Wednesday, January 18, 2012

NO ONE© Chapter 16

Andito na naman po ang inyong lingkod. Magbibigay po muna ng konting patalastas. Pasensya na po kung naghintay po kayo. May ginawa lang po kasi ako noong mga nagdaang araw. Gusto ko lang pasalamatan sila JDS from Kuwait, Ross Magno, master_lee#27 at Rue. Pati na rin sa mga silent readers.

Nasabi ko na sa inyo na malapit na po itong matapos ang aking serye. Alam kong medyo nahihiwagaan pa rin kayo kung paano nabaliw si Tinyo. Masasagot po iyan sa pagtatapos ng kwento ko. Basta lahat ng tauhan na sinabi ko noon sa PROLOGUE ay iikot lang sa mga tauhan ko na nababasa niyo. Sila ang main character. Sa kanila lang iikot ang kwento. At wala ng iba. At tungkol naman dito sa kabanata na ito ay isang rebelasyon ulit ang magaganap.
______________________________________________


Hanggang ngayon palaisipan pa rin ang mga sunod sunod na rebelasyon sa buhay ko. Hindi ko inaasahan ang mga sinabi sa akin ni Kapitan.

“Bakit ganun ang sinabi ni Kapitan sa akin? Anong ibig niyang sabihin na pinatay niya ang anak nila Mama. Ibig bang sabihin niyan may kapatid dapat ako?” Ang pag-iisip ko hanggang ngayon sa sinabi ni Kapitan.

“Sino pa kaya ang nakakaalam sa tunay na pangyayari? Kailangan kong matanong sila Aling Martha at Mang George dahil matagal na sila probinsiya namin.”
Sa isip ko pa rin. Ng biglang may narinig akong ingay sa labas ng aking opisina.

“Ilabas niyo yang Si Oliver!!Asan na yang hayop na Oliver na yan!!!Oliver!!Magpakita ka!!Magharap tayo!!Walang hiya ka!!Asan Ka na?!!Oliver!!Oliver!!” Ang sigaw at nagwawalang sabi ng babae sa labas ng aking opisina.

“Sino ba yang sumisigaw na yan?” Ang tanong ko paglabas ko sa aking opisina. Ako ay nagulat ng makita ko ang babeng walang kasing sama ang budhi.

“Ca..camille?” Ang nautal kong sabi.

“Hoy ikaw ba si Oliver?” Ang duro at sigaw niya sa akin.

“Sir Oliver pasensya na po. Biglang siyang sumigaw dito at nagwawala hinahanap ka raw? Kilala niyo po ba siya?” Ang aking sekretarya ng bumungad sa akin.

“Tumabi ka nga!” Ang mayabang na sabi ni Camille sa aking sekretarya at tinulak ito.

*PLAK*

“Gago ka!Pinakulong mo mga magulang ko!Hayop ka!!!” Ang sigaw niya at nagwawala at pinagsusuntok ako.

“Josephine tumawag ka ng security guard!” Ang utos ko sa aking sekretarya na kasalukuyang natumba. Tumayo ito at dali daling tumawag ng security guard na building.

“Walang hiya ka!Hayop ka Oliver!Matapos ang pagkupkop namin sa iyo ito pa ang igaganti mo sa amin!” Ang panunumbat na sabi niya sa akin.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at nagpupumiglas na kumawala sa aking mahigpit na pagkakahawak.

“Bitiwan mo ako!!Walang hiya ka!Wala kang karapatang ipakulong ang mga magulang ko!Walang hiya ka!!” Ang nagwawala at sigaw na sabi niya. Naririndi na ako sa kakasigaw ng babaeng ito. Tinulak ko siya at natumba ito. Ng akmang tatayo ay dumating na ang security guard at dali dali nilang hinawakan si Camille para hindi na makapagwala at makapageskandalo.

“Bitawan niyo ako!!Hindi pa kami tapos ni Oliver mag usap. Tang ina mo Oliver. Maghanda ka at babalikan kita!” Ang pagbabanta niya sa akin. Habang kinakaladkad na siya. Papalayo sa akin.

“Sandali lang!” Ang sabi ko at tumigil silang lahat. Lumapit ako kay Camille. At hinawakan ko mukha niya.

“Camille hindi ako natatakot sa banta mo. Kung sa tingin mo makakayanan mo pa ako. Nagkakamali ka. Hindi na ako ang Oliver na madaling tapak tapakan o api apihin pa. Kung sa tingin mo hindi karapat dapat ang mga magulang mo na nakakulong puwes wag kang mag alala dahil susunod ka na. Magkikita kita kayong lahat sa kulungan.” Ang pagbabanta ko sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa aking binitawang salita.

“PWE!!”Ang dura niya sa mukha ko. Pinunasan ko ito ng aking panyo.

“Sige dalhin niyo na yan sa baba. At siguraduhin niyong hindi na siya makakapasok dito sa building na ito.” Ang utos ko sa mga security guard.

“Hindi pa tayo tapos Oliver. Makikita mo babalikan kita!” Ang pagbabanta at pagwawala niya habang kinakaladkad na siya paalis ng building.

