Nandito na naman po ang inyong lingkod. Magbibigay ng maikling patalastas. Pasalamatan ko lang po muna ang mga sumusunod: ramy from qatar, master_lee#27, Rue, ZROM60, Andrian at Ross Magno. Sama ko na ang mga silent reader.
Tuloy tuloy pa rin po ang makapigil hininga mga rebelasyon sa bawat kabanata ng aking serye. Maraming mga pangyayaring hindi niyo aasahang magaganap sa takbo ng istorya ko. Maraming posibilidad ang pwedeng mangyari. Humanda na sa mababasa niyo. Heto na po hindi ko na po patatagalin pa. Enjoy!
______________________________________________
Tinawagan ko si Attorney at ang pulis na kakilala ko para mapag usapan ang gagawin namin sa ganitong senaryo. Malaking pangalan ang babanggin ko. Hindi basta basta at maraming koneksiyon kaya nakakatakot din na banggain ko siya. Pero kailangan na itong mahinto para hindi na siya makagawa pa ng masama sa kapwa lalo na sa mga inosenteng bata.
Alam kong nakikinabang kami sa kanya pero kaya kong bayaran ang lahat ng nagastos niya sa aking kapatid. Ang hindi ko lang gusto ay nakakatulong ka nga kaso galing sa masamang gawain. Ano iyon pambawi sa mga ginawa mong masama. Hindi iyon kasagutan.
Saka aminado akong mainit ang dugo ko sa taong iyon dahil siya ang dahilan ng muntik ko ng pagkamatay. Hindi ako tinulungan noon at talagang walang pakialam sa akin. Iyon ang hinding hindi ko mapapatawad.
“Attorney may malaking pabor akong hihilingin sa iyo. Alam ko naging maganda ang ginawa natin sa dating umampon sa akin. Nakasuhan sila. Dahil walang laban ang pamilya nila sa akin. Pero this time malaking pangalan ang babanggain natin. Pero sana matulungan niyo ako.” Ang mahabang pakikipag-usap ko kay Attorney.
“Sige dadaan ako diyan sa opisina niyo para mapag-usapan natin ang mga dapat na gagawin natin.” Ang sabi ni Attorney.
“Sige hintayin ko po kayo dito.” Ang sabi ko at binaba ko na ang telepono.
Naalala ko nga ng pinatawan sila Aling Martha at Mang George ng parusa. Halos magmakaawa sila sa akin. 3 taon na ang nakakaraan. Hindi ko nga nakita doon si Luther. Ewan ko kung bakit wala siya doon samantala ang mga kamag-anak niya andun para damayan sila Aling Martha at Mang George. Pero wala na akong pakialam noon sa pamilya nila at ayoko na ring magkaroon ng ugnayan sa kanila. Tama na ang tulong na ginawa ko sa anak ni Camille.
“Oliver please ayokong mabulok sa kulungan. Please gagawin ko ang lahat lahat.Pakawalan mo lang ako.” Ang nag-iiyak at nagmamakaawang sabi ni Mang George.
“Tang ina mo Oliver. Hindi kita mapapatawad kahit kailan. Papatayin kita oras na makatakas ako dito.” Ang pagbabanta ni Aling Martha.
Medyo natagalan ang pagbibigay ng hatol sa Pamilya Mercedes dahil kumalap pa kami ng maraming ebidensiya. Pero nagwagi kami kasi nahatulan sila ng habang buhay na pagkakabilanggo dahil sa pagpatay sa mga magulang ko at sa mga magulang ni Mama.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng dumating na ang kilala kong Pulis at si Attorney na pinapunta ko sa opisina ko. Ito ay para pag-usapan ang mga hakbang na gagawin namin laban kay Mr. Villacencio.
“So sarge anong gagawin natin tungkol dito? Natatakot ako sa maaaring mangyari. Lalo na baka may masamang mangyari sa aming dalawa ni Tinyo pag binunyag natin siya.” Ang sabi ko ka pulis na kakilala ko.
“Wag kang mag-aalala kasi may kakilala ako sa CIDG at NBI para sa mga ganitong kaso. Marami kaming nababalita kay Mr. Villacencio pero malakas ang kapit niya kaya hindi siya mahuli huli ng pulis. Saka nakakalusot sa imbestigasyon. Ngayon kumpirmado na nga siyang isa sa mga bigtime na nagbebenta ng pinagbabawal na gamot.” Ang sabi ng pulis na kakilala ko.
“Don’t worry Mr. Concepcion I’ll do my best para maprotektahan kayo at gawin kayong state witness para dito. Sisiguraduhin natin na makukulong siya.” Ang sabi ni Attorney.
Naging maganda naman ang usapan namin. May ginagawang surveillance sa mga kilos ni Mr. Villacencio. Nakumpirma nga nilang may binebenta itong bawal na gamot. Kaya naman isang entrapment ang gagawin para makulong siya.
Lumipas iyon ng isang buwan. Tuloy tuloy lang sila pagmamanman. Si Tinyo naman ay nakumpirma na niyang kay Mr. Villacencio ang pinagbabawal na gamit ng ibang kasamahan ni Tinyo sa basketball. Sinasama siya sa pagbibili ng marijuana at kanya itong binibigay sa akin para sabihin na si Mr. Villacencio ang nagbebenta sa mga estudyante at sa mga kilalang tao rin.
