Andito na naman po ang inyong lingkod. Magbibigay ng maikling patalastas. Una sa lahat ay ako ay lubos na magpapasalamat sa inyong walang sawang pagbabasa sa aking akda. (Kahit na paulit ulit na ito). Pasalamatan ko lang sina ramy from qatar, Ross Magno, master_lee#27, robert_mendoza94@yahoo.com, JDS from Kuwait
at Rue. Ayan dumami na rin kayo rito sa aking blog. Pasok lang kayo. Wag kayong mahiya.
Pangalawa ay natutuwa ako sa inyong mga reaksiyon sa aking istorya. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo. Na simula pa lang ng kwento ko ay DARK at EXTREME na ang nangyari sa buhay ni Oliver. Sanay kasi tayo na makabasa ng mga madalas at lagi nating nakikita sa lipunan. Pasensya na kayo kung sa tingin niyo ay hindi umaakma sa panlasa niyo ang aking kwento. Ang gusto ko lang ay ipakita sa inyo ang hindi natin nakikita sa ating lipunan. Kung talagang asar na asar na kayo sa kwento ko okay lang iyon sa akin kasi alam kong nadadala lang kayo. Pero sana maunawaan niyo na hindi ito isang kwento na madalas na binabasa niyo sa iba't ibang BLOG. Gusto ko lang maiba. Gusto ko lang ipakita sa inyo ang OTHER side ng lipunan na hindi natin madalas nakikita. Marami pa akong rebelasyon na ipapakita sa inyo. Malapit na tayo sa tinatawag na CLIMAX ng kwento. Kaya sana pagbigyan niyo ang aking HILING na tapusin niyo ang aking kwento at doon kayo magbigay ng KURO KURO niyo.
Nakikinig naman ako sa inyong mga hinaing. Hindi ako bingi o nagbubulag bulagan. Ramdam ko rin ang sintimiyento niyo. Kaso ito ang gusto kong mangyari sa aking istorya. May binabago nga ako minsan sa bawat kabanata para kahit paano umakma sa inyong panlasa. Kaya lang sana maunawaan niyo rin kung bakit ganito ang daloy ng kwento ko. At doon pala sa nagsabi na kahalintulad ng kwento nito ang isang BLOG site pasensya na po nabasa ko iyong site na sinasabi mo. At sinusubaybayan ko iyon. MULTIPLE PERSONALITY DISORDER ang topic doon. At ibang klase ng paghihiganti naman po ang ginawa ng Author doon. Sana po naliwanagan ka. Hanggang dito na lang po. Enjoy!
______________________________________________
Inaayos ko ang mga gagawin ko sa aking pagbabalik. Pinag aralan ko muna ang lahat lahat para maging maayos ang pagbabalik ko. Pinapunta ko ang aking attorney sa aking opisina.
“Attorney pinatawag kita sa isang mahalaga bagay. Gusto kong makuha ulit ang mga pagmamay-ari ng mga magulang ko. Kinuha ito sa akin ng mga umampon. Wala silang karapatan doon. Hindi ko alam kung mayroon pa akong habol doon.” Ang sabi ko sa kanya.
“Kailangan lang nating patunayan sa korte na hindi sa kanila iyon. Baka dinuktor nila ang ilang mga papales. Pwede nating hanapan ng butas iyan. Kasi kung hindi nila mapapatunayan na sa kanila talaga ang lupa may habol ka.” Ang sabi niya.
“Sige po attorney. Kung maari po lamang kayo po muna ang pumunta sa aking kinalakihang lugar para po matingnan niyo ang lahat ng dokumento at pag nalaman niyo may posibilidad na makuha ko iyon ay tawagan niyo po ako kaagad at ng makapunta ako doon. Gusto ko kasing sorpresahin sila. Titingnan ko ang reaksiyon nila sa aking pagbabalik.” Ang sabi ko.
Mahalaga sa akin ang lupa na iyon. Pero dahil isa ito sa matatamaan ng project ng kumpanya ay wala akong magagawa kundi ibigay ito sa kanila para mapakinabangan. May porsiyento naman akong makukuha kasi kung mapatunayan na sa akin ang lupa dadagdag ito sa aking kayamanan.
Matapos ang aming pagkikita ni Attorney ay kinausap ko si Justin para malaman ang mga kaganapan sa probinsiya kung mayroon pa siyang alam sa mga taga doon.
“Uhmm Justin, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Kamusta ang mga umampon sa akin?” Ang tanong ko sa kanya.