Inaayos ko muna ang aking sarili at bumalik na ako sa aking opisina na parang walang nangyari. Akala siguro ng Camille na iyan papatalo ako. Hindi niya kilala kung sino ang kanyang binabangga. Ibang Oliver na ang kanyang kaharap ngayon.

Sinabi ko na sa sarili ko na hinding hindi na ako papatapak sa kahit kanino. Hinding hindi na mangyayari sa akin ang lahat lahat ng nangyari sa akin noon. Dahil sisiguraduhin ko na wala hadlang sa aking mga daan.

Nag uumpisa pa lang ako sa aking paghihiganti marami pang susunod na babalikan ko. Isa na si Camille. Ngayon naumpisahan ko na ang aking paghihiganti kailangan ng matapos ang lahat ng mga mapapait na karanasan ko sa mga taong nang alipusta sa aking pagkatao.

Hindi ko kailangan magmadali. Dahil iisa isahin ko sila sa tamang panahon. Hindi ko sila tatantanan hangga’t hindi ko nakikitang nagdudusa sila at maranasan nila ang hirap na aking dinanas sa mga kamay nila.

Nasa ganoon akong pag iisip ng biglang bumukas ang pintuan at dumating si Justin at Tinyo na may dalang pagkain para sa akin.

“Kuya Oliver nandito na kami.” Ang masayang bati sa akin at kumandong sa akin.

“May dala po kaming pagkain ginawa po namin ni Kuya Justin.” Ang sabi niya sa akin.

“Talaga marunong ka ng magluto?” Ang mangha kong sabi.

“Opo tinuruan po kasi ako ni Kuya Justin.” Ang masayang sabi niya sa akin.

“Wow sige akin na para matikman ko.” Ang sabi ko at kinuha kay Justin ang lalagyanan ng pagkain na kanilang ginawa.

Medyo marami iyon. Valenciana,pork binagoongan at pinakbet ang dinala nila. Mayroon din kasi silang dalang Cake panghimagas.

“Hmmpp..ang bango at mukhang masarap.Sige nga tikman ko” Ang parang batang sabi ko.

At inumpisahan ko na tikman lahat ng dinala nila. Aba hindi nga sila nagbibiro. Ang sasarap ng dala nila. Mukhang mapaparami ang kain ko.

“Kuya Oliver masarap po ba?” Ang tanong ni Tinyo.

“Oo naman siyempre gawa mo.” Ang sabi ko. Hindi ko tiningnan si Justin. Medyo malungkot ang mukha. Akala niya siguro siya ang bibigyan ko ng kredito.

“Uhmm doon muna ako sa labas para makapagsarilinan kayong magkapatid.” Ang malungkot na sabi ni Justin. At lumabas na at hindi na ako hinintay sa pagsagot ko.

“Kuya Oliver sa totoo lang po si Kuya Justin ang nagluto lahat. Tinulungan ko lang siya.” Ang sabi ni Tinyo sa akin.

Nakonsiyensya naman ako. Siyempre alam ko naman na si Justin ang nagluto nito. Gusto ko lang mang inis pero hindi ko naman aakalain ng magiging madamdamin siya. Bahala na nga siya sa buhay na.

Inubos na namin ni Tinyo ang binigay nila sa akin. Tapos ay pinauwi ko na si Tinyo para sa kanyang tutorial. Malapait na rin pala siyang pumasok sa eskwelahan ilang buwan na lang naman. Pagkatapos noon ay dumiretso na ako sa borad meeting namin. Okay naman ang report na ginawa ko sa kanila. Namangha sila dahil pagaling na daw ako ng pagaling.

Habang sa kinaroroonan ni Camille. Pinuntahan niya ang kanyang mga magulang sa kulungan. Hindi na niya sinama ang kanyang anak. Kasi hindi rin naman siya magtatagal at ayaw niyang makita ito ng anak niya.

“Ma kamusta na kayo dito?” Ang sabi niya.

“Hay naku siyempre hindi ako maayos ano ba namang tanong na iyan?” Ang iritang sabi ni Aling Martha.

“Ma naman buti pa dinadalaw ka pa dito pag ako nairita aalis ako.” Ang padabog na sabi niya sa ina.

“Hay siya siya. Gawan mo ng paraan para makalaya na kami dito.” Ang sabi ni Aling Martha.

“Ma paano iyon. Mayaman na si Oliver anong laban natin doon?” Ang nag aalalang sabi ni Camille. Natakot siya sa sinabi ko ng sugurin niya ako sa aking opisina.

“Hayop iyon. Walang utang na loob.” Ang galit na galit na sabi niya.

“Kasi naman Ma sana kasi hindi niyo na siya pinahirapan pa. Ayan tuloy.” Ang pagmamaktol pa ni Camille.

“Naku tapos na iyon. Basta gawan mo ng paraan na makaalis kami ng Papa mo dito.” Ang galit na sabi ni Aling Martha.

“Sige po tingnan ko. Basta hindi ako nangangako.” Ang sabi ni Camille.

“Itry mo basta ilabas mo kami. Dahil oras na nabulok kami dito ng Papa mo. Humanda ka babalikan kita at pati yang Oliver na iyan pag nakatakas ako.” Ang nagbabanta niyang sabi.