Isang araw ay sinabihan ko na si Tinyo na ihanda na niya ang sarili niya para sa isang entrapment. Alam kong natatakot siya pero sinabihan ko siya na pakatatag siya dahil nasa likod niya ako at hinding hindi ko siyang papabayaan na may mangyayaring masama sa kanya. Natatakot din naman ako pero dapat hindi ko iyon ipakita kay Tinyo para hindi siya panghinaan ng loob din.
“Kuya natatakot talaga ako? Baka pwedeng hindi na ako ang gumawa.” Ang nag-aalalang sabi niya sa akin.
“Hindi kita papabayaan at hindi ko hahayaan na may mangyari sa iyong masama.” Ang pagpapalakas ng loob ko sa kanya.
“Tinyo, bunso wag kang mag-alala nandito kami ni Kuya Oliver mo. Lakasan mo ang loob mo.” Ang sabi ni Justin kay Tinyo. At hinawakan ako sa aking beywang at dinikit sa kanyang katawan. Nagulat kaming dalawa ni Tinyo. Si Tinyo naman parang masama ang tingin sa pagkakadikit namin. Hindi ko alam.
Umiwas ako para mahiwalay ako sa kanya. Natutuwa ako sa kanya dahil sobrang lambing niya pag kami lang pero naasiwa ako lalo na pag laging tumitingin sa amin si Tinyo. Parang laging nakabantay sa aming dalawa si Tinyo.
Kinabukasan ay wala na kaming inaksaya pang panahon. Walang pasok si Tinyo ng araw na iyon. Tumwag si Tinyo kay Mr. Villacencio para bumili ng epektos. Sabi ni Mr. Villacencio ay siya mismo ang magbibigay sa kanya para daw makipagkamustahan sila.
Okay na ang lahat. Ang mga operatiba ay nakahanda na para sumalakay at medyo tago kasi ang lugar ng rest house nila Mr. Villacencio. Kahit maraming tauhan ay makakaya naman nila masugod si Mr. Villacencio. Siniguro rin nila kung may malulusutan ito. Nasa Taytay Rizal ang area na pupuntahan namin.
“Bunso kaya mo iyan. Basta siguraduhin mo lang na hindi makakahalata si Mr. Villacencio sa iyo. Basta umalis ka na kaagad kung makuha mo na iyong epektos at kung maari ay wag ka ng makipagkamustahan pa.” Ang sabi ko sa kanya.
“O..k.” Ang matipid at nautal pa niyang sabi. Alam kong natatakot na siya. Kahit naman ako matatakot din. Niyakap ko siya ng matagal na parang huli na. Nanalangin pa rin ako sa taas ng maging maayos na ito.
Matapos ang matagal na pagkakayakap sa isa’t isa ay. Sinamahan ko na siya sa rest house ni Mr. Villacencio. Binaba ko siya sa tapat ng bahay nila at hindi na ako sumama pa.
May isang tao sa taas ng gate na parang tumitingin sa mga paligid at dalawa naman sa gate. Naghintay kami sa labas. Medyo mataas at talaga sarado itong gate ni Mr. Villacencio at talaga namang hindi makikita ang loob nito. Hindi kasi tulad noon na bukas dala nga ng may pagtitipon noon.
Lumipas ang isang oras at hindi pa dumarating si Tinyo. Kinakabahan na ako. May backpack siya doon na nakalagay ang surveillance camera para maaktuhan ang pagbibigay ng marijuana ni Mr. Villacencio. Nakatingin sa amin ang mga bantay na nasa gate. Kami naman ni Justin ay nag uusap kunyari para hindi mahalata na parang wala lang sa amin.
Makalipas ang 30 minuto ay lumabas si Tinyo at mukhang balisa siya. Hindi ko alam. Pero nagmamadali siya lumabas. Kaya kaagad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan ng makapasok na siya. Ng aakmang papasok na si Tinyo ay nagulat kami sa isang sigaw.
“Hoy boy tawag ka ni Boss?” Ang sigaw ng tauhan ni Mr. Villacencio.
“Tara na bunso sakay na!” Ang mabilis na sabi ko kay Tinyo at kaagad na sumakay si Tinyo at sinara kaagad para makaalis kami. Habang pinapaandar ang sasakyan ay nakarinig kami ng mga yabag ng mga paa.
“Dalian mo Justin. Tara na umalis na tayo dali.” Ang nagmamadali kong sabi kay Justin.
“Hoy bumalik kayo!” Ang sabi ng isang tauhan ni Mr. Villacencio at inumang na sa amin ang kanyang baril para barilin kami.
Napaandar na ni Justin ang sasakyan at humarurot na paalis. Kasabay noon ay nakarinig kami ng sunod sunod ng putok na baril. Pinayuko ko si Tinyo para hindi kami matamaan. Tinawagan ko na ang pulis na kakilala ko para sabihan na sumalakay na.
Nakasalubong na namin sila sa hindi kalayuan sa lugar ng bahay ni Mr. Villacencio. Kakarating palang nila. Tiningnan namin ang bahay at wala ng tao sa labas. Pumasok na sila. Sumalakay na ang mga pulis para mahuli sa akto si Mr. Villacencio.
Nagkaroon ng ilang putok ng baril sa pagitan ng tauhan ng pulis at ni Mr. Villacencio. Habang lumalayo kami ay pinahinto ko sa di kalayuan ang sasakyan para makita ang operasyon. May pulis din naman doon kaya ligtas na kami.
“Tinyo bakit parang nakatunog ata si Mr. Villacencio sa ating plano? Ano bang nangyari.” Ang usisa ko.
