siya sa utak kasi may hitsura ito. Ibang iba sa pasyente nandito na sobrang yagit kung tingnan kasi siya sobrang iba. Iba rin ang karisma niya sa mga dumadayo. Panay ang tingin sa kanya kahit ng mga katrabaho ko.

Hindi ko namalayan na hinahaplos ko na pala ang mukha at buhok niya. Hanggang sa makarinig ako ng bulungan sa hindi kalayuan.

“Ano kayang gayuma ang pinainom ni Dr. Smith? Sa kanya lang tumitino si Tinyo.” Ang sabi ng kasamahan ni Anghelo.

“Hoy tumigil ka nga diyan. Baka marinig ka ni Dr. Smith. Masisante ka!” Ang banta niya sa kasamahan.

Napatingin ako sa kanila. Bigla naman silang nahiya at yumuko at umalis na sa kuwarto. Ng masiguro kong okay na si Tinyo saka ako tumayo. At bumalik sa aking opisina.

Hindi ko rin alam kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko kay Tinyo. Parang may naaalala kasi ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano iyon. Malalaman ko pa kaya iyon? Napapanaginipan ko kasi. Hanggang ngayon ay malabo pa rin. Umaasa ako isang araw na may makakasagot ng lahat ng ito.

9 comments:

Ross Magno said...

Good start Mr. J!

Tunog foreigner ang pangalan ni Dr. Smith ah.

Parang naintriga ako bigla kay Tinio, pinoy na pinoy ang palayaw...

Mukhang may malaking role sia sa story mo.

Good luck...

Unknown said...

@Ross Magno: Yan ang dapat mong abangan. hehehe..baka magkaroon ka ng idea pag nagsalita pa ako at makakuha ka ng clue.Hehehe..Salamat sa pagbabasa ng aking akda.

Ross Magno said...

Kahit naman mayroong clue at medyo nahuhulaan ko na yung flow ng story...patuloy ko pa ring babasahin yan. Kasi mukhang nakakaintriga at para patunayan na rin yung hinala ko...hehe.

Unknown said...

@Ross Magno:Okay sabihin mo sa akin pag tama yung hinila mo..hehehe.

Lawfer said...

nice start :)

Unknown said...

@Rue: Tnx a lot. Sa 12-5-11 ang sunod na update ko.

Ross Magno said...

next time na lang pag-aaralan ko muna...haha...

Unknown said...

@Ross Magno: Walang problema yun..baka lang naman tama yung hinala mo.Malay mo lang...hehehe.

Anonymous said...

excited na ako sa susunod na chapter mukhang may masamang mangyayare kay oliver

ShareThis