“Ma naman wag mo naman akong takutin.” Ang natatakot na sabi ni Camille.

“Kaya nga anak gawin mo ang lahat para makalaya kami ng Papa mo.” Ang sabi ni Aling Martha.

Hindi na umimik pa si Camille binisita naman niya si Mang George. Hiwalay kasi ang kulungan ng mag-asawa. Dinala na sila sa provincial city jail ng Batangas habang nililitis ang kaso nila. Sinampahan ko kasi sila ng kasong falsification of documents, pagkamkam sa lupa ko, child abuse with multiple counts of rape at kung ano ano pa. Gusto ko silang mabulok sa kulungan at walang piyansiya para hindi makalabas ng kulungan. Kung tutuusin wala rin naman silang pera at lubog pa sa utang kaya impossible silang makakalabas.

“Pa kamusta na kayo dito.” Ang sabi ni Camille.

“Anak ayoko na dito. Please gawin mong lahat lahat para makalaya na kami ng Mama mo.” Ang nagmamakaawa na sabi ni Mang George sa anak.

“Pa hindi ko alam kung paano ko gagawin. Mahirap ang binangga natin. Mayaman na si Oliver Pa. Paano yan?” Ang nag aalala sabi ni Camille.

“Kausapin mo si Oliver at kung kailangan mong lumuhod sa kanya gawin mo para lang mapatawad kami.” Ang pagsusumamo ni Mang George.

“NO!” Ang sigaw niya bigla.

“Hinding hindi ko gagawin iyon. Never.” Ang maarteng sabi ni Camille.

“Anak naman please.” Ang pagmamakaawa ni Mang George.

Tumayo na si Camille at iniwan ang amang nagsusumamong sa kanya. Hindi niya gagawin iyon. Wala naman siya ginawang masama kay Oliver. Bahala silang makulong habang buhay. Hindi na siya babalik sa kulungan pa.

“Tang inang Oliver yan. Dahil sa iyo nasira ang buhay ko. Dahil sa iyo nasira ang pamilya ko. Babawi ako. Humanda ka!” Ang sabi ni Camille sa isip niya.

Ng matapos naman ang meeting ko ay nagpasundo na ako kay Justin para makauwi na. Pero sosorpresahin ko muna si Justin. Oo babawi ako sa kanya. Ayoko kasing may tampuhan kami. Ewan ko pero siguro naawa na ako sa kanya. Wala naman din siyang ginagawang ikinakasama ng loob ko. Sa tototo lang ay puro kabutihan pa nga.

“Dito ka na kumain. Magluluto ako ng special ko. Natutunan ko ito sa aking pag-aaral ng culinary.” Ang sabi ko pagkababa ko na aking sasakyan. Nakita kong sumilay ang ngiti niya sa aking sinabi.

Sabay na kaming pumasok ng condo ko. At habang magkasabay kami ay nakangiti siya na parang baliw. Siguro nag iisip. Hay bahala na siya kung ano man ang kanyang iniisip. Ngayon ko lang kasi ito gagawin sa kanya.

Lagi naman nilang ginagawa ang pagdadala ng pagkain sa akin pero ngayon ko lang sila nakitang nagluto kaya naman nahiya ako sa inasta ko. Aminado ako na kahit papano ay ayaw kong makasakit ng damdamin lalo na yung mga mahal ko sa buhay. Kahit papano naman ay naging parte siya ng buhay ko.

Nakapasok na kami sa loob at nagsimula na akong maghanda. Habang naghaharutan ang dalawa. Hindi ko alam pero natutuwa ako kasi magaan na ang loob ni Tinyo kay Justin. Dati kasi hindi niya pa ito kinakausap pero palakaibigan kasi ang bata ultimo janitor sa condo ay kaclose niya. Parehong pareho sila ng ugali ni Justin noon kaya naman hindi ko maalis sa aking sarili na parehong pareho sila ni Justin sa lahat ng bagay.

“Wow Kuya Oliver sarap naman niyang niluluto mo?” Ang masayang sabi ni Tinyo sa luto ko. Niyaya ko na kasi sila pagkatapos kong kumain. Special friedn rice, roasted chicken, paella at crispy binagoongan . May ginawa pa akong dessert na crema de fruta.

“Oh Justin pag hindi mo kaya pwede mong iuwi kay Barbara para maishare mo rin sa kanya.” Ang sabi ko sa kanya.

“Ok salamat dito sa pagluto mo.” Ang nakangiting sabi niya sa akin.

“Okay lang minsan lang naman ito.” Ang sabi ko. At ngumiti rin ako.

Naging masaya naman kaming sa aming hapunan. Natuwa naman akong makita si Justin na masaya at abot tenga ang ngiti. Bawi na siguro ako kahit papaano sa ginawa kong pagpapahiya sa kanya.

Lumipas ang ilang buwan at naging maayos naman ang lahat lahat. Hindi na rin nagpakita pa si Camille sa akin. Mabuti naman dahil oras na awayin niya ako. Isasama ko siya sa mga magulang niya. Tingnan lang natin kung hindi siya magmakaawa sa akin sa maaari kong gawin sa kanya.