“Kuya mukhang nakahalata nga si Mr. Villacencio kasi may tumawag sa kanya sa telepono ng bahay nila. At medyo tumagal kaya hindi ko siya nakausap. Naibigay na niya sa akin ang marijuana ng may tumawag sa kanya. At napalingon siya sa akin na parang nagulat. Tapos tumalikod ulit. Nakakuha naman akong ng tiyempo para umalis na doon na parang walang nangyari. Iyon na nga ang nangyari sa atin ng makita mo akong parang balisa.” Ang mahabang paliwanag niya. At nanginginig na siya. Kaya niyakap ko siya at saka siya umiyak.
“Ssshhh..tahan na bunso. Alam kong natrauma ka. Pasensya na ha. Hinding hindi na ito mauulit pa.” Ang pagpapakalma ko sa kanya.
“Pasensya na Kuya kasi akala ko mamatay na ako. Akala ko hindi na kita makikita pa. Kuya basta walang iwanan.” Ang naiiyak na sabi niya.
“Oo naman..Ikaw lang ang bunso ko at hinding hindi kita iiwan.” Ang paglalambing ko sa kanya.
“Salamat Kuya!” Ang hinigpitan niya ang yakap sa akin. Nakita ko si Justin an nakatingin lang sa amin. Pero nakikita ko siya na parang nagseselos. Kasi hindi ko siya niyayakap kahit kailan. Siguro naiingit kaya lalo kong niyapos si Tinyo.
“Kuya nahihirapan akong huminga.” Ang hirap na sabi ni Tinyo. Nahigpitan ko yata kaya bumitaw ako at nakita ko siya kumukuha ng hangin. Napatawa naman ako sa kanya at niyakap ko ulit.
Matagal kaming nagyakap. Bumaba kami ng sasakyan para magpahangin. Nakayakap lang sa akin si Tinyo. Sunod sunod na putok na baril ulit ang narinig namin.
Lumipas ulit ang ilang oras at natapos na ang operasyon at nakita na namin si Mr. Villacencio na may tama ng baril sa kanyang balikat tanda na nanlaban siya at nakaposas. Tumingin siya sa amin ng magtama ang aming mga paningin. Napayakap ng mahigpit si Tinyo gayundin ako sa kanya. Hinawakan naman ako sa balikat ni Justin.
Masama ang tingin sa amin ni Mr. Villacencio. Bago siya ipasok sa sasakyan ng pulis. Maya maya ay may dumating na iba pang pulis maliban sa kasama naming pulis pero ang ikinagulat ko ay kasama nila. Si Chief Inspector Alfredo Mercedes, Sarhento Copruz at Sarhento Cruz.
Ang mga iyon ang mga pulis na gustong pumatay sa akin. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila. Akala ko sa Quezon City sila nakaassign. Ano ang kanilang ginagawa?
Kinabahan ako na mukhang may alam sila dito sa operasyon namin. Nakita kong lumapit sila sa mga pulis na humuli kay Mr. Villacencio. Pumasok na kami ni Tinyo at sumunod si Justin sa amin. Bago pa kami umalis sa lugar na iyon ay nakita kong parang kinakausap ni Chief Mercedes si Mr. Villacencio at tumingin sa amin pero saglit lang iyon akala siguro nila hindi ko iyon nakita.
Kutob ko ay protektor ni Mr. Villacencio si Chief Mercedes. Kinabahan ako. Kaya pala talagang hindi mahuli huli ay may protektor ito sa taas. Hindi kaya si Chief Mercedes din ang tumawag kay Mr. Villacencio kanina na sinabi ni Tinyo. Pinagkibikit balikat ko na lang iyon.
Naging malaking isyu iyon sa bansa. Maraming press people ang sunod sunod na nagpupunta sa opisina. Bukod tanging ang aming attorney ang humaharap sa takot na balikan kami ng mga tauhan ni Mr. Villacencio.
Binigyan kami ng karagdagang security para sa kaligtasan namin. Meron din sa bahay namin mga 2. 2 rin kasama namin araw araw. Mabuti na iyon para makasigurong walang mapapahamak sa amin.
Isang araw habang ako ay nagdudumi sa aking pinagtatrabahuhan ko ay may isang lalaking may kausap sa telepono. Nabosesan ko na si Mr. Sosengco iyon.
“Chief Mercedes, ano ng nangyari sa balae ko. Kailan siya makakalaya?” Ang sabi ni Mr. Sosengco.
“Sige kayo na ang bahala. Gusto kong makalaya siya o pakawalan niyo.” Siya pa rin.
“Asahan ko yan. Maraming bantay walang lusot.” Dagdag niya.
“Sige mamaya na tayo mag usap.” Ang nagmamadali niyang sabi.
Mukhang may pumasok kaya natigil ito sa pagsasalita. Dalawang lalaki ang pumasok kasi nag uusap pa sila. Samantalang si Mr. Sosengco ay lumabas na dahil narinig ko may bumukas ulit ng pintuan. Natapos na ako at saka lumabas para maghugas ng kamay. Lumabas na rin ang dalawang lalaking pumasok.
“Tang ina sino kaya yung sinasabi ni Mr. Sosengco? Hindi kaya si Mr. Villacencio iyon.” Ang sabi ko sa aking sarili.
Hindi ako mapakali. Bumalik na ako sa aking opisina. At nag iisip kung anong gagawin ko. Kailangan mabantayan si Mr. Sosengco. Kinontak ko ang pulis na kakilala ko para paimbestigahan ang galaw ni Mr. Sosengco. Baka may gawin na naman siyang mali.