“Ang balita ko ay laging nag-aaway sina Aling Martha at Mang George. Nakatira pa rin sila sa iisang bahay pero hiwalay na ng tulugan. Nandidiri siya sa kanyang asawa simula ng...”Ang hindi na natigil na sabi ni Justin. Alam ko naman ako ang may kagagawan. Okay lang iyon. Mabuti naman kasi ganyan talaga ang napapala ng mga hayok sa sex.
“Ok lang..sige anything else.” Ang sinabi ko na lang.
“Hindi nga pala natuloy sa ibang bansa si Aling Martha kasi naloko siya ng recruiter. Naubos na ang natitirang pera nila. Ang talyer ni Mang George ay napabayaan na. Hindi na inooperate. Laging lasing si Mang George at puro utang na raw sila.” Ang dugtong niya.
Karma na nila iyan. Natutuwa ako na mas mabilis kong makukuha ang mga ari arian ng aking mga magulang. Ngayon pa lang panalo na ako.
“Si Camille kamusta na?” Ang tanong ko. Napahinto siya at natagalan bago magsalita.
“Si Camille maagang nag asawa dahil nabuntis siya ni Luther. Siya rin ang ama ng dating pinagbubuntis noon ni Camille. Na ating inakala na ako ang ama.“ Ang sabi niya at napayuko siya.
Ngayon talaga palang si Luther ang ama ng dinadala noon ni Camille. Malandi talagang babae na iyon. So nagpakasal pala sila ni Luther.
“Siguro ngayon Justin alam mo na kung sino ang nagsasabi ng totoo? Hindi ko magagawa ang mangbintang ng masama sa kapwa. Mas masakit na si Camille pa ang mas pinaniwalaan mo kaysa sa akin. Ako na matagal mo ng kakilala. Ako na laging nandyan sa tabi mo. Ako na minahal ka pero mas pinili mo pa rin ang magpakatanga sa babaeng iyon.” Sa isip ko.
“Sige makaaalis ka na.” Ang sabi ko na lang. Kasi naiiyak na ako. Ayokong makita niyang mahina ako. Ayokong makita niya akong kinakaawaan. Ayokong makita ang taong pinahalagahan mo ng higit pa sa buhay mo pero nagawa ka pa ring itakwil.
At umalis na si Justin sa aking opisina. Hindi ko alam kung magagalit ako o matutuwa sa aking narinig. Sa kabilang banda ay naawa ako sa kanyang sinapit dahil naging tanga siya at naniwala sa babaeng wala naman ibang alam gawin kundi ang kumerengkeng.
Pero sa kabilang banda rin ay natutuwa ako sa aking mga narinig. Siguro ay ito na ang karma sa pamilya nila Aling Martha. Hindi ko magawang kaawaan sila kasi kulang pa iyon sa aking dinanas. Kung alam lang nilang lahat ang aking pinagdaanan maliit lang iyon kumpara sa kanila.
Hindi ko palalampasin itong pagkakataon na makaganti sa mga kahayupang ginawa nila sa akin. Ngayong may pera na ako. Mas lalong sumisidhi ang aking damdamin para gawin ang noon ko pang planong paghihiganti.
Iisa isahin ko sila. Lahat ng may atraso sa akin. Lahat lahat. At pati ang lahat ng pwedeng sumagabal sa aking plano ay pwedeng kong ligpitin. Humanda na sila sa nalalapit na hukom para sa kanila. Uunti untiin ko ang aking paghihiganti.
Wala na akong inaksaya pang panahon. Lagi akong tumatawag sa aking attorney para malaman ko kung anong balita sa aking pinapagawa.
Hirap siyang makausap ang mag-asawa dahil ayaw daw makipag usap sa kanya. Laging nagtatago simula ng may hanapin silang kaukulang dokumentong nagsasabing sa kanila ang lupang kanilang tinitirhan.
Naamoy ko na may mali na nga. Na alam kong hindi sila nagsasabi sa akin noon na nakuha na nila ang pagmamay ari ng aking mga magulang kundi kinuha nila ito ng sapilitan sa akin. Mga walang hiya talaga imbes na ako ang nakikinabang sila ang nakinabang. Humanda talaga sila.
“Josephine papasukin mo si Justin dito.“ Ang sabi ko sa aking telepono ng kausapin ko ang aking sekretarya. Mga ilang saglit lang ay dumating si Justin.
“Sir pinatawag niyo po daw ako.” Ang magalang na sabi niya sa akin.
“Oo ihanda mo ang sasakyan aalis tayo papunta sa Batangas. Dadaan muna tayo sa condo para magpaalam kay Tinyo at dumaan na rin tayo sa inyo para kumuha ka ng mga gamit mo. Baka matagalan tayo sa ating pagbabalik.” Ang sabi ko sa kanya.