Magsisimula ng pumasok sa eskwelahan si Tinyo. At sa Dela Salle Greenhills ko siya pinasok. Para sa edsa lang ang daan. Alam kong malayo pero siya ang inuuna namin ni Justin bago ako pumasok sa opisina. Sinisiguro ko kasi na ayos si Tinyo.

Tuwang tuwa nga siya sa unang araw ng kanyang pagpasok. At lahat siyempre bago sa paningin niya. Bagong eskwelahan bagong gamit at bagong kaibigan. Hindi rin naman si Tinyo pahuhuli sa mga bata na nag aaral doon kasi sinisiguro ko na mahahasa siya kaya hindi siya nawawalan ng tutor. Gusto ko sana ako ang magturo kaso lang baka mali pa ang maituro ko. Kaya hinayaan ko na ang iba ang magturo sa kanya.

Lumilipas ang araw na naging buwan ay nagiging palagay na si Tinyo. Sa una hindi pa siya sanay pero kalaunan ay naging maayos ang pag aaral niya. Hindi lang siya basta basta nakakapasa kundi lagi siya nagtotop sa klase. Sumali din siya sa Quiz Bee competition at siya ang representative ng school nila at nanalo siya.

Kaya naman ng malaman namin iyon ay nagkaroon kami ng maikling selebrasyon sa condo. Siyempre kasama si Justin at kapatid nito. Andoon din ang aking sekretarya at boyfriend niya at saka si Attorney at ang pamilya niya. Pinapunta din namin ang kanyang mga kaklase at guro niya.

“Congratulation bunso!” Ang sabi ko kay Tinyo.

“Thank you po Kuya Oliver.” Ang sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

“Pikit ka muna may regalo ako sa iyo!” Ang utos ko sa kanya. At pumikit siya. Nilagay ko na sa harapan niya ang regalo ko.

“Imulat mo na ang iyong mata.” Ang utos ko.

“Wow! Thank you ulit Kuya.” Ang masayang sabi ni Tinyo.

“Buksan mo na.” Ang sabi ko sa kanya. At binuksan na niya ang regalo sobrang sabik niya.

“Wow cellphone. Ang ganda ganda Kuya!” Ang masaya niyang sabi. Bagong model na iphone iyon. Wala kasi siyang cellphone dahil sinusundo ko naman siya. Since pumapasok siya ay kailangan niya iyon para kung may emergency ay makokontak ko siya ganundin din siya sa akin.

Nasa bahay lang naman kasi siya noon at may telepono naman sa condo kaya hindi niya kailangan ng cellphone. Iba na ngayon kasi nasa labas na siya parati.

Nagbigay din ang mga ibang nandoon siyempre kasama na doon sila Justin. Mga bala iyon ng Playstation at WII. Medyo mahal din kasi iyon. Bumibili rin naman kami noon kaso medyo matagal na yung huli bili namin.

Sinabi ko na rin pala kay Justin na simula nung mag 2nd year si Barbara ay ako na ang magpapatuloy ng kanyang pag-aaral. Ayaw niyang tanggapin iyon nung una. Pero nagpumilit ako. Kaya wala na siyang nagawa. Naglaan pala ako ng 1 milyon sa kanyang account. Para at least makasiguro ako na tuloy tuloy ang pag-aaral ni Barbara. Alam kong sobra sobra iyon pero kahit sa ganitong paraan ay makabawi ako sa pamilya nila Justin noon nung walang wala akong mauwian. Kahit na hindi maganda ang pagtanggap sa akin noon ni Barbara ay kinalimutan ko na iyon.

Sinabi ko kay Justin na wag na niyang ipaalam kay Barbara ang pagtulong ko sa kanya. Mas okay ng alam niya ang Kuya niya ang nagpapaaral sa kanya.

Natapos ang munting salo salo namin ay nagsiuwian na rin silang lahat. Wala naman daw pasok si Barbara kaya sumama na siya sa amin pupunta kasi kami bukas sa isang mall para ipasyal si Tinyo.

Kinabukasan ay umalis na nga kami. Sa condo ko na rin kasi sila natulog. Since may isa pang kuwartong hindi ginagamit. Nilaan ko kasi iyon para sa kung may gustong matulog na bisita.

Nanood kami ng movie. Kumain at nagshopping din. Siyempre kasama sina Justin at Barbara. Habang kami ay nagmemeryenda nila Tinyo ay hindi ko inaasahan ang pagkikita namin ni Camille at kasama nito si Luther.

“Tingnan mo nga naman akala ko ang mayayaman hindi kumakain sa pipitsuging kainan. Iyan ba ang mayaman?” Ang panlalait ni Camille sa amin ng mapadaan ito sa kinaroroonan namin. Sa foodcourt kasi kami kumain para marami kaming pagpilian.

“Hoy Oliver akala mo tapos na tayo. Hangga’t nasa kulungan pa rin ang mga magulang ko hindi kita tantanan.“ Ang pagbabanta nito sa akin.

“Honey tara na. Ano ba nakakahiya?” Ang sabi ni Luther.