Hindi ako nagkamali na kakilala nga niya ang mga pulis ng muntik ng pumatay sa akin. At mukhang si Mr. Villacencio ang sinasabi niya. Balae nga pala ni Mr. Sosengco si Mr. Villacencio. Bakit hindi ko iyon naisip? Siguro alam ni Mr. Sosengco ito.
Umokey naman sa mga sumunod na araw. Nakita ko isang araw na masaya si Mr. Sosengco. Binati ko siya at pinaringgan.
“Good Morning Mr. Sosengco, mukhang happy ka ha?” Ang bungad ko sa kanya.
“Good Morning din sa iyo. Oo happy ako sa mangyayari mamaya.” Ang parinig niya sa akin. Makahulugan iyon.
“Happy bakit may maganda bang mangyayari sa iyo? Mapropromote ka ba? Wala pa namang eleksiyon. Matagal pa iyon O baka naman tungkol ito sa balae mo?” Ang makahulugan kong sabi din sa kanya.
“Wala kang paki. At saka hindi ako natutuwa sa pagkakaframe up sa balae ko.” Ang galit at giit niya.
“Frame up? Patawa samantalang kitang kita ang ebidensya. Bakit mo pagtatakpan ang isang kriminal? Baka naman nakinabang ka rin sa kanya? Kasosyo ka yata?” Ang sarkastiko kong sabi. Natawa naman ang ibang kasama niya.
“Don’t accuse me. Sa pananalita mo ay pinaparatangan mo ako na may kinalaman sa mga illegal na bagay. Ibahin mo ako.“ Ang galit niyang sabi.
“I’m not accusing you. Im just asking. Defensive ka masyado.” Ang sarkastiko kong sabi.
“Better watch your words. Baka iyan ang ikapahamak mo.” Ang banta niya sa akin.
“Will you please excuse us.” Ang dugtong niya.
Naiwan akong napaisip sa kanya mga sinabi lalo na iyong huli. Medyo kinabahan ako. Kaya tinawagan ko kaagad ang kilala kong pulis na bantayan maiigi si Mr. Villacencio.
Kinabukasan ay nagising ako sa isang katok galing kay Justin. Binuksan ko ang aking kuwarto. Medyo nalate ako ng gising dala ng medyong nagtagal ang board meeting namin kahapon. Isama mo pa ang pag iisip ko sa mga sinabi ni Mr. Sosengco. Ewan ko pero masama ang pakiramdam ko.
“Bakit aga mo namang kumatok?” Ang wala kong ganang sabi kay Justin at pupungas pungas pa ako ng mata.
“Buksan mo ang TV mo dali?” Ang sabi niya sa akin. Dali daling pumasok sa aking kuwarto at binuksan ang TV.
Nanlaki ang mata ko at nagising ang diwa ko sa nakita at narinig na balita. Nakatakas daw si Mr. Villacencio ng ilipat daw ito sa CIDG. Tinambangan daw ang may dala kay Mr. Villacencio. Napahawak ako kay Justin. Nakita ko ang pag aalala sa mukha niya.
“Justin anong gagawin ko?” Ang sabi ko kay Justin.
“Kailangan nating mag-ingat dahil gaganti panigurado si Mr. Villacencio sa inyo. Umalis muna kayo ng bansa. Mas safe iyon at hayaan na muna ang mga pulis ang mag-ayos wag ka ng makialam pa. Hindi magiging maganda ito para sa inyo ni Tinyo” Ang seryosong sabi ni Justin.
Tama naman si Justin kaso talagang gusto kong gumanti kay Mr. Villacencio. Gusto kong danasin niya ang mga pahirap na dinanas ko sa kanyang kamay dati. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kabilis ang paglaya niya.
“Tinyo, bunso puntahan kita ngayon sa school niyo. Pagpapalam kita kasi may nangyari hindi maganda. Diyan ka lang. Wag kang aalis na scholl niyo. Delikado sa labas.” Ang sabi ko kay Tinyo mng tawagan ko siya kaagad ng malaman kong nakatakas si Mr. Villacencio.
“Sige po Kuya hantayin kita dito.” Ang sabi ni Tinyo.
Dali dali kaming pumunta ng school ni Tinyo para sabihan na rin ang kanyang mga guro tungkol dito. Pumayag naman sila ng sabihan ko ang sitwasyon namin at naiintindihan naman nila.
“Dalian na natin. Kailangan na naming ihanda ang pag alis namin sa ibang bansa.” Ang sabi ko kay Justin ng pasakay na kami sa sasakyan.
“Kuya ano bang nangyayari?” Ang usisa ni Tinyo.
Sinabi ko ang nangyari kay Tinyo. Nagulat ito at natakot. Habang nag-uusap kami ay bigla may sumulpot na nakamotor.
“Oliver, Tinyo yuko kayo dali!!!” Ang sigaw ni Justin sa amin.
At sunod sunod na putok ang narinig namin. Buti na lang may kasama kaming mga Pulis na pinasama sa amin ng kilala kong Pulis para bantayan kami. Hinabol na mga Pulis ang motor kaso hindi na nagawang mahabol dahil nakalayo na ito at ang mga sasakyan ay nagsitigil dala ng insenteng nangyari. Kaya nahirapan ang mga Pulis na humabol.
“Oliver, Tinyo ok lang kayo?” Ang nag-aalalang sabi ni Justin.
“Oo okay lang kami. Ikaw?” Ang balik tanong ko kay Justin.
“Okay lang din.” Ang sabi ni Justin.
“Kuya Oliver natatakot na ako.” Ang takot na takot na sabi ni Tinyo at yumakap sa akin.