Bumaba na ako ng buliding para hantayin si Justin. Maya maya ay dumating na ito sakay ng aking sasakyan. Pumunta na kami sa aking condo para kumuha ng gamit at magpaalam kay Tinyo. Habang nasa sasakyan kami ni Justin ako ay nagulat sa sinabi nito.
“Oliver nabalitaan mo ba ang nangyari kay Albert? Tama ba yun yung car agent mo?” Ang tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.
“O bakit anong meron?” Ang maang maangan ko.
“Patay na siya. Napatay na siya ng kapwa preso niya. Nakakagulat ang nangyari sa kanya. Una pinakulong siya dahil nagnakaw ng pera ngayon patay na dahil nagwala ang presong kasama niya. Balita kasi sa tv na nagkaroon sila ng konting pagtatalo. Naawa rin ako kahit paano sa kanya.” Ang sabi nito.
“Wala akong pakialam. Bagay lang iyon sa kanya. Kung ako doon mas malala pa ang gagawin ko sa kanya.” Ang aking nasabi. Napatingin sa akin si Justin.
“Anong ibig mong sabihin?” Ang usisa ni Justin. Napahinto ito sa gitna ng kalsada.
“Wala. Magmaneho ka na lang. Tingnan mo may mga sasakyan ng bumubusina sa atin.” Ang naiinis kong sabi. Busina ng busina naman ang mga ibang sasakyan sa likod namin.
“Justin..ano ba? Nakaharang na tayo sa daan. Dalian mo.” Ang pagalit kong sabi sa kanya.
Dali dali na nga siyang nagmaneho para hindi maging sagabal. Hindi na rin siya nakipag usap sa akin. Ng Sulyapan ko siya mukha siyang seryoso. Pero wala akong paki sa kanya. Ang importante walang sagabal. Gusto ko lang mabuhay ng walang problema. Hanggang sa nakarating kami sa condo ko.
“Kuya saan ka pupunta?” Ang sabi niya ng makita akong nagbabalot ng damit ko na gagamitin sa aking pagbabalik sa aming probinsiya.
“Tinyo iiwan muna kita dito sa kasi may lakad ako. Trabaho ito kaya hindi muna tayo magkikita ng ilang araw.” Ang sabi ko dito. Nakita kong lumungkot ang mukha niya. Niyakap ko siya.
“Wag ng malungkot tatawag naman ako sa iyo saka kumuha ako ng pansamantalang katulong hangga’t hindi pa ako nakakauwi para may kasama ka dito.” Ang sabi ko.
“Kuya sama na lang po ako please.” Ang nagsusumamong sabi niya.
“Paano namang pag-aaral mo?” Ang sabi ko.
“Kuya sige na po please.” Ang nagmamakaawang sabi niya sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang tumango. Hindi ko kayang humindi kay Tinyo. Hindi ko alam kung anong gayuma ang mayroon si Tinyo para mapaOO ako sa kanya.
“Sige na nga basta wag kang makulit doon.” Ang nakangiti kong sabi.
“Yehey!” Ang masayang masayang sabi niya sa akin. At kasabay noon ay hinalikan ako sa aking pisngi.
Napakalambing talaga ni Tinyo sa akin. Pag napapagbigyan siya ay hinahalikan ako. Kaya baka mamaya ay masanay ako sa kakahalik niya sa akin.
Wala na kaming sinayang pang panahon. Tinulungan ko si Tinyo na magimpake ng mga damit niya. Sinabihan ko rin ang tutor niya na tatawagan ko na lang siya kung kailan kami makakabalik at oras na makabalik kami ay magdadagdag na lang kami ng oras para mahabol ang oras na nasayang. Pumayag naman siya.
Sinabihan ko rin si Josephine na ngayon araw ang punta ko sa Batangas at baka matagalan ako. Kaya kung may meeting man ay siya o si attorney ang pupunta para sa akin. At kung may pipirmahan ako ay sa pagbabalik ko na ito mapipirmahan at kung urgent ay iemail na lang sa akin para mapirmahan ko. Magdadala na lang ako ng printer na magaan dalhin para kung magamit namin sa trabaho.
Ng masiguro na okay lahat ay sinabihan ko na si Tinyo bumaba na kami para puntahan na namin si Justin. Kasi pupunta pa kami sa kanyang tinutuluyan dito sa Maynila. At ng makasakay na kami ng sasakyan ay pumunta na kami sa bahay nila Justin. Ngayon lang ako makakapunta sa kanilang tinitirhan.