“Bakit ako mahihiya? Eh yang Oliver na yan ang mahiya. Matapos ampunin eto na po ang igaganti mo sa amin. Ang ikulong ang mga magulang ko. Pinakain ka namin at binihisan. Ito pa ang mapapala namin sa iyo.” Ang panlalait na sa akin.

“Hoy Camille baka nakalimutan mo na ang ginawa mo sa pamilya namin. Ikaw pareho pareho lang kayo ng mga magulang mo. Manloloko. Niloko mo si Kuya at ipaako sa kanya ang dinadala mo iyon pala dyan sa lalake na kasama mo ang anak ng dinadala mo. Buti nga nalaglagan ka. Karma lang iyan sa mga ginawa niyo sa amin at pati kay Oliver.” Ang galit na galit na sabi ni Barbara kay Camille.

“Walanghiya ka bang babae ka.” Ang pasigaw na sabi ni Camille at sinabunutan si Barbara. Tinulak siya ni Barbara at natumba ito.Hindi pa nakuntento ay binuhusan ito ng inuming tubig.

“Wahhhh..walang hiya ka Barbara.” Ang nagwawalang sabi ni Camille. Inawat na siya ni Luther at tinayo at inilayo. Dumarating na kasi ang mga security guard ng mall.

“Tara na” Ang aya ni Luther kay Camille at umalis na sa aming kinaroroonan. Habang dumating na ang mga security guard.

“Sir okay lang po ba kayo?” Ang sabi ng isang security guard.

“Okay na po mga sir. Tapos na po ang eksena.” Ang sarkastikong sabi ni Barbara.

Hindi na rin nag usisa pa ang mga ito sa amin. Bumalik na kami sa aming kinauupuan. Eskandalosa talaga ang babae. Hindi na nahiya kahit sa pampublikong lugar ay nagwawala.

“Kung ako doon binugbog ko iyon. Ganito oh!” Ang sabi niya at nag uppercut siya. Natawa naman kami.

“Ikaw talaga bunso.” Ang sabi ni Justin sabay gulo ng buhok nito.

Siguro hindi ko na dapat patagalin ito kasi mahihirapan akong pahintuin si Camille sa pageeskandalo. Kailangan ko ng gumawa ng paraan para magtigil na siya.

Wala na akong inaksayang panahon. Sumusobra na si Camille. Akala ko mapapalampas ko lang pero hindi talaga ako tinantanan. Paano sumugod na naman si Camille sa opisina. At pinagbabato ang building namin. Talagang hahamakin ang lahat masunod lang ang gusto niya. Puwes kung gusto niya ng gulo ibibigay ko sa kanya. Hindi ko tatantanan siya hangga’t hindi siya nagmamakaawang tumigil.

Tinawagan ko ang isa sa mga kakilala kong pulis na pwedeng magpatumba sa pamilya ni Camille. Ito lang ang nakikita kong paraan para makaganti sa pamilya nila. Ipinaimbestiga ko rin kung saan nanunuluyan sina Luther at Camille.

Katatapos ko lang makausap ang pulis na kasama ko sa aking plano ng makita kong nasa likod ko pala si Tinyo. Akala ko kasi tulog na ito.

“Kuya sino po ang matutumba?” Ang sabi ni Tinyo. Hinila ko siya at niyakap.

“Wala iyon kasi may kakilala lang ako natumba daw sa kanal. Natatawa ako.” Ang pagsisinungaling ko. At siyempre tumawa ako para maging makatotohanan.

“Kuya promise mo wag kang gagawa ng masama. Bad yun!” Ang sabi niya sa akin.

“Hindi ko po gagawin iyon.” Ang sabi ko sa kanya.

Niyaya ko na siya matulog dahil maaga pa siya papasok bukas. Wala akong pasok bukas kaya bukas na ang pinag usapan namin ni Camille at ng pulis na kausap ko.

Kinabukasan ay hindi natuloy ang planong pakikipag-usap ko sana kay Camille. Nagkaroon ng emergency sa bahay nila. Hindi ko alam kung totoo iyon o hindi. Nagbago tuloy ang plano ko. Kaya ang ginawa ko ay kinausap ko na lang sila Mang George at Aling Martha. Kinausap ko ang Superintendent sa Provincial City Jail sa Batangas. Buti napapayag ko na dalhin ang mga iyon as isang pribadong lugar sa City Jail.

Pumunta ako kasama ang pulis na kakilala ko sa Batangas. Mas gusto kong walang nakakaalam lalo na sina Tinyo at Justin. Maraming bagay bagay ang bumabagabag sa akin. Kaya kailangang matapos na ito. Iimbestigahan ko ang tunay na pangyayari sa buhay ko. Yung tungkol sa pamilya ko. Nakarating naman ako sa tamang oras.

“Anong gagawin niyo sa amin.” Ang sigaw ni Aling Martha ng pinapasok sa loob ng isang kuwarto sa loob ng City Jail.

“Sarge wala naman kaming ginawang masama. Bakit niyo ba kaming pinapunta dito?“ Ang takot na takot na sabi ni Mang George. Pinaupo sila sa dalawang silya na nakalagay sa sentro at sa gitna. Hanggang sa dumating ako.