Hindi na rin kami bumalik sa bahay. Kundi naghotel na lang kami. Tumawag ako kay Josephine at Attorney para sabihin ang plano ko.
“Josephine, pakicancel lahat ng appointment ko ngayon. At pakisabi sa board na magleleave ako temporary. Hindi ko alam kung hanggang kailan pero pakisabi na ang dahilan ay threat sa buhay ko at sa pamilya ko.” Ang sabi ni ko kay Josephine sa telepono.
“Sige po sir. Ako na po ang bahala diyan. Ingat po kayo.” Ang sabi ni Josephine.
“Salamat. Pasensiya na sa abala.” Ang sabi ko kay Josephine at binaba ko na ang telepono ko.
Ngayon ko lang napansin na my text sa akin. Unknown number. Isang banta ang natanggap ko.
Di pa tayo tapos.
Kinabahan ako. Kaya sumunod ay tinawagan ko si Attorney.
“Attorney, magleleave ako dala ng banta sa buhay namin. Nabalitaan mo naman ang nangyari kay Mr. Villacencio. Aalis kami ng bansa at doon muna pansamantalang titira. Hangga’t hindi pa nahuhuli si Mr. Villacencio. Ikaw na ang bahala sa posisyon ko muna sa kumpanya.” Ang sabi ko.
“Sige ako na ang bahala. At saka gagawa na ako ng kasong ihahain para kay Mr. Villacencio.” Ang sabi ni Attorney.
“Salamat. Asahan ko iyan.” Ang sabi ko at binaba ko na ang tawag.
Wala na kaming inaksayang panahon. Pinakiusapan ko ang school adminisration ni Tinyo kung anong pwedeng gawin. Wala kasi silang home based study. So mapipilitan daw talagang huminto si Tinyo pero magpapadala na lang daw ng mga home work ang school para sa kanya para makapagbasa basa din siya at hindi mahuli. At least pag bumalik na si Tinyo sa school ay papayagan naman nila ulit siya iadmit at maipagpatuloy ang pag-aaral niya.
“Okay lang po iyon Kuya Oliver. Ganun po talaga iyon. Saka mas okay na po iyon dahil mas matagal na po tayong magbobonding at magsasama.” Ang sabi ni Tinyo.
“Nanghihinayang lang kasi ako. Pero sasama din natin kasi si Justin para may kaagapay din tayo.” Ang sabi ko.
“Okay lang po.” Ang sabi ni Tinyo bahagyang lumungkot ang mukha. Hindi ko maintindihan kung para saan iyon pero hindi ko na lang pinansin.
Umalis na kami ng bansa kinabukasan para sa aming kaligtasan. Hindi na namin hinantay na tumagal pa sa bansa baka kung ano pa ang mangyari sa amin. Sinabihan ko kasi si Justin na tumingin ng isang apartment type na bahay para tuluyan namin. At susundo sa amin mula sa airport hanggang sa aming tutuluyan. Kailangan din namin ng isang sasakyan at driver para makapunta kami sa iba’t ibang lugar.
Naging maayos naman ang aming pagdating doon. Wala naman nakamasid sa aming galaw. Mabuti na ito ng makalayo muna sa mga banta ni Mr. Villacencio. Alam ko sa mga sandaling ito ay gumagawa na siya ng paraan para makaganti sa amin. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin niya.
Pinabantayan ko muna ang mga bahay namin sa Pilipinas. 24 hours din ang security doon. Hindi basta basta makakapasok sa loob pag hindi dumaan sa isang mahigit na inspeksiyon na aking hinihiling. Nagpakabit na rin ako ng security camera sa buong lugar ng bahay. Katulad din sa condo na aming tinutuluyan. Walang bagay din ang nakakapasok sa loob kasi dumadaan ito sa inspeksiyon.
Alam kong babawi ang mga iyon sa amin. Hindi na natin alam kung kailan sila sasalakay. Habang nasa Malaysia kami ay tinatawagan ko rin ang kakilala kong pulis na magmanman sa lahat ng galaw ni Mr. Villacencio.
“Sarge pakibantayan po si Mr. Sosengco palagay ko alam niya ang kinalalagyan nila Mr. Villacencio kasi magbalae sila.” Ang sabi ko.
“Ako ng bahala doon. Pag may progress ay tawagan kita ulit.” Ang sabi ng Pulis na kakilala ko.
At iyon na nga ang ginawa niya. Pero wala pa rin akong balita hanggang ngayon sa kinaroroonan ni Mr. Villacencio.
Ginawa na lang namin para maaliw kami ay namasyal. Pinuntahan ang mga magagandang tanawin sa Malaysia. Pumunta rin kami sa mga kalapit na bansa gaya ng Thailand at Singapore. Hindi namin iyon pinalampas. Siyempre tuwang tuwa na naman si Tinyo sa mga bagay bagay na nakikita niya. Madalas naman din kaming umalis para magbakasyon pero sa Pilipinas namin naisipan magbakasyon muna. Minsanan lang kami pumunta ng ibang bansa kaya nilubos lubos na namin.
Suwerte din itong si Justin dahil dala ko siya kahit saan ako pumunta. Minsan pag may oras ay lumalabas kami lang ni Justin para siyempre makapagsarili pero lagi kaming umaalis ni Tinyo na dalawa lang kami. Hindi ko alam pero parang may kakaiba lang kay Tinyo. Napapansin kong madalas siyang maglambing sa akin pag nakikita niya kami ni Justin na naglalambingan din. Hindi ko alam kung nagseselos siya. Pero iyon kasi ang nararamdaman ko.