Apartment type ang bahay nila na malapit sa UST. Kung saan nag-aaral ang kapatid niya. Okay naman kahit papaano. Hindi na ako bumaba kasi mainit sa labas. Saka gusto ko munang mag-usap ang magkapatid ng masinsinan. Hindi ko alam pero mukhang natagalan ata sila ng kapatid niya sa pag-uusap. Nabagot ako at bumaba para puntahan sila.
“Kuya sinabi mo ba kay Kuya Oliver ang lahat?” Ang sabi ni Barbara sa kapatid.
“Hindi pa panahon Barbara saka baka isipin niya na sinabi ko ito para kaawaan niya ako at balikan. Hayaan na lang natin na gawin ko ang nararapat para bumalik ang tiwala at pagmamahal ni Oliver sa akin.” Ang sabi ni Justin.
“Kuya naiintindihan kita ngunit mas lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo. Kasama mo nga siya pero parang iba na siya sa iyo. Kuya wag mong hayaan na mawala ulit sa iyo si Oliver kung itong pagsasabi mo sa kanya ng lahat lahat ay para buksan ang isip niya. Hindi para kaawaan ka. Kaya Kuya pag isipan mo. Kailangan din niyang malaman ang lahat lahat.” Ang mahabang sabi ni Barbara.
Nasa ganoon silang pag uusap ng magpakita ako sa kanila. Nagulat sila na parang nakakita ng multo. Natawa naman ako sa kanilang hitsura.
“Uhm sorry naistorbo ko yata kayo sa pag uusap. Sige tuloy niyo lang. Nabagot kasi ako sa loob.” Ang pagpapaumanhin ko.
“Sir Oliver tapos na po kaming mag usap.” Ang sabi ni Justin.
“Kuya Oliver baka gusto mong magmeryenda muna bago kayo umalis.” Ang alok ni Barbara sa akin. Ngayon ko lang siya narinig na tumawag sa akin na Kuya. Noon kasi hindi niya ako tinatawag na Kuya kundi parang ibang tao ang turing sa akin.
“Uhmm hindi na. Hindi naman din kami magtatagal. Babalik na lang ako sa kotse.” Ang palusot ko. Sabay tumalikod ako sa kanya at akmang aalis na ng magsalita ulit si Barbara.
“Ah Kuya Oliver..” Ang sabi ni Barbara. Napalingon ako.
“Hmmmp ano yun?” Ang sabi ko.
“Sorry sa lahat. Sana mapatawad mo ako.” Ang sabi niya.
Ngumiti lang ako. Tanda na wala iyon sa akin. At tumalikod. Dumiretso na ako sa sasakyan. Narinig ko namang nagpapaalam na si Justin sa kapatid niya.
“Sige Barbara mauuna na kami. Pasensya ka na ha. Hindi muna ako makakauwi baka matagalan ako. Uuwi ako sa probinsiya natin. Nasa taas ang atm ko. Alam mo naman ang PIN so doon ka na magwidraw kung may kailangan ka.“ Ang habilin ni Justin sa kapatid niya.
“Sige Kuya mag iingat ako. Kayo rin ingat kayo.“ Ang sabi ni Barbara.
Hindi ko alam pero naawa ako sa kalagayan nila. Hindi ganun karangya ang buhay nila ngayon kumpara noon. Kaya sa pagbabalik namin ay sosorpresahin ko silang magkapatid. Tinulungan naman nila ako kahit papaano. Gusto ko rin naman mamahagi ng aking napanalunan. Hindi naman iba sa akin ang pamilya ni Justin.
Sumakay na ako sa sasakyan at nakita ko nakasunod na pala sa akin si Justin. Si Tinyo naman ay naglalaro ng PSP niya. Ewan ko kung naiinip na siya.
“Kuya Oliver aalis na po ba tayo?” Ang sabi niya.
“Naiinip ka na ba bunso?” Si Justin. Aba feeling close kay Tinyo.
“Hindi naman po.” Ang nahiyang sabi ni Tinyo.
“Pasensya na ha bunso kasi nag usap pa kami ng kapatid ko.” Ang sabi niya.
“Okay lang po.” Ang ngiting sabi niya kay Justin.
Umalis na kami. Medyo malayo rin kasi ang lugar na iyon at saka baka gabihin pa kami sa daan. Tanghaling tapat na kasi kami nakarating sa bahay nila Justin dala ng traffic na rin ang papunta sa bahay nila.
Naghanap kami ng hotel na tutuluyan namin. Isang kuwarto na lang ang kinuha namin kahit ibabalik ng kumpanya ang aming nagastos. Okay lang naman kay Justin na sa lapag siya matutulog. Naghabilin na lang ako na dagdagan ang comforter ng aming kuwarto para rin kay Justin iyon. Kami ni Tinyo ay magkatabi sa kama.