“Nandito na pala kayo.” Ang demonyo kong sabi.

“Walang hiya ka.” Ang sigaw na sabi ni Aling Martha at akmang susugod ng pinigilan siya ng mga kasamang pulis na nandoon. At sapilitang pinaupo. At sumunod naman akong umupo sa harapan nila.

“Please Oliver maawa ka na sa amin. Hinding hindi na kami uulit. Patawarin mo na kami.” Ang natatakot at nagmamakaawang sabi ni Mang George sa akin.

“Awa? wala ako noon para sa inyo. Matapos mo akong babuyin at pagsawaan at ipagamit sa iba basta basta ko na lang iyon kakalimutan. Gagawin ko rin sa iyo ang ginawa mo sa akin.” Ang sabi ko kay Mang George.

“Please maawa ka na sa amin. Alam kong nagkasala ako nagsisisi na ako. Huhuhu.” Ang naiiyak na sabi ni Mang George sa akin.

“Tanga ka George wag kang humingi ng awa diyan kay Oliver dahil masama ang budhi niyan.” Hindi na natakot at talagang ako pa ang masama. Tumayo ako at lumapit sa kanila.

“Pare pareho lang tayo. Matapos niyong kamkamin at pakinabangan ang pagmamay ari namin ako pa ang lumabas na masama. Tang ina naman!” Ang galit na galit ko sabi at pinukpok ko siya ng baril na dala ko. Dumugo ang ilong.

“Tama lang iyon kasi matapos tapak tapakan ang pagkatao ko ng mga magulang mo. Ganti ko lang iyon sa kanila.” Ang wala paring takot na sabi niya sa akin.

“Nakuha niyo na ang gusto niyo pero pinagkait niyo pa rin sa akin ang dapat at ang pinakamahirap noon ay ang danasin ko ang pangmamaltrato niyo sa akin. At pangbababoy niyo sa akin. Sana pinatay niyo na lang ako kung ganoon.” Ang paninisi ko sa kanila.

“Oo dapat talaga noon ay pinatay ka na namin para wala kaming problema. Sana talaga hinyaan ko na lang ang mama mo na mamatay para hindi ka mabuhay.” Ang sigaw ni Aling Martha sa akin.

“Anong ibig mong sabihin?” Ang nagulat na sabi ko.

“Alam kong ginahasa siya ni Kapitan. Siya rin ang pumatay sa mga magulang mo. Kakuntsaba namin siya. Para makuha namin ang kayamanan niyo. May gusto si Kapitan sa Mama mo. Kaya gumawa kami ng paraan para isakatuparan namin ang planong kunin ang kayamanan niyo. Buntis na siya sa iyo ng ginahasa siya ni Kapitan. Pinagsawaan siya ni Kapitan at ng inuwi siya dinugo siya. Hindi ko sana siya ipapahospital para makunan. Pero naawa si George sa iyo. Walang daw kasalanan ang sanggol. Kaya pinalabas namin kay Kapitan ang anak nila Dave at Amelia na patay na.” Ang mahabang paliwanag ni Aling Martha.

“So anong ibig mong sabihin pasalamat pa ako sa inyo. Sige kung iyan ang ikakasiya mo. Pero ngayon nasolusyunan ko na ang mga tanong na bumabagabag sa isipan ko. Alam ko na iyan. Kay Kapitan ko nalaman iyan pero kulang pa ang impormasyon. Salamat sa iyo. Magsama na kayo ni Kapitan sa kabilang mundo.” Ang malademonyo kong sabi.

“Kahit mamatay ako. Hindi ako nagsisisi sa nagawa ko sa pamilya niyo. Tama lang iyon. Kinuha ng Mama mo ang mana na dapat ay sa akin. Dahil ba sa anak ako sa labas. Inalipin ako ng mga magulang ng Mama mo. Hanggang sa pinatay ko sila. Kumuha ako ng lason para ilagay sa pagkain nila. Hindi ako binigyan ng katiting na yaman ng Mama mo. Wala akong nakuha.” Ang matinding rebelasyon ulit ni Aling Martha.

“Matagal kong plinano ang pagkamkam sa yaman ng magulang mo. Ng makakuha ako ng tiyempo ay sinabihan ko si Kapitan ng plano ko dahil gusto niya ring maghiganti sa pamilya niyo. At Dahil sa tindi ng galit ko sa pamilya niyo sinabihan ko si Kapitan na sirain ang break ng sasakyan ng magulang mo. Para mamatay na kayo pag umalis kayong lahat gamit ang sasakyan niyo. Akala ko nga sasama ka. Iyon pala naiwan ka. Wala akong nagawa dahil kay George dahil naawa na naman siya sa iyo kaya inampon ka namin.” Ang isa pang rebelasyon ni Aling Martha.

“Quits na tayo Aling Martha. Pero kung gusto mong mabuhay pwede kitang pagbigyan kung hihingi ka ng tawad sa akin.” Ang sabi ko.

“Patayin mo na lang ako. Kahit kailan hindi ako hihingi ng tawad sa iyo.” Ang matigas na sabi niya.