Lumipas ng ilang buwan. At wala pa rin kaming natatanggap na tawag kung pwede na kaming bumalik. Gustuhin ko mang umuwi ay hindi ko gugustuhin isakripsiyo ang aming kaligtasan. Gusto ko na rin itong tapusin at para makapagsimula na kami. Ayokong lagi na lang kaming nagtatago buong buhay namin. Kaya kailangan ko na talagang tapusin na ito.
“Sarge babalik ako diyan. Kailangan tapusin na natin ito. Ayoko ng patago tago.” Ang sabi ko sa kakilala kong Pulis.
“Oliver hindi pa handa ang lahat. Maghintay ka lang muna.” Ang sabi ng Pulis.
“Sensya na bukas uuwi na ako. Ayoko ng ganito. May plano na ako.” Ang sabi ko sa kakilala kong Pulis.
“Sige sunduin na lang kita sa airport para pag-usapan iyang plano mo.” Ang sabi niya.
“Salamat. Asahan ko iyan.” Ang sabi ko at binaba ko na ang telepono.
Nakabalik na ako sa Pilipinas makalipas ang isang linggo. Nakipagkita ako sa isang kilalang hotel na malapit sa airport. Hindi muna ako uuwi ng bahay para sabihin nilang wala pa ako sa Pilipinas. Pinakita sa akin ang lahat ng mga litrato na binigay ng nagmanman sa mga kilos ni Mr.Villancencio. Magaling ang kakilala kong pulis dahil matalik na kaibigan siya ni Kuya Emil sa probinsiya. Bata pa ito kumpara kay Kuya Emil. 3 taon ang agwat namin. Ang pangalan niya ay si Sarhento Marcus Santillan. At may balak siyang mangibang bansa pero hindi ko alam kung anong gagawin niya doon. Gusto ko nga siyang kunin kaso ayaw niya dahil mas mabuti ng wala daw akong koneksiyon sa pulis para na rin sa aking kaligtasan. Sinang-ayunan ko naman ito.
Nalaman ko din na si Chief Inspector Mercedes, Sarhento Cruz at Sarhento Corpuz ang nag-aalaga kay Mr. Villacencio sa isang tagong lugar sa Tarlac. Pinaimbestigahan ko kasi ang tatlo. Hindi ko iyon sinabi sa mga nagiimbestiga ng kaso ni Mr. Villacencio. Gusto ko kasi ako ang gumanti sa tatlo.
“Ganito ang gagawin natin. Kukuha tayo ng isang drug addict na kukuha ng epektos kina Villacencio. Siya ang magiging asset natin. May bomba tayong ilalagay sa loob ng maletang kanilang kukunin yung madaling sumabog. Para pag nakuha na nila ang pera ay pwede ko ng pasabugin iyon. Mahirap pero kailangan kong gawin ito dahil tiyak iyong hindi magpapahuli si Mr. Villacencio sa inyo. Gaganti rin iyon sa amin hangga’t hindi kami napapatay kaya uunahan ko siya.” Ang sabi ko.
“Delikado iyan pero sige marami akong kakilala na gumagawa ng improvised explosive device. Kailan mo gagawin ang plano.” Ang sabi ni Sarhento Santillan.
“Sa lalong madaling panahon.” Ang sabi ko.
Dumating ang araw na iyon at sa isang masukal na lugar kami nakipagkita. Naglagay kami ng bomba sa mga perang nilagay namin sa dalawang maleta. Hindi mapapansin iyon basta basta dahil tago iyon. Nauna kami sa aming impormante. Nandoon na kami kagabi pa para manmanan ang bawat kilos ng bawat kampo.
Umaga na ng makita naming nagsidatingan ng ang mga tauhan ni Mr. Villacencio kasama ang mga pulis na sina Chief Inspector Mercedes, Sarhento Cruz at Sarhento Corpuz. Nasa isang sasakyan si Mr. Villacencio at magkasama naman ang tatlo sa isa pang sasakyan. 2 sasakyan ang pinag usapang dalhin ng magkabilang kampo para hindi ito mapansin ng mga pulis. Sumang ayon namang ang grupo nila Mr. Villacencio.
“Nasaan na pera?” Ang sabi ng tauhan ni Mr. Villacencio.
“Eto!Asan na rin ang epektos?” Ang sabi ng aming impormante. At binigay ang pera.
Tiningnan ito ng mga tauhan ni Mr. Villacencio at sumenyas ng okay. Saka binigay ay dalawang maleta. At binigay ang epektos sa aming impormante. Nakita namin na binigay ng tauhan ni Mr. Villacencio ang pera na nakalagay sa isang pang maleta sa mga pulis na kasama ni Mr. Villacencio.
“Ayos na kami dito!” Ang sabi ni Chief Inspector Mercedes ng iabot ng tauhan ni Mr. Villacencio.
“Boss yes marami na naman akong babaeng makukuha.” Ang sabi ni Sarhento Corpuz.
“Tara na boss. Kinakabahan ako.” Ang sabi ni Sarhento Cruz.
“Relax walang nakakaalam ng lugar na ito. “Ang sabi ni Sarhento Corpuz.
*RING*
Naputol ang pag uusap nilang tatlo ng may tumawag.
“Mr. Villacencio. Salamat sa inyo. Sige una na kami.” Ang sabi ni Chief Inspector Mercedes.
Habang sa kinaroroonan naman ni Mr. Villacencio ay nagsabi na ito na umalis na pagkatapos na makumpirmang nasa kanila na ang pera. Naisipan ko ng tumawag kay Mr. Villacencio.
“Hello sino to? Bakit alam mong number ko?” Ang sabi ni Mr. Villacencio.