Gabi na rin kasi kami nakarating sa Batangas. Kumain na kami ng hapunan sa hotel para bukas ay makapunta kami doon sa site project. Bukas din darating si Attorney para puntahan ang dati naming bahay.
“Kuya Oliver di po ba dito kayo pinanganak?” Ang sabi ni Tinyo sa akin.
“Oo bakit mo naman natanong?” Ang sabi ko.
“Makikita ko na po ang bahay niyo?” Ang sabi niya.
“Hindi ko pa alam kasi hindi naman sa akin nakapangalan yung bahay. Malalaman pa natin bukas kung makukuha ko iyon.” Ang sabi ko.
“Ganun po ba?” Ang malungkot na sabi niya.
“Bibisita na lang tayo sa beach kung saan kami pumunta ni Kuya Oliver mo. Masaya doon.” Ang sabat ni Justin.
“Talaga po may beach dito?” Ang manghang sabi ni Tinyo.
“Oo maganda doon. Lagi kaming pumupunta ni Kuya Oliver mo doon.” Ang masayang sabi ni Justin.
Hindi naman ako makaimik. Aminado naman ako na iyong beach na iyon ang nagsilbing alaala namin ni Justin. Lahat kasi ng masasayang alaala nandoon. Napapawi niya lahat na aking alalahanin dagdagan mo pa na kasama mo noon ang taong minahal mo.
Hindi ko alam kung paraan niya ito para manumbalik ang pagmamahal ko sa kanya pero hindi ko alam kung kaya ko ng umibig pa. Kahit matagal ng namatay si Kuya Emil ay sariwa pa rin ang mga alaala niya sa akin. Kaya iyan din siguro ang dahilan kaya hindi ko mabuksan buksan ang puso ko kahit kanino.
Natapos kami sa aming hapunan ay pumunta na kami kaagad sa aming kuwarto para magpahinga kasi bukas ng umaga ay maaga kaming aalis para makipagkita kay Attorney at didresto na kami sa bahay ko noon.
Ng makarating na ay kaagad kaming natulog. Nakakapagod din kasi ang biyahe papunta sa amin. Ngayon ko lang din nalaman na mas maganda ang proyekto namin ngayon dahil malapit ito sa beach kaya pwede itong magdagdag attraction sa project na ginagawa namin.
Bukod sa beach na malapit sa aming project. Ay may malapit din na eskwelahan dito kaya hindi na kailangan pang lumayo ang mga maninirahan para mag-aral. Bukod kasi sa ipapatayo naming subdivision ay magpapatayo kami ng mall kaya lalong hahatak ito ng kukuha ng bahay sa amin.
Hindi ito nakaligtas sa aking report na gagawin para mas lalo silang humanga sa aking kakayahan. Hindi man ako nagtapos ng high school ngunit dahil sa lagi kong pagpasok sa aking short course na Business Administration ay nakatulong ito para mapalago ang aking kaalaman sa pagnenegosyo.
Ayoko kasing minamaliit ako sa aking kakayahan. Kaya lalo kong pag iigihan para mapakita sa kanila na hindi hadlang ang hindi pagtatapos ng sekundarya para makamtam mo ang iyong pangarap. Ang importante ay dedikasyon at pagmamahal sa iyong ginagawa at mangyayaring makakamtam mo rin ang iyong pinapangarap sa buhay.
Maaga kaming nagising sa aming mahabang pagtulog. Kailangan namin kasing makipagkita kay Attorney para samahan kami sa pagpunta sa aming dating tirahan.
Hindi ko alam pero parang iba ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung natatakot or natutuwa ako sa muling naming pagkikita ng mga umampon sa akin. Pero hindi na importante sa akin kung ano man ang aking nararamdaman ang importante ay makaganti ako sa kanila.
Malapit na kaming umalis. Si Attorney na lang ang aming hinihintay para umalis. Malalate lang daw siya ng kaunti dala ng natraffic siya palabas ng slex. Hindi naman ganoon ang paghihintay namin.D ahil nakarating naman siya sa binigay niyang palugit. Sinabi ko na lang sa aming sasakyan siya sasakay para hindi magtaka ang mga nandoon. Pumayag naman siya.
Hindi naman kami nagtagal sa aming biyahe nakarating din kami sa aming dating tinitirhan. Kinakabahan ako pero nandito na kami kaya dapat handa ako sa maaaring mangyari.
“Kuya Oliver nandito na po ba tayo sa bahay niyo?” Ang sabi ni Tinyo.