Lumapit ako kay Mang George. Nakita ko siyang takot na takot ng papalapit na ako sa kanya.

“Maawa ka Oliver please wag mo akong papatayin. Please Oliver” Ang pagmamakaawa niya sa akin.

“Awa wala na ako noon. Naawa ka ba ng ginahasa mo ako. Naawa ka ba? Hindi..inulit ulit mo pa. Pareho kayo ni Kapitan. Masahol sa laman. Ito ang para sa iyo.” Ang malademyong sabi ko.

“Sige po ibalik niyo na sila sa kanilang mga selda. Tapos na ako. Marami na akong ebidensiya sa kanila. Pakibigay ang tape sa abogado ko. Para pandagdag sa kaso nila.” Ang sabi ko.

“Walang hiya ka Oliver! Papatayin kita.” Ang sabi ni Aling Martha. Tumayo na ako.

“Oliver patawarin mo na kami. Nagmamakaawa ako ayokong mabulok sa kulungan.” Ang sigaw ni Mang George. Hindi ko na sila pinakinggan pa. Umalis na ako ng tuluyan at bumalik sa Manila para makapagpahinga.

Matapos ang araw ng pagkikita namin ulit nina Mang George at Aling Martha. Gusto kong gumanti sa kanila. Gusto kong pumatay. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Sunod sunod na rebelasyon at mga hindi inaasahang pangyayari ang biglang sumusulpot.

“Gusto ko ng mabaliw. Wala na bang katapusan itong paghihirap ko. Lord Ayoko na. Please tama na! Gusto ko ng umiwas sa gulo. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Nahihirapan na ako. Pero sadyang nilalapit niyo ako sa kapahamakan.” Sa isip ko at umiyak na lang ako sa kuwarto ko. Hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan, papalabas ako ng condo ko para magtaxi dahil may pinaasikaso ako kay Justin. At saka hinatid din niya si Tinyo sa eskwelahan nila. Ng bigla may humila sa akin. Tinakpan ako sa ilong ko. Narinig ko pa ang mga usisero na sumisigaw kaso nawalan na ako ng malay. Nagising na lang ako sa sobrang lamig sa sasakyang sinasakyan ko.

“Ca..camille?” Ang gulat at nauutal kong sabi dahil si Camille pala ang kumuha sa akin.

“Anong gagawin mo sa akin? Nasaan tayo? Bakit nagawa mo sa akin ito” Ang galit na galit kong sabi.

“Nagpatulong ako sa mga kakilala ko. Sila ang kumuha sa iyo at binigay ka sa akin. Pupunta tayo ng Batangas ilalabas mo ang mga magulang ko.” Ang sabi ni Camille.

“Nahihibang ka na ata. Hindi ko gagawin iyon. Mabubulok sila sa kulungan. Kaya pwede bang itigil mo na ito at bababa ako.” Ang sigaw ko.

“Hindi! Hangga’t hindi mo pinapakawalan ang mga magulang ko.” Ang giit at galit na sabi ni Camille.

“Hinding hindi mangyayari iyon dahil mabubulok at mamatay sila doon. Sisiguraduhin ko iyon.” Ang matigas na sabi ko.

“Pwes magsama sama na tayo sa imperyerno. Dahil mamatay ka rin kasama nila.” Ang malademyong sabi ni Camille.

Wala akong sinayang na panahon at pinilit kong makuha ang manibela. Pagewang gewang na kami sa daan.

“Bitiwan mo ang manibela. Bababa ako.” Ang sigaw ko.

“Hindi! Pareho na tayong mamamatay.” Ang sigaw ni Camille.

Bigla niyang inapakan ang accelerator ng sasakyan at lalo kaming bumilis. Pareho pa kaming nag-aagawan sa manibela. Ng bigla sumingit ang isang malaking trak.

“Hindi!!!!!!!” Ang sabay naming sigaw ng mababangga kami sa trak.

Bigla kong nakabig pakaliwa ang manibela para makaiwas kami na bumangga sa trak. Pero imbes makaiwas sa trak ay bumangga kami ng pagkalakas lakas sa pader na humihiwalay sa kaliwa at kanang kalsada.

*Makalipas ang ilang oras*

“Asan ako?” Ang sabi ko ng magising ako. May benda ang ulo ko. At nakita ko sa tabi ko si Justin at Tinyo. Umiiyak si Tinyo.

“Kuya Oliver!!!” Ang sigaw at yakap niya sa akin.

“Tinyo? Asan ako? “ Ang wala sa huswisyo kong sabi dahil masakit pa rin ang aking katawan dala ng pagkakabangga ko.

“Asa hospital ka ngayon Oliver. Nabangga ang sinasakyan niyo ni Camille. Dinala kayo ng mga nakakita sa inyo sa pinakamalapit na hospital. Malubha ang kalagayan ni Camille dahil siya ang napuruhan. Nasa ICU siya at maraming nawalang dugo. Ano bang nangyari?” Ang mahabang paliwang ni Justin.

“Ah!!!” Ang daing ko na uupo ako. Masakit talaga.