“Mr. Villacencio natatandaan niyo pa ba ako?” Ang sabi ko kay Mr. Villacencio.
“Sino ito? Wag ka ng magpaligoy ligoy pa. Anong kailangan mo?” Ang napataas na sabi ni Mr. Villacencio.
“Buhay mo ang kailangan ko Mr. Villacencio.“ Ang sabi ko.
“Tang ina baka gusto mong mamatay ka!Wag na wag mo akong tatakutin.” Ang galit na sabi niya.
“Relax Mr. Villacencio.Tumingin ka sa sinusundan mong sasakyan. Bumilang ka ng tatlo. Ganyan ang mangyayari sa iyo. 1-2-3.” Ang sabi ko.
*BOOM*
“Narinig mo ba ang nangyari sa kanila? Ikaw na ang susunod. Wag na wag kang magtatangkang umalis dahil alam ko kung nasaan ka?” Ang sabi ko kay Mr. Villacencio.
“Si..no ka u..ngas?”Ang ang galit pero nauutal na sabi niya.
“Ako lang naman ang nagpakulong sa inyo noon.Remember?”Ang sabi ko.
“Ikaw? Mr. Concepcion. Tang ina!Humanda ka sa akin.”Ang galit na sabi niya.
“Yan ay kung mabubuhay ka pa.”Ang sabi ko.
“A..anong si..nasabi mo? Ba..bakit mo ba ito gi..nagawa?” Ang nauutal na sabi niya.
“Magdasal ka na. Dahil huling araw muna sa mundong ito. Tang ina! Nakaganti na rin ako sa mga kawalang hiyaan mo sa akin noon. Halos mamatay na ako noon pero iniwan mo ako. Gago ka! Hindi mo alam ang impiyernong dinanas ko sa kamay ng mga galamay mong pulis na kumuha sa akin. Siguro naman natatandaan mo na ako.” Ang galit na galit na sabi ko sa kanya.
“I..ikaw ang tatanga tanga bata noon. Nabuhay ka pa pala!” Ang sarkastikong sabi niya.
“Oo..para gumanti sa iyo. “Ang sabi ko
“Tama lang sa iyo iyon. Dahil tanga ka! Kung hindi dahil sa iyo malaking pera na ang nakuha ko.” Ang galit na sabi niya.
“Tanga pala ha. Goodbye!” Ang galit na sabi ko sa kanya. Sabay baba ng cellphone.
*BOOM*
Kinagabihan ay nabalitaan na namin ang balitang pagkamatay ni Mr. Villacencio at ang grupo nila Chief Inspector Mercedes. Tuwang tuwa ako ng natapos ko na ang misyon kong paghihiganti. Napag-alaman nilang protektor pala si Chief Inspector Mercedes ni Mr. Villacencio. Ng malaman ko iyon ay saka ako bumalik sa Malaysia para sabihin kina Tinyo at Justin na maari na kaming bumalik.
Makalipas ang isang buwan ay naisipan na naming bumalik sa Pilipinas. Sinabihan na rin kami ni Sarhento Santillan. Ngayon ay pwede na kaming makapamuhay ng matiwasay ulit. Hindi na kami patago tago.
Isang araw ay maaga akong pumunta sa aking opisina para sabihan ang board member at mga katrabaho na bumalik na ako. Siymepre masaya ang mga kasama ko sa trabaho. Pero sa hindi kalayuan ay nakita kong masama ang tingin sa akin ni Mr. Sosengco. Hindi ko na lang siya pinansin pa.Dahil pag nagkamali siyang banggain ako matakot na siya. Baka siya ang isunod ko sa balae niya.
Habang sa kinaroroonan ni Mr. Sosengco ay dumaan muna ito sa banyo para makapag-ayos ng sarili bago pumunta ng board meeting.Humarap ito sa salamin.
Mukhang masaya ka na ngayon Mr. Concepcion wag kang pakasiguro na mananatili ka sa posisyon mo. Hindi hindi ako papayag na ikaw ang bida sa lahat. Naisahan mo man ang balae ko ibahin mo ako.Mas mautak ako sa kanya. Gusto mo pa akong sumabit sa kanya.
Buti naman nakatunog ako na umalis ka ng ibang bansa. Kailangan kong mag lie low muna kay balae dahil alam kong may nagmamanman sa kanya matapos na malaman ng buong sambayanan na nakatakas siya.
Sisiguruhin ko na babalik ka Mr. Concepcion sa dati mong buhay. At babawian kita sa ginawa mo sa balae ko. Alam kong ikaw ang nagpahuli sa kanya. Wala man akong ebidensiya na ikaw ang pumatay kay balae pero tinitiyak kong gaganti ako.
Ayokong makitang nagdudusa ang daugther ko sa nangyayari sa buhay ng asawa niya. Kaya ipaghihiganti ko siya. Tandaan mo iyan Mr. Concepcion. Maghintay ka dahil nalalapit na ang paghihiganti ko.
Nasa ganoon siyang pag iisip sa kanyang sarili ng ako ay dumaan. Nagkita ang aming mga mata. Wala man naganap na pag-uusap ay alam kong may magaganap na isa na namang digmaan.Hindi ko alam kung kailan iyon pero sinisiguro kong magiging handa ako. Ngayon pang wala ng masyadong problema sa buhay ko.Halos natapos ko na silang lahat.