“Oo pero hindi ko pa alam kung makukuha natin itong bahay. Pero gagawin ko ang lahat para makuha ko ulit ang bahay namin.” Ang sabi ko kay Tinyo.
Pababa na kami ng sasakyan ng kami ay makarinig ng sigawan sa aming dating tinitirhan.
“Bumalik ka dito. Tang ina naman oh. Binitin mo ako.” Ang sabi ni Mang George. Nakashort lang ito. Tumanda yata siya sa kanyang edad kung titingnan mo kumpara dati. Ewan ko kung bakit.
Bumalik ito sa bahay pero yung lalaking iyon ay parang mabilis na nagbihis. Ewan ko pakiramdam ko mayroon kahalayan na naman ginawa si Mang George. Kumatok kami sa aming dating bahay.
“Hay buti naman bumalik ka nabitin ako.” Ang sabi ni Mang George. Pero laking gulat namin ng nakatapis na ito ng tuwalya. Bigla niyang sinara ang pinto. Natawa ako sa reaksiyon niya. Tapos sumilip siya sa bintana.
“Anong kailangan niyo at sino kayo?” Ang sigaw na sabi niya sa amin. Aba may gana pang sigawan kami.
“Mang George ako po ito si Justin.” Ang sabat ni Justin.
“Anong kailangan niyo dito?” Ang pasigaw pa ring sabi.
“Sa loob niyo na po malalaman baka pwede niyo kaming papasukin.” Ang sabi ni Justin.
“Sandali lang magbibihis lang ako.” Ang sabi niya.
Maya maya ay nakita na lang namin bumukas ang pintuan at nakabihis na siya. Pinapasok niya kami. Ang gulo ng bahay hindi tulad ng nandito pa ako. Malinis lagi. Nagkalat ang basyo ng mga inuming alak sa lapag. At talaga napabayaan na ito.
“Upo kayo.” Ang aya niya sabay alis ng mga kalat sa sofa.
Ng maalis na niya ang kalat ay saka kami umupo at nagkaroon ng konting katahimikan.
“Ano bang sadya niyo dito Justin? Sino ba iyang mga kasama mo?” Ang tanong ni Mang George sa amin.
“Sila po ang J&J Realty Company. Sila po ang bumibili ng mga lupa dito.” Ang sabi ni Justin.
“Hindi ba sinabi ko na sa kanila na hindi namin ipagbibili itong lupa namin. Ang kulit niyo.” Ang inis na sabi ni Mang George sa amin. Tumayo ito at pumunta ng pintuan.
“Makakaalis na kayo.” Ang sabi niya pagkatapos buksan ang pintuan. Naiinis na ako sa kanyang mga pinagsasabi. Tumayo ako.
“Hindi!! Hindi tayo aalis. Mang George mukhang nakalimutan niyo na ata ako. Ako ito si Oliver. Oliver Concepcion. Ang inampon niyo.” Ang seryosong kong sabi. Nagulat ito sa aking sinabi.
“Ikaw ba yan talaga Oliver? Ang guwapo mo na at ang yaman mo pa. Mas lalo kang naging masarap.” Ang demonyong sabi nito. Biglang akong nanginig sa sinabi niya. Parang bumalik sa akin ang alaala ng nakaraan. Pero ng akmang tatayo si Justin ay napigilan ko pa siya.
“Oo mayaman na ako. Ako ang isa sa mga investor ng kumpanyang bumibili ng lupa dito. Gusto kong malaman kung nasa sa inyo ang lahat ng papeles na magpapatunay na sa inyo ang lupang ito at hindi sa mga magulang ko.” Ang sabi ko sa kanya. Nanlaki ang kanyang mata. Hindi siya makaimik.
“Hindi ka yata makapagsalita bakit may nasabi ba akong masama Mang George? O baka tama naman akong wala kayong maipakitang pruweba.” Ang sabi ko. Imbes na sagutin. Ay hinila niya kami paalis.
“Umalis kayo. Lumayas kayo sa aming tirahan.” Ang sabi ni Mang George at pinalayas kami.
Wala kaming nagawa kundi ang umalis sa dating tinitirhan namin. Hindi ko alam na natameme kami sa ginawang pagpapalayas sa amin.
“Kuya ang sama naman nung taong iyon.” Ang galit na sabi ni Tinyo.
“Hayaan mo na. May araw din sila.” Ang sabi ko kay Tinyo.
“Attorney magpasama tayo sa pulis mamayang gabi kailangan nating bumalik dito. Alam kong aalis sila dahil wala silang maipakitang dokumento sa atin. Siguro iyan din ang dahilan kung bakit ayaw nilang ibenta ang aming tinitirhan.” Ang sabi ko kay Attorney.