“Wag mo ng pilitin. Nasabi sa akin ng doctor na may bali ka sa kamay at paa mo. Dala na pagkakaipit ng sasakyan niyo.” Ang paliwanag ni Justin.

“Gusto ko siyang makita si Camille.” Ang sabi ko.

“Hindi pa pwede kailangan mo pang magpahinga.” Ang nag-aalalang sabi ni Justin.

“Okay lang ako. Kailangan ko siyang makita.” Ang giit ko.

Wala ng nagawa pa si Justin kundi ang alalayan ako papunta sa ICU room kung saan andoon si Camille. Lumabas ang doctor ng makarating kami.

“Doc kamusta na po si Camille?” Ang tanong ko.

“Wala pa ring pagbabago. Hindi pa rin siya nagigising. Himala na lang kung magigising pa siya sa tindi na nangyari sa kanya. Maraming nawalang dugo sa kanya. At malala pa ang tama ng pagkakabangga sa kanya. Pinakanatamaan ang ulo niya. Mahirap umasa kaya sasabihin ko sa inyo na ang chance na mabuhay siya ay mababa. Kung magigising man siya ay makokomatose naman siya. Kaya expect na natin ang worst.” Ang paliwang ng doktor.

“Doc gawin niyo ang lahat para mabuhay siya. May kasalanan man siya sa nangyari kung bakit kami nabangga hindi pa rin maatim ng konsensiya ko ang mamatay siya.” Ang pag-aalala kong sabi sa Doctor.

“Gagawin po namin ang aming makakaya. Ipapamonitor na lang namin siya para macheck ang kalagayan niya. Mauuna na po ako.” Ang sabi ni Doctor.

Dumaan ang ilang araw at talagang walang pagbabago kay Camille. Hanggang sa bumigay na talaga ang katawan niya.

Ako ang nagpalibing kay Camille. At sinabi ko rin sa mga kamag-anak ni Luther na sila na ang magsabi sa nangyari kay Camille kina Luther, Aling Martha at Mang George . Ayoko rin kasi silang makausap. Tinulungan ko rin ang pamilya ni Luther lalo na ang kanyang anak. Walang nakakaalam nito kundi ako at ang aking abugado.

Ng malaman ni Aling Martha ang nangyari kay Camille. Umiyak ito dahil hindi niya aakalain na mangyayari ito. Pero sinisisi niya pa rin ako sa nangyari sa anak niya.

“Walang hiya yang Oliver na yan. Siya ang nagdala ng malas sa pamilya ko. Oras na makalaya ako papatayin ko siya..papatayin ko siya!!” Ang sabi niya habang kumakain ng rasyon at umiiyak.

Samantala sa kinaroroonan naman ni Mang George ng malaman niya iyon. Nagwala siya sa kulungan.

“Gusto kong makita ang anak ko. Palabasin niyo ako!!!” Ang sigaw niya. Naingayan naman ang kanyang mga kasamang preso kaya pinagbubugbog siya.

“Camille..Anak!!!!” Ang iyak niya matapos ang pambubugbog sa kanya ng mga preso.

Lumipas ang buwan na naging taon na. Dumating na rin si Luther matapos ang kontrata niya sa ibang bansa. Niyakap niya ang anak niya ng dumating ito sa bahay nila. At pumunta sa kuwarto nila ni Camille. May sulat siyang nakita sa tabi ng kanilang kama. Kinuha niya iyon hindi niya muna binasa ito. Dali dali siyang umalis at pumunta siya sa puntod ng asawa niya.

Magtatapos na rin sa elementary si Tinyo. At Valedictorian siya sa school nila. Siyempre pumunta ako. Ako na kasi ang tumatayong magulang niya.

Doon pa sa graduation ni Tinyo makikita ko ang taong matagal ko na ring gustong hanapin.

6 comments:

Anonymous said...

wa sa wakas.... may update din.... grabe talaga ang mga rebelasyun para kay oliver...ang sama sama talaga ng mga ugali ng pamilya ni camille.... dapat lang na mabulok sila sa kulungan.....RIP s yu camille... sana patawarin ka sa mga kasalan mo...

ramy from qatar

Anonymous said...

oliver patas na lang kayo nina mang george..... sobra naman ang mga ginawa nila sa parents mo..... ang sama sama nila...

ramy from qatar

Ross Magno said...

Salamat naman at medyo nagkakaroon na ng puso di Oliver...
Sana hinde na sia mabulag ng kanyang galit...

Unknown said...

Marami pang rebelasyon at matitinding drama sa buhay ang mangyayari sa kwento ko. Mga hindi inaasahang pangyayaring ang darating. Mahulaan niyo kaya ang susunod na mga tagpo? hehe..

Lawfer said...

aun! atleast kht glit xa d pa dn nia pnbyaan c camille...kht puno ng glit ang puso nia andun pa dn ang awa...nice job :)

Anonymous said...

Sna mag tuloy tuloy n ung pagiging mabait n oliver
At hnd ko p rin makuha bkit mababaliw c Tinyo hey sir jay ang galing mo nakaka excite ung story mo!!!
JDS from Kuwait

ShareThis