Si Mr. Sosengco na lang ang problema ko. Pero wala naman siyang masyadong ginagawa sa akin na masama. Bukod sa laging pagpapahiya niya sa akin na akin namang ginagantihan. Kaya patas lang kami. Naging maganda naman ang buhay namin sa mga nagdaang araw. Wala na rin kaming pangamba na babalikan kami sapagkat humina na raw ang galamay ni Mr. Villacencio simula ng mahuli siya. Siguro natatakot din ang ibang tauhan niya dahil hindi nila alam kung sino ang kalaban nila.
Dahil nabalita nilang ang gumawa daw noon ay isang ring kalabang sindikato. Mabuti naman at naging maganda ang kinalabasan ng aming plano.Naging laman sa diyaryo ang sunod sunod na patayan sa magkabilang sindikato.
Wala ng nakakaalam sa aming ginawa ni Sarhento Santillan bukod sa aming dalawa. Hindi ko rin sinabi ito kay Attorney.

"Unti unti ng nawawala ang mga taong nagpahirap sa akin. Alam kong mali ang pumatay. Pero kung hahayaan ko lang sina Mr. Villacencio ay hindi ako magiging masaya. Puro tago lang ang gagawin ko. Inunahan ko na siya bago pa niya ako maunahan." Sa isip ko.
Bumalik na si Tinyo sa kanyang pag-aaral. Naging maganda naman ang kinalabasan. Siya pa rin ang tinuturing na pinakamagaling na atleta sa larangan ng basketball sa sekundarya at marami na ang nagpapahaging ng interes na kunin siya ng iba’t ibang kolehiyo. May 1 taon na lang siya na natitira sa kanyang sekundarya. Kasi pinagsummer siya ng eskwelahan niya para makapagtapos ng 3rd year.
Okay naman iyon kay Tinyo. Nakabalik na siya sa pagigig aktibo sa pag-aaral. Sumapit ang ikaapat na taon niya sa sekundarya at talaga namang gumagaling siya sa paglalaro niya sa basketball. Hindi rin niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral. Ngayon pa na siya ang kinokonsider na maging Valedictorian ng klase nila.
Naging matagumpay din siya sa pagbabalik niya sa basketball. Naging MVP siya ulit at nagkampeon ang kanilang eskwelahan. Hindi kasi siya nakalaro sa kanilang eskwelahan last year dahil nga umalis kami ng bansa dala ng naganap na pangyayaring gumulat sa buong sambayan.
"Congrats bunso." Ang sabi ko Tinyo ng magkaroon ng salo salo sa bahay.
"Salamat Kuya. Ginalingan ko talaga para sa iyo ito Kuya Oliver." Ang sabi niya.
"Ikaw talaga bunso. Payakap nga si Kuya." Ang sabi ko.
At niyakap niya nga ako ng pagkahigpit higpit. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kakaiba talaga ang karisma ni Tinyo. Kasi iba na ang pakiramdam ko sa mga ginagawa ni Tinyo nitong mga nakalipas na araw. Hindi ko maintindihan pero isa lang ang sigurado ako. Ito ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Pero mali ito dahil magkapatid kami. Kaya pinagkibit balikat ko na lang ito.
Nagkaroon din ako ng agam agam kay Tinyo sa tunay sa sekswalidad niya. Kasi hindi ko nababalitaan kung may nililigawan siya. Maporma, maganda ang katawan at may hitsura talaga si Tinyo kaya nagtataka lang ako dahil wala siyang sinasabi sa akin. Pero baka naman nililigawan pa lang niya kaya hindi pa niya sinasabi sa akin. Siyempre gusto kong magkaroon siya ng sariling pamilya niya balang araw.
Isang araw dumating si Tinyo na lasing na lasing. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit siya naglasing. Hinatid siya ni Justin at nakakaasar lang na iniwan niya ako ng ihatid niya si Tinyo pero para siyang galit ng umalis. Mabigat pa naman si Tinyo kaya nahirapan akong buhatin siya. Naihiga ko na siya sa kanyang kama at hinubad ang damit niya at pinunasan ko din siya para mahimasmasan siya. Habang pinupunasan ko siya ay nagsalita ito.
“Kuya Oliver mahal na mahal kita. Akin ka lang. Walang aagaw sa iyo.” Ang sabi niya na aking kinabigla.

Kanino kaya mapupunta si Oliver? Ano kaya ang mangyayari sa magkapatid? Paano na si Justin? Tunghayan sa susunod na update ko - 1/27/12. Malapit na po ang katapusan.
7 comments:
what ..... may gusto din si tinyo sa kuya oliver nya.....omg....uu nga,,,, d kita masisi oliver kung bakit nagawa mong pumatay ng tao.... sobra naman kasi ang mga napag daanan ng buhay nyo ni tinyo lalo na ikaw...tama lang ang ginawa mo... subalit nan jan pa naman si mr sosengco ....isang panganib pa... kaya dapat mag ingat
ramy from qatar
dito na lang ako magcocoment.. delay kasi sa BOL eh..
i knew it! magiging karibal nga ni Justin itong si Tinyo!
ang hirap ng kalagayan nila ngaun...
si justin na lang sana ang piliin ni oliver....naku oliver corruption of minor yan oliver....pigilan mo ang self mo para kay tinyo.... kapatid mo lang sya....
ramy from qatar
Hintayin niyo ang next update ko. Basta hindi niyo aasahan ang mangyayari sa kanilang tatlo..
lol sbi q na iba mga pnapakta ni tinyo sa mga nkaraang chapters eh x3 nu kea pnagusapan nla tinyo at justin?
waahhh ang ganda ng bawat chapter kakaintense ehehe galing goob job po ingat:):):)
Post a Comment