“Iyan din ang aking naiisip kanina sapagkat nagulat sila sa sinabi mo. May alas na tayo. Sige ako ng bahala sa mga pulis.“ Ang sabi ni Attorney sa akin.
“Sige balik na po muna tayo sa hotel para kumain ng tanghalian at para makapagpahinga na rin tayo at makapaghanda mamaya.“ Ang sabi ko sa lahat.
Bumalik kami sa aming tinutuluyan. Kumain na rin kami ng tanghalian pagkabalik namin sa aming hotel. Ng matapos ay pumunta si Attorney ng presinto para kumuha ng mga tauhan na huhuli sa mag asawa. Hindi ko alam pero kinakabahan ako baka hindi na namin maabutan ang Mag-asawa. Kaya sinabihan ko ng kailangan mas maaga kaming bumalik sa dating tinitirhan namin. Pumayag naman si Attorney.
Hindi narin muna kami natulog para magpahinga bagkus ay dumiretso na kami sa aming dating tinitirhan. Hindi ko na pinababa pa si Tinyo para makasiguro ako sa kaligtasan niya. Baka kasi may mangyaring masama.
Kakatok na sana kami ng biglang bumukas ang pintuan at nadatnan namin sina Aling Martha at Mang George na mukhang aalis na dahil may dalang maleta.
“Saan kayo pupunta?” Ang sabi ko.
“O..oli..ver” Ang nauutal na sabi ni Mang George.
“Siya si Oliver, George?” Ang gulat na sabi ni Aling Martha. Tumango lang ito.
“Tara na George...padaanin niyo kami.” Ang sigaw ni Aling Martha. At tinulak kami. Natumba ako. Si Justin ay nasa likod ko kaya nahawakan ako para hindi ako matumba ng tuluyan.
Inalalayan ako ni Justin para makatayo. Nagkatitigan pa kami. Nasa ganoon kami ng mapansin kong nakakalayo na sila Aling Martha at Mang George.
“Habulin mo sila Justin.” Ang bigla kong sabi. Hinabol naman ni Justin sila Mang George at nahawakan ang dalang gamit. Pero tinulak siya ng dalang malate ni Aling Martha at natumba ito.
Biglang namang dumating ang mga pulis at si Attorney at kaagad nahuli sila Aling Martha at Mang George. Pinuntahan namin siya bago siya isakay sa sasakyan ng pulis.
“Aling Martha, ibig bang sabihin nito hindi kayo ang may ari ng bahay na tinitirhan niyo kundi sa pamilya talaga namin.” Ang galit na galit na tanong ko sa kanya.
“Hindi totoo iyan. Sa amin iyon. Wala kayong karapatan doon.” Ang matigas na sabi niya.
“Sige kung idedeny niyo. Magkita na lang tayo sa korte.” Ang matigas ko ring sabi sa kanya.
“Maawa ka na Oliver please. Oo aamin na ako hindi sa amin ang bahay kundi sa mga magulang mo. Napilitan lang ako dahil sa takot ko sa asawa ko. Please patawarin mo na ako.” Ang takot na takot na sabi ni Mang George.
“Hayoppppp!!! Tang ina mo George. Matapos kang makinabang at hayaan ka sa kabaklaan mo ito pa ang igaganti mo.” Ang sabi ni Aling Martha at pinagsisipa si Mang George..
“Aray ko..aray ko..Ayokong makulong Martha. Ibigay na lang natin kay Oliver ang hinihingi niya para hindi niya tayo ikulong.” Ang sabi nito sa asawa.
“Oliver sige ibibigay na namin sa inyo ang bahay at lupa pakawalan mo lang kami.” Ang nagmamakaawang sabi ni Aling Martha sa akin.
“Matapos kong dumanas ng hirap ganoon lang ba para pakawalan ko kayo. Magdusa kayo. Sige mamang pulis dalhin niyo na iyan sa presinto.” Ang inis kong sabi.
“Please Oliver nagmamakaawa na kami sa iyo. Wag mo kaming ikulong gagawin namin ang lahat.” Ang nagmamakaawang sabi ni Mang George pero hindi ko silang pinakinggan.
Wala akong pakialam sa kanila. Gusto ko silang mabulok sa kulungan at sisiguraduhin ko iyon. Gusto kong danasin nila ang hirap na dinanas ko.
Matapos mahuli sila Aling Martha at Mang George ay nakita ko pang sumilip si Kapitan sa kinaroroonan namin. Nakita ko iyon pero ng magtama ang aming mga mata ay bigla itong umalis. Parang nagulat sa kanyang nakita.
Biglang bumalik ang alaala ko sa kahayupan ni Kapitan sa akin. Siya ang gumahasa sa akin ng may sakit ako. Hinding hindi ko iyon makakalimutan at dinamay pa niya si Justin sa kanyang kahayupan. Akala niya siguro ay makakatakas siya sa akin.Puwes maghintay siya dahil pag natapos ko na ang aking problema sa mag-asawa siya naman ang susunod.
Kaya ngayon palang ay humanda na siya dahil nalalapit na ang aking paghihiganti. Sinisiguro kong ipaghihiganti ko ang sakit na naranasan ko. Nagpupuyos ako sa galit ng makita ko siya ulit.
Bumalik na kami sa sasakyan para sundan ang mga pulis para na rin masampahan sila ng kaukulang kaso. Nadatnan naming nakatulog si Tinyo. Ng marinig niyang nagbukas ang sasakyan ay nagising siya.
“Kuya kamusta po ang lakad niyo?” Ang sabi niya.
“Ok naman. Pupunta muna tayo ng presinto para sampahan ng kaso ang mga umampon sa akin. Kawawa ka naman kasi nadamay ka pa dito. Sana kasi hindi ka na sumama sa amin. Mapapagod ka lang.” Ang nag aalala kong sabi kay Tinyo.
“Okay lang po gusto ko kasi lagi kayong kasama.” Ang nakangiting sabi ni Tinyo. Niyakap ko nalang siya.
Tama naman siya na gusto kong laging nakikita siya. Gusto ko alam ko ang ginagawa niya at alam kong nasa mabuti siyang kalagayan. Ewan ko siguro nasanay na ako kaya ganun na lang ang aking pagnanais na lagi kong makita si Tinyo.
Dumiretso na kami sa presinto para magsampa ng kaso. Wala ako pagsidlan ng tuwa dahil nakaganti na ako sa mag-asawa. Hinding hindi ko silang mapapatawad dadagdagan ko pa ang mga kaso na kanilang haharapin para hindi na sila makalabas pa. Sisiguraduhin ko na maghihirap sila sa kulungan.
Natapos na ang buong araw at talaga namang pagod na pagod kami sa aming ginawa kahit puro biyahe lang iyon. At least may napala ako sa aking pagbabalik. Isasama ko iyon sa aking report.
Kinabukasan ay napagpasyahan naming pumunta sa beach kung saan kami lagi pumupunta ni Justin. Alam kong magiging masaya si Tinyo pag nakakakita ng dagat. Hindi pa kasi kami nakakapunta ng beach dahil busy ako at ganun din siya. Sabik na sabik na nga si Tinyo ng marinig niya iyon kaya hindi na siya mapakali at nagmamadali ng bumaba. Nagbayad na ako ng entrance fee at binaba na ang aming dala.
Habang inaayos na namin ang aming dalahin ay may nakita akong isang tao mula sa aking nakaraan.
6 comments:
ahhh the scent of sweet revenge..x3
d kya mkatakas ung dlawa? ung malditang makati ang pepe dpat ipahuli dn... lolz
dapat isama rin si camille........para sama sama sila ng magulang nya.....wag mong sabihin oliver na balak mong patayin si kapitan???? wag ganyan ipabilanggo mo na lang..... alam mo naman na parang may alam na si justin kung bakit namatay si albert....
ramy from qatar
hmmm hay si oliver mag sisisi din siya sa huli nyan ...tsk....tapos nagpipigil pa siya ng damdamin nya kay justin baka kapag nawala si justin eh hanapin nya......by the way sulit sa paghihintay ehe keep it up takecare
i can only say few words...
revenge
justice
regrets
and forgiveness
before happiness
Well yung tungkol kay Justin wag kayong mag-alala..natatakot lang kasi si Oliver na masaktan..ayaw na niyang masaktan sa pangatlong pagkakataon..dumagdag pa ang pangit na karanasan niya kaya nahihirapan din naman si Oliver. One thing for sure may puwang pa rin naman sa puso ni Oliver si Justin hindi ko sasabihin kung magkakabalikan sila o hindi.
At saka hindi pa natatapos ang paghihiganti ni Oliver..malalaman niyo pa ang mga hindi niyo lubos aakalain na mangyayari sa mga susunod na kabanata..mahihirapan kayong mahulaan ang susunod na mangyayari..salamat sa pagbabasa sa aking akda..
Wow nagiging masyado ng xciting ang mga pangyayari sna wag mging bad ng tuluyan c oliver kc bka pagdating s huli sya nmn ang makarma whaaaaaaa nex chapter n po!!!!
JDS from Kuwait
Post a